author-banner
reeenxct
reeenxct
Author

Nobela ni reeenxct

Lost in the Maze: Elias de Marcel

Lost in the Maze: Elias de Marcel

Si Atasha Celestine ay isang dalagang hindi nagpapahiwatig ng anumang damdamin o interes sa ibang mga lalaki. Sa loob ng labing-apat na taon, buong puso niyang inilaan ang kanyang pagmamahal kay Elias Al Tiera de Marcel. Mula pa noong sila'y nasa high school hanggang sa kanilang pagtuntong sa kolehiyo, at maging sa panahon na sila'y may kanya-kanyang trabaho, hindi nagbago ang kanilang pagsasama. Para kay Atasha, ang pag-iisang dibdib na lamang ang hinihintay sa kanilang relasyon, at kuntento na siya sa buhay na mayroon sila. Subalit, sa kabila ng labing-apat na taong pagsasama, hindi pa rin niya nakakamtan ang anumang pangako ng panghabambuhay na pagsasama. Dahil wala pang singsing na nagbibigay katiyakan, maaaring isipin ng iba na hindi sila magkakatuluyan. Nag-alay siya ng lahat para kay Elias, ngunit sa kanilang mahabang paglalakbay, dito niya nadama ang kakulangan.
Basahin
Chapter: Wakas
WAKASAtasha's POVIt’s been a month since bumalik kami ni Celsius sa Pilipinas! We flew back together, kahit na ilang beses ko na siyang sinabihan na mauna na siya, ayaw pa rin niya. Hinahanap na siya sa work, pero dahil siya ang boss, wala talagang choice ang secretary niya kundi hintayin kami. Nagtagal pa kami sa Seoul for over a week bago kami nag-decide umuwi.Ngayon, isang buwan na ang nakalipas at hindi pa rin siya umaalis sa tabi ko. Alam na niya lahat ng contacts ko, alam niya kung saan ako nakatira, at pati restaurant ko. Honestly, hindi ko alam paano niya nagagawa 'to—imagine, taga-Antipolo siya pero araw-araw siyang pumupunta sa Batangas para makita ako.Nasa restaurant ko siya palagi, nag-aabang hanggang matapos ang shift ko para ihatid ako pauwi. Halos di ko na nagagamit yung kotse ko kasi lagi na lang niyang kinukuha at hinahatid ako. Tapos, just yesterday, binilhan niya ng condo yung sarili niya, malapit lang sa akin! I was totally shocked.I mean, who would've thought
Huling Na-update: 2024-10-29
Chapter: Kabanata 40
KABANATA 40Atasha's POVI can feel the chill here at Namsan Tower; ang lamig dito sa gabi! Hindi ako handa, at hindi ako nagdala ng makapal na coat. My breath fogs in the air as I huddle against myself, gazing out at the beautiful city of Seoul.After a moment, naramdaman kong ipinatong ni Celsius ang coat niya sa balikat ko. "Here, mukhang hindi ka komportable sa lamig," he said, smiling as he settled beside me. "Kanina pa tayo naglilibot.""Yeah, you're right," sagot ko, sabay buntong-hininga. "Aren't you freezing? Ibibigay mo ‘to sakin?" I asked with concern.Kahit na suot niya ang thick sweater with a high neckline, alam kong hindi sapat iyon para labanan ang tindi ng lamig. Iba kasi ang chill dito sa Korea—parang mas tumatagos, unlike sa Italy na mas tolerable."Not really," he replied, giving me an assuring smile. "Pero next time, magdala ka ng coat para hindi ka lamigin," paalala niya, gentle but sincere."Yeah, I'll keep that in mind," sabi ko, grateful for his thoughtfulness
Huling Na-update: 2024-10-29
Chapter: Kabanata 39
KABANATA 39Atasha's POVRamdam ko ang tension habang nagtitipon kami ng ibang contestants sa stage. Halo-halong emosyon—kaba, excitement, at saya. Sampu kaming nakatayo, ready na harapin ang challenge. Sa first round, kailangan naming magluto ng Bolognese, isang classic Italian pasta na favorite ng marami.Nasa harapan ako ng stove ko, at parang nasa isang eksena ng pelikula. Ang bango ng mga ingredients—matamis na kamatis, malambot na karne, at mga fragrant herbs—pumapalibot sa akin. Pero kahit gaano kasarap amuyin, hindi ko maalis yung kaba.Yung ibang contestants, mukhang seasoned pros. Kita mo sa mga gamit nila na sanay na sila sa ganitong competitions, at may ilan sa kanila, mukhang kilala na sa culinary world.Pero confident ako. Matagal ko nang sinasanay ang sarili ko sa kusina, at Bolognese, kahit hindi ko 'signature dish,' is something I know I can nail."Buongiorno, everyone! Welcome to the 'Pasta Passion' competition! We’ve got a fantastic group of chefs ready to wow us wi
