Tumakbo si Hexy palapit kina Brix at agad na itinulak si Maverick. Tumilapon naman ang hawak nitong yosi at agad namang tinanggal ni Brix ang coat niya.
"Ano ba'ng problema mo, Maverick?" Sigaw ni Hexy saka sinamaan ito ng tingin. Galit ding nakatingin sa kaniya ito na parang hindi nagustuhan ang tanong niya.
"Hexy, do you really know your friend?" Umiigting ang pangang tanong ni Brix. Napalingon naman si Hexy kay Brix.
"S-Sorry, Sir. Mainit lang po talaga ang ulo niya minsan," pagpapaumanhin ni Hexy. Pumagitna siya upang pigilan ang maaari pang sumunod mangyari.
"Ano'ng pinagsasabi mo, Hexy? Alam mo ba kung ano'ng nangyari?" Sambit ni Maverick saka niya pinaharap si Hexy sa kaniya.
"Bakit? Ano ba'ng nangyari at binastos mo pa si Sir Brix? Alam mo namang kakakilala lang natin sa kaniya at hindi lang siya basta kung sino lang dito," inis na wika naman niya habang magkasalubong ang mga kilay.
"He asked me what you taste like. Sinabi ko we just kissed. I answered him because I thought he's concerned about you," sagot ni Brix sa kaniya. Napalingon ulit si Hexy sa kaniya.
Napaawang ang bibig ni Hexy at biglang bumilis ang tibok ng puso niya.
Ibinalik niya ang kaniyang tingin kay Maverick at unti-unting namuo ang kaniyang luha sa gilid ng kaniyang mga mata dahil sa pagkadismaya.
"Sir, puwede po ba tayong mag-usap next time? Ako na po ang humihingi ng tawad. Papalitan ko na lang po 'yong coat niyo," wika niya at napatingin kay Brix.
"No, it's okay. You don't have to do that. Let's just talk next time," saad ni Brix, at napansin ni Hexy na mukha itong na-disappoint sa kaniya.
Tumingin pa muna saglit si Brix kay Maverick bago ito tumalikod at umalis.
Napapunas muna ng luha si Hexy bago humarap ulit kay Maverick.
"B-Bakit mo ginawa 'yon?" Pumiyok pa si Hexy nang tanungin niya iyon, saka nagpigil ng iyak.
"Kasi—"
"Bakit mo tinanong 'yon sa kaniya? P-Para mo akong binastos," nanghihinayang na sambit ni Hexy.
"Marami na siyang nasabi bago ko tinanong 'yon. And I just asked it out of anger. Hexy, hindi mo siya kilala," pigil-galit na sagot ni Maverick.
"At ikaw, kilala mo siya?" Inis na sambit ni Hexy.
Hindi naman nakasagot si Maverick at nakatingin lamang ito sa kaniya.
"Hindi mo rin siya kilala. Inuuna mo kasi 'yang pagiging siga mo. Businessman 'yong kaharap mo, respetadong tao. Nakakahiya."
Napakagat si Hexy sa kaniyang ibabang labi at nagpigil ng inis sa harap ni Maverick.
"Ngayon na lang ulit kita nakitang nagalit. Na pati suot ng ibang tao, sisirain mo. Napaka—"
"Oo nga. Akala ko ba kilala mo ako? Alam mong hindi ako basta-basta nagagalit," pamumutol ni Maverick sa kaniya. Napatingala naman si Hexy sa kaniya.
"Eh bakit mo nga ginawa 'yon? Ilang minuto na tayong magkaharap, wala ka namang eksplanasyon sa nangyari!" Halos pasigaw na sambit niya.
"Dahil bastos din siya! Kung anu-anong sinabi niyang hindi ko nagustuhan! At sino'ng matinong lalake ang makikipaghalikan sa taong naligaw lang sa kuwarto niya? Respetado nga siya 'di ba?" Sarkastikong sagot ni Maverick. Doon lang napansin ni Hexy na mahaba na iyong litanya niya kumpara sa normal niyang pakikipag-usap sa kaniya.
"Lasing din siya, Maverick! Wala rin siyang maalala sa nangyari!" Galit na saad ni Hexy.
Napalunok siya nang ilang beses habang nakatingin kay Maverick.
"Wala kaming maalala sa nangyari sa amin. Gusto ko na rin 'yon kalimutan," dagdag pa niya habang nanginginig ang kaniyang mga kamao.
"Akala ko ba matino ka? Ginusto mo ba 'yong nangyari sa inyo? The way you act, it's like you're longing for it—"
Kusa siyang napatigil nang mapansing tumutulo na ang luha ni Hexy.
"Hindi mo na dapat siya lapitan kasi—"
"Umalis ka na sa harap ko at baka makalimutan kong kaibigan kita," mahinang sambit ni Hexy.
Bumuntong-hininga naman si Maverick saka umalis sa harap niya.
Napayuko naman si Hexy nang maiwan siya at hindi na napigilang maiyak.
Pinakalma muna niya ang kaniyang sarili saka nagpunas ng luha habang humihikbi.
Huminga pa siya nang malalim bago maglakad pabalik sa loob dahil naiwan niya ang mga gamit niya.
Pagkarating niya sa tapat ng locker niya ay doon niya na-realize na naiwan niya itong bukas.
"Hexy, totoo ba?" Tanong ni Sasha, kasama nilang server.
Isinara muna niya ang kaniyang locker, at isinakbit ang kaniyang bag bago humarap sa kaniya.
"Na?"
"Nakasama niyo kahapon si Sir Brix na nanuod sa sinehan?" Tanong nito. Mas matangkad si Sasha kumpara sa kaniya, malinis ang balat, at unat ang buhok dahil nakatanggal ang pagkakatali.
"O-Oo, pero coincidence lang 'yon," sagot ni Hexy. Kinabahan naman siya na baka alam ni Sasha ang nangyari sa kanila ni Brix.
"Nakita kayo ng isang ka-work natin. Nag-usap din daw kayo ni Sir Brix na kayong dalawa lang."
Nainis si Hexy dahil hindi iyon tanong, kundi parang nang-aasar.
"Alam mo, Hexy, ang tagal mo nang nilalandi si Maverick pero hindi ka niya pinapatulan. Si Sir Brix pa kaya?" Natatawang dagdag ni Sasha.
Napaawang naman ang bibig ni Hexy sa gulat.
"A-Ano'ng sinabi mo?"
"Ang daming nagsasabing maganda ka, at cute kapag nagpapapansin ka kay Maverick, pero nakakairita. Kung pagod ka na sa kaniya, sige, go ka na kay Sir Brix. Hindi ka naman bet ni Maverick eh," wika nito.
"At ikaw ang gusto niya?" Inis namang sambit ni Hexy.
Natawa naman ito sa kaniya.
"Hexy, kilalanin mo kasi kung sino ang mga nilalandi mo. Gold digger, b*tch," taas-kilay na wika ni Sasha habang nakakrus ang mga braso.
Hindi naman nakapagtimpi si Hexy at nagmadali na lang siyang umalis habang nakakunot ang noo.
Kinabukasan ay hindi makapaghintay si Hexy na matapos ang kaniyang duty kahit nagdadagsaan pa lamang ang mga customers.Hindi rin niya maiwasang mairita sa mga katrabaho nilang napapatingin sa kaniya, lalo na ang mga kasama ni Sasha.
‘Malamang, kung anu-ano na ang pinagkalat niya.’
Ibinigay na lang niya ang kaniyang atensyon sa kanilang guests, at saka ngumiti sa kanila.
Nagpunta siya agad nang magtaas ng kamay ang isang guest.
"Your order will be ready after 15 to 20 minutes, Ma'am," nakangiting sambit niya. Tumango naman ang guest.
Agad naman siyang nagpunta sa kitchen nang ma-print ang order.
Muntik pa silang magbanggaan ni Maverick dahil dino-double check niya ang kaniyang hawak. Magsasalita pa sana si Maverick ngunit nilagpasan niya lang ito.
Nang makabalik siya sa dining area ay sinadya niyang lumayo sa puwesto ni Maverick, ngunit dahan-dahang lumapit ito sa kaniya.
"Mag-usap tayo mamaya," mahinang sambit ni Maverick habang nakatingin pa rin sa mga guests.
"Huwag mo akong utusan," bulong naman ni Hexy. Napalingon naman sa kaniya si Maverick dahil sa sinabi niya.
"Ano 'yong sinasabi ni Sasha?" Tanong niya. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Hexy.
"Naka-duty pa tayo," wika ni Hexy saka lumingon saglit kay Maverick at iniwasang magtaray.
Nang matapos ang kanilang duty ay nagmadaling lumabas si Hexy upang hindi niya makausap si Maverick.Napatigil lang siya sa paglalakad nang maramdaman niyang nag-vibrate ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang bulsa.
Napakunot-noo siya nang makitang hindi naka-save na number ang nag-text sa kaniya.
Ngunit nanlaki ang kaniyang mga mata nang mabasang inaaya siyang mag-dinner ni Brix at para makapag-usap na rin.
"Sh*ta! Saan niya nakuha ang number ko?" Sambit niya at napasapo sa kaniyang noo.
Pumayag siya agad upang makahingi na rin ng tawad sa ginawa ni Maverick.
"Kung kailan gusto kong umiwas, doon naman gagawa ng problema si Maverick," mahinang bulong niya habang nakakunot ang noo.
"Hexy."
Napatigil siya nang marinig ang boses ni Maverick at nagmumula ito sa kaniyang likuran.
Aalis na sana siya ngunit nagmadali namang humarang si Maverick sa kaniyang lalakaran.
