His Devoted Wife

His Devoted Wife

last updateHuling Na-update : 2023-09-28
By:  Etherealczeslawa  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
59Mga Kabanata
2.9Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Two months. For other people, it was not long enough. But for Rainnance Verdadero, it's like she was in jail for almost a year. Two months of trying to get out of the darkness because of the disappearance of Ghon Angeles, her husband. Two months of holding on for the possibility that he was still alive despite everything that had happened to him. People who thought he was still alive eventually lost hope due to his long disappearance. But as his wife, Rain never let herself give up with him. In the end, Rain choose to leave to look for her husband on her own. And she finds herself in Palawan. But she couldn't believe that she would find him there. . . with another woman. But what shocked her the most was that her husband did not know her. He was trying to push her away. He don't want to believe her. He emotionally and physically hurt her. Despite of all those painful happenings, will she still choose to stay even if they lost their child because of him? Would she still remain as a devoted wife?

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Prologue

“Rain, tama na ’to. Hindi na tama ang pabayaan mo ang sarili mo. Dahil kahit anong gawin natin hindi na natin siya maibabalik pa.”Mula sa picture frame na hawak ay napaangat ang ulo ko para tingnan ang matalik na kaibigan. Napailing ako nang makita ang awa at pag-alala sa mukha niya habang hawak ang isang tray na puno ng pagkain.“Tama na? Hindi, Wize. Wala pa akong nakikitang dahilan para tumigil. Ayokong pagsisihan sa huli na sumuko na lang ako bigla.” Muli kong ibinalik ang paningin sa litrato namin ng asawa ko. Iyon ang picture namin nang kinasal kami. Nakapaskil sa mga mukha namin ang saya. Kahit sa litrato ay makikitang masaya talaga kami sa araw na iyon.Saya na hindi ko inaasahan na agad din naman palang magtatapos nang mawala siya.“Pero ilang ulit ba kailangan ipaintindi sa'yo na wala na talaga, Rain?” Napapikit ako sa biglaang pagsigaw niya. “Dalawang buwan na ang nakakalipas. Sinuyod na natin ang buong karagatan para hanapin siya, pero ano? Wala tayong napala!” Tumalim

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

Walang Komento
59 Kabanata

Prologue

“Rain, tama na ’to. Hindi na tama ang pabayaan mo ang sarili mo. Dahil kahit anong gawin natin hindi na natin siya maibabalik pa.”Mula sa picture frame na hawak ay napaangat ang ulo ko para tingnan ang matalik na kaibigan. Napailing ako nang makita ang awa at pag-alala sa mukha niya habang hawak ang isang tray na puno ng pagkain.“Tama na? Hindi, Wize. Wala pa akong nakikitang dahilan para tumigil. Ayokong pagsisihan sa huli na sumuko na lang ako bigla.” Muli kong ibinalik ang paningin sa litrato namin ng asawa ko. Iyon ang picture namin nang kinasal kami. Nakapaskil sa mga mukha namin ang saya. Kahit sa litrato ay makikitang masaya talaga kami sa araw na iyon.Saya na hindi ko inaasahan na agad din naman palang magtatapos nang mawala siya.“Pero ilang ulit ba kailangan ipaintindi sa'yo na wala na talaga, Rain?” Napapikit ako sa biglaang pagsigaw niya. “Dalawang buwan na ang nakakalipas. Sinuyod na natin ang buong karagatan para hanapin siya, pero ano? Wala tayong napala!” Tumalim
Magbasa pa

Chapter 1

Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa sinig ng araw na siyang tumatama sa aking mukha. Kunot ang noong iminulat ang mga mata kasabay ng mga boses na naririnig ko sa labas ng bahay. Nararamdaman ko ang muling pagsara ng talulap ng mga mata ko dahil sa antok. Siguro dahil naninibago ako sa lugar kaya hindi ako masyadong nakatulog. “Susundan mo ba si Lore sa trabaho niya? Aba'y hindi naman maghahanap roon ng iba ang asawa mo.” Iyon ang narinig kong sabi ni Aling Nina sa kausap niya. “Naninigurado lang Aling Nina, ang dinig ko kasi ay may bagong pasok doong binata na panay ang tingin sa asawa ko. Hindi naman ako magtatagal doon, maaga ang pasok ko.” Natigilan ako, bahagyang kumunot pa ang noo. Hindi iyon dahil sa sinabi ng kung sino kundi dahil sa familiar na boses nito. Iminulat ko ang mga mata at walang pagdadalawang isip na bumangon ngunit agarang natigilan din nang sumidhi ang sakit ng aking tiyan. Dahan-dahan ko iyong hinaplos.“Baby, huwag muna ngayon ha? I'm going to look who i
Magbasa pa

Chapter 2

Hilam ng luha ang aking mga mata nang yakapin ako ni Aling Nina pagkatapos kong sabihin iyon sa kanila. Yakap na may pag-uunawa at kailangang-kailangan ko sa oras na iyon. Yakap na siyang naging dahilan upang mapakalma ako ng bahagya. Grace wiped my tears and tried to give me a wry smile. Ngunit hindi ko nagawang sagutin iyon ng isang ngiti rin. Dahil sa sitwasyon ko ngayon mukhang impossibleng magawa ko pa iyon. Muling nag-replay sa utak ko ang nangyari kanina. Buong-buo, bawat detalye ay malinaw sa alaala ko.Kaya kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang tanggapin ang lahat. Hindi ko kayang tanggapin na makikita ko siyang may ibang kayakap. Dalawang buwan lang akong nahuli ngunit may kapalit agad ako. Dalawang buwan kong tiniis ang sakit at paghihirap nang pagkawala niya tapos ito lang pala ang madadatnan ko. Winasak niya ako sa kabila ng pagmamahal ko sa kanya. Hindi ko hangad na masaktan ng ganito. Pinilit ko namang maging okay sa kabila ng lahat ngunit lahat humatong sa hindi
Magbasa pa

Chapter 3

Maaga akong nagising kinabukasan. Inaasahan ko na rin ito. Pagmulat pa lamang ng mga mata ko ay sinalubong ako ng matinding kirot sa puso. Kirot na lagi kong nararamdaman... na nakasanayan ko nang maramdaman. Kasabay nang pagtulo ng aking mga luha ay ang mahigpit kong pagyakap sa aking unan. Mariing kinagat ang labi upang pigilan ang hikbing gustong kumawala. Paulit-ulit na nag-replay sa utak ko ang sinabi ni Ghon kahapon. Kahit anong pilit kong kalimutan lahat ayaw ng utak ko. Sa bawat pagkalma ko iyon ang pumapasok sa isip ko. Parang isa iyong sirang plaka na siyang naging dahilan para lalo akong saktan ng sobra. Bakit gano'n no? Ginusto ko lang naman na maging masaya, ang makasama ang taong minahal ko at mamahalin ako ng higit pa pero habang pilit kong tinutupad iyon lalong humihirap ang lahat. Hindi pala madaling mangyari ang gusto ko. Kasi habang pilit mo iyong mangyari ay siya namang sakit ang gustong ipalalasap sa'yo. Napakadaya. Hindi naman ako humangad nang sobra. Sa katuna
Magbasa pa

Chapter 4

Hindi ko nagawang magsalita nang pagsabihan ako ni Aling Nina. Halos ayaw kong lubayan ng tingin si Ghon na hindi umalis pagkatapos akong ibuko kay Aling Nina. Mahigpit kong hinawakan ang isang piraso ng sitaw na nakalagay sa gilid ko. Panandalian umalis si Aling Nina upang kumuha ng tanghalia namin. Sa inis ko kay Ghon ay hinampas ko sa kanya ang sitaw na iyon. Mukhang nagulat din siya.“Umalis ka dito,” may diin na wika ko. Huwag niya akong inisin gayong mainit pa ang ulo ko sa kanya. “That's hurt, miss.” Nakangiwi na siya ngayon sa akin. Hindi ko alam kung bakit nandito pa siya samantalang noong isang araw ay halos ayaw niyang magtagal doon sa hospital, atat na atat na umuwi na sa sinasabi nitong asawa nito. Mariin kong pinikit ang mga mata at tumayo sa kinauupuan. Akma akong aalis nang hawakan ni Ghon ang aking kamay na naging sanhi upang mapakislop ako. Dumaloy sa buong katawan ko ang boltaheng nanggaling dito. Lalo tuloy akong nainis. “Saan ka pupunta? Ang sabi ni Aling Nina
Magbasa pa

Chapter 5

Tahamik kaming nasa hapag ni Ghon. Ilang minuto nang matapos ang pag-uusap namin ay lumabas si Aling Nina at nakita kami roon. Mukhang alam niyang nagkasagutan kami ni Ghon dahil sa luhang nakikita sa mga mata ko. Niyaya niya si Ghon para mag-agahan na hindi naman tinanggihan nito. Ayoko sanang sumabay ngunit hinila na ako ni Aling Nina. Nasasaktan ako kapag nakikita si Ghon. “Hindi pwedeng hindi, Rain. Baka nagugutom na ang baby mo, bawal kang magutom.” Humugot ako ng malalim na hininga at nagsandok ng kanin para lagyan ang plato ni Ghon. Kusang kumilos ang katawan ko kaya mukhang nagulat ito, kahit ako ay natigilan din. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko dahil sa hiyang naramdaman. Nasanay akong ako lagi ang gumagawa no'n sa kanya. Every time we eat together, ako ang nag-aasikaso sa kanya. Nakatingin lang naman si Aling Nina at Grace sa aming dalawa. “Thank you! You don't need to do that.” Napangiwi ako. Kung pwede ko lang na pigilan ang sarili ko eh 'di sana ginawa ko na.
Magbasa pa

Chapter 6

Bumalik ako sa palengke na may malapad na ngiti sa labi. Ghon, didn't pushed me away when I kiss him. That's a progress right? Alam kong nagulat siya sa biglaang paghalik ko ngunit nakakatuwang isipin na kahit ilang ulit niyang sabihin sa akin na si Lore ang mahal niya ay sa kabila no'n ay hindi niya ako tinulak. Pinilit pa niya akong doon na lamang kumain ngunit hindi na ako pumayag dahil kailangan kong dalhan si Aling Nina ng tanghalian. Okay na din naman sa akin na hinayaan niya akong halikan siya. “Sasabay na lang ako kay Aling Nina. Kumain kana.” Pagkatapos no'n ay umalis na ako.Kinaumagahan ay nakangiting pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin at nang masigurong maayos ang aking itsura ay lumabas ako ng kwarto. Nagpaalam ako kay Aling Nina upang puntahan si Ghon. Tulad ng sinabi ko kahapon ay guguluhin ko siya ngayon araw. Sisimulan kong ipaalala sa kanya ang mga nawalang alaala. Isinantabi ko muna ang mga bagay na nangyari sa pagitan naming dalawa. Ayokong maalala ang sa
Magbasa pa

Chapter 7

Hindi ko mapigilang mapahagikhik nang ibigay sa akin ni Ghon ang mga supot na puno ng mga manga at pinya. Napalabing sumunod ako sa kanya pagkatapos. Tulad kanina ay halos pagtinginan kami ng mga tao. Doon muli ako tumambay sa upuang nasa tapat ng classroom niya. Mabuti na lang at pinabalatan niya kanina ang dalawang manga at iyon ang kinain ko habang nakatitig sa kanya. Ang gwapo talaga ng asawa ko. Sumimangot naman ako ng maalala si Lore. Kaya siguro siya na inlove sa asawa ko. Sino ba namang hindi magkakagusto sa lalaking iyan. Lahat na yatang hinahanap mo sa lalaki ay nasa kanya na. Maliban lang sigurong sa ugali niyang napakasungit. “May relasiyon ba kayo ng asawa ni Lore?” May lumapit sa aking ginang kaya napatingin ako dito. Siya ang kanina pang nakatingin sa akin. Simula kaninang umaga. I even saw her pointing at me to other woman. “He's not Lore's husband!” asik ko na kinakunot ng noo nito. Mukhang hindi niya ako naiintindihan. “Ghon is my husband not with that girl! How d
Magbasa pa

Chapter 8

“Isang subo pa.”“I don't w-want.” Umiling ako nang ilapit siya sa aking bibig ang kutsarang may lamang sopas. Niluto iyon ni Aling Nina at si Ghon ang nagsusubo sa akin. Hindi ko talaga alam kung bakit nandito siya dahil sa pagkakaalam ko ay may klase siya. Lumiban ba siya dahil sa akin? “Isa na lang, Rain.” Muli akong umiling at iniwas ang aking mukha. Pakiramdam ko ay busog na busog na ako kahit nakatatlong subo pa lang ako. Sa sobrang pagkabusog ko, pakiramdam ko masusuka na ako kapag kinain ko pa ang sinusubo niya. “Hindi pwedeng pabayaan mo ang sarili mo. Baka mapaano pa si babay. Please, isang subo na lang tapos hindi na.” Sumimangot ako na naging dahilan para mahina siyang mapatawa. Bakit ba kasi Hindi ko siya kanyang tanggihan. Nakakainis. Wala akong nagawa kundi ang ngumanga at tinaggap ang sinubo niya. Pagkatapos no'n ay hindi na talaga niya ako napilit pa dahil muntik na akong masuka. May naka-ready ng palanggana sa ilalim ng kama para kapag nagsuka ako sa doon na laman
Magbasa pa

Chapter 9

Bitbit ang mangkok na may laman na paborito sinigang ni Ghon ay nagtungo ako sa bahay nila. Sabado ngayon kaya alam kong nasa bahay lang siya. Sa sabi ni Aling Nina ay hindi iyon gumagala sa kung saan-saan dahil ayaw daw nitong nag-aaway sila ni Lore tungkol sa bagay na iyon.Hindi ko maiwasang mapailing dahil sa ginagawa ko ngayon. Magpapakatanga na naman kasi ako sa kanya. Nasa punto na ulit ako ng buhay ko na kailangan ko ulit na ipilit at ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya kahit pilit niyang tinutulak ako palayo sa kanya.At sa huli ay iiyak na naman ako dahil nasasaktan sa pinagagawa niya. Gano'n naman lagi. Sa huli ay ako ang madidihado.Pinili kong kalimutan ang ginawa ni Ghon kahapon. Dahil iyon lang ang tanging magagawa ko sa ngayon para magpatuloy sa katangahan ko. Hindi na ako aasang mag-iiba 'to. Wala naman na sigurong bago Hangga't ganito ang kalagayan ay ganito na lang ako lagi. Sana lang ay huwag niya akong bigyan ng dahilan para tumigil at sumuko. Dahil alam kong kapa
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status