Lumaki si Angela mula sa bahay ampunan dahil sanggol pa lamang siya nang iwan siya ng kanyang mga magulang. Simula nang magkaisip siya ay si Donya Cynthia na ang nagbibigay ng lahat ng pangangailangan pati na rin ang nagpaaral sa kanya hangang kolehiyo. Ngunit nang maka-graduate siya sa kursong business administration ay tuluyan na siyang inampon ni Donya Cynthia. Upang ipakasal sa nag-iisa nitong apo na si Rafael Valdez. Matangap kaya ng binata si Angela upang maging asawa? Paano kung bumalik ang kasintahan ni Rafael na dalawang taon nang nang-iwan sa kanya ng walang dahilan? Kaya bang panindigan ni Rafael ang sapilitang kasal?
Lihat lebih banyakAngela's POV
Nakatayo ako sa gilid ako ng man made river na sakop ng Eden home orphanage. Upang isipin ang pinag-usapan namin ni Lola Cynthia. Actually hindi ko talaga siya totoong lola. Lumaki ako sa bahay ampunan dahil iniwan ako ng tunay kong mga magulang sa harapan ng Eden Home Orphanage.
Si Lola Cynthia ang naging sponsor ko simula pagkabata hangang ngayon na nasa huling taon na ako sa kolehiyo. Sa edad kong bente uno ni minsan walang nagtangka na umampon sa akin. Wala rin akong nakikitang pumupunta sa bahay ampunan para mamili ng batang a-ampunin. Basta ko na lang nalalaman na may kumukuha na sa mga batang kasama ko sa ampunan na magulang para ampunin.
Kung tutuusin pwede na akong umalis dito para mamuhay ng mag-isa, dahil bukod sa nasa tamang edad na naman ako. Kaya ko namang maghanap ng trabaho habang nag-aaral. Ngunit hindi pumayag si Mother Evette at si Sister Sandy sila lang naman ang pangunahing nangangalaga sa mga bata sa bahay ampunan. Pareho silang madre kaya napakabuti nila sa amin.
Magaan din ang buhay namin dito dahil hindi lang ako sinusuportahan ni Lola Cynthia. Pati na rin ang buong ampunan. Napakabuti ng puso niya kahit hindi ko siya lubusang kilala sa tuwing nandito siya ay nakikita ko ang pagka-giliw niya sa mga batang naririto. Lalo na pagdating sa akin, lagi niya kasi akong sinasama sa mall para bumili ng mga gamit ko. Kahit hindi ko naman kailangan binibili niya kagaya na lamang ng mga lotion pabango at mga pampaganda. Sabi ni Lola Cynthia kailangan daw maging maalaga ang babae sa sarili dahil isa daw sila sa pinaka-magandang nilikha ng Diyos sa mundo. Kaya siguro kahit nasa singkwenta na si Lola ay napakaganda parin nito. At suportado niya ang lahat ng kailangan ko. Nanghinayang naman ako na hindi gamitin dahil mamahalin ang mga yun. At nakikita ko talaga ang pagbabago ng kutis ko. Sa totoo lang hindi ko naman kailangan ng ganon dahil hindi naman ako kapangitan. May nagsabi na nga sa akin na habang tumatagal daw lalo akong gumaganda sa paningin niya.
Si Mathew, kaklase at malapit kong kaibigan since high school. Pareho kasi kami ng kinuhang kurso kaya hangang kolehiyo ay magkasama pa rin kami. Mabait siya at maalaga, kahit di niya sinasabi ng harapan alam ko may gusto siya sa akin dahil sa pinapakita niya kapag magkasama kami. Hindi ko nga nakitang nanligaw yun sa ibang babae at napakalambing din niya sa akin. Masyado din siyang over protective, kahit magkaibigan lang kami ayaw niya na may nanliligaw sa akin na iba. Kaya hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na umalis na ako ng ampunan at ikakasal na ako sa apo ni Lola Cynthia. Siguro, pag okay na ang lahat sasabihin ko din sa kanya. Alam ko masasaktan ko siya pero kung ito talaga ang kapalaran ko wala na akong magagawa. Nahihiya akong tumanggi kay Lola Cynthia.
