"I'm sorry, Hexy," pagpapaumanhin ng isa sa kaniyang kaharap.
Pinunasan niya ang kaniyang luha at tumingin sa kanila.
"K-Kanino galing 'yan?" Tanong niya sabay turo sa cellphone kung saan nakita niya ang isang picture na nakahiga siya sa kama habang natutulog at may kasamang lalake na walang suot at tanging kumot lang ang takip nito sa katawan, habang siya ay may suot na damit.
"S-Sabi ni Sasha, pinasa lang daw sa kaniya. Isinend niya sa group chat natin," sagot ng isa.
Kumuyom ang kaniyang mga palad dahil sa galit.
"Nasaan siya?" Kalmadong tanong nito.
"Day off niya ngayon," sagot naman ng kaharap niya.
Hindi pa man siya nakakapagsalita ulit ay umalis na ang dalawa sa harap niya.
Muli na namang tumulo ang kaniyang mga luha at naupo sa isang upuan saka ilang beses na huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili.
"Why are you still—"
Hindi natapos ni Maverick ang kaniyang sasabihin nang tumingin si Hexy sa kaniya habang umiiyak.
Lumapit siya kay Hexy at umupo sa kaniyang harapan.
"Is it about the picture?" Mahinang tanong ni Maverick. Napakunot-noo naman si Hexy.
"Nakita mo?"
"Oo, kanina. Ipinakita nila sa'kin," sagot naman ni Maverick.
"Hindi totoo 'yon, Mavs. Hindi ako 'yon," naiiyak niyang sambit. Tumango-tango naman si Maverick.
"Edited lang 'yon. At hindi ako sumasama sa ibang lalake," dagdag pa niya saka pinunasan ang kaniyang mga luha ngunit patuloy pa rin ito sa pagpatak.
Hinayaan lang siyang umiyak ni Maverick at hindi siya nito iniwan.
Umalis saglit si Maverick at pagdating niya ay may dala siyang tubig.
"Go change your clothes kapag kumalma ka na," wika nito saka iniabot ang bottled water kay Hexy. Tumango naman si Hexy at napatingin sa likod ni Maverick habang paalis ito sa kaniyang harapan.
Nang kumalma siya ay agad siyang nagtungo sa storage room sa office upang kumuha ng pamalit niyang uniform.
Pagkabalik niya sa dining area ay hindi makatingin sa kaniya ang babaeng guest na namahiya sa kaniya kaya nagtaka siya.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Hexy nang ibang direksyon ang tinatahak ni Maverick habang nagmamaneho.Hindi naman sumagot si Maverick at seryoso lang ito.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating sila sa isang restaurant malapit sa dagat.
"Mag-take out tayo," sambit ni Maverick nang makapasok sila sa loob.
Napasulyap naman si Hexy sa dagat mula sa bintana ng restaurant at naalala ang mga pangyayaring kasama niya si Brix.
"Hexy, kanina pa kita tinatanong," wika ni Maverick kaya napatingin ito sa kaniya.
"S-Sorry."
"Ano'ng gusto mo?" Tanong ni Maverick.
"Kahit ano," tipid na sagot niya.
Bumuntong-hininga naman si Maverick bago umorder ng kanilang kakainin.
Nang makuha nila ang pagkain ay agad silang lumabas doon.
"Saan mo gustong kumain? Gusto mo ba kumain sa tabing-dagat?" Tanong ni Maverick habang isinusuot ang kaniyang gloves.
"Puwedeng sa apartment ko na lang?" Sambit ni Hexy. Hindi naman nagsalita si Maverick saka hinintay na maisuot ni Hexy ang helmet.
Dumiretso sila sa apartment ni Hexy at doon kumain."Ano na naman kaya ang mangyayari bukas?" Mahinang sambit ni Hexy saka niyakap ang unan sa sofa.
"Because of what happened, asahan mong may mangyayari sa'yo. Mataas ang tingin ng mga tao kay Brix, and hindi mo alam kung ano'ng gagawin ng fiancee niya sa'yo if alam na niya ang tungkol sa'yo," wika naman ni Maverick habang nakapikit at nakayakap sa unan.
"Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi na sana ako nakipag-usap sa kaniya dati. Nilimot ko na lang sana ang nangyari," saad ni Hexy saka umayos sa pagkakaupo.
"You can't bring back the past. There's no point in regretting what happened," sagot naman ni Maverick. Napabuntong-hininga na lang si Hexy at pinagmasdan siya habang nakapikit ito.
"Ikaw na lang sana," sabi niya.
Tumalikod naman si Maverick sa kaniya habang nakapikit pa rin.
"You need to be strong. Someone's out there destroying your image," saad niya.
"Bakit ako? Hindi ba dapat si Brix dahil niloko niya ang fiancee niya? Eh, wala naman akong alam sa kanilang dalawa."
Humarap naman si Maverick sa kaniya kaya napalunok siya.
"I'm just curious about one thing," sambit ni Maverick.
Naghintay naman si Hexy sa susunod na sasabihin nito saka umayos sa pagkakaupo.
"How did you end up to his room? Kahit lasing ka, alam mo ang ginagawa mo," pagpapatuloy nito.
"Ilang beses na akong nalasing, pero 'yon lang 'yong time na wala akong maalala," sagot naman ni Hexy.
Umayos si Maverick sa pagkakaupo at ibinalik ang unan sa sofa.
"Hindi kaya kinuha ka ni Brix from the bar?" Tanong nito.
"Bakit naman niya gagawin 'yon?" Kunot-noong sambit ni Hexy.
"I don't know. There's just something weird about what happened to you, and it's hard to believe na pareho kayong walang maalala."
"Eh, sabi niya na wala rin siyang maalala dahil lasing din siya," sagot naman ni Hexy.
"I don't believe him. Something's off, I can feel it. At kung totoo ang naiisip kong kinuha ka niya, maaari siyang makasuhan," saad ni Maverick.
Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ni Hexy.
"B-Bakit naman niya gagawin 'yon?"
"He's a man, Hexy," sagot ni Maverick.
Hindi naman nakapagsalita si Hexy at mas lalo siyang kinabahan.
"When you woke up, what did you do next to him? May napansin ka ba?" Tanong nito sa kaniya.
Napalunok si Hexy nang maalalang naghalikan sila.
"A-Ano...nagising akong naghahalikan kami," mahinang sagot niya saka umiwas ng tingin.
"Come to think of it, if you're asleep, kaya mo bang hanapin ang bibig ng isang tao? So it's unbelievable that he doesn't remember anything either. You can't just kiss a stranger for no apparent reason," pagpapaliwanag ni Maverick. Napatingin si Hexy sa kaniya at napaisip.
"Bakit ang haba ng mga sinasabi mo ngayon?" Tanong ni Hexy.
"Nagsasalita lang ako kapag may sense ang sasabihin ko. Unlike you, sometimes you're nonsense," sagot nito. Lumabi naman si Hexy.
"Hexy, come here! Huwag ka munang pumunta ro'n," aya sa kaniya ng isa nilang kasamang server habang inilalagay niya ang kaniyang gamit sa locker."B-Bakit?" Nagtatakang tanong niya. Lumapit ito sa kaniya saka ipinakita ang kaniyang cellphone.
"Is this you?" Tanong nito.
Pinagmasdan naman ni Hexy ang litratong ipinapakita nito sa kaniya.
Napalunok siya at biglang bumilis ang tibok ng puso nang makitang silang dalawa ni Brix ang nandoon. Iyon 'yong time na binigyan siya ni Brix ng mamahaling bag ngunit hindi niya tinanggap. Naka-blur ang mukha niya roon ngunit halatang siya iyon dahil sa sira niyang bag.
"Ano, Hexy? Ikaw ba 'to?" Pag-uulit ng babae.
"H-Huh? H-Hindi. Hindi naman ako sumasama kay Brix lagi," pagsisinungaling niya.
"Hindi ba minsan ay nag-uusap kayo sa parking lot ni Sir Brix? Pinagkakalat kasi nila na binabayaran ka niya," sabi ng kaharap niya.
Nanlaki naman ang mga mata niya.
"A-Ano? Hindi totoo 'yan. Never akong humingi sa kaniya," depensa naman niya."Pasensya na. Kalat na kasi sa social media ang isang pasaring tungkol sa isang babae na naging dahilan daw kung bakit nakunan si Miss Joyce. And may naglabas ng picture na 'to. Everyone talks about it now," saad nito.
"H-Hindi," tanging sagot ni Hexy dahil nakaramdam siya ng panghihina dahil sa nalaman.
Matapos siyang kausapin ng kasama ay umalis na ito at naiwan siya sa harapan ng kaniyang locker.
Napasandal siya ro'n at paulit-ulit na hinilot ang kaniyang noo at pinipigilang maiyak.
"I guess, Joyce made her first move."
Napatingala siya at nakita si Maverick sa kaniyang harap.
"Kumpirmado. Ako nga ang dahilan, Mavs. Isang linggo lang kaming nagkasama, pero may nadamay na," wika ni Hexy saka naupo dahil hindi na niya kinaya ang panginginig ng kaniyang mga tuhod.
"That's just a 'tsismis'. Wala namang confirmation galing kina Brix," sagot naman ni Maverick sa kaniya.
"Paano kung totoo? Ang ibig sabihin ay dahil sa'kin, may namatay. Ilang babae ang humihiling na magkaanak sila, tapos dahil sa'kin...dahil sa'kin nawalan sila ng anak," sabi ni Hexy at hindi na niya napigilang maiyak.
"It's not your fault. Hindi ka naman naging babae ni Brix," saad naman ni Maverick habang nakatayo sa harap niya.
"O-Oo nga, pero ilang beses kaming lumabas. In-entertain ko siya. May kasalanan pa rin ako," sagot naman niya.
Hindi naman nakasagot si Maverick at tinitigan lang siya habang umiiyak.
"P-Pero sino ang may gawa nito? Alam kong hindi ko kinuha ang bag. Iyon 'yong time na nasira ang bag ko dahil nag-away tayo, at gusto niya akong bigyan ng bag. Hindi ko 'yon kinuha," wika ni Hexy saka nagpunas ng kaniyang luha.
"Someone followed you kaya nakunan kayo ng picture," sagot naman ni Maverick.
Napakunot-noo naman si Hexy at inalala kung may napansin siya noong magkasama sila ni Brix. Napakagat siya sa kaniyang labi nang wala man lang siyang maalala.
"H-Hindi kaya alam na ng fiancee ni Brix na may kasama siyang lumalabas kaya pinasundan niya kami?" Sabi niya.
"Maybe. At hindi mo alam, baka pati ngayon ay pinapasundan ka nila," wika naman ni Maverick. Napabuntong-hininga naman siya.
"Pagod na ako. Sunod-sunod na ang mga nangyayaring hindi maganda dahil kay Brix."
"Wala kang magagawa kung hindi ang harapin lahat ng mga mangyayari. You liked him, so endure it," sambit ni Maverick.
Nakaramdam naman ng kirot si Hexy sa kaniyang puso dahil tama ang sinabi nito sa kaniya.
"So, nakakaya mo pang kumain kahit nadadawit ka sa issue?" Tanong ni Sasha habang kumakain sina Maverick at Hexy kinabukasan.Hindi naman siya pinansin ni Hexy at nagpatuloy lang sa pagkain.
"I told you before na kilalanin mo kung sino ang mga nilalandi mo. You didn't listen to me," dagdag pa nito.
"Kaya, Maverick, mag-ingat ka. Dahil kahit matagal na kayong friends nito, peperahan ka lang niyan. She's poor," natatawang wika ni Sasha saka itinuro pa si Hexy.
Natigil naman si Hexy sa kaniyang pagkain saka tumingala kay Sasha na nakatayo sa tabi ni Maverick.
"Okay lang na mahirap ako. Kaysa naman sa iba diyan, na may pera na nga, ibinabalandra pa ang katawan para mas lalong dumami ang pera," walang-ganang sambit ni Hexy.
Nanlaki naman ang mga mata ni Sasha.
"What did you say? Ulitin mo—"
"Sasha, go away. Tumatalsik ang laway mo sa pagkain ko. Gross," sabi naman ni Maverick.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Sasha bago inirapan si Hexy saka umalis.
"Late raw sina Shantal mamaya. Pupunta ka pa rin ba sa tambayan?" Tanong ni Maverick saka uminom.
"Ewan ko lang. Baka may mangyaring masama sa'kin kapag mag-isa ako doon," sagot naman ni Hexy.
Tumango-tango naman si Maverick.
"Hindi pa ako kinakausap ni Brix, at baka manggulo na naman."
"You missed him?" Biglang tanong ni Maverick.
"H-Hindi," nauutal na sagot ni Hexy saka umiwas ng tingin.
"Stop it, Hexy," wika ni Maverick kaya napatingin ulit siya.
"Hindi na nga, eh. Natuto na ako sa pagkakamali ko."
Sumandal siya sa kaniyang upuan saka napaisip sa mga nangyayari.
"Hintayin mo ako sa parking lot," saad ni Maverick habang inaayos ang gamit niya sa locker.Isinakbit naman ni Hexy ang kaniyang bag sa kaniyang balikat bago isinara ang kaniyang locker.
"Ikaw, pinopormahan mo ba ako?" Tanong niya kay Maverick. Napatigil naman ito sama tumingin sa kaniya.
"No. I know you still have feelings for me," deretsahang sagot nito. Napaawang naman ng bibig si Hexy.
"A-Ang kapal ng mukha mo," sagot niya.
Hindi naman sumagot si Maverick habang abala sa pagsasalansan sa kaniyang mga gamit.
Kinuha naman ni Hexy ang ipinahiram ni Maverick sa kaniyang helmet saka nauna na sa parking lot.
Sumandal siya sa motor ni Maverick at napapikit saka hinilot ang gilid ng kaniyang noo.
"Masaya ba'ng maging kabit, Hexy Avory Ocampo?"
Napaayos siya ng tayo nang biglang may nagsalitang babae sa harap niya.
Bumilis ang tibok ng puso niya at bigla siyang nanghina nang pagmulat niya ay nasa harap niya ang hindi pamilyar na mukha.
Napalunok si Hexy at nanginig ang kaniyang mga kamay. Siguradong-sigurado na siya kung sino ang kaniyang kaharap dahil sa mukhang mamahalin nitong suot na puting silk dress at puting shades na nakalagay sa kaniyang ulo."I'm Brix' fiancee," pagpapakilala nito habang diretsong nakatingin sa kaniyang mga mata.May nunal ito sa ibaba ng kaniyang kaliwang mata at hindi pa man ito umiirap ngunit parang nakakasugat na ang kaniyang kilay."I wanna ask you one thing," saad nito at mas lumapit kay Hexy. Napaatras naman siya ngunit mas dumiin lang siya sa motor ni Maverick."Did something happen between you and Brix?" Tanong nito.Nanuyo naman ang lalamunan ni Hexy ngunit umiling siya nang dahan-dahan."W-Wala.""Kahit walang nangyari sa inyo. Kaya kong gumawa ng isang bagay na alam kong ikaw ang makakasuhan. Hindi mo ako kilala. Kaya kitang paluhurin sa harap ko," pagbabanta nito na siyang mas lalong ikinakaba ni Hexy."Hindi ko a-alam na may fiancee siya," sagot naman niya.Isang malakas na s
"Ano? Bakit nadamay si Shantal? Siya rin ang bumangga sa kaniya?" Galit na tanong ni Hexy saka napasapo sa kaniyang ulo."Rio also told me na Shantal warned her na tigilan ka. You know her attitude," sagot ni Maverick."Hindi! Hindi maaari. Kakausapin ko siya. Hindi siya puwedeng mandamay ng iba. Dahil kung tutuusin, si Brix ang may kasalanan ng lahat!" "Calm down. We need to see Shantal first," wika naman ni Maverick at iniabot sa kaniya ang helmet.Napabuntong-hininga naman si Hexy saka isinuot ang helmet."I'm sorry kung nadamay ka dahil sa'kin," naiiyak na wika ni Hexy saka kinuha ang kanang kamay ni Shantal. Nakahiga naman ito sa higaan habang may benda ang kaliwang kamay na nabali at ilang mga gasgas sa kaniyang mga braso at paa."It's okay. Wala ka namang kasalanan. Ang bruhang 'yon naman ang bumangga sa'kin. Humanda talaga siya," pagbabanta ni Shantal."Hayaan mo na. Baka mas grabe pa ang aabutin mo niyan," nag-aalalang sabi naman ni Hexy at tinignan ang buong katawan ni Shan
"S-Sandali lang, Sir. Hindi naman po yata tamang ma-suspend po ako dahil sa mga issues ngayon. Hindi naman po connected sa trabaho ko ang mga ibinibintang nila sa'kin," sabi ni Hexy habang nanginginig ang mga kamay at halos tumayo na siya upang mas marinig siya ng kanilang manager."I know, Hexy. Calm down. Sinabi nila sa'kin 'yon dahil maaaring madamay ang pangalan ng restaurant, but I told them that the personal issues of the employees will not affect the restaurant. Management should not interfere in your personal lives," kalmadong sagot nito habang nakapatong ang mga kamay sa lamesa niya.Napangiti naman nang kaunti si Hexy."Thank you po. Akala ko po hindi nakikinig ang management sa mga tsismis," wika niya saka bahagyang natawa."Actually, hindi. But Sasha told them kaninang umaga. Nagpunta raw sa office nila," saad naman ng kanilang manager.Nakaramdam naman ng inis si Hexy nang marinig iyon."Iyan lang ang sasabihin ko, Hexy. As long as hindi maapektuhan ang pagtatrabaho mo ri
Hindi umimik si Maverick at hinahabol pa rin nito ang kaniyang paghinga. Nagpalipat-lipat ng tingin si Hexy kina Maverick at Aldrin habang nanginginig pa rin at nakakunot-noo. "Maverick, ano ba? Ano'ng nangyayari? Naguguluhan ako!" Pasigaw na tanong ni Hexy. Mabilis na lumapit si Maverick kay Aldrin at itinulak ito ngunit nasalo naman siya ni Rio. "Tell her what you did, as*hole," maawtoridad ngunit nagbabantang sambit ni Maverick sa kaniya. Hindi naman nakaimik si Aldrin at nakatingin lang ito kay Hexy na parang nag-aalala. "A-Ano'ng sasabihin mo?" Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Hexy habang naghihintay ng sagot ni Aldrin. "Sasabihin mo, o hindi ka na makakapagsalita ulit?" Sambit ni Maverick at masama ang tingin kay Aldrin. Hahakbang ulit sana palapit si Maverick ngunit nagsalita si Aldrin. "I-I'll tell her," wika nito. Napalunok si Hexy at hindi pa rin inalis ang paningin sa kaniya. "S-Sinundan ko kayo dati ni Brix. I took a picture of you when he handed you the
"What the hell did you say?" Tanong ni Brix kay Maverick. Malakas na binitawan ni Maverick ang kamay niya at humakbang papunta sa harap ni Hexy, dahilan upang matakpan siya.Napalunok naman si Hexy at naramdamang bumilis ang tibok ng puso niya.Napatingin siya sa likod ni Maverick at pinigilan ang panginginig ng kaniyang mga kamay."You heard me. Hindi ko na kailangang ulitin pa," sagot naman ni Maverick."You don't know who you're talking to. Hindi mo alam kung ano'ng kaya kong gawin sa'yo," pagbabanta ni Brix sa kaniya.Nang marinig iyon ni Hexy ay umalis siya sa likod ni Maverick at nagpunta sa harap nito upang pigilan si Brix sa kaniyang gagawin kay Maverick.Napangisi si Maverick habang nakatingin kay Brix."Hindi mo rin ako kilala. Huwag mo akong hintaying magpakilala," sabi nito. Nakaramdam naman ng kaba si Hexy dahil nakita niya kung paano nito binugbog si Aldrin, at nakita niya na dati kung paano ito makipag-away. "P-Please, umalis ka na," saad ni Hexy.Napatingin naman si
Napahawak si Joyce sa kaniyang kaliwang pisngi sa lakas ng sampal ni Hexy sa kaniya. Nanlaki ang kaniyang mga mata habang nakatingin kay Hexy dahil sa gulat."Wala kang karapatang siraan ako sa Papa ko," wika ni Hexy habang masama ang tingin sa kaniya.Hindi naman nakapagsalita si Joyce at nakahawak pa rin siya sa kaniyang pisngi."Alam kong ikaw ang may gawa no'n," dagdag pa niya."What the hell are you talking about?" Sambit ni Joyce saka sinamaan din siya ng tingin. Napakuyom naman ng mga palad si Hexy dahil sa gigil."Ikaw lang naman ang may galit sa'kin at kayang magbayad sa pamilya ko para siraan ako. Para saan?" Sabi niya at nagbago ang kaniyang ekspresyon."Nilayuan ko na si Brix. Ni ayaw ko na nga siyang makita at makausap. Pero bakit pinaparusahan mo pa rin ako?" Naiiyak na wika ni Hexy.Nakatingin lang sa kaniya si Joyce habang siya ay parang nagmamakaawa."Hindi pa ba sapat 'yong mga pamamahiya mo sa'kin? Pati ang mga kaibigan ko ay dinamay mo pa. Tapos ngayon, pati pamily
Napahawak si Hexy sa kaniyang ulo dahil naramdaman niyang kumikirot iyon. Unti-unti siyang nagmulat ng kaniyang mga mata at bahagya siyang nasilaw sa liwanag na nagmumula sa isang chandelier sa kuwarto.Nanlaki ang kaniyang mga mata nang hindi siya pamilyar kung nasaan siya."I'm sorry kung humantong tayo sa ganito, Hexy."Napalingon si Hexy sa kaniyang gilid at biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang makitang nakatayo si Brix malapit sa kinauupuan niya."N-Nasaan ako?" Tanong niya saka ikinalat ang kaniyang paningin.Maluwag ang kuwarto at kulay dark green doon. Nakaupo siya sa isang malaking sofa kung saan siya nagkaroon ng malay. Walang bintana, at ang chandelier lang ang nagbibigay liwanag doon. May mga paintings sa loob at ilang mga figurines.Mas lalong kinabahan si Hexy nang humakbang palapit sa kaniya si Brix."Ano'ng g-ginawa mo kay Vanessa? Nasaan siya?" Lakas-loob niyang tanong habang na kay Brix ang paningin.Napatingala siya nang makalapit ito sa kaniya."I missed all
Napatayo si Maverick sa kaniyang kinauupuan nang makita kung sino ang nagpunta sa apartment ni Hexy.Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ni Hexy nang mapansing sumama ang tingin ni Maverick kaya agad din siyang napatayo at hinawakan ang kanang braso ni Maverick."Get out. Hindi ka kailangan dito," saad ni Maverick."Ano pa ang ginagawa mo? Alis!" Mataray na sambit ni Shantal at itinuro pa ang daan."Gusto ko lang kumustahin si Hexy because I saw Rio na nagmamadali ring pumunta rito," sagot ni Aldrin."What are you doing here?" Napatingin naman sila sa kadarating lang na si Rio at may dalang mga pagkain at gamot.Napatingin si Aldrin sa kaniya ngunit nilagpasan niya ito at tumabi kay Shantal."Gusto ko lang kumustahin si Hexy," pag-uulit ni Aldrin.Natawa naman nang bahagya si Rio."Para saan? Para makita kung gaano kagrabe ang ginawa ni Brix sa kaniya? Hindi ba't wala ka namang pakialam sa friendship natin?" Sambit nito."Leave! Are you here para makita si Hexy at magsumbong kay J
Salamat po sa mga bumasa ng aking nobela! Sana po ay nagustuhan niyo. Gusto ko sanang pasalamatan ang mga nag-cocomment. Lalo na po ang kauna-unahang nag-comment sa aking nobela. Ako po ay nagpapasalamat sa pag-iiwan niyo ng mga hula niyo sa mga susunod na mangyayari. Sana ay ganoon pa rin po sa mga susunod. You can leave any comments, good or bad, tungkol po sa story. Matapos ang HER MISTAKE, may mga suggestions po ba kayo kung kaninong story ang isusunod ko? Story nina Shantal, Aldrin, or Joaquin. Sana po ay suportahan niyo ulit ang mga susunod kong isusulat. Salamat! -Haneibuns
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Hexy kina Maverick at ang kaniyang pamilya."P-Pinuntahan ko lang saglit 'yong bukid ni Papa. Bakit parang alalang-alala kayong lahat?" Tanong niya."Bakit may sugat ka sa kamay?" Tanong naman ni Hannah sa kaniya.Napatingin naman si Hexy sa kaniyang kamay na may dugo."Natisod kasi ako. May tinik sa harapan ko, kaya nasugat ako, pero okay lang naman ako."Huminga naman sila nang malalim."Then where is Hanz? Hindi mo siya kasama?" Tanong ni Maverick.Umiling naman si Hexy."My grandson is missing," sambit naman ni Maximus. Napatingin si Hexy sa kaniya at nakita niya itong naiiyak na.Hindi naman mawala sa itsura nila ang pag-aalala habang nakatingin sa kaniya."Po? Hindi po. Iniwan ko siyang natutulog sa kuwarto ko. Sinabi ko pa nga kay ate na nandoon siya," sagot naman ni Hexy.Napatingin naman sila kay Hannah at nagulat naman ito."H-Hindi ko siguro narinig," wika nito.Bumuntong-hininga naman si Hexy."Puntahan na lang natin si Hanz, at kumain na tay
Nang magsimula na silang kumain sa venue ay hindi maiwasan nina Maverick at Hexy ang mapatingin sa mga bisita nila at pati na rin sa mga sulok ng venue. Sinabi na rin nila iyon kay Maximus, kaya nagpadagdag ito ng security sa buong lugar."Is that Joaquin?" Kunot-noong tanong ni Maverick habang nakatingin sa lalakeng papalapit sa table nina Hexy.Napatingin naman si Hexy sa gawi nito."I have already put my gift there," turo ni Joaquin sa side ng stage kung saan naroon ang mga regalo nila nang makalapit siya.Napangiti naman sina Maverick sa paglapit nito."Can I carry him?" Tanong ni Joaquin saka nilapitan at ngumiti sa kanilang baby."Sige," sagot ni Hexy at dahan-dahang ipinaubaya kay Joaquin ang kanilang anak.Niyakap naman ni Joaquin ang baby nila at tuwang-tuwa siya habang tumatawa itong nakatingin sa kaniya."You look different," komento ni Maverick at tinignan ang kabuuan nito.Napangiti naman lalo si Joaquin saka tumingin sa kanila."So, I met this girl—"Nagkatinginan naman
"They're okay na po, Sir. May emergency lang po ako," sagot ng nurse saka ito ngumiti."You should've washed your hands before going out," mahinang sambit ni Maverick nang makalayo ito saka siya umiling-iling at hinawakan ang kaniyang dibdib."Maverick, kumusta si Avory?"Napatingin naman si Maverick sa paparating na sina Hannah kasama ang mga kaibigan nila at si Maximus."A-Ang sabi ng nurse ay okay na raw sila. I'm not sure if we can go in now," sagot niya saka ipinunas ang kaniyang mga nanginginig na palad sa kaniyang shorts."Then let's just wait kung ano'ng sasabihin nila," wika naman ni Shantal.Nanatili naman silang nakatayo sa labas ng kuwarto ni Hexy kahit may nakalaang upuan para sa kanila.Biglang bumukas ang pintuan matapos ang ilang minuto at lumabas doon ang Ob-gyn kaya naman napatingin sila.Napalunok naman si Maverick."Nanganak na po si Mrs. Del Rosario. For now, kaunti lang po ang puwedeng pumasok. Lahat po ng papasok ay kailangang magsuot ng facemask, because the ba
Bigla namang natawa si Joaquin kaya hinampas ni Hexy ang kaniyang kaliwang braso."Napakaseryoso niyo namang dalawa. I'm just kidding," saad ni Joaquin.Natawa naman si Maverick saka siya umiling-iling."Hindi ka naman nakakatawa," sagot ni Hexy."Heto namang si Miss Preggy, ang KJ. Ilang tumbling na lang, you are about to give birth."Natawa na lang din si Hexy sa kaniya."Kanina lang ay bad mood ka, why are you smiling now?" Tanong ni Maverick."Hindi kasi sumasagot 'yong isang employee ko kanina. She texted me that she has a fever that's why she can't go to work," sagot ni Joaquin.Tumango-tango naman si Maverick."Kumusta ka na? Ang tagal mong walang paramdam, ah!" Sambit ni Hexy."I went to California. But I had a hard time adjusting, so I went home and now, I'm managing my own business. It's not easy kasi kakasimula ko pa lang pero madami nang nangyari," sagot ni Joaquin."Eh, aalis ka kaagad?" "Hindi naman. I will stay here for a few more days. Besides, I missed it here," saad
Sa loob ng kahong ipinadala ni Vanessa noon ay naglalaman ng iba't ibang liham galing sa kaniya.Sa gitna ng mga nagpatong-patong na sulat ay may mga pictures na silang dalawa ni Hexy.Nanginginig ang mga kamay ni Hexy na kumuha ng isang liham at binasa iyon.Naluha siya nang mabasang nagpapasalamat sa kaniya si Vanessa nang tulungan siya nitong ayusin ang mga papers niya sa kaniyang trabaho.Huminga siya nang malalim at kumuha ulit ng isa.Napakunot-noo siya at napalunok nang makitang iba ang sulat-kamay ni Vanessa roon. Para itong nagmamadali. Isinulat ni Vanessa kung gaano siya kagalit nang makita niyang binilhan siya ni Maverick ng kaniyang paboritong inumin at pagkain, habang si Vanessa ay hindi man lang nito mabilhan.Tumango-tango si Hexy nang maalalang minahal nito si Maverick noon pa man.Sunod niyang binasa ang liham na may kulay itim na papel at kulay puti ang tinta ng ballpen na kaniyang ginamit.Bumilis ang tibok ng puso ni Hexy at pigil-hiningang binasa ang sulat ni Van
Sa video na ginawa ni Joaquin ay makikitang nakaupo siya sa sofa mula sa loob ng kaniyang kuwarto.Umubo pa muna siya saka ngumiti sa camera at nakita na naman ni Hexy ang kaniyang dimple."Hi, Hexy!" Nanginginig pa ang boses na pagbati ni Joaquin.Ilang beses siyang napalunok at kitang-kita sa camera ang panginginig ng kaniyang mga kamay na magkahawak habang nakapatong ang mga iyon sa kaniyang tuhod."Do you remember the first time we met? Bumagay sa'yo ang garden sa restaurant, kaya agad akong lumapit sa'yo para i-assist ka. You were even surprised when I said I was Maverick's cousin. Alam kong wala pang kayo noon, pero mahilig ka kasing mag-assume," natatawang sambit ni Joaquin saka siya umiling-iling."I don't regret saving you from Brix's people before, and even from your friends. Madali ka kasing magtiwala, masyado kang mabait," dagdag pa nito.Huminga ito nang malalim. Napalunok naman si Hexy nang biglang sumeryoso si Joaquin."That's what I hate about you, masyado kang mabait,
Bago pa man makalapit si Maverick kay Hexy ay hindi ito naging madali sa kaniya. Lalo na noong nagpakita sa kaniya si Vanessa at hiniling na lumayo na lang silang dalawa roon upang hindi na masaktan pa si Hexy at ang pamilya nito.Nalaman din ni Maximus na hindi na sila maayos ni Hexy at kakaiba ang ikinikilos ni Maverick."Gulong-gulo ka? Saan? Sa pambababae mo? I never cheated on your mother, then you're going to do that to someone who have loved you for a long time?" Sambit ng kaniyang ama.Napatingin naman si Maverick kay Maximus."Everything is not important to me anymore, Papa. Mamatay man ako, heto na 'yon. I have made up my mind. It was not easy for me. I hope you understand me, Papa."Umiling-iling naman ang kaniyang ama saka huminga nang malalim."Hindi ka magiging masaya, Maverick. Hindi ka kailanman sasaya sa iba dahil may sinaktan kang babae," wika ni Maximus.Umiwas naman ng tingin si Maverick at tumingin sa labas ng bintana kung saan makikita ang restaurant na pinagtrat
Biglang nabingi si Hexy at nanlaki ang kaniyang mga mata sa pagkagulat. Napaatras siya habang nanginginig ang kaniyang mga kamay na napatakip sa kaniyang bibig.Napahawak si Brix sa kaniyang sikmura at tumulo doon ang kaniyang dugo.Nang kalabitin ni Vanessa ang gatilyo ay agad na hinarangan ni Brix si Maverick upang hindi ito mabaril. Nanlaki ang mga mata nila nang si Brix ang tinamaan.Agad na lumapit sina Maverick habang nakatayo pa rin si Hexy at hindi pa rin makarekobre sa gulat.Napatingin si Brix kay Hexy at bigla itong natumba.Doon lang lumapit si Hexy sa kaniya at hindi makaimik habang naluluha."I-I'm sorry," mahinang wika ni Brix at pupungay-pungay na ang kaniyang mga mata."T-Tumawag na kayo ng tulong. Dali!" Baling ni Hexy kina Shantal. Nanginginig naman silang naglabas ng kanilang mga cellphone."B-Bakit, Brix? Bakit mo ginawa mo 'to?" Tanong ni Hexy saka hinawakan ang braso ni Brix at hindi na mapigilan ang kaniyang luha."K-Kahit hindi na ako ang mamahalin mo sa haban