Huling Na-update: 2024-10-29
Chapter: Kabanata 38
KABANATA 38Atasha's POVIlang linggo na ang lumipas at sobrang dami nang nangyari, lalo na sa pagitan nina Shuen at Diovanni. Hindi ko maiwasan ang mag-isip sa mga naririnig kong balita tungkol sa kanila. Pinatuloy ko si Shuen sa condo ko after ng insidente, pero di nagtagal, nagdesisyon siyang maghanap ng sarili niyang apartment. Alam kong kailangan niyang magsimula ulit, pero sobra akong nag-aalala para sa kanya.Habang nasa opisina, hirap ako mag-concentrate. Paulit-ulit akong nagbubuntong-hininga, at masakit ang ulo ko sa kakaisip ng mga sinabi ni Shuen. Naalala ko ang mga luha niya at ang sakit na dulot ng mga kasinungalingan ni Diovanni.Gusto ko sanang sugurin si Diovanni, iparamdam sa kanya kung gaano kasakit ang mga ginawa niya. Parang sina Elias at Diovanni-pareho silang sinungaling at manloloko. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nasa dugo na nila ang magpaiyak ng babae. Pero alam kong hindi lahat ng de Marcel ay ganito. Tulad ni Alphonsus, na mukhang mas matino at na
Huling Na-update: 2024-10-29
Chapter: Kabanta 37
KABANATA 37Atasha's POVAfter two years...Dalawang taon na ang nakalipas simula nang mangyari ang lahat. Si Jocelle at Elias ay kasal na ngayon, and according to what I’ve heard, masaya sila kasama ang kanilang nag-iisang anak na babae. Pero honestly, wala na akong balita sa kanila at hindi ko na rin ito pinapansin.Nang ikinasal si Elias sa iba, I decided to cut all ties with the de Marcels. Tuwing may imbitasyon si Alphosus sa family gatherings or birthday parties nila, hindi na ako dumadalo. Wala na akong dahilan para pumunta, kasi tapos na ang lahat para sa akin at kay Elias.Mula noon, wala na silang narinig mula sa akin. I accepted na tapos na ang relasyon namin. Natutunan kong hindi na umasa at hindi na muling tumingin sa mga alaala ng nakaraan. Sa bawat luha na tumulo, nagdesisyon akong hindi na muling lumingon pabalik.Ipinilit kong maghilom sa sarili kong paraan. Umiiyak ako sa sakit, and each time, para bang unti-unti akong nalalambot at nawawalan ng pakialam. Tuwing naii
Huling Na-update: 2024-10-29
Chapter: Kabanata 36
KABANATA 36Atasha's POVI did not expect Jocelle to slap me suddenly. The shock hit me hard, leaving only the sting of her hand on my cheek. I stared at her, confused, while instinctively holding my burning face. Ang init sa pisngi ko mula sa lakas ng sampal.“You have such a nerve to ruin my night! You sabotaged my engagement party!” she screamed at me, her finger jabbing accusingly. “Are you jealous kasi ikakasal na ako kay Elias?”As she shouted, I saw Elias stepping closer to her, quickly pulling Jocelle away from me. For a moment, we locked eyes, and I tried to make sense of everything. After shaking off the shock, I stood tall, determined na ipakita sa kanila na hindi ako naapektuhan ng mga paratang nila. I tuned out the murmurs around me.Kaeon rushed to my side, trying to calm me down. Pero ang galit ko ay umaabot na sa sukdulan.“Jealous? Ano bang meron sa’yo na ikakainggit ko?!” I retorted sarcastically, with a grin on my face.“Don’t pretend you’re not jealous! Ramdam ko a
Huling Na-update: 2024-10-29
Hiding His Mistress: Diovanni de Marcel

Hiding His Mistress: Diovanni de Marcel

Si Shuen de Marcel ay nag-alay ng kanyang buhay bilang isang full-time na maybahay, ang tanging kasama ng negosyanteng si Diovanni Al Tiera de Marcel. Ang kanyang buhay ay puno ng katapatan at tungkulin, hindi lang bilang asawa kundi pati na rin bilang manugang. Bagama't hindi sila nagkaroon ng anak, ibinuhos ni Shuen ang lahat ng kanyang pagmamahal at atensyon sa kanilang pagsasama, at inalay ang lahat ng kanyang sarili kay Diovanni. Ngunit, isipin mo ang gulo sa kanyang puso nang isang umaga, siya ay nagising sa isang pagbubunyag na napakalalim na maaaring magwasak sa kanyang pinaniniwalaan at pinahahalagahan. Paano kung ang mga katotohanang kanyang pinanghawakan at ang buhay na kanyang iningatan ay isa lamang malaking pagpapanggap?
Basahin
Chapter: Wakas
WAKASDiovanni's POVHindi ko pa rin lubos maisip na buntis na pala si Shuen ng dalawang buwan. Napuno ng ligaya ang puso ko nang ibalita ito ng doktor. Halos maiyak ako sa tuwa dahil sa wakas, magkakaroon na kami ng anak. Ang balitang ito ay nagbigay sa akin ng dagdag na tapang upang ayusin ang relasyon namin.Napakalaki ng pasasalamat ko. Naniniwala ako na ang magiging anak namin ay pupuno sa nawawalang bahagi ng puso ko mula nang mawala si Dionne. Narito ako ngayon, nakaupo sa tabi ni Shuen habang nagpapahinga siya, at sabik na nag-aantay na siya'y magising. Hindi ko maipaliwanag ang takot na naramdaman ko nang bigla siyang nawalan ng malay, kaya't agad ko siyang isinugod sa ospital.Ilang sandali pa, napansin kong gumalaw si Shuen. Unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata, at nang makita niya ako, isang tinging nagtataka ang sumalubong sa akin. Bahagya akong ngumiti, umupo ng mas malapit sa kanya, at dahan-dahang hinawakan ang kanyang kamay. Banayad kong hinalikan ito at idin
Huling Na-update: 2024-01-13
Chapter: Kabanata 40
KABANATA 40Shuen's POVNasa kusina ako, nakatitig sa masarap na strawberry pancakes na kakaluto ko lang. Ang mga malalambot na ito ay pinalamutian ng maasim-asim na hiwa ng mangga. Sa harap ko, may naghihintay na nakakapreskong mango at strawberry shake, isang kombinasyon na hindi ko napigilang subukan. Nakakapagtaka kung paano naakit ang aking panlasa sa partikular na lasa na ito ngayon. Kanina, habang nagba-browse ako sa isang website, may nakita akong larawan ng isang malinamnam na strawberry, na agad nagpa-udyok sa akin na mag-crave.Walang pag-aatubili, inutusan ko ang aming kasambahay na bilhin ito para sa akin sa grocery, at agad ko itong ginawang mga nakakatakam na pancakes. Halos limang pancakes na ang naubos ko at dalawang beses na rin akong uminom ng shake, pero parang hindi pa rin kontento ang aking tiyan, gusto pa ng higit. Naisip ko nga na baka kailangan ko nang magpatingin sa doktor bukas para malaman kung bakit ganito ang aking pagkain. Baka may ulcer na ako dahil sa m
Huling Na-update: 2024-01-11
Chapter: Kabanata 39
KABANATA 39Shuen's POV"Ang gown mo, ang ganda-ganda, bagay na bagay sa'yo. Mukhang handang-handa ka na talagang ikasal," sabi ko sa kanya habang pinapanood ko siyang nasa fitting room.Ang napili niyang gown para sa kasal nila ni Celsius ay talaga namang nakakamangha, at sigurado akong mas higit pa ang pagkamangha ng kanyang groom. Ang hugis at anyo ng katawan ni Atasha ay saktong-sakto sa gown. Lalo pa nitong pinatingkad ang kanyang kagandahan.Habang tinitingnan ko ang wedding gown, hindi ko maiwasang maalala yung panahon na ako ang nagsusukat ng aking sariling wedding gown. At si Atasha din ang kasama ko noon sa pagpili ng disenyo. Nakakatuwa isipin na ngayon, si Atasha na ang nagsusukat at ako naman ang kasama niya.Masaya ako para sa kanya dahil natupad na ang isa sa mga pangarap niya, ang makasal sa taong gusto niyang makasama habang buhay. Yung pangarap na kasal na inakala niyang si Elias ang magbibigay sa kanya. Pero nakakalungkot isipin na iba pala ang itinadhana para sa kan
Huling Na-update: 2024-01-10
Chapter: Kabanata 38
KABANATA 38Shuen's POVWARNING: MATURE CONTENT!Ang ulan ay bumubuhos nang napakalakas, tila ba walang tigil. Halos wala akong makita sa labas dahil sa bagsik ng pag-ulan. Walang ibang maririnig kundi ang tunog ng patak nito sa bubong ng kotse. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang bumuhos nang ganito kalakas ang ulan, lalo na't kanina lang ay maaraw pa habang kami ay nasa golf club.At ang mas nakakainis pa, sira ang kotse ni Diovanni kaya wala akong magawa kundi tiisin ang kanyang presensya. Bakit ba kailangan pa akong idamay sa kamalasan niya? Ngayon, kailangan ko siyang kasama buong magdamag."Paano na tayo nito? Wala pang signal ang phone ko?!" reklamo ko dahil pati ang signal ng telepono ay hindi ko magamit sa sitwasyon na ito."Subukan ko ang phone ko. Tawagan ko si Mang Roel," sabi niya habang pumapatak ang tubig mula sa kanyang basang damit.Gusto ko sana siyang pagalitan dahil sa inis ko sa kanya ngayon pero hindi ko rin maiwasang mag-alala. Baka mamaya ay lamigin s
Huling Na-update: 2024-01-06
Chapter: Kabanata 37
KABANATA 37Diovanni's POVHindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa sandaling ito. Kasama ko si Shuen, ngunit bakit pakiramdam ko ay malayo pa rin siya? Hindi ko alam kung saan ko siya dadalhin; hindi ito kasama sa plano ko. Bigla ko na lang siyang binuhat at kinaladkad kasama ko, kaya ngayon hindi ko alam kung saan kami patungo.Habang kami ay naglalakbay, hindi siya nagsasalita, tahimik lang na nakatingin sa bintana ng kotse. Ramdam ko ang lamig ng pakikitungo niya sa akin, at wala akong magawa para baguhin ito. Inaamin ko na nasaktan ko siya, ilang beses ko na siyang nasaktan noon.Kaya hindi nakakagulat na ganito na lang ang pakikitungo niya sa akin ngayon. Inaasahan ko na magbabago ang nararamdaman niya para sa akin, ngunit hindi ko matiis na makita ito. Hindi ko matiis na makita na nakalimutan niya ako sa loob lang ng dalawang taon.Paano niya ako nakalimutan ng ganun kadali, samantalang hindi siya nawala sa isip at puso ko kahit kailan. Sa huli, kasalanan ko rin dahil sinabi
Huling Na-update: 2024-01-04
Chapter: Kabanata 36
KABANATA 36Shuen's POVSa buong meeting, wala ginawa si Diovanni kundi ang titigan ako at ngumiti. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa iyon at hindi ako natutuwa. Kaya pagkatapos ng meeting, nagpaalam ako at mabilis na lumabas ng restaurant.Sinabi ko na lang sa aking sekretarya na ipadala ang mga dokumentong kailangan kong lagdaan sa opisina at ako na ang bahala doon sa bahay. Nagpaalam na rin ako kay Ester at dali-dali akong nagtungo sa aking nakaparadang sasakyan. Pero bago pa man ako makalapit, may biglang humawak sa aking braso at marahang pinaikot ako para harapin siya.Nagulat ako nang makita ko si Diovanni, kaya agad kong hinila ang aking braso palayo sa kanya. Pinilit kong kumilos ng normal para itago ang kaba na dulot ng kanyang presensya."Mr. de Marcel? May kailangan ba kayo?" kaswal na tanong ko."Pwede ba tayong mag-usap kahit sandali lang?"Bahagya akong tumaas ang kilay at ngumiti. "Mag-usap? Tungkol saan? Tapos na ang meeting di ba? May nakalimutan ba kayon
Huling Na-update: 2024-01-03
Maaari mong magustuhan
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status