10 years ago... I’m not really a fan of using idiomatic expressions to describe what I feel. I simply state the feeling. Kung masaya ako, I simply say I’m happy. Kung malungkot ako, edi malungkot. Kung natatakot ako, I simply zip my mouth, and that’s all. Not until I arrived at my happiest destination… so far. I learned to put a description towards my feelings. While I walked down the aisle, pakiramdam ko lumulutang ako sa alapaap. Am I walking in seventh heaven? I don’t… really know. All I’m aware is a minute from now, magiging misis na ako ng lalaking kinakikiligan ko lang noon na kausap ko sa internet. “I, Adrian Minatozaki, am accepting Maui Tenorio as my bride.” Habang isinusuot sa akin ni Adrian ‘yong singsing, nanginginig pa ‘yong kamay ko. “At sa harap ng Poong Maykapal, nangangako akong aalagaan kita at poprotektahan.” “To the best of my ability, I will work hard to make you the happiest wife on Earth. Hindi ako magsasawang mahalin ka. Hindi ako mapapagod na intindihin k
#The Wife's Doubt “Salamat talaga sa team mo, Doc Andeng! Kahit na sobrang taas nitong bundok na inaakyat n’yo, every month pa rin kayo na dumadalaw rito para sa check-up naming mga matatanda at mga bata rito.” “Pati na rin ang mga alaga nating aso, Cora!” saad naman ng isang matandang lalaki na gula-gulanit na ang kanyang suot na sumbrero. “Pati mga alaga naming aso at pusa rito ay nababakunahan n’yo panlaban sa mga nauusong sakit. Maraming salamat talaga, doktora, sa serbisyo n’yo sa amin. Kahit na wala kaming kahit na piso na maibabayad sa inyo.” “Bakit n’yo naman kailangang magbayad sa akin, Mang Ben… e, libreng konsulta nga po ito,” natatawang tugon ko. “Sapat na po sa akin na matanggap ang napakarami n’yong pasasalamat para sa serbisyo ng team ko sa inyo. Sobra-sobra nang kabayaran ‘yon sa amin.” Walang-halong ka-plastik-an itong ipinapakita ko, makita ko lang talaga na masasaya ang mga taong nakatira dito sa bundok ng Manoag, ayos na ako. Sa layo ba naman kasi ng kailangang
#Legal Wife meets the Mistress “Sure ka ba talaga na ayaw mong sumama sa akin na magpa-salon, doc? Hindi mo ba nami-miss magpa-wavy ng buhok?” si Helena, ang isa sa mga close kong friend na nakapangasawa ng CEO ang dumalaw sa akin sa clinic ngayong araw. “No offense meant, but I always noticed your hair having split ends. Mukhang need na talaga ng buhok mo ng alagang salon!” “May hair treatment naman akong ginagamit sa buhok ko, Helen. Hindi nga lang masyadong mabilis ang effect, pero hindi na rin naman ako matatagalan if kailangan kong maghintay ng two to three weeks for its effectiveness. That’s perfectly fine with me,” saad ko. Overconfident talaga ako na ipagyabang ‘yong product na ginagamit ko sa buhok ko sa kanya just to let her know hindi na ako magiging dependent na sa mga hairstylists sa salon. I don’t know if it is just me who doesn’t like letting someone touch any part of my body except myself… and of course ng asawa ko. As much as possible, gusto kong ako mismo ang mag
#Arrival of the Ex-Lover Tila ba bumilis bigla ang tibok ng puso ko sa natatanaw ko sa bintana. Sobrang sakit sa mata… at sobrang hapdi sa puso. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na sana ay nananaginip lang ako. Sana hindi totoo lahat itong nakikita ng mga mata ko. Hindi p’wedeng si Mike ang lalaking ‘yon!“Mamsh, okay ka lang ba?” rinig kong untag ni Kath sa akin. Nakaakbay na siya sa akin at tinatapik ang balikat ko, sabay layo ng katawan ko roon sa bintana. “Alam kong nahihirapan ka ngayon na i-process ang lahat. Kasi kung ako man ay nagulat sa nakita ko, alam kong doble ang balik sa iyo no’n.” Iwinilig ko ang aking ulo at lumayo kay Kath. ‘Yong luhang nanggigilid sa mga mata ko, mabilis ko ‘yong ipinahid, tiyaka ko hinarap ang kaibigan ko nang may ngiti sa labi. “Nakita ng mga mata ko na hinalikan no’ng babae si Mike. Pero sa pisngi lang naman. Baka magkaibigan lang sila. Baka naman walang meaning ‘yon, ‘di ba?” Katangahan na ang sinasabi ko. I’m aware of that. Kung pagka-ma
#Let's Divorce “Nagkita pala kayo kanina ng ex mo sa ospital?” Nang makapasok ako sa bahay at habang nagtatanggal na rin ako ng sapatos, hindi ko agad napansin na nasa mahabang upuan pala si Mike habang mag-isa siyang umiinom ng alak doon. Most of the time kasi ay mas nauuna ako sa kanya na umuwi since madalas siyang ginagabi sa school sa rami ng mga papel ng mga estudyante niyang kailangang tapusin. “Si Morgan ba?” natatawa kong tugon. Hanggang ngayon pa rin pala ay iniisip ni Mike na ex-boyfriend ko si Morgan. “Kaibigan ko nga lang ‘yong si Morgan. Tiyaka nagkataon lang din na nagkita kami kanina sa ospital since dinalaw niya ‘yong lola niya. Inatake nga raw sa puso.” “Nasa ibang bansa siya, ‘di ba?” Hindi pa rin nakikipag-eye-contact sa akin si Mike. Sa baso ng alak lang nakapako ang mga mata niya. “Babalik ba siya ulit doon? Gaano katagal naman siya magse-stay rito sa Pinas?” “Hindi ko naitanong ‘yong tungkol d’yan kanina-” “Halos isang oras kayong magkausap kanina sa cafete
#Many Mistresses “I hope you will change your mind soon, Andrea. Kasi alam mong hindi ako papayag sa paghahamon mo na makipag-divorce sa akin, I’m giving you enough time to think.” Malakas niyang ibinagsak ang baso sa lamesa, na ikinalundag ng katawan ko dala ng gulat. “At sa oras na buo na ang desisyon mo, tiyaka mo ako ulit kausapin tungkol sa bagay na ito. Kasi kung sigurado ka na talagang makikipaghiwalay ka sa akin, sunod nating paglabanan ang custody for Gian.” Umakyat na sa second floor si Mike habang ako ay naiwan sa living room na nanginginig pa rin ang katawan. I don’t know if it’s because of the weather tonight, o baka dahil nahaluan na ng nerbyos ang emosyon ko… kasi sa katunayan, hindi ko rin inaasahang darating ako sa punto na muling hahamunin ng divorce ang asawa ko. I was, perhaps, so impulsive earlier. “Abot sa kwarto ko ‘yong pagsisigawan n’yo kanina, ma…” Naupo sa tabi ko si Gian at yumakap sa baywang ko. “Clueless ako kung anong pinag-aawayan n’yo ni Papa, but h
#Fake ConcernNang makalabas kami sa elevator, agad kong hinila si Eloise papasok ng clinic ko. Though hindi naman talaga siya sa akin pupunta, but I really need to do this… to at least stop her for doing her plan recklessly. “Pag-isipan mo naman sana nang mabuti ‘yang gagawin mo. Tandaan mong nasa loob pa man ng sinapupunan mo ang bata, mayroon pa rin ‘yang buhay, Eloise. What you are attempting to do is killing the baby inside your womb. Gusto mo bang magkasala ka? Malaking kasalanan sa Diyos ang gagawin mo,” mariing sambit ko. Bumitiw si Eloise sa pagkakatitig sa akin at sa available na upuan sa harap ng table ko, naupo siya roon. Nangalumbaba at itinakip ang dalawa niyang mga kamay sa kanyang mukha. “What else is left for me to do? Instead of aborting the baby?” “Maraming paraan-”“E, wala nga akong makitang paraan, Doc.” Humarap siya sa akin, tiningala niya ako dahil na rin ako ay nananatili pa ring nakatayo sa harap niya. “I don’t know. Wala nang mas convenient na paraan na
#Misleading Information“Sa birthday ko, ma… sana lumabas ulit tayo,” sambit ni Gian nang bigla siyang tumigil sa pagkain. “Tapos sana ‘pag dumating na ‘yong araw na ‘yon, kasama na natin si Papa na kakain sa labas.”Bumagal bigla ang pagnguya ko sa pagkain at dahan-dahan na nilunok. Hindi talaga maiiwasan kay Gian na hanapin niya palagi ang papa niya sa tuwing hindi naman ito nakakasama. Paano ba naman kasi ay nasanay ‘yong bata na both of his parents ay kasama niya gumala, kasama niya kami sa mahahalagang okasyon na magaganap sa buhay niya kagaya ng birthday ni Gian, graduation niya no’ng elem siya, recognition days, etc. Kaya naiintindihan ko kung naninibago man ang anak ko ngayon. Dumadalas na rin kasi ang pagpapalusot ni Mike na marami lang daw siyang inaasikaso ngayon sa school kaya hindi siya nakasama sa amin ni Gian na kumain. Samantalang noon naman ay kaya niyang ipagpabukas ang mga paperworks na nakatambak sa kanya basta’t makasama niya lang kami. “Imbes na mag-party, gust
10 years ago... I’m not really a fan of using idiomatic expressions to describe what I feel. I simply state the feeling. Kung masaya ako, I simply say I’m happy. Kung malungkot ako, edi malungkot. Kung natatakot ako, I simply zip my mouth, and that’s all. Not until I arrived at my happiest destination… so far. I learned to put a description towards my feelings. While I walked down the aisle, pakiramdam ko lumulutang ako sa alapaap. Am I walking in seventh heaven? I don’t… really know. All I’m aware is a minute from now, magiging misis na ako ng lalaking kinakikiligan ko lang noon na kausap ko sa internet. “I, Adrian Minatozaki, am accepting Maui Tenorio as my bride.” Habang isinusuot sa akin ni Adrian ‘yong singsing, nanginginig pa ‘yong kamay ko. “At sa harap ng Poong Maykapal, nangangako akong aalagaan kita at poprotektahan.” “To the best of my ability, I will work hard to make you the happiest wife on Earth. Hindi ako magsasawang mahalin ka. Hindi ako mapapagod na intindihin k
In this battle, the man I love is my opponent.Malinaw namang naipaliwanag ni Miss Claire sa akin ang plano niya. To defeat Chelsea's fear, kailangan kong makahanap ng butas kay Adrian... or Arian?And the funny thing here is that... the plan is... I have to gain his trust. Kailangan kong mapaniwala si Adrian na kakampi niya ako—which is why I have to use 'yong pagmamahal na mayroon ako para sa kanya to make him believe I'm not his enemy.Pero hindi ba ako nagiging unfair? Kay Adrian at sa sarili ko?Nakakatakot na ang maging labas nito... isipin ni Adrian na hindi ko talaga siya mahal. Na niloloko ko lang siya, and in the end... iwan na naman ako ng lalaking mahal ko."Mag-smile ka naman, Maui. That gown fit you perfectly, kulang ka lang sa smile." Hinawakan ni Adrian ang magkabila kong pisngi at binatak ang labi ko na ngumiti. "Ugh... I want to see your genuine smile again."Hindi ako sanay na parang nagiging masyadong sweet naman si Adrian sa akin. Although sweet naman siya sa akin
Hindi pa man ako nakakabawi sa gulat na ibinigay sa akin nang malaman na si Adrian at Arian Caidic ay iisa, bigla akong nakatanggap ng tawag kanina mula kay Yaya Manang. Pinapupunta niya ako kaagad sa ospital dahil isinugod raw nila si Chelsea.Sa ngayon ay hindi ko pa alam ang dahilan kung bakit biglang isinugod 'yong batang 'yon.Nasa taxi ako habang hindi mapakali sa upuan, my phone vibrated again. I received a text message from Adrian this time.I've been calling you many times pero hindi ka sumasagot. Where are you? Saan kita p'wedeng sunduin?Hindi ko muna inabala ang sarili ko na reply-an siya. I just can't sacrifice my duty as a nurse just to be with him for the second time. Bukod sa ayaw kong matanggal sa trabaho o mawalan ng lisensya, hindi rin kakayanin ng konsensya ko kung dahil sa kapabayaan ko kay Chelsea, mapunta sa peligro ang buhay niya.Babe, please answer me. We're gonna go and meet our wedding planner for today. Gusto rin niyang malaman kung anong taste mo sa weddi
"Bakit pala kailangang may mga... uhh..."Nag-aalangan akong napapalingon sa paligid. On both sides, napapaligiran kami ni Adrian ng mga camera."Mga reporters ba 'yan? Bakit nila tayo kailangang kuhanan?""For vlogging, actually.""Vlog? So, scripted ba 'yong proposal mo sa akin-""Of course not."Nakarating na kami sa harap ng kotse niya, but Adrian wanted to see my face, and then brushed my hair."Vlogging, for me, means saving memories. If I wasn't able to go back to the past para mabalikan 'yong masasayang alaala na naiwan sa nakaraan, I find vlogging suits the best way para mabalikan ko ang mga 'yon nang hindi nahihirapan."Mukhang hanggang isang linggo ang itatagal ng ngiti ko, ah?Masyado nang malaki ang effort na ginagawa ni Adrian para sa akin, that I could no longer measure the amount it has been. Sobra niya na akong na-spoiled. Sobra niya na akong napasaya. And he gave me all the reasons para hindi ko pagsisihan na iniasa ko ang love life ko sa isang dating app—because wit
Winakasan ko na 'yong conversation ko with her since nakatanggap ako agad ng text message kay Adrian na kitain ko siya sa labas ng mall.By the way, located kasi 'yong salon sa loob ng mall.However, nanatiling nakatatak sa isip ko ang mga sinabi sa akin kanina no'ng babae.It's funny that I didn't even bother asking her name. Nawala rin kasi sa isip ko, but I'm very much thankful sa mga sinabi niya sa akin.Somehow... It helps my mind be open towards necessary things na kailangan kong malaman.Tulad ng huli niyang habilin sa akin kanina, kung hindi kayang tanggapin ni Adrian na may anak ako, wala na ring saysay na ipagsiksikan ko ang sarili ko sa kanya. Kung hindi niya kayang tanggapin ang anak ko, ibig sabihin hindi niya rin ako kayang tanggapin.Gian served my blood pumping to give me life... and without him, I'll die."You're so stunning today, my love." Sinalubong ako ni Adrian as he slouched down and ask for my hand. He kissed it afterwards. "Handa ka na bang samahan ako sa para
Hindi ko p'wedeng tingnan bilang si Adrian ang nagbayad sa tuition fee ng anak ko; una sa lahat, hindi niya pa alam na mayroon akong anak.Until now, hindi pa ako nakakabwelo na ipakilala ang sarili ko kay Adrian. Baka kasi ma-turn-off siya sa akin bigla once na malaman niyang... may anak na ako."O-Oh? Adrian?" Ikinagulat ko nang paglabas sa gate ng school ni Gian, nakaabang sa labas si Adrian at nakasandal sa kanyang puting Toyota Vios."Uh... I mean... paano mo nalaman na nandito ako?""When we're on a date last time, did you remember I borrowed your phone?"Kunot ang noo ko nang inaalala ang araw na 'yon... as I remember na no'ng nasa burger chain kami, ang awkward lang na biglang nanghiram si Adrian sa akin ng phone."Phone ko?" pag-uulit ko sa tanong niya,As his response, Adrian nodded his head. "Ise-save ko lang 'yong phone number ko sa contacts mo. Later this evening, magte-text ako sa iyo so, please save my number as well."Wala namang malisya sa akin ang reason niya, so I h
"Para magkaroon ako ng utang na loob sa iyo?"Hawak ang large size ng halo-halo na in-order namin sa labas ng Chowking, bigla tuloy akong nakonsensya na lantakan na 'yon para naman ma-refresh ako."Sa akin, hindi ubra 'yong gan'yan, Adrian.""Why not?""Una sa lahat, ayokong isipin mo na nakikipag-date ako sa iyo para lang malibre. Hindi obligasyon ng lalaki na siya palagi ang gagastos 'pag ide-date nila 'yong babaeng mahal nila. Hindi roon nasusukat 'yong amount ng love na mayroon siya para sa babae."Nagbitiw ako ng pilit na ngiti. "Sa isang relasyon, mayroong dalawang taong involve... so, bakit kailangang isa lang sa kanila ang kailangang gumastos? Or in most cases, bakit lalaki lang ang dapat gumastos ng pera?""Whereas to define a man being a gentleman doesn't mean paying the bills they spent during their date. Edi naging exempted rito 'yong mga lalaking mapera? Kasi iisipin nila na gentleman sila kasi ginagastusan nila 'yong babaeng mahal nila "kunno", so they're becoming brave
Mas lalong lumaglag ang panga ko nang yakapin ako ni Adrian nang hindi man lang nagpapaalam sa akin! Dahil sa ginawa niya, talaga namang nabigla ang puso ko; at dahil hindi ko inaasahang yayakapin niya ako nang mahigpit, bumilis lalo ang tibok ng puso ko-"Hep!" Naramdaman kong may humigit sa braso ko papalayo sa katawan ni Adrian; and it's no other than Kris. "Mali 'yang ginagawa mo, Mister! You just can't hug someone without their permission. Hindi mo ba alam ang tungkol doon, huh?!""Kris, ano bang pinagsasasabi mo-""According to Lucy Kenyon from her article published in the year 2019, sinabi niya roon na p'wedeng ma-count ang hugging as conduct of a sexual nature. Kahit pa 'yong intensyon mo, Mister..."Tinuunan niya ng atensyon si Adrian. "Is to greet Maui or console her, it still can perceive as sexual approach and could cause her being intimidated, degrading, hostile or giving her an uncomfortable environment for Maui to move in."Para akong naging pipe sa mga pinagsasasabi ni
Naantig naman ang damdamin ko dahil sa sinabi ni Chelsea. Una sa lahat, bago pa lang ako sa trabaho ko pero hindi ko inaasahan na magiging magaan na kaagad ang loob niya sa akin.It's really funny that this is actually the first time I was handling a child as my patient, and all this time akala ko mahihirapan ako kasi baka makulit, matigas ang ulo o spoiled-brat ang kailangan kong alagaan, but God has given me even wiser child than I'll ever be."Mag-ice cream na lang tayo. Habang daan natin kainin. G ka ba?"Nang makalabas na kami ng grocery store, papalabas ng mall ay mayroon kaming nakitang ice cream store malapit sa parking lot.There are a lot of flavors to choose from. Iba-iba rin 'yong variant ng chocolate kaya naman takam na takam na akong tikman."And now, let's try what we had practiced earlier."Nanumbalik ang takot at pagkabalisa sa mukha niya, marahil sa sinabi ko sa kanya. After a second had passed, she gently wiggled her head.Habang nakasabit sa braso ko ang ilan sa mg