Chapter 04
Vince POV KINABUKASAN Ang buong court ay puno ng ingay mula sa basketball practice—mga sapatos na sumisigid sa sahig, bola na pumapalo sa sahig, at mga sigaw ng plays mula sa teammates ko. Pero parang wala akong naririnig. Paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang pustahan ng mga kaibigan ko. “Ligawan mo si nerd,” sabi ni Jonathan, na parang napaka-dali lang nito. Tunog kalokohan, pero alam kong hindi sila nagbibiro. “Ang tahimik mo, Vince. Ano, takot ka bang matalo?” biro ni Alfred, habang nagdidribol ng bola, nakangiti nang mapang-asar. Inagaw ko ang bola mula sa kanya at mabilis na nag-shoot. "Hindi ako natatalo. Alam niyo dapat ‘yan," kumpyansa kong sabi sa kanila. “Yabang!” Kent tumawa nang malakas. “Tingnan natin kung papatulan ka ng nerd. Mukha siyang hindi madaling mapalapit," wika nito. “Mas maganda kung gano’n,” sagot ko, kunwaring kalmado. Pero sa totoo lang, alam kong hindi magiging madali ang pustahan na ito. Si Safara ay malayo sa mga tulad nina Sabrina na halos itapon ang sarili para mapansin. Tahimik siya, seryoso, at tila walang interes sa anumang gulo at higit sa lahat hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin upang kausapin ito kahapon. Pero hindi ko rin kayang umatras. Ang pride ko ang nakataya dito. Habang naglalakad kami ng aking kaibigan upang magtungo sa room ay nakita ko siya sa library. Nakaupo siya sa isang sulok, nakapalibot sa mga libro, habang sinusulat ang kung ano sa kanyang notebook. Bahagyang nakababa ang salamin niya sa ilong, at parang wala siyang pakialam sa paligid niya. Tahimik ko siyang pinagmasdan. Iba talaga siya. Hindi lang sa hitsura, kundi pati sa aura niya. May kakaibang determinasyon sa kilos niya na bihirang makita sa iba. “Bakit nakatanga ka diyan?” bulong ni Alfred, na ginulat ako. Tiningnan ko siya nang masama. “Pakialam mo?” suplado kong tugon. “Kung magpapakilala ka, huwag ka nang magpatumpik-tumpik. Vince Rosales ka, tandaan mo. Walang babaeng tumatanggi sa’yo," sabi niya sa akin. Umirap ako at naglakad papunta sa mesa niya, binabalewala ang hagikgikan ni Alfred sa likod. “Pwede bang makiupo?” tanong ko, sabay hilang ng upuan nang hindi na hinihintay ang sagot niya. Napatingin siya, tila nagulat, at nagtagpo ang aming mga mata. “Ah... sige,” mahina niyang sagot. “Safara, tama?” tanong ko, nakasandal nang relaxed. “Oo.” “Ako si Vince.” “Alam ko,” sagot niya, nang hindi man lang tumitingin. Napataas ang kilay ko. “Talaga?” Bahagya siyang tumango. “Sikat ka kasi. Alam ng lahat kung sino ka.” Ngumiti ako, pilit na nagpapakitang walang epekto sa akin ang sagot niya. “Mabuti naman, hindi na pala ako kailangang magpakilala.” Hindi siya sumagot, at ang katahimikan sa pagitan namin ay parang hangin na biglang lumamig. Karaniwan, ganitong pagkakataon, ang mga babae’y nagkakandarapa sa kilig. Pero si Safara? Wala. Balik siya sa pagsusulat, na parang hindi ako naroon. “So... first year ka rin?” tanong ko ulit, pilit na binubuhay ang usapan. “Oo.” “Business Ads, tama?” Nagtaas siya ng tingin, halatang nagtataka. “Paano mo nalaman?” “Magkaklase tayo,” sagot ko, itinuturo ang sarili ko. Bahagya siyang namula, sabay taas ng salamin niya. “Oh. Pasensya na, hindi ko napansin.” “Okay lang. Mukha ka namang busy.” “Busy nga ako,” prangkang sagot niya, habang patuloy sa pagsusulat. Napanganga ako sa bluntness niya. Para sa unang pagkakataon, wala akong ideya kung ano ang sasabihin. “Kung kailangan mo ng tulong o kahit ano, sabihin mo lang,” sabi ko na lang, pilit na nag-aalok ng mabuting hangarin. Nginitian niya ako nang bahagya, pero halatang pormal lang. “Salamat, pero kaya ko naman.” Ang sakit. Tumayo ako, iniwan ang kanyang mesa habang ramdam ang tingin ni Alfred mula sa malayo. “See you in class, Safara,” sabi ko bago lumakad palayo. Tumango lang siya at bumalik sa kanyang mga libro, na parang hindi ako dumaan doon. Pagkalabas ko ng library, sumabay si Alfred, nangingisi. “Hindi yata umubra ang charm mo, bro.” “Tumigil ka,” sagot ko, inis pero sabay na intrigado. Hindi magiging madali ang pustahan na ito, pero sa unang pagkakataon, natagpuan ko ang sarili kong nasasabik sa isang hamon. Si Safara Gomez ay hindi tulad ng iba—and I couldn’t wait to unravel her mystery.Chapter 05Ang mga sumunod na araw ay naging... interesante. Si Safara ay ibang-iba sa lahat ng babaeng sinubukan kong pasayahin o kausapin noon. Hindi siya tinatablan ng mga karaniwang charm—ang pasimpleng ngiti, mga boladas, o kahit ang mga alok kong tulong. Kadalasang sinasagot niya ako ng maikli, o hindi ako pinapansin.Pero hindi ako aatras. May pustahan akong kailangang mapanalunan.Lunch break noon nang makita ko siyang nakaupo sa ilalim ng puno malapit sa campus garden. Tahimik siyang kumakain ng baon niya, nakalagay sa isang maliit na lalagyan. Walang kasama, walang gulo—siya lang at ang pagkain niya.“Hey,” bati ko, sabay upo sa tabi niya.Napatingin siya, halatang nagulat. “Anong ginagawa mo dito?”“Lunch,” sagot ko, itinaas ang sandwich na nakuha ko mula sa cafeteria. “Pwede bang makisabay?”Nagdalawang-isip siya, pero sa huli, itinuloy ang pagkain. “Wala naman akong magagawa, free country naman.”Napatawa ako, hindi alintana ang malamig niyang tono. “So, anong ginagawa mo
Chapter 06Habang tumatagal ang oras na kasama ko si Safara, lalo kong napapansin kung gaano siya kaiba. Matalino, totoo, at parang hindi man lang napapansin ang atensyon na ibinibigay ko sa kanya. Pero hindi ko makalimutan ang pustahan. Paulit-ulit akong paalalahanan ng mga kaibigan ko tungkol sa “premyo” kapag napaibig ko ang nerd.“Sa tingin ko, bumibigay na siya,” sabi ni Alfred sa isa sa mga break namin, naka-ngiti na parang nanalo ng lotto.“‘Wag kang kampante,” dagdag ni Kent. “Tatlong buwan pa ang natitira. Pag hindi siya umamin, talo ka.”“Kayang-kaya ko ‘to,” sagot ko nang may kumpiyansa, pero may parte sa akin na tila hindi mapakali.---Ang susunod kong hakbang? Simple: ipadama sa kanya na espesyal siya.Sinimulan ko nang maliit. Isang umaga, dumating ako nang mas maaga kaysa sa nakasanayan, naghihintay sa kanya sa school gate. Nang dumating siya, dala ang luma niyang bag, halatang nagulat siya nang makita ako.“Good morning,” bati ko, sinabayan ng pinakamagandang ngiti ko
Chapter 07 Safara POV Si Vince ay... nakakagulo ng aking isip. Minsan, sobrang bait niya—dinadalhan ako ng kape, tinutulungan sa mga gamit ko, at nakikipag-usap na parang may pakialam talaga siya. Pero maya-maya, parang wala lang ako kapag kasama niya ang mga kaibigan niya, tila naglalaro ng ibang mundo. Hindi ko alam kung paano haharapin ang atensyon na binibigay niya. Ang mga lalaking tulad niya ay hindi naman karaniwang pumapansin sa mga tulad ko—nerdy, simple, at tulad ng madalas sabihin ni Sabrina, "hindi ka nababagay sa aming mundo." Alam ko na totoo ang kanyang sinabi, sa tulad kong nerd at isang dukha ay iniisip niya na wala akong karapatan na mag-aaral ng marangyang paaralan. Habang papunta ako sa susunod kong klase, paulit-ulit kong iniisip ang mga huling usapan namin ni Vince. Ang popular at kumpiyansang si Vince Rosales, na hinahangaan ng lahat, ay kasabay ko mag-lunch, kausap ko sa mga ka-klase ko, at naghihintay na naman si Vince sa may gate sa akin. 'Vince, Bakit
Chapter 08Vince POV“Tell me, Vince—what’s your reason?”Ang mga salitang iyon ni Safara ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko. Para siyang nakakakita ng mas malalim sa akin, at sa totoo lang, hindi ako handa para doon. Si Safara ay hindi tulad ng ibang mga babaeng nakilala ko. Hindi siya basta naaakit sa charm o hitsura. Mali ako nang maliitin ko ang lakas ng loob niya, ang katalinuhan niya, at higit sa lahat, ang kakayahan niyang makita kung ano talaga ako.Nakatayo lang ako roon, pinapanood siyang lumayo. Ang mga balikat niya ay tila may pasan na mabigat, at sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang pustahang ito, nakaramdam ako ng kahihiyan.Pero paano ko tatalikuran ang lahat? Ang mga kaibigan ko ay nag-aabang, handang manood kung paano ako mabibigo.---Kinabukasan, nandoon ulit ako, naghihintay sa gate. Determinado akong ayusin ang nangyari.“Safara!” tawag ko nang makita ko siyang pumasok. Tumingin siya sa akin pero hindi tumigil sa paglalakad.“Hey, sandali lang!”
Chapter 09Safara POVHindi ko akalain na liligawan ako ni Vince. Lagi siyang naghihintay sa akin sa gate, at sabay kaming pumapasok. Kasama ko rin sina Ate Leah at Ate Mae, na parehong nagsabi na mabait daw si Vince. Tatlong araw na rin niya akong hinahatid pauwi. Ngayong araw, napagdesisyunan kong sagutin na siya.“Safara, kailan mo ba ako sasagutin?” tanong niya habang naglalakad kami pauwi.“Vince, maging totoo ka nga. Mahal mo ba talaga ako kahit nerd ako, mahirap, at hindi mo ba ako ikinahihiya sa harap nila?”“Hindi, hindi ko ikinahihiya.”“Hindi mo ba ako sasaktan sa huli?”“Hinding-hindi mangyayari ‘yun.”“Sige, sinasagot na kita,” sagot ko.“Talaga? Hindi ka nagbibiro?” tanong niya, halatang masaya.“Oo…”“Wow, parang ang saya mo ngayon, ha?”“Sinagot na ako ni Safara!” masigla niyang sabi.Nagpalitan ng tingin sina Ate Leah at Ate Mae, nagbubulungan at nakangiti.“Mauna na ako sa room, may gagawin pa kasi ako,” paalam ni Vince.“Sabayan na kita,” sabi ko.Habang naglalakad
Chapter 10 Ang gabing iyon ay puno ng pagsubok sa aking isipan. Paulit-ulit kong inalala ang lahat ng nangyari—ang pagkakanulo ni Vince, ang kanyang mga salita, ang pagtawa niya kasama ang kanyang mga kaibigan. Lahat ng iyon ay parang isang malupit na biro na iniukit sa puso ko. Pero hindi ko sila hahayaang basagin ako. Hindi si Sabrina, hindi si Vince, hindi kahit sino. Kinabukasan, nagising ako na puno ng determinasyon. Paglabas ko sa dining room, nandoon na sina Ate Leah at Ate Mae, abala at puno ng sigla. “Good morning, beauty queen!” biro ni Leah habang iniabot sa akin ang isang baso ng orange juice. “Good morning,” sagot ko, pilit na ngumiti habang tinatago ang kaba. “Huwag kang mag-alala, Safara,” sabi ni Mae na tila nababasa ang iniisip ko. “Nandito kami para sa’yo. Wala nang laban ‘yang Sabrina na ‘yan at ang grupo niya.” Dumating ang araw ng pageant nang mas mabilis kaysa sa inaasahan ko. Ipinakita ni Mae ang gown na dinisenyo niya para sa akin—isang napakaganda
Chapter 11Third POVHabang nag-uusap sina John at ang tita ni Safara sa gilid ng venue, kitang-kita ang bigat sa kanilang mga mata."Tita, kailan mo sasabihin kay Safara ang totoo? Hindi mo ba naisip kung ano ang mararamdaman niya kapag nalaman niya ito mula sa iba?" tanong ni John, bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.Hindi kaagad nakasagot ang tita ni Safara. Pinilit niyang maging matatag, ngunit bumigay din ang kanyang damdamin. "Hindi ko alam, John. Ayokong masaktan si Safara. Ayokong may kahati siya sa pagmamahal ko."Nagkibit-balikat si John, halatang hindi kumbinsido sa sagot nito. "Tita, hindi mo siya mabibihag sa kasinungalingan. Mas mabuti pang malaman niya mula sa iyo ang totoo kaysa sa ibang tao."Ngunit bago pa makasagot muli ang babae, pumatak na ang kanyang luha. "Hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa akin, John. Kitang-kita ko sa sarili kong mga mata ang kanyang kababuyan."Habang nag-uusap sila, nag-umpisa na ang program ng pageant. In-announce ang mga hurado,
Chapter 12Mama ni Safara’s POVHabang papunta kami ni John sa aming upuan, nasalubong namin ang business partner ni Daniel. Bigla akong nataranta dahil barkada ito ng asawa kong manloloko. Kasama pa nila ang pinsan ng asawa ko. Agad kong hinila si John, kaya nagtaka siya."Tita, bakit?" tanong niya."Siya ang nakita ko, kaibigan ng asawa ko," sagot ko, nagmamadaling humakbang."Paano na ‘yan, tita?""Hindi ko alam, John. Hindi ko rin pwedeng iwan si Safara. Hindi naman siguro sila magtatagal dito.""Sabagay, tita. Bumili na lang tayo ng snacks habang naghihintay.""Sige, tama ka. Nauuhaw din ako."Mabilis kaming lumabas at bumili ng snacks. Pagbalik namin, palinga-linga pa rin ako, nagbabakasakaling hindi kami muling makita. Sa kabutihang-palad, hindi ko sila naaninag.Eksaktong dumating kami nang magsimula na ang pagrampa ng mga contestants. Napangiti ako nang makita si Safara suot ang napakagandang gown na likha ni Mae. Isa-isa nang tinatawag ang mga contestants hanggang si Safara
Chapter 49Napasalampak ako sa upuan, pinilit kong pigilan ang panginginig ng kamay ko. "Wala akong pakialam kung mahirap, Vince. Ang iniisip ko lang ay ang kapakanan ng anak natin. At kung hindi mo kayang bumitaw sa mundo mo—""At ikaw?" putol niya sa akin, matalim ang tingin. "Ikaw ba, Safara? Kaya mo bang talikuran ang mundo mo para kay Selene?"Napahinto ako.Ramdam ko ang panunumbat sa tinig niya, ang hinanakit na hindi niya sinasabi nang direkta. Alam kong pareho kami ng sitwasyon. Pareho kaming may mundong dapat iwan kung gusto naming protektahan ang anak namin.Pero sino ang unang susuko? Sino ang unang bibitaw?Nagtagpo ang mga mata namin, puno ng tanong, puno ng sakit."Iisa lang ang dapat piliin, Vince," mahina ngunit mariin kong sabi. "Buhay mo sa grupong ‘yan… o ang anak natin."Tahimik siyang tumitig sa akin. Ilang sandali ang lumipas bago siya dahan-dahang lumapit at inilapit ang mukha niya sa akin, halos magkadikit ang aming noo."Kung iyon lang ang pagpipilian ko…" bu
Chapter 48"Nasa loob ng resort sa aming silid matutulog," malamig kong sagot. "Kung balak mong makita siya, ito lang ang masasabi ko, Vince. Kailangan mong harapin muna ang aking lolo bago ka makalapit sa iyong anak."Napakuyom ang kamao ni Vince, at sa kabila ng lamig ng gabi, ramdam ko ang matinding tensyon sa pagitan namin. Hindi siya agad nagsalita, pero alam kong hindi siya papayag na basta na lang ako lumayo muli—lalo na ngayong alam na niya ang tungkol kay Selene."Tingin mo ba matatakot ako sa lolo mo, Safara?" malamig ang tono niya, pero sa ilalim ng galit ay may halong hinanakit. "Akala mo ba hahayaan kong hadlangan niya ako para makita ang anak ko?"Napatingin ako sa mga mata niya—mga matang puno ng determinasyon at isang emosyon na hindi ko matukoy. Hindi lang ito tungkol sa galit niya sa akin dahil itinago ko ang katotohanan. Ito ay tungkol sa pagkawala ng anim na taon—anim na taon na hindi niya alam na may anak siya.Alam kong hindi siya susuko."Hindi ko sinasabing mat
Chapter 46SAFARA POVMula sa bintana ng kwarto ko sa resort, pinagmasdan ko ang malawak na hardin sa ibaba. Tahimik ang paligid, pero ramdam kong hindi ako ligtas. Matagal akong nawala, ngunit alam kong hindi habambuhay akong makakapagtago.Napahigpit ang hawak ko sa maliit na kamay ng batang nasa tabi ko."Mommy, bakit parang ang lungkot mo?" tanong ng anak kong si Selene, gamit ang inosente at malambing niyang tinig.Mabilis akong ngumiti at hinaplos ang pisngi niya. "Hindi, baby. Iniisip ko lang kung ano ang gusto mong gawin bukas."Napatalon siya sa tuwa. "Gusto kong mag-swimming! At kain tayo ng ice cream!"Tumawa ako at tumango. "Sige, baby. Bukas, mag-eenjoy tayo."Pero kahit sinasabi ko iyon, ang isip ko ay nasa isang tao lang—siya.Alam kong nandito siya. Ramdam ko ang presensya niya. Alam kong matagal na niya akong hinahanap. At ngayong bumalik ako, hindi na maiiwasan ang pagkikita namin.Hindi ako handa.Anim na taon kong iningatan ang sekreto kong ito. Anim na taon kong i
Chapter 45Six Years LaterNakatayo ako sa harap ng malaking bintana ng opisina ko, pinagmamasdan ang tanawin ng syudad. Ilang taon na ang lumipas, ngunit hindi ko pa rin maiwasang maalala ang gabing iyon—ang huling beses na magkasama kami ni Safara.Alam kong hindi ko siya dapat hinayaang umalis. Alam kong dapat hinabol ko siya, ngunit nang subukan kong hanapin siya, parang naglaho siya sa mundo. Para siyang usok na hindi ko na muling mahawakan.Anim na taon. Anim na taon ng paghahanap, ng pagtatangka na burahin siya sa isip ko, ngunit kahit anong gawin ko, hindi ko magawa.At ngayon… bumalik siya."Boss, she's back!" ulit ng tauhan ko sa kabilang linya. "At may dala itong batang babae."Halos malaglag ang hawak kong baso.Batang babae?Hindi ko maintindihan kung bakit parang bumagal ang paligid. Pakiramdam ko ay may bumagsak na bomba sa dibdib ko."Sigurado ka ba?" tanong ko, pilit na pinapanatili ang kumpiyansa sa boses ko."Yes, boss. Nakita namin siya sa airport kanina. Hindi pa
Chapter 44Ang tanging maririnig sa loob ng kwarto ay ang mabilis naming paghinga. Nakahiga si Safara sa tabi ko, ang katawan niya ay nakabalot sa kumot, habang ako naman ay nakatitig sa kisame, pilit inuunawa ang nangyari.Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa puntong ito. Kung paano ko tinanggal ang bawat harang na itinayo ko para mapigilan ang sarili ko. Pero ngayong tapos na, ngayong narito na kami sa puntong ito… may bumabagabag sa akin.Dahan-dahan akong bumangon at umupo sa gilid ng kama, hinahaplos ang noo ko. Ramdam ko ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko."Gising ka pa?" mahina ang tinig ni Safara mula sa likuran ko.Tumalikod ako at nakita siyang nakatingin sa akin. Ang kanyang mga mata ay may halong pagod, ngunit higit pa roon, may isang emosyon na hindi ko mawari."Yeah," sagot ko. "Ikaw? Ayos ka lang ba?"Hindi siya agad sumagot. Sa halip, inabot niya ang kumot at mas hinigpitan ang balot sa kanyang katawan. May lungkot sa kanyang mga mat
Chapter 43Vince POVMabilis akong nagmamaneho patungo sa aking condo unit. Ayaw kong may makakita sa kanya na ganitong sitwasyon. Hindi nag tagal ay agad din kami nakarating saka ko hinubad ang jacket at binalot ko sa kanya upang hindi makita ang kanyang mukha. "Hmmmm, Vince!" bulong nya sa akin saka mas isiniksik niya ang kanyang mukha sa aking dibdib. Hindi ako manhid at tao lang din ako. Kanina ko pa nararamdaman ang pananakit sa aking puson sa kanyang ginawa. Ilang sandali ay agad kaming nakarating sa aking unit saka ko binuksan at pumasok sa loob. Hindi ko kinalimutan na i-lock ang pintuan saka ko ito inilapag sa kama. Paglapag ko ay agad iyong bumukaka at nilalaro ang kanyang tingkil habang umuungol."Ughhh, aaahhh!" saka hinimas din nito ang kanyang dibdib habang pumipikit. "Shit!" Mabilis akong tumayo at lumayo kay Safara, pilit na hindi tinitingnan ang ginagawa niya. Ramdam ko ang pagtigas ng panga ko habang nilalabanan ang tukso.Hindi ko alam kung paano ko naitatak s
Chapter 42Napakagat ako sa labi, pilit na nilalabanan ang init na lalong bumibigat sa bawat sandaling lumilipas. Napapikit ako, ninanais na mawala ang nararamdaman kong ito, pero lalo lang akong nag-aapoy."Vince..." muli kong sambit."Shit," mura niya, halatang hindi sigurado kung ano ang dapat niyang gawin.Huminga siya nang malalim, pinilit ang sariling magpakatatag. "Kailangan kitang ilayo rito. Huwag kang bibitaw sa akin."Bago pa ako makasagot, binuhat na niya ako sa kanyang mga bisig. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, pero isa lang ang sigurado ako—si Vince lang ang tanging kakampi ko ngayon.Agad nakasubsob ang aking mukha sa kanyang matipunong katawan kaya may lalong umusbong ang pang-nanais na maangkin niya ako lalo't nasa ilalim ako ng gamot.Agad kong hinalikan ang kanyang dibdib na ikinamura nito."Safara, damn it!" mariing mura ni Vince habang mas hinigpitan ang pagkakahawak niya sa akin. Ramdam ko ang biglang paghingpit ng kanyang mga muscles, tanda ng matindi
Chapter 41Dahil sa inis ko ay agad akong bumalik sa table at agad kong ini-inom ang alak nasa table.. Huli na na realize ko na ang isang basong may gamot ang nainom ko hanggang unting-unti nanlalabo ang aking mata pero pinigilan ko ito. Iba ang nararamdaman ko parang nainitan ako sa aking katawan na parang may nais akong gawing nais maibsan ang init sa aking nararamdaman. Pinipilit kong ipokus ang paningin ko, pero unti-unti itong lumalabo. Pakiramdam ko'y parang umiinit ang buong katawan ko, tila may apoy na gumagapang sa bawat himaymay ng balat ko. Damn It... Napahawak ako sa mesa, sinusubukang kontrolin ang sarili. Alam kong may halo ang ininom ko, pero hindi ko inasahan na ganito kabilis ang epekto nito. Huminga ako nang malalim, pero sa halip na lumamig ang pakiramdam ko, mas lalo lang akong nanginig sa kakaibang init na bumalot sa katawan ko. Hindi ito simpleng pampalasing na gamot. Isa itong... Aphrodisiac. Shit! Napatingin ako sa paligid. Ayokong makatawag ng pansin, pe
Chapter 40Napansin ko ang bahagyang pamumutla ni Kirie sa sinabi ko. Bagaman mabilis siyang nakabawi sa kanyang ekspresyon, hindi iyon nakaligtas sa akin."Kung totoo ang sinabi ni Vince, hindi ako magdadalawang-isip na ipakukulong kita, Kirie." Tahimik kong bulong sa isipan ko habang pinagmamasdan siya.Pinilit niyang ngumiti, pero halata ang pilit sa kanyang tinig nang magsalita siya. "A-ang mabuti pa'y bumalik na tayo sa ating table at maglasing," aniya, kunwari'y pabiro.Pero hindi ko na siya basta-basta mapagkakatiwalaan. Lalo na ngayon, nang makita kong ang isang bagay na bihira kong makita kay Kirie—takot.Hindi ko siya sinagot at sa halip ay tahimik ko lang siyang sinundan pabalik sa aming table. Sinabayan niya akong umupo, pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Kinuha niya ang kanyang baso ng alak at uminom ng isang lagok, tila gustong itago ang namumutla niyang mukha.Napansin kong biglang bumilis ang kilos niya—masyadong casual, masyadong pilit.Napatingin ako sa kan