"Do you remember kung ano'ng araw ngayon? Ngayon ang—"
"Oo, bibisita ako kay tita," pamumutol niya.
Tumango-tango naman si Maverick.
"Sasha told me na pinagyabang mo raw na nanuod kayo ng sine ni Brix," sambit ni Maverick. Kumunot naman ang kaniyang noo."Alam mong hindi ako mayabang. Tsaka, bakit ko naman sasabihin sa iba na kasama ko si Sir Brix?" Inis na saad ni Hexy saka napaiwas ng tingin dahil sa titig ni Maverick.
"Bakit ka nga pala ganiyan magsalita? Kung anu-ano lang ang sinabi nila sa'kin, ganiyan ka na," dagdag pa niya.
"Nakilala mo lang din si Brix, ganiyan ka na rin magsalita," wika ni Maverick. Napatingin ulit sa kaniya si Hexy at biglang nag-init ang kaniyang tainga.
"Binabaliktad mo ba ako? Ikaw 'yong masakit magsalita, tapos parang ako 'yong may kasalanan? Huwag mo ngang isali sa usapan si Sir Brix," pigil-galit niyang sabi.
"See? Ayaw mo siyang isali sa usapan. Ilang araw palang kayong magkakilala, nag-iiba ka na. Siguro nga totoo—"
"Na ano? Tulad ng sinabi ni Sasha? Na gold digger ako?"
Hindi naman nakasagot si Maverick.Bigla namang kumirot ang dibdib ni Hexy at nalungkot sa sariling tanong.
"Para sa'yo ba, ganoon ako? Ilang taon mo na akong kilala, pero ganoon ba ang tingin mo sa'kin?" Tanong niya ulit.
Hindi ulit nagsalita si Maverick. Bigla namang ngumiti si Hexy nang pilit at saka tumango-tango.
"So, ganiyan pala ang tingin mo sa'kin. Alam mo, minsan na nga lang tayong mag-usap nang matagal, ganito pa," nanlulumong wika niya.
Bumuntong-hininga si Hexy at nilagpasan na si Maverick habang tumutulo ang luha.
Napatigil siya nang hawakan ni Maverick ang kaniyang backpack.
"Bitawan mo, at huwag mo muna akong kausapin," wika niya habang nakatalikod pa rin kay Maverick. Nang hindi bumitaw si Maverick ay tinanggal niya ito sa kaniyang mga balikat, at hinatak niya ito nang malakas.
Mas lalo siyang nakaramdam ng inis nang mapigtas ang isang strap nito.
"I didn't mean to—"
"Lagi mo namang hindi sinasadya."
Nagmadaling umalis si Hexy at napatigil siya nang may humintong sasakyan sa harap niya.
"Hexy, hop in."
Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makitang si Brix ang nakasakay at nakasuot lang ito ng simple.
Napahinto saglit si Hexy dahil alam niyang nandoon pa rin si Maverick. Ngunit bumuntong-hininga siya saka binuksan ang pinto ng sasakyan at sumakay doon.
Nakangiti agad si Brix sa kaniya at napansin nitong ibang-iba ang hitsura niya kapag nakasuot lang ito ng t-shirt at maong shorts na hanggang tuhod ang haba. At amoy na amoy pa rin ni Hexy ang dati nitong pabango.
"How's your work?" Tanong nito habang nagmamaneho.
"O-Okay lang po, Sir. Ikaw?"
"Maayos lang din. Madaming meetings and seminars," sagot nito.
"Can you stop calling me 'Sir'? You can call me by my name," natatawang dagdag ni Brix. Napakamot naman ng batok si Hexy.
Hindi na nagsalita si Hexy at hinintay na lang niyang huminto ang sasakyan kung saan man siya dalhin ni Brix.
"How's your family pala?" Tanong ni Brix. Napalingon naman si Hexy sa kaniya dahil nasa labas ang paningin niya.
"Okay naman sila. Medyo mahirap lang umuwi ngayon kasi sira 'yong daan papunta sa'min," sagot naman ni Hexy. Tumango-tango naman si Brix.
"You wanna go home?"
"Oo naman," nakangiting sagot ni Hexy.
"You can visit them. Kung mahihirapan kang umuwi, I can lend you our private helicopter," suhestiyon ni Brix.
Nanlaki naman ang mga mata ni Hexy at umiling-iling.
"H-Hindi na. Nakakahiya. Tsaka ano na lang ang sasabihin nila," nahihiyang sambit niya.
"We're friends, so it's okay."
"Hindi po siya okay tignan," nakangiting wika ni Hexy. Tumango-tango naman si Brix.
Ilang minuto lang ay nag-parking sila sa building na pagmamay-ari ng pamilya ni Brix.
Nang makababa sila ay napansin ni Hexy na may dalang paper bag si Brix habang naglalakad sila.
Pumunta sila sa restaurant sa first floor, at hindi maiwasang kabahan si Hexy.
Nang maupo sila ay agad inilapag ni Brix ang paper bag sa harap ni Hexy, habang siya ay pinaglalaruan ang sirang strap ng kaniyang bag.
"It's for you," wika ni Brix saka iniusog ang paper bag sa kaniyang harap.
"P-Po?" Gulat na tanong ni Hexy.
"Tignan mo," nakangiting wika naman ni Brix.
Napalunok si Hexy at dahan-dahang binuksan ang paper bag.
Inilabas niya ang laman nu'n at nakitang shoulder bag iyon galing sa mamahaling brand.
"Sakto nga eh, I saw your bag na sira ang strap kanina," saad ni Brix.
Agad na ibinalik ni Hexy ang bag sa loob ng paper bag.
"Hindi ko matatanggap 'yan, B-Brix," alangananing wika ni Hexy. Nawala naman ang ngiti ni Brix nang sabihin niya iyon.
"It's a peace offering dahil sa nangyari sa'tin noon. I just wanna say sorry," sambit naman ni Brix.
"Okay lang naman po sa'kin kahit wala kang ibigay. Okay na po ako. Gusto ko lang ding mag-sorry sa ginawa ni M-Maverick kahapon," sinserong sabi ni Hexy.
Nagbago naman ang ekspresyon sa mukha ni Brix.
"I'm okay now. Nagulat lang ako kahapon dahil sa ginawa ng friend mo. Maybe may nasabi akong masama kaya gano'n ang naging reaksyon niya. Straightforward kasi ako," wika niya.
"Sigurado ka bang okay ka? Puwede ko siyang kausapin," sabi ni Hexy at parang nangungusap ang kaniyang mga mata.
Napangiti naman ito sa kaniya.
"I'm okay. Atleast you look comfortable with me now," saad nito. Napangiti naman si Hexy.
"May gagawin ka pa ba?" Tanong ni Brix.
"May bibisitahin ako mamaya," sagot naman ni Hexy saka umayos ng pagkakaupo.
"Let's have a drink first then. You want coffee?"
"Hindi po ako mahilig sa mapait," sagot naman niya.
Tumango-tango naman si Brix.
"That's nice. May nalaman ako tungkol sa'yo. I should take down notes," natatawang wika nito. Natawa rin si Hexy sa sinabi niya.
Matapos nilang magkuwentuhan habang umiinom ng milktea ay inaya ni Brix si Hexy na umakyat sa kaniyang unit."So, do you remember kung paano ka nakapunta rito?" Tanong ni Brix habang binubuksan niya ang unit niya.
Nagpalinga-linga naman si Hexy ngunit wala pa rin siyang maalala.
"Hindi pa rin, eh. Ay! May CCTV pala rito!" Sambit ni Hexy sabay turo sa CCTV sa dulo ng hallway.
"Kakapakabit ko lang kahapon. Matagal na kasing sira ang CCTV dito, and kaka-renovate lang ng floor na 'to. I don't usually stay here," wika naman ni Brix saka pumasok sa loob. Sumunod naman sa kaniya si Hexy.
Naalala naman niya kung paano siya nagmadaling lumabas noon sa kuwarto ni Brix at mabuti na lang ay nahanap niya agad ang pintuan palabas.
"Maganda ang view dito," sabi ni Brix saka nagtungo sa malaking bintana sa gitna ng sala. Sumunod naman si Hexy sa kaniya at naupo sila sa sofa sa harap ng bintana.
"Lalo na kapag gabi. You wanna see—"
Napatigil sa pagsasalita si Brix nang lumingon siya ay magkalapit na ang mukha nilang dalawa ni Hexy.
Nagkatinginan sila at dahan-dahang bumaba ang paningin ni Brix sa mga labi ni Hexy.
Uminit ang pakiramdam ni Hexy at naalala ang halikan nila noon.
Hindi niya naiwasang mapalunok at napansin naman iyon ni Brix.
Mas lalong inilapit ni Brix ang kaniyang mukha kay Hexy at halos tumigil naman siya sa paghinga.
Bago pa man lumapat ang labi ni Brix ay iniharang na ni Hexy ang kaniyang kanang kamay sa kaniyang bibig. Dumampi ang labi ni Brix sa kamay ni Hexy kaya napaatras siya."S-Sorry, hindi ko sinasadya," pagpapaumanhin ni Hexy saka umayos ng upo."I'm sorry. I'm tempted," nahihiyang wika ni Brix at napaiwas ng tingin.Hindi naman maiwasang bumilis ang tibok ng puso ni Hexy nang maramdaman niyang pamilyar sa kaniya ang lambot ng labi ni Brix.Napahawak siya sa kaniyang palad kung saan tumama ang labi ni Brix."M-Mauna na ako," sambit ni Hexy at biglang tumayo saka kinuha ang bag."What about our dinner?" Tanong naman ni Brix saka tumayo na rin."Next time na lang siguro? May pupuntahan pa kasi ako," sagot naman niya.Napakagat siya sa loob ng kaniyang bibig nang ma-realize niyang gusto niya pa ng 'next time'."Okay. Ihahatid na lang kita," pagpriprisinta ni Brix.Hindi pa man nakakasagot si Hexy ay napatingin agad si Brix sa kaniyang cellphone na nag-vibrate. Pinatay niya agad ito nang mak
Halos mahinto ang paghinga ni Hexy nang sabihin niya iyon."Are you serious?" Tanong ni Vanessa saka napatakip sa kaniyang bibig. Napakamot naman ng batok si Hexy saka dahan-dahang tumango.Nagpigil naman ng tili si Vanessa saka humawak sa magkabilang kamay ni Hexy at pinisil ito."Alam mo, excited na ako sa inyo. Wait. May plano ka bang sabihin sa kaniya?" Tanong ni Vanessa saka napatingin sa direksyon nina Brix.Umiling naman si Hexy."What? Bakit hindi? Eh mukhang nanliligaw na nga siya sa'yo," kunot-noong tanong nito sa kaniya."Gusto ko lang siya. Tsaka hindi ba parang masyadong mabilis? Kasi mag-iisang linggo ko pa lang siyang nakakasama. Tapos 'yong first encounter pa namin, hindi maganda," mahinang saad ni Hexy."Sa bagay, everything takes time," nakangiting sabi ni Vanessa kaya napangiti na lang din si Hexy."Ano'ng pinag-uusapan niyo? Mukhang magandang tsismis 'yan ah?" Tanong ni Shantal nang makalapit sa kanila. Inilagay nito ang kaniyang shades sa kaniyang damit saka ipin
Halos mabingi si Hexy dahil sa lakas at bilis ng tibok ng kaniyang puso sa narinig."M-May nagsabi ba s-sa'yo na..." Namamaos niyang sabi."S-Sinabi ba sa'yo ni Vanessa?" Utal na tanong niya matapos ang ilang segundong pagkatulala.Napakunot-noo naman si Brix."Ano'ng sasabihin niya?"Umiling-iling naman si Hexy saka itinulak nang bahagya si Brix upang malayo ito sa kaniya. "Sorry. Papasok na ako. S-Salamat," natatarantang wika ni Hexy at agad na tumalikod at muntik pa niyang hindi mahanap sa kaniyang bag ang susi ng kaniyang apartment.Agad siyang nakahinga nang maluwag nang makapasok siya sa loob. Napakagat-labi siya nang marinig niyang isinara ni Brix ang gate at umalis na.Napaupo siya sa sofa saka inilapag ang bulaklak sa lamesa. Napahilamos siya sa kaniyang mukha at pilit na pinapakalma ang nanginginig niyang mga kamay.Nang kumalma siya ay nagpakawala siya ng tili sa pagitan ng kaniyang mga kamay. "Ganito pala ang pakiramdam," nakangiting wika niya saka tumitig sa mga bulakl
Napalunok si Hexy at nakaramdam ng init sa palad ni Maverick kahit nilalamig siya kanina."A-Ano'ng sasabihin mo?" Mahinang tanong niya at napatitig kay Maverick. Nakailang lunok siya dahil iyon ang unang beses na magkalapit ang mukha nilang dalawa."I'll tell you later. Baka mawala ka sa mood," sagot naman ni Maverick saka tinanggal ang pagkakaakbay at napatingin kay Brix na nagmamaneho.Umayos ito ng pagkakaupo at ibinaling ang paningin sa labas.Inayos naman ni Hexy ang kaniyang sarili at ipinunas ang mga palad sa kaniyang pantalon. Ilang beses siyang bumuntong-hininga upang pakalmahin ang puso niyang mabilis ang tibok.Itinuon na lang niya ang kaniyang atensyon sa harap habang nakatingin sa daan. Hindi niya mapigilang mapakagat sa loob ng kaniyang bibig, lalo na kapag nadidikit ang kaniyang balat kay Maverick.Ilang beses niyang nahuling nakatingin sa kaniya si Brix sa salamin kaya umusog siya nang kaunti sa tabi ni Shantal.Pumasok sila sa isang matayog na gate na may mataas na b
Hindi nakaimik si Hexy at bigla siyang namutla. Agad siyang inalalayan ng kaniyang katrabaho upang maupo sa isang silya nang muntikan itong matumba dahil sa panginginig ng kaniyang tuhod."H-Hindi..."Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha kaya napatakip siya sa kaniyang mukha habang umiiyak.Agad namang ibinaba ng kasama niya ang kaniyang cellphone at hinaplos siya sa likod."Hexy, ilang beses na kitang gustong kausapin na may fiancee na si Sir Brix, kaso hindi mo naman kami minsan kinakausap," wika nito."M-Matagal niyo nang alam, Drea?" Tanong ni Hexy at tumingin sa kaniya.Dahan-dahang tumango ito sa kaniya."Akala namin ay alam mo dahil minsan na silang na-cover ng isang magazine, tsaka may social media si Ma'am Joyce at doon siya nag-uupdate," sagot nito.Napahilamos naman ng mukha si Hexy habang hindi mapigilan ang paninikip ng kaniyang dibdib."Hindi k-ko alam. Hindi ako nag-oopen ng social media," nanlulumo niyang sambit at hindi na niya mapigilang mahikbi
Napaawang ang bibig ni Hexy nang makitang dumudugo ang ibabang bahagi ng labi ni Brix sa lakas ng pagkakasuntok ni Maverick. Napahawak naman sa parteng 'yon si Brix."You better stay away, or else—""Or else, what? Don't threaten us. You're the one who's wrong here, " pamumutol ni Maverick sa sasabihin ni Brix. Hinawakan agad ni Hexy ang kaliwang braso ni Maverick upang pigilan sa ano pang gagawin nito."Umalis ka na," wika ni Hexy kaya napalingon ito sa kaniya."No, Hexy—""Ayaw kitang makita. Ayaw kitang makausap," sambit ni Hexy habang pinipigilan ang kaniyang pag-iyak.Lumapit naman nang bahagya si Brix kahit nasa tabi lang ni Hexy si Maverick."Hexy, I'm sorry. Ayaw kitang saktan. I just don't have a choice," sabi nito at aabutin sana ang kamay ni Hexy ngunit iniharang naman ni Maverick ang kaniyang kanang kamay sa harapan niya kaya napatingin na naman ito kay Maverick."Napakasinungaling mo. Para saan lahat ng 'yon, ha? Gusto mo lang bang saktan ang fiancee mo?" Namumulang saad
"I'm sorry, Hexy," pagpapaumanhin ng isa sa kaniyang kaharap.Pinunasan niya ang kaniyang luha at tumingin sa kanila."K-Kanino galing 'yan?" Tanong niya sabay turo sa cellphone kung saan nakita niya ang isang picture na nakahiga siya sa kama habang natutulog at may kasamang lalake na walang suot at tanging kumot lang ang takip nito sa katawan, habang siya ay may suot na damit."S-Sabi ni Sasha, pinasa lang daw sa kaniya. Isinend niya sa group chat natin," sagot ng isa.Kumuyom ang kaniyang mga palad dahil sa galit."Nasaan siya?" Kalmadong tanong nito."Day off niya ngayon," sagot naman ng kaharap niya. Hindi pa man siya nakakapagsalita ulit ay umalis na ang dalawa sa harap niya. Muli na namang tumulo ang kaniyang mga luha at naupo sa isang upuan saka ilang beses na huminga nang malalim upang pakalmahin ang sarili."Why are you still—"Hindi natapos ni Maverick ang kaniyang sasabihin nang tumingin si Hexy sa kaniya habang umiiyak.Lumapit siya kay Hexy at umupo sa kaniyang harapan.
Napalunok si Hexy at nanginig ang kaniyang mga kamay. Siguradong-sigurado na siya kung sino ang kaniyang kaharap dahil sa mukhang mamahalin nitong suot na puting silk dress at puting shades na nakalagay sa kaniyang ulo."I'm Brix' fiancee," pagpapakilala nito habang diretsong nakatingin sa kaniyang mga mata.May nunal ito sa ibaba ng kaniyang kaliwang mata at hindi pa man ito umiirap ngunit parang nakakasugat na ang kaniyang kilay."I wanna ask you one thing," saad nito at mas lumapit kay Hexy. Napaatras naman siya ngunit mas dumiin lang siya sa motor ni Maverick."Did something happen between you and Brix?" Tanong nito.Nanuyo naman ang lalamunan ni Hexy ngunit umiling siya nang dahan-dahan."W-Wala.""Kahit walang nangyari sa inyo. Kaya kong gumawa ng isang bagay na alam kong ikaw ang makakasuhan. Hindi mo ako kilala. Kaya kitang paluhurin sa harap ko," pagbabanta nito na siyang mas lalong ikinakaba ni Hexy."Hindi ko a-alam na may fiancee siya," sagot naman niya.Isang malakas na s
Salamat po sa mga bumasa ng aking nobela! Sana po ay nagustuhan niyo. Gusto ko sanang pasalamatan ang mga nag-cocomment. Lalo na po ang kauna-unahang nag-comment sa aking nobela. Ako po ay nagpapasalamat sa pag-iiwan niyo ng mga hula niyo sa mga susunod na mangyayari. Sana ay ganoon pa rin po sa mga susunod. You can leave any comments, good or bad, tungkol po sa story. Matapos ang HER MISTAKE, may mga suggestions po ba kayo kung kaninong story ang isusunod ko? Story nina Shantal, Aldrin, or Joaquin. Sana po ay suportahan niyo ulit ang mga susunod kong isusulat. Salamat! -Haneibuns
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Hexy kina Maverick at ang kaniyang pamilya."P-Pinuntahan ko lang saglit 'yong bukid ni Papa. Bakit parang alalang-alala kayong lahat?" Tanong niya."Bakit may sugat ka sa kamay?" Tanong naman ni Hannah sa kaniya.Napatingin naman si Hexy sa kaniyang kamay na may dugo."Natisod kasi ako. May tinik sa harapan ko, kaya nasugat ako, pero okay lang naman ako."Huminga naman sila nang malalim."Then where is Hanz? Hindi mo siya kasama?" Tanong ni Maverick.Umiling naman si Hexy."My grandson is missing," sambit naman ni Maximus. Napatingin si Hexy sa kaniya at nakita niya itong naiiyak na.Hindi naman mawala sa itsura nila ang pag-aalala habang nakatingin sa kaniya."Po? Hindi po. Iniwan ko siyang natutulog sa kuwarto ko. Sinabi ko pa nga kay ate na nandoon siya," sagot naman ni Hexy.Napatingin naman sila kay Hannah at nagulat naman ito."H-Hindi ko siguro narinig," wika nito.Bumuntong-hininga naman si Hexy."Puntahan na lang natin si Hanz, at kumain na tay
Nang magsimula na silang kumain sa venue ay hindi maiwasan nina Maverick at Hexy ang mapatingin sa mga bisita nila at pati na rin sa mga sulok ng venue. Sinabi na rin nila iyon kay Maximus, kaya nagpadagdag ito ng security sa buong lugar."Is that Joaquin?" Kunot-noong tanong ni Maverick habang nakatingin sa lalakeng papalapit sa table nina Hexy.Napatingin naman si Hexy sa gawi nito."I have already put my gift there," turo ni Joaquin sa side ng stage kung saan naroon ang mga regalo nila nang makalapit siya.Napangiti naman sina Maverick sa paglapit nito."Can I carry him?" Tanong ni Joaquin saka nilapitan at ngumiti sa kanilang baby."Sige," sagot ni Hexy at dahan-dahang ipinaubaya kay Joaquin ang kanilang anak.Niyakap naman ni Joaquin ang baby nila at tuwang-tuwa siya habang tumatawa itong nakatingin sa kaniya."You look different," komento ni Maverick at tinignan ang kabuuan nito.Napangiti naman lalo si Joaquin saka tumingin sa kanila."So, I met this girl—"Nagkatinginan naman
"They're okay na po, Sir. May emergency lang po ako," sagot ng nurse saka ito ngumiti."You should've washed your hands before going out," mahinang sambit ni Maverick nang makalayo ito saka siya umiling-iling at hinawakan ang kaniyang dibdib."Maverick, kumusta si Avory?"Napatingin naman si Maverick sa paparating na sina Hannah kasama ang mga kaibigan nila at si Maximus."A-Ang sabi ng nurse ay okay na raw sila. I'm not sure if we can go in now," sagot niya saka ipinunas ang kaniyang mga nanginginig na palad sa kaniyang shorts."Then let's just wait kung ano'ng sasabihin nila," wika naman ni Shantal.Nanatili naman silang nakatayo sa labas ng kuwarto ni Hexy kahit may nakalaang upuan para sa kanila.Biglang bumukas ang pintuan matapos ang ilang minuto at lumabas doon ang Ob-gyn kaya naman napatingin sila.Napalunok naman si Maverick."Nanganak na po si Mrs. Del Rosario. For now, kaunti lang po ang puwedeng pumasok. Lahat po ng papasok ay kailangang magsuot ng facemask, because the ba
Bigla namang natawa si Joaquin kaya hinampas ni Hexy ang kaniyang kaliwang braso."Napakaseryoso niyo namang dalawa. I'm just kidding," saad ni Joaquin.Natawa naman si Maverick saka siya umiling-iling."Hindi ka naman nakakatawa," sagot ni Hexy."Heto namang si Miss Preggy, ang KJ. Ilang tumbling na lang, you are about to give birth."Natawa na lang din si Hexy sa kaniya."Kanina lang ay bad mood ka, why are you smiling now?" Tanong ni Maverick."Hindi kasi sumasagot 'yong isang employee ko kanina. She texted me that she has a fever that's why she can't go to work," sagot ni Joaquin.Tumango-tango naman si Maverick."Kumusta ka na? Ang tagal mong walang paramdam, ah!" Sambit ni Hexy."I went to California. But I had a hard time adjusting, so I went home and now, I'm managing my own business. It's not easy kasi kakasimula ko pa lang pero madami nang nangyari," sagot ni Joaquin."Eh, aalis ka kaagad?" "Hindi naman. I will stay here for a few more days. Besides, I missed it here," saad
Sa loob ng kahong ipinadala ni Vanessa noon ay naglalaman ng iba't ibang liham galing sa kaniya.Sa gitna ng mga nagpatong-patong na sulat ay may mga pictures na silang dalawa ni Hexy.Nanginginig ang mga kamay ni Hexy na kumuha ng isang liham at binasa iyon.Naluha siya nang mabasang nagpapasalamat sa kaniya si Vanessa nang tulungan siya nitong ayusin ang mga papers niya sa kaniyang trabaho.Huminga siya nang malalim at kumuha ulit ng isa.Napakunot-noo siya at napalunok nang makitang iba ang sulat-kamay ni Vanessa roon. Para itong nagmamadali. Isinulat ni Vanessa kung gaano siya kagalit nang makita niyang binilhan siya ni Maverick ng kaniyang paboritong inumin at pagkain, habang si Vanessa ay hindi man lang nito mabilhan.Tumango-tango si Hexy nang maalalang minahal nito si Maverick noon pa man.Sunod niyang binasa ang liham na may kulay itim na papel at kulay puti ang tinta ng ballpen na kaniyang ginamit.Bumilis ang tibok ng puso ni Hexy at pigil-hiningang binasa ang sulat ni Van
Sa video na ginawa ni Joaquin ay makikitang nakaupo siya sa sofa mula sa loob ng kaniyang kuwarto.Umubo pa muna siya saka ngumiti sa camera at nakita na naman ni Hexy ang kaniyang dimple."Hi, Hexy!" Nanginginig pa ang boses na pagbati ni Joaquin.Ilang beses siyang napalunok at kitang-kita sa camera ang panginginig ng kaniyang mga kamay na magkahawak habang nakapatong ang mga iyon sa kaniyang tuhod."Do you remember the first time we met? Bumagay sa'yo ang garden sa restaurant, kaya agad akong lumapit sa'yo para i-assist ka. You were even surprised when I said I was Maverick's cousin. Alam kong wala pang kayo noon, pero mahilig ka kasing mag-assume," natatawang sambit ni Joaquin saka siya umiling-iling."I don't regret saving you from Brix's people before, and even from your friends. Madali ka kasing magtiwala, masyado kang mabait," dagdag pa nito.Huminga ito nang malalim. Napalunok naman si Hexy nang biglang sumeryoso si Joaquin."That's what I hate about you, masyado kang mabait,
Bago pa man makalapit si Maverick kay Hexy ay hindi ito naging madali sa kaniya. Lalo na noong nagpakita sa kaniya si Vanessa at hiniling na lumayo na lang silang dalawa roon upang hindi na masaktan pa si Hexy at ang pamilya nito.Nalaman din ni Maximus na hindi na sila maayos ni Hexy at kakaiba ang ikinikilos ni Maverick."Gulong-gulo ka? Saan? Sa pambababae mo? I never cheated on your mother, then you're going to do that to someone who have loved you for a long time?" Sambit ng kaniyang ama.Napatingin naman si Maverick kay Maximus."Everything is not important to me anymore, Papa. Mamatay man ako, heto na 'yon. I have made up my mind. It was not easy for me. I hope you understand me, Papa."Umiling-iling naman ang kaniyang ama saka huminga nang malalim."Hindi ka magiging masaya, Maverick. Hindi ka kailanman sasaya sa iba dahil may sinaktan kang babae," wika ni Maximus.Umiwas naman ng tingin si Maverick at tumingin sa labas ng bintana kung saan makikita ang restaurant na pinagtrat
Biglang nabingi si Hexy at nanlaki ang kaniyang mga mata sa pagkagulat. Napaatras siya habang nanginginig ang kaniyang mga kamay na napatakip sa kaniyang bibig.Napahawak si Brix sa kaniyang sikmura at tumulo doon ang kaniyang dugo.Nang kalabitin ni Vanessa ang gatilyo ay agad na hinarangan ni Brix si Maverick upang hindi ito mabaril. Nanlaki ang mga mata nila nang si Brix ang tinamaan.Agad na lumapit sina Maverick habang nakatayo pa rin si Hexy at hindi pa rin makarekobre sa gulat.Napatingin si Brix kay Hexy at bigla itong natumba.Doon lang lumapit si Hexy sa kaniya at hindi makaimik habang naluluha."I-I'm sorry," mahinang wika ni Brix at pupungay-pungay na ang kaniyang mga mata."T-Tumawag na kayo ng tulong. Dali!" Baling ni Hexy kina Shantal. Nanginginig naman silang naglabas ng kanilang mga cellphone."B-Bakit, Brix? Bakit mo ginawa mo 'to?" Tanong ni Hexy saka hinawakan ang braso ni Brix at hindi na mapigilan ang kaniyang luha."K-Kahit hindi na ako ang mamahalin mo sa haban