Hindi ko nagawang magsalita nang pagsabihan ako ni Aling Nina. Halos ayaw kong lubayan ng tingin si Ghon na hindi umalis pagkatapos akong ibuko kay Aling Nina. Mahigpit kong hinawakan ang isang piraso ng sitaw na nakalagay sa gilid ko. Panandalian umalis si Aling Nina upang kumuha ng tanghalia namin. Sa inis ko kay Ghon ay hinampas ko sa kanya ang sitaw na iyon. Mukhang nagulat din siya.
“Umalis ka dito,” may diin na wika ko. Huwag niya akong inisin gayong mainit pa ang ulo ko sa kanya.
“That's hurt, miss.” Nakangiwi na siya ngayon sa akin.
Hindi ko alam kung bakit nandito pa siya samantalang noong isang araw ay halos ayaw niyang magtagal doon sa hospital, atat na atat na umuwi na sa sinasabi nitong asawa nito. Mariin kong pinikit ang mga mata at tumayo sa kinauupuan. Akma akong aalis nang hawakan ni Ghon ang aking kamay na naging sanhi upang mapakislop ako. Dumaloy sa buong katawan ko ang boltaheng nanggaling dito. Lalo tuloy akong nainis.
“Saan ka pupunta? Ang sabi ni Aling Nina ay huwang kang aalis dito.”
Kinunutan ko siya ng noo. “Pupunta ako ng banyo, bakit sasama ka? Pwede ba Ghon— ” Pinutol niya ang sasabihin ko kaya naitikom ko ang bibig ko. Sinamaan siya ng tingin.
“Tame. Tame ang pangalan ko. I don't want to heard that name.”
Sa sobrang inis na naramdaman ko ay winaksi ko ang kamay niya at naglakad patungo sa kung saan. Hawak ang may kalakihang tiyan nang lumapit ako sa isang babae na sa tingin ko ay kasing edad ko lang. Ngumiti ako sa kanya at ganoon din naman ang ginawa niya.
“Hi, pwede bang magtanong kung nasaan ang banyo dito?”
Nakangiting bumaba ang paningin niya sa akin tiyan bago tumango. “Sasamahan na lang kita.”
“Hindi ba nakakaistorbo sa'yo?” Napansin kong nagtitinda din siya ng mga gulay. Nang umiling siya at sinabing hindi ay nagpasama na ako. Habang naglalakad ay bahagya ko siyang nilingon.
“Kilala mo ba si Lore?” Para malaman ang tungkol kay Ghon pa ay sisimulan ko munang magtanong-tanong sa iba. Nagbabakasaling may alam din sila. Hindi naman pwedeng itanong ko kay Lore, paano kung ayaw din niyang sabihin? Sa ginawa niyang pagkuha sa asawa ko ay pwedeng isa na sa dahilan ‘yon para magsinungaling din siya.
“Oo naman. Kaibigan ko siya. Bakit?” Ngumiti siya at inalalayan ako dahil masyadong madulas ang sahig sa parteng papasok ng banyo.
Napatingin agad ako sa kanya. “Your friend? So you know who's her husband? That Tame?”
Kunot ang noong napatingin siya sa akin. Mukhang nagtataka siya sa klase ng aking tanong. “Oo naman, miss. Karamihan dito sa
Palawan ay kilala sila.”
Dahil doon ay bigla ko siyang hinarap. Nakita ko pa ang bahagya niyang pagkagulat dahil sa biglaang pagkilos ko. I feel my heart skip a bit. Naramdaman ko ang pagbilis ng puso kasabay nang kaba at pangambang.
“Gaano mo kakilala ito? Paano siyang napadpad dito? I m-mean...” What self? Mariin kong ipinikit ang mga mata nang mautal nang bahagya. “Talaga bang asawa siya ni Lore?”
Lalong kumunot ang noo niya. Na para bang naguguluhan sa tanong ko. Kahit ako ay naguguluhan din.
“Sa totoo ay magkasama kami ni Lore nang makita si Tame sa tabing dagat. Isang linggo din ang lumipas bago ito nagising. Ngunit nang puntahan ko sila sa bahay ni Lore ay nagulat na lang akong sinabi ng kaibigan ko na asawa niya ito. Walang maalala ang lalaki, kaya sinabi niya iyon. Iilan lang kaming nakakaalam nito. Hindi din naman sekreto iyon dahil kapag may nagtatanong ay sinasabi din namin ito. Kahit si Tame ay sigurado akong alam din ang bagay na ito ngunit hindi naman umangal at nagsalita. Mukhang gusto din naman niya ang ideyang mag-asawa sila kaya iyon na ang pinalabas namin.” Kibit ang balikat na binuksan niya ang pinto saka ako muling inalalayan papasok.
Hindi naman ako nakapagsalita pa. Tulala ako buong oras hanggang sa bumalik kami sa puwesto ni Aling Nina. Masyado madaldal ang babae kaya hindi na nito namamalayan na naikwento na nito sa akin ang mga alam nito kay Ghon. Nang pagbalik ko ay nakita ko pa rin doon si Ghon, nakatalikod sa akin at may kausap.
Sumikip ang aking dibdib nang isiping kaya ganoon na lamang ang kanyang kilos ay dahil wala itong maalala. Hindi nito naalalang may naiwan itong asawa sa Manila. Na may naghihintay pa rin sa pagbabalik niya. Tumigil ako nang ilang dipa ang layo, may mga mamimiling dumaraan sa aking harapan ngunit ang paningin at buong atensiyon ko ay nasa kay Ghon lamang. Ramdam ko ang pamamasa ng mga mata ko habang nakatingin sa kanya. Hanggang sa tumulo iyon ng sunod-sunod.
Pinaghintay niya ako nang dalawang buwan. Hinayaang umasa na baka sakaling bumalik pa siya. Pero hindi ko naman inaasahan na sa kabila nang lahat ng sakit at hirap na pinaramdam niya sa akin ay kakalimutan niya ako. Ni hindi niya alam kung may nag-eexist bang ako sa buhay niya. Na mayroong Rainnance Verdadero na magmamahal sa kanya. Pinaghintay niya ako. Gayunpaman, ay kinaya ko iyon. Nagtiwala pa rin ako sa kanya.
Hindi ako naghinala sa pagmamahal niya dahil sa tagal ng pagsasama namin ay ramdam ko iyon sa kanya. Hindi niya hinahayaang maguluhan o maghinala ako sa nararamdaman niya sa akin. Dahil araw-araw niyang pinaramdam sa akin na ako lang ang laman ng puso niya. Pero nang dahil sa paglimot niya ay napapatanong na ako kung talaga bang totoo ang nararamdaman niya para sa akin. Dahil kung totoong mahal niya ako, kahit anong mangyari hindi niya hahayaan mangyari ito. Hindi niya hahayaang makalimutan ako.
“Rain hija?” Nakita ako ni Aling Nina kaya napatingin sa akin si Ghon, nang dahil doon ay nakita ko ang kanyang kausap niya. Si Lore.
Napayuko ako at pinunasan ang luha. Pagak na tumawa at nilingon si Aling Nina. Naglakad ako palapit sa kanya nang hindi na muling tiningnan ang dalawa. Bumuntonghininga ako nang maramdaman ang titig ni Ghon. Ramdam ko iyon kahit nakatuon ang atensiyon ko kay Aling Nina.
“Aalis na kami, Aling Nina. Ihahatid ko lang ang asawa ko.” Kumuyom ang kamay ko nang tumalikod na sila at sabay na umalis.
“He lost his memories Aling Nina, kaya ganoon ang trato siya sa akin. Hindi niya ako kilala dahil wala siyang maalala,” mahina at naluluhang wika ko sa kanya na alam kong natigilan at bahagya akong nilapitan upang yakapin.
“Ano na ang plano mo?”
“Ipapaalala ko sa kanya. Kapag nagawa ko iyon, ibabalik ko siya sa Manila. Pero hindi ko alam kung kaya ko ba, sa nakikita ko kasi ngayon ay mukhang mahal niya si Lore.”
Pagkatapos naming mag-usap ni Aling Nina ay hindi na ko muling nagsalita patungkol kay Ghon. Iniisip ko kasi kung paano kung ipapaalala sa kanya ang lahat. Hanggang sa umuwi kami ay ganoon lang ang laman ng isip ko. Dala-dala ko iyon hanggang sa pagtulog at paggising ko sa umaga. Katulad nang nangyari kahapon ay maaga akong nagising. Nagluto at naglinis na muna ng bakuran.
“Good morning, miss!” Dahil nakatalikod ako sa gate na gawa sa kahoy hindi ko napansin na may tao roon. Ngunit para akong naistatwa nang muling mahimigan ang baritong boses ni Ghon.
Humugot ako nang malalim na buntong hininga. “Morning. Bakit nandito ka?” Nakatalikod pa rin ako sa kanya.
Natatakot akong humarap sa kanya dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili kong mayakap siya. Sa sobrang pagkamiss ko sa kanya baka mawala sa isip kong hindi pa niya ako maalala.
“Hinatid ko si Lore sa daungan ng barko, isang linggo siya sa Manila eh.”
Napalabi ako. “Hindi no'n nasagot ang tanong ko, Ghon. Hindi ko rin naman tinanong sa'yo kung nasaan ang babae mo. Kaya pwede ba huwag mong masambit-sambit ang pangalan niya sa harap ko at baka makalimutan kong nawala ang memorya mo.” Lumipat ako sa kabila upang binyagan ang mga tanim ni Aling Nina. Mamaya ko siya kakausapin pagkatapos ko sa mga ito.
“Babae ko? She's my wife— ”
Tumalim ang tingin ko sa kanya nang maramdaman ang kirot sa puso ko. Hindi ako sanay na may iba siyang tinutukoy doon. Ilang minuto nang maramdaman ko ang pamamasa ag mga mata ko nang makita ang inis sa kanya. Nakita ko pang natigilan siya habang nakatitig sa mga mata ko.
“Gustong-gusto mo talagang nasasaktan ako, Ghon? Masaya ka bang nakikita akong ganito sa harap mo kaya paulit-ulit na sinasaktan mo ako? Dalawang buwan ang tiniis ko, sinuway ko ang mga taong walang ibang inisip kundi ang kapakanan ko at ng anak natin. Dahil naniniwala akong buhay ka at makakasama ka rin namin ulit. Kami na halos mabaliw kakahanap sa'yo, tapos malalaman ko na nagpapakasaya ka lang dito at ni hindi alam na nag-eexist ba kami sa buhay mo! Halos halughugin na namin ang Pilipinas para hanapin ka! Para mo kaming pinaglaruang lahat, Ghon! Kung alam ko lang na mangyayari itong lahat sana ay hindi na akong pumayag na mag-ibang bansa ka!” I shouted while crying so hard.
Kahit puno ng luha ang mga mata ay nakita ko ang pagdaan ng emosiyon sa kanyang mata. Ngunit agad iyong nawala nang kumurap siya.
“I don't know.”
Pagak akong napatawa. “Hindi mo alam kasi wala kang pakialam sa nararamdaman namin at sa naiwan mo. Alam mong nawala ang memorya mo pero hindi ka sumubok na alalahanin iyon. Pero kaya kong ipaalala sa'yo lahat, Ghon.”
Hinintay kong sagutin niya ang huling sinabi ko ngunit wala akong narinig mula sa kanya. Tahimik lang siyang nakatitig, parang pinoproseso ang lahat ng sinabi ko.
Tahamik kaming nasa hapag ni Ghon. Ilang minuto nang matapos ang pag-uusap namin ay lumabas si Aling Nina at nakita kami roon. Mukhang alam niyang nagkasagutan kami ni Ghon dahil sa luhang nakikita sa mga mata ko. Niyaya niya si Ghon para mag-agahan na hindi naman tinanggihan nito. Ayoko sanang sumabay ngunit hinila na ako ni Aling Nina. Nasasaktan ako kapag nakikita si Ghon. “Hindi pwedeng hindi, Rain. Baka nagugutom na ang baby mo, bawal kang magutom.” Humugot ako ng malalim na hininga at nagsandok ng kanin para lagyan ang plato ni Ghon. Kusang kumilos ang katawan ko kaya mukhang nagulat ito, kahit ako ay natigilan din. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko dahil sa hiyang naramdaman. Nasanay akong ako lagi ang gumagawa no'n sa kanya. Every time we eat together, ako ang nag-aasikaso sa kanya. Nakatingin lang naman si Aling Nina at Grace sa aming dalawa. “Thank you! You don't need to do that.” Napangiwi ako. Kung pwede ko lang na pigilan ang sarili ko eh 'di sana ginawa ko na.
Bumalik ako sa palengke na may malapad na ngiti sa labi. Ghon, didn't pushed me away when I kiss him. That's a progress right? Alam kong nagulat siya sa biglaang paghalik ko ngunit nakakatuwang isipin na kahit ilang ulit niyang sabihin sa akin na si Lore ang mahal niya ay sa kabila no'n ay hindi niya ako tinulak. Pinilit pa niya akong doon na lamang kumain ngunit hindi na ako pumayag dahil kailangan kong dalhan si Aling Nina ng tanghalian. Okay na din naman sa akin na hinayaan niya akong halikan siya. “Sasabay na lang ako kay Aling Nina. Kumain kana.” Pagkatapos no'n ay umalis na ako.Kinaumagahan ay nakangiting pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin at nang masigurong maayos ang aking itsura ay lumabas ako ng kwarto. Nagpaalam ako kay Aling Nina upang puntahan si Ghon. Tulad ng sinabi ko kahapon ay guguluhin ko siya ngayon araw. Sisimulan kong ipaalala sa kanya ang mga nawalang alaala. Isinantabi ko muna ang mga bagay na nangyari sa pagitan naming dalawa. Ayokong maalala ang sa
Hindi ko mapigilang mapahagikhik nang ibigay sa akin ni Ghon ang mga supot na puno ng mga manga at pinya. Napalabing sumunod ako sa kanya pagkatapos. Tulad kanina ay halos pagtinginan kami ng mga tao. Doon muli ako tumambay sa upuang nasa tapat ng classroom niya. Mabuti na lang at pinabalatan niya kanina ang dalawang manga at iyon ang kinain ko habang nakatitig sa kanya. Ang gwapo talaga ng asawa ko. Sumimangot naman ako ng maalala si Lore. Kaya siguro siya na inlove sa asawa ko. Sino ba namang hindi magkakagusto sa lalaking iyan. Lahat na yatang hinahanap mo sa lalaki ay nasa kanya na. Maliban lang sigurong sa ugali niyang napakasungit. “May relasiyon ba kayo ng asawa ni Lore?” May lumapit sa aking ginang kaya napatingin ako dito. Siya ang kanina pang nakatingin sa akin. Simula kaninang umaga. I even saw her pointing at me to other woman. “He's not Lore's husband!” asik ko na kinakunot ng noo nito. Mukhang hindi niya ako naiintindihan. “Ghon is my husband not with that girl! How d
“Isang subo pa.”“I don't w-want.” Umiling ako nang ilapit siya sa aking bibig ang kutsarang may lamang sopas. Niluto iyon ni Aling Nina at si Ghon ang nagsusubo sa akin. Hindi ko talaga alam kung bakit nandito siya dahil sa pagkakaalam ko ay may klase siya. Lumiban ba siya dahil sa akin? “Isa na lang, Rain.” Muli akong umiling at iniwas ang aking mukha. Pakiramdam ko ay busog na busog na ako kahit nakatatlong subo pa lang ako. Sa sobrang pagkabusog ko, pakiramdam ko masusuka na ako kapag kinain ko pa ang sinusubo niya. “Hindi pwedeng pabayaan mo ang sarili mo. Baka mapaano pa si babay. Please, isang subo na lang tapos hindi na.” Sumimangot ako na naging dahilan para mahina siyang mapatawa. Bakit ba kasi Hindi ko siya kanyang tanggihan. Nakakainis. Wala akong nagawa kundi ang ngumanga at tinaggap ang sinubo niya. Pagkatapos no'n ay hindi na talaga niya ako napilit pa dahil muntik na akong masuka. May naka-ready ng palanggana sa ilalim ng kama para kapag nagsuka ako sa doon na laman
Bitbit ang mangkok na may laman na paborito sinigang ni Ghon ay nagtungo ako sa bahay nila. Sabado ngayon kaya alam kong nasa bahay lang siya. Sa sabi ni Aling Nina ay hindi iyon gumagala sa kung saan-saan dahil ayaw daw nitong nag-aaway sila ni Lore tungkol sa bagay na iyon.Hindi ko maiwasang mapailing dahil sa ginagawa ko ngayon. Magpapakatanga na naman kasi ako sa kanya. Nasa punto na ulit ako ng buhay ko na kailangan ko ulit na ipilit at ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya kahit pilit niyang tinutulak ako palayo sa kanya.At sa huli ay iiyak na naman ako dahil nasasaktan sa pinagagawa niya. Gano'n naman lagi. Sa huli ay ako ang madidihado.Pinili kong kalimutan ang ginawa ni Ghon kahapon. Dahil iyon lang ang tanging magagawa ko sa ngayon para magpatuloy sa katangahan ko. Hindi na ako aasang mag-iiba 'to. Wala naman na sigurong bago Hangga't ganito ang kalagayan ay ganito na lang ako lagi. Sana lang ay huwag niya akong bigyan ng dahilan para tumigil at sumuko. Dahil alam kong kapa
Malungkot akong ngumiti habang nakatingin kay Ghon na nakahiga sa kama. Bawat oras na hindi siya nagigising ay nakakaramdam ako ng takot. Kahit sinabi na sa akin ng doctor na okay na siya, na kailangan lang ni Ghon ng pahinga ay hindi maaalis sa akin ang mag-alala. Nakita ako ang paghihirap niya nang oras na iyon. Kahit na gusto ko siyang makaalala agad ay natatakot akong makita siya sa ganoong sitwasiyon.Inangat ko ang kamay ko para masuyong haplusin ang mga pisngi niya. Mahimbing siyang natutulog pero nagagawa kong hangaan ang itsura niya. Hindi ko maipagkakailang lalo siyang gumagwapo kapag natutulog. Then my fingers trailed softly from the tip of his nose down to his soft upper lips. His nose is so pointed, pakiramdam ko ay kaya akong tusukin no'n.“H-Honey, please wake up. I don't want you here,” mahina kong wika at bahagyang lumapit pa sa kanya. Masuyo kong dinampi ang labi ko sa labi niya. Naramdaman ko agad ang lambot no'n na naging dahilan para mapangiti ako. Nang akmang la
“Rain, are you okay?” nag-aalalang lumapit sa akin si Ghon saka ako hinawakan sa braso. Nakita ko ang pag-alala sa kanyang mga mukha habang papalapit sa akin.“Tame, umalis ka diyan!” Pilit siyang hinihila ni Lore palayo ngunit wala doon ang atensiyon ko. Hindi ko sila magawang tingnan man lang dahil mas lalo akong nag-aalala sa anak ko.I tried to stand up at nagawa ko iyon sa tulong ni Ghon. Marahan ang pag-alalay niya na para bang mas takot siyang matumba akong muli. Ngumiwi ako nang maramdaman ang pagsakit ng tiyan ko. Hindi iyon ang klase ng sakit na lagi kong nararamdaman. Iba siya kaya mas lalo akong natakot. Hinimas ko ang tiyan ng bahagya ngunit lalo lang sumakit ito dahilan para humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Ghon.“What happened? May masakit ba?” he worriedly asked nang makita ang bahagyang pagngiwi ko. Ang kabilang kamay niya ay humaplos sa pisngi ko.Bago pa ako makasagot sa kanya ay tumama na ang likuran ko sa pader dahil sa pagtulak muli ni Lore sa akin. Nanla
After that talk with Ghon I never let him come near me again. Ayokong nasa malapit siya dahil habang nararamdaman ko ang presensiya niya ay mas nasasaktan ako. Sa tulong ni Wize ay magawa kong makalayo sa kanya...nagawa kong itaboy siya. Naglagay ng bodyguard si Wize sa labas ng kwarto ko habang narito ako sa hospital, at iyon din ang isa sa dahilan kung bakit hindi makalapit si Ghon. Sa tatlong araw kong narito sa hospital ay wala akong ginawa kundi ang umiyak at paulit-ulit na sinisisis si Ghon sa lahat ng nangyari sa anak ko.Sa puntong iyon ay hindi ko hinayaang madaig akong muli ng pagmamahal ko sa kanya. Iyon na Ang huli. Lahat ng mga bagay na ginawa niya sa akin muli simula ay tinatak ko sa utak ko, iyon ang ginawa kong rason pa para lalo akong magalit at pagsuklaman siya.“I want to go back in Manila. I don't want here anymore, Wize. I-Iuwi mo na ako p-please.” Lalo akong napaiyak ng maramdaman ko ang yakap nang mahigpit ni Wize. Ramdam ko ang matindi niyang pag-alala at awa s
Ilham POVPatungo pa lamang si Ilham noon sa Batangas noon para sa isang property na bibilhin niya. Kailangan niyang tingnan muna iyon bago pumirma ng kotrata sa kanila. Plano niya kasing gawing rest house iyon. He's readying for his future. Gusto niya kasing naka-settle na ang lahat para sa magiging pamilya niya para kapag nahanap na niya ang babaeng para sa kanya ay may maiiwan siya para sa mga ito. “Pagkatapos ko sa Batangas ay babalik ako diyan. Hindi naman ako magtatagal. Tsk!” Kausap niya ang doktor niyang kaibigan sa Australia. He's also a Filipino kaya nakakaintindi ng Tagalog. “Make it sure, Ilham. The last time na sinabi mo iyan, dalawang linggo mong tinupad!” inis na sigaw nito sa kanya. Hindi maiwasang mapangisi si Ilham. Daig pa kasi nito ang babae sa tinis ng boses nito. Kasalanan ba niya kung may binabantayan siyang tao kaya siya nagtagal sa Pilipinas? Umiling-iling na pinatay niya ang tawag pagkatapos magpaalam. Pagkarating niya ng Batangas ay agad niyang pinuntah
Haera was smiling while looking at the sunset in front of her. The laugh and chitchatting of her family and kids was filled the whole place. Years has past, she's slowly accepting that Ilham Pratama was really gone forever. Hindi na niya ito mahahawakan o mayayakap pang muli.Ngunit sa nangyaring iyon, natutunan ni Haera na kahit sa sandaling mga sandali ng pagmamahal ay nag-iwan ng walang hanggang bakas, and her heart was thankful para sa maikling oras na kanilang ibinahagi sa isa't isa.In the intricate tapestry of life where moments are woven with delicate threads of memories, she discovered, with a heart heavy with both sorrow and love, that her time with Ilham, although painfully brief, shimmered with an intensity and depth that many might never experience in a lifetime, teaching her the bittersweet truth that sometimes, the most profound joys are those that are fleeting, yet they leave an indelible mark on the soul.Mahirap man nang una dahil nasanay siyang laging nakaalalay si
After the wedding ay nagtungo na sila sa reception. Labis ang saya at emosiyon ang naramdaman ni Haera sa oras na iyon, ganoon din si Ilham. Because she's finally a Mrs. Pratama, for real.Kaya hindi maalis ang ngiti sa labi nilang pareho. Nakasandal si Ilham sa kanya habang nilalaro nito ang kamay niya. She kissed his cheek everytime he was poking her hand.“After the reception, can we go somewhere else? In our favorite place,” he finally talk that make her stunned.Mula nang umalis sila sa simbahan ay panay lamang ang ngiti nito. Ngayon namang nagsalita ito ay mas gugustuhin na lamang niyang tumahimik ito hanggang mamaya. She doesn't want to hear what he gonna say, dahil alam niyang hindi niya iyon magugustuhan.“Not now, Ilham please.” Nawala ang ngiti na kanina'y hindi mawala sa labi niya. Bumagsak ang balikat at malalim na bumuntonghininga.Pinagsalikop ni Ilham ang kamay nilang dalawa. Ayaw niya itong tingnan dahil natatakot siya, natatakot siyang baka bigla na lamang siyang hum
Nang gabing iyon ay hindi sila nagtabi ni Ilham sa pagtulog. Si Gelle ang tumabi sa Daddy nito samantalang siya ay natulog katabi nang Mommy niya. Kinaumagahan ay sunod-sunod na dumating ang mga mag-aayos sa kanya. Kaya habang naliligo ay hindi maalis sa kanya ang ngiti niyang mula pa yata kagabi. Pakiramdam niya mula pagtulog ay nakangiti pa din siya. “Ang blooming naman nitong anak mo, Mare!” Paglabas niya ng banyo ay iyon ang bumungad sa kanya.“Hindi kami mahihirapan dito, kahit simpleng makeup ay maganda na itong anak mo,” sabi naman ng makeup artist sa kanya. Bahagya siyang tumawa. Lumapit naman ang mga ito sa kanya at sinimulan na siyang ayusan. Pati ang Mommy niya ay inayos na din ng mga ito. Her bridesmaid was Grace and Craine, at sa groomsmen ay ang kaibigan ni Ilham. Ayaw kasi si Wize dahil kaibigan din nito si Ghon. Hindi na niya iyon pinilit pa. “Si Ilham, Mom?” she asked. “May nag-aayos na sa kanya. He's with his groomsmen kaya huwag ka nang mag-alala.” Tumango siya
Nagising si Haera kinaumagahan dahil sa pilit na mag-alis ni Ilham sa yakap niya. Pilit itong huwag maubo dahil ayaw siyang nagising nito. Nangunot ang noo ni Haera at mabilis na iminulat ang mga mata, na natuon naman agad iyon sa kanyang Fiance na sumusubok na tumalikod at doon umubo.Lumapit siya at hinaplos ang likuran nito. “Babe, are you okay?” nag-aalala siya. Ilham nodded, he can't speak because of his cough. Maluha-luha niyang hinaplos ang likuran nito ngunit nang lumakas at parang nag-iba ang klase nang pag-ubo nito ay tumayo siya at tinakbo ang pinto. Tuloy-tuloy na pagtulo ang luha niya dahil sa kaba ngunit pilit niyang pinapatatag ang kanyang sarili. “Doc, Mommy, si Ilham po!” she shouted loudly habang nasa hamba ng nakabukas na pinto. Bumalik siya sa kama nang marinig ang sunod-sunod at malakas na yabag patungo sa kwarto nila. Natigilan si Haera nang makita ang kung ano sa kamay nito. Tinatakpan ng kamay nito ang bibig habang umuubo ngunit nang tingnan nito ang kamay
Pagdating nina Haera sa Australia ay agad na siyang dumeretso sa hospital na sinabi ni Grace. Hindi na inalintana ang pagod sa byahe. Sinundo sila ng tauhan ni Ghon. Doon niya lang nalaman na may bahay at business din pala ito doon. “Magpahinga muna kayo sa bahay mo,” pagod niyang wika kay Ghon na kanina pa napapansin niyang nakatitig sa kanya. “Puntahan niyo na lang ako mamaya dito. Let the kids rest muna. I will stay here and find Ilham.” Hindi na niya hinintay pa na sumagot ang mga ito at lumabas na ng kotse. Mabuti na lang at tulog na ang mga bata. Walang lingon-lingong naglakad siya papasok sa loob. Ngunit hindi niya inaasahan na habang naglalakad ay binati siya ng mga nurse o mga nagtatrabaho doon. Gulat ang mga itong makita siya ngunit nagawa pa ring batiin siya.“Mrs. Pratama,” someone called him.That's it. Nakilala siya bilang asawa ni Ilham. Bahagya siyang napangiti at labis ang pagpipigil na huwag umiyak sa harap ng mga ito. “W-Where's my husband? Si Ilham?” Nang lumap
Kakauwi lamang ni Ghon mula sa trabaho nang mapansin ang Mommy ni Rain sa living room, she look problematic to something. Wala na ang mga bata, paniguradong tulog na ang mga ito. Simula nang lumabas si Rain sa hospital ay pansamantala na mula silang nanatili doon. Lumapit siya at tumabi sa pangalawang Ina.“Mom, what happened?” Napapansin kasi nito ang pagka-problemado ng Ina ni Rain. Nanggaling ito sa pag-iyak, basi sa pamumula ng mata nito. Sofie look at him and sighed heavily. “She's crying whole day, hijo, ayaw niyang tumigil kahit na anong gawin namin. She's looking for him... she misses him so much that I can't stopped her from hurting.” Inaamin ni Ghon na nasasaktan siya. Lagi naman siyang nasasaktan kapag nakikitang mas mahal ni Rain si Ilham. If she's always looking at him... and hurting because he's not there beside her. Na sa pagmulat ng mga mata ay si Ilham agad ang hanap. Hindi niya mapigilang manlumo, dahil noon sa kanya ganoon ang dalaga ngunit ngayon ay sa iba na ito
Ngayon lang napapansin ni Haera na laging namumula ang mata ng kanyang anak na si Gelle. Nakausap na din pala niya ang anak niya kay Ghon. They spent their days in hospital para makasama siya. They are very happy. Si Ilham naman ay nanatili sa tabi niya, dinadalhan din siya ng pagkain ng Mommy at Nanay Nina niya. Kung minsan ay si Ilham ang namimilit na ipagluto siya. Laging gabi din naman bumabalik kaya nagtataka siya. “Anak, wala pa ba ang Daddy mo?” mahinahong tanong niya sa anak niyang si Gelle na nakaupo sa sopa malayo sa kanya at bahagyang nakatulala. Tumingin ito sa kanya ng malungkot at umiling. “W-Wala pa po, Mommy. Let's call him na po?” Nangunot ang noo niya at umiling. “Lets just wait him. Ang sabi ng Daddy mo ay tatawag o mag-t-text naman siya.”Wala itong nagawa kundi ang tumango. Kaya ng tumunog ang cellphone niya ay mabilis niya iyong kinuha. Si Gelle ay agad na lumapit sa kanya. Sakto namang pagsakot niya ay ang pagpasok ni Ghon. Natigilan ito ng makita silang ma
After what happened in that day, Ghon never show up in the hospital. She never asked ngunit sinabi pa rin ng Mommy niya na busy si Ghon sa kompanya nito. Dahil simula daw nang makita siyang muli ay hindi na ito bumibisita sa kompanya, hindi na nag-aattend ng mga meeting, nawalan na ito ng oras sa kompanya at tanging si Wize at ang Daddy ni Ghon na lamang ang nag-aasikaso no'n. “Do you want to eat, babe? Uuwi muna ako para kumuha ng damit mo, I'll cook for you,” Ilham said before fixing her bags. Iyon ang mga ginamit niya. Ang Mommy na sana niya ang magdadala no'n ngunit ayaw ni Ilham. Napapansin din ni Haera ang pamamayat ng fiance, namumutla din ito kung minsan. Hindi lang mapapansin dahil maputi ito. Hindi siguro nito alam na napapansin niya ang palaging pagtungo nito sa banyo. Sa katunayan ay napapansin na niya iyon simula nang nasa Palawan sila, ang umuwi ito galing sa business trip nito. Hindi na niya masyadong napansin iyon dahil busy ang isip niya sa ibang bagay. “Are you