Pakiramdam ko tuloy binibisan niya ako mula ulo hangang paa at pinag-aral sa private school para ihanda sa oras na ito. Gustuhin ko mang tumutol sa kanya, hindi ko kaya. Napakabuti niya, hindi niya pinaramdam sa akin na isa akong ulila. Malaki ang utang na loob ko sa kanya pati na rin naming lahat sa bahay ampunan kaya sino ba naman ako para tumutol sa kagustuhan niyang ampunin ako at maging asawa ng apo niya na hindi ko pa nakikita. Sa dinami-dami ng babae sa mundo bakit ako pa? Wala naman akong maipag-mamalaki sa kanila dahil wala naman ako kahit singkong duling sa bulsa. Kung meron man akong pera galing pa rin yun kay Lola Cynthia.
Napabuntong hininga na lamang ako habang yakap ko ang aking sarili.
“Angela! Andyan ka pa la eh! Kanina ka pa hinahanap ni Mrs. Valdez at ni Mother Evette. Nakahanda na ba ang mga gamit mo? Tapos na pirmahan ni Mrs. Valdez ang adaption paper mo, at ngayon ka na niya i-uuwi.” Naiiyak na wika ni Sister Sandy. Naging malapit kami sa isa’t-isa dahil siya ang naging takbuhan ko kapag hindi ko na kaya. Para ko na rin siyang kapatid dahil limang taon lang ang tanda niya sa akin. Kaya nalulungkot din ako dahil mahihiwalay na ako sa kanila.
“Oo, nakahanda na Sister Sandy.” Malungkot na sagot ko sa kanya. Ayoko mang umalis wala na akong magagawa. Dahil tuluyan na akong inampon ni Lola Cynthia.
“Wag kang mag-alala, dadalaw ako dito. Hindi ko kayo kakalimutan.” Paos na boses na sambit ko sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinayaan ko ng maglandas ang luha ko sa pisngi dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.
“Tara na? Malayo pa ang magiging byahe niyo, pabalik ng Maynila.” Paalala niya sa akin. Tango lang ang tugon ko sa kanya.
Hinila na niya ako papasok sa Eden home upang ilabas ang aking mga gamit. Tinulungan ako ni Sister Sandy bitbit ang dalawa kong bag. Yung ibang damit ko ay iniwan ko na sa kanila dahil marami na akong bitbit.
“Angela, apo kailangan na nating umalis baka abutin tayo ng dilim.” Bungad sa akin ni Lola Cynthia. Sinulyapan ko muna sila Mother Evette at Sister Sandy habang inilalagay ng driver ang mga gamit ko sa compartment ng mamahaling sasakyan.
Sa sobrang lungkot ko na tuluyan na akong mapapahiwalay sa kanila ay tinakbo ko sila at niyakap ng mahigpit.
“Mother Evette, simula pagkabata. Ikaw na ang tumayong magulang ko. Hindi ko pa nasasabi ito. Ngunit mahal na mahal ko po kayo. Ingatan niyo po ang sarili niyo.” Umiiyak na habilin ko sa kanya. Hinagod niya ang likuran ko. Lalo kong sinubsob ang mukha ko sa balikat niya.
“Lahat kayo mahalaga sa akin Angela. Kaya masakit sa akin kapag may napapa-hiwalay isa man sa inyo. Lagi mong tatandaan, pwede kang bumalik dito. Kahit kailan mo gusto mag-iingat ka ha? Wag mong kalimutan ang mabuting asal na natutunan mo dito sa bahay ampunan. Alam ko mapapabuti ka kay Mrs. Valdez.” Umiiyak na tugon niya sa akin. “Opo, Mother Evette.” Humihikbing sagot ko. Pagkatapos ay si Sister Sandy naman ang niyakap ko dahil umiiyak na rin siya.
“Thank you, ikaw na bahala kay Mother Evette.” Usal ko.
“Sige na umalis ka na, inaantay ka na ni Mrs. Valdez.” Paalala niya sa akin. Nilingon ko si Lola at naluluha na rin habang nakatingin sa amin.
