Si Paul ay anak ng isang Pastor kaya takot siyang gumawa ng mga bagay na hindi maganda sa paningin ng tao at ng Diyos. Ngunit nang nagsimula siyang umibig at nabigo ng maraming beses ay nagbago ang lahat sa kanya. "I was destined to be hurt," he said. Then he became a black sheep of the Family. He met a beautiful woman with a good heart and God -fearing. Isang babaeng wala ng magulang ngunit nanatiling matatag para mabuhay. Mababago kaya ng babaeng ito ang pananaw ni Paul sa kanyang buhay? o maging dahilan siya upang tanggapin na lang ni Paul na naitadhana talaga siyang masaktan.
View MoreTanging ugong at busina ng mga sasakyan ang naririnig namin habang kami ay nagbibyahe pabalik sa bahay. Gusto kong tanungin si Esther sa pananahimik niya ngunit mas pinili ko na lang ang bigyan muna siya ng space dahil alam kong iyon ang kailangan niya. Maging si Frederick ay tahimik lang na nakamasid sa amin mula sa likuran na tila nagpipigil din magsalita.Pagdating namin sa bahay, nauna na akong lumabas sa sasakyan at sumalubong sa akin si lola na alalang-alala. "Where have you been? I told you not to go out but you disobeyed me again. Paano kung nakita ka ng mga taong gustong pumatay sa yo? Makikipaghabulan ka na naman ba kay kamatayan?" Salubong na sermon sa akin ni lola Aurora pero biglang kumunot ang noo ng mapagtantong may mga kasama ako."Who is this beautiful lady behind you? Girlfriend mo o ni Frederick?" Kunot-noong tanong niya. "Si Esther po la, bestfriend ko."Agad na nagmano si Esther kay Lola na ikinangiti naman ng huli."Kaawaan ka ng Diyos apo.""Siya ba ang dahila
"Bakit mo sinusundan si Esther? Anong binabalak mong gawin sa kanya?" Tiim-bagang na tanong ko."Wala akong binabalak na masama laban sa kanya. Gusto ko lang malaman ang lahat ng tungkol sa kanya," walang kaemo-emosyong sagot niya.Umigting ang aking panga dahil sa kanyang sagot at kung wala lang sana si Esther na nakatingin sa amin ay natamaan ko na sana ito sa aking nakakuyom na kamao."Bakit mo kailangang gawin iyon? Sinong nag-utos sa yo na manmanan siya sa lahat ng galaw niya? Sino ka ba?" Kunot-noong tanong ko.Sandaling natahimik ang lalaki at yumuko na para bang may iniiwasan. Mukha naman siyang mabait at may kaya sa buhay. Dahil bukod sa branded ang mga suot ay mukhang alaga din ng skin care ang mga balat. Kahit na may edad na ay makikita mo pa rin ang kaayusan sa kanyang pananamit. "Sumagot ka kung ayaw mong masaktan!" Sigaw sa kanya ni Frederick. "Wala akong masamang intensyon sa kanya. At mas lalong walang nag-utos sa akin para sundan siya. Ako ang may gusto nun. Balak k
Sabay kaming napatingin sa pintuan nang binuksan ito ng katulong namin at nagkatinginan kaming muli ni Andrea nang bumungad sa amin si Frederick na nakangiti ngunit nang makita niya si Andrea Fae ay unti-unting naglaho ang ngiti niya at napalitan ng pagtataka. "What are you doing here?" Kunot-noong sabi niya habang nakatingin kay Andrea."It's none of your business," galit na sagot ni Andrea. "Really? If I am not mistaken, you're still in love with me Andrea, so it's still my business," he said. "Asa ka! Hindi ka kawalan sa akin mr. womanizer. Hindi ka naman kaibig-ibig. Hindi ka karapat-dapat mahalin at isa pa, ikaw din kasi yung tipo ng taong madaling makalimutan."Umigting ang panga ni Frederick at kinuyom ang mga palad niya na halatang naiinis na. Wala pa naman itong pasensya at mahina ang self control. Kaya agad na akong pumagitna sa kanila para tumigil na ang bangayan nilang dalawa."Kung mag-aaway kayong dalawa dito, mas mabuti pang umalis na kayo. Ayaw kong makarinig ng nag
Pansamantala akong nakalaya dahil sa pakiusap sa ni lola sa mga at pagbabayayad ng piyansa ko na mahigit 500 thousand pesos. Nakahiga lang ako ngayon dito sa kwarto at nag-iisip kung paano ko masosolusyunan ang problema ko ng umalingawngaw ang ringing tone ng cellphone ko na ang ibig sabihin ay may tumatawag sa akin. Agad ko itong kinuha sa ibabaw ng mesa at sinagot ang new number na tumatawag."Sino to?" Kunot-noong tanong ko."Ako lang naman ang taong nakakaalam ng buong pangyayari tungkol sa pagkamatay ng babaeng waiter na sinasabing pinatay mo," sagot ng baritonong boses sa kabilang linya."What? You mean alam mong hindi ako ang pumatay sa kanya?""Yes. Dahil ako ang totoong pumatay sa kanya," sagot ng nasa kabilang linya at sinundan pa ng malakas na halakhak."Hayop ka! Ikaw ang dahilan ng aking pagkakakulong. Magkita tayo! Anong kailangan mo at tumawag ka? Hindi pa ba sapat ang ibinayad sa'yo para ako ang idiniing mamatay tao?"Tumawa muna ito ng malutong bago sumagot."10 milli
"You! you are the killer! Bakit mo pinatay ang anak ko?" umiiyak na sigaw sa akin ng tatay ng babaeng namatay habang dinuduro ako."Hindi siya ang pumatay sa anaķ ninyo dahil sabay-sabay lamang kaming dumating dito," saad ni kuya Daniel habang buhat pa rin ang kamamatay na babae."Hindi? Pinagtatakpan mo lang siya pero may pruweba kami. Hawak ko ang ebidensya na nagpapatunay na siya ang mamamatay tao. Siya ang nasa video na sumaksak sa anak ko," sabat naman ng ina ng namatay."Hayop ka! Dapat ikaw ang namatay," sigaw niya ay akmang susugurin ako ngunit pinigilan siya ng mga kasama naming pulis. Dahil sa video na ipinakita ng pamilya ng babaeng namatay ay pansamantala akong nakakulong ngayon dito sa Makati Police Station. Nakiusap ako sa mga barkada ko at kay kuya Daniel na huwag munang ipapaalam kay lola ang nangyari sa akin dahil ayaw kong mag-aalala na naman siya. "Paano mo ngayon sosolusyonan ang gulong kinasangkutan mo?" Galit na tanong ni kuya Daniel."Alam mong hindi ko iyon
Nagulat ako sa ingay ng tunog ng cellphone ko kaya nagpaalam muna ako kay kuya Daniel para sagutin ito."Ano na namang gulo ang kinasangkutan mo?" Bungad sa akin ng nasa kabilang linya."Esther?" Paniniguro ko sa tumawag."Yes, ako nga. Hanggang kailan ka makikisangkot sa gulo Paul? Hindi ka na ba magbabago?" "Tawagan na lang kita mamaya. May aayusin lang ako."Hindi ko na siya hinintay na sumagot at pinatay ko na ang tawag. Hahaba lang ang panenermon niya kung di ko pa puputulin. Ipapaliwanag ko na lang ang lahat pagbalik ko sa bahay niya.Bumalik ako kay kuya Daniel para itanong kung ok na ang lahat. Mabuti na lang at dumating sila agad sa restaurant na iyon dahil kung hindi baka patay na ako ngayon.Sino pa ba ang mabubuhay kung pumutok ang baril na nakatutok sa ulo ko kanina nung nasa restaurant pa kami? Dahil lang sa ipilit kong ipakain sa nagpanggap na waiter ang pagkaing inihain niya sa akin ay tinutukan na ako ng baril. Mabuti na lang agad na dumating si Kuya Daniel kasama a
Anong ginagawa niyo dito? Kunot-noong tanong ni Esther."Namiss lang kita, masama ba?" Nakangiti kong sagot."Himala! Ngayon mo lang ako namiss kahit na nagkita lang tayo kahapon? Samantalang noong ilang buwan tayong hindi nagkita ay hindi ka man lang dumalaw dito kahit minsan.""Naging busy lang ako noon. Nagtatampo ka ba?""As if naman may trabaho ka para maging busy. Ang sabihin mo, may kailangan ka kaya ka lumalapit sa akin ngayon. Tama ba?" Nakapameywang niyang sabi.Hindi ko na lang siya sinagot bagkus ay dumeretso na lang kaming pumasok sa bahay niya kahit wala pa siyang pahintulot. Ngunit muli akong humarap sa kanya at kitang-kita ko ang pagbukas ng mapupula niyang labi habang salubong ang mga kilay na dahil di makapaniwalang pumasok kami kahit di pa niya sinasabi.Agad kong hinila ang braso niya palabas ng bahay na ipinagtaka niya dahil naiwan sa loob ng bahay niya ang mga barkada ko."Saan mo ako dadalhin ha?" Tanong niya habang pilit na tinatanggal ang kamay niya na hawak-h
Nagising ako sa aking pakakatulog dahil sa patak ng luha na naramdaman ko sa aking kamay. Pagkamulat ko ay nakita ko si Esther na nakayuko habang hawak ang kanang kamay ko at humihikbi.Why are you crying?I asked. Nagulat siya sa pagsasalita ko kaya agad niyang tinanggal ang pagkakasalikop ng aming kamay at tumalikod siya sa akin sabay pahid sa pisngi at mata niya.Unti-unti akong bumangon sa pagkakahiga ko kahit na nahihirapan pa akong igalaw ang katawan ko para lang daluhan siya. I don't know why but it hurts for me to see her, crying."Hi-hindi a-ako umiiyak. Napuwing lang ako," pangangatwiran niya."Pumapatak ba ang luha sa mata kapag napuwing lang?" nakangiti kong sabi para sana pangitiin din siya ngunit humarap siya sa akin at tiningnan niya ako ng masama. Kitang-kita sa kanyang mga mata na kagagaling lang niya sa pag-iyak."Eh ano naman sa'yo kung umiyak ako? Ikakagalit mo ba?" sagot niya habang seryosong nakatingin sa akin. Hinila ko siya dahilan upang masubsob siya sa akin
"Napatawag ka bro? May problema ba?" nagtatakang tanong ni Frederick. "Bro, tama nga kayo. Nagsisimula na sila. Pwede ba kayong pumunta rito? Hindi kasi ako pinayagan ni lola na lumabas dahil sa nangyari kanina," sabi ko sa kabilang linya."What do you mean? Anong nangyari?" tanong ni Frederick na may halong pag-aalala."Ikuwento ko na lang sa inyo dito. I need you now, ASAP. May importante akong sasabihin,"seryosong sabi ko."Ok Bro. Pupunta kami diyan. Tawagan ko lang saglit si Bryan dahil wala pa rin siya hanggang ngayon," sagot ni Frederick sa kabilang linya."Sige bro. Diretso na lang kayo dito sa kwarto ko mamaya. Ingat kayo," sabi ko at pinatay ko na ang tawag ko. Pagkababa ko ng cellphone ko ay nahiga muna ako sa aking kama. Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Attorney kanina."Kailangan mong idemanda ang taong nagbabanta sa buhay mo. Ipaalam mo sa mga pulis na may gustong pumatay sa'yo baka sakaling magawan nila ng paraan para iligtas ka," seryosong sabi ni Attorney. "Ay
"Babe san ka ngayon?" tanong ko sa girlfriend ko na si Angela."Andito ako sa bahay. Bakit?" sagot niya.Napapikit ako ng mata dahil sa pagsisinungaling niya. Hindi niya alam na nandito ako sa bahay nila at naghihintay sa kanya. "Pwede ba tayong magkita? I miss you babe," sabi ko at pilit na pinapalambing ang boses ko kahit na ang totoo ay gusto ko ng magalit at prangkahin siya."Sorry babe may pupuntahan kasi kami ni mama. Next time na lang. Pasensiya ka na I need to hang up aalis na kami. Bye," sagot niya at pinatay na ang tawag ko.Pilit akong ngumiti sa mama ni Angela na nakatingin lang sa akin. Nagpaalam na lang ako sa kanya dahil parang hindi ko na kayang kontrolin pa ang pangingilid ng luha sa aking mga mata.Tumango lang sa akin ang mama ni Angela at ngumiti.Mabilis akong pumasok sa kotse ko at tahimik na umalis sa bahay ng girlfriend ko. Sobra akong dismayado sa pagsisinungaling niya sa akin.Tinawagan ko ang best friend kong si Mark dahil kailangan ko ng kausap. Kailangan k...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments