Synopsis Sa mata ng lahat, si Safara Gomez ay isang simpleng estudyanteng nerd na walang kapansin-pansin—laging nakasuot ng makapal na salamin at simpleng damit. Ngunit ang hindi nila alam, si Safara ay anak ng isang mayamang angkan, may taglay na katangi-tanging ganda, at itinago lamang ang kanyang tunay na pagkatao upang makaiwas sa mapanirang intriga ng mundo ng mga mayayaman. Sa kabila ng kanyang pagpapakumbaba, hindi siya nakaligtas sa pang-aapi ng mga kaklase, lalo na ng elitistang grupo ni Sabrina. Gayunpaman, nanatili siyang matatag dahil sa pangarap na makatapos ng pag-aaral. Ngunit isang pustahan mula kay Vince Rosales, ang gwapo at sikat na campus heartthrob, ang nagdala sa kanya sa pinakamasakit na karanasan sa buhay niya. Sa gitna ng pagkabigo at pagkasira ng puso, napilitan si Safara na ilantad ang kanyang tunay na katauhan sa isang grandeng beauty pageant na ginanap sa kanilang campus. Sa kabila ng pagkagulat ng lahat, siya ang naging sentro ng atensyon at itinanghal bilang reyna ng gabi. Ngunit hindi iyon ang huling sorpresa ni Safara—sa parehong gabi, iniwan niya ang eskwelahan, dala ang pangakong babalik siya hindi para magpatawad, kundi para maghiganti sa mga taong nagmalupit sa kanya. Handa na si Safara na muling ipakita ang kanyang lakas at talino. Ngunit paano kung ang kanyang pagbabalik ay hindi lang magdulot ng hustisya, kundi muling buhayin din ang sugatang puso?
View MoreChapter 14Pagkatapos kong nagpapaalala sa aking mga malapit na kaklase ko ay agad akong umalis dahil ngayon araw kami aalis ni mama papunta sa stage. Sa pag-alis ko ah bitbit ko ang isang pangako, pangakong babalikan ko sila ay paghigantihan sa lahat na ginawang pasakit sa akin. Habang nasa biyahe kami ni Mama papunta sa Stage, hindi ko maiwasang balikan ang lahat ng nangyari. Ang mga sakit, pagtataksil, at kawalang hustisya—lahat iyon ay nagbigay sa akin ng lakas. Pinili ni Mama na umiwas sa gulo, ngunit sa puso ko, alam kong hindi ko hahayaan ang ganoong pang-aapi."Anak, okay ka lang ba?" tanong ni Mama habang hawak ang aking kamay."Okay lang po ako, Ma," sagot ko. "Masaya akong kasama ka."Ngumiti siya, ngunit may bakas ng lungkot sa kanyang mga mata. Siguro’y iniisip niya kung paano kami magsisimula muli.Pagdating namin sa Stage, sinalubong kami ng lola’t lolo ko. Niyakap nila si Mama nang mahigpit at inabutan din ako ng mainit na yakap."Anak, pasensya ka na sa mga pagkukul
Chapter 13 Nasa bahay kami ng best friend kong si Irine upang ipagdiwang ang pagkapanalo ni Safara. Abala ako sa paghahanda ng pagkain para sa mga bisita habang naririnig ko ang pagdating ng mga sasakyan. Hindi ko na inabalang lumingon dahil alam kong sina Irine iyon.“Best, dali! Punta ka sa kwarto ko,” tawag nito sa akin.“Bakit?” tanong ko.“Basta, sumunod ka na lang!” Hinila niya ako papunta sa kanyang kwarto, dumaan pa kami sa kusina.“Best, nakita mo ba si Safara?”“Wag kang mag-alala. Andiyan si John, siya ang nagbabantay sa kanya.”“Pero best, natakot ako kanina.”“Hayaan mo na sila. Masaya na ako sa anak ko.”“Basta magbihis ka. Tingnan natin kung sino ang maglalaway mamaya.”Nagbihis ako ng damit na inabot niya sa akin. Nang matapos akong mag-ayos, tinitigan ako ni Irine.“Wow, ang ganda mo pa rin, best! Tingnan natin kung sino ang magsisisi mamaya.”Pagdating namin sa sala, nakita ko si Gordon kasama ang babaeng si Stella. Napatitig siya sa akin habang ang iba’y nagkukwent
Chapter 12Mama ni Safara’s POVHabang papunta kami ni John sa aming upuan, nasalubong namin ang business partner ni Daniel. Bigla akong nataranta dahil barkada ito ng asawa kong manloloko. Kasama pa nila ang pinsan ng asawa ko. Agad kong hinila si John, kaya nagtaka siya."Tita, bakit?" tanong niya."Siya ang nakita ko, kaibigan ng asawa ko," sagot ko, nagmamadaling humakbang."Paano na ‘yan, tita?""Hindi ko alam, John. Hindi ko rin pwedeng iwan si Safara. Hindi naman siguro sila magtatagal dito.""Sabagay, tita. Bumili na lang tayo ng snacks habang naghihintay.""Sige, tama ka. Nauuhaw din ako."Mabilis kaming lumabas at bumili ng snacks. Pagbalik namin, palinga-linga pa rin ako, nagbabakasakaling hindi kami muling makita. Sa kabutihang-palad, hindi ko sila naaninag.Eksaktong dumating kami nang magsimula na ang pagrampa ng mga contestants. Napangiti ako nang makita si Safara suot ang napakagandang gown na likha ni Mae. Isa-isa nang tinatawag ang mga contestants hanggang si Safara
Chapter 11Third POVHabang nag-uusap sina John at ang tita ni Safara sa gilid ng venue, kitang-kita ang bigat sa kanilang mga mata."Tita, kailan mo sasabihin kay Safara ang totoo? Hindi mo ba naisip kung ano ang mararamdaman niya kapag nalaman niya ito mula sa iba?" tanong ni John, bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.Hindi kaagad nakasagot ang tita ni Safara. Pinilit niyang maging matatag, ngunit bumigay din ang kanyang damdamin. "Hindi ko alam, John. Ayokong masaktan si Safara. Ayokong may kahati siya sa pagmamahal ko."Nagkibit-balikat si John, halatang hindi kumbinsido sa sagot nito. "Tita, hindi mo siya mabibihag sa kasinungalingan. Mas mabuti pang malaman niya mula sa iyo ang totoo kaysa sa ibang tao."Ngunit bago pa makasagot muli ang babae, pumatak na ang kanyang luha. "Hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa akin, John. Kitang-kita ko sa sarili kong mga mata ang kanyang kababuyan."Habang nag-uusap sila, nag-umpisa na ang program ng pageant. In-announce ang mga hurado,
Chapter 10 Ang gabing iyon ay puno ng pagsubok sa aking isipan. Paulit-ulit kong inalala ang lahat ng nangyari—ang pagkakanulo ni Vince, ang kanyang mga salita, ang pagtawa niya kasama ang kanyang mga kaibigan. Lahat ng iyon ay parang isang malupit na biro na iniukit sa puso ko. Pero hindi ko sila hahayaang basagin ako. Hindi si Sabrina, hindi si Vince, hindi kahit sino. Kinabukasan, nagising ako na puno ng determinasyon. Paglabas ko sa dining room, nandoon na sina Ate Leah at Ate Mae, abala at puno ng sigla. “Good morning, beauty queen!” biro ni Leah habang iniabot sa akin ang isang baso ng orange juice. “Good morning,” sagot ko, pilit na ngumiti habang tinatago ang kaba. “Huwag kang mag-alala, Safara,” sabi ni Mae na tila nababasa ang iniisip ko. “Nandito kami para sa’yo. Wala nang laban ‘yang Sabrina na ‘yan at ang grupo niya.” Dumating ang araw ng pageant nang mas mabilis kaysa sa inaasahan ko. Ipinakita ni Mae ang gown na dinisenyo niya para sa akin—isang napakaganda
Chapter 09Safara POVHindi ko akalain na liligawan ako ni Vince. Lagi siyang naghihintay sa akin sa gate, at sabay kaming pumapasok. Kasama ko rin sina Ate Leah at Ate Mae, na parehong nagsabi na mabait daw si Vince. Tatlong araw na rin niya akong hinahatid pauwi. Ngayong araw, napagdesisyunan kong sagutin na siya.“Safara, kailan mo ba ako sasagutin?” tanong niya habang naglalakad kami pauwi.“Vince, maging totoo ka nga. Mahal mo ba talaga ako kahit nerd ako, mahirap, at hindi mo ba ako ikinahihiya sa harap nila?”“Hindi, hindi ko ikinahihiya.”“Hindi mo ba ako sasaktan sa huli?”“Hinding-hindi mangyayari ‘yun.”“Sige, sinasagot na kita,” sagot ko.“Talaga? Hindi ka nagbibiro?” tanong niya, halatang masaya.“Oo…”“Wow, parang ang saya mo ngayon, ha?”“Sinagot na ako ni Safara!” masigla niyang sabi.Nagpalitan ng tingin sina Ate Leah at Ate Mae, nagbubulungan at nakangiti.“Mauna na ako sa room, may gagawin pa kasi ako,” paalam ni Vince.“Sabayan na kita,” sabi ko.Habang naglalakad
Chapter 08Vince POV“Tell me, Vince—what’s your reason?”Ang mga salitang iyon ni Safara ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko. Para siyang nakakakita ng mas malalim sa akin, at sa totoo lang, hindi ako handa para doon. Si Safara ay hindi tulad ng ibang mga babaeng nakilala ko. Hindi siya basta naaakit sa charm o hitsura. Mali ako nang maliitin ko ang lakas ng loob niya, ang katalinuhan niya, at higit sa lahat, ang kakayahan niyang makita kung ano talaga ako.Nakatayo lang ako roon, pinapanood siyang lumayo. Ang mga balikat niya ay tila may pasan na mabigat, at sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang pustahang ito, nakaramdam ako ng kahihiyan.Pero paano ko tatalikuran ang lahat? Ang mga kaibigan ko ay nag-aabang, handang manood kung paano ako mabibigo.---Kinabukasan, nandoon ulit ako, naghihintay sa gate. Determinado akong ayusin ang nangyari.“Safara!” tawag ko nang makita ko siyang pumasok. Tumingin siya sa akin pero hindi tumigil sa paglalakad.“Hey, sandali lang!”
Chapter 07 Safara POV Si Vince ay... nakakagulo ng aking isip. Minsan, sobrang bait niya—dinadalhan ako ng kape, tinutulungan sa mga gamit ko, at nakikipag-usap na parang may pakialam talaga siya. Pero maya-maya, parang wala lang ako kapag kasama niya ang mga kaibigan niya, tila naglalaro ng ibang mundo. Hindi ko alam kung paano haharapin ang atensyon na binibigay niya. Ang mga lalaking tulad niya ay hindi naman karaniwang pumapansin sa mga tulad ko—nerdy, simple, at tulad ng madalas sabihin ni Sabrina, "hindi ka nababagay sa aming mundo." Alam ko na totoo ang kanyang sinabi, sa tulad kong nerd at isang dukha ay iniisip niya na wala akong karapatan na mag-aaral ng marangyang paaralan. Habang papunta ako sa susunod kong klase, paulit-ulit kong iniisip ang mga huling usapan namin ni Vince. Ang popular at kumpiyansang si Vince Rosales, na hinahangaan ng lahat, ay kasabay ko mag-lunch, kausap ko sa mga ka-klase ko, at naghihintay na naman si Vince sa may gate sa akin. 'Vince, Bakit
Chapter 06Habang tumatagal ang oras na kasama ko si Safara, lalo kong napapansin kung gaano siya kaiba. Matalino, totoo, at parang hindi man lang napapansin ang atensyon na ibinibigay ko sa kanya. Pero hindi ko makalimutan ang pustahan. Paulit-ulit akong paalalahanan ng mga kaibigan ko tungkol sa “premyo” kapag napaibig ko ang nerd.“Sa tingin ko, bumibigay na siya,” sabi ni Alfred sa isa sa mga break namin, naka-ngiti na parang nanalo ng lotto.“‘Wag kang kampante,” dagdag ni Kent. “Tatlong buwan pa ang natitira. Pag hindi siya umamin, talo ka.”“Kayang-kaya ko ‘to,” sagot ko nang may kumpiyansa, pero may parte sa akin na tila hindi mapakali.---Ang susunod kong hakbang? Simple: ipadama sa kanya na espesyal siya.Sinimulan ko nang maliit. Isang umaga, dumating ako nang mas maaga kaysa sa nakasanayan, naghihintay sa kanya sa school gate. Nang dumating siya, dala ang luma niyang bag, halatang nagulat siya nang makita ako.“Good morning,” bati ko, sinabayan ng pinakamagandang ngiti ko
Chapter 01 Safara POV Mula noong pa ay palagi kong tinatanong ang aking ina kung sino ang aking ama, kung bakit ako pinasuot ako ng makapal na salamin pero wala naman grado. Ang tinging sagot lamang niya sa akin ay 'patawad anak, pero kailangan mong itago ang iyong tunay na mukha para sa kinabukasan mo ito,' kaya wala akong magawa kundi sinunod ko na lamang ang sinabi ng aking ina. Hanggang ngayon ay naging college na ako at nakasanayan ko na ding magsuot ng ganito kaya baliwala na lamang sa akin ang mga pangungutyang nila sa akin lalo na ang mga ka-klase ko noon elementary at high school. Laking pagsasalamat ko sa Panginoon dahil may katulad sa pamilyang ng Alcantara ang may busilak na puso. Kahit na mayaman sila ay doon ko lang masabi na, "hindi lahat na mayayaman ay masama, mapag-mataas at mata-pobreng tao," kaya lagi kong iniisip ka kailang masuklian ko ang kanilang pagbigay sa akin ng schoolarship pamamagitan ng pag-aaral mabuti. Nagsimula akong magtrabaho dito noong ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments