Share

Chapter 6

Author: Eli
last update Last Updated: 2022-09-18 19:22:15

Habang naglalakad ako sa hallway ng ospital ay napapaisip ako kung makikisali ba ako sa grupo nila Frederick.

Kung noon pa man ay sinusubaybayan na nila ako, ibig sabihin ay alam na rin nila ang tungkol sa panloloko sa akin ni Angela at Mark. Ngunit bakit kailangang sabihin nila na padala ako ng kalaban nila para magmanman sa kanila? May nalalaman ba sila na hindi ko alam? May ginawa kaya ako sa gabing nasa bar ako nang hindi ko nalalaman?

Kailangan kong tanungin si Kuya Daniel kung may video pa siya sa mga nangyari. Marahil ay may video pa akong hindi napapanood.

Takbo-lakad ang ginawa ko para makalabas agad sa hospital na iyon ngunit biglang may bumundol sa akin na isang lalaki. Muntik akong nawalan ng balance ngunit ang taong bumangga sa akin ay parang walang pakialam. Ni hindi man lang ito humingi ng paumanhin sa ginawa niya.

Kunot-noo akong tumingin sa lalaki na hindi naman nag-abalang lumingon sa akin dahil nagmamadaling pumasok na isang kwarto. Ilang sandali pa ay may humahangos din na isang lalaki na palinga-linga at mukhang may hinahanap. Nagkatinginan pa kami ngunit siya rin naman ang unang umiwas at umalis na rin agad.

Muli akong naglakad hanggang sa nakalabas ako ng ospital ngunit pagdating ko sa labas ay namataan ko si Angela na nakaupo sa waiting area malapit sa emergency room. Mukha siyang malungkot at mabigat ang pasanin.

Biglang bumilis ang tibok ng baliw kong puso na para bang biglang bumalik lahat ng pagmamahal ko sa kanya. Binubulong ng aking puso na lapitan ko siya at kausapin.

Lalapitan ko na sana siya ngunit dumating si Mark at nakangiting sinalubong naman siya ni Angela. Hinalikan siya ni Mark sa labi at niyakap. Ilang sandali pa ay magkaakbay na silang naglalakad papasok sa emergency room.

Kinuyom ko ang aking mga palad upang pigilin ang galit na nararamdaman ko. Nasasaktan pa rin ako sa tuwing nakikita ko silang magkasama. Nahihirapan akong makita silang masaya sa isa't-isa. Sila na nga ang nanloko sa akin, sila pa itong masaya. Life is so unfair.

Sumandal ako sa pader na malapit sa akin at inihilig ko ang aking ulo habang nakapikit ang aking mga mata upang pigilan ang luhang gustong dumaloy dito. Ngunit parang mas nakikita ko ang mukha ni Angela at Mark na masayang magkasama.

Hindi ko mapigilan ang aking galit kaya pinagsusuntok ko ang pader na sinasandalan ko. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga taong napapadaan basta ang mahalaga ay mailabas ko ang galit na aking nararamdaman.

"Maawa ka naman sa pader walang laban yan sa'yo," saad ng popular na boses ng isang lalaki sa likuran ko.

Kung hindi ako nagkakamali ay boses iyon ni Frederick. Idinilat ko ang aking mga mata at dahan-dahang humarap sa kanya. Si Frederick nga ang lalaking nagsalita.

"Kanina pa kita hinahanap. Sabi mo bibili ka lang ng pagkain tapos hindi kana bumalik. Yun pala sinasaktan mo na naman ang sarili mo. Anong problema bro?" ani Frederick.

"Wala," tipid kong sagot.

"Ano? Nakapagdecide ka na ba? Do you want to know kung bakit pinagbintangan ka naming pakawala ng kalaban namin?"seryosong tanong ni Frederick.

Tumango lang ako sa kanya habang nagkakatitigan kami na para bang binabasa namin ang iniisip ng isa't-isa.

"Follow me," sabi niya sabay talikod na sa akin.

Tahimik akong sumunod kay Frederick hanggang sa nakarating kami sa kwarto ni Bryan. Pagbukas ng pinto ay sumalubong sa akin sina Julius, Kyle, at Kier at nakipag-bump ng kamao. Nagtaka sila dahil left ang ginamit ko kaya napatingin sila sa right hand ko at nakita nila ang duguan kong kamao.

"Anong nangyari? Nakipagbasagan ka na naman ba?" natatawang tanong ni Kyle.

"Sino na naman ang kawawang ginulpi mo?" seryosong saad ni Bryan habang nakaupo sa kama nito.

"Ano ba kayo? Huwag niyo nang kulitin si Paul. Baka kayo pa ang pagbuntungan niya ng galit, lagot kayo," sita sa kanila ni Frederick.

"It's ok," sabi ko at ngumiti sa kanila.

"Gusto kong malaman kung bakit niyo ako pinagbintangan na kasapi ng kalaban niyo?" seryosong tanong ko.

Nagkatinginan silang lima at pagkatapos ay sabay-sabay silang tumingin sa akin.

Naglabas ng bugtong-hininga si Bryan at naglabas naman muna ng bara sa lalamunan si Frederick bago nagsalita.

"Kyle asan ang video?" walang emosyong sabi niya.

Dali-daling inilabas ni Kyle ang kanyang cellphone mula sa bulsa ng pantalon niya at inopen ang video pagkatapos ay ipinatong sa mesa nang may sandalan upang lahat kami ay makapanood. Iyon din naman yung video na napanood ko sa cellphone ni kuya Daniel.

"Ang anim na lalaking tumulong sa'yo ay mga kalaban ng SI group na pinamumunuan ko. Nakikita mo ba ang babaeng kumuha sa katawan mo? Siya ang kapatid ng leader ng mga MF o tinatawag na Man of Fraternity," pagpapakilala ni Frederick sa mga taong tumulong sa akin.

"Ang gusto lang namin malaman ay kung saan ka dinala ng babaeng ito nang gabing iyon?" tanong ni Bryan.

"Kung hindi ka nila kasapi, bakit ka nila tinulungan?" seryosong tanong naman ni Frederick.

Hindi ako agad nakasagot dahil ako rin ay hindi ko alam kung bakit nila ako tinulungan.

"Nagising ako noon na nasa loob na ng kuwarto ni Esther. Hipag ni Esther ang babaeng nakita natin sa video. At ayon kay Esther dinala daw ako ng babaeng iyon sa bahay ni Esther dahil baka pagselosan daw ako ng kuya ni Esther kapag inuwi ako sa bahay nila. Ang kwento ni Esther sa akin ay iniwan din daw ako agad ng babae at si Esther na ang nag-asikaso sa akin. Yun lang ang alam ko," seryosong sagot ko.

"Pwede mo bang ituro sa amin kung nasaan ang bahay ni Esther?" tanong ni Frederick.

Tumango ako sa kanila kasabay ng paglakas ng tibok ng puso ko na para bang kinakabahan ako.

"Sa isang condition," sabi ko agad na ikinagulat nila.

"Anong condition?" sabay-sabay pa nilang sinabi habang lahat sila ay nakatingin sa akin.

"Huwag niyo siyang idadamay dahil malakas ang kutob kong inosente siya at wala siyang kaalam-alam sa grupong sinasabi ninyo," pakiusap ko.

Hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon pero bigla kasing lumakas ang tibok ng puso ko ng inisip kong pwedeng mapahamak si Esther kapag nalaman nila kung saan ito nakatira.

"Kung hindi siya kabilang sa grupo, walang dahilan para idamay namin siya," sagot ni Bryan.

"Tingnan lang namin ang itsura niya kung nakikilala ba namin siya," dagdag pa ni Frederick.

"Ok, bukas ko na lang ituturo dahil gusto kong mapag-isa muna," seryosong sabi ko.

"Ayaw mo bang makisali sa grupo namin?" tanong ni Bryan.

"Gusto ko pero kung pagdududahan niyo lang ako, mas magandang huwag na lang," sagot ko.

"Noon lang yun pero noong napagtagpi-tagpi na namin ang mga pangyayari ay nawala na ang pagdududa namin sa'yo," paliwanag ni Julius.

Tumingin ako sa kanila isa-isa upang basahin kung nagsasabi ba sila ng totoo o nakikipaglaro na naman sila sa akin.

"Sa tingin ko, kaya ka nila tinulungan ay dahil alam nilang balak ka naming isali sa grupo kaya siguradong sa mga darating na araw ay may lalapit sa'yo para alukin kang sumali sa kanila," saad ni Frederick.

"Kaya unahan na namin sila dahil kami naman talaga ang nauna sa'yo. Naghihintay lang kami ng tamang pagkakataon ngunit nang nakakita kami ng chance ay pumalpak naman. Kaya sa pangatlong pagkakataon ay tatanungin ulit kita. Gusto mo bang sumali sa amin?" seryosong tanong ni Frederick.

"Ok. I want a new life with you guys," sagot ko.

They welcomed me into their group with a hand shake while smiling at me.

"Anong gusto mong baguhin sa'yo sa new life na sinasabi mo? Sabihin mo at tutulungan ka namin" ani Kyle.

Everything na nagpapaalala sa akin na ako si Paul.

"Deal! Ako ang bahala sa'yo," nakangiting sabi ni Kier.

"Bakit ikaw lang? Kasama mo kami," sigaw ni Julius.

"Ok let's go. Maiwan ka na dito Bryan babalik na lang kami bukas," paalam ni Frederick.

Nagtungo kami sa barber shop at sabay-sabay kaming nagpagupit. Pare-pareho ang style ng gupit namin na kung saan pinalagyan pa namin ng line diretso sa kilay namin kaya nagmukha kaming bad boy lalo na nang ipinakulay pa ang buhok namin.

Bumili din si Kier ng tig-iisa naming hikaw at sabay-sabay din namin itong isinuot.

Nakaramdam ako ng saya sa pagsama sa kanila at kahit papano ay nakalimot ako sa sakit na dulot ng dalawang taong pinagkatiwalaan ko.

"Shot tayo sa condo ko. Ako ang taya," masayang sabi ni Julius.

"Himala bro, anong nakain mo at nagvolunteer ka ngayon?" Pang-aasar ni Kyle.

"Para iwelcome si Paul sa grupo natin. We need to celebrate," sagot ni Julius.

Owww….ang bait mo bro sana kunin ka ni Lord," natatawang sabi ni Kier.

Binatukan siya ni Julius habang nagtatawanan kami at napangiwi na lang si Kier dahil nasaktan.

Hindi ko alam kung anong grupo itong sinalihan ko ngunit kampante ako dahil parang mababait naman sila kahit na mahilig silang mang-asar.

"Nakikita niyo ba ang nakikita ko?" tanong ni Frederick.

Tumigil kami sa paglalakad at tiningnan kung saan siya nakatingin. Nakita namin ang mga nakatambay na grupo ng mga kalalakihan sa kanto na may layo pa sa amin.

"Yes, of course," sagot ng tatlo naming kasama pero ako ay tahimik lang na nakamasid.

"Iwas na lang tayo bro. Baka matakot na si Paul kapag ito ang una niyang mararanasan sa grupo natin," bulong ni Julius kay Frederick ngunit umabot pa rin sa pandinig ko.

Napaisip ako kung ano ang ibig sabihin ni Julius. Tiningnan ko ulit ang mga lalaki at kanya-kanya na silang hawak ng armas at nakatingin sa kinaroroonan namin.

Related chapters

  • Destined to be Hurt   Chapter 7

    Tumigil si Frederick sa paglalakad at ganun din sina Julius, Kier, at Kyle. Kaya tumigil din ako at tumingin sa kanila."May problema ba bro?" Nagtatakang tanong ko kay Frederick. "Kapag sinabi kong takbo, tumakbo na kayo at iligtas ang mga sarili ninyo. Hindi natin sila kakayanin dahil marami sila at may mga armas sila. Kaya umiwas na lang muna tayo," seryosong sabi ni Frederick."May paparating na jeep bro, sumakay na tayo," saad ni Julius."Ok, Ready.Get set.Sakay.Pagkasabi ni Frederick ng sakay ay agad silang naglambitin sa kadarating na sasakyan. At dahil naguguluhan pa rin ako ay hindi ako nakapaglambitin ngunit humina ang takbo ng sasakyan kaya humabol ako at sumakay sa sa likuran nito. Umupo ako sa mismong pintuan nito na kung saan nakaharap ako sa labas.Kitang-kita ko ang mga kalaban namin na humabol ngunit bumilis na ang takbo ng sinasakyan naming jeep kaya tumigil din sila sa paghabol. "Woooh…Muntik na tayo dun," saad ni Kier."Bro may nakasunod pa rin. Anim sila at

    Last Updated : 2022-09-25
  • Destined to be Hurt   Chapter 8

    "Tigilan niyo na siya. Kaya lang naman siya pumunta dito dahil gusto niyang patunayan na mahal niya ako at seryoso siya sa akin. Parang awa niyo na po. Huwag niyo siyang patayin. Tama na please?" pakiusap ni Marie kay Kyle at Kier na walang tigil sa pambubugbog sa boyfriend niya.Nakamasid lang ako sa kanila habang pinagsusuntok at pinagsisipa nila ang lalaki.Lumapit sa akin si Marie at humingi ng tulong."Please tulungan mo siya. Tinulungan ka na din niya minsan kaya tulungan mo rin siya ngayon. Para sa anak namin. Buntis ako ngayon at hindi ko pa iyon nasasabi sa kanya. Ayaw kong mawalan ng ama ang anak ko kaya nakikiusap ako sa'yo," pagmamakaawa niya sa akin.Nakaramdam naman ako ng awa kay Marie at sa ipinagbubuntis niya kaya nilapitan ko sina Kyle at Kier at pinatigil sila sa ginagawa nilang pananakit sa lalaki. Marunong din naman akong tumanaw ng utang na loob."Bro tama na yan. Give him one more chance to live. Para sa kabayaran ng ginawa niyang pagliligtas sa akin noon," sabi

    Last Updated : 2022-10-02
  • Destined to be Hurt   Chapter 9- part 1

    Itinakwil ako ni papa dahil lang sa hindi niya nagustuhan ang pagbabago ko. Labis ang hinanakit ko sa kanya dahil sa pagpapalayas niya sa akin na wala man lang binigay na kahit ano. Maging ang cellphone ko, wallet o mga personal kong gamit ay wala.Para lang akong basang sisiw na nawawala sa gitna ng ulan na walang masilungan at walang malapitan.Ang aking mga luha ay sumasabay na sa pag-agos ng tubig-ulan habang nanginginig na ako sa lamig at nanghihina dahil sa sakit na aking nararamdaman physical at emotional.Parang gusto ko ng sumuko. Napakalaki ba ng kasalanan ko para magdusa ng ganito? Napaka unfair talaga ng buhay. Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit ako pa. Bakit ako pa ang nasasaktan ng paulit-ulit, hindi lamang sa babaeng minamahal ko kundi maging sa pamilya at kaibigan ko.Hindi ko na kaya, nanghihina na ako. Hindi ko na kayang maglakad pa ng malayo para hanapin ang kapalaran ko. Sobrang sakit na ng ulo at katawan ko. Nagdidilim na ang aking paningin. Gusto ng bumigay ng

    Last Updated : 2022-10-09
  • Destined to be Hurt   Chapter 9- part 2

    "Kanina pa ako tawag ng tawag hindi ka man lang sumagot agad. Saan ka? Kasama mo ba si Lola? Kaninong mga patak ng dugo ang nandito sa kwarto ko?" Bungad ko sa katulong namin pagkasagot niya sa tawag ko."Se-señorito si Do-donya A-aurora po," nauutal niyang sabi."Anong nangyari kay Lola?" saad ko."Nandito po kami sa Makati Medical Center. Pumunta na po kayo dito. Malolow batt na po ang toot…toot…toot ….toot..toot.." naputol na linya."Shit! Naputol pa talaga ang linya," sambit ko na lang.Nagmadali akong pumunta sa Makati Medical Center dahil sa sinabi ng katulong. Dahil sa kagustuhan kong makarating agad sa ospital ay muntik pa akong madisgrasya. Inaamin kong lasing ako kanina pero noong marinig kong nasa hospital sina lola ay nawala ang kalasingan ko.Pagdating ko sa parking lot ng hospital ay hindi ko na naipark ng mabuti ang kotse kong ibinigay sa akin Lola three months ago.Dumeretso ako sa nars station at tinanong kung saan ang kwarto ni Lola Aurora. Sinabi naman agad ng Nars

    Last Updated : 2022-10-13
  • Destined to be Hurt   Chapter 10

    "Napatawag ka bro? May problema ba?" nagtatakang tanong ni Frederick. "Bro, tama nga kayo. Nagsisimula na sila. Pwede ba kayong pumunta rito? Hindi kasi ako pinayagan ni lola na lumabas dahil sa nangyari kanina," sabi ko sa kabilang linya."What do you mean? Anong nangyari?" tanong ni Frederick na may halong pag-aalala."Ikuwento ko na lang sa inyo dito. I need you now, ASAP. May importante akong sasabihin,"seryosong sabi ko."Ok Bro. Pupunta kami diyan. Tawagan ko lang saglit si Bryan dahil wala pa rin siya hanggang ngayon," sagot ni Frederick sa kabilang linya."Sige bro. Diretso na lang kayo dito sa kwarto ko mamaya. Ingat kayo," sabi ko at pinatay ko na ang tawag ko. Pagkababa ko ng cellphone ko ay nahiga muna ako sa aking kama. Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Attorney kanina."Kailangan mong idemanda ang taong nagbabanta sa buhay mo. Ipaalam mo sa mga pulis na may gustong pumatay sa'yo baka sakaling magawan nila ng paraan para iligtas ka," seryosong sabi ni Attorney. "Ay

    Last Updated : 2022-10-23
  • Destined to be Hurt   Chapter 11

    Nagising ako sa aking pakakatulog dahil sa patak ng luha na naramdaman ko sa aking kamay. Pagkamulat ko ay nakita ko si Esther na nakayuko habang hawak ang kanang kamay ko at humihikbi.Why are you crying?I asked. Nagulat siya sa pagsasalita ko kaya agad niyang tinanggal ang pagkakasalikop ng aming kamay at tumalikod siya sa akin sabay pahid sa pisngi at mata niya.Unti-unti akong bumangon sa pagkakahiga ko kahit na nahihirapan pa akong igalaw ang katawan ko para lang daluhan siya. I don't know why but it hurts for me to see her, crying."Hi-hindi a-ako umiiyak. Napuwing lang ako," pangangatwiran niya."Pumapatak ba ang luha sa mata kapag napuwing lang?" nakangiti kong sabi para sana pangitiin din siya ngunit humarap siya sa akin at tiningnan niya ako ng masama. Kitang-kita sa kanyang mga mata na kagagaling lang niya sa pag-iyak."Eh ano naman sa'yo kung umiyak ako? Ikakagalit mo ba?" sagot niya habang seryosong nakatingin sa akin. Hinila ko siya dahilan upang masubsob siya sa akin

    Last Updated : 2022-11-06
  • Destined to be Hurt   Chapter 12

    Anong ginagawa niyo dito? Kunot-noong tanong ni Esther."Namiss lang kita, masama ba?" Nakangiti kong sagot."Himala! Ngayon mo lang ako namiss kahit na nagkita lang tayo kahapon? Samantalang noong ilang buwan tayong hindi nagkita ay hindi ka man lang dumalaw dito kahit minsan.""Naging busy lang ako noon. Nagtatampo ka ba?""As if naman may trabaho ka para maging busy. Ang sabihin mo, may kailangan ka kaya ka lumalapit sa akin ngayon. Tama ba?" Nakapameywang niyang sabi.Hindi ko na lang siya sinagot bagkus ay dumeretso na lang kaming pumasok sa bahay niya kahit wala pa siyang pahintulot. Ngunit muli akong humarap sa kanya at kitang-kita ko ang pagbukas ng mapupula niyang labi habang salubong ang mga kilay na dahil di makapaniwalang pumasok kami kahit di pa niya sinasabi.Agad kong hinila ang braso niya palabas ng bahay na ipinagtaka niya dahil naiwan sa loob ng bahay niya ang mga barkada ko."Saan mo ako dadalhin ha?" Tanong niya habang pilit na tinatanggal ang kamay niya na hawak-h

    Last Updated : 2022-12-20
  • Destined to be Hurt   Chapter 13

    Nagulat ako sa ingay ng tunog ng cellphone ko kaya nagpaalam muna ako kay kuya Daniel para sagutin ito."Ano na namang gulo ang kinasangkutan mo?" Bungad sa akin ng nasa kabilang linya."Esther?" Paniniguro ko sa tumawag."Yes, ako nga. Hanggang kailan ka makikisangkot sa gulo Paul? Hindi ka na ba magbabago?" "Tawagan na lang kita mamaya. May aayusin lang ako."Hindi ko na siya hinintay na sumagot at pinatay ko na ang tawag. Hahaba lang ang panenermon niya kung di ko pa puputulin. Ipapaliwanag ko na lang ang lahat pagbalik ko sa bahay niya.Bumalik ako kay kuya Daniel para itanong kung ok na ang lahat. Mabuti na lang at dumating sila agad sa restaurant na iyon dahil kung hindi baka patay na ako ngayon.Sino pa ba ang mabubuhay kung pumutok ang baril na nakatutok sa ulo ko kanina nung nasa restaurant pa kami? Dahil lang sa ipilit kong ipakain sa nagpanggap na waiter ang pagkaing inihain niya sa akin ay tinutukan na ako ng baril. Mabuti na lang agad na dumating si Kuya Daniel kasama a

    Last Updated : 2022-12-24

Latest chapter

  • Destined to be Hurt   Chapter 18

    Tanging ugong at busina ng mga sasakyan ang naririnig namin habang kami ay nagbibyahe pabalik sa bahay. Gusto kong tanungin si Esther sa pananahimik niya ngunit mas pinili ko na lang ang bigyan muna siya ng space dahil alam kong iyon ang kailangan niya. Maging si Frederick ay tahimik lang na nakamasid sa amin mula sa likuran na tila nagpipigil din magsalita.Pagdating namin sa bahay, nauna na akong lumabas sa sasakyan at sumalubong sa akin si lola na alalang-alala. "Where have you been? I told you not to go out but you disobeyed me again. Paano kung nakita ka ng mga taong gustong pumatay sa yo? Makikipaghabulan ka na naman ba kay kamatayan?" Salubong na sermon sa akin ni lola Aurora pero biglang kumunot ang noo ng mapagtantong may mga kasama ako."Who is this beautiful lady behind you? Girlfriend mo o ni Frederick?" Kunot-noong tanong niya. "Si Esther po la, bestfriend ko."Agad na nagmano si Esther kay Lola na ikinangiti naman ng huli."Kaawaan ka ng Diyos apo.""Siya ba ang dahila

  • Destined to be Hurt   Chapter 17

    "Bakit mo sinusundan si Esther? Anong binabalak mong gawin sa kanya?" Tiim-bagang na tanong ko."Wala akong binabalak na masama laban sa kanya. Gusto ko lang malaman ang lahat ng tungkol sa kanya," walang kaemo-emosyong sagot niya.Umigting ang aking panga dahil sa kanyang sagot at kung wala lang sana si Esther na nakatingin sa amin ay natamaan ko na sana ito sa aking nakakuyom na kamao."Bakit mo kailangang gawin iyon? Sinong nag-utos sa yo na manmanan siya sa lahat ng galaw niya? Sino ka ba?" Kunot-noong tanong ko.Sandaling natahimik ang lalaki at yumuko na para bang may iniiwasan. Mukha naman siyang mabait at may kaya sa buhay. Dahil bukod sa branded ang mga suot ay mukhang alaga din ng skin care ang mga balat. Kahit na may edad na ay makikita mo pa rin ang kaayusan sa kanyang pananamit. "Sumagot ka kung ayaw mong masaktan!" Sigaw sa kanya ni Frederick. "Wala akong masamang intensyon sa kanya. At mas lalong walang nag-utos sa akin para sundan siya. Ako ang may gusto nun. Balak k

  • Destined to be Hurt   Chapter 16

    Sabay kaming napatingin sa pintuan nang binuksan ito ng katulong namin at nagkatinginan kaming muli ni Andrea nang bumungad sa amin si Frederick na nakangiti ngunit nang makita niya si Andrea Fae ay unti-unting naglaho ang ngiti niya at napalitan ng pagtataka. "What are you doing here?" Kunot-noong sabi niya habang nakatingin kay Andrea."It's none of your business," galit na sagot ni Andrea. "Really? If I am not mistaken, you're still in love with me Andrea, so it's still my business," he said. "Asa ka! Hindi ka kawalan sa akin mr. womanizer. Hindi ka naman kaibig-ibig. Hindi ka karapat-dapat mahalin at isa pa, ikaw din kasi yung tipo ng taong madaling makalimutan."Umigting ang panga ni Frederick at kinuyom ang mga palad niya na halatang naiinis na. Wala pa naman itong pasensya at mahina ang self control. Kaya agad na akong pumagitna sa kanila para tumigil na ang bangayan nilang dalawa."Kung mag-aaway kayong dalawa dito, mas mabuti pang umalis na kayo. Ayaw kong makarinig ng nag

  • Destined to be Hurt   Chapter 15

    Pansamantala akong nakalaya dahil sa pakiusap sa ni lola sa mga at pagbabayayad ng piyansa ko na mahigit 500 thousand pesos. Nakahiga lang ako ngayon dito sa kwarto at nag-iisip kung paano ko masosolusyunan ang problema ko ng umalingawngaw ang ringing tone ng cellphone ko na ang ibig sabihin ay may tumatawag sa akin. Agad ko itong kinuha sa ibabaw ng mesa at sinagot ang new number na tumatawag."Sino to?" Kunot-noong tanong ko."Ako lang naman ang taong nakakaalam ng buong pangyayari tungkol sa pagkamatay ng babaeng waiter na sinasabing pinatay mo," sagot ng baritonong boses sa kabilang linya."What? You mean alam mong hindi ako ang pumatay sa kanya?""Yes. Dahil ako ang totoong pumatay sa kanya," sagot ng nasa kabilang linya at sinundan pa ng malakas na halakhak."Hayop ka! Ikaw ang dahilan ng aking pagkakakulong. Magkita tayo! Anong kailangan mo at tumawag ka? Hindi pa ba sapat ang ibinayad sa'yo para ako ang idiniing mamatay tao?"Tumawa muna ito ng malutong bago sumagot."10 milli

  • Destined to be Hurt   Chapter 14

    "You! you are the killer! Bakit mo pinatay ang anak ko?" umiiyak na sigaw sa akin ng tatay ng babaeng namatay habang dinuduro ako."Hindi siya ang pumatay sa anaķ ninyo dahil sabay-sabay lamang kaming dumating dito," saad ni kuya Daniel habang buhat pa rin ang kamamatay na babae."Hindi? Pinagtatakpan mo lang siya pero may pruweba kami. Hawak ko ang ebidensya na nagpapatunay na siya ang mamamatay tao. Siya ang nasa video na sumaksak sa anak ko," sabat naman ng ina ng namatay."Hayop ka! Dapat ikaw ang namatay," sigaw niya ay akmang susugurin ako ngunit pinigilan siya ng mga kasama naming pulis. Dahil sa video na ipinakita ng pamilya ng babaeng namatay ay pansamantala akong nakakulong ngayon dito sa Makati Police Station. Nakiusap ako sa mga barkada ko at kay kuya Daniel na huwag munang ipapaalam kay lola ang nangyari sa akin dahil ayaw kong mag-aalala na naman siya. "Paano mo ngayon sosolusyonan ang gulong kinasangkutan mo?" Galit na tanong ni kuya Daniel."Alam mong hindi ko iyon

  • Destined to be Hurt   Chapter 13

    Nagulat ako sa ingay ng tunog ng cellphone ko kaya nagpaalam muna ako kay kuya Daniel para sagutin ito."Ano na namang gulo ang kinasangkutan mo?" Bungad sa akin ng nasa kabilang linya."Esther?" Paniniguro ko sa tumawag."Yes, ako nga. Hanggang kailan ka makikisangkot sa gulo Paul? Hindi ka na ba magbabago?" "Tawagan na lang kita mamaya. May aayusin lang ako."Hindi ko na siya hinintay na sumagot at pinatay ko na ang tawag. Hahaba lang ang panenermon niya kung di ko pa puputulin. Ipapaliwanag ko na lang ang lahat pagbalik ko sa bahay niya.Bumalik ako kay kuya Daniel para itanong kung ok na ang lahat. Mabuti na lang at dumating sila agad sa restaurant na iyon dahil kung hindi baka patay na ako ngayon.Sino pa ba ang mabubuhay kung pumutok ang baril na nakatutok sa ulo ko kanina nung nasa restaurant pa kami? Dahil lang sa ipilit kong ipakain sa nagpanggap na waiter ang pagkaing inihain niya sa akin ay tinutukan na ako ng baril. Mabuti na lang agad na dumating si Kuya Daniel kasama a

  • Destined to be Hurt   Chapter 12

    Anong ginagawa niyo dito? Kunot-noong tanong ni Esther."Namiss lang kita, masama ba?" Nakangiti kong sagot."Himala! Ngayon mo lang ako namiss kahit na nagkita lang tayo kahapon? Samantalang noong ilang buwan tayong hindi nagkita ay hindi ka man lang dumalaw dito kahit minsan.""Naging busy lang ako noon. Nagtatampo ka ba?""As if naman may trabaho ka para maging busy. Ang sabihin mo, may kailangan ka kaya ka lumalapit sa akin ngayon. Tama ba?" Nakapameywang niyang sabi.Hindi ko na lang siya sinagot bagkus ay dumeretso na lang kaming pumasok sa bahay niya kahit wala pa siyang pahintulot. Ngunit muli akong humarap sa kanya at kitang-kita ko ang pagbukas ng mapupula niyang labi habang salubong ang mga kilay na dahil di makapaniwalang pumasok kami kahit di pa niya sinasabi.Agad kong hinila ang braso niya palabas ng bahay na ipinagtaka niya dahil naiwan sa loob ng bahay niya ang mga barkada ko."Saan mo ako dadalhin ha?" Tanong niya habang pilit na tinatanggal ang kamay niya na hawak-h

  • Destined to be Hurt   Chapter 11

    Nagising ako sa aking pakakatulog dahil sa patak ng luha na naramdaman ko sa aking kamay. Pagkamulat ko ay nakita ko si Esther na nakayuko habang hawak ang kanang kamay ko at humihikbi.Why are you crying?I asked. Nagulat siya sa pagsasalita ko kaya agad niyang tinanggal ang pagkakasalikop ng aming kamay at tumalikod siya sa akin sabay pahid sa pisngi at mata niya.Unti-unti akong bumangon sa pagkakahiga ko kahit na nahihirapan pa akong igalaw ang katawan ko para lang daluhan siya. I don't know why but it hurts for me to see her, crying."Hi-hindi a-ako umiiyak. Napuwing lang ako," pangangatwiran niya."Pumapatak ba ang luha sa mata kapag napuwing lang?" nakangiti kong sabi para sana pangitiin din siya ngunit humarap siya sa akin at tiningnan niya ako ng masama. Kitang-kita sa kanyang mga mata na kagagaling lang niya sa pag-iyak."Eh ano naman sa'yo kung umiyak ako? Ikakagalit mo ba?" sagot niya habang seryosong nakatingin sa akin. Hinila ko siya dahilan upang masubsob siya sa akin

  • Destined to be Hurt   Chapter 10

    "Napatawag ka bro? May problema ba?" nagtatakang tanong ni Frederick. "Bro, tama nga kayo. Nagsisimula na sila. Pwede ba kayong pumunta rito? Hindi kasi ako pinayagan ni lola na lumabas dahil sa nangyari kanina," sabi ko sa kabilang linya."What do you mean? Anong nangyari?" tanong ni Frederick na may halong pag-aalala."Ikuwento ko na lang sa inyo dito. I need you now, ASAP. May importante akong sasabihin,"seryosong sabi ko."Ok Bro. Pupunta kami diyan. Tawagan ko lang saglit si Bryan dahil wala pa rin siya hanggang ngayon," sagot ni Frederick sa kabilang linya."Sige bro. Diretso na lang kayo dito sa kwarto ko mamaya. Ingat kayo," sabi ko at pinatay ko na ang tawag ko. Pagkababa ko ng cellphone ko ay nahiga muna ako sa aking kama. Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Attorney kanina."Kailangan mong idemanda ang taong nagbabanta sa buhay mo. Ipaalam mo sa mga pulis na may gustong pumatay sa'yo baka sakaling magawan nila ng paraan para iligtas ka," seryosong sabi ni Attorney. "Ay

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status