Bago pa man lumapat ang labi ni Brix ay iniharang na ni Hexy ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang bibig. Dumampi ang labi ni Brix sa kamay ni Hexy kaya napaatras siya.
"S-Sorry, hindi ko sinasadya," pagpapaumanhin ni Hexy saka umayos ng upo.
"I'm sorry. I'm tempted," nahihiyang wika ni Brix at napaiwas ng tingin.
Hindi naman maiwasang bumilis ang tibok ng puso ni Hexy nang maramdaman niyang pamilyar sa kaniya ang lambot ng labi ni Brix.
Napahawak siya sa kaniyang palad kung saan tumama ang labi ni Brix.
"M-Mauna na ako," sambit ni Hexy at biglang tumayo saka kinuha ang bag.
"What about our dinner?" Tanong naman ni Brix saka tumayo na rin.
"Next time na lang siguro? May pupuntahan pa kasi ako," sagot naman niya.
Napakagat siya sa loob ng kaniyang bibig nang ma-realize niyang gusto niya pa ng 'next time'.
"Okay. Ihahatid na lang kita," pagpriprisinta ni Brix.
Hindi pa man nakakasagot si Hexy ay napatingin agad si Brix sa kaniyang cellphone na nag-vibrate. Pinatay niya agad ito nang makitang nag-aalarm lang iyon.
"Hindi na. Kahit ihatid mo na lang ako sa baba," nakangiting wika naman ni Hexy. Ngumiti naman si Brix sa kaniya.
Habang nasa loob sila ng elevator mabilis pa rin ang tibok ng puso ni Hexy nang maalala ang nangyari noon sa pagitan nila ni Brix, at ang muntikan na namang halikan nila kanina.Nang makababa sila ay mabilis na nagpaalam si Hexy kay Brix at hindi ito makatingin nang maayos sa kaniya. Magsasalita pa lang sana si Brix ngunit sumakay na siya agad sa pinara niyang traysikel.
‘Hindi ko akalain na makakabalik ako sa lugar na 'yon.’
Napatakip siya sa kaniyang mukha gamit ang kaniyang bag at pinigilang tumili.
‘Ano 'tong nararamdaman ko?’
Ilang beses siyang napasapo sa kaniyang ulo dahil hindi niya inakala ang mga nangyayari.
"Sa gilid na lang po," wika niya saka bumaba nang huminto ang traysikel.
Agad niyang inilabas ang cookies na binili niya habang nakangiting naglalakad.
"Hello po, tita!" Bati niya saka umupo sa harapan ng puntod ng ina ni Maverick.
Inilapag niya ang cookies sa tabi ng tatlong rosas na nakalagay doon.
"Hindi po kami maayos ng magaling mong anak, tita. Naging masama na po ang ugali niya," panimula niya.
"Nag-aaway po kasi kami dahil sa iisang lalake," sambit pa ni Hexy at saka siya napatingin sa kalangitan.
"Nakuwento niyo po sa'kin dati, tita, na maikling panahon niyo lang nakilala si tito at nahulog ka na sa kaniya," napapangiting sabi niya pa.
"Naguguluhan po ako, tita. Kasi napakaimposible namang mahulog ako nang ganoong kabilis," saad niya saka pinaglaruan ang damo sa kaniyang paanan.
"Ayaw kong sumama sa kaniya, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko," mahinang wika niya saka hinawi ang buhok na inililipad ng hangin. Napabuntong-hininga siya habang iniisip si Brix. Napakagat siya sa loob ng kaniyang bibig at saka ibinalik ulit ang paningin sa puntod.
"Mahal ko po si Mavs, tita. Pero hanggang kailan po ba dapat ako maghintay para tratuhin niya po ako ng deserve kong treatment?"
Kinabukasan ay hindi pa rin mawala sa isipan ni Hexy ang nangyari sa kanila ni Brix sa unit nito.Habang lunch break nila ay nakatunganga lang siya sa at paisa-isang sumusubo ng pagkain.
Napa-roll eyes siya nang maupo si Maverick sa harap niya.
"Tinanong nina Vanessa kung bakit wala ka ro'n kahapon," mahinang wika ni Maverick saka nagsimulang kumain.
"Sana sinabi mo na umalis ako dahil masama ang ugali mo," kalmado namang sabi ni Hexy. Napatigil naman si Maverick at tumingin sa kaniya.
Napabuntong-hininga lang ito saka itinuloy ang pagkain. Wala namang nagawa si Hexy kung hindi ang tignan ito nang masama habang kumakain.
Habang kumakain ay naalala niya kung paano tumingin si Brix sa kaniyang labi kahapon.
Napaubo si Hexy nang mabulunan siya habang kaumakain.
Agad namang iniusog ni Maverick ang sarili niyang baso sa harap ni Hexy. Hindi naman nag-isip si Hexy at uminom na lang din.
‘Indirect kiss.’
Napailing naman siya agad.
"Hexy," tawag ni Maverick sa kaniya kaya napatingin ito sa kaniya bago pa siya sumubo.
"Hindi ko dapat sinabi 'yon sa'yo," sinserong wika nito.
May kung ano'ng naramdaman si Hexy nang marinig niya ang malambing na tono sa boses ni Maverick.
"Dapat ka talagang mag-sorry kasi nakakainsulto ka na," sambit naman niya.
Hindi naman umimik si Maverick at tumingin lang sa kaniya nang seryoso.
"So, hindi ka mag-sosorry?" Kunot-noong tanong ni Hexy sa kaniya.
"Babawi na lang ako," walang-ganang sabi ni Maverick.
Nagpigil naman ng ngiti si Hexy nang marinig iyon kahit nakaramdam siya ng kaunting pagkadismaya.
"Ano? Hindi ko marinig," pang-iinis niya habang nakangiti, at inilapit pa ang mukha niya kay Maverick.
"Ang lapit mo, baka mahalikan kita," seryosong sabi ni Maverick kaya napaatras siya. Umiling-iling pa si Maverick nang makitang nanlaki ang mga mata ni Hexy at napatakip sa bibig niya.
"Pupunta na ako mamaya sa tambayan," wika ni Hexy. Tumango-tango naman si Maverick saka uminom sa baso na pinag-inuman ni Hexy.
Napalunok si Hexy nang makita iyon.
‘May magbabago kaya sa'min kung siya ang nakasama kong nagising sa iisang kuwarto? Mamahalin na kaya niya ako?’
Napatigil siya sa pag-iisip nang mapatingin si Maverick sa kaniya.
"Saan ka nagpunta kahapon?" Tanong ni Vanessa nang makaupo si Hexy sa harapan nila.Inilapag ni Hexy ang kaniyang bagong biling bag sa kaniyang hita saka umayos ng upo. Sasagot na sana siya kaso nagsalita si Maverick na kakarating lang din.
"Sa puntod ni Mama," sagot ni Maverick.
Kumunot naman ang noo ni Hexy at nagtaka kung paano niya nalaman iyon.
"Pumunta ako kaninang umaga at nakita ko ang inilagay mo," dagdag ni Maverick saka naglapag ng maiinom nila sa lamesa.
Tumango-tango naman si Hexy saka kinuha ang nag-iisang milktea.
"So, Hexy, may paramdam na ba si Sir Brix?" Tanong ni Shantal saka uminom ng kape. Nabulunan naman si Hexy at agad na nagpunas ng kaniyang bibig gamit ang kaniyang panyo.
Napapikit siya nang maalala ang nangyari sa kanila kahapon.
"Narinig lang ang pangalan ni Sir Brix, nabulunan ka na," natatawang sambit ni Aldrin saka sila nag-apiran ni Rio.
"Alam mo, Hexy, halata ka na," pagbibiro naman ni Rio.
"Huwag niyo munang i-pressure si Hexy. Hindi pa 'yan nakaka-move on, eh," wika ni Vanessa saka sumulyap kay Maverick.
"Hayun! Eh, Maverick, hindi ba wala ka namang gusto kay Hexy? Hahayaan mo naman siguro siyang ligawan ni Sir Brix, 'di ba?" Diretsahang tanong ni Shantal. Napatingin naman silang lahat kay Maverick na abala sa kaniyang cellphone habang umiinom.
Nakaramdam ng kirot ang puso ni Hexy nang tanungin iyon ni Shantal dahil alam niyang gusto pa rin niya ito.
"If Hexy likes him," sagot ni Maverick saka tumingin kay Hexy.
Umiwas naman agad ng tingin si Hexy at uminom na lang.
Mas lalong naging maingay sina Rio nang sabihin iyon ni Maverick at kinantsawan si Hexy.
Hindi naman natuwa si Hexy sa mga ginagawa nila.
‘Sana matapunan niya ng kape ang sarili niya para makita ko kung gaano siya kamanhid.’
Napatigil sila sa pag-aasaran nang may humintong puting van malapit sa kanila dahil wala naman masyadong humihinto ro'n.Napalunok si Hexy nang makitang si Brix ang bumaba sa sasakyan at naglalakad na papalapit sa kanila.
Napaayos agad siya ng upo nang biglang ngumiti si Brix habang lumalapit. Tinignan niya ang kaniyang sarili saka inayos ang damit.
"Ano pong ginagawa niyo rito, Sir?" Tanong ni Rio nang makalapit si Brix sa kanila.
Napainom na lang si Hexy sa kaniyang milktea at napasulyap kay Maverick na seryosong nakatingin kay Brix.
Hinawakan ni Hexy ang kanang braso ni Maverick nang maalala ang ginawa nito kay Brix. Napalingon naman ito sa kaniya.
"I just wanna ask you guys na mag-dinner kasama ko," nakangiting sagot ni Brix.
"Aysus! Sir, baka naman si Hexy ang gusto niyong ayain talaga?" Pang-aasar naman ni Shantal saka sila nagtawanan.
"She rejected me," wika naman ni Brix. Nanlaki naman ang mga mata ni Hexy.
"So, you asked her out na pala, Sir?" Sambit ni Vanessa saka tumingin ng parang nang-aasar kay Hexy.
"Yeah. Pero she's always busy. Kaya naisip kong imbitahan na lang kayong lahat."
Hindi naman nakaimik si Hexy dahil hindi alam ng mga kaibigan nila na nag-away sina Maverick at Brix.
"Tara na! Saan po ba tayo today, Sir?" Tanong ni Aldrin saka tumayo at inayos ang sarili.
"Sa yate namin," sagot naman ni Brix.
"Wow! Ang sosyal naman! Parang nakakahiya tuloy!" Eksaheradang sambit ni Shantal.
"It's okay. Friends naman kami ni Hexy, eh. And you can treat me as your friend too," nakangiting sabi ni Brix.
Napakagat naman si Hexy sa loob ng kaniyang bibig.
"Ah. Friends naman pala," pang-aasar ni Vanessa kay Hexy.
"So, let's go?" Aya ni Brix sa kanila.
Tumayo naman sila, maliban kina Hexy at Maverick.
"Uuwi na lang ako," mahinang saad ni Maverick saka tumayo at tinanggal ang pagkakahawak ni Hexy sa kaniya.
"Ang kj naman ni Maverick," komento ni Vanessa kaya napatingin sila sa kaniya, pati na si Brix.
"You can come," kalmadong sabi ni Brix habang nakatingin kay Maverick.
Hindi naman ito umimik at seryoso lang itong nakatingin sa kaniya.
Aalis na sana si Maverick nang hawakan ni Hexy ang kaniyang kanang braso kaya napalingon siya.
"Sumama ka na, please," mahinang wika ni Hexy, sakto lang para marinig niya.
Ilang segundo pa ay bumuntong-hininga si Maverick bago tumango.
Tahimik lang si Hexy habang umaakyat sila sa yate at abala sa pagtingin sa paligid. Humaplos sa kaniya ang malamig na hangin na nagmumula sa dagat.Nang makaakyat silang lahat ay agad na umandar ang yate papunta sa gitna ng dagat.
Abala sina Shantal na makipag-picture kay Brix, habang si Maverick ay nakahalukipkip na nakatingin sa papalubog na araw.
Naagaw ng tingin ni Hexy si Brix at nagtagal ang paningin niya rito. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya kaya napahawak siya sa kaniyang dibdib.
Napatigil siya sa paghinga nang lumingon si Brix sa kaniya habang nakangiti.
Kumaway ito sa kaniya kaya napangiti naman siya.
Tumalikod siya at napansing nakatingin si Maverick sa kaniya. Malalim ang tingin nito sa kaniya habang nakahalukipkip.
Lalapit na sana si Hexy upang kausapin ito ngunit pumagitna si Vanessa.
Nang makalapit si Vanessa ay sinulyapan pa rin niya si Maverick ngunit lumayo ito sa kanila habang abala sa kaniyang cellphone.
"What do you think about him, Hex?" Tanong ni Vanessa.
"O-Okay naman siya sa atin. Nakakapanibago lang," sagot naman niya.
"Ang bait niya," wika ni Vanessa saka tumingin sa araw.
Napatingin din doon si Hexy saka mas lumapit sa kaniyang kaibigan.
"Gusto kong sabihin 'to dahil magkaibigan tayo," dagdag pa ni Vanessa kaya napalingon ulit si Hexy sa kaniya.
"You deserve him. I'm not against sa pagmamahal mo kay Maverick, pero ngayon lang ako nakakita ng lalakeng sobrang special ang treatment sa'yo," sabi nito habang nakangiti.
Biglang bumilis na naman ang tibok ng puso ni Hexy at namawis ang kaniyang mga palad.
"P-Paanong deserve ko siya? Wala pang kami," natatawang sagot naman ni Hexy saka ipinunas ang mga palad sa gilid ng kaniyang suot na trouser.
"See? Wala 'pa'. Wala pa sa ngayon. Hex, I think he likes you," sambit naman ni Vanessa saka inayos ang buhok ni Hexy na inililipad ng hangin.
"Van, imposible 'yang sinasabi mo kasi—"
"Wala siyang excuses pagdating sa'yo. Negosyante siya, wala siyang masyadong time. Pero binibigyan ka niya ng oras. Hindi ba nakapagtataka na binibigyan ka niya ng oras kahit may mga kailangan siyang gawin. You know kung gaano ka-busy ang mga mayayaman," pagpapaliwanag ni Vanessa.
Nang marinig iyon ni Hexy ay biglang nanlambot ang kaniyang puso at nakaramdam ng kaunting tuwa.
"Huwag natin bigyan ng malisya ang pagiging close niya sa'kin, Van," natatawang wika ni Hexy ngunit hindi mapakali ang kaniyang mga palad, at namamawis pa rin ang mga iyon.
"Sinabi niya sa'min kanina na katatapos lang ng meeting niya. Magpapahinga sana siya, pero gusto ka raw niyang makita," dagdag pa ni Vanessa saka lumingon sa gawi nina Brix.
Napalingon din si Hexy doon at napalunok siya nang makita niya kung gaano ito kasaya kasama nila.
Napakagat na naman siya sa loob ng bibig niya at sumulyap sa gawi ni Maverick. Abala naman ito sa kaniyang cellphone habang humihithit ng sigarilyo.
‘Ayokong i-compare silang dalawa, pero sobrang layo talaga nila sa isa't isa.’
"Masyado akong masaya, pero natatakot ako," mahinang sambit ni Hexy kaya napalingon si Vanessa sa kaniya.
"Natatakot saan?" Nagtatakang tanong nito.
Bumuntong-hininga naman si Hexy at matagal na natahimik bago magsalita.
"Natatakot ako sa mga puwedeng mangyari kapag may magawa akong maling desisyon," wika ni Hexy.
Mas kumunot naman ang noo ng kaibigan niya.
"I don't get you, Hex," saad ni Vanessa.
"Naguguluhan ako. Parang nagkakagusto na ako. Parang may feelings na rin ako kay B-Brix."
Halos mahinto ang paghinga ni Hexy nang sabihin niya iyon."Are you serious?" Tanong ni Vanessa saka napatakip sa kaniyang bibig. Napakamot naman ng batok si Hexy saka dahan-dahang tumango.Nagpigil naman ng tili si Vanessa saka humawak sa magkabilang kamay ni Hexy at pinisil ito."Alam mo, excited na ako sa inyo. Wait. May plano ka bang sabihin sa kaniya?" Tanong ni Vanessa saka napatingin sa direksyon nina Brix.Umiling naman si Hexy."What? Bakit hindi? Eh mukhang nanliligaw na nga siya sa'yo," kunot-noong tanong nito sa kaniya."Gusto ko lang siya. Tsaka hindi ba parang masyadong mabilis? Kasi mag-iisang linggo ko pa lang siyang nakakasama. Tapos 'yong first encounter pa namin, hindi maganda," mahinang saad ni Hexy."Sa bagay, everything takes time," nakangiting sabi ni Vanessa kaya napangiti na lang din si Hexy."Ano'ng pinag-uusapan niyo? Mukhang magandang tsismis 'yan ah?" Tanong ni Shantal nang makalapit sa kanila. Inilagay nito ang kaniyang shades sa kaniyang damit saka ipin
Halos mabingi si Hexy dahil sa lakas at bilis ng tibok ng kaniyang puso sa narinig."M-May nagsabi ba s-sa'yo na..." Namamaos niyang sabi."S-Sinabi ba sa'yo ni Vanessa?" Utal na tanong niya matapos ang ilang segundong pagkatulala.Napakunot-noo naman si Brix."Ano'ng sasabihin niya?"Umiling-iling naman si Hexy saka itinulak nang bahagya si Brix upang malayo ito sa kaniya. "Sorry. Papasok na ako. S-Salamat," natatarantang wika ni Hexy at agad na tumalikod at muntik pa niyang hindi mahanap sa kaniyang bag ang susi ng kaniyang apartment.Agad siyang nakahinga nang maluwag nang makapasok siya sa loob. Napakagat-labi siya nang marinig niyang isinara ni Brix ang gate at umalis na.Napaupo siya sa sofa saka inilapag ang bulaklak sa lamesa. Napahilamos siya sa kaniyang mukha at pilit na pinapakalma ang nanginginig niyang mga kamay.Nang kumalma siya ay nagpakawala siya ng tili sa pagitan ng kaniyang mga kamay. "Ganito pala ang pakiramdam," nakangiting wika niya saka tumitig sa mga bulakl
Napalunok si Hexy at nakaramdam ng init sa palad ni Maverick kahit nilalamig siya kanina."A-Ano'ng sasabihin mo?" Mahinang tanong niya at napatitig kay Maverick. Nakailang lunok siya dahil iyon ang unang beses na magkalapit ang mukha nilang dalawa."I'll tell you later. Baka mawala ka sa mood," sagot naman ni Maverick saka tinanggal ang pagkakaakbay at napatingin kay Brix na nagmamaneho.Umayos ito ng pagkakaupo at ibinaling ang paningin sa labas.Inayos naman ni Hexy ang kaniyang sarili at ipinunas ang mga palad sa kaniyang pantalon. Ilang beses siyang bumuntong-hininga upang pakalmahin ang puso niyang mabilis ang tibok.Itinuon na lang niya ang kaniyang atensyon sa harap habang nakatingin sa daan. Hindi niya mapigilang mapakagat sa loob ng kaniyang bibig, lalo na kapag nadidikit ang kaniyang balat kay Maverick.Ilang beses niyang nahuling nakatingin sa kaniya si Brix sa salamin kaya umusog siya nang kaunti sa tabi ni Shantal.Pumasok sila sa isang matayog na gate na may mataas na b
Hindi nakaimik si Hexy at bigla siyang namutla. Agad siyang inalalayan ng kaniyang katrabaho upang maupo sa isang silya nang muntikan itong matumba dahil sa panginginig ng kaniyang tuhod."H-Hindi..."Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha kaya napatakip siya sa kaniyang mukha habang umiiyak.Agad namang ibinaba ng kasama niya ang kaniyang cellphone at hinaplos siya sa likod."Hexy, ilang beses na kitang gustong kausapin na may fiancee na si Sir Brix, kaso hindi mo naman kami minsan kinakausap," wika nito."M-Matagal niyo nang alam, Drea?" Tanong ni Hexy at tumingin sa kaniya.Dahan-dahang tumango ito sa kaniya."Akala namin ay alam mo dahil minsan na silang na-cover ng isang magazine, tsaka may social media si Ma'am Joyce at doon siya nag-uupdate," sagot nito.Napahilamos naman ng mukha si Hexy habang hindi mapigilan ang paninikip ng kaniyang dibdib."Hindi k-ko alam. Hindi ako nag-oopen ng social media," nanlulumo niyang sambit at hindi na niya mapigilang mahikbi
Napaawang ang bibig ni Hexy nang makitang dumudugo ang ibabang bahagi ng labi ni Brix sa lakas ng pagkakasuntok ni Maverick. Napahawak naman sa parteng 'yon si Brix."You better stay away, or else—""Or else, what? Don't threaten us. You're the one who's wrong here, " pamumutol ni Maverick sa sasabihin ni Brix. Hinawakan agad ni Hexy ang kaliwang braso ni Maverick upang pigilan sa ano pang gagawin nito."Umalis ka na," wika ni Hexy kaya napalingon ito sa kaniya."No, Hexy—""Ayaw kitang makita. Ayaw kitang makausap," sambit ni Hexy habang pinipigilan ang kaniyang pag-iyak.Lumapit naman nang bahagya si Brix kahit nasa tabi lang ni Hexy si Maverick."Hexy, I'm sorry. Ayaw kitang saktan. I just don't have a choice," sabi nito at aabutin sana ang kamay ni Hexy ngunit iniharang naman ni Maverick ang kaniyang kanang kamay sa harapan niya kaya napatingin na naman ito kay Maverick."Napakasinungaling mo. Para saan lahat ng 'yon, ha? Gusto mo lang bang saktan ang fiancee mo?" Namumulang saad
"I'm sorry, Hexy," pagpapaumanhin ng isa sa kaniyang kaharap.Pinunasan niya ang kaniyang luha at tumingin sa kanila."K-Kanino galing 'yan?" Tanong niya sabay turo sa cellphone kung saan nakita niya ang isang picture na nakahiga siya sa kama habang natutulog at may kasamang lalake na walang suot at tanging kumot lang ang takip nito sa katawan, habang siya ay may suot na damit."S-Sabi ni Sasha, pinasa lang daw sa kaniya. Isinend niya sa group chat natin," sagot ng isa.Kumuyom ang kaniyang mga palad dahil sa galit."Nasaan siya?" Kalmadong tanong nito."Day off niya ngayon," sagot naman ng kaharap niya. Hindi pa man siya nakakapagsalita ulit ay umalis na ang dalawa sa harap niya. Muli na namang tumulo ang kaniyang mga luha at naupo sa isang upuan saka ilang beses na huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili."Why are you still—"Hindi natapos ni Maverick ang kaniyang sasabihin nang tumingin si Hexy sa kaniya habang umiiyak.Lumapit siya kay Hexy at umupo sa kaniyang harapan.
Napalunok si Hexy at nanginig ang kaniyang mga kamay. Siguradong-sigurado na siya kung sino ang kaniyang kaharap dahil sa mukhang mamahalin nitong suot na puting silk dress at puting shades na nakalagay sa kaniyang ulo."I'm Brix' fiancee," pagpapakilala nito habang diretsong nakatingin sa kaniyang mga mata.May nunal ito sa ibaba ng kaniyang kaliwang mata at hindi pa man ito umiirap ngunit parang nakakasugat na ang kaniyang kilay."I wanna ask you one thing," saad nito at mas lumapit kay Hexy. Napaatras naman siya ngunit mas dumiin lang siya sa motor ni Maverick."Did something happen between you and Brix?" Tanong nito.Nanuyo naman ang lalamunan ni Hexy ngunit umiling siya nang dahan-dahan."W-Wala.""Kahit walang nangyari sa inyo. Kaya kong gumawa ng isang bagay na alam kong ikaw ang makakasuhan. Hindi mo ako kilala. Kaya kitang paluhurin sa harap ko," pagbabanta nito na siyang mas lalong ikinakaba ni Hexy."Hindi ko a-alam na may fiancee siya," sagot naman niya.Isang malakas na s
"Ano? Bakit nadamay si Shantal? Siya rin ang bumangga sa kaniya?" Galit na tanong ni Hexy saka napasapo sa kaniyang ulo."Rio also told me na Shantal warned her na tigilan ka. You know her attitude," sagot ni Maverick."Hindi! Hindi maaari. Kakausapin ko siya. Hindi siya puwedeng mandamay ng iba. Dahil kung tutuusin, si Brix ang may kasalanan ng lahat!" "Calm down. We need to see Shantal first," wika naman ni Maverick at iniabot sa kaniya ang helmet.Napabuntong-hininga naman si Hexy saka isinuot ang helmet."I'm sorry kung nadamay ka dahil sa'kin," naiiyak na wika ni Hexy saka kinuha ang kanang kamay ni Shantal. Nakahiga naman ito sa higaan habang may benda ang kaliwang kamay na nabali at ilang mga gasgas sa kaniyang mga braso at paa."It's okay. Wala ka namang kasalanan. Ang bruhang 'yon naman ang bumangga sa'kin. Humanda talaga siya," pagbabanta ni Shantal."Hayaan mo na. Baka mas grabe pa ang aabutin mo niyan," nag-aalalang sabi naman ni Hexy at tinignan ang buong katawan ni Shan
Salamat po sa mga bumasa ng aking nobela! Sana po ay nagustuhan niyo. Gusto ko sanang pasalamatan ang mga nag-cocomment. Lalo na po ang kauna-unahang nag-comment sa aking nobela. Ako po ay nagpapasalamat sa pag-iiwan niyo ng mga hula niyo sa mga susunod na mangyayari. Sana ay ganoon pa rin po sa mga susunod. You can leave any comments, good or bad, tungkol po sa story. Matapos ang HER MISTAKE, may mga suggestions po ba kayo kung kaninong story ang isusunod ko? Story nina Shantal, Aldrin, or Joaquin. Sana po ay suportahan niyo ulit ang mga susunod kong isusulat. Salamat! -Haneibuns
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Hexy kina Maverick at ang kaniyang pamilya."P-Pinuntahan ko lang saglit 'yong bukid ni Papa. Bakit parang alalang-alala kayong lahat?" Tanong niya."Bakit may sugat ka sa kamay?" Tanong naman ni Hannah sa kaniya.Napatingin naman si Hexy sa kaniyang kamay na may dugo."Natisod kasi ako. May tinik sa harapan ko, kaya nasugat ako, pero okay lang naman ako."Huminga naman sila nang malalim."Then where is Hanz? Hindi mo siya kasama?" Tanong ni Maverick.Umiling naman si Hexy."My grandson is missing," sambit naman ni Maximus. Napatingin si Hexy sa kaniya at nakita niya itong naiiyak na.Hindi naman mawala sa itsura nila ang pag-aalala habang nakatingin sa kaniya."Po? Hindi po. Iniwan ko siyang natutulog sa kuwarto ko. Sinabi ko pa nga kay ate na nandoon siya," sagot naman ni Hexy.Napatingin naman sila kay Hannah at nagulat naman ito."H-Hindi ko siguro narinig," wika nito.Bumuntong-hininga naman si Hexy."Puntahan na lang natin si Hanz, at kumain na tay
Nang magsimula na silang kumain sa venue ay hindi maiwasan nina Maverick at Hexy ang mapatingin sa mga bisita nila at pati na rin sa mga sulok ng venue. Sinabi na rin nila iyon kay Maximus, kaya nagpadagdag ito ng security sa buong lugar."Is that Joaquin?" Kunot-noong tanong ni Maverick habang nakatingin sa lalakeng papalapit sa table nina Hexy.Napatingin naman si Hexy sa gawi nito."I have already put my gift there," turo ni Joaquin sa side ng stage kung saan naroon ang mga regalo nila nang makalapit siya.Napangiti naman sina Maverick sa paglapit nito."Can I carry him?" Tanong ni Joaquin saka nilapitan at ngumiti sa kanilang baby."Sige," sagot ni Hexy at dahan-dahang ipinaubaya kay Joaquin ang kanilang anak.Niyakap naman ni Joaquin ang baby nila at tuwang-tuwa siya habang tumatawa itong nakatingin sa kaniya."You look different," komento ni Maverick at tinignan ang kabuuan nito.Napangiti naman lalo si Joaquin saka tumingin sa kanila."So, I met this girl—"Nagkatinginan naman
"They're okay na po, Sir. May emergency lang po ako," sagot ng nurse saka ito ngumiti."You should've washed your hands before going out," mahinang sambit ni Maverick nang makalayo ito saka siya umiling-iling at hinawakan ang kaniyang dibdib."Maverick, kumusta si Avory?"Napatingin naman si Maverick sa paparating na sina Hannah kasama ang mga kaibigan nila at si Maximus."A-Ang sabi ng nurse ay okay na raw sila. I'm not sure if we can go in now," sagot niya saka ipinunas ang kaniyang mga nanginginig na palad sa kaniyang shorts."Then let's just wait kung ano'ng sasabihin nila," wika naman ni Shantal.Nanatili naman silang nakatayo sa labas ng kuwarto ni Hexy kahit may nakalaang upuan para sa kanila.Biglang bumukas ang pintuan matapos ang ilang minuto at lumabas doon ang Ob-gyn kaya naman napatingin sila.Napalunok naman si Maverick."Nanganak na po si Mrs. Del Rosario. For now, kaunti lang po ang puwedeng pumasok. Lahat po ng papasok ay kailangang magsuot ng facemask, because the ba
Bigla namang natawa si Joaquin kaya hinampas ni Hexy ang kaniyang kaliwang braso."Napakaseryoso niyo namang dalawa. I'm just kidding," saad ni Joaquin.Natawa naman si Maverick saka siya umiling-iling."Hindi ka naman nakakatawa," sagot ni Hexy."Heto namang si Miss Preggy, ang KJ. Ilang tumbling na lang, you are about to give birth."Natawa na lang din si Hexy sa kaniya."Kanina lang ay bad mood ka, why are you smiling now?" Tanong ni Maverick."Hindi kasi sumasagot 'yong isang employee ko kanina. She texted me that she has a fever that's why she can't go to work," sagot ni Joaquin.Tumango-tango naman si Maverick."Kumusta ka na? Ang tagal mong walang paramdam, ah!" Sambit ni Hexy."I went to California. But I had a hard time adjusting, so I went home and now, I'm managing my own business. It's not easy kasi kakasimula ko pa lang pero madami nang nangyari," sagot ni Joaquin."Eh, aalis ka kaagad?" "Hindi naman. I will stay here for a few more days. Besides, I missed it here," saad
Sa loob ng kahong ipinadala ni Vanessa noon ay naglalaman ng iba't ibang liham galing sa kaniya.Sa gitna ng mga nagpatong-patong na sulat ay may mga pictures na silang dalawa ni Hexy.Nanginginig ang mga kamay ni Hexy na kumuha ng isang liham at binasa iyon.Naluha siya nang mabasang nagpapasalamat sa kaniya si Vanessa nang tulungan siya nitong ayusin ang mga papers niya sa kaniyang trabaho.Huminga siya nang malalim at kumuha ulit ng isa.Napakunot-noo siya at napalunok nang makitang iba ang sulat-kamay ni Vanessa roon. Para itong nagmamadali. Isinulat ni Vanessa kung gaano siya kagalit nang makita niyang binilhan siya ni Maverick ng kaniyang paboritong inumin at pagkain, habang si Vanessa ay hindi man lang nito mabilhan.Tumango-tango si Hexy nang maalalang minahal nito si Maverick noon pa man.Sunod niyang binasa ang liham na may kulay itim na papel at kulay puti ang tinta ng ballpen na kaniyang ginamit.Bumilis ang tibok ng puso ni Hexy at pigil-hiningang binasa ang sulat ni Van
Sa video na ginawa ni Joaquin ay makikitang nakaupo siya sa sofa mula sa loob ng kaniyang kuwarto.Umubo pa muna siya saka ngumiti sa camera at nakita na naman ni Hexy ang kaniyang dimple."Hi, Hexy!" Nanginginig pa ang boses na pagbati ni Joaquin.Ilang beses siyang napalunok at kitang-kita sa camera ang panginginig ng kaniyang mga kamay na magkahawak habang nakapatong ang mga iyon sa kaniyang tuhod."Do you remember the first time we met? Bumagay sa'yo ang garden sa restaurant, kaya agad akong lumapit sa'yo para i-assist ka. You were even surprised when I said I was Maverick's cousin. Alam kong wala pang kayo noon, pero mahilig ka kasing mag-assume," natatawang sambit ni Joaquin saka siya umiling-iling."I don't regret saving you from Brix's people before, and even from your friends. Madali ka kasing magtiwala, masyado kang mabait," dagdag pa nito.Huminga ito nang malalim. Napalunok naman si Hexy nang biglang sumeryoso si Joaquin."That's what I hate about you, masyado kang mabait,
Bago pa man makalapit si Maverick kay Hexy ay hindi ito naging madali sa kaniya. Lalo na noong nagpakita sa kaniya si Vanessa at hiniling na lumayo na lang silang dalawa roon upang hindi na masaktan pa si Hexy at ang pamilya nito.Nalaman din ni Maximus na hindi na sila maayos ni Hexy at kakaiba ang ikinikilos ni Maverick."Gulong-gulo ka? Saan? Sa pambababae mo? I never cheated on your mother, then you're going to do that to someone who have loved you for a long time?" Sambit ng kaniyang ama.Napatingin naman si Maverick kay Maximus."Everything is not important to me anymore, Papa. Mamatay man ako, heto na 'yon. I have made up my mind. It was not easy for me. I hope you understand me, Papa."Umiling-iling naman ang kaniyang ama saka huminga nang malalim."Hindi ka magiging masaya, Maverick. Hindi ka kailanman sasaya sa iba dahil may sinaktan kang babae," wika ni Maximus.Umiwas naman ng tingin si Maverick at tumingin sa labas ng bintana kung saan makikita ang restaurant na pinagtrat
Biglang nabingi si Hexy at nanlaki ang kaniyang mga mata sa pagkagulat. Napaatras siya habang nanginginig ang kaniyang mga kamay na napatakip sa kaniyang bibig.Napahawak si Brix sa kaniyang sikmura at tumulo doon ang kaniyang dugo.Nang kalabitin ni Vanessa ang gatilyo ay agad na hinarangan ni Brix si Maverick upang hindi ito mabaril. Nanlaki ang mga mata nila nang si Brix ang tinamaan.Agad na lumapit sina Maverick habang nakatayo pa rin si Hexy at hindi pa rin makarekobre sa gulat.Napatingin si Brix kay Hexy at bigla itong natumba.Doon lang lumapit si Hexy sa kaniya at hindi makaimik habang naluluha."I-I'm sorry," mahinang wika ni Brix at pupungay-pungay na ang kaniyang mga mata."T-Tumawag na kayo ng tulong. Dali!" Baling ni Hexy kina Shantal. Nanginginig naman silang naglabas ng kanilang mga cellphone."B-Bakit, Brix? Bakit mo ginawa mo 'to?" Tanong ni Hexy saka hinawakan ang braso ni Brix at hindi na mapigilan ang kaniyang luha."K-Kahit hindi na ako ang mamahalin mo sa haban