Madilim pa nang dumating ako sa bahay. Dahan-dahan kong binuksan ang gate namin maging ang pintuan ng aming bahay na halatang inaasahan ang aking pag-uwi dahil hindi ito naka-lock.
Pagpasok ko sa sala ay bumungad sa akin ang nakadekwatrong si kuya Daniel. Agad na dumako ang tingin niya sa akin na para bang isa akong kaaway na biglang pumasok sa bahay niya.
"Mabuti naman at sumunod ka sa utos ko. Anong nangyayari sa'yo Paul? Pinapahiya mo ako sa pinaggagawa mo," tiim-bagang sabi ni Kuya Daniel.
"Ano po ba ang ginawa ko na ikinakagalit mo kuya?" nagtatakang tanong ko.
"Hindi mo alam? O nagkukunwari kang inosente sa mga katarantaduhan mo," sigaw niya.
"Bukod sa pambubugbog ko kay Mark wala na akong alam na ginawa kong katarantaduhan," nakasimangot kong sabi.
"Panoorin mo ito," saad niya sabay abot sa akin ng cellphone niya.
Kinuha ko naman ito agad at pinanood ang video na naroon.
Laking gulat ko nang makita ko ang aking sarili na pinagbabasag ang mga bote ng alak sa aking harapan. May isang lalaking mula sa kabilang mesa na umawat sa akin ngunit bigla ko itong tinamaan ng suntok sa mukha dahilan upang pagtinginan ako ng mga tao sa bar. Akmang tatamaan ko ulit ng suntok ang lalaki ngunit naunahan ako ng kanyang kasama. Napasubsob ako sa sahig at dahil sa aking kalasingan ay hindi ko na nagawa pang bumangon.
Nilapitan ako ng apat lalaki na tantiya ko ay mga kasama ng lalaking sinuntok ko. Binigyan nila ako ng tig-iisang suntok sa mukha at tig-iisang tadyak sa katawan. Namilipit ako sa sakit ng natamo kong suntok at tadyak lalo na nang apakan ng lalaking sinuntok ko ang aking kamay sa mismong kinaroroonan ng mga bubog. Ngunit may limang lalaki din na lumapit sa amin at ipinagtanggol ako dahilan upang nagkaroon ng suntukan sa loob ng bar.
Pinilit kong makatayo upang makapaghiganti ngunit hindi ko pa rin kaya. May isang lalaki ang lumapit sa akin at tinulungan akong makatayo. Kitang-kita ko ang pag-agos ng dugo sa kamay ko dahil sa mga bubog. Inalalayan ako ng lalaki palabas ng bar habang ang limang lalaking nagtanggol sa akin at nakikipag palitan pa rin ng suntok sa anim na lalaking nanakit sa akin.
Paglabas namin ng lalaki sa bar ay hindi ko na alam kung anong nangyari sa akin. Tanging ang dalawang grupo ng lalaki ng lang ang nakikita ko sa video.
Napansin kong parang umaatras na ang grupo ng lalaki na tumulong sa akin hanggang sa unti-unti na silang nakakarating sa may pintuin ng bar at tuluyan nang nawala at natapos na ang video.
Natahimik ako dahil sa napanood ko. Dahan-dahan kong iniabot kay Kuya Daniel ang cellphone niya nang hindi tumitingin sa kanya dahil sa hiya. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko iyon.“Now I know. Kaya pala sobrang sakit ng katawan ko pagkagising ko kahapon at may benda na rin ang kamay ko ay dahil ganun pala ang nangyari,” sabi ko sa isip ko.
“Hindi diyan nagtatapos ang istorya Paul,” saad ni kuya Daniel habang nakatingin sa cellphone niya na para bang may hinahanap.
“A-anong i-ibig mong sa-sabihin kuya?” nauutal kong sabi.
Iniabot niyang muli ang kanyang cellphone sa akin at agad ko naman itong kinuha.
Sa isang video ay kita kung paano ako inilabas ng lalaki sa bar at magka-akbay kaming pumunta sa garahe. Pinaupo niya muna ako sa gilid at tinalian ng panyo ang dumudugong kamay ko. Pagkatapos ay tumingin ang lalaki sa kanyang relo na para bang may hinihintay. Akmang aalalayan na niya akong tumayo ngunit sinenyasan ko siyang huwag na at kusa na akong tumayo.
Nagtungo ako sa kotse ko at sumusunod naman sa likuran ko ang lalaking umalalay sa akin na para bang binabantayan ako. Humarap ako sa kanya ngunit naagaw ng atensyon ko ang papalabas na grupo ng lalaki at patakbong pumunta sa kinaroroonan namin ng lalaking kasama kong lumabas sa bar.
Sinenyasan ko silang sumakay na sa kotse ko ngunit nang sasakay na sana kami ay nakita kong nakasunod na ang mga nakalaban namin at may hawak ng baril ang isa sa kanila. Nakatutok ito sa akin at nang malapit na sila sa kinaroroonan namin ay agad akong dumapa at pinasadahan ng sipa ang paa ng lalaking may hawak ng baril dahilan upang mawalan ito ng balanse at ang tama ng baril niya ay nailagay sa side mirror ng kotse ko kaya ito nabasag. Nagpaputok ulit ito ngunit nakapagtago na kami sa likod ng kotse kaya ang mga gulong ng kotse ko ang natamaan.
Akmang tatayo na sana ang may hawak ng baril ngunit agad akong tumakbo papunta sa kanya at sinipang muli na naging dahilan ng muli niyang pagkabagsak. Kumuha ako ng pagkakataon na agawin ang baril sa kanya at nagtagumpay naman ako.
Pinaputukan ko ito at natamaan ang kanyang balikat. Dahil sa pagkagulat ko sa ginawa kong pagbaril sa lalaki ay naitapon ko ang baril at akmang tatakbo na sana ako para takasan sila ngunit sumalubong sa akin ang isang flying kick mula sa isa pa naming kalaban.
Kita ko ang pagkahagis ng katawan ko na parang sako at naitama sa kotse ko. Nilapitan pa ako ng lalaki at doon ako binanatan ng suntok hanggang sa mawalan na ako ng malay saka niya ako iniwan.Nakita ko sa video na may isang babae ang humila sa lupaypay kong katawan at ipinasok ako sa isang black na kotse.
Umalis ang kotse dala ang katawan ko hanggang sa hindi na ito makita sa video. Ang tanging nakikita ko na lang sa video ay ang anim na lalaki na tumulong sa akin habang nakikipaglaban pa rin sa mga grupo na nakalaban ko ngunit ng marinig nila ang sirena ng pulis ay agad silang nagtakbuhan palayo sa lugar na iyon at nawala sa sila sa video.
Ibinalik ko ang cellphone ni kuya at tiim ang bagang tumingin siya sa akin.
“Ngayong alam mo na kung ano ang ginawa mo, mag-isip ka kung paano mo yan sosolusyonan,” galit niyang sabi.
“Saan po dinala ang binaril ko?” mahinang saad ko.
“Natural sa ospital. At alam mo ba na kapatid ng kasamahan kong pulis ang dinale mo? Kung hindi niya lang alam na kapatid kita, baka pinaghahanap ka na ngayon. Or baka nakakakulong ka na sa mga oras na ito,” sermon niya sa akin.
Saang ospital kuya? Pupuntahan ko siya. Kung gusto nila akong ipakulong, tatanggapin ko kahit na wala ako sa sarili sa gabing iyon. Handa akong pagdusahan ang mga ginawa ko,” malungkot na sabi ko.
Hindi na sumagot si kuya Daniel bagkus ay tinitigan niya lang ako ng matalim at tiyaka siya huminga ng malalim bago ako iniwan sa sala na hindi man lang sinasagot ang tanong ko.
Nagtungo ako sa kuwarto ko at dali-daling naligo.Pagkatapos kong naligo ay nagpalit ako ng simpleng maong na pantalon at v-neck shirt na kulay gray.
Pumunta ako sa pinakamalapit na ospital sa bar kung saan kami nagrambulan at hinanap ang lalaking nabaril ko sa balikat na isinugod noong isang gabi. Nagtanong ako sa nars station ng surgery ward at itinuro naman sa akin ang room nito.
Bago ako kumatok sa kuwarto ay naglabas muna ako ng buntong hininga. Tatlong beses ko lang kinatok ang pinto at agad naman itong binuksan.
Bumungad sa akin ang isang unipormadong pulis na kunot-noong nakatingin sa akin.
“Magandang umaga po,” magalang kong pagbati.
“What are doing here?” galit niyang sagot sa pagbati ko.“Nandito po ako para humingi ng paumanhin sa nagawa ko. Hindi ko po iyon sinasadya. Kung gusto niyo po akong ipakulong, bukal po ang aking loob na sumuko sa inyo,” nakayuko kong sabi.
“Pumasok ka para sa kanya ka humingi ng paumanhin, huwag sa akin,” malumanay niyang sabi.
Nagtaka ako sa pagbabago ng boses niya kaya tumingin ako sa kanya at nakita ko ang ngiti sa kanyang labi.
“Kilala kita Paul dahil naikukuwento ka lagi ng kuya mo sa akin. Alam kong may kasalanan din ang kapatid ko dahil siya ang naglabas ng baril kaya hindi ka namin ipapakulong. Magkaibigan kami ng kuya mo kaya dapat na magkaayos kayo ng kapatid ko. Ayaw namin ni Daniel na nagkakaraoon ng gap ang pagitan ng pamilya namin kaya pumasok ka para magkausap kayo,” malumanay niyang sabi sabay luwag sa pagkakabukas ng pintuan.
Pumasok naman ako agad ngunit nagulat ako dahil nasa loob pala ang lahat ng nakalaban ko at matalim ang mga tingin ang ipinukol nila sa akin. Puno ng pasa ang mukha ng bawat isa at mayroon pang nakabenda ang kamay.
“Boys huwag niyong takutin si Paul. Siya ang pangalawang kapatid ni Daniel na sinasabi ko sa inyo,” nakangiting pagpapakilala ng kaibigan ni kuya sa akin.
Pagkarinig sa pangalan ni Kuya Daniel ay agad nagbago ang tingin nila sa akin. Ang matalim nilang tingin kanina ay napalitan ng ngiti at isa-isa silang nagpakilala sa akin na para bang walang nangyaring rambulan sa pagitan namin.
“Hi! I’m Bryan Ledesma and they are my friends Julius Santos, Kier Perez, Kyle Cruz, and Frederick Tan,” nakangiting sabi ng taong nakaupo sa kama na si Bryan Ledesma.
Siya ang taong nabaril ko sa balikat na kapatid ng kaibigan ni Kuya Daniel. Isa-isa niyang itinuro ang mga kaibigan niya mula sa kanan na tinawag niyang Julius Santos hanggang sa huli.
Nakipagshake-hand sila sa akin sabay sabi sa pangalan nila pati na rin ang kaibigan ni Kuya Daniel na si Brando Ledesma at agad ko naman natandaan ang mga pangalan nila. Nagpakilala din ako sa kanila saka humingi ng pasensya sa kanilang lahat. Pinatawad din nila ako at humingi din sila ng pasensya sa akin.
“Simula ngayon kasali ka na sa grupo namin,” nakangiting sabi ni Bryan.
“Oo ba! Salamat sa pagtanggap sa akin sa grupo ninyo,” natutuwa kong sabi.
Nagkwentuhan muna kami saglit hanggang sa nagpaalam na si kuya Brando na papasok na daw sa trabaho. Nagpa-alam siya sa amin at saka binilinan na huwag na naman kaming gumawa ng eksena. Nagtawanan lang kami na para bang matagal na kaming magkakakilala.
Paglabas ni kuya Brando ay namayani ang katahimikan na ikinailang ko. Lalo na nang nasa akin lahat ang tingin nila na para bang gusto nila akong lapain.
“Nandito ka ba para tiktikan kami?” seryosong tanong ni Bryan.“Ipinadala ka ba ng grupo mo dito para magkunwaring kakampi namