Struggles of the Legal Wife

Struggles of the Legal Wife

last updateLast Updated : 2023-03-05
By:   Sashi  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
43Chapters
1.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

"If happy ever after did exist, why do married couples split apart?" The same question Andrea Bartolome had in her mind when things between her husband, Mike Villaflor, started to be wrong. Her life with her husband is almost perfect. A doctor herself married a public school teacher; both of them are professionals in different fields. Sapat ang kinikita nilang mag-asawa para bigyan ng maayos na future ang anak nila. Yet things perceived to be almost perfect need to overcome an obstacle. Nagsimulang magkaroon ng lamat ang relasyon ni Andrea kay Mike when she started to doubt her husband having an affair with another woman. Sino nga ba ang kaisa-isang kontrabida ng mga mag-asawa kung hindi mga kabit lang naman. And that is something Andrea has been struggling with. Because of her desire to protect her family, how would a legal wife make a win over the mistress?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

#The Wife's Doubt “Salamat talaga sa team mo, Doc Andeng! Kahit na sobrang taas nitong bundok na inaakyat n’yo, every month pa rin kayo na dumadalaw rito para sa check-up naming mga matatanda at mga bata rito.” “Pati na rin ang mga alaga nating aso, Cora!” saad naman ng isang matandang lalaki na gula-gulanit na ang kanyang suot na sumbrero. “Pati mga alaga naming aso at pusa rito ay nababakunahan n’yo panlaban sa mga nauusong sakit. Maraming salamat talaga, doktora, sa serbisyo n’yo sa amin. Kahit na wala kaming kahit na piso na maibabayad sa inyo.” “Bakit n’yo naman kailangang magbayad sa akin, Mang Ben… e, libreng konsulta nga po ito,” natatawang tugon ko. “Sapat na po sa akin na matanggap ang napakarami n’yong pasasalamat para sa serbisyo ng team ko sa inyo. Sobra-sobra nang kabayaran ‘yon sa amin.” Walang-halong ka-plastik-an itong ipinapakita ko, makita ko lang talaga na masasaya ang mga taong nakatira dito sa bundok ng Manoag, ayos na ako. Sa layo ba naman kasi ng kailangang...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
43 Chapters
Chapter 1
#The Wife's Doubt “Salamat talaga sa team mo, Doc Andeng! Kahit na sobrang taas nitong bundok na inaakyat n’yo, every month pa rin kayo na dumadalaw rito para sa check-up naming mga matatanda at mga bata rito.” “Pati na rin ang mga alaga nating aso, Cora!” saad naman ng isang matandang lalaki na gula-gulanit na ang kanyang suot na sumbrero. “Pati mga alaga naming aso at pusa rito ay nababakunahan n’yo panlaban sa mga nauusong sakit. Maraming salamat talaga, doktora, sa serbisyo n’yo sa amin. Kahit na wala kaming kahit na piso na maibabayad sa inyo.” “Bakit n’yo naman kailangang magbayad sa akin, Mang Ben… e, libreng konsulta nga po ito,” natatawang tugon ko. “Sapat na po sa akin na matanggap ang napakarami n’yong pasasalamat para sa serbisyo ng team ko sa inyo. Sobra-sobra nang kabayaran ‘yon sa amin.” Walang-halong ka-plastik-an itong ipinapakita ko, makita ko lang talaga na masasaya ang mga taong nakatira dito sa bundok ng Manoag, ayos na ako. Sa layo ba naman kasi ng kailangang
last updateLast Updated : 2022-08-25
Read more
Chapter 2
#Legal Wife meets the Mistress “Sure ka ba talaga na ayaw mong sumama sa akin na magpa-salon, doc? Hindi mo ba nami-miss magpa-wavy ng buhok?” si Helena, ang isa sa mga close kong friend na nakapangasawa ng CEO ang dumalaw sa akin sa clinic ngayong araw. “No offense meant, but I always noticed your hair having split ends. Mukhang need na talaga ng buhok mo ng alagang salon!” “May hair treatment naman akong ginagamit sa buhok ko, Helen. Hindi nga lang masyadong mabilis ang effect, pero hindi na rin naman ako matatagalan if kailangan kong maghintay ng two to three weeks for its effectiveness. That’s perfectly fine with me,” saad ko. Overconfident talaga ako na ipagyabang ‘yong product na ginagamit ko sa buhok ko sa kanya just to let her know hindi na ako magiging dependent na sa mga hairstylists sa salon. I don’t know if it is just me who doesn’t like letting someone touch any part of my body except myself… and of course ng asawa ko. As much as possible, gusto kong ako mismo ang mag
last updateLast Updated : 2022-09-01
Read more
Chapter 3
#Arrival of the Ex-Lover Tila ba bumilis bigla ang tibok ng puso ko sa natatanaw ko sa bintana. Sobrang sakit sa mata… at sobrang hapdi sa puso. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na sana ay nananaginip lang ako. Sana hindi totoo lahat itong nakikita ng mga mata ko. Hindi p’wedeng si Mike ang lalaking ‘yon!“Mamsh, okay ka lang ba?” rinig kong untag ni Kath sa akin. Nakaakbay na siya sa akin at tinatapik ang balikat ko, sabay layo ng katawan ko roon sa bintana. “Alam kong nahihirapan ka ngayon na i-process ang lahat. Kasi kung ako man ay nagulat sa nakita ko, alam kong doble ang balik sa iyo no’n.” Iwinilig ko ang aking ulo at lumayo kay Kath. ‘Yong luhang nanggigilid sa mga mata ko, mabilis ko ‘yong ipinahid, tiyaka ko hinarap ang kaibigan ko nang may ngiti sa labi. “Nakita ng mga mata ko na hinalikan no’ng babae si Mike. Pero sa pisngi lang naman. Baka magkaibigan lang sila. Baka naman walang meaning ‘yon, ‘di ba?” Katangahan na ang sinasabi ko. I’m aware of that. Kung pagka-ma
last updateLast Updated : 2022-09-28
Read more
Chapter 4
#Let's Divorce “Nagkita pala kayo kanina ng ex mo sa ospital?” Nang makapasok ako sa bahay at habang nagtatanggal na rin ako ng sapatos, hindi ko agad napansin na nasa mahabang upuan pala si Mike habang mag-isa siyang umiinom ng alak doon. Most of the time kasi ay mas nauuna ako sa kanya na umuwi since madalas siyang ginagabi sa school sa rami ng mga papel ng mga estudyante niyang kailangang tapusin. “Si Morgan ba?” natatawa kong tugon. Hanggang ngayon pa rin pala ay iniisip ni Mike na ex-boyfriend ko si Morgan. “Kaibigan ko nga lang ‘yong si Morgan. Tiyaka nagkataon lang din na nagkita kami kanina sa ospital since dinalaw niya ‘yong lola niya. Inatake nga raw sa puso.” “Nasa ibang bansa siya, ‘di ba?” Hindi pa rin nakikipag-eye-contact sa akin si Mike. Sa baso ng alak lang nakapako ang mga mata niya. “Babalik ba siya ulit doon? Gaano katagal naman siya magse-stay rito sa Pinas?” “Hindi ko naitanong ‘yong tungkol d’yan kanina-” “Halos isang oras kayong magkausap kanina sa cafete
last updateLast Updated : 2022-10-01
Read more
Chapter 5
#Many Mistresses “I hope you will change your mind soon, Andrea. Kasi alam mong hindi ako papayag sa paghahamon mo na makipag-divorce sa akin, I’m giving you enough time to think.” Malakas niyang ibinagsak ang baso sa lamesa, na ikinalundag ng katawan ko dala ng gulat. “At sa oras na buo na ang desisyon mo, tiyaka mo ako ulit kausapin tungkol sa bagay na ito. Kasi kung sigurado ka na talagang makikipaghiwalay ka sa akin, sunod nating paglabanan ang custody for Gian.” Umakyat na sa second floor si Mike habang ako ay naiwan sa living room na nanginginig pa rin ang katawan. I don’t know if it’s because of the weather tonight, o baka dahil nahaluan na ng nerbyos ang emosyon ko… kasi sa katunayan, hindi ko rin inaasahang darating ako sa punto na muling hahamunin ng divorce ang asawa ko. I was, perhaps, so impulsive earlier. “Abot sa kwarto ko ‘yong pagsisigawan n’yo kanina, ma…” Naupo sa tabi ko si Gian at yumakap sa baywang ko. “Clueless ako kung anong pinag-aawayan n’yo ni Papa, but h
last updateLast Updated : 2022-10-03
Read more
Chapter 6
#Fake ConcernNang makalabas kami sa elevator, agad kong hinila si Eloise papasok ng clinic ko. Though hindi naman talaga siya sa akin pupunta, but I really need to do this… to at least stop her for doing her plan recklessly. “Pag-isipan mo naman sana nang mabuti ‘yang gagawin mo. Tandaan mong nasa loob pa man ng sinapupunan mo ang bata, mayroon pa rin ‘yang buhay, Eloise. What you are attempting to do is killing the baby inside your womb. Gusto mo bang magkasala ka? Malaking kasalanan sa Diyos ang gagawin mo,” mariing sambit ko. Bumitiw si Eloise sa pagkakatitig sa akin at sa available na upuan sa harap ng table ko, naupo siya roon. Nangalumbaba at itinakip ang dalawa niyang mga kamay sa kanyang mukha. “What else is left for me to do? Instead of aborting the baby?” “Maraming paraan-”“E, wala nga akong makitang paraan, Doc.” Humarap siya sa akin, tiningala niya ako dahil na rin ako ay nananatili pa ring nakatayo sa harap niya. “I don’t know. Wala nang mas convenient na paraan na
last updateLast Updated : 2022-10-05
Read more
Chapter 7
#Misleading Information“Sa birthday ko, ma… sana lumabas ulit tayo,” sambit ni Gian nang bigla siyang tumigil sa pagkain. “Tapos sana ‘pag dumating na ‘yong araw na ‘yon, kasama na natin si Papa na kakain sa labas.”Bumagal bigla ang pagnguya ko sa pagkain at dahan-dahan na nilunok. Hindi talaga maiiwasan kay Gian na hanapin niya palagi ang papa niya sa tuwing hindi naman ito nakakasama. Paano ba naman kasi ay nasanay ‘yong bata na both of his parents ay kasama niya gumala, kasama niya kami sa mahahalagang okasyon na magaganap sa buhay niya kagaya ng birthday ni Gian, graduation niya no’ng elem siya, recognition days, etc. Kaya naiintindihan ko kung naninibago man ang anak ko ngayon. Dumadalas na rin kasi ang pagpapalusot ni Mike na marami lang daw siyang inaasikaso ngayon sa school kaya hindi siya nakasama sa amin ni Gian na kumain. Samantalang noon naman ay kaya niyang ipagpabukas ang mga paperworks na nakatambak sa kanya basta’t makasama niya lang kami. “Imbes na mag-party, gust
last updateLast Updated : 2022-10-06
Read more
Chapter 8
#Too Many LiesHanggang sa makarating ako sa clinic ko kinaumagahan ay nag-o-overthink pa rin ako. Nakuha ko naman na kay Mike ‘yong sagot na gusto kong masagot sa paulit-ulit kong tanong sa kanya. Ngayon na nalaman ko na hindi naman pala romantically connected si Mike kay Eloise, dapat nga ay nakakahinga na ako nang maluwag kasi alam kong magiging out na ang asawa ko sa mga choices kung sino ang ama ng baby na dinadala ni Eloise.But here I am… nag-o-overthink pa rin ako. Hindi ako convinced, e. May part pa rin sa akin na hindi sapat ang mga nalaman ko para bumigay na lang kaagad at basta na lang maniwala sa mga sinabi ni Mike sa akin kagabi. Dahil una sa lahat… nabanggit ni Eloise sa akin na pamilyado raw ang ama ng baby na dinadala niya. Pero si Carlo… wala pang asawa ‘yon, e. Hindi pa ‘yon kasal.“Doc, narinig mo po ba ‘yong sinabi ko?”Nabalik ako sa ulirat nang may magsalitang muli sa harap ko. Nabasag ang kaninang matibay kong pag-o-overthink nang may mag-ina palang nasa harap
last updateLast Updated : 2022-10-07
Read more
Chapter 9
#Lies Every Where“Hindi ko alam mga pinagsasasabi mo, Doc Bernard. Kasi sa pagkakaalam ko, kanina pang madaling-araw umalis ng bahay ang asawa ko para lumipad patungong Cebu. So, kung anuman ‘yang mga sinasabi mo sa akin… itikom mo na lang ang bibig mo kung may balak ka man na sirain ang pamilya ko,” mariing sambit ko kay Bernard. Para naman hindi makahalata ang mga taong nagdaraan sa paligid namin, nakangiti kami ni Bernard sa isa’t isa at pilit na ipinapakita na lamang sa mga tao na nagkukumustahan lang kaming dalawa, ngunit ang katotohanan naman talaga ay may namumuo nang tensyon sa pagitan namin. “I’m not forcing you to believe me, Doc Andrea. I’m just spitting facts here. ‘Yong mga nakita ng mga mata ko kanina bago ako dumiretsyo rito, ‘yon ang kahulugan ng mga sinasabi ko.” Ngumisi siya sa akin at tinaasan ako ng kilay; talaga ba namang inaasar talaga ako ng hipokrito. “Bahala ka na kung maniniwala ka sa akin o hindi.”Nilagpasan ako ni Bernard at nag-effort pa talaga siya na
last updateLast Updated : 2022-10-08
Read more
Chapter 10
#Baptismal Ceremony“Ano bang sinasabi no’n kanina ni Doc Bernard? What is he talking about your husband-”“Hindi mo na lang sana pinagpapapansin ang sinasabi ng hibang na ‘yon. ‘Wag mo na lang siya pakinggan, Morgan.”Matapos kong piliin na hindi na lang pansinin pa ang mga sinasabi ni Bernard at lampasan na lang siya sa tangkang pambubwisit na naman sa akin, hanggang sa makarating sa room ng lola niya si Morgan ay sinamahan ko siya. Gusto kong iiwas na muna sa gulo ang sarili ko kasi once na malaman ni Morgan na nambababae ang asawa ko, alam kong hindi siya magdadalawang-isip na gumawa ng eskandalo sa lobby.“Pumasok ka na sa loob. Malamang hinihintay ka na ng lola mo,” ngiti kong sambit kay Morgan. “Hindi mo na kailangan pang mag-overthink sa narinig mo kay Bernard kanina. Hindi naman totoo ‘yon.”Batid ko kasi sa mga binibitiwan na tingin sa akin ni Morgan ay may bahid ito ng pag-aalala, kaya naman para mabawasan na ang pag-aalala niya para sa akin… kinailangan kong magsinungaling
last updateLast Updated : 2022-10-10
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status