Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)

Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)

last updateLast Updated : 2022-07-21
By:  EljayTheMilkCompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 ratings. 2 reviews
85Chapters
3.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

After she laid unconscious on Zach's cold body, she unpredictably once had this strange dream. A man who sends her a message that is not legible, but surely giving clue about Zach. The context that's not written in the alphabet made her even more confused. As the words started to fly around her head; full of questions with lack of answers. She began to be curious not just about what the letter says but also about herself. It feels strange, but not. It feels like she just lost someone who's exceptional to her. She's grieving and finding the love of a father, the care of a brother, and the unending worry of a mother. Her true identity begun to hunt her, a true identity that she didn't know it's existing. With emptiness and the feeling of melancholy in her heart, one day, she woke up in a different room surrounded by white walls, quiet hallways, chemical scented places, life monitors, ventilators, and people who are shouting and yelling for help to save and revive their love ones. Knees bent down on the floor, tears falling to their cheeks while both hands are clasps, begging for help. What will happen to her after losing the man she loves? What will happen after knowing the truth? Will she still be able to accept it, or throw it away? Will she still be able to forgive who betrayed her, for the second time, or will she picks to understand again its reason?

View More

Chapter 1

Prologue:

Kasalukuyang nakatayo ang matangkad at makisig na binata sa tabi ng kanyang kama. Naksuot ito ng simpleng titanium basic tees kapares ang isang itim na cargo shorts. Sa simpleng pananamit nito ay masasabi mo ng napakalakas ng dating niya sa mga kababaihang kaedaran nito. Makapal ang kanyang mga kilay at mapupungay ang mga mata tsaka matangos ang ilong. Matataba ang magkabilang pisnge tsaka may perpektong hugis ng panga at may mapuputi at maayos na ngipin bagay na mas lalong nagpapalakas ng kanyang dating. Masaya nitong pinagmamasdan ang isang dilag na mahimbing na natutulog. Kontentong-kontento na ang kanyang puso habang nakatingin lamang sa babaeng mahal niya. Maya-maya pa ay bahagyang napangiti ang binata sa sarili bagay na ikinailing nito bago wala sa sariling napasulyap sa labas ng kanyang bintana. 

Ang gabing malalim at ang malamig na simoy ng hangin habang patuloy na isinasayaw ang bawat sanga at berdeng dahon ng mga matatayog at matataas na mga puno at magagandang mga halaman ang unang bumungad sa kanya. Nakakahalinang pakinggan ang huni ng mga ibong malayang nagliliparan sa malawak na kalangitan. Nakakagaan sa pakiramdam na pagmasdan ang mga mumunting liwanag na binibigay ng mga kuliglig sa iba't-ibang parte ng kalawakan. Ang maliwanag na kalangitang nagbibigay ningning sa kadiliman na pumapalibot sa kabuoan ng mundo ay nagbibigay pag-asa sa bawat tao. Pag-asang bumangon kahit ilang beses nang paulit-ulit na nadadapa. Pag-asang minsang pinagdududahan ng lahat. Pag-asang hindi mo sukat akalaing darating ulit sayo. Madilim man ang buhay mo, magulo man ang mundo, mawalay man sa iyo ang taong mahal mo, darating at darating pa rin ang araw na may iisang taong bubuhay ulit sa iyo. Hindi man ito tulad ng inaasahan mo, ngunit nasisiguradong siya ang babago sa'yo. 

"Wake up, Miel," panggigising ng binata sa dilag na mahimbing na natutulog. Bahagyang kumunot ang noo ng dalaga kasabay ng pagsalubong ng mga kilay nito habang nakapikit pa rin ang mga 

mata. 

Nakagat na lamang ng binata ang pang-ibabang labi upang pigilan ang kilig na nararamdaman. Simpleng pagkilos lamang ng babaeng mahal niya'y sapat na upang maapektuhan ang buo niyang pagkatao. Lumapit ang binata sa dalaga tsaka umupo sa tabi nito. Dahan-dahan niyang inangat ang isang kamay upang ilagay sa likod ng tainga ng dalaga ang ilang hiblang buhok na tumatabing sa kanyang mukha. Bahagyang pumula ang ilong ni Kai matapos mapagtantong napakaganda ng dilag na nasa kanyang harapan. 

Pangarap niya itong pakasalan. Pangarap niyang magkaroon ng masayang pamilya sa kanya. Pangarap niyang makasama ito habang buhay, pero hindi iyon ang pangarap ng tadhanang nakasunod sa kanila. Napakaswerte na lang niya dahil sa kanya napunta ang dalagang ito. Napakaswerte niya dahil nakilala niya ito kahit pa kapalit nito ang kanyang totoong pagkatao. Dahan-dahang bumaba ang palad ni Kai papunta sa pisnge ng dalaga tsaka ito marahan, maingat at masuyong hinaplos gamit ang kanyang hinlalaki. Napakapula at napakakinis ng kanyang morenang balat. Napakaganda tignan at napakaliwanag sa mga mata. 

Bahagyang gumalaw ang babaeng kaharap niya tanda na malapit na itong magising. Agad namang humiga si Kai sa tabi ng dalaga tsaka dahan-dahan at marahang iniyakap ang braso sa bewang nito bago hinapit papalapit sa kanya dahilan upang magdikit ang kanilang katawan sa isa't-isa at maghalo ang kanilang sariling pabango bagay na mas lalong ikinangiti ng binata. Maingat na sinusuklayan ni Kai ang mahaba at malambot na buhok ng dalaga gamit ang sariling daliri habang dinadampian ng magagaan at masusuyong h***k ang tuktok ng ulo nito. Paminsan-minsan rin ay napapapikit siya sa tuwing kumikirot ang bandang uluhan niya, kung nasaan ang sugat niya.

Maya-maya pa'y naramdaman ni Kai nang magmulat ng mga mata ang babaeng nasa tabi niya. Mabilis na kumunot ang noo ng dalaga bago dahan-dahan at pupungay-pungay ang mga matang tumingin sa lalaking katabi niya. Nanliliit ang mga mata siya nitong tinignan habang pinagmamasdang mabuti ang binata. Maya-maya pa ay awtomatikong nanlaki ang mga mata ng dalaga nang mapagtanto kung sino ang kanyang kasama. 

Napakurap siya ng ilang beses kasabay ng sunod-sunod na paglunok. Kinusot-kusot pa nito ang sariling mga mata upang siguraduhin ang nakita. Wala sa sariling nakagat ng dalaga ang kanyang pang-ibabang labi habang sabik na sabik na nakatitig kay Kai. Huminga ito ng malalim tsaka inipon ang hininga sa loob ng bibig upang ipalobo ang pisnge bago dahan-dahang pinakawalan upang pigilan ang mga luhang gustong kumawala. Kusa at madamdaming napangiti ang babae kasabay ng pagtulo ng mga luha mula sa mga mata dulot ng matinding saya at tuwa na nararamdaman sa puso.

"It's you," naiiyak at wala sa sariling sambit ng dalaga na ngayo'y hindi na maawat ang pagtulo ng mga luha. Dahan-dahang inabot nito ang pisnge ni Kai upang haplosin ang malambot nitong balat. Kusang napapikit ng mga mata ang babae habang dinadama ang init na dala ni Kai. Sa bawat haplos na ginagawa niya sa binata ay mas lalong dumarami ang mga luhang kumakawala. Masinsinan niyang dinadama ang malambot at makinis na balat ng binata, dinadama ang presensya nito, sinusulit ang oras na meron silang dalawa at inaalala ang ilang araw niyang pangungulila sa kanya, hinahanap at kinukwestyon ang sarili. Dahan-dahan niyang iminulat muli ang mga mata at diretsong tumingin sa mga mata ng binata. "I missed you," madamdamin at sinserong usal nito na mas lalo pang inilapit ang sarili kay Kai. Minsan niya pang hinaplos muli ang pisnge ng lalaking kaharap niya bago tumingin ng diretso sa mga mata ng binata.

"I missed you too, Miel." masayang-masayang tugon ni Kai at hinawakan ang kamay ng dilag na nasa kanyang pisnge. Mariing pinisil iyon ng binata kasabay ng pagkawala ng kanyang magagandang ngiti bagay na mas lalong ikinaiyak ng dalaga dulot ng matinding saya at tuwa. "Why are you crying?" Nag-aalalang tanong ni Kai tsaka umayos sa pagkakahiga at hinarap siya upang punasan ang mga luhang tumutulo sa mga mata ng babaeng pinakamamahal niya.

Sa pamamaraan pa lamang ng paghawak nito sa mukha niya, sa pamamaraan ng kanyang paghaplos sa pisnge, sa pamamaraan ng kanyang mga titig sa dalaga ay makikita mo ang purong pagmamahal na kayang ibigay ng binata. Pagmamahal na hindi mo sukat akalaing mararanasan. Pagmamahal na walang hanggaganan. Pagmamahal na hindi maikokompara kahit kanino. Mas lalong napaiyak ang dalagita nang mapagtantong napakaswerte niya't siya ang piniling mahalin ng binata. 

Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ni Kai kasabay ng pagkunot ng kanyang noo habang nag-aalalang tumingin sa kanya. Mas lalong lumalakas ang kanyang pag-iyak sa tuwing sinusubukan nitong punasan ang kanyang mga luha. 

"Why are you crying? Hmm?" malumanay na tanong ni Kai na diretsong tumingin sa dalaga. Hindi siya nito sinagot at nanatili lamang na tahimik na umiiyak habang hindi matigil ang mga matang nakatuon sa bawat sulok ng mukha ni Kai. 

Muling pinunasan ni Kai ang kanyang mga luha tsaka dahan-dahang dinampian ng masuyong h***k ang kanyang noo bagay na kusang ikinapikit ng mga mata ng dalagita upang damhin ang sarap at init na dulot nito. Ilang minuto pang nagtagal ang mga labi ni Kai sa noo nito bago ito nagawang pakawalan upang muling yakapin ng mahigpit at ibaon ang ulo ng dalagita sa kanyang d****b para iparinig sa kanyang mahal na ang bawat pagtibok ng kanyang puso ay siya namang pagkabuhay ng kanyang pag-asang mabuhay pang muli, pag-asa na lumaban sa kahit na anong problemang darating.

Mahigpit na niyakap ng dalaga si Kai tsaka mas lalong ibinaon ang mukha sa matitipuno nitong d****b. Mabilis na umalingasaw ang nakakahalinang pabango ng binata sa kanyang pan-amoy na wala sa sariling ikinangiti nito. Nagtagal pa sila ng ilang minuto sa ganoong posisyon nang biglang basagin ni Kai ang katahimikan.

"Miel," pagtawag niya sa babaeng mahal niya tsaka bahagyang sinilip ito mula sa kanyang d****b. Mabilis naman itong nag-angat ng paningin upang tignan siya bagay na ikinangiti ng binata. "I love you," sinserong-sinserong aniya na mas lumapad pa ang mga ngiti sa labi dahilan upang biglaang pumula ang pisnge ng dalaga. Napakagat labi si Kai upang pigilan ang sarili na h'wag matawa matapos makita ang pamumula ng kanyang pisnge. Awtomatikong sinamaan siya ng paningin ng dalagita bagay na inilingan lamang ni Kai. "Come here," pangyayaya ni Kai tsaka dahan-dahang kinalas ang pagkakayakap nila sa isa't-isa para tumayo at maunang maglakad papunta sa vanity table niya.

Nagtataka siyang tinignan ng dalagita kasunod ng pagsalubong ng kanyang mga kilay. Nakita niya kung paano i*****k ni Kai ang blower sa saksakan bago kumuha ng suklay sa drawer ng vanity table. Hindi pa rin gumagalaw ang dalaga at nanatili lamang na nakahigang pinagmamasdan si Kai.

"Come on," pang-aaya ulit ni Kai na ngayo'y nakabusangot na matapos makitang hindi man lang siya gumalaw. 

Inismiran siya nito tsaka napipilitang bumangon at naglakad papalapit sa binata. Huminto ang dalaga sa harapan ni Kai bago niya ito taasan ng isang kilay. Ngingiti-ngiting tinignan naman siya ng binatilyo bago masuyong hinila ang kanyang palapulsuhan upang paupuin ito sa espasyong iniwan niya sa gitna ng kanyang mga hita. Mabilis na ipinulupot ni Kai ang isa niyang braso palibot sa bewang ng dalaga upang hapitin ito papalapit sa kanya. 

Biglaang bumilis na lamang ang pagkalabog ng puso ng dalagita matapos gawin ni Kai ang palagi niyang ginagawa sa kanya. Wala sa sariling napaangat siya ng paningin upang tignan si Kai na ngayo'y hawak-hawak na ang blower sa kaliwang kamay samantalang suklay naman sa kanan. 

"I missed doing this," ngiting aniya habang tutok na tutok ang mga mata sa kanyang pulang buhok na ngayo'y bino-blower na niya habang sinusuklayan. 

Bahagya pa itong napapatagilid at napapangiwi sa tuwing pumapasok ang ilang hiblang buhok ng dalagita sa kanyang bibig bagay na ikinatawa nito.

Hindi nila alam kung ilang minuto ang tinagal ng kanilang pagtatawanan at pagsasayahan nang biglang magsalita si Kai. 

"You need to wake up," maya-maya'y aniya sa dalaga na ngayo'y seryosong-seryoso na ang tinig. 

Mabilis siyang nagtaka sa biglaang paneneryoso ng binata.

"I am awake." Nakakunot-noong saad naman ng dalagita. Salubong ang mga kilay at nagtataka niyang tinignan si Kai na para bang hibang na hibang sa sinasabi nito. "Ano ba pinagsasabi mo?" Bahagyang nainis ito matapos ng biglaang pananahimik ng binata. 

Sa halip na sagutin siya ay may kinuhang papel at lapis ang binata sa loob ng tukador tsaka nagsulat ng kung ano roon. Hindi maintindihan ng dalaga kung bakit bigla na lang naging ganito ang kaharap niya. Nalilito at nagtataka siya sa mga kakaibang ikinikilos nito. Gusto niyang mainis pero alam niyang hindi ito tamang oras para pairalin ang inis. 

"Here," pag-aabot sa kanya ni Kai ng isang pirasong papel na maayos at malinis na nakatiklop. Napapantiskulang napatingin siya roon bago kunot na kunot ang noong napatingin kay Kai. 

"Anong gagawin ko dito?" paasik niyang tanong bago padarag na kinuha ang nakatuping papel. Binuksan niya ito tsaka binasa ang nakasulat sa loob. "What the freaking fuck is this?" Naiinis na singhal ng dalaga matapos makita ang nakasulat sa loob ng papel. 

Wala siyang maintindihan sa mga sinulat ng binata sa papel. Ni hindi niya mawari kung sulat pa ba iyon. Kunot na kunot ang noo at salubong ang mga kilay siyang tumingin kay Kai upang tanongin kung pinagloloko lang ba siya nito. 

"Your language." Pagsita agad ni Kai matapos marinig ang salitang lumabas sa bibig niya bagay na ikinairap ng dalaga. Hindi na lamang siya pinansin ni Kai tsaka dahan-dahang tumayo mula sa pagkakaupo bago siya maayos na hinarap. "I need to go," paalam ng binata at bahagyang ngumiti bagay na mas lalong ikinakunot ng noo ng dalaga. Pinasadahan ng binata ng kanyang daliri ang kanyang buhok bago napabuga ng malalim na hininga tsaka siya nginitian. "See you there." aniya na may malapad at magandang ngiti pa sa mga labi habang kumakaway sa kanya animo'y aalis na ito anomang oras. 

Magsasalita pa sana ang dalagita ngunit agad ring natigilan dahil sa nakita. Unti-unting binabalot ng kadiliman at kasakiman ang katawan ni Kai na tila isang ipo-ipong kumakain ng tao, pero kahit pa ganoon ay hindi pa rin iyon naging dahilan upang mawala ang napakagandang ngiti ni Kai. Biglaang kumirot ang sentido ng dalaga kasabay ng malakas na pag-ihip ng madilim at itim na hangin dahilan upang mahigpit siyang napakapit sa gilid ng vanity table. Sinubukan niyang tignan si Kai na ngayon ay unti-unti nang nawawala dahil sa kadiliman na bumabalot sa kanya. Mas lalong sumakit ang sentido nito lalo na no'ng makarinig siya ng nakakarinding tunog na nagmumula sa kung anu-anong makina kasunod ng malalakas na pagkalabog na nanggagaling sa kung saan. Mariing sinapo ng dalaga ang kanyang uluhan tsaka napangiwi nang maramdaman na parang pinupokpok ng martilyo ang kanyang ulo sa sobrang sakit. Muli niya pang pinalibot ang kanyang paningin para lamang makita ang kadiliman na unti-unting lumalapit sa kanya. Hindi niya alam kung anong dapat niyang gawin at wala sa sarili at dali-dali na lamang siyang umatras nang umatras na para bang natatakot na kainin ng kadiliman. Napahinto lamang ang dalaga sa pag-atras matapos maramdaman ang malamig na pader sa kanyang likuran dahilan upang habol-hininga niyang tinanaw ang kadiliman na ngayo'y mabilis nang sinasakop ang kabuoan ng silid. 

Mas lalong sumakit ang kanyang ulo kasabay ng pagbilis ng paglapit ng kadiliman sa kanya. Impit siyang napasigaw nang mas lalong sumasakit ang kanyang sentido sa bawat segundong napapalapit sa kanya ang hanging itim. Maya-maya pa ay dahan-dahan siyang napaupo sa sahig dulot ng matinding panghihina habang habol-hiningang tinignang muli ang kadiliman na ngayon ay unti-unti na siyang kinakain. Habang papalit sa kanya ang hanging itim na tila ipo-ipo ay siya namang pag-alingasaw ng hindi kaaya-ayang kemikal na amoy dahilan upang umikot ang madilim na paningin ng dalaga. Agad siyang napaupo sa sahig habang habol hiningang tinanaw ang kadiliman na ngayo'y unti-unti na siyang nilalapitan. Nakakuyom ang kamay niyang hinihintay na makalapit ito sa kanya kasunod ng pagkawalan niya ng malay tsaka padarag na bumagsak ang katawan sa malamig at sementadong sahig. Wala siyang maintindihan sa nangyayari pero alam niyang may maling nangyayari sa kanya. 

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Docky
ang ganda nito! galing ng author! keep on writing ...️...️
2022-05-09 12:11:14
1
user avatar
Ayinne Eiram
dear author really create wondrous stories! more views to come!!
2022-03-30 08:27:25
1
85 Chapters
Prologue:
Kasalukuyang nakatayo ang matangkad at makisig na binata sa tabi ng kanyang kama. Naksuot ito ng simpleng titanium basic tees kapares ang isang itim na cargo shorts. Sa simpleng pananamit nito ay masasabi mo ng napakalakas ng dating niya sa mga kababaihang kaedaran nito. Makapal ang kanyang mga kilay at mapupungay ang mga mata tsaka matangos ang ilong. Matataba ang magkabilang pisnge tsaka may perpektong hugis ng panga at may mapuputi at maayos na ngipin bagay na mas lalong nagpapalakas ng kanyang dating. Masaya nitong pinagmamasdan ang isang dilag na mahimbing na natutulog. Kontentong-kontento na ang kanyang puso habang nakatingin lamang sa babaeng mahal niya. Maya-maya pa ay bahagyang napangiti ang binata sa sarili bagay na ikinailing nito bago wala sa sariling napasulyap sa labas ng kanyang bintana. Ang gabing malalim at ang malamig na simoy ng hangin habang patuloy na isinasayaw ang bawat sanga at berdeng dahon ng mga matatayog at matataas na mga puno at magagandang
last updateLast Updated : 2021-12-01
Read more
01: ILLUSION
Waking up means accepting the cruel reality. Reality that has an opening door, but doesn't have an exit.•••Pawis na pawis ang noo ko habang habol-habol ang sariling hiningang nakasapo ang isang kamay sa aking sentido. Nanginginig ang aking katawan at nanlalamig ang aking kalamnan. Wala sa sariling kong kinapa ang bandang uluhan ko para lamang kapain kung may sugat ba ako doon. Nang makitang wala naman ay wala sa sarili akong napahinga ng malalim tila nabunutan ng malaking tinik tsaka dahan-dahang pinalibot ang paningin sa kabuoan ng silid. Isang napakakinis, maputi at sementadong pader ang unang bumungad sa aking mga mata. Malaking itim na tv screen at dalawang long sofa na may isang maliit na kayumangging coffee table mula sa di-kalayuan sa akin. Isang malawak na bintanang silhouette na kitang-kita ang napakaganda at napakaaliwalas na pinaghalong asul at dilaw na kalangitan. Dahan-dahan kong binaling ang aking paningin sa maingay na m
last updateLast Updated : 2021-12-01
Read more
02: BLAME
You don't know what might happen in the future if you don't think the consequences of your actions.Yhurlo's Pov:"What the hell were you thinking, huh!?" He furiously shouts in front of me which made me quiver. Mixture of pure fear and nervousness was all I can feel right at the moment. Nakakatakot talaga magalit si Papa dinaig pa ang gutom na leon, parang kapatid ko lang. Palihim akong napailing sa aking naisip tsaka nanatili na lamang na tahimik. You should shut your mouth up, Yhurlo because this shit is all your fault!"Your sister nearly died! It's that what you want?" He growled. His eyebrows made a line and his forehead wrinkles after crossing his arms. I aggressively shook my head before looking straight into his glaring eyes. I saw how the tip of his nose turned into red because of anger. His breath was ragging while tightly squeezing his both knuckles as if he's playing slime. His well-ironed and clean, white lab coat wrinkles because he's
last updateLast Updated : 2021-12-01
Read more
03: CHANGED
Letting someone manipulate you can ruin your life. Learn to say no, be the controller of your own race and invite the obstacles on your competition.Author's Pov:May mga taong nagbabago, hindi dahil gusto nila, kundi dahil iyon ang sa tingin nila ang dapat na gawin. Pakiramdam nila'y sila ang dapat umako ng mga kasalanan at kakulangan ng iba. Iyong tipong hindi mo naman dapat talagang isiping responsibilidad mo ang bagay na iyon dahil ang totoo, nakokonsensya ka lang sa nangyari. Nakokonsensya ka na isiping imbis na ikaw iyong nakakaranas ng paghihirap at pagdudusa, ikaw pa iyong masayang-masaya sa buhay na mayroon ka kahit alam mo naman talagang hindi ka karapat-dapat roon. Ang konsensya kasi ay dadalhin ka kahit saang sulok ng iyong isipan. Minsa'y napapahinto ka na lang sa gitna ng daan at mapapaisip kung tama ba iyong ginawa ko? Dapat ba akong humingi ng paumanhin? Karapat-dapat ba akong maging masaya kahit na alam kong ako dapat iyong naghihirap ngayon? Maiiy
last updateLast Updated : 2022-02-23
Read more
04: FALSE HOPES
Sometimes, good people are the bad ones and bad people are the good ones. You will never know what kind of person you'll interact. Author's Pov:Umaga, tanghali hanggang hapon sadyang napakatahimik ng kwarto ni Shan, paano ba naman kasi hindi pa lumalabas ang araw at nagsisimula pa lang sa pagtitilaok ang mga manok ay wala ng tao sa kanyang kwarto. Maagang-maaga pa ay nakaparada na ang kanyang sasakyan sa gilid ng police station, kung nasaan nagtatrabaho si Zach. Umaasa siya na baka makikita niya rito ang binata kahit na ang alam niya'y napakaimposible niyong mangyari. 'Mali ba ang umasa kahit alam mo ng una pa lang ay wala ka na talagang pag-asa? Mali bang magbaka-sakaling isipin na makikita kong muli ang taong mahal ko? Mali bang magkunwari na hindi siya tuluyang nawala sa mundong ito? Gustong-gusto ko ng tanggapin ang nangyari, pero sa tuwing sinusubukan ko doon naman ako ginugulo ng puso ko. Pinapaniwala at ginagawang tanga na baka posibleng buhay p
last updateLast Updated : 2022-02-24
Read more
05: QUEEN
What we see outside is not what we think inside. What we hear or what we feel, it's all under judgement, that's why most of the people tend to pretend than to be true. If I were to count, 98.9% of the population has this common trait; pretention. Author's Pov:Maagang nagising kinabukasan si Shan upang maghanda sa pupuntahan nila ni Rage Manuel, ang Ama ni Jake Manuel. Kahit labag ito sa kalooban ng dalaga ay ginawa niya pa rin kasi wala naman na siyang ibang iintindihin dahil ang taong pinoprotektahan niya dati sa Ama at mga kalaban niya ay nawala na. Agad na nagbihis si Shan ng damit pagkatapos maligo tsaka diretsong nagtungo sa life size mirror bago pinakatitigan ang kabuoan ng kanyang panlabas na pagkatao. Nakasuot ito ng light pink tank top na pinatungan ng isang sand color cardigan habang asul na mom jeans at puting sneakers naman ang suot niya sa pang-ibaba. Minsanan niya pang pinasadahan ng daliri ang sariling pula, mahaba at makintab na buhok ts
last updateLast Updated : 2022-02-25
Read more
06: DISCOVERED QUESTION
If there is one thing that you can prevent doing in your life, that is lying. Many white lies is total of big lies, it may or may not affect you, but this is dangerous. Author's Pov:"These bunch of files is all about the deals, these another bunch of files is all about the trades and another bunch of files is all about the contracts. One of each drawer and cabinet has its own content and first things first, you need to read and sign all these papers," pagpapaliwanag ni Rage at tinuro ang limpak-limpak at makakapal na puting papel na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Wala sa sariling napahinga ng malalim si Shan bago pumunta sa malaking upuan na hindi malaman kung para ba talaga iyon sa kanya o para sa reyna. Umupo siya roon at kinuha ang isa sa mga papeles na nakapatong sa ibabaw ng mamahaling lamesa tsaka binasa ang laman nito. Kanina pa paliwanag nang paliwanag si Rage sa dalaga kahit halata naman sa mukha nitong hindi ito nakikinig at interesado sa
last updateLast Updated : 2022-02-26
Read more
07: WISH
Our life is like a book, if you finished reading the current chapter, you'll flip the page to welcome a new chapter even though you still haven't moved on to your previous chapters. It will flow continously until you get to the epilogue. It may or may not satisfy your heart, but that is what really life is.Author's Pov:Agad na bumaba ng limousine si Shan nang makarating sila sa kanilang mansion. Hindi pa rin siya nasasanay sa paraan kung paano siya tratuhin ng mga lalaking nakasuit and tie na para bang isa siyang reynang hawak ang kanilang buhay kaya't kailangang palaging magbigay galang at yumukod sa kanya, tila sinasamba siya. Ayaw niya sa ideyang iyon pero masyado na siyang pagod para ipaglaban pa ang mga bagay na alam niyang sa una pa lang ay talo na siya. Diretso siyang pumasok sa loob ng main hall. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulala at lutang kanina matapos niyang mabasa at makita ang mga liham na hanggang ngayon ay hindi pa rin mat
last updateLast Updated : 2022-02-27
Read more
08: PAIN
The most unexpected time can be the perfect timing of your life. A perfect timing to let all the pain out in your heart. Hands ware trembling, knees were bent down and tears are bursting out. You will never know, maybe tomorrow will be your perfect timing and that will be one of the best feeling in your life.Author's Pov: "Napakaboring naman nito," bugnot na sinabi ni Vince sabay tapon sa hawak niyang baraha sa ibabaw ng lamesa tsaka pumangalumbabang ngumuso. Gano'n rin ang ginawa ng mga kalaro niya sa baraha tsaka nagkanya-kanyang hugot ng malalim na buntong-hininga. Kanina pa sila rito tumatambay at ni isa sa kanila ay wala man lang ganang magsalita o mag-ingay, halatang maraming mga bagay na iniisip. Unang araw pa lang ng enero ganito na ang bungad sa kanila ng bagong taon, nakakabugnot, nakakainip at nakakaumay. Wala silang magawa kundi ang tumambay maghapon sa hideout habang nililibang ang mga sarili sa baraha. "Kamusta na kaya
last updateLast Updated : 2022-02-28
Read more
09: BIRTHDAY
Time goes by faster whenever you're not around. Months turns into weeks, weeks turns into days, days turns into hours and hours turns into seconds. Every second that passed I still remember you. The regret, dissapointment and love that I feel for you was with me all along. I remember you everytime I try to forget you, your face, your hands and the way you look at me. I remember it all. Author's Pov:May iba't-ibang dahilan kung bakit napakabilis tumakbo ng oras, kung bakit napakadaling dumilim ang kalangitan at kung bakit atat na atat tayo na magliwanag ang kinabukasan. Unang-unang dahilan rito ay ang siyensa. Lahat ng katanungan mo na nangyayari sa pisikal na mundo ay masasagot ng siyensa, siyensang halos pinaniniwalaan ng lahat, pero minsan nama'y dapat kailangan rin nating talikuran ang siyensa upang hanapin ang kasagutan ng mag-isa. Kasagutan na hinding-hindi mo makukuha ng mabilis, kasagutan na kung kailan kailangang-kailangan mo, ay doon pa ito mag
last updateLast Updated : 2022-03-01
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status