Reen Habang patanda nang patanda ang tao, ay palungkot nang palungkot ang buhay nito. Well, gano'n nga siguro talaga. Dahil tulad ng takipsilim, sa tuwing sasapit ang dapit-hapon, unti-unti ay nawawala ito— dahil walang permanente sa mundo. Parang sa buhay ng tao. Habang tumatagal ito'y tila nagiging isang babasagin— babasagin na dapat ingatan, sapagkat hindi natin hawak ang ating buhay. Maaring ngayon ay masaya, bukas ay malungkot na. Maaring ngayon, kumpleto ang pamilya, kaibigan, o sino mang mahahalaga sa ating buhay, maaring bukas ay wala na rin sila. 'Yan ang buhay. Hindi man pantay-pantay sa estado, iba-iba man ng layunin, maging ng katayuan— isa lang ang ating uuwian, lahat ay mawawala. Dahil lahat ay hiram lamang. Narito ako ngayon sa dagat, kung saan, tanaw
Last Updated : 2021-11-03 Read more