”Loyalty and cheating. The two cannot be together.” “But is it still called cheating if she and him were not in a relationship?” Si Hexy Avory Ocampo ay tapat na nagmamahal sa kaibigang si Maverick Del Rosario mula pa noong high school sila hanggang sa naging magkatrabaho silang dalawa. Naninigarilyo man si Maverick at may pagkasuplado, hindi pa rin niya ito tinigilan, kahit na hindi ito nagpakita ng interes sa kaniya. Until one day, Hexy wakes up next to Brix Ivane Royale. Pareho silang walang maalala sa nangyari dahil sa kalasingan. Si Brix ay may mayamang pamilya at kilala siya sa kanilang lugar bilang businessman. Magkaiba ang ugali ng dalawang lalaki, ngunit pareho silang bahagi ng buhay ni Hexy. Because of what happened, Hexy’s loyalty to Maverick was tested due to the sudden appearance of Brix in her life. But one day, she found out what happened on a night she can't remember. Ang gabing bumago sa takbo ng kaniyang buhay. Ano kaya ang magiging epekto nito sa kanilang tatlo?
view moreSalamat po sa mga bumasa ng aking nobela! Sana po ay nagustuhan niyo. Gusto ko sanang pasalamatan ang mga nag-cocomment. Lalo na po ang kauna-unahang nag-comment sa aking nobela. Ako po ay nagpapasalamat sa pag-iiwan niyo ng mga hula niyo sa mga susunod na mangyayari. Sana ay ganoon pa rin po sa mga susunod. You can leave any comments, good or bad, tungkol po sa story. Matapos ang HER MISTAKE, may mga suggestions po ba kayo kung kaninong story ang isusunod ko? Story nina Shantal, Aldrin, or Joaquin. Sana po ay suportahan niyo ulit ang mga susunod kong isusulat. Salamat! -Haneibuns
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Hexy kina Maverick at ang kaniyang pamilya."P-Pinuntahan ko lang saglit 'yong bukid ni Papa. Bakit parang alalang-alala kayong lahat?" Tanong niya."Bakit may sugat ka sa kamay?" Tanong naman ni Hannah sa kaniya.Napatingin naman si Hexy sa kaniyang kamay na may dugo."Natisod kasi ako. May tinik sa harapan ko, kaya nasugat ako, pero okay lang naman ako."Huminga naman sila nang malalim."Then where is Hanz? Hindi mo siya kasama?" Tanong ni Maverick.Umiling naman si Hexy."My grandson is missing," sambit naman ni Maximus. Napatingin si Hexy sa kaniya at nakita niya itong naiiyak na.Hindi naman mawala sa itsura nila ang pag-aalala habang nakatingin sa kaniya."Po? Hindi po. Iniwan ko siyang natutulog sa kuwarto ko. Sinabi ko pa nga kay ate na nandoon siya," sagot naman ni Hexy.Napatingin naman sila kay Hannah at nagulat naman ito."H-Hindi ko siguro narinig," wika nito.Bumuntong-hininga naman si Hexy."Puntahan na lang natin si Hanz, at kumain na tay
Nang magsimula na silang kumain sa venue ay hindi maiwasan nina Maverick at Hexy ang mapatingin sa mga bisita nila at pati na rin sa mga sulok ng venue. Sinabi na rin nila iyon kay Maximus, kaya nagpadagdag ito ng security sa buong lugar."Is that Joaquin?" Kunot-noong tanong ni Maverick habang nakatingin sa lalakeng papalapit sa table nina Hexy.Napatingin naman si Hexy sa gawi nito."I have already put my gift there," turo ni Joaquin sa side ng stage kung saan naroon ang mga regalo nila nang makalapit siya.Napangiti naman sina Maverick sa paglapit nito."Can I carry him?" Tanong ni Joaquin saka nilapitan at ngumiti sa kanilang baby."Sige," sagot ni Hexy at dahan-dahang ipinaubaya kay Joaquin ang kanilang anak.Niyakap naman ni Joaquin ang baby nila at tuwang-tuwa siya habang tumatawa itong nakatingin sa kaniya."You look different," komento ni Maverick at tinignan ang kabuuan nito.Napangiti naman lalo si Joaquin saka tumingin sa kanila."So, I met this girl—"Nagkatinginan naman
"They're okay na po, Sir. May emergency lang po ako," sagot ng nurse saka ito ngumiti."You should've washed your hands before going out," mahinang sambit ni Maverick nang makalayo ito saka siya umiling-iling at hinawakan ang kaniyang dibdib."Maverick, kumusta si Avory?"Napatingin naman si Maverick sa paparating na sina Hannah kasama ang mga kaibigan nila at si Maximus."A-Ang sabi ng nurse ay okay na raw sila. I'm not sure if we can go in now," sagot niya saka ipinunas ang kaniyang mga nanginginig na palad sa kaniyang shorts."Then let's just wait kung ano'ng sasabihin nila," wika naman ni Shantal.Nanatili naman silang nakatayo sa labas ng kuwarto ni Hexy kahit may nakalaang upuan para sa kanila.Biglang bumukas ang pintuan matapos ang ilang minuto at lumabas doon ang Ob-gyn kaya naman napatingin sila.Napalunok naman si Maverick."Nanganak na po si Mrs. Del Rosario. For now, kaunti lang po ang puwedeng pumasok. Lahat po ng papasok ay kailangang magsuot ng facemask, because the ba
Bigla namang natawa si Joaquin kaya hinampas ni Hexy ang kaniyang kaliwang braso."Napakaseryoso niyo namang dalawa. I'm just kidding," saad ni Joaquin.Natawa naman si Maverick saka siya umiling-iling."Hindi ka naman nakakatawa," sagot ni Hexy."Heto namang si Miss Preggy, ang KJ. Ilang tumbling na lang, you are about to give birth."Natawa na lang din si Hexy sa kaniya."Kanina lang ay bad mood ka, why are you smiling now?" Tanong ni Maverick."Hindi kasi sumasagot 'yong isang employee ko kanina. She texted me that she has a fever that's why she can't go to work," sagot ni Joaquin.Tumango-tango naman si Maverick."Kumusta ka na? Ang tagal mong walang paramdam, ah!" Sambit ni Hexy."I went to California. But I had a hard time adjusting, so I went home and now, I'm managing my own business. It's not easy kasi kakasimula ko pa lang pero madami nang nangyari," sagot ni Joaquin."Eh, aalis ka kaagad?" "Hindi naman. I will stay here for a few more days. Besides, I missed it here," saad
Sa loob ng kahong ipinadala ni Vanessa noon ay naglalaman ng iba't ibang liham galing sa kaniya.Sa gitna ng mga nagpatong-patong na sulat ay may mga pictures na silang dalawa ni Hexy.Nanginginig ang mga kamay ni Hexy na kumuha ng isang liham at binasa iyon.Naluha siya nang mabasang nagpapasalamat sa kaniya si Vanessa nang tulungan siya nitong ayusin ang mga papers niya sa kaniyang trabaho.Huminga siya nang malalim at kumuha ulit ng isa.Napakunot-noo siya at napalunok nang makitang iba ang sulat-kamay ni Vanessa roon. Para itong nagmamadali. Isinulat ni Vanessa kung gaano siya kagalit nang makita niyang binilhan siya ni Maverick ng kaniyang paboritong inumin at pagkain, habang si Vanessa ay hindi man lang nito mabilhan.Tumango-tango si Hexy nang maalalang minahal nito si Maverick noon pa man.Sunod niyang binasa ang liham na may kulay itim na papel at kulay puti ang tinta ng ballpen na kaniyang ginamit.Bumilis ang tibok ng puso ni Hexy at pigil-hiningang binasa ang sulat ni Van
Sa video na ginawa ni Joaquin ay makikitang nakaupo siya sa sofa mula sa loob ng kaniyang kuwarto.Umubo pa muna siya saka ngumiti sa camera at nakita na naman ni Hexy ang kaniyang dimple."Hi, Hexy!" Nanginginig pa ang boses na pagbati ni Joaquin.Ilang beses siyang napalunok at kitang-kita sa camera ang panginginig ng kaniyang mga kamay na magkahawak habang nakapatong ang mga iyon sa kaniyang tuhod."Do you remember the first time we met? Bumagay sa'yo ang garden sa restaurant, kaya agad akong lumapit sa'yo para i-assist ka. You were even surprised when I said I was Maverick's cousin. Alam kong wala pang kayo noon, pero mahilig ka kasing mag-assume," natatawang sambit ni Joaquin saka siya umiling-iling."I don't regret saving you from Brix's people before, and even from your friends. Madali ka kasing magtiwala, masyado kang mabait," dagdag pa nito.Huminga ito nang malalim. Napalunok naman si Hexy nang biglang sumeryoso si Joaquin."That's what I hate about you, masyado kang mabait,
Bago pa man makalapit si Maverick kay Hexy ay hindi ito naging madali sa kaniya. Lalo na noong nagpakita sa kaniya si Vanessa at hiniling na lumayo na lang silang dalawa roon upang hindi na masaktan pa si Hexy at ang pamilya nito.Nalaman din ni Maximus na hindi na sila maayos ni Hexy at kakaiba ang ikinikilos ni Maverick."Gulong-gulo ka? Saan? Sa pambababae mo? I never cheated on your mother, then you're going to do that to someone who have loved you for a long time?" Sambit ng kaniyang ama.Napatingin naman si Maverick kay Maximus."Everything is not important to me anymore, Papa. Mamatay man ako, heto na 'yon. I have made up my mind. It was not easy for me. I hope you understand me, Papa."Umiling-iling naman ang kaniyang ama saka huminga nang malalim."Hindi ka magiging masaya, Maverick. Hindi ka kailanman sasaya sa iba dahil may sinaktan kang babae," wika ni Maximus.Umiwas naman ng tingin si Maverick at tumingin sa labas ng bintana kung saan makikita ang restaurant na pinagtrat
Biglang nabingi si Hexy at nanlaki ang kaniyang mga mata sa pagkagulat. Napaatras siya habang nanginginig ang kaniyang mga kamay na napatakip sa kaniyang bibig.Napahawak si Brix sa kaniyang sikmura at tumulo doon ang kaniyang dugo.Nang kalabitin ni Vanessa ang gatilyo ay agad na hinarangan ni Brix si Maverick upang hindi ito mabaril. Nanlaki ang mga mata nila nang si Brix ang tinamaan.Agad na lumapit sina Maverick habang nakatayo pa rin si Hexy at hindi pa rin makarekobre sa gulat.Napatingin si Brix kay Hexy at bigla itong natumba.Doon lang lumapit si Hexy sa kaniya at hindi makaimik habang naluluha."I-I'm sorry," mahinang wika ni Brix at pupungay-pungay na ang kaniyang mga mata."T-Tumawag na kayo ng tulong. Dali!" Baling ni Hexy kina Shantal. Nanginginig naman silang naglabas ng kanilang mga cellphone."B-Bakit, Brix? Bakit mo ginawa mo 'to?" Tanong ni Hexy saka hinawakan ang braso ni Brix at hindi na mapigilan ang kaniyang luha."K-Kahit hindi na ako ang mamahalin mo sa haban
Malamig at kumportable. Iyon ang nararamdaman ni Hexy habang nakapikit. Abala ang kaniyang malambot na bibig habang unti-unting nagmumulat ng kaniyang mga mata. Naglalakbay ang kaniyang kanang kamay sa katawan ng kaniyang kaharap. Nagtaka siya bakit alam niya ang kaniyang ginagawa. Umalingawngaw sa loob ng kuwarto ang malakas na tili ni Hexy saka napaatras at umupo sa kama matapos mapagtantong nakikipaghalikan siya.Nanlaki ang kaniyang mga mata at napatakip sa kaniyang bibig habang nakatingin sa lalake. Ang lalake naman ay unti-unting nagmulat ng mata matapos humiwalay si Hexy sa halikan nila at bigla na lamang itong tumili na siyang ikinagulat niya.Napatingin si Hexy sa kaniyang sarili at nakitang ang pang-itaas lamang na damit ang wala sa kaniya at nakasuot pa rin siya ng bra."S-Sino ka?" Tanong niya sa lalake saka hinatak ang kumot at ipinantakip sa kaniyang hinaharap.Hindi agad nakasagot ang lalake at nakatingin lamang ito sa kaniya na parang hindi pa gising ang diwa.Nakita ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments