Share

Chapter 02

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2025-01-02 14:06:00

Chapter 02

Vince POV

Pagpasok ko sa campus, agad kong napansin ang grupo ng mga estudyanteng nagkakagulo sa hallway. Isa na namang eksena ng pambu-bully ang nagaganap, pero hindi na ako nagulat. Sanay na ako sa ganitong tagpo sa paaralang ito. Napansin ko si Alfred, isa sa mga kaibigan ko, na paparating.

"Tol, ang tagal mo," sabi niya habang inilalapit ang mukha para bumulong. "May bagong biktima na naman ‘yung grupo nila Sabrina."

"At ano naman ang bago ro’n?" sagot ko nang walang interes.

"Eh, nerd kasi, tol. Tsaka transferee pa. Alam mo naman dito, parang pusa ‘yang mga ‘yan—mahilig mangalabit ng bago."

"Tsk… Wala akong paki," sagot ko habang naglalakad kami papunta sa classroom.

Pagdating namin sa classroom, umupo agad ako sa paborito kong spot sa ikaapat na upuan. Habang wala pa si Prof, nilabas ko ang cellphone ko at nagsimula nang maglaro ng Mobile Legends. Nasa kalagitnaan ako ng laro nang mapansin kong dumating na pala si Prof kasama ang kambal na sina Mae at Leah.

Napangiti ako ng bahagya. Sila ang tinatawag na Angels of the University—magaganda, matatalino, at mababait. Pero agad ding napawi ang ngiti ko nang makita ko ang kasama nila. Isang babaeng nerd na may makapal na salamin, kulot na buhok na parang hindi nasuklay, at tila walang pakialam sa mundo.

"Ah, excuse me," sabi ng nerd habang pilit na dumadaan sa tabi ko.

Umusog ako nang kaunti para bigyang-daan siya. Napansin kong kahit mukhang hindi siya naliligo, may kakaiba siyang bango. Pinandilatan ko lang siya ng mata at binalik ang atensyon ko sa laro.

Pagkatapos ng ilang saglit, sinimulan ni Prof ang klase at nagbigay agad ng exam. Multiple choice, 1 to 50. Akala ko madali lang, pero 45 lang ang nakuha ko.

"Mr. Rosales, congratulations, ikaw ang may pinakamataas na score sa exam… except for one," sabi ni Prof.

Nagulat ako. Sino ang nakatalo sa akin? Tumingin ako sa paligid at nakita kong tumayo ang nerd na tinawag niyang "Miss Safara Gomez."

"For the first time, may naka-perfect score sa klase. Congrats, Miss Gomez!" dagdag ni Prof, habang nagpalakpakan ang buong klase.

Nabigla ang lahat. Hindi makapaniwala ang mga kaklase ko, lalo na ang grupo nila Sabrina.

"Siguradong may kodigo ‘yan," bulong ni Sabrina sa mga alipores niya. Nang makalabas si Prof, nilapitan agad nila ang nerd.

"Hoy, nerd! Aminin mo na, may kodigo ka, ‘di ba?" sigaw ni Sabrina habang inaagaw ang bag ni Safara. Naghulog ang mga gamit niya sa sahig, at sinimulan nilang apakan ang mga ito.

Hindi nag-react si Safara, pero kitang-kita ang panginginig niya. Akma nang pupunitin ni Sabrina ang notebook ng nerd nang biglang may pumigil sa kanya.

"Don't," malamig na sabi ni Leah habang hinawakan ang kamay ni Sabrina.

"Kapag hindi mo tinigilan ‘yan, susumbong talaga kita kay Daddy," dagdag ni Mae, na halatang seryoso.

"Ano bang meron sa nerd na ‘yan? Bakit siya pinoprotektahan ng kambal?" tanong ng isa sa mga alipores ni Sabrina.

"Hali ka na, Safara. Kanina pa kami naghihintay," sabi ni Mae habang hinahatak si Safara papalayo.

"Sandali lang, Ate. Pupulutin ko lang ang gamit ko," mahinang sagot ni Safara.

"Huwag na. Bili na lang tayo ng bago," sabi ni Leah.

"Pero sayang naman," sagot ni Safara. "Maraming bata ang nangangailangan ng gamit."

Napailing ang kambal at nagsimulang tumulong sa pagpulot ng gamit. Habang ginagawa nila ito, napansin kong tahimik na nanonood ang kuya kong si Darwin. Engineer ang kurso niya, at palaging hinahangaan ng mga tao dito, lalo na ng mga babaeng tulad ni Sabrina.

"Hi, Mae. Hi, Leah," bati ni Darwin.

"Kuya Darwin!" sigaw ni Sabrina na parang aligaga.

"Hindi ko alam na ‘angels’ din pala ang tingin mo sa kanila," sabi ko kay Darwin habang nakangisi.

Nginitian lang niya ako. "Oh, Vince, mag-lunch ka na."

"Oo, mamaya na," sagot ko, habang tinatawanan ang masyadong pabibo ni Sabrina.

Pagdating sa court para mag-practice, hindi ko mapigilang pag-usapan ang nangyari.

"Vince, mukhang may karibal ka na sa pagiging top 1," sabi ni Alfred habang nagda-dribble ng bola.

"Tsk… Pabayaan mo siya," sagot ko habang nag-stretching.

"Kung ako sa’yo, ligawan mo na si Nerd," biro ni Jonathan.

"Ha! Sino bang magtatangkang ligawan ‘yon?" sabat ni Alfred habang tumatawa.

Pero tumigil sila nang seryosong magsalita si Kent, "Pustahan tayo. Kapag binasted ka ni Nerd, bibigyan ko kayo ng tig-iisang milyon."

Nagkatinginan kaming lahat. Agad akong ngumiti. "Deal."

May tatlong buwan akong nakalaan para gawin ang pustahan. Pero habang iniisip ko ang plano, hindi ko maiwasang magtanong sa sarili—bakit nga ba parang gusto ko siyang makilala?

Related chapters

  • HER TURN TO BREAK HIM   Kabanata 03

    Kabanata 03 Safara POV Tahimik akong naupo sa upuan na itinuro ng professor, hawak ang aking notebook, at pilit na iniiwasan ang anumang mata na nakatuon sa akin. Ang katabi ko, si Vince Rosales, ay halatang hindi natuwa na may bagong upong inilapit sa kanya. Malinaw iyon sa kanyang ekspresyon—malamig, matalim, at puno ng yabang. Mukha siyang palaging nasa sentro ng atensyon, kaya siguro hindi niya ikinatuwa na may kasamang bagong mukha. Habang nagsisimula ang discussion, iniwasan kong magpakita ng anumang emosyon. Pinilit kong mag-focus sa lecture tungkol sa Economics, na talagang kinagigiliwan ko. Sa kabila ng lahat ng bulung-bulungan at mga mapanghusgang tingin, determinado akong makapasa. “Miss Gomez,” tawag ng professor, na ikinagulat ko. “Siguraduhin mong matutulungan mo si Mr. Rosales sa mga discussions kung kinakailangan. Mukhang mahina siya sa mga nakaraang exams, lalo na ngayon!" sabi niya sa akin. Napatingin ako kay Vince, na tila napikon sa sinabi ng professor. “Hind

    Last Updated : 2025-01-02
  • HER TURN TO BREAK HIM   Chapter 04

    Chapter 04 Vince POVKINABUKASANAng buong court ay puno ng ingay mula sa basketball practice—mga sapatos na sumisigid sa sahig, bola na pumapalo sa sahig, at mga sigaw ng plays mula sa teammates ko. Pero parang wala akong naririnig. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang pustahan ng mga kaibigan ko.“Ligawan mo si nerd,” sabi ni Jonathan, na parang napaka-dali lang nito. Tunog kalokohan, pero alam kong hindi sila nagbibiro.“Ang tahimik mo, Vince. Ano, takot ka bang matalo?” biro ni Alfred, habang nagdidribol ng bola, nakangiti nang mapang-asar.Inagaw ko ang bola mula sa kanya at mabilis na nag-shoot. "Hindi ako natatalo. Alam niyo dapat ‘yan," kumpyansa kong sabi sa kanila. “Yabang!” Kent tumawa nang malakas. “Tingnan natin kung papatulan ka ng nerd. Mukha siyang hindi madaling mapalapit," wika nito. “Mas maganda kung gano’n,” sagot ko, kunwaring kalmado. Pero sa totoo lang, alam kong hindi magiging madali ang pustahan na ito. Si Safara ay malayo sa mga tulad nina Sabrina na ha

    Last Updated : 2025-01-02
  • HER TURN TO BREAK HIM   Chapter 05

    Chapter 05Ang mga sumunod na araw ay naging... interesante. Si Safara ay ibang-iba sa lahat ng babaeng sinubukan kong pasayahin o kausapin noon. Hindi siya tinatablan ng mga karaniwang charm—ang pasimpleng ngiti, mga boladas, o kahit ang mga alok kong tulong. Kadalasang sinasagot niya ako ng maikli, o hindi ako pinapansin.Pero hindi ako aatras. May pustahan akong kailangang mapanalunan.Lunch break noon nang makita ko siyang nakaupo sa ilalim ng puno malapit sa campus garden. Tahimik siyang kumakain ng baon niya, nakalagay sa isang maliit na lalagyan. Walang kasama, walang gulo—siya lang at ang pagkain niya.“Hey,” bati ko, sabay upo sa tabi niya.Napatingin siya, halatang nagulat. “Anong ginagawa mo dito?”“Lunch,” sagot ko, itinaas ang sandwich na nakuha ko mula sa cafeteria. “Pwede bang makisabay?”Nagdalawang-isip siya, pero sa huli, itinuloy ang pagkain. “Wala naman akong magagawa, free country naman.”Napatawa ako, hindi alintana ang malamig niyang tono. “So, anong ginagawa mo

    Last Updated : 2025-01-02
  • HER TURN TO BREAK HIM   Chapter 06

    Chapter 06Habang tumatagal ang oras na kasama ko si Safara, lalo kong napapansin kung gaano siya kaiba. Matalino, totoo, at parang hindi man lang napapansin ang atensyon na ibinibigay ko sa kanya. Pero hindi ko makalimutan ang pustahan. Paulit-ulit akong paalalahanan ng mga kaibigan ko tungkol sa “premyo” kapag napaibig ko ang nerd.“Sa tingin ko, bumibigay na siya,” sabi ni Alfred sa isa sa mga break namin, naka-ngiti na parang nanalo ng lotto.“‘Wag kang kampante,” dagdag ni Kent. “Tatlong buwan pa ang natitira. Pag hindi siya umamin, talo ka.”“Kayang-kaya ko ‘to,” sagot ko nang may kumpiyansa, pero may parte sa akin na tila hindi mapakali.---Ang susunod kong hakbang? Simple: ipadama sa kanya na espesyal siya.Sinimulan ko nang maliit. Isang umaga, dumating ako nang mas maaga kaysa sa nakasanayan, naghihintay sa kanya sa school gate. Nang dumating siya, dala ang luma niyang bag, halatang nagulat siya nang makita ako.“Good morning,” bati ko, sinabayan ng pinakamagandang ngiti ko

    Last Updated : 2025-01-02
  • HER TURN TO BREAK HIM   Chapter 07

    Chapter 07 Safara POV Si Vince ay... nakakagulo ng aking isip. Minsan, sobrang bait niya—dinadalhan ako ng kape, tinutulungan sa mga gamit ko, at nakikipag-usap na parang may pakialam talaga siya. Pero maya-maya, parang wala lang ako kapag kasama niya ang mga kaibigan niya, tila naglalaro ng ibang mundo. Hindi ko alam kung paano haharapin ang atensyon na binibigay niya. Ang mga lalaking tulad niya ay hindi naman karaniwang pumapansin sa mga tulad ko—nerdy, simple, at tulad ng madalas sabihin ni Sabrina, "hindi ka nababagay sa aming mundo." Alam ko na totoo ang kanyang sinabi, sa tulad kong nerd at isang dukha ay iniisip niya na wala akong karapatan na mag-aaral ng marangyang paaralan. Habang papunta ako sa susunod kong klase, paulit-ulit kong iniisip ang mga huling usapan namin ni Vince. Ang popular at kumpiyansang si Vince Rosales, na hinahangaan ng lahat, ay kasabay ko mag-lunch, kausap ko sa mga ka-klase ko, at naghihintay na naman si Vince sa may gate sa akin. 'Vince, Bakit

    Last Updated : 2025-01-02
  • HER TURN TO BREAK HIM   Chapter 08

    Chapter 08Vince POV“Tell me, Vince—what’s your reason?”Ang mga salitang iyon ni Safara ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko. Para siyang nakakakita ng mas malalim sa akin, at sa totoo lang, hindi ako handa para doon. Si Safara ay hindi tulad ng ibang mga babaeng nakilala ko. Hindi siya basta naaakit sa charm o hitsura. Mali ako nang maliitin ko ang lakas ng loob niya, ang katalinuhan niya, at higit sa lahat, ang kakayahan niyang makita kung ano talaga ako.Nakatayo lang ako roon, pinapanood siyang lumayo. Ang mga balikat niya ay tila may pasan na mabigat, at sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang pustahang ito, nakaramdam ako ng kahihiyan.Pero paano ko tatalikuran ang lahat? Ang mga kaibigan ko ay nag-aabang, handang manood kung paano ako mabibigo.---Kinabukasan, nandoon ulit ako, naghihintay sa gate. Determinado akong ayusin ang nangyari.“Safara!” tawag ko nang makita ko siyang pumasok. Tumingin siya sa akin pero hindi tumigil sa paglalakad.“Hey, sandali lang!”

    Last Updated : 2025-01-04
  • HER TURN TO BREAK HIM   Chapter 09

    Chapter 09Safara POVHindi ko akalain na liligawan ako ni Vince. Lagi siyang naghihintay sa akin sa gate, at sabay kaming pumapasok. Kasama ko rin sina Ate Leah at Ate Mae, na parehong nagsabi na mabait daw si Vince. Tatlong araw na rin niya akong hinahatid pauwi. Ngayong araw, napagdesisyunan kong sagutin na siya.“Safara, kailan mo ba ako sasagutin?” tanong niya habang naglalakad kami pauwi.“Vince, maging totoo ka nga. Mahal mo ba talaga ako kahit nerd ako, mahirap, at hindi mo ba ako ikinahihiya sa harap nila?”“Hindi, hindi ko ikinahihiya.”“Hindi mo ba ako sasaktan sa huli?”“Hinding-hindi mangyayari ‘yun.”“Sige, sinasagot na kita,” sagot ko.“Talaga? Hindi ka nagbibiro?” tanong niya, halatang masaya.“Oo…”“Wow, parang ang saya mo ngayon, ha?”“Sinagot na ako ni Safara!” masigla niyang sabi.Nagpalitan ng tingin sina Ate Leah at Ate Mae, nagbubulungan at nakangiti.“Mauna na ako sa room, may gagawin pa kasi ako,” paalam ni Vince.“Sabayan na kita,” sabi ko.Habang naglalakad

    Last Updated : 2025-01-06
  • HER TURN TO BREAK HIM   Chapter 10

    Chapter 10 Ang gabing iyon ay puno ng pagsubok sa aking isipan. Paulit-ulit kong inalala ang lahat ng nangyari—ang pagkakanulo ni Vince, ang kanyang mga salita, ang pagtawa niya kasama ang kanyang mga kaibigan. Lahat ng iyon ay parang isang malupit na biro na iniukit sa puso ko. Pero hindi ko sila hahayaang basagin ako. Hindi si Sabrina, hindi si Vince, hindi kahit sino. Kinabukasan, nagising ako na puno ng determinasyon. Paglabas ko sa dining room, nandoon na sina Ate Leah at Ate Mae, abala at puno ng sigla. “Good morning, beauty queen!” biro ni Leah habang iniabot sa akin ang isang baso ng orange juice. “Good morning,” sagot ko, pilit na ngumiti habang tinatago ang kaba. “Huwag kang mag-alala, Safara,” sabi ni Mae na tila nababasa ang iniisip ko. “Nandito kami para sa’yo. Wala nang laban ‘yang Sabrina na ‘yan at ang grupo niya.” Dumating ang araw ng pageant nang mas mabilis kaysa sa inaasahan ko. Ipinakita ni Mae ang gown na dinisenyo niya para sa akin—isang napakaganda

    Last Updated : 2025-01-06

Latest chapter

  • HER TURN TO BREAK HIM   Chapter 17

    Chapter 17 Lumipas ang ilang araw, at dumating ang araw ng pagpupulong. Nasa bahay kami ng lolo at lola ko, at doon namin hinarap si Gordon. "Irene, Safara," bungad niya, bakas ang kaba sa kanyang mukha. "Alam kong mahirap itong sitwasyon, pero gusto kong malaman niyo na handa akong gawin ang lahat para maitama ang mga mali ko noon," sabi ng aking ama. Napatingin ako sa lolo ko, na tahimik na nakikinig hanggang nagsalita ito. "Bakit ngayon lang, Gordon?" tanong ng lolo ko. "Alam mong iniwan ka ng anak ko dahil sa ginawa mong pagtaksil sa araw ng kasal niyo. Anong dahilan ng biglang pagbabalik mo?" mariing tanong ng aking lolo. "Oo inaamin kong nagkamali ako, Mr. Reyes," sagot ng aking ama. "Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang totoong nangyayari. Ang katotohanan noon. Pero ngayong alam kong may anak ako, hindi ko na kayang manahimik lang sa tabi bahang pinapanood ko ito sa lalayo. Gusto ko siyang makilala at mapatunayan na karapat-dapat akong maging parte ng buhay niya," ma

  • HER TURN TO BREAK HIM   Chapter 16

    Chapter 16Habang tahimik kaming kumakain, biglang pumasok sa isip ko ang aking lolo at lola. Ang pamilya nila Mama ay hindi pangkaraniwang tao sa lipunan. Sila ay kabilang sa isang makapangyarihang angkan na may kayamanan at impluwensya, ngunit mas pinili ni Mama ang mamuhay nang simple kaysa maging bahagi ng marangyang pamumuhay na iniaalok sa kanya noon."Ma," tanong ko, pinutol ang katahimikan. "Bakit mo piniling iwan ang lahat noon? Lalo na't alam kong maaaring naiiba ang buhay natin kung tinanggap mo ang yaman ng pamilya mo," tanong kong sabi. Napabuntong-hininga si Mama at saglit na tumingin sa akin. "Anak, hindi ako umalis dahil sa yaman o karangyaan. Umalis ako dahil mas mahalaga sa akin ang kalayaan at ang pagkakataon na mabuhay ayon sa sarili kong mga prinsipyo," tugon niya sa akin. "Pero Ma, hindi mo ba nami-miss ang buhay doon? Ang mga magulang mo, ang buhay na dati ikaw? Lalo na ang mga kaibigan mo at mga kamag-anak na malapit sayo?" tanong ko muli. Ngumiti siya, ngun

  • HER TURN TO BREAK HIM   Chapter 15

    Chapter 15Lumipas ang mga taon, at ngayon ay third year college na ako sa kursong Business Administration. Hindi ko maitatanggi na mahirap ang buhay dito sa Stage, lalo na’t ibang-iba ang kultura at wika. Pero hindi ako nagpatinag. Sa kabila ng lahat ng hamon, pinatunayan ko sa sarili kong kaya kong makipagsabayan, lalo na pagdating sa talino at determinasyon.Sa bawat klase, naririnig ko ang mga professor na nagtuturo sa malalim na Ingles, pero natutunan kong gawin itong inspirasyon para mas lalo pang magsikap."Miss Gomez, can you present your proposal in front of the class?" tanong ng professor ko habang nasa kalagitnaan ng lecture.Tumayo ako nang may kumpiyansa at sinimulan ang presentasyon. Ginamit ko ang mga aral na natutunan ko mula sa mga dating karanasan at isinama ang diskarte kong Pinoy. Nang matapos ako, nagpalakpakan ang buong klase."Excellent work, Miss Gomez," puri ng professor ko. "Your determination is truly remarkable."Bukod sa eskwela, naging aktibo rin ako sa m

  • HER TURN TO BREAK HIM   Chapter 14

    Chapter 14Pagkatapos kong nagpapaalala sa aking mga malapit na kaklase ko ay agad akong umalis dahil ngayon araw kami aalis ni mama papunta sa stage. Sa pag-alis ko ah bitbit ko ang isang pangako, pangakong babalikan ko sila ay paghigantihan sa lahat na ginawang pasakit sa akin. Habang nasa biyahe kami ni Mama papunta sa Stage, hindi ko maiwasang balikan ang lahat ng nangyari. Ang mga sakit, pagtataksil, at kawalang hustisya—lahat iyon ay nagbigay sa akin ng lakas. Pinili ni Mama na umiwas sa gulo, ngunit sa puso ko, alam kong hindi ko hahayaan ang ganoong pang-aapi."Anak, okay ka lang ba?" tanong ni Mama habang hawak ang aking kamay."Okay lang po ako, Ma," sagot ko. "Masaya akong kasama ka."Ngumiti siya, ngunit may bakas ng lungkot sa kanyang mga mata. Siguro’y iniisip niya kung paano kami magsisimula muli.Pagdating namin sa Stage, sinalubong kami ng lola’t lolo ko. Niyakap nila si Mama nang mahigpit at inabutan din ako ng mainit na yakap."Anak, pasensya ka na sa mga pagkukul

  • HER TURN TO BREAK HIM   Chapter 13

    Chapter 13 Nasa bahay kami ng best friend kong si Irine upang ipagdiwang ang pagkapanalo ni Safara. Abala ako sa paghahanda ng pagkain para sa mga bisita habang naririnig ko ang pagdating ng mga sasakyan. Hindi ko na inabalang lumingon dahil alam kong sina Irine iyon.“Best, dali! Punta ka sa kwarto ko,” tawag nito sa akin.“Bakit?” tanong ko.“Basta, sumunod ka na lang!” Hinila niya ako papunta sa kanyang kwarto, dumaan pa kami sa kusina.“Best, nakita mo ba si Safara?”“Wag kang mag-alala. Andiyan si John, siya ang nagbabantay sa kanya.”“Pero best, natakot ako kanina.”“Hayaan mo na sila. Masaya na ako sa anak ko.”“Basta magbihis ka. Tingnan natin kung sino ang maglalaway mamaya.”Nagbihis ako ng damit na inabot niya sa akin. Nang matapos akong mag-ayos, tinitigan ako ni Irine.“Wow, ang ganda mo pa rin, best! Tingnan natin kung sino ang magsisisi mamaya.”Pagdating namin sa sala, nakita ko si Gordon kasama ang babaeng si Stella. Napatitig siya sa akin habang ang iba’y nagkukwent

  • HER TURN TO BREAK HIM   Chapter 12

    Chapter 12Mama ni Safara’s POVHabang papunta kami ni John sa aming upuan, nasalubong namin ang business partner ni Daniel. Bigla akong nataranta dahil barkada ito ng asawa kong manloloko. Kasama pa nila ang pinsan ng asawa ko. Agad kong hinila si John, kaya nagtaka siya."Tita, bakit?" tanong niya."Siya ang nakita ko, kaibigan ng asawa ko," sagot ko, nagmamadaling humakbang."Paano na ‘yan, tita?""Hindi ko alam, John. Hindi ko rin pwedeng iwan si Safara. Hindi naman siguro sila magtatagal dito.""Sabagay, tita. Bumili na lang tayo ng snacks habang naghihintay.""Sige, tama ka. Nauuhaw din ako."Mabilis kaming lumabas at bumili ng snacks. Pagbalik namin, palinga-linga pa rin ako, nagbabakasakaling hindi kami muling makita. Sa kabutihang-palad, hindi ko sila naaninag.Eksaktong dumating kami nang magsimula na ang pagrampa ng mga contestants. Napangiti ako nang makita si Safara suot ang napakagandang gown na likha ni Mae. Isa-isa nang tinatawag ang mga contestants hanggang si Safara

  • HER TURN TO BREAK HIM   Chapter 11

    Chapter 11Third POVHabang nag-uusap sina John at ang tita ni Safara sa gilid ng venue, kitang-kita ang bigat sa kanilang mga mata."Tita, kailan mo sasabihin kay Safara ang totoo? Hindi mo ba naisip kung ano ang mararamdaman niya kapag nalaman niya ito mula sa iba?" tanong ni John, bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.Hindi kaagad nakasagot ang tita ni Safara. Pinilit niyang maging matatag, ngunit bumigay din ang kanyang damdamin. "Hindi ko alam, John. Ayokong masaktan si Safara. Ayokong may kahati siya sa pagmamahal ko."Nagkibit-balikat si John, halatang hindi kumbinsido sa sagot nito. "Tita, hindi mo siya mabibihag sa kasinungalingan. Mas mabuti pang malaman niya mula sa iyo ang totoo kaysa sa ibang tao."Ngunit bago pa makasagot muli ang babae, pumatak na ang kanyang luha. "Hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa akin, John. Kitang-kita ko sa sarili kong mga mata ang kanyang kababuyan."Habang nag-uusap sila, nag-umpisa na ang program ng pageant. In-announce ang mga hurado,

  • HER TURN TO BREAK HIM   Chapter 10

    Chapter 10 Ang gabing iyon ay puno ng pagsubok sa aking isipan. Paulit-ulit kong inalala ang lahat ng nangyari—ang pagkakanulo ni Vince, ang kanyang mga salita, ang pagtawa niya kasama ang kanyang mga kaibigan. Lahat ng iyon ay parang isang malupit na biro na iniukit sa puso ko. Pero hindi ko sila hahayaang basagin ako. Hindi si Sabrina, hindi si Vince, hindi kahit sino. Kinabukasan, nagising ako na puno ng determinasyon. Paglabas ko sa dining room, nandoon na sina Ate Leah at Ate Mae, abala at puno ng sigla. “Good morning, beauty queen!” biro ni Leah habang iniabot sa akin ang isang baso ng orange juice. “Good morning,” sagot ko, pilit na ngumiti habang tinatago ang kaba. “Huwag kang mag-alala, Safara,” sabi ni Mae na tila nababasa ang iniisip ko. “Nandito kami para sa’yo. Wala nang laban ‘yang Sabrina na ‘yan at ang grupo niya.” Dumating ang araw ng pageant nang mas mabilis kaysa sa inaasahan ko. Ipinakita ni Mae ang gown na dinisenyo niya para sa akin—isang napakaganda

  • HER TURN TO BREAK HIM   Chapter 09

    Chapter 09Safara POVHindi ko akalain na liligawan ako ni Vince. Lagi siyang naghihintay sa akin sa gate, at sabay kaming pumapasok. Kasama ko rin sina Ate Leah at Ate Mae, na parehong nagsabi na mabait daw si Vince. Tatlong araw na rin niya akong hinahatid pauwi. Ngayong araw, napagdesisyunan kong sagutin na siya.“Safara, kailan mo ba ako sasagutin?” tanong niya habang naglalakad kami pauwi.“Vince, maging totoo ka nga. Mahal mo ba talaga ako kahit nerd ako, mahirap, at hindi mo ba ako ikinahihiya sa harap nila?”“Hindi, hindi ko ikinahihiya.”“Hindi mo ba ako sasaktan sa huli?”“Hinding-hindi mangyayari ‘yun.”“Sige, sinasagot na kita,” sagot ko.“Talaga? Hindi ka nagbibiro?” tanong niya, halatang masaya.“Oo…”“Wow, parang ang saya mo ngayon, ha?”“Sinagot na ako ni Safara!” masigla niyang sabi.Nagpalitan ng tingin sina Ate Leah at Ate Mae, nagbubulungan at nakangiti.“Mauna na ako sa room, may gagawin pa kasi ako,” paalam ni Vince.“Sabayan na kita,” sabi ko.Habang naglalakad

DMCA.com Protection Status