If We Love Again

If We Love Again

last updateLast Updated : 2022-01-26
By:   J.R. McKay  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
28Chapters
2.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Istrikta si Sarah pagdating sa rules; hindi niya ‘yon nilalabag at ayaw niyang may lumabag niyon lalo na kung mismong rules niya ang sinuway. Subalit nagbago ang takbo ng mundo niya nang makilala si Erhart, ang lalaking mahilig lumabag sa rules. Araw-araw nitong pinapasakit ang kaniyang ulo simula nang mag-krus ang landas nila. Ginawa na niya ang lahat ng paraan upang iwasan ito pero talagang makulit ang binata at ayaw siyang tantanan hanggang siya na mismo ang bumali sa sarili niyang batas—na BAWAL siyang magmahal. Dahil tinanggap niya ito ng buong puso kahit na hindi niya lubusang kilala ang pagkatao nito. Masaya ang naging pagsasama nila ngunit ang magandang panaginip na ‘yon ay naging isang bangungot nang may matuklasan siya sa pagkatao nito. Ang babaeng kinamumuhian niya, na nagluwal sa kaniya ay konektado sa binata. Ito pa mismo ang humiling sa kaniya na layuan ang kasintahan dahil kung hindi, masisira ang kilalala at respetadong pamilya ng binata. Magawa niya kayang talikuran ang lalaking minamahal o dapat niya bang itong ipaglaban?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1: Encounter

Napatingin si Sarah sa relong-pambisig. Tatlong minuto na lamang ang nalalabi at malapit na siyang mag-out sa trabaho. Atat na atat na siyang umuwi, maging ang buong team niya dahil rest day na nila. “Sarah.” Nabaling ang kaniyang tingin kay Pia, ang operating manager niya. Nagtatrabaho siya bilang team manager sa isa sa pinakamalaking call center sa bansa. “OM.” Alanganin itong ngumiti at napakamot sa ulo. Nahulaan na niya kung ano ang pakay nito sa kaniya. “Don’t push your luck, OM. I’m going home.” Ang tinutukoy niyang ‘home’ ay sa Rizal. Once a month siya kung umuwi sa probinsya upang bisitahin ang kaniyang mga tiya. Nangungupahan siya sa isang apartment malapit sa pinagtatrabahuan niya sa Quezon City kasama ang kaibigan niyang si Jessica kaya madalang siyang umuwi roon. Napairap ito. “I didn’t say anything but you refused right away.” “...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
28 Chapters
Chapter 1: Encounter
Napatingin si Sarah sa relong-pambisig. Tatlong minuto na lamang ang nalalabi at malapit na siyang mag-out sa trabaho. Atat na atat na siyang umuwi, maging ang buong team niya dahil rest day na nila.   “Sarah.”   Nabaling ang kaniyang tingin kay Pia, ang operating manager niya. Nagtatrabaho siya bilang team manager sa isa sa pinakamalaking call center sa bansa. “OM.” Alanganin itong ngumiti at napakamot sa ulo. Nahulaan na niya kung ano ang pakay nito sa kaniya. “Don’t push your luck, OM. I’m going home.”    Ang tinutukoy niyang ‘home’ ay sa Rizal. Once a month siya kung umuwi sa probinsya upang bisitahin ang kaniyang mga tiya.   Nangungupahan siya sa isang apartment malapit sa pinagtatrabahuan niya sa Quezon City kasama ang kaibigan niyang si Jessica kaya madalang siyang umuwi roon.   Napairap ito. “I didn’t say anything but you refused right away.”   “
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more
Chapter 2: Decision
Ipinasyal ni Ian ang nakababatang kapatid na babae sa park ng exclusive subdivision kung saan nakatira ang kaniyang pamilya. Paglabas niya sa trabaho ay doon siya dumeretso. Ika-labing-isang kaarawan ni Arianne sa susunod na linggo, pero sa araw na ‘yon niya nagpagpasyahang i-celebrate ang birthday nito. Naghanap siya puwesto kung saan siya puwedeng maglatag ng picnic mat. Ilang oras na lamang at malapit nang lumubog ang araw pero pinili niyang pumuwesto sa ilalim ng manga. Presko sa pakiramdam ang lilim na hatid ng punong-kahoy na ‘yon. Gusto niya sanang ipasyal sa mas maganda at magarang lugar ang kapatid subalit hindi niya magawa dahil wala siyang sapat na pera. May posibilidad din na hindi siya pahintulutan ni Sonia dahil ikagagalit ‘yon ng kaniyang ama. Mahigpit ang kaniyang ama pagdating sa seguridad ng kapatid at naiintindihan niya ‘yon. Napapayag niya lamang si Sonia dahil sa paglalambing ni Arianne at sa isang ko
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more
Chapter 3: Stalker
Sinundan ng tingin ni Sarah si Jessica, ang kaibigan niya. Para itong pusa na hindi matae, panay ang labas-pasok nito sa bahay. Nahihilo siya habang pinagmamasdan ito. “Jessica, puwede bang pumirme ka sa isang tabi?” Nakabalik na siya mula sa Rizal.   “Ano bang dapat na ibigay ko sa kanila?” wala sa loob na tanong nito.   Nagsalubong ang kaniyang kilay. “Regalo ba ‘yon? Para kanino?”   “Ngayon lilipat ‘yong bago nating kapitbahay. Gusto ko sana silang bigyan ng kahit na ano para ma-feel nilang welcome sila rito.”   Sa pagkakataong ‘yon ay umarko naman ang kaniyang kilay. “Kailan ka pa nag-abala na i-welcome ang bagong boarder ni Aling Nena?”   Walang nagtatagal na boarder ang matandang babae dahil napakasungit nito. Sanay na sila na buwan-buwan na may umaalis at dumarating na nangungupahan. Nagtataka siya kung bakit gusto pa itong i-welcome ni Jessica.  “For a ch
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more
Chapter 4: Rumors
Inagahan ni Sarah ang pagpasok sa trabaho. Iniiwasan niyang makasabay sa paglalakad ang bagong kapitbahay dahil nahihiya siya sa nangyari. Naging mapanghusga siya at hindi niya ito hinayaang magpaliwanag. Dapat ba siyang humingi ng tawad?  “Pero, bakit naman ako mahihiya? Wala naman akong ginawang masama!” iritadong wika niya. Natural lang naman na pag-isipan niya ito nang hindi maganda dahil sa pagsunod-sunod nito sa kanya. “Hindi ako magso-sorry!”  “Miss, kung ayaw mong matulog, huwag kang maingay!” sita ng kung sino mang naistorbo niya sa pagtulog.    Madilim sa sleeping quarters kaya hindi niya makita ang mukha ng sumita sa kanya. Doon siya nagpalipas ng oras dahil maaga pa, pero hindi naman siya makatulog. Sobrang lamig doon, para siyang nasa loob ng chiller. “Sorry.”   Nagpasya siyang lumabas para hindi makaistorbo sa iba. Binuksan niya ang cell phone at ang liwanag na nagmumula roon ang nagsilbi
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more
Chapter 5: Dinner
Bumalikwas ng bangon si Sarah. Nagising siya sa ingay na nagmumula sa ibaba ng bahay. Dinig na dinig niya ang boses ni Jessica at ng lalaking kausap nito.  Napagpasyahan niyang bumaba. Nasa kalagitnaan pa lang siya ng hagdanan ay nakita na niya ang kakuwentuhan ng kaibigan. Tumikhim siya upang ipabatid ang kaniyang presensya.   “Uy, gising ka na pala!” masiglang wika ni Jessica. “Nakapagluto na ako ng hapunan.”   “Ang ingay n’yo kasi,” reklamo niya. Masuwerte ang mga ito dahil wala siyang pasok sa gabing ‘yon kaya palalagpasin muna niya ang pag-iingay ng mga ito. “Maliligo lang ako ‘tapos kumain na tayo.”   “Okay.”   Bumalik siya sa taas upang kumuha ng towel at damit na pamalit. Maliit lang ang apartment na ‘yon at isa lang ang banyo. Pagbaba niya ay nandoon pa rin si Erhart at prenteng nakaupo sa sofa. Nilagpasan niya ito na parang wala siyang nakitang tao.   Binilisan niy
last updateLast Updated : 2021-09-20
Read more
Chapter 6.1: Breaking Rules
Spell doomed, iyon, iyon ang sitwasyon niya sa mga oras na ‘yon. Napasarap ang tulog niya kaya hindi niya narinig ang alarm ng cell phone. May twenty minutes pa siya para tumakbo papasok sa opisina. Kung hindi siya ginising ni Erhart ay baka Sleeping Beauty pa rin ang peg niya. Well, kasalanan din naman ng binata kung bakit napasarap—este, kung bakit binangungot siya. Simula nang mag-dinner sila ay hindi na siya nito nilubayan. Ipinipilit nito na maging magkaibigan sila kaya maging sa panaginip niya ay nandoon ito. “Nakakainis!” Napapadyak siya sa tindi ng iritasyon. “Malas! Malas!” “Mamalasin ka talaga kapag hindi pa tayo umalis. Gusto mo bang ma-late?”   Napatda siya nang makita ang kinaiinisang lalaki. Nakasandal ito sa hamba ng pintuan at mukhang hinihintay siya. “Aalis na po kaya umalis ka riyan!” bulyaw niya rito at tumalima naman ito. Pinatay niya ang ilaw bago ini-lock ang pinto. “Bakit nandito ka pa?”  
last updateLast Updated : 2021-09-21
Read more
Chapter 6.2: Breaking Rules
Gumuhit ang sakit sa ulo ni Sarah. Dalawa ang absent sa team niya, ‘yong isa nagpaalam na masama ang pakiramdam, at ‘yong isa naman ay No Call, No Show. Basta-basta na lang um-absent nang walang paalam. May naka-schedule siyang team huddle at isang coaching. May na-monitor na call ang isang Quality Analyst o QA na sabaw ang isa niyang agent. Wala sa hulog ang pinagsasabi nito sa call at kailangan niya itong i-coach kung paano ito mag-i-improve. Pinakinggan niya ang call ni Edgar, ang sabaw niyang agent. Naka-full ang volume ng kaniyang headset pero halos wala siyang marinig dahil nangingibabaw ang boses ng mga ahente na nagte-take ng calls. Queuing o mataas ang volume ng calls kaya sobrang ingay sa production floor. Nilibot niya ang tingin sa paligid, halos bumula na ang bibig ng agents sa pagsasalita. Napansin niyang nangangalahit na ang tubig sa tumblers ng agents niya kahit kakaumpisa pa lang ng pasok ng mga ito. Isa-isa niyan
last updateLast Updated : 2021-09-22
Read more
Chapter 7.1: Date
A smile danced on his lips. He felt silly. It’s just a friendly date but his heart… Sinapo niya ang dibdib. Mabilis ang tibok niyon at nakabibingi ang ingay. Hindi pa kumabog nang ganoon kalakas ang puso niya dahil sa babae.   “You look like an idiot!” Kinuha ni Harry ang tissue mula sa bitbit na supot, nilamukos ‘yon, at ibinato sa kaniya. Sapol siya sa mukha. “Hindi mo man lang napansin na kanina pa ako nakatayo sa pintuan.”   Nakaupo siya sa pangatlong baitang ng hagdanan. Bumagsak ang tissue sa kaniyang paanan kaya pinulot niya ‘yon at ibinato pabalik sa lalaki pero nakailag ito. “Masarap ba ‘yang dala mo?”   “Lugaw, itlog, at tokwa lang ‘to.” Tinungo nito ang mesa at inilapag doon ang bitbit na supot. “Nag-almusal na ako kaya sa ‘yo na lahat ‘to.”   “Salamat.” Tumayo siya at nilapitan ito. “Mamaya na ang date namin ni Sarah,” excited niyang balita rito habang isinasalin ang lugaw sa mangkok.
last updateLast Updated : 2021-09-23
Read more
Chapter 7.2: Date
Lumipas ang ilang minuto pero hindi pa bumalik si Harry. Naiinip siya at hindi mapakali. Gusto niyang sumilip sa kabilang bahay ngunit pinigilan niya ang sarili. Nagpalakad-lakad siya sa kapiranggot na sala at nang magsawa ay umupo siya sa hagdan.   Wala silang upuan, maliban do’n sa dalawang monoblock chair na kasama ng mesa. Iniwan lang ‘yon ng dating nangungupahan do’n dahil malapit na ‘yong masira. Ang iba nilang kagamitan, partikular na sa kusina ay pinahiram lang ni Aling Nena pero kailangan nilang ibalik kapag nakabili na sila.   Hinilot niya ang sentido. Napagtanto niyang mahirap bumukod lalo na’t nag-uumpisa pa lamang siya pero kailangan niyang kayanin. Natapos niya ang isang semestre sa kolehiyo na hindi tumanggap ng allowance sa kaniyang ama kaya positibo siyang malalagpasan niya ‘yon. Umpisa pa lang ‘yon sa pagtupad ng sarili niyang pangarap kaya hindi puwedeng basta-basta na lang siyang sumuko.   “Tisoy!” Su
last updateLast Updated : 2021-09-24
Read more
Chapter 8: Worried
Jessica enjoyed the company of Harry. Hindi niya lubos maisip na sa likod ng seryosong awra nito ay nagtatago ang isang pilyong lalaki. Ikinuwento nito sa kaniya ang mga kalokohang ginawa nito noong bata pa ito. Hindi niya alam kung epekto ba ng alak ang kadaldalan nito o gusto siya nitong kausap. Ano pa man ang dahilan, masaya siyang makasama at makausap ito. “Paano kayo nagkakilala ni Tisoy?” tanong niya rito matapos niyang ikuwento kung paano sila nagkakilala ni Sarah. “He’s my brother.” “Hmm?” Tama ba ang kaniyang narinig? “What did you say?” Hindi niya alam kung nakailang bote na siya ng beer kaya posibleng mali ang kaniyang narinig. “I’m his uncle, but his like a brother to me,” he explained. Hindi naman ganoon kalayo ang gawat ng edad namin.” “Uncle?” He nodded. “Kaya pala pareh
last updateLast Updated : 2021-09-27
Read more
DMCA.com Protection Status