Share

01: ILLUSION

Author: EljayTheMilk
last update Last Updated: 2021-12-01 06:44:32

Waking up means accepting the cruel reality. Reality that has an opening door, but doesn't have an exit.

•••

Pawis na pawis ang noo ko habang habol-habol ang sariling hiningang nakasapo ang isang kamay sa aking sentido. Nanginginig ang aking katawan at nanlalamig ang aking kalamnan. Wala sa sariling kong kinapa ang bandang uluhan ko para lamang kapain kung may sugat ba ako doon. Nang makitang wala naman ay wala sa sarili akong napahinga ng malalim tila nabunutan ng malaking tinik tsaka dahan-dahang pinalibot ang paningin sa kabuoan ng silid. 

Isang napakakinis, maputi at sementadong pader ang unang bumungad sa aking mga mata. Malaking itim na tv screen at dalawang long sofa na may isang maliit na kayumangging coffee table mula sa di-kalayuan sa akin. Isang malawak na bintanang silhouette na kitang-kita ang napakaganda at napakaaliwalas na pinaghalong asul at dilaw na kalangitan. Dahan-dahan kong binaling ang aking paningin sa maingay na makinang nasa gilid ko. Sobrang ingay nito na para bang nasa construction site ako. Awtomatiko kong nakita ang mga iba't-ibang aparatong nakakabit sa palapulsuhan, likuran ng siko at gitnang daliri kasabay ng pag-alingasaw ng mga kemikal na nakatarak sa mga hose na iyon. Ilang beses akong napakurap  upang gisingin ang sariling diwa tsaka sunod-sunod na napalunok matapos makita ang puting kamang hinihigaan ko. Napapantiskulang napatingin ako sa damit na aking sinusuot tsaka hindi makapaniwalang napabuga ng marahas na hininga.  

Minsan ko pang pinasadahan ng paningin ang buong paligid tsaka wala sa sariling napahawak sa aking sentido nang maramdaman ang biglaang pagkirot nito kasabay ng pagpasok ng alaala sa aking isipan. 

.-. --- --- -- / --- -. . / -. .. -. . / ..-. --- ..- .-.

Kunot-noo at salubong ang mga kilay akong napatitig sa kawalan matapos kong maalala ang mensaheng iyon na natanggap ko sa kung sino. Hindi malinaw sa aking isipan ang kanyang mukha pero nasisiguro kong kasama siya sa panaginip ko, pero nakakapagtaka kung bakit malinaw na malinaw sa aking alaala ang mensaheng nakasulat sa papel samantalang ang taong nagbigay sa akin no'n ay hindi man lang mahagilap ng aking isipan. Marahas akong napabuga ng mabigat na hininga bago pinasadahan ng mga daliri ang sariling buhok habang sinusuri sa isipan ang nilalaman ng kakaibang mensahe.

"Putangina!" Naiinis kong bulong sa aking sarili tsaka napabalikwas ng bangon. Nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang mga labing napatingin ako sa malaking itim na telebisyon sa aking harapan tsaka dali-daling pinalibot ang paningin sa loob ng kwarto. Aksidenteng dumapo ang mga mata ko sa pintuan ng silid, kung nasaan ako. "Room 193," wala sa sarili kong pagbabasa matapos kong pagmasdan ang karatula sa taas ng pintuan. 

.-. --- --- -- / --- -. . / -. .. -. . / ..-. --- ..- .-.

"I need to go, see you there."

Bigla na namang pumasok sa aking isipan ang mensaheng iyon kasunod ng hindi maipaliwanag at kataka-takang mga salita. Gulat na gulat akong napatingin sa pintuan ng aking kwarto. Habol hininga at hindi ako makapaniwalang napasinghap tsaka mariing pinikit ang mga mata upang pakalmahin ang sarili. Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa tuwing iniisip ko ito. 

"Zach," nanghihina kong bulong sa hangin at mahigpit na kinuyom ang aking kamao sa ilalim ng puting bed sheet. Muli akong inis na napasabunot sa sarili ko tsaka ngali-ngaling tinanggal ang kumot na nakabalot sa aking katawan bago mabilis na inalis ang mga aparatong nakadikit sa aking katawan at dali-daling tumayo sa higaan upang lumabas sa loob ng silid. "Room 194," katabi lamang ng silid na'to ang nakasulat sa mensaheng iyon. 

Bigla akong natalisod matapos matapakan ang bakal na malapit sa kamang hinihigaan ko dahilan para inis ko itong sipain paalis sa aking daraanan at mabilis na tumakbo papunta sa pintuan tsaka padabog na binuksan ito habang sapo-sapo ang sariling palapulsuhan dahil sa dugong patuloy na rumaragsa pababa sa aking kamay dulot ng marahas na paghablot ko sa karayom na nakatarak sa akin. Agad akong nagpalinga-linga sa buong pasilyo ng ospital para hanapin ang sa tingin ko'y kwarto ni Zach. Hindi naman ako nagkamali sa naisip dahil mabilis ko itong nakita mula sa di-kalayuan. Akmang tatahakin ko na ang daan papunta sa kwartong iyon ngunit mabilis ring natigilan.  

Napahinto ako sa paglalakad kasabay ng paninigas ng aking katawan nang maramdaman ko ang dalawang matitipunong brasong nakapulot sa aking bewang mula sa aking likuran. 

"Saan ka pupunta?" tanong niya na ngayo'y sinusubukan akong pigilan sa pagpupumiglas. 

Hindi ko siya sinagot tsaka padarag na tinanggal ang kamay niyang nakayakap sa akin na para sana pigilan ako sa pag-alis. Mabilis akong nakawala mula sa kanya pero agad ring napahinto nang hawakan niya ang aking palapulsuhan. Hindi nakatakas sa mga mata niya ang dumudugo kong palapulsuhan na ngayon ay hindi na maawat sa pagragsa ng napakaraming dugo na bumababa sa aking kamay papunta sa puti at sementadong sahig ng pasilyo. 

"Bitawan mo ako!" Nagpupumiglas kong sigaw sa kanya habang pilit na tinatanggal ang kamay niya sa akin, halatang hindi alintana ang sakit at pagkirot ng aking sugat.

"What the fuck, Shan?" Hindi makapaniwalang pagmumura niya kasunod ng pagsalubong ng kanyang mga kilay at galit na galit ngunit nag-aalalang tumingin sa akin. "Dumudugo ang kamay mo! Tangina saan ka ba pupunta?" Hindi na napigilan niyang asik nang hindi ko man lang siya pinakinggan. 

"Si Zach," agad kong tugon at wala sa sariling napatingin sa silid ng Room 194. Wala sa sariling sinundan niya ng paningin ang aking tinitignan dahilan upang makita ko ang biglaang panlalaki ng kanyang mga mata. "Nandyan siya," dagdag ko pa na ang paningin ay nakatuon sa pintuan, kung nasaan si Zach. "Buhay siya, Jake." Pagkukumpirma ko pa at sabik na sabik ngunit naiiyak na binaling muli ang paningin kay Jake. 

Mas lalong lumaki ang kanyang mga mata kasabay ng pag-awang ng kanyang mga labi tsaka gulat na gulat na napatingin sa akin. Umiling siya nang umiling tila hindi alam ang sasabihin. Wala sa sarili siyang napaatras kasabay ng pagluwag ng pagkakahawak niya sa aking palapulsuhan dahilan upang mabilis kong mabawi ang aking kamay mula sa kanya. Gulat na gulat pa rin siya at hindi makapaniwala. 

Tatalikuran ko na sana siya nang biglang natigilan dahil sa matangkad na lalaking nakaharang sa aking harapan. Nakasuot siya ng surgical scrubs at plantsadong puting lab coat habang ang kanyang asul na stethoscope ay kaswal na nakasabit sa kanyang leeg.  Maayos na nakapusod ang kanyang pompadour haircut na slicked-back sides. Hindi ko aakalaing doktor ang isang 'to. 

Hinarang niya ang kanyang katawan sa aking dadaanan tsaka salubong na salubong ang mga kilay na tumingin sa akin. Pinanliksikan ko siya ng mga mata bago dumaan sa kabilang banda ng pasilyo upang talikuran din siya dahilan upang iharang niyang muli ang kanyang sarili. Lumiko ulit ako sa kabilang banda ng pasilyo upang subukang dumaan ngunit madali niya akong naharangan. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming parang nagpapatintero sa pasilyong iyon bago inis at galit na galit na tumingin sa kanya. 

"Ano ba!" Buong lakas kong sigaw sa pagmumukha niya nang hindi na makapagtimpi. "Umalis ka sa harapan ko!" Dagdag ko at padarag na tinulak siya. 

"You're not going anywhere," mariing utos ni Yhurlo sa akin. Masamang-masama at nanliliksik ang mga mata niya tila nagagalit sa ginagawa ko. "Bumalik ka sa kwarto mo." Mariing pag-uutos niya pa nang sinubukan ko ulit na umalis. Inirapan ko siya bilang tugon tsaka wala sa sariling napasulyap sa kamay kong patuloy pa rin na dumudugo bago ulit tumingin sa kanya. 

Hindi ko maintindihan kung bakit ako natatakot sa mga tingin niya, kung bakit ako natatakot na makitang nagagalit siya sa akin. Iyong pakiramdam sa tuwing nagagalit sa akin ang mga kapatid ko ay parang nararamdaman ko rin sa kanya. Hindi dapat ako nag-iisip ng mga bagay-bagay na alam kong ilusyon lang naman. Dulot lang siguro ito ng matinding pangungulila na nararamdaman ko kina Ricko. Hindi ko na iyon pinansin at marahas na inilingan ang sarili upang tanggalin ang mga iniisip, at tsaka pa, hindi dapat ako natatakot sa kanya tulad ng takot na nararamdaman ko sa mga kapatid ko. 

"Tumabi ka dyan-" hindi ko na natapos pa ang mga sasabihin ko nang bigla niya akong inalsa na parang sako tsaka dali-daling naglakad pabalik sa aking kwarto at dire-diretsong pumasok sa loob. 

"Lock the door." Rinig kong utos niya kay Jake na kanina pa tahimik. Nagpatuloy lamang ako sa pagpupumiglas habang siya naman ay mahigpit na mahigpit akong hinahawakan. Gusto ko siyang sapakin at saktan pero hindi kaya ng konsensya ko. Nagpatuloy na lamang ako sa pagpupumiglas hanggang sa tuluyan na siyang makapasok sa kwarto. Dahan-dahan niya akong binaba sa kama kasabay ng pagtunog ng paglock ni Jake sa pintuan mula sa labas dahilan upang samaan ko siya ng tingin. "Give me your hand," mahina at nagtitimpi niyang sinabi matapos ng ilang subok niyang pagkuha sa kamay ko dahil sa patuloy na pagdudugo nito.

Pakiramdam ko nga ang putla-putla ko na ngayon dahil ramdam na ramdam ko ang unti-unting panghihina ng buo kong pagkatao at panlalamig ng katawan ko. Ilang minuto kaming matalim na nagtititigan sa isa't-isa hanggang sa tuluyan na akong sumuko bago napapabuntong-hiningang kusang inabot na lang sa kanya ang kamay. Sinamaan niya pa ako ng tingin ng isang beses bago mabilis na inabot ang aking kamay. Palihim ko siyang inismiran at napairap tsaka napabuga ng mabigat at malalim na hininga. 

Maya-maya pa ay tumingin ulit ako sa kanya para lamang makita na marahan niyang nililinisan at dahan-dahang ginagamutan ang sugat ko bago eksperto itong nilagyan ng malinis na gauze pad. Nanatili lamang akong tahimik na tulalang pinagmamasdan ang bawat galaw niya hanggang sa matapos ito. Malalim akong napabuntong-hininga tsaka binasag ang nakakabinging katahimikan.

"Ayaw ko ng mabuhay," mahinang bulong ko sa hangin pagkatapos ng mahabang katahimikan tsaka napabuga ng mabigat na hininga. Naramdaman ko nang matigilan siya sa ginagawa bago ako nag-aalala at puno ng pangamba ang mga matang tinignan. 

"Shan," awtomatikong pagtawag niya sa pangalan ko na ngayo'y nakaawag na ang mga labi dulot ng matinding pagkagulat. Tinignan ko rin siya pabalik at umiling nang umiling tsaka mapaklang napangiti. 

"Ako ang may kasalanan kung bakit nangyari sa kanya 'yon." Nakatulalang saad ko pa at napahinga ng malalim. 

Kasalanan ko ito. 

Hindi dapat iyon nangyari sa kanya kung hindi niya sinalo ang balang iyon. Para sa akin dapat ang balang iyon, hindi sa kanya. Napakasama ko at hinayaan ko siyang gawin 'yon. Napakasama ko at nagawa kong patayin ang taong mahal ko. Hindi ako karapat-dapat na mabuhay, hindi ako karapat-dapat na maging masaya, wala akong karapatan na magalit sa kanya dahil lamang sa ginawa niyang pagligtas sa akin. Sarili ko dapat ang sisisihin ko. Sarili ko dapat ang nakakaranas no'n. Ako dapat ang patay ngayon kung nagawa ko lang na makita ang balang 'yon. Wala akong natanggap na sagot sa kanya at tanging pag-aalala at awa lamang sa kanyang mga mata ang aking natanggap. 

Huminga ulit ako ng malalim bago nagsalita, "Wala akong kwenta." dagdag ko pa at dismayadong inilingan ang sarili bago pinunasan ang mga luhang nakatakas na sa aking mga mata. Huminga ako ng malalim upang pakalmahin sana ang sarili, pero mas lalo lamang lumakas ang aking pag-iyak lalo na no'ng makita ko ang luha sa kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. 

Nasasaktan ako na makitang umiiyak siya ng dahil sa akin. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?

"Come here," utos niya at dahan-dahang hinila ang kamay ko para yakapin ako. Mahigpit na mahigpit niya akong niyakap na para bang mas nahihirapan siya sa sitwasyon na meron ako. "Don't say that. You're worth it." Pagpapatuloy niya pa at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin kasabay ng mga mabibilis niyang h***k sa aking sentido upang pagaanin ang kalooban ko.

Wala na akong ibang ginawa kundi ang umiyak nang umiyak sa d****b niya. Binuhos ko ang lahat ng sakit na pinapasan ng buo kong pagkatao, iniyak ko lahat ng emosyong pinipigilan ko, nilabas ko lahat ng bigat ng dinadala ng puso ko.

Nasasaktan ako. Pakiramdam ko napakawalang kwenta kong tao. Nagsisisi ako kung bakit nangyari sa kanya iyon. Nagsisisi ako kung bakit niya pa ako nakilala. Nagsisisi ako kung bakit niya pa ako minahal. Hindi ako karapat-dapat. Hindi dapat ako minamahal. Hindi dapat ako inaalagaan. Hindi dapat ako pinapahalagahan. Hindi dapat ako pinoprotektahan. 

Napakasama kong tao para patayin ang taong mahal ko. Wala akong karapatang maging masaya matapos kong gawin sa kanya 'yon. Hindi ako pwede maging masaya dahil iyon naman talaga dapat ako bago ko siya makilala. 

Related chapters

  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   02: BLAME

    You don't know what might happen in the future if you don't think the consequences of your actions.Yhurlo's Pov:"What the hell were you thinking, huh!?" He furiously shouts in front of me which made me quiver. Mixture of pure fear and nervousness was all I can feel right at the moment. Nakakatakot talaga magalit si Papa dinaig pa ang gutom na leon, parang kapatid ko lang. Palihim akong napailing sa aking naisip tsaka nanatili na lamang na tahimik.You should shut your mouth up, Yhurlo because this shit is all your fault!"Your sister nearly died! It's that what you want?" He growled. His eyebrows made a line and his forehead wrinkles after crossing his arms. I aggressively shook my head before looking straight into his glaring eyes. I saw how the tip of his nose turned into red because of anger. His breath was ragging while tightly squeezing his both knuckles as if he's playing slime. His well-ironed and clean, white lab coat wrinkles because he's

    Last Updated : 2021-12-01
  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   03: CHANGED

    Letting someone manipulate you can ruin your life. Learn to say no, be the controller of your own race and invite the obstacles on your competition.Author's Pov:May mga taong nagbabago, hindi dahil gusto nila, kundi dahil iyon ang sa tingin nila ang dapat na gawin. Pakiramdam nila'y sila ang dapat umako ng mga kasalanan at kakulangan ng iba. Iyong tipong hindi mo naman dapat talagang isiping responsibilidad mo ang bagay na iyon dahil ang totoo, nakokonsensya ka lang sa nangyari. Nakokonsensya ka na isiping imbis na ikaw iyong nakakaranas ng paghihirap at pagdudusa, ikaw pa iyong masayang-masaya sa buhay na mayroon ka kahit alam mo naman talagang hindi ka karapat-dapat roon. Ang konsensya kasi ay dadalhin ka kahit saang sulok ng iyong isipan. Minsa'y napapahinto ka na lang sa gitna ng daan at mapapaisip kung tama ba iyong ginawa ko? Dapat ba akong humingi ng paumanhin? Karapat-dapat ba akong maging masaya kahit na alam kong ako dapat iyong naghihirap ngayon? Maiiy

    Last Updated : 2022-02-23
  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   04: FALSE HOPES

    Sometimes, good people are the bad ones and bad people are the good ones. You will never know what kind of person you'll interact. Author's Pov:Umaga, tanghali hanggang hapon sadyang napakatahimik ng kwarto ni Shan, paano ba naman kasi hindi pa lumalabas ang araw at nagsisimula pa lang sa pagtitilaok ang mga manok ay wala ng tao sa kanyang kwarto. Maagang-maaga pa ay nakaparada na ang kanyang sasakyan sa gilid ng police station, kung nasaan nagtatrabaho si Zach. Umaasa siya na baka makikita niya rito ang binata kahit na ang alam niya'y napakaimposible niyong mangyari. 'Mali ba ang umasa kahit alam mo ng una pa lang ay wala ka na talagang pag-asa? Mali bang magbaka-sakaling isipin na makikita kong muli ang taong mahal ko? Mali bang magkunwari na hindi siya tuluyang nawala sa mundong ito? Gustong-gusto ko ng tanggapin ang nangyari, pero sa tuwing sinusubukan ko doon naman ako ginugulo ng puso ko. Pinapaniwala at ginagawang tanga na baka posibleng buhay p

    Last Updated : 2022-02-24
  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   05: QUEEN

    What we see outside is not what we think inside. What we hear or what we feel, it's all under judgement, that's why most of the people tend to pretend than to be true. If I were to count, 98.9% of the population has this common trait; pretention. Author's Pov:Maagang nagising kinabukasan si Shan upang maghanda sa pupuntahan nila ni Rage Manuel, ang Ama ni Jake Manuel. Kahit labag ito sa kalooban ng dalaga ay ginawa niya pa rin kasi wala naman na siyang ibang iintindihin dahil ang taong pinoprotektahan niya dati sa Ama at mga kalaban niya ay nawala na. Agad na nagbihis si Shan ng damit pagkatapos maligo tsaka diretsong nagtungo sa life size mirror bago pinakatitigan ang kabuoan ng kanyang panlabas na pagkatao. Nakasuot ito ng light pink tank top na pinatungan ng isang sand color cardigan habang asul na mom jeans at puting sneakers naman ang suot niya sa pang-ibaba. Minsanan niya pang pinasadahan ng daliri ang sariling pula, mahaba at makintab na buhok ts

    Last Updated : 2022-02-25
  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   06: DISCOVERED QUESTION

    If there is one thing that you can prevent doing in your life, that is lying. Many white lies is total of big lies, it may or may not affect you, but this is dangerous. Author's Pov:"These bunch of files is all about the deals, these another bunch of files is all about the trades and another bunch of files is all about the contracts. One of each drawer and cabinet has its own content and first things first, you need to read and sign all these papers," pagpapaliwanag ni Rage at tinuro ang limpak-limpak at makakapal na puting papel na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Wala sa sariling napahinga ng malalim si Shan bago pumunta sa malaking upuan na hindi malaman kung para ba talaga iyon sa kanya o para sa reyna. Umupo siya roon at kinuha ang isa sa mga papeles na nakapatong sa ibabaw ng mamahaling lamesa tsaka binasa ang laman nito. Kanina pa paliwanag nang paliwanag si Rage sa dalaga kahit halata naman sa mukha nitong hindi ito nakikinig at interesado sa

    Last Updated : 2022-02-26
  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   07: WISH

    Our life is like a book, if you finished reading the current chapter, you'll flip the page to welcome a new chapter even though you still haven't moved on to your previous chapters. It will flow continously until you get to the epilogue. It may or may not satisfy your heart, but that is what really life is.Author's Pov:Agad na bumaba ng limousine si Shan nang makarating sila sa kanilang mansion. Hindi pa rin siya nasasanay sa paraan kung paano siya tratuhin ng mga lalaking nakasuit and tie na para bang isa siyang reynang hawak ang kanilang buhay kaya't kailangang palaging magbigay galang at yumukod sa kanya, tila sinasamba siya. Ayaw niya sa ideyang iyon pero masyado na siyang pagod para ipaglaban pa ang mga bagay na alam niyang sa una pa lang ay talo na siya. Diretso siyang pumasok sa loob ng main hall. Hindi niya alam kung ilang oras siyang nakatulala at lutang kanina matapos niyang mabasa at makita ang mga liham na hanggang ngayon ay hindi pa rin mat

    Last Updated : 2022-02-27
  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   08: PAIN

    The most unexpected time can be the perfect timing of your life. A perfect timing to let all the pain out in your heart. Hands ware trembling, knees were bent down and tears are bursting out. You will never know, maybe tomorrow will be your perfect timing and that will be one of the best feeling in your life.Author's Pov: "Napakaboring naman nito," bugnot na sinabi ni Vince sabay tapon sa hawak niyang baraha sa ibabaw ng lamesa tsaka pumangalumbabang ngumuso. Gano'n rin ang ginawa ng mga kalaro niya sa baraha tsaka nagkanya-kanyang hugot ng malalim na buntong-hininga. Kanina pa sila rito tumatambay at ni isa sa kanila ay wala man lang ganang magsalita o mag-ingay, halatang maraming mga bagay na iniisip. Unang araw pa lang ng enero ganito na ang bungad sa kanila ng bagong taon, nakakabugnot, nakakainip at nakakaumay. Wala silang magawa kundi ang tumambay maghapon sa hideout habang nililibang ang mga sarili sa baraha. "Kamusta na kaya

    Last Updated : 2022-02-28
  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   09: BIRTHDAY

    Time goes by faster whenever you're not around. Months turns into weeks, weeks turns into days, days turns into hours and hours turns into seconds. Every second that passed I still remember you. The regret, dissapointment and love that I feel for you was with me all along. I remember you everytime I try to forget you, your face, your hands and the way you look at me. I remember it all. Author's Pov:May iba't-ibang dahilan kung bakit napakabilis tumakbo ng oras, kung bakit napakadaling dumilim ang kalangitan at kung bakit atat na atat tayo na magliwanag ang kinabukasan. Unang-unang dahilan rito ay ang siyensa. Lahat ng katanungan mo na nangyayari sa pisikal na mundo ay masasagot ng siyensa, siyensang halos pinaniniwalaan ng lahat, pero minsan nama'y dapat kailangan rin nating talikuran ang siyensa upang hanapin ang kasagutan ng mag-isa. Kasagutan na hinding-hindi mo makukuha ng mabilis, kasagutan na kung kailan kailangang-kailangan mo, ay doon pa ito mag

    Last Updated : 2022-03-01

Latest chapter

  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   Special Chapter (P2.2)

    Nangunot ang noo ni Kreizser nang mapansin na inaalalayan ito ni Zach sa balikat habang bahagyang nakakuba ang katawan dulot na rin ng katandaan. "Are you sick, po?" Nag-aalalang tanong ni Kreizser at wala sa sariling hinawakan ang kulubot na braso ni Erick. Tumingkayad pa ito para pilit na abutin ang noo dahilan upang bahagyang ibaba ni Erick ang sarili. "You're not sick but why do you look so weak, po? Do you tire yourself everyday? You know what po, my Mommy studied in medical field and I certainly know that she can heal you! Come here, po!" Sunod-sunod na sinabi niya pa at hinila si Erick papunta sa long sofa para paupuin doon. Lahat ay parang mga manonood na hinihintay ang magiging climax ng eksena habang nakatingin sa kanilang dalawa. Tahimik lamang sila tila inaabangan ang susunod na mangyayari. Maya-maya pa ay napansin nila na tumayo si Kreizsure at tahimik na naglakad papunta sa direksyon ni Shan. "Mommy, you can heal him, right?" Tanong nito matapos hilahin si Shan sa d

  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   Special Chapter (P2.1)

    Naputol lamang ang tila nawalang ulirat ni Shan nang aksidenteng dumapo ang mga mata niya sa halatang may kaedaran ng lalaki na paroo't-parito ang paglalakad habang sapo-sapo ang noo. Nakasuot ito ng simpleng puting shirt na pinaresan ng jaggy pants at simpleng pares ng asul na tsinelas. Mukhang hindi sa kanya ang suot na damit dahil halata ang pagiging maluwang nito. Wala sa sarili man ay pinagmasdan ni Shan ang lalaking tila balisang-balisa at atat na atat sa kung ano. Kung dati ay itim ang buhok nito at mukhang malusog sa lahat ng malulusog, ngayon naman ay halos wala ka ng mahita na kulay itim sa buhok nito dahil mas pumapaibabaw ang puti. Nangangayayat rin ang katawan nito at konting-konti na lang ay makikita mo na ang buto-buto nito na dati-rati'y puro kalamnan. Bahagyang kumuba rin ang likuran niya na para bang nahihirapang ituwid ang katawan at maglakad ng hindi humihingi ng pangbalanse. Aksidenteng dumapo ang mga mata ni Shan rito nang huminto ito sa paglalakad dahilan par

  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   Special Chapter (P2)

    "You'll stick with your tito and tita, okay?" Bilin ni Shan sa dalawa niyang anak na nakahawak sa magkabilang kamay ni Yhurlo. Atat na tumango-tango naman si Kreizser tsaka mabilis at nakangiting tinakbo ang anak ni Yhurlo na kanina pa nakasampa sa sahig habang hinihintay si Kreizser para makapaglaro na sila ng mga manika. Umiling na lamang si Shan nang makita kung gaano kasaya makita nila Kreizser ang isa't-isa tsaka niluhod ang isang paa para pantayan ang tangkad ni Kreizsure. "Take care of your sister, okay?" Paalala ulit ni Shan at ginulo ang basang buhok nito. Tahimik na nakangiting tumango naman si Kreizsure dahilan para bumalandra ang dalawang malalim nitong dimples. Kahit pa hindi magawang ipagtanggol ni Kreizsure ang kanyang sarili ay alam ni Shan na kayang-kaya nitong ipagtanggol aa nakakabatang kapatid. "Kayo na muna bahala sa kanila." Pagkausap ni Shan kay Yhurlo pagkatapos kausapin si Kreizsure tsaka bahagyang tinapik ang balikat nito. Napangiwi naman si Yhurlo bag

  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   Special Chapter (P1.1)

    "Kreizser..." Maya-maya'y pagtawag ni Zach at bahagyang lumapit sa anak. Awtomatiko namang napanguso si Kreizser nang dahil sa pagtawag sa kanya ni Zach tsaka mabilis na nagtago sa likuran ng nakakatandang kapatid. Sumilip siya mula sa maiksing siko ni Kreizsure para tignan ang kanyang ama."Kuya, tell him everything..." mahinang bulong pa ni Kreizser at bahagyang hinila ang dulo ng damit habang ang kalahati ng mukha ay nakasilip pa rin sa siko ni Kreizsure. "We were just playing and they accidentally hit me but it's okay. It's not that serious, anyway." Pagpapaliwanag nito na nagkibit pa ng balikat dahilan para agresibo siyang tignan ni Kreizser, halata ang matinding pag-alma sa mukha. "Tinapunan ka nila ng bato, kuya!" Pagmamatigas pa nito at sinubukan ulit hanapin ang batong tinapon sa nakakatandang kapatid. Ngumiti lamang si Kreizsure tsaka ginulo ang buhok ng kapatid. "It's fine. It's just an accident," anito pa at hindi na hinayaan pa ang kapatid na magsalita tsaka walang p

  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   Special Chapter (P1)

    It's been six years since Zach proposed to Shan to be his wife forever and forever and forevermore. In six years of being married, Zach never failed to shower Shan with his love, affection and care. He would always remind Shan how his life changed when he has no hope to change. Ni minsan ay walang araw na pinalipas si Zach na hindi batiin si Shan ng good morning, good noon at good night. Araw-araw nitong ginagawa at sinasabayan ng halik bagay na mas lalong nagpapahulog sa loob ng dalaga. Kasalukuyang nakahiga sina Zach at Shan sa malambot na kama. The sun is completely displayed above the orange and yellow skies so as the wind that keeps kissing the silk curtains causing it to sway in a smooth manner. Kanina pa gising si Zach at natapos na niyang lutuin ang magiging umagahan nila sadyang hinihintay na lang niyang magising si Shan na mahimbing na mahimbing pa ring natutulog sa tabi niya. Hinigpitan ni Zach ang pagkakayakap niya sa bewang ni Shan mula sa likod tsaka bahagyang umukl

  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   Epilogue (Part Two)

    Nagsimulang kumunot ang noo ko nang magsimulang maglakad sina Margou papunta sa akin dala-dala ang hawak na pulang rosas. Mas lalong lumalim ang gitla ng aking noo nang isa-isa nila itong binigay habang sinasabayan ang nakakahalinang intro ng kanta. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo rito na parang walang kaalam-alam sa nangyayari nang iabot sa akin ni Jake ang rosas na dala niya tsaka ako binigyan ng isang mahigpit man ngunit maingat na yakap. Nagtagal iyon ng ilang minuto bago niya ako nagawang harapin at ngitian. "I wish your happiness." anito bago tuluyang umalis sa harapan ko dahilan para maiwan akong nakatanga habang hawak-hawak ang mga rosas na inabot nila sa akin. Napapantiskulang kong tinignan ang ngayo'y isang palumpon ng rosas at napabuga ng malalim na hininga. Hindi ko alam kung anong nangyayari ang huling naaalala ko lang ay narito ako para umattend ng kaarawan hindi para ipagdiwang ang tila debut ko. Napailing ako at muling nagtaas ng paningin dahilan para

  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   Epilogue (Part One)

    Tatlong linggo na ang nakakalipas simula no'ng tumalon si F.H sa napakataas na rooftop. Tatlong araw na ang lumipas simula no'ng mabigyan nila ng hustisya ang mga taong pinaglaruan at dinamay ni F.H sa kanyang kahibangan. Noong panahong tumalon si F.H sa rooftop ay laking pasasalamat nila dahil ligtas ito. Pakiramdam ko nga ay inaasahan na ng mga pulis na tatalon si F.H sa rooftop dahil imbis na sa sahig na bumagsak ang katawan nito at mamatay ng duguan at bugbog sarado ay unang humalik sa katawan ni F.H ang napakalambot na sampung foam bed na pinagpatong-patong dahilan para maging ligtas ang kalagayan nito. Laking pasasalamat rin ni Mr. Hans nang malaman niyang ligtas ang kanyang ama pero kahit gayun pa man ay hindi pa rin nito magawang maging tuluyang masaya dahil alam niya saan pupulutin ang kanyang ama o kung may pupulutin pa ba siya. Ako naman ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko lalo na nang mapagtantong maaaring ginawa iyon ni F.H para takasan na pagbayaran ang mga

  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   69: REGRET

    What will you do if the person that you know happened to be suspicious to you and ended up as your older brother?Author's Pov:Mabilis na hinawakan ng mga pulis si F.H matapos na ibigay iyon ni Alvin. Nakaposas ang dalawa nitong kamay sa likuran habang ang mga mata ay hindi maawat sa panliliksik na nakatingin kina Erick at Alvin na ngayo'y nagtutulong-tulong na alsahin ang mga tauhan ni F.H na nakabulagta sa sahig. Napaismid na lamang si F.H lalo na nang makita ang matagumpay na ngiti sa mga labi nina Shan. "Papa!" Parang batang nawala sa mall na tawag ni Margou sa kanyang ama tsaka niya ito naiiyak na niyakap ng mahigpit. Ganoon rin ang ginawa nina Justine at niyakap rin ang kapamilya nila na matagal na nilang gustong makita at mayakap muli, maliban na lamang kay Nick na nahahalatang ayaw ni Tonton na makipag-usap o tignan man lang siya. Napabuntong-hininga na lamang si Nick tsaka wala sa sariling ginulo ang buhok ng nakakabatang kapatid na para bang nakasanayan na nito bago tinan

  • Detrimental Bullets Of Love (Duology 02)   68: THE REAL FATHER

    Mistake is a mistake. It's up to you if you do it twice just don't beg for forgiveness for your sake. Author's Pov:"Hindi nagtaksil si Mommy. Pagkakamali iyon na hindi na niya gugustuhing ulitin." Pagtatanggol ni Shan, halata sa mukha nito ang pagkainsulto sa sinabi ni F.H. "At kahit kailan ay alam kong hindi nagsisisi si Mommy na buhayin ako."Natawa si F.H sa sagot ni Shan bago mas diniinan ang pagkakasakal sa kanya. Napangiwi na lamang si Shan nang maramdaman ang magaspang nitong balbas na kanina pa patuloy na humahalik sa pisnge niya. "Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo? Hindi ka naman ata tulog, ano?" ani F.H gamit ang nang-aasar na tono. Bahagyang natigilan si Shan sa sinabi nito at wala sa sariling nilingon ito ngunit agad ring nag-iwas ng paningin nang sumalubong sa kanyang mata ang nakakadiri nitong pagmumukha. "Oo! At mahal na mahal ako ni Mom. Hinding-hindi mo na mababago ang katotohang 'yan," pagmamatigas ni Shan at inis na siniko ang sikmura ni F.H. Parang bigla na

DMCA.com Protection Status