Nagpaalam na siya sa mga nag-alaga sa akin. Pagkatapos kong kumaway sa kanila ay sumakay na ako sa kotse kasama si Lola Cynthia. Hindi ko alam kung ano ang magiging buhay ko sa labas ng Eden Home. Ngunit kailangan kong magpakatatag para sa aking sarili. Malayo ang naging byahe namin kaya hindi ko maiwasan na makatulog. Naramdaman ko na lang ang marahan na pagtapik sa akin ni Lola Cynthia.
“Apo, andito na tayo.” Wika niya. Napaangat ako ng tingin at inayos ko ang aking sarili. Madilim na pala ang paligid. Mahaba na rin ata ang naitulog ko. Bumaba ang driver at pinagbuksan ng pinto si Lola. Hindi ko na inantay na pagbuksan din niya ako dahil kusa na akong bumaba. Nagulat na lamang ako nang tumambad sa akin ang malaking bahay. Double ang laki nito sa bahay ampunan.
“Halika na pumasok na tayo, si Pedring na lang ang maghahatid ng mga bagahe mo sa loob at ipapaayos ko na din sa kasambahay natin.” Paliwanag ni Lola.
“Sige po Lola.”
Nakasunod lamang ako sa kanya. Bukod sa malaking gate na pinasukan ng kotse ay malawak din ang harapan ng mala-palasyong bahay. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking bahay ay hindi ako makapaniwalang dito na ako titira. Bigla ko tuloy naalala kung bakit ako naririto. Para maging asawa ng kanyang apo. Ni hindi ko man lang alam ang kanyang pangalan o itsura basta sinabi lang niya sa akin na sampung taon ang pagitan ng edad naming dalawa. Kung gaano kaganda ang labas ng bahay ay mas maganda naman sa loob. “Magandang gabi po senyora, magandang gabi po senyorita.” Sabay na bati ng mga kasambahay na sumalubong sa amin. Nahihiya akong yumuko, naiilang kasi ako sa paraan ng pagtrato nila sa akin.
“Kayo na ang bahala sa mga gamit ni Angela. Dalhin niyo na lang sa kwarto niya.” Utos ni Lola. Nagpulasan ang mga kasambahay na parang alam na agad nila ang gagawin at ang pagdating ko.
“Halika apo, tumuloy na tayo sa kusina. Alam kong nagugutom ka na.”
Nagpalinga-linga akong nakasunod sa kanya. Umaasang makikita ko ang sinasabi ni Lola na apo niya. Pero wla akong makita na kahit isang lalaki. Napansin ata ni Lola ang ginagawa kong paghahanap.
“Wala pa si Rafael, baka mamaya pa yung gabi. Subsob kasi yun sa trabaho. Paminsan-minsan naman ay galing sa mga barkada niya. Pero dito naman yun umuuwi magkikita din kayo.” Saad niya sa akin. Pakiramdam ko ay nag-init ang aking pisngi dahil sa sinabi ni Lola. Gusto ko lang siyang makita dahil hindi ko alam kung magugustuhan niya ba ako. Mukha kasi akong manang sa suot ko tapos napaka-simple ko pa mag-ayos.
Malaking dining table ang tumambad sa amin. Bukod sa lahat ay my touch ng gold ang disenyo. Mukhang kahit kutsara pwedeng isanla. Hindi ko akalain na ganito kayaman si Lola Cynthia. Kaya ayaw pa rin mag sink-in sa utak ko na dito na talaga ako titira. Para kasi akong nasa royal house.
“Kumain na tayo Apo, bago lumamig ang pagkain.”
“Opo Lola.” Nahihiyang sagot ko. Kumunot ang noo ko dahil sa dami ng plato sulyaw at mangkok sa harapan ko. Marami ding klaseng kutsara iba-iba ang hugis nito may maliit may malaki may katamtaman at lahat kakulay ng ginto.
“Bakit? Hindi mo ba gusto ang pagkain?” Mahinahon niyang tanong. Napansin niya atang tinititigan ko ang mga gamit na nakalagay sa harapan ko.
“Hindi naman po Lola. Hindi ko po kasi alam ang gagamitin ko sa mga ito.” Inosenteng sagot ko na ikinatawa niya. Nakaramdam ako ng hiya dahil hindi talaga ako nababagay sa lugar na ito.
“Apo, hahayaan muna kitang gumamit ng nakasanayan mo pero kailangan mo matuto ng table etiquette. Palaging pumupunta si Rafael sa mga special events dapat lang alam mo kung paano mo dadalhin ang sarili mo. Wag kang mag-alala dahil may nakausap na ako para makatulong sayo.” Nakangiting wika niya sa akin. Sinuklian ko na lang din ng ngiti dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko, naninibago ako sa lahat.
Pagkatapos kunin ang sobrang pingan at kubyertos sa harapan ko ay problema ko na naman kung nasan ang kanin dahil puro ulam ang nasa harapan namin.
“Yung kanin po?” Magalang na tanong ko sa kasambahay na nasa tabi ko. Siya kasi ang nag-aasikaso ng mga kailangan ko. Nahihiya naman ako kumilos mag-isa dahil kakatungtong ko pa lang sa bahay na ito.
“Kanin po Senyorita?” Ulit niya sa tanong ko.
“Angela na lang po itawag niyo sa akin, wala po ba kayong kanin?” Nakangiting tanong ko sa kanya.
“Ah, eh—“
“Hindi kami kumakain ng kanin dito apo. Masama rin sa kalusugan ko yun. Kaya nakasanayan na rin namin. Pero kung gusto mo ipagsasaing ka na lamang nila kaya lang kailangan mong magbawas ng kanin dahil baka tumaba ka dito.” Putol ni Lola.
“Okay lang po Lola, mukhang hindi naman ako ma-uumay sa mga pagkain.” Pilit ang ngiting sinukli ko sa kanya. Tuluyan na nagbago ang buhay ko nang tumuntong ako dito. Masarap naman ang mga pagkain kaya lang iba parin talaga pag nasanay ka sa kanin kahit simpleng adobo lang ang ulam solve na hindi kagaya ngayon. Napakadami ng hinanda nila tapos may maliliit na serving na hindi ko alam kung ano. May sobra naman sa palamuti na pwede lang kuhanan ng larawan pero hindi mo makakain.
Pagkatapos naming kumain ni Lola ay umakyat na kami sa mahaba at malaking hagdan. Nakakalula talaga dahil ganitong-ganito ang hagdan sa mga fairytales kung saan bumababa si Cinderella habang suot ang malaki at magandang gown niya. Mahaba din ang nilakad namin bago tumigil si Lola sa pag-akay sa akin.
“Dito na tayo Apo, ito ang magiging kwarto mo.” Wika niya.
Mula baba hangang taas kong tinignan ang malaking pinto. Napakaganda ng disenyo nito halatang pinaghirapang ukitin ang lahat ng detalye sa pinto pa lamang. Palagay ko matibay at mabigat din ito.
Dahan-dahan na binuksan ni Manang Adela ang pinto. Tumambad sa akin ang malawak na kwarto. Napanganga ako dahil bukod sa malaki ang kama. Napakabango at malamig din ito. Mixed of black, white and gold.
“Dito po ang kwarto ko?” Hindi maka-paniwalang tanong ko. Parang kasing lawak ito ng half court.
“Oo apo, magpahinga ka na alam ko pagod ka dahil sa byahe mag-usap na lamang tayo bukas.”
Pagkatapos niyang mag-paalam sa akin umupo muna ako sa malambot na kama.
“Senyorita, nilagay na po namin lahat ng gamit niyo dito sa closet. Kung may kailangan po kayo. Tumawag lang kayo sa device na yan.” Turo niya sa akin sa kulay puting bagay na nasa ibabaw ng glass table. Hindi siya mukhang radyo or cellphone. Mukha siyang speaker na hindi ko alam kung paano gagamitin.
“Sige po.”
Nakangiti siyang lumabas ng pinto. Inikot ko ang buong kwarto. Kahit ang banyo ay napakaganda din bukod sa may malaki itong bath tub ay kompleto din sa gamit. Glass naman ang pader kaya kitang-kita ang katawan kapag naligo ka sa loob ng shower.
Maya-maya ay nakapag-adjust na rin ako. Kumuha ako ng isang pares na pantulog at naligo ako sa banyo. Masarap din ang tubig dahil may maligamgam at may katamtaman lang ang lamig. Halos kalahating oras din akong naligo bago ako magpasyang magbihis na para matulog. Sa sobrang lambot ng kama at sa lamig ng kwarto ay mabilis akong hinila ng antok.
Bigla akong napamulat ng may maramdaman ako yumakap sa akin. Paglingon ko ay mukha ng lalaki ang tumambad sa akin.
“Aah!”
Malakas na sigaw ko at napabalikwas ako ng bangon sa kama. At kinuha ko ang kumot ibinalot ko sa aking katawan.
“What the hell?! Who are you?!” Singhal niya sa akin.
“Sino ka?! Bakit narito ka sa kwarto ko?!” Natatakot na singhal ko din sa kanya. Tumaas ang kilay niya at mariin akong tinignan.
“Kwarto ko ‘to! Ikaw ang bakit nandito?!”
Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Paano nga kung kwarto niya ito ibig sabihin gusto na ni Lola na magtabi kami sa pagtulog?
“Shit!” Mura niya.
Tinalikuran niya ako at nagmadaling lumabas ng kwarto.
ANGELA Pagkatapos ng isang lingo naming pananatili at pamamasyal sa Korea ay umuwi na rin kami. Marami kaming naipong alaala doon na gusto ko ulit balikan kung sakaling magkakaroon ng pagkakataon. Pagkauwi namin ay kinausap niya ulit ang pamilya ko upang pag-usapan ang kasal naming dalawa. Walang pagtutol sa kanila dahil nakita nila kung gaano ako kasaya. Isang buwan ang magiging preparasyon ng kasal namin dahil sa simbahan ito gaganapin. Gusto ko sana simple ulit ngunit ayaw pumayag ni Rafael pati na rin ni Mama at Lola Cythia. Gusto daw niya kasing bumawi sa akin kaya talagang tumulong siyang maging maganda at perfect ang magiging kasal ko. Wala na akong nagawa kundi hayaan na sila. Si Athena ang naging made of honor ko at silang apat naman kay Rafael. Masaya ako dahil magkasundo silang lima kahit iba-iba sila ng personalidad. Bukod doon pareho pa silang mayayaman. Mabilis na lumipas ang isang buwan at ngayon ang araw ng kasal namin ni Rafael. Labis ang nararamdaman kong kaba sa
ANGELAMahirap magpatawad sa isang taong nanakit sa’yo. Pero mas mahirap, kung patuloy kong itatangi sa sarili ko. Kahit alam kong mahal na mahal ko pa rin ang taong ito at handa siyang gawin ang lahat makuha lang ang kapatawaran ko.Nagkamali kami, at nasaktan ang isa’t-isa. But I had to forgive him. Because he deserves it. Kulang na nga lang bilhin niya ang buong eroplano para magka-ayos kaming dalawa. At alam kong kayang-kaya niyang gawin yun. He is Rafael Valdez after all. Halos mapugto ang aking hininga nang maghiwalay ang labi naming dalawa.“Damn! I miss that soft lips of yours my love.” Mahinang sambit niya sa tenga ko.“Kung hindi ko pipigilan ang sarili ko baka hindi lang kiss ang kinahinatnan nating dalawa.” Nakangitig wika niya sa akin na ikina-init ng pisngi ko. Mukhang may balak pa ata siyang kawing hotel ang eroplanong ito.Iginiya niya ako pabalik sa upuan at magkatabi na kaming dalawa.“May tanong ako.” Wika ko sa kanya.“Ano yon?”“Sasama ka ba talaga sa akin sa Kore
ANGELAPagkatapos sabihin sa akin ng stewardess na dalawa lang kaming pasahero ay magalang na rin itong nagpa-alam sa akin. Parang gusto ko tuloy hanapin kung saan nakaupo ang sinasabi niyang isa pang pasahero. Kung alam ko lang, na kami lang dito eh di sana hindi na ako nag business class at sa economy na lang ako.Ilang minuto nang nakalipad ang eroplano nagpasya akong matulog muna kaya kinuha ko ang sleeping mask ko sa bag para naman hindi ako masilaw sa liwanag.Mahaba pa ang byahe namin at hindi naman ako nagugutom kaya mas maige na matulog na lamang ako para pagdating ko sa Korea ay may lakas akong harapin ang trabaho.Itinaas ko ang sandalan ng paa ko para mas marelax akong nakahiga pagkatapos ay itinakip ko ang mask sa aking mata.Kahit nakapikit na ako ay naalala ko na naman si Rafael. Paano ko ba siya makakalimutan kaagad? Kung walang araw o oras ko siyang naiisip. Masaya na kaya siya sa naging desisyon niya ngayon? Si Lola? Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. Nakakal
ANGELAMapait niya akong tinignan. Hindi ko alam kung paano niya nalamman ang lahat. Ang alam ko lang pumunta ako dito ng buo na ang loob ko upang magpaalam. At upang tapusin ang namagitan sa aming dalawa.“So, wala kang balak sabihin sa akin ang lahat Angela?”Humakbang siya palapit sa akin, kaya umatras ako.“Kung hindi pa sasabihin ni Mathew sa akin na buntis ka. Hindi mo sasabihin at gusto mong pirmahan ko yan?”Lalong dumilim ang mukha niyang nakatingin sa akin. At nagpatuloy siya sa paghakbang. Hindi ko inakalang si Mathew mismo ang magsasabi sa kanya ng lahat. At sigurado akong alam na rin niya nawala talagang nangyari sa aming dalawa.“Rafael, kahit ano pang sabihin mo hindi ko na mababago pa ang desisyon ko. Kaya pirmahan mo na ito para maka-alis na ako.” Mahinahon na wika ko sa kanya. Pinilit kong magpakatatag upang hindi niya makita at maramdaman ang panginginig ko. Hindi ko alam kung takot ba ang nararamdaman ko dahil sa pagtitig niya sa akin o kasabikan dahil sa paglapit
RAFAEL“Angela sandali!” Tawag ni Inigo na nagpalingon sa akin. Nakatalikod na si Angela at malaki ang mga hakbang papalayo sa kinaroroonan namin ni Madelaine. Sinadya kong halikan si Madelaine nang makita ko siyang palabas ng venue. Gusto ko siyang masaktan dahil sinaktan niya ako.Sino ba namang matinong lalaki ang iuuwi parin ang kanyang asawa matapos na mahuling may ka-sex na iba!Gustuhin kong patayin ang lalaking yun! Kung may dala lang siguro akong baril napatay ko na siya! Pero sa kabila ng lahat, nag-alala pa rin si Angela sa kanya. Nang walang habas ko siyang bugbugin. Sinisi ko ang aking sarili dahil pinayagan ko pa siyang bumalik sa kompanyang yun. Pero huli na, nasaktan na niya ako at nagkamali na siya.Naging bingi ako sa lahat ng paliwanag niya. Dahil alam kong mas may kasalanan siya dahil siya mismo ang pumunta sa lalaking yun! At dahil alam kong mahalaga sa kanya ang lalaking yun!Pero imbis na paalisin mas ginusto kong saktan siya. Mas ginusto kong iparanas sa kanya
ANGELA “Tita?” Isang mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa akin. Yakap na kailangang-kailangan ko sa mga oras na ito. Hinahaplos niya ang aking buhok at nag-umpisa na siyang humagugol habang yakap niya pa rin ako.“A-anak, ang tagal kitang hinanap nasa poder na pala kita, hinayaan pa kitang umalis.” Humihikbing wika niya.“Anak?” Naguguluhang tanong ko. Lumayo siya sa akin at ginagap ang kamay ko.“P-Patawarin mo ako, malaki ang naging pagkukulang ko sa’yo anak. Kung alam ko lang na dito ka dinala ng ama mo bago siya mamatay naging madali sana ang lahat.” Patuloy na wika niya na lalong nagpagulo ng isip ko. Nabaling ang atensyon ko kay Mother Evette. “Ano pong ibig niyang sabihin Mother Evette?” “Frieda, mas mabuting ipaliwanag mo ng ma-ayos kay Angela ang lahat. Lalabas muna kami para makapag-usap kayo ng maayos.” Paalam niya sa amin. Umalis silang lahat at kami na lamang ni Tita Frieda ang naiwan sa kwarto.“Marinor, ikaw ang anak ko na matagal ko nang hinahanap.”
ANGELAIsang linggo na ang nakalipas mula ng umalis ako sa mismong araw ng birthday party ni Lola. Nang gabing yun ay nagpahatid na agad ako sa mansyon at inimpake ko na ang mga gamit ko. Wala na akong inaksayang oras dahil ayokong madatnan ulit ako ni Rafael sa bahay. Hindi naging madali kay Lola na payagan ako, pero dahil sa pag-iyak ko sa harapan niya ay napapayag ko rin siya. Ayaw niya akong umalis ngunit naki-usap ako sa kanya na kung hindi ko gagawin yun lalo lamang lalala ang lahat.Gusto ko ulit bumangon kagaya ng ginawa ko noon. Gusto kong kayanin ang sakit at ang hirap para sa sarili ko dahil wala akong ibang aasahan ngayon kundi ang sarili ko at nagpapasalamat ako kay grandma dahil hinayaan niya akong umalis.Nangako ako sa kanya na dadalawin ko siya kapag okay na ako ulit. Kapag kaya ko na ulit ngumiti. Kapag wala na akong nararamdamang sakit.“Angela, tama na yan.” Wika ni Sister Sandy,Pagka-alis ko sa mansyon ay dito na agad ako sa bahay ampunan dumiretso. Akala ko wala
ANGELASinipat ko ang aking sarili sa harapan ng salamin. Ayaw ko mang pumunta sa birthday party ni Lola ay alam kong hindi papayag si Lola. Kaya pinilit ko ang sarili ko na magbihis ng maganda at mamahaling dress na si Lola pa mismo ang pumili nang bumisita kami sa isang mamahaling boutique kanina. Isang plain nude pink satin spaghetti long dress ang pinili niya. Simple but elegant na tinernuhan ko lang ng diamond earrings. Katamtaman lang din ang taas ng takong ko at hindi ko naman naaapakan ang laylayan nito. Simple lang din ang naging ayos ko. Tamang make-up lang at hair bun na may kaunting hibla na nakalaglag sa gilid ng aking mukha. Huminga ako ng malalim at lumabas na rin sa aking kwarto. Ihahatid daw kami ng driver doon. Sabi ni Lola ay may nilakad daw si Rafael kaya de-derecho na daw siya doon.“Bagay na bagay ang damit na pinili ko sa’yo apo!” Nakangiting sabi ni Lola nang makababa na ako sa sala.“Maraming salamat po Lola, dapat nga ako po ang magreregalo sa inyo eh.” Nahih
ANGELANagpatuloy ang malamig niyang pakikitungo sa akin. Ilang araw na ang lumipas pero para lang akong hangin sa kanyang paningin. Hindi ko na siya ulit tinangkang kausapin pa dahil alam kong hindi pa rin niya akong kayang patawarin. Hirap na rin ang kalooban ko. Magkasama nga kami sa isang bahay, magkatabi sa iisang kama pero. Pero parang hindi niya ako nakikita. Ginugol niya ang oras sa trabaho sa umaga pero kapag gabi na ay lasing siyang umuuwi. Kahit si Lola ay walang nagawa sa kanya.Bukas ng gabi ang 60th birthday ni Lola pero hindi pa rin kami nagkakaayos ni Rafael. Miss na miss ko na siya gusto ko siyang yakapin at halikan pero alam kong nandidire na siya sa akin.Alas-dyes na ng gabi pero wala pa rin siya. Hindi ko maiwasan ang mag-alala sa tuwing ginagabi siya ng uwi. Pero wala naman akong lakas ng loob para tanungin siya. Kausapin man lang siya. Nahihirapan na ako, sa trato niya sa akin. Ni hindi ko na nga nagawang pumasok sa opisina.Kaagad akong tumayo sa kama nang mari
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen