Tahamik kaming nasa hapag ni Ghon. Ilang minuto nang matapos ang pag-uusap namin ay lumabas si Aling Nina at nakita kami roon. Mukhang alam niyang nagkasagutan kami ni Ghon dahil sa luhang nakikita sa mga mata ko. Niyaya niya si Ghon para mag-agahan na hindi naman tinanggihan nito. Ayoko sanang sumabay ngunit hinila na ako ni Aling Nina. Nasasaktan ako kapag nakikita si Ghon.
“Hindi pwedeng hindi, Rain. Baka nagugutom na ang baby mo, bawal kang magutom.”
Humugot ako ng malalim na hininga at nagsandok ng kanin para lagyan ang plato ni Ghon. Kusang kumilos ang katawan ko kaya mukhang nagulat ito, kahit ako ay natigilan din. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko dahil sa hiyang naramdaman. Nasanay akong ako lagi ang gumagawa no'n sa kanya. Every time we eat together, ako ang nag-aasikaso sa kanya. Nakatingin lang naman si Aling Nina at Grace sa aming dalawa.
“Thank you! You don't need to do that.”
Napangiwi ako. Kung pwede ko lang na pigilan ang sarili ko eh 'di sana ginawa ko na.
“My body moves by its own. Don't worry that's won't happen again.” Hindi ko siya pinansin pa ulit at sumandok na lang nang para sa 'kin.
Tahimik na kumain ako habang si Aling Nina ay kinakausap si Ghon. Naramdaman ko ang pasulyap-sulyap ni Ghon sa 'kin habang nakakunot ang noo niya. Kaya bawat pagsubo ko ay may pagmamadali. Nang maramdaman ko ang init ng kamay niya sa hita ko ay napaubo ako. Pakiramdam ko ay pumasok ang kanin sa ilong dahil sa pagkabigla ko sa ginawa niya.
“Dahan-dahan, Miss.” Binigyan niya ako ng baso na may lamang tubig, derederetso ko naman iyong ininom. Bumuntonghininga ako at panandaliang natulala. Alam kong namumula ang mukha ko ngayon. Bahagya akong umiwas para hindi niya iyon makita ngunit sa pag-iwas ko ay nakita ko ang nakangiting mukha ni Grace at Aling Nina.
Kunot ang noong nagpatuloy ako sa pagkain at paminsan-minsang napapaisip. Gayong wala si Lore siguro naman pwede kong simulan ang pagpapaalala sa kanya? Sapat na siguro ang isang linggong iyon para magawa iyon. Pipilitin ko siya sa ayaw at sa gusto niya. Wala akong pakialam kung magagalit siya dahil kahit anong mangyari ay ibabalik ko sa dati ang asawa ko. Ibabalik ko siya kung nasaan siya nararapat.
“Do you want to come with me?” Nasa salas ako nang lapitan ni Ghon. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang plano ko. Pinili kong ipaalala sa kanya ang nakaraan niya ngunit hito at wala naman akong ginagawa para ibalik iyon.
Bumuntonghininga ako at tumingala sa kanya. Hindi na ako nagdalawang-isip na pumayag kahit na hindi ko rin alam kung saan ang punta namin. Inalalayan niya akong tumayo, nagpaalam kami kay Aling Nina na aalis muna. Can I start now? Saan ako magsisimula? Bumuntonghininga akong muli na kinatingin ni Aling Nina.
“Bumalik ka pagkatapos. Tame, ikaw ang maghatid dito sa kanya, okay? Iwasan mong umiyak iyan, malalagot ka talaga sa 'king bata ka. Hala sige humayo na kayong dalawa at nang makabalik kayo bago magdilim.” Tumango si Ghon at saka niya ako inalalayan palabas ng bahay. Binitawan lamang niya ako nang makalayo-layo kami ng bahagya sa bahay.
Nakasulod lang ako sa kanya patungo sa kung saan. Nakatitig sa kanyang likuran at nagtataka din sa kinikilos nito ngayon. Parang kamakailan lang ay parang inis pa siyang makita o makasama ako. Pero ngayon ay siya pa itong nagyaya sa akin.
“Nasaan tayo?” Pinaupo niya ako sa isang upuan sa isang kubo, may kalayuan ito sa mga kabahayan. Nang tingnan ang paligid ay nakikita kong ito lamang ang nag-iisang kubo sa dakong iyong. Parang sinadya talagang ilagay ito iyon doon.
“Tambayan naming dalawa ni Lore ito. Pinili naming gawin ito malayo sa mga kabahayan para masolo ang isa't isa.” Si Lore na naman.
Dinala ba niya ako dito para lalong saktan lang? Para iparamdam na wala akong pag-asa kahit anong gawin ko. Nasasaktan akong isipin na ganoon nga ang pakay niya. Parang gusto niyang ipamukha na ang babaeng iyon na ang mahal niya. Na kahit anong sabihin ko sa kanya ay ito pa rin ang pipiliin niya. It's like he was giving me his answer without him knowing it. Tumayo ako, kuyom ang kamay na akmang aalis nang hawakan niya ang kamay ko.
“Please, stay.” For what? Tumalim ang tingin ko sa kanya.
Kumabog ang puso ko at hindi maiwasang masaktan lalo. “Para ano, Ghon? Para saktan lang din? Sumama ako sa'yo hindi para pakinggan ang tungkol sa babae mo! Kaya pwede ba? Hindi ako bato na kayang indahin lahat ng mga sinasabi mo.”
“Sorry. Hindi ko maiwasan.” Hinila niya ako paupo muli. “I just love her.” Damn him!
Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi niyang iyon, hindi ko inaasahan. Ramdam ko ang dahan-dahang pagtulo ng mga luha ko kasabay ng pagtayo ko at pagsampal sa kanya. Pumaling ang mukha niya sa kabila. Nakikita ko ang pamumula ng mukha niya dahil doon.
“You just love her? How about me then? Our baby? I am your wife, Ghon! Ako ang pinangakuan mo sa simbahan, hindi siya!” Paulit-ulit ko siyang sinampal hanggang sa mapagod ako. Nanghihina ang mga tuhod ko kaya napaupo. Tinakpan ang mukha at umiyak habang minumura siya. Ang sakit-sakit lang. “P-Paano mong nasasabi sa harap ko ang bagay na iyan? Naintindihan kong wala kang maalala pero sobra naman ito, Ghon. N-Nangako kang ako lang ang mamahalin mo at walang iba. Binigay ko naman ang lahat ah, kulang pa ba iyon para manatili ka? Kulang pa ba kami ng anak mo para piliin mong alalahanin kami?”
Bumaba ang tingin niya at wala akong makitang emosiyon doon. Lalo pa akong nasaktan dahil sa nakikita ko. “I'm Tame Azarcon. At wala akong ibang asawa kundi si Lore lang.” Tumayo siya at hindi man lang ako tinulugang makatayo. “I'm sorry but I just only want my Lore. Siya lang ang mahal ko at mamahalin pa. Makaalala man ako o hindi, siya pa rin ang pipiliin ko.”
Umalis siya nang hindi ako nilingon pang muli. Ngunit bago siyang umalis ay nakita ko ang pagsunot ng kanyang noo na hindi ko na lang pinagtuonan ng pansin.
Parang libo-libong palaso ang sinabi niyang iyon na tumarak sa puso. Masyadong bumaon at sobrang napakasakit. Humagulhol ako at tinakpan ang tainga dahil kahit umalis na si Ghon ay parang naroon pa rin ito at paulit-ulit na sinasabi ang katagang iyon. Para iyong sirang plaka na nagpaulit-ulit sa pandinig ko.
It hurts.
It hurts because I'm just trying to convince myself that won't be hurt on what happened on my life. Alam kong dinadaya ko lang ang sarili ko na maging matatag at lumalaban. But the truth is, durog na durog na ako. Isang klase ng pagkawasak na hindi ko alam na posible pa palang mangyari sa akin. And only Ghon can make me feel like that.
Pero pinili ko ito. Ginusto kong maging ganito ang takbo ng buhay ko kahit alam kong sa huli ako lang din ang dehado. Desisyon ko ang hanapin at ipaalala sa kanya ang lahat kahit na nakikita ko kung paano niyang mahalin ang iba.
Pinilit kong makatayo at naglakad pabalik ng bahay. Nararamdaman ko ang araw na tumatama sa balat ko. Nangunot ang noo ko nang bahagyang mahilo. Pakiramdam ko at umiikot ang paligid ko. May kalayuan kasi ang kubo sa mga kabahayan kaya nahirapan din akong makabalik agad. Pinilit ko pa ring maglakad, ngunit ilang hakbang lang ay lalo lang akong nakakaramdam ng hilo. Ang kanang kamay ko ay nakahawak sa aking tiyan at ang kabila ay nasa noo ko na. Ni hindi ko magawang humakbang dahil lalo lamang akong nahihilo at nasusuka. Mariin kong ipinikit ang mga mata at bumuntonghininga dahil sa inis. Paano na akong makauwi nito?
“Miss, are you okay?”
Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko. Ngunit boses ni Ghon ang narinig ko bago ako natumba. Ngunit nang may bumalot na mainit na bagay sa baywang ko ay hindi ko na kailangan na magtanong o manigurado dahil alam na agad ng puso ko na si Ghon ito. Ganito ang epekto ni Ghon Angeles sa akin. Kahit ang boses lamang niya ang naririnig ko ay grabe na ang reaksiyon ng puso ko. Tulad lamang noong nasa paaralan ako ay sinalo niya ako. Hindi ko inaasahan na bumalik siya, akala ko ay iniwan na niya ako ng tuluyan dito.
Binuhat niya ako pabalik sa kubo at dahan-dahang nilapag sa papag na naroon. Ang pagdampi ng kanyang kamay sa aking noo ay aking naramdaman. May pag-iingat niyang hinilot ang noo at sentido ko na para bang pinaparamdam niya ang pag-iingat niya na huwag akong masaktan.
“A-Ayos na ako.”
“You're not. Bakit ka ba kasi lumabas?” Nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya. Hindi ba at iniwan niya ako dito?
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata para tingnan siya. “A-Are you expecting me to stay here after you leave and hurt me?”
“Kumuha lang ako ng payong para sa'yo. Masyadong masakit sa balat ang araw.” Patuloy lang siya sa paghilot sa ulo ko kahit na pilit kong nilalayo ang kamay niya.
“Wala ka din namang sinabi na manatili ako.” Hindi ko napigilan ang sarili kong titigan siya. Gusto kong haplusin ang mukha niya. Nang magtagpo ang paningin namin ay napasinghap ako. Napakurap ako nang ilang beses upang palisin ang nagbabadya na namang pagtulo ng aking mga luha.
“I'm sorry but I just only want my Lore. Siya lang ang mahal ko at mamahalin pa. Makaalala man ako o hindi, siya pa rin ang pipiliin ko.”
Kahit anong gawin kong pagwaksi at paglimot sa sinabi niya kanina ay hindi ko magawa. Kahit na iyong sinabi niya ang halos bumaliw sa akin. Pinakalma ko ang sarili ilang minuto bago nilayo ang kamay ni Ghon. Nang maramdamang ayos na ako ay pinilit ko muling tumayo. Kusang kumilos ang katawan ko at niyuko siya. Nakatitig lang naman siya sa akin. Ni hindi siya gumalaw nang lumapit ang mukha ko at nilapat ang labi sa kanya. Dampi lang ang ginawa ko at agad na lumayo.
“Bukas na kita guguluhin. I feel so tired right now, Ghon.” Nagawa ko siyang ngitian bago tumalikod. Pero bago iyon ay kinuha ko sa kanya ang payong na sa tingin ko ay para sa akin.
Ghon intense gaze was piercing through me. Hindi ko man nakikita pero ramdam na ramdam ko iyon mula sa likuran ko. Gayunpaman, pilit ko iyong isiniwalang bahala. I wiped my tears while walking and tried my best to calm myself.
Nang sumunod na araw ay sumama ako kay Aling Nina sa kanyang tindahan. Nilibang ko ang sarili ko doon hanggang sa malapit na magtanghalian. Nagpaalam ako kay Aling Nina upang umuwi at magluto. Pinilit ko pa siya dahil ayaw niyang pumayag.
Sinigang na baboy ang niluto ko. Naglagay ako sa mangkok at tinakpan iyon. Lumabas ako ng bahay at binagtas ang bahay kung nasaan si Ghon. Nagbabakasali akong narito siya. Baka kasi nasa paaralan ito. Maliit akong napangiti nang makita ang nakabukas nitong pinto. Pumasok ako sa bakuran nila at tinawag siya.
“Ghon?” Paulit-ulit ko siyang tinawag bago ito lumabas ng bahay. Napaawang ang labi ko habang nakatitig sa kanya.
“Rain?” Nanlaki ang mga mata ko. Tinawag niya ako sa pangalan ko. May humaplos sa puso ko at pigil ang ngiting yumuko ng bahagya. Malakas pa rin ang epekto sa akin ng pagtawag niya sa pangalan ko. Mula noon pagkahanggang ngayon.
“I cooked sinigang na baboy.” Nilahad ko sa kanya ang mangkok na agad naman niyang kinuha.
Natulala siya at tinitigan ako. “Paborito ko.”
Tumango ako. “Alam ko.” Paborito natin iyan, Ghon. Pero ang luto mo ang paborito ko sa lahat.
Nagpaalam na ako sa kanya pagkatapos no'n ngunit nakaisang hakbang pa lang ako nang hawakan niya ang kamay ko. Para naman akong nakuryente dahil sa hawak niya. Nasanay na rin akong ganoon lagi ang nangyayari kapag humahawak siya sa akin.
“Did you eat already?”
Umiling ako. “Hindi pa. Sabay kami ni Aling Nina mamaya doon sa tindahan niya. Dinalhan lang kita dito.” Humarap ako at tumingkayad para maabot ang labi niya. Bahagya siyang napalayo at gulat na napatingin sa akin. “Hindi ako susuko sa'yo. Gagawin ko ang makakaya ko para ipaalala sa'yo ang lahat, Ghon. Kahit magalit ka pa ay hindi mo ako mapipigilan.”
Bumalik ako sa palengke na may malapad na ngiti sa labi. Ghon, didn't pushed me away when I kiss him. That's a progress right? Alam kong nagulat siya sa biglaang paghalik ko ngunit nakakatuwang isipin na kahit ilang ulit niyang sabihin sa akin na si Lore ang mahal niya ay sa kabila no'n ay hindi niya ako tinulak. Pinilit pa niya akong doon na lamang kumain ngunit hindi na ako pumayag dahil kailangan kong dalhan si Aling Nina ng tanghalian. Okay na din naman sa akin na hinayaan niya akong halikan siya. “Sasabay na lang ako kay Aling Nina. Kumain kana.” Pagkatapos no'n ay umalis na ako.Kinaumagahan ay nakangiting pinagmasdan ko ang aking sarili sa salamin at nang masigurong maayos ang aking itsura ay lumabas ako ng kwarto. Nagpaalam ako kay Aling Nina upang puntahan si Ghon. Tulad ng sinabi ko kahapon ay guguluhin ko siya ngayon araw. Sisimulan kong ipaalala sa kanya ang mga nawalang alaala. Isinantabi ko muna ang mga bagay na nangyari sa pagitan naming dalawa. Ayokong maalala ang sa
Hindi ko mapigilang mapahagikhik nang ibigay sa akin ni Ghon ang mga supot na puno ng mga manga at pinya. Napalabing sumunod ako sa kanya pagkatapos. Tulad kanina ay halos pagtinginan kami ng mga tao. Doon muli ako tumambay sa upuang nasa tapat ng classroom niya. Mabuti na lang at pinabalatan niya kanina ang dalawang manga at iyon ang kinain ko habang nakatitig sa kanya. Ang gwapo talaga ng asawa ko. Sumimangot naman ako ng maalala si Lore. Kaya siguro siya na inlove sa asawa ko. Sino ba namang hindi magkakagusto sa lalaking iyan. Lahat na yatang hinahanap mo sa lalaki ay nasa kanya na. Maliban lang sigurong sa ugali niyang napakasungit. “May relasiyon ba kayo ng asawa ni Lore?” May lumapit sa aking ginang kaya napatingin ako dito. Siya ang kanina pang nakatingin sa akin. Simula kaninang umaga. I even saw her pointing at me to other woman. “He's not Lore's husband!” asik ko na kinakunot ng noo nito. Mukhang hindi niya ako naiintindihan. “Ghon is my husband not with that girl! How d
“Isang subo pa.”“I don't w-want.” Umiling ako nang ilapit siya sa aking bibig ang kutsarang may lamang sopas. Niluto iyon ni Aling Nina at si Ghon ang nagsusubo sa akin. Hindi ko talaga alam kung bakit nandito siya dahil sa pagkakaalam ko ay may klase siya. Lumiban ba siya dahil sa akin? “Isa na lang, Rain.” Muli akong umiling at iniwas ang aking mukha. Pakiramdam ko ay busog na busog na ako kahit nakatatlong subo pa lang ako. Sa sobrang pagkabusog ko, pakiramdam ko masusuka na ako kapag kinain ko pa ang sinusubo niya. “Hindi pwedeng pabayaan mo ang sarili mo. Baka mapaano pa si babay. Please, isang subo na lang tapos hindi na.” Sumimangot ako na naging dahilan para mahina siyang mapatawa. Bakit ba kasi Hindi ko siya kanyang tanggihan. Nakakainis. Wala akong nagawa kundi ang ngumanga at tinaggap ang sinubo niya. Pagkatapos no'n ay hindi na talaga niya ako napilit pa dahil muntik na akong masuka. May naka-ready ng palanggana sa ilalim ng kama para kapag nagsuka ako sa doon na laman
Bitbit ang mangkok na may laman na paborito sinigang ni Ghon ay nagtungo ako sa bahay nila. Sabado ngayon kaya alam kong nasa bahay lang siya. Sa sabi ni Aling Nina ay hindi iyon gumagala sa kung saan-saan dahil ayaw daw nitong nag-aaway sila ni Lore tungkol sa bagay na iyon.Hindi ko maiwasang mapailing dahil sa ginagawa ko ngayon. Magpapakatanga na naman kasi ako sa kanya. Nasa punto na ulit ako ng buhay ko na kailangan ko ulit na ipilit at ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya kahit pilit niyang tinutulak ako palayo sa kanya.At sa huli ay iiyak na naman ako dahil nasasaktan sa pinagagawa niya. Gano'n naman lagi. Sa huli ay ako ang madidihado.Pinili kong kalimutan ang ginawa ni Ghon kahapon. Dahil iyon lang ang tanging magagawa ko sa ngayon para magpatuloy sa katangahan ko. Hindi na ako aasang mag-iiba 'to. Wala naman na sigurong bago Hangga't ganito ang kalagayan ay ganito na lang ako lagi. Sana lang ay huwag niya akong bigyan ng dahilan para tumigil at sumuko. Dahil alam kong kapa
Malungkot akong ngumiti habang nakatingin kay Ghon na nakahiga sa kama. Bawat oras na hindi siya nagigising ay nakakaramdam ako ng takot. Kahit sinabi na sa akin ng doctor na okay na siya, na kailangan lang ni Ghon ng pahinga ay hindi maaalis sa akin ang mag-alala. Nakita ako ang paghihirap niya nang oras na iyon. Kahit na gusto ko siyang makaalala agad ay natatakot akong makita siya sa ganoong sitwasiyon.Inangat ko ang kamay ko para masuyong haplusin ang mga pisngi niya. Mahimbing siyang natutulog pero nagagawa kong hangaan ang itsura niya. Hindi ko maipagkakailang lalo siyang gumagwapo kapag natutulog. Then my fingers trailed softly from the tip of his nose down to his soft upper lips. His nose is so pointed, pakiramdam ko ay kaya akong tusukin no'n.“H-Honey, please wake up. I don't want you here,” mahina kong wika at bahagyang lumapit pa sa kanya. Masuyo kong dinampi ang labi ko sa labi niya. Naramdaman ko agad ang lambot no'n na naging dahilan para mapangiti ako. Nang akmang la
“Rain, are you okay?” nag-aalalang lumapit sa akin si Ghon saka ako hinawakan sa braso. Nakita ko ang pag-alala sa kanyang mga mukha habang papalapit sa akin.“Tame, umalis ka diyan!” Pilit siyang hinihila ni Lore palayo ngunit wala doon ang atensiyon ko. Hindi ko sila magawang tingnan man lang dahil mas lalo akong nag-aalala sa anak ko.I tried to stand up at nagawa ko iyon sa tulong ni Ghon. Marahan ang pag-alalay niya na para bang mas takot siyang matumba akong muli. Ngumiwi ako nang maramdaman ang pagsakit ng tiyan ko. Hindi iyon ang klase ng sakit na lagi kong nararamdaman. Iba siya kaya mas lalo akong natakot. Hinimas ko ang tiyan ng bahagya ngunit lalo lang sumakit ito dahilan para humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Ghon.“What happened? May masakit ba?” he worriedly asked nang makita ang bahagyang pagngiwi ko. Ang kabilang kamay niya ay humaplos sa pisngi ko.Bago pa ako makasagot sa kanya ay tumama na ang likuran ko sa pader dahil sa pagtulak muli ni Lore sa akin. Nanla
After that talk with Ghon I never let him come near me again. Ayokong nasa malapit siya dahil habang nararamdaman ko ang presensiya niya ay mas nasasaktan ako. Sa tulong ni Wize ay magawa kong makalayo sa kanya...nagawa kong itaboy siya. Naglagay ng bodyguard si Wize sa labas ng kwarto ko habang narito ako sa hospital, at iyon din ang isa sa dahilan kung bakit hindi makalapit si Ghon. Sa tatlong araw kong narito sa hospital ay wala akong ginawa kundi ang umiyak at paulit-ulit na sinisisis si Ghon sa lahat ng nangyari sa anak ko.Sa puntong iyon ay hindi ko hinayaang madaig akong muli ng pagmamahal ko sa kanya. Iyon na Ang huli. Lahat ng mga bagay na ginawa niya sa akin muli simula ay tinatak ko sa utak ko, iyon ang ginawa kong rason pa para lalo akong magalit at pagsuklaman siya.“I want to go back in Manila. I don't want here anymore, Wize. I-Iuwi mo na ako p-please.” Lalo akong napaiyak ng maramdaman ko ang yakap nang mahigpit ni Wize. Ramdam ko ang matindi niyang pag-alala at awa s
Two weeks have passed when I let myself lock on my room. Nasa loob lang ako sa dalawang linggong iyon, nagmumukmok at umiiyak. Kahit anong pilit ng magulang ko na lumabas ay hindi ko magawang makinig. Hindi ko pa kaya. Dahil kahit anong subok kong lumabas ay nanumnumbalik pa rin sa akin ang alaalang iyon. Natatakot akong may marinig tungkol sa nangyari o kahit man lang sa kanya. Natatakot akong lalong mawasak. I want to forget everything even just for short time.Ghon parents visit me five days ago and they already know about my miscarriage. Wize tell them what happened and I feel their disappointment to their son. Nakita ko ang sabay na pagbagsak ng mga balikat nila, ang pagbalatay ng galit nila sa anak nila. They fell sorry to me and it's make me hurt more than I thought. This is the pain that I want to disappear right away. Hindi ko kasi kaya. Gayong pamilya na nito ang kaharap ko ay lalo lang akong nasasaktan, nawawasak. Hindi ko alam kung paano hawakan ang ganitong emosiyon ko.
Ilham POVPatungo pa lamang si Ilham noon sa Batangas noon para sa isang property na bibilhin niya. Kailangan niyang tingnan muna iyon bago pumirma ng kotrata sa kanila. Plano niya kasing gawing rest house iyon. He's readying for his future. Gusto niya kasing naka-settle na ang lahat para sa magiging pamilya niya para kapag nahanap na niya ang babaeng para sa kanya ay may maiiwan siya para sa mga ito. “Pagkatapos ko sa Batangas ay babalik ako diyan. Hindi naman ako magtatagal. Tsk!” Kausap niya ang doktor niyang kaibigan sa Australia. He's also a Filipino kaya nakakaintindi ng Tagalog. “Make it sure, Ilham. The last time na sinabi mo iyan, dalawang linggo mong tinupad!” inis na sigaw nito sa kanya. Hindi maiwasang mapangisi si Ilham. Daig pa kasi nito ang babae sa tinis ng boses nito. Kasalanan ba niya kung may binabantayan siyang tao kaya siya nagtagal sa Pilipinas? Umiling-iling na pinatay niya ang tawag pagkatapos magpaalam. Pagkarating niya ng Batangas ay agad niyang pinuntah
Haera was smiling while looking at the sunset in front of her. The laugh and chitchatting of her family and kids was filled the whole place. Years has past, she's slowly accepting that Ilham Pratama was really gone forever. Hindi na niya ito mahahawakan o mayayakap pang muli.Ngunit sa nangyaring iyon, natutunan ni Haera na kahit sa sandaling mga sandali ng pagmamahal ay nag-iwan ng walang hanggang bakas, and her heart was thankful para sa maikling oras na kanilang ibinahagi sa isa't isa.In the intricate tapestry of life where moments are woven with delicate threads of memories, she discovered, with a heart heavy with both sorrow and love, that her time with Ilham, although painfully brief, shimmered with an intensity and depth that many might never experience in a lifetime, teaching her the bittersweet truth that sometimes, the most profound joys are those that are fleeting, yet they leave an indelible mark on the soul.Mahirap man nang una dahil nasanay siyang laging nakaalalay si
After the wedding ay nagtungo na sila sa reception. Labis ang saya at emosiyon ang naramdaman ni Haera sa oras na iyon, ganoon din si Ilham. Because she's finally a Mrs. Pratama, for real.Kaya hindi maalis ang ngiti sa labi nilang pareho. Nakasandal si Ilham sa kanya habang nilalaro nito ang kamay niya. She kissed his cheek everytime he was poking her hand.“After the reception, can we go somewhere else? In our favorite place,” he finally talk that make her stunned.Mula nang umalis sila sa simbahan ay panay lamang ang ngiti nito. Ngayon namang nagsalita ito ay mas gugustuhin na lamang niyang tumahimik ito hanggang mamaya. She doesn't want to hear what he gonna say, dahil alam niyang hindi niya iyon magugustuhan.“Not now, Ilham please.” Nawala ang ngiti na kanina'y hindi mawala sa labi niya. Bumagsak ang balikat at malalim na bumuntonghininga.Pinagsalikop ni Ilham ang kamay nilang dalawa. Ayaw niya itong tingnan dahil natatakot siya, natatakot siyang baka bigla na lamang siyang hum
Nang gabing iyon ay hindi sila nagtabi ni Ilham sa pagtulog. Si Gelle ang tumabi sa Daddy nito samantalang siya ay natulog katabi nang Mommy niya. Kinaumagahan ay sunod-sunod na dumating ang mga mag-aayos sa kanya. Kaya habang naliligo ay hindi maalis sa kanya ang ngiti niyang mula pa yata kagabi. Pakiramdam niya mula pagtulog ay nakangiti pa din siya. “Ang blooming naman nitong anak mo, Mare!” Paglabas niya ng banyo ay iyon ang bumungad sa kanya.“Hindi kami mahihirapan dito, kahit simpleng makeup ay maganda na itong anak mo,” sabi naman ng makeup artist sa kanya. Bahagya siyang tumawa. Lumapit naman ang mga ito sa kanya at sinimulan na siyang ayusan. Pati ang Mommy niya ay inayos na din ng mga ito. Her bridesmaid was Grace and Craine, at sa groomsmen ay ang kaibigan ni Ilham. Ayaw kasi si Wize dahil kaibigan din nito si Ghon. Hindi na niya iyon pinilit pa. “Si Ilham, Mom?” she asked. “May nag-aayos na sa kanya. He's with his groomsmen kaya huwag ka nang mag-alala.” Tumango siya
Nagising si Haera kinaumagahan dahil sa pilit na mag-alis ni Ilham sa yakap niya. Pilit itong huwag maubo dahil ayaw siyang nagising nito. Nangunot ang noo ni Haera at mabilis na iminulat ang mga mata, na natuon naman agad iyon sa kanyang Fiance na sumusubok na tumalikod at doon umubo.Lumapit siya at hinaplos ang likuran nito. “Babe, are you okay?” nag-aalala siya. Ilham nodded, he can't speak because of his cough. Maluha-luha niyang hinaplos ang likuran nito ngunit nang lumakas at parang nag-iba ang klase nang pag-ubo nito ay tumayo siya at tinakbo ang pinto. Tuloy-tuloy na pagtulo ang luha niya dahil sa kaba ngunit pilit niyang pinapatatag ang kanyang sarili. “Doc, Mommy, si Ilham po!” she shouted loudly habang nasa hamba ng nakabukas na pinto. Bumalik siya sa kama nang marinig ang sunod-sunod at malakas na yabag patungo sa kwarto nila. Natigilan si Haera nang makita ang kung ano sa kamay nito. Tinatakpan ng kamay nito ang bibig habang umuubo ngunit nang tingnan nito ang kamay
Pagdating nina Haera sa Australia ay agad na siyang dumeretso sa hospital na sinabi ni Grace. Hindi na inalintana ang pagod sa byahe. Sinundo sila ng tauhan ni Ghon. Doon niya lang nalaman na may bahay at business din pala ito doon. “Magpahinga muna kayo sa bahay mo,” pagod niyang wika kay Ghon na kanina pa napapansin niyang nakatitig sa kanya. “Puntahan niyo na lang ako mamaya dito. Let the kids rest muna. I will stay here and find Ilham.” Hindi na niya hinintay pa na sumagot ang mga ito at lumabas na ng kotse. Mabuti na lang at tulog na ang mga bata. Walang lingon-lingong naglakad siya papasok sa loob. Ngunit hindi niya inaasahan na habang naglalakad ay binati siya ng mga nurse o mga nagtatrabaho doon. Gulat ang mga itong makita siya ngunit nagawa pa ring batiin siya.“Mrs. Pratama,” someone called him.That's it. Nakilala siya bilang asawa ni Ilham. Bahagya siyang napangiti at labis ang pagpipigil na huwag umiyak sa harap ng mga ito. “W-Where's my husband? Si Ilham?” Nang lumap
Kakauwi lamang ni Ghon mula sa trabaho nang mapansin ang Mommy ni Rain sa living room, she look problematic to something. Wala na ang mga bata, paniguradong tulog na ang mga ito. Simula nang lumabas si Rain sa hospital ay pansamantala na mula silang nanatili doon. Lumapit siya at tumabi sa pangalawang Ina.“Mom, what happened?” Napapansin kasi nito ang pagka-problemado ng Ina ni Rain. Nanggaling ito sa pag-iyak, basi sa pamumula ng mata nito. Sofie look at him and sighed heavily. “She's crying whole day, hijo, ayaw niyang tumigil kahit na anong gawin namin. She's looking for him... she misses him so much that I can't stopped her from hurting.” Inaamin ni Ghon na nasasaktan siya. Lagi naman siyang nasasaktan kapag nakikitang mas mahal ni Rain si Ilham. If she's always looking at him... and hurting because he's not there beside her. Na sa pagmulat ng mga mata ay si Ilham agad ang hanap. Hindi niya mapigilang manlumo, dahil noon sa kanya ganoon ang dalaga ngunit ngayon ay sa iba na ito
Ngayon lang napapansin ni Haera na laging namumula ang mata ng kanyang anak na si Gelle. Nakausap na din pala niya ang anak niya kay Ghon. They spent their days in hospital para makasama siya. They are very happy. Si Ilham naman ay nanatili sa tabi niya, dinadalhan din siya ng pagkain ng Mommy at Nanay Nina niya. Kung minsan ay si Ilham ang namimilit na ipagluto siya. Laging gabi din naman bumabalik kaya nagtataka siya. “Anak, wala pa ba ang Daddy mo?” mahinahong tanong niya sa anak niyang si Gelle na nakaupo sa sopa malayo sa kanya at bahagyang nakatulala. Tumingin ito sa kanya ng malungkot at umiling. “W-Wala pa po, Mommy. Let's call him na po?” Nangunot ang noo niya at umiling. “Lets just wait him. Ang sabi ng Daddy mo ay tatawag o mag-t-text naman siya.”Wala itong nagawa kundi ang tumango. Kaya ng tumunog ang cellphone niya ay mabilis niya iyong kinuha. Si Gelle ay agad na lumapit sa kanya. Sakto namang pagsakot niya ay ang pagpasok ni Ghon. Natigilan ito ng makita silang ma
After what happened in that day, Ghon never show up in the hospital. She never asked ngunit sinabi pa rin ng Mommy niya na busy si Ghon sa kompanya nito. Dahil simula daw nang makita siyang muli ay hindi na ito bumibisita sa kompanya, hindi na nag-aattend ng mga meeting, nawalan na ito ng oras sa kompanya at tanging si Wize at ang Daddy ni Ghon na lamang ang nag-aasikaso no'n. “Do you want to eat, babe? Uuwi muna ako para kumuha ng damit mo, I'll cook for you,” Ilham said before fixing her bags. Iyon ang mga ginamit niya. Ang Mommy na sana niya ang magdadala no'n ngunit ayaw ni Ilham. Napapansin din ni Haera ang pamamayat ng fiance, namumutla din ito kung minsan. Hindi lang mapapansin dahil maputi ito. Hindi siguro nito alam na napapansin niya ang palaging pagtungo nito sa banyo. Sa katunayan ay napapansin na niya iyon simula nang nasa Palawan sila, ang umuwi ito galing sa business trip nito. Hindi na niya masyadong napansin iyon dahil busy ang isip niya sa ibang bagay. “Are you