Share

03: CHANGED

Author: EljayTheMilk
last update Last Updated: 2022-02-23 11:11:02

Letting someone manipulate you can ruin your life. Learn to say no, be the controller of your own race and invite the obstacles on your competition.

Author's Pov:

May mga taong nagbabago, hindi dahil gusto nila, kundi dahil iyon ang sa tingin nila ang dapat na gawin. Pakiramdam nila'y sila ang dapat umako ng mga kasalanan at kakulangan ng iba. Iyong tipong hindi mo naman dapat talagang isiping responsibilidad mo ang bagay na iyon dahil ang totoo, nakokonsensya ka lang sa nangyari. Nakokonsensya ka na isiping imbis na ikaw iyong nakakaranas ng paghihirap at pagdudusa, ikaw pa iyong masayang-masaya sa buhay na mayroon ka kahit alam mo naman talagang hindi ka karapat-dapat roon. Ang konsensya kasi ay dadalhin ka kahit saang sulok ng iyong isipan. Minsa'y napapahinto ka na lang sa gitna ng daan at mapapaisip kung tama ba iyong ginawa ko? Dapat ba akong humingi ng paumanhin? Karapat-dapat ba akong maging masaya kahit na alam kong ako dapat iyong naghihirap ngayon? Maiiyak, magsisisi at malilito ka na lang sa mga tingin mo'y posibleng tama, pero wala ka ng magagawa kundi ang ipagpatuloy ang buhay dahil hindi naman hihinto ang mundo dahil lang sa problema mo.

"Take care, Shan!" Paalam ni Yhurlo habang kinakaway ang kamay sa ere. Nakakailang take care na ito at ni isa doon ay hindi binigyang pansin ni Shan.

Hindi ulit siya pinansin ng dalaga at diretsong naglakad papasok sa loob ng kotse ni Jake na parang walang narinig na salita mula kay Yhurlo. Minsan pang nagkatinginan sina Yhurlo at Jake sa isa't-isa bago sabay na napailing. Marahang tinapik ni Yhurlo ang balikat ni Jake na ngayon ay hindi na mawari ang gagawing pakikitungo kay Shan.

"Take care of her." Paalala ulit ni Yhurlo rito at muli pang tinapik ang kanyang balikat. Mabilis na kumunot ang noo ni Jake sa naging asta nito tsaka siya napapantiskulang tinignan.

"Ano sa tingin mo ang gagawin ko sa kanya? Pababayaan?" Prangkang saad ni Jake habang hindi na maipinta ang mukha dulot ng magkahalong pagkainis at pagkapikon kay Yhurlo. Hindi niya maintindihan kung bakit alalang-alala ito kay Shan.

May gusto ba siya rito? Hindi na lamang iyon pinansin ni Jake tsaka padarag na tinanggal ang kamay ni Yhurlo na nakapatong pa rin sa balikat niya bagay na ikinatawa ni Yhurlo. Natatawang tinaas ni Yhurlo ang dalawang kamay at umatras ng ilang hakbang tila natutuwang makitang napipikon si Jake ng dahil sa kanya.

Inismiran lamang siya ni Jake bago naglakad papunta sa kotse niya habang dala-dala ang mga damit ni Shan na nakalagay sa itim na bag.

Noong mga panahong nagpapagaling si Shan sa hospital ay inaalagaan siya parati ni Yhurlo. Mula sa pagkaing pinapakain niya hanggang sa gamot na iinumin ng dalaga ay kailangang alam niya. Sa tuwing tinitignan naman niya ang kalagayan ni Shan ay palagi nitong sinisiguradong gumagaling ang kondisyon nito kahit hindi naman ganoon kalala ang sugat na mga natamo ni Shan. Si Jake naman ang bumibili at nagbibigay ng mga kakailanganin ni Shan kasama na rito ang damit, pagkain at mga personal stuff, maliban na lang sa mga undergaments na si Aling Hulya ang nag-iimpake. Sinserong inaalagaan ni Jake si Shan na tipong marinig niya lang na umubo ito ay matataranta na't tatawagin agad si Yhurlo.

Ganoon ang naging takbo ng apat na araw sa buhay ni Shan sa loob ng hospital. Wala siyang ibang ginawa kundi ang pabayaan ito sa mga ginagawa sa kanya. Nawawalan na rin kasi siya ng ganang makipag-usap at makipag-away sa kung kanino man, at hindi na rin siya gaanong palasalita. Kung dati'y tahimik naman talaga siya, ngayon ay mas dumoble pa ang kanyang pananahimik. Isa lang ang palatandaan nila para malaman kung nagugustuhan ba ni Shan ang ginagawa nito sa kanya. Kapag tinanong mo ito o kinausap nang hindi sumasagot, ibig sabihin ay ayos lang iyon kay Shan, pero kapag nama'y tinanong mo ito tapos nagsalita, tiyak na hindi sang-ayon si Shan rito. Minsan nga'y may pagkakataong naiinis na sila dahil hindi man lang sila binibigyang pansin ni Shan, hindi man lang binibigyang halaga ng dalaga ang mga ginagawa sa kanya, pero sa tuwing naiisip nila ang dahilan kung bakit ito biglang nagkaganito ay mapapatikom na lamang sila sa kanilang mga bibig tsaka pipiliting intindihin ang sitwasyon nito.

Pagkatapos ilagay ni Jake ang itim na bag sa back compartment ay agad na itong dumiretso sa driver's seat tsaka pinaandar ang makina bago pinaharurot ang sasakyan nang hindi nagpapaalam kay Yhurlo bagay na ikinailing na lamang nito. Hindi niya alam kung nagseselos ba sa kanya si Jake o naiinis lang talaga ito sa presensya niya.

Inis na napangisi si Jake at umismir sa kawalan matapos makita sa side mirror na naglalakad na pabalik si Yhurlo sa loob ng hospital pagkatapos ay wala sa sariling napatingin siya sa rear view mirror upang tignan si Shan.

Apat na araw na ang nakalilipas mula no'ng lumabas ito sa sariling silid upang sabihin sa kanya na buhay raw si Zach, apat na araw na ang nakalilipas mula no'ng makita niya kung paano iyakan at pagluksaan ng dalaga ang pagkawala ni Zach, apat na araw na mula no'ng masaksihan mismo ng mga mata niya kung gaano kamahal at kahalaga ni Zach sa buhay ng dalaga. Nasasaktan siya sa tuwing nakikita niyang nahihirapan ito, nasasaktan siya sa tuwing nakikita niyang apektadong-apektado ito sa pagkawala ni Zach, ibig sabihin lang kasi no'n ay sobrang mahal ni Shan si Zach, bagay na hindi kayang ibigay sa kanya ng dalaga.

Napaiwas ng paningin si Jake nang bigla siyang tinignan ni Shan kasabay ng pagkawala ng ilang butil ng kanyang luha na mabilis naman nitong pinunasan gamit ang likod ng kanyang palad. Nakita iyon ni Shan pero parang wala itong pakialam sa kanya dahilan upang mapakla siyang matawa sa sarili. Ano pa nga ba ang aasahan niya, may mahal ng iba si Shan kaya dapat lang na idistansya niya ang sarili niya. Marahas niyang ipinilig ang kanyang ulo tsaka tinuon na lamang sa pagmamaneho ang buong atensyon.

Walang nagsasalita sa kanilang dalawa hanggang sa makarating na sila sa mansion ng mga Heirera. Mabilis na bumaba si Jake mula sa driver's seat at agad na nagtungo sa back compartment upang kunin ang itim na bag. Akmang papasok na sana siya sa main gate ng mansion ng mga Heirera pagkatapos kunin ang bag ngunit agad ring napahinto nang makitang hindi man lang gumagalaw sa loob ng sasakyan si Shan. Blangkong nakatitig lamang ito sa malaking mansion dahilan upang tignan rin ito ni Jake. Wala namang pinagbago ang mansion nila kaya hindi alam ng binata kung bakit nakatitig roon si Shan na para bang ayaw na ayaw ng pumasok sa loob.

Kakatukin na sana nito ang bintana ng back seat door ngunit napahinto nang bumukas ito at lumabas mula roon si Shan suot-suot ang walang emosyon at malamig nitong ekspresyon. Sunod-sunod at wala sa sariling napalunok si Jake nang maramdaman ang bigat ng impak ng ekspresyon ni Shan dahilan upang sulyapan siya ng dalaga na mabilis naman niyang ikinaiwas ng tingin. Hindi na siya pinansin ni Shan at nauna ng naglakad papasok paloob na agad naman niyang sinundan.

"Belated Merry Christmas and advanced Happy New Year, Ate!" Isang magiliw at masayang pagbati ni Ricko ang unang bumungad sa kanilang dalawa pagkapasok na pagkapasok nila sa salas.

Napakaganda at nakakahalinang ngiti naman sa mga labi ang ibininungad ni Rhey tsaka ng kanyang ina. Araw ngayon ng ikaladalawang-put siyam ng Disyembre at malapit na nga'ng magbagong taon at apat na araw na rin ang nakakalipas simula no'ng mawala sa mundong ito ang taong pinakaminamahal ng dalaga. Nawala ito sa mismong pagdiriwang ng pasko, nakakatawa ngang isipin dahil imbis na siya'y nagdiriwang sa araw ng pasko, siya pa tuloy ay nagluluksa dahil sa pagkawala ng taong mahal niya.

Walang emosyon ang mukhang tinignan sila ng dalaga tsaka sila walang ganang tinitigan bago dumapo ang mga mata sa hawak nilang mga nagtitingkadang regalo at umiwas muli ng paningin. Sabay na nagkatinginan sina Ricko at Jake sa isa't-isa dahil sa inasta ni Shan tsaka napipilitan na lamang na tumawa upang bawasan ang pagkailang, samantalang ang ina naman ni Shan ay wala sa sariling napatikom ng bibig bago sinulyapan ng tingin si Rhey na ngayon ay napapabuntong-hininga sa hindi malamang kadahilanan.

"Ate, hindi ka namin napuntahan kasi ayaw ni Dad." Nakangusong pagkausap ulit ni Ricko sa kanyang nakakatandang kapatid, kapagkuwan ay napangiti na lang rin. "Namiss kita, Ate!" aniya at walang pasabing sinunggaban ng yakap si Shan bagay na ikinagulat ng dalaga.

Tatanggalin na sana nito ang yakap ni Ricko sa kanya ngunit agad ring napatigil nang maramdaman ang mahigpit na yakap ng kanyang ina at nakakatandang kapatid.

Yakap na matagal na niyang gustong maramdaman, yakap na nagpapagaan sa kanyang kalooban, yakap na nakakapagpawala sa mabigat na problemang palaging dinadala ng kanyang puso, yakap na hinding-hindi mahihigitan ng kahit na sino. Ilang beses na napakurap si Shan tsaka palihim na pinunasan ang ilang butil ng luha na nakatakas sa kanyang mga mata bago mabilis at padarag na tinanggal ang yakap sa kanya ng kanyang pamilya dahilan upang matigilan ang mga ito tsaka hindi makapaniwala ngunit nasasaktang tinignan si Shan.

'Natatakot ako na kapag niyakap nila ako ng gano'n ay baka mawala rin sila sa akin, katulad ng nangyari kay Zach. Ayaw ko ng mangyari iyon kaya hangga't maaari ay iiwasan ko.'

Tinanguan lamang silang lahat ni Shan bilang tugon habang ang paningin ay nakatuon sa ibang direksyon, halatang iniiwas na makipagtitigan sa mga mata nila.

"Ate?" Mahinang pagtawag sa kanya ni Ricko na muntik nang maging bulong sa sobrang hina. Biglaan itong nanghina matapos siyang ipagtulakan ng kanyang Ate, pakiramdam niya'y ayaw na siya nitong makasama at mayakap.

Hindi nakatakas sa mga mata ni Ricko kung paano siya irapan ng nakakatandang kapatid animo'y diring-diri sa kanya. Ilang beses na napalunok si Ricko at sunod-sunod na napakurap habang mariin na kinakagat ang pang-ibabang labi upang pigilan ang sariling emosyon bago wala sa sariling napakapit sa dulo ng manggas na suot ng kanyang ina. Kahit ang ina at nakakatandang kapatid ng dalaga ay litong-lito na sa mga ugaling pinapakita sa kanila. Hindi ganito ang dalaga nang umalis ito sa mansion nila kaya't nagtataka sila at nasasaktan sa mga inaasta nito ngayon na para bang isa silang napakawalang kwentang bagay para ipagtulakan.

"Ate, gusto mo bang kumain? Hinanda ni Mommy ang paborito mong kare-kare!" Sinubukan ulit ni Ricko na kausapin si Shan gamit ang magiliw nitong tinig kahit halata naman sa mukha nito na nasasaktan at naninibago siya sa dalaga.

Awtomatikong tumingin sa kanya si Shan matapos iyon sabihin ni Ricko tsaka siya pinakatitigan ng matagal. Ngingiti na sana si Ricko dahil akala niya'y papayag at kakausapin na siya ng dalaga pero agad ring naglaho ang mga ngiting gustong ipakita nang walang pasabi siyang talikuran ni Shan na para bang wala itong kausap bagay na ikinatanga ni Ricko.

Walang nagawang makapagsalita sa kanila na kahit ang ina ni Shan ay hindi magawang pagaanin ang kalooban ng anak na si Ricko dulot sa matinding pagkagulat.

'My daughter can't resist Ricko, so why is she acting like that?' Hindi makapaniwala ngunit nalilitong bulong ng isipan ng ina ni Shan sa sarili.

"Shan!" Isang napakalakas at maawtoridad na boses na nanggaling sa likuran ng lahat dahilan upang sabay-sabay silang magulat tsaka natitigilang napatingin sa kanilang likuran, maliban lamng kay Shan na ngayo'y naiwan sa ere ng ikatlong hagdan ang paa at napahinto sa paglalakad papuntang ikalawang palapag. "Where are you going?" tanong ni Erick sa dalaga pagkatapos ng ilang minutong pananahimik ng lahat.

Nakasuot ito ng asul na long sleeves button-ups at plantsadong abong wrinkle-free chinos kapares ng isang double monk straps. Maayos na nakasuklay patalikod ang kanyang itim at makintab na buhok habang hawak-hawak sa kaliwang kamay ang susi ng sasakyan. Diretso itong nakatingin sa likod ni Shan, halatang hinihintay ang magiging tugon nito sa kanya.

Hindi mawari kung anong ekspresyon ang nangingibabaw sa mukha ni Erick lalo na no'ng mapansing hindi man lang nagulat ang dalaga sa kanyang presensya. Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ni Erick kasabay ng pagkunot ng kanyang noo pati ang paghigpit ng pagkahawak niya sa susing dala habang sarkastikong napangising tumingin kay Shan na ngayo'y nagpatuloy na sa paglalakad animo'y walang narinig na salita sa kanya.

"You did a great job. Thank you for killing Drex," biglaang pagsasalita ni Erick gamit ang pang-aasar nitong tinig habang ngingisi-ngising tinignan ang likuran ng dalaga.

Awtomatikong napatigil si Shan sa paglalakad at nanigas sa kanyang kinatatayuan kasabay ng panlalaki ng kanyang mga mata at ang pag-awang ng kanyang mga labi.

"You're such an obedient daughter." Tatango-tangong dagdag pa ni Erick at mas lalong napangisi, halatang natutuwang asarin ang anak bagay na ikinainis ng dalaga.

Mahigpit na napakuyom ng mga kamao si Shan. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata kasabay ng pagbalik sa kanyang alaala kung paano nawalan ng hininga ang taong mahal niya sa kanyang harapan. Marahas niyang ibinuga ang mabigat at malalim na hininga at nagtatagis bagang niyang iminulat muli ang mga mata bago nanliliksik ang mga matang hinarap si Erick na ngayon ay hindi pa rin matanggal ng nakakalokong ngisi sa mga labi.

"Masaya ka na?" tanong ni Shan sa kay Erick tsaka siya maayos na hinarap ng dalaga. Mabilis na naglaho ang nakakalokong ngisi sa mukha ni Erick tsaka napakunot ng noo dahil sa sinabi nito bagay na sarkastikong ikinangisi ni Shan at iiling-iling siyang tinignan. "Killing two persons at a time?" Dagdag pa ni Shan at bumaba ng tatlong hagdan upang mas mapalapit sila sa isa't-isa. Marahan at dahan-dahang pinasadahan niya ng palad ang hawakan ng hagdan habang walang emosyong nakatingin ng diretso sa mga mata ni Erick.

Halata sa mata ng kanyang ama ang magkahalong pagkagulat at pagtataka. Marahas siyang napabuga ng mabigat at sarkastikong hininga at pinakawalan ang walang emosyon niyang tawa.

"Talaga ba? Nagulat ka sa sinabi ko? Saan ba sa sinabi ko ang nagpagulat sayo? Iyon bang nakapatay ako ng dalawang tao, o kaya iyong nagawa na naman kitang pasiyahin dahil pumatay ako ng tao?" Kunwaring tanong ni Shan, halatang nagpapanggap lamang na walang alam kahit na ang totoo ay gustong-gusto na niyang saktan ang lalaking nasa harapan niya.

Sabay-sabay na nagsinghapan ang lahat tsaka nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang mga labing napatingin kay Shan, samantalang si Jake naman ay kitang-kita ang pag-aalala sa dalaga. Hindi binigyang pansin ni Shan ang mga reaksyon ng iba at nanatili lamang ang mga matang nakatuon sa nanliliksik na mga mata ng kanyang ama tsaka wala sa sariling pinatunog ang dila sa loob ng bibig dulot ng matinding pagtitimpi na h'wag saktan ang lalaking kaharap niya.

Tinignan ni Shan mula ulo hanggang paa ang kanyang ama ng may halong pang-iinsulto bago tumingin ulit ng diretso sa mga mata ni Erick. "Hindi lang ako nagkasala dahil sa kaaway mo," Panimula niya at tinignang muli ang kabuoan ng kanyang ama kasabay ng pagngiwi. "Pati ang taong mahal ko ay nagawang kong patayin ng dahil sa'yo." Prangkang saad niya pa gamit ang kalmado at walang emosyong tinig tsaka pinakawalan ang nakakadiring mga tingin bago siya walang pasabing tinalikuran at dire-diretsong naglakad paakyat sa ikalawang palapag.

"Shan!"

"Ate,"

"Anak,"

Wala sa sarili at sabay-sabay nilang pagtawag sa dalaga habang gulat na gulat at hindi makapaniwala pa ring nakatanaw lamang sa papalayo nitong bulto. Wala ni isa sa kanila ang nakagawang gumalaw sa kinatatayuan, wala ni isa sa kanila ang nakagawang iproseso ng mabilis sa sariling mga utak ang mga salitang lumabas sa bibig ng dalaga, lalong-lalo na si Erick na ngayon ay hindi na magawang makapagbigkas ng isang salita dahil sa pagkawalan ng boses at pagkatuyo ng lalamunan.

'Shan never dare to say words like that to me.' Hindi makapaniwalang bulong ni Erick sa kanyang isipan tsaka wala sa sariling napatingin ulit kung saan nakatayo kanina si Shan at sunod-sunod na napakurap sa kawalan upang gisingin ang sariling diwa.

Related chapters

  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   04: FALSE HOPES

    Sometimes, good people are the bad ones and bad people are the good ones. You will never know what kind of person you'll interact. Author's Pov:Umaga, tanghali hanggang hapon sadyang napakatahimik ng kwarto ni Shan, paano ba naman kasi hindi pa lumalabas ang araw at nagsisimula pa lang sa pagtitilaok ang mga manok ay wala ng tao sa kanyang kwarto. Maagang-maaga pa ay nakaparada na ang kanyang sasakyan sa gilid ng police station, kung nasaan nagtatrabaho si Zach. Umaasa siya na baka makikita niya rito ang binata kahit na ang alam niya'y napakaimposible niyong mangyari. 'Mali ba ang umasa kahit alam mo ng una pa lang ay wala ka na talagang pag-asa? Mali bang magbaka-sakaling isipin na makikita kong muli ang taong mahal ko? Mali bang magkunwari na hindi siya tuluyang nawala sa mundong ito? Gustong-gusto ko ng tanggapin ang nangyari, pero sa tuwing sinusubukan ko doon naman ako ginugulo ng puso ko. Pinapaniwala at ginagawang tanga na baka posibleng buhay p

    Last Updated : 2022-02-24
  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   05: QUEEN

    What we see outside is not what we think inside. What we hear or what we feel, it's all under judgement, that's why most of the people tend to pretend than to be true. If I were to count, 98.9% of the population has this common trait; pretention. Author's Pov:Maagang nagising kinabukasan si Shan upang maghanda sa pupuntahan nila ni Rage Manuel, ang Ama ni Jake Manuel. Kahit labag ito sa kalooban ng dalaga ay ginawa niya pa rin kasi wala naman na siyang ibang iintindihin dahil ang taong pinoprotektahan niya dati sa Ama at mga kalaban niya ay nawala na. Agad na nagbihis si Shan ng damit pagkatapos maligo tsaka diretsong nagtungo sa life size mirror bago pinakatitigan ang kabuoan ng kanyang panlabas na pagkatao. Nakasuot ito ng light pink tank top na pinatungan ng isang sand color cardigan habang asul na mom jeans at puting sneakers naman ang suot niya sa pang-ibaba. Minsanan niya pang pinasadahan ng daliri ang sariling pula, mahaba at makintab na buhok ts

    Last Updated : 2022-02-25
  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   06: DISCOVERED QUESTION

    If there is one thing that you can prevent doing in your life, that is lying. Many white lies is total of big lies, it may or may not affect you, but this is dangerous. Author's Pov:"These bunch of files is all about the deals, these another bunch of files is all about the trades and another bunch of files is all about the contracts. One of each drawer and cabinet has its own content and first things first, you need to read and sign all these papers," pagpapaliwanag ni Rage at tinuro ang limpak-limpak at makakapal na puting papel na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Wala sa sariling napahinga ng malalim si Shan bago pumunta sa malaking upuan na hindi malaman kung para ba talaga iyon sa kanya o para sa reyna. Umupo siya roon at kinuha ang isa sa mga papeles na nakapatong sa ibabaw ng mamahaling lamesa tsaka binasa ang laman nito. Kanina pa paliwanag nang paliwanag si Rage sa dalaga kahit halata naman sa mukha nitong hindi ito nakikinig at interesado sa

    Last Updated : 2022-02-26
  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   07: WISH

    Our life is like a book, if you finished reading the current chapter, you'll flip the page to welcome a new chapter even though you still haven't moved on to your previous chapters. It will flow continously until you get to the epilogue. It may or may not satisfy your heart, but that is what really life is.Author's Pov:Agad na bumaba ng limousine si Shan nang makarating sila sa kanilang mansion. Hindi pa rin siya nasasanay sa paraan kung paano siya tratuhin ng mga lalaking nakasuit and tie na para bang isa siyang reynang hawak ang kanilang buhay kaya't kailangang palaging magbigay galang at yumukod sa kanya, tila sinasamba siya. Ayaw niya sa ideyang iyon pero masyado na siyang pagod para ipaglaban pa ang mga bagay na alam niyang sa una pa lang ay talo na siya. Diretso siyang pumasok sa loob ng main hall. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulala at lutang kanina matapos niyang mabasa at makita ang mga liham na hanggang ngayon ay hindi pa rin mat

    Last Updated : 2022-02-27
  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   08: PAIN

    The most unexpected time can be the perfect timing of your life. A perfect timing to let all the pain out in your heart. Hands ware trembling, knees were bent down and tears are bursting out. You will never know, maybe tomorrow will be your perfect timing and that will be one of the best feeling in your life.Author's Pov: "Napakaboring naman nito," bugnot na sinabi ni Vince sabay tapon sa hawak niyang baraha sa ibabaw ng lamesa tsaka pumangalumbabang ngumuso. Gano'n rin ang ginawa ng mga kalaro niya sa baraha tsaka nagkanya-kanyang hugot ng malalim na buntong-hininga. Kanina pa sila rito tumatambay at ni isa sa kanila ay wala man lang ganang magsalita o mag-ingay, halatang maraming mga bagay na iniisip. Unang araw pa lang ng enero ganito na ang bungad sa kanila ng bagong taon, nakakabugnot, nakakainip at nakakaumay. Wala silang magawa kundi ang tumambay maghapon sa hideout habang nililibang ang mga sarili sa baraha. "Kamusta na kaya

    Last Updated : 2022-02-28
  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   09: BIRTHDAY

    Time goes by faster whenever you're not around. Months turns into weeks, weeks turns into days, days turns into hours and hours turns into seconds. Every second that passed I still remember you. The regret, dissapointment and love that I feel for you was with me all along. I remember you everytime I try to forget you, your face, your hands and the way you look at me. I remember it all. Author's Pov:May iba't-ibang dahilan kung bakit napakabilis tumakbo ng oras, kung bakit napakadaling dumilim ang kalangitan at kung bakit atat na atat tayo na magliwanag ang kinabukasan. Unang-unang dahilan rito ay ang siyensa. Lahat ng katanungan mo na nangyayari sa pisikal na mundo ay masasagot ng siyensa, siyensang halos pinaniniwalaan ng lahat, pero minsan nama'y dapat kailangan rin nating talikuran ang siyensa upang hanapin ang kasagutan ng mag-isa. Kasagutan na hinding-hindi mo makukuha ng mabilis, kasagutan na kung kailan kailangang-kailangan mo, ay doon pa ito mag

    Last Updated : 2022-03-01
  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   10: SECRET

    A perfidious man can be a deceiving lover. One by one all those lies will be a revelation.Author's Pov: Lahat ng mga taong tapat ay naloloko gayon din ang mga taong manloloko. Walang pinipili ang bawat isa kung sino ang nais at gusto nilang lokohin basta't nakakatulong ito sa pansarili nilang kagustuhan. Hindi nila iniisip ang mga magiging resulta at bunga ng kanilang gawain sa isang tao. Kung sila ba ay masasaktan, masisiyahan at magagalit alinman dyan ay wala silang alam. Tanging ang alam lang nila ay ang rason kung bakit at kung ano ang dahilan nila na manloko. Kakalabas pa lang ng haring araw nang mag alas-otso ay lahat ng mga kabilang sa grupo ng Rickage ay nagkita-kita na sa kanilang hideout. Kagabi ay magmamadaling-araw na nang tawagan sila isa-isa ni Shan para lamang ipaalam at sabihin na magkikita sila ngayong araw. Karamihan sa kanila ay napikon at nagambala ng dalaga nang tawagan niya ito. Nagrereklamo at nagmamaktol ang mga ito kay Shan pero

    Last Updated : 2022-03-02
  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   11: MR. HANS

    Meeting unexpected people is the most scariest thing that will happen in your life. You don't know if your meeting was just a coincidence or the other way around. Author's Pov:"Ayusin mo naman ang necktie mo, Vincent!" Naiinis na pagsita ni Cassie nang makitang hindi ito nakaayos. Hindi na hinayaan ni Cassie na magsalita at gumawa ng bagong palusot si Vince at basta na lang nito inabot ang necktie para ayusin ito bagay na ikinagulat ng binata. Nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang mga labing napapatitig na lamang siya sa kagandahan ni Cassie lalong-lalo na sa pamamaraan nito kung paano ayusin at hawakan ang necktie niya nang marahan pa sa mas marahan. Aksidenteng nagtapo ang mga mata ni Cassie kay Vince nang maramdaman na nakatitig ito sa kanya dahilan upang biglang matauhan si Vince. Kung anu-ano pumapasok sa isipan niya kaya hindi na niya napansin na kanina pa pala siya tinitignan ni Cassie. Sunod-sunod na napaubo si Vince tsaka

    Last Updated : 2022-03-03

Latest chapter

  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   Special Chapter (P2.2)

    Nangunot ang noo ni Kreizser nang mapansin na inaalalayan ito ni Zach sa balikat habang bahagyang nakakuba ang katawan dulot na rin ng katandaan. "Are you sick, po?" Nag-aalalang tanong ni Kreizser at wala sa sariling hinawakan ang kulubot na braso ni Erick. Tumingkayad pa ito para pilit na abutin ang noo dahilan upang bahagyang ibaba ni Erick ang sarili. "You're not sick but why do you look so weak, po? Do you tire yourself everyday? You know what po, my Mommy studied in medical field and I certainly know that she can heal you! Come here, po!" Sunod-sunod na sinabi niya pa at hinila si Erick papunta sa long sofa para paupuin doon. Lahat ay parang mga manonood na hinihintay ang magiging climax ng eksena habang nakatingin sa kanilang dalawa. Tahimik lamang sila tila inaabangan ang susunod na mangyayari. Maya-maya pa ay napansin nila na tumayo si Kreizsure at tahimik na naglakad papunta sa direksyon ni Shan. "Mommy, you can heal him, right?" Tanong nito matapos hilahin si Shan sa d

  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   Special Chapter (P2.1)

    Naputol lamang ang tila nawalang ulirat ni Shan nang aksidenteng dumapo ang mga mata niya sa halatang may kaedaran ng lalaki na paroo't-parito ang paglalakad habang sapo-sapo ang noo. Nakasuot ito ng simpleng puting shirt na pinaresan ng jaggy pants at simpleng pares ng asul na tsinelas. Mukhang hindi sa kanya ang suot na damit dahil halata ang pagiging maluwang nito. Wala sa sarili man ay pinagmasdan ni Shan ang lalaking tila balisang-balisa at atat na atat sa kung ano. Kung dati ay itim ang buhok nito at mukhang malusog sa lahat ng malulusog, ngayon naman ay halos wala ka ng mahita na kulay itim sa buhok nito dahil mas pumapaibabaw ang puti. Nangangayayat rin ang katawan nito at konting-konti na lang ay makikita mo na ang buto-buto nito na dati-rati'y puro kalamnan. Bahagyang kumuba rin ang likuran niya na para bang nahihirapang ituwid ang katawan at maglakad ng hindi humihingi ng pangbalanse. Aksidenteng dumapo ang mga mata ni Shan rito nang huminto ito sa paglalakad dahilan par

  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   Special Chapter (P2)

    "You'll stick with your tito and tita, okay?" Bilin ni Shan sa dalawa niyang anak na nakahawak sa magkabilang kamay ni Yhurlo. Atat na tumango-tango naman si Kreizser tsaka mabilis at nakangiting tinakbo ang anak ni Yhurlo na kanina pa nakasampa sa sahig habang hinihintay si Kreizser para makapaglaro na sila ng mga manika. Umiling na lamang si Shan nang makita kung gaano kasaya makita nila Kreizser ang isa't-isa tsaka niluhod ang isang paa para pantayan ang tangkad ni Kreizsure. "Take care of your sister, okay?" Paalala ulit ni Shan at ginulo ang basang buhok nito. Tahimik na nakangiting tumango naman si Kreizsure dahilan para bumalandra ang dalawang malalim nitong dimples. Kahit pa hindi magawang ipagtanggol ni Kreizsure ang kanyang sarili ay alam ni Shan na kayang-kaya nitong ipagtanggol aa nakakabatang kapatid. "Kayo na muna bahala sa kanila." Pagkausap ni Shan kay Yhurlo pagkatapos kausapin si Kreizsure tsaka bahagyang tinapik ang balikat nito. Napangiwi naman si Yhurlo bag

  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   Special Chapter (P1.1)

    "Kreizser..." Maya-maya'y pagtawag ni Zach at bahagyang lumapit sa anak. Awtomatiko namang napanguso si Kreizser nang dahil sa pagtawag sa kanya ni Zach tsaka mabilis na nagtago sa likuran ng nakakatandang kapatid. Sumilip siya mula sa maiksing siko ni Kreizsure para tignan ang kanyang ama."Kuya, tell him everything..." mahinang bulong pa ni Kreizser at bahagyang hinila ang dulo ng damit habang ang kalahati ng mukha ay nakasilip pa rin sa siko ni Kreizsure. "We were just playing and they accidentally hit me but it's okay. It's not that serious, anyway." Pagpapaliwanag nito na nagkibit pa ng balikat dahilan para agresibo siyang tignan ni Kreizser, halata ang matinding pag-alma sa mukha. "Tinapunan ka nila ng bato, kuya!" Pagmamatigas pa nito at sinubukan ulit hanapin ang batong tinapon sa nakakatandang kapatid. Ngumiti lamang si Kreizsure tsaka ginulo ang buhok ng kapatid. "It's fine. It's just an accident," anito pa at hindi na hinayaan pa ang kapatid na magsalita tsaka walang p

  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   Special Chapter (P1)

    It's been six years since Zach proposed to Shan to be his wife forever and forever and forevermore. In six years of being married, Zach never failed to shower Shan with his love, affection and care. He would always remind Shan how his life changed when he has no hope to change. Ni minsan ay walang araw na pinalipas si Zach na hindi batiin si Shan ng good morning, good noon at good night. Araw-araw nitong ginagawa at sinasabayan ng halik bagay na mas lalong nagpapahulog sa loob ng dalaga. Kasalukuyang nakahiga sina Zach at Shan sa malambot na kama. The sun is completely displayed above the orange and yellow skies so as the wind that keeps kissing the silk curtains causing it to sway in a smooth manner. Kanina pa gising si Zach at natapos na niyang lutuin ang magiging umagahan nila sadyang hinihintay na lang niyang magising si Shan na mahimbing na mahimbing pa ring natutulog sa tabi niya. Hinigpitan ni Zach ang pagkakayakap niya sa bewang ni Shan mula sa likod tsaka bahagyang umukl

  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   Epilogue (Part Two)

    Nagsimulang kumunot ang noo ko nang magsimulang maglakad sina Margou papunta sa akin dala-dala ang hawak na pulang rosas. Mas lalong lumalim ang gitla ng aking noo nang isa-isa nila itong binigay habang sinasabayan ang nakakahalinang intro ng kanta. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo rito na parang walang kaalam-alam sa nangyayari nang iabot sa akin ni Jake ang rosas na dala niya tsaka ako binigyan ng isang mahigpit man ngunit maingat na yakap. Nagtagal iyon ng ilang minuto bago niya ako nagawang harapin at ngitian. "I wish your happiness." anito bago tuluyang umalis sa harapan ko dahilan para maiwan akong nakatanga habang hawak-hawak ang mga rosas na inabot nila sa akin. Napapantiskulang kong tinignan ang ngayo'y isang palumpon ng rosas at napabuga ng malalim na hininga. Hindi ko alam kung anong nangyayari ang huling naaalala ko lang ay narito ako para umattend ng kaarawan hindi para ipagdiwang ang tila debut ko. Napailing ako at muling nagtaas ng paningin dahilan para

  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   Epilogue (Part One)

    Tatlong linggo na ang nakakalipas simula no'ng tumalon si F.H sa napakataas na rooftop. Tatlong araw na ang lumipas simula no'ng mabigyan nila ng hustisya ang mga taong pinaglaruan at dinamay ni F.H sa kanyang kahibangan. Noong panahong tumalon si F.H sa rooftop ay laking pasasalamat nila dahil ligtas ito. Pakiramdam ko nga ay inaasahan na ng mga pulis na tatalon si F.H sa rooftop dahil imbis na sa sahig na bumagsak ang katawan nito at mamatay ng duguan at bugbog sarado ay unang humalik sa katawan ni F.H ang napakalambot na sampung foam bed na pinagpatong-patong dahilan para maging ligtas ang kalagayan nito. Laking pasasalamat rin ni Mr. Hans nang malaman niyang ligtas ang kanyang ama pero kahit gayun pa man ay hindi pa rin nito magawang maging tuluyang masaya dahil alam niya saan pupulutin ang kanyang ama o kung may pupulutin pa ba siya. Ako naman ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko lalo na nang mapagtantong maaaring ginawa iyon ni F.H para takasan na pagbayaran ang mga

  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   69: REGRET

    What will you do if the person that you know happened to be suspicious to you and ended up as your older brother?Author's Pov:Mabilis na hinawakan ng mga pulis si F.H matapos na ibigay iyon ni Alvin. Nakaposas ang dalawa nitong kamay sa likuran habang ang mga mata ay hindi maawat sa panliliksik na nakatingin kina Erick at Alvin na ngayo'y nagtutulong-tulong na alsahin ang mga tauhan ni F.H na nakabulagta sa sahig. Napaismid na lamang si F.H lalo na nang makita ang matagumpay na ngiti sa mga labi nina Shan. "Papa!" Parang batang nawala sa mall na tawag ni Margou sa kanyang ama tsaka niya ito naiiyak na niyakap ng mahigpit. Ganoon rin ang ginawa nina Justine at niyakap rin ang kapamilya nila na matagal na nilang gustong makita at mayakap muli, maliban na lamang kay Nick na nahahalatang ayaw ni Tonton na makipag-usap o tignan man lang siya. Napabuntong-hininga na lamang si Nick tsaka wala sa sariling ginulo ang buhok ng nakakabatang kapatid na para bang nakasanayan na nito bago tinan

  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   68: THE REAL FATHER

    Mistake is a mistake. It's up to you if you do it twice just don't beg for forgiveness for your sake. Author's Pov:"Hindi nagtaksil si Mommy. Pagkakamali iyon na hindi na niya gugustuhing ulitin." Pagtatanggol ni Shan, halata sa mukha nito ang pagkainsulto sa sinabi ni F.H. "At kahit kailan ay alam kong hindi nagsisisi si Mommy na buhayin ako."Natawa si F.H sa sagot ni Shan bago mas diniinan ang pagkakasakal sa kanya. Napangiwi na lamang si Shan nang maramdaman ang magaspang nitong balbas na kanina pa patuloy na humahalik sa pisnge niya. "Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo? Hindi ka naman ata tulog, ano?" ani F.H gamit ang nang-aasar na tono. Bahagyang natigilan si Shan sa sinabi nito at wala sa sariling nilingon ito ngunit agad ring nag-iwas ng paningin nang sumalubong sa kanyang mata ang nakakadiri nitong pagmumukha. "Oo! At mahal na mahal ako ni Mom. Hinding-hindi mo na mababago ang katotohang 'yan," pagmamatigas ni Shan at inis na siniko ang sikmura ni F.H. Parang bigla na

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status