Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa sinig ng araw na siyang tumatama sa aking mukha. Kunot ang noong iminulat ang mga mata kasabay ng mga boses na naririnig ko sa labas ng bahay. Nararamdaman ko ang muling pagsara ng talulap ng mga mata ko dahil sa antok. Siguro dahil naninibago ako sa lugar kaya hindi ako masyadong nakatulog. “Susundan mo ba si Lore sa trabaho niya? Aba'y hindi naman maghahanap roon ng iba ang asawa mo.” Iyon ang narinig kong sabi ni Aling Nina sa kausap niya. “Naninigurado lang Aling Nina, ang dinig ko kasi ay may bagong pasok doong binata na panay ang tingin sa asawa ko. Hindi naman ako magtatagal doon, maaga ang pasok ko.” Natigilan ako, bahagyang kumunot pa ang noo. Hindi iyon dahil sa sinabi ng kung sino kundi dahil sa familiar na boses nito. Iminulat ko ang mga mata at walang pagdadalawang isip na bumangon ngunit agarang natigilan din nang sumidhi ang sakit ng aking tiyan. Dahan-dahan ko iyong hinaplos.“Baby, huwag muna ngayon ha? I'm going to look who i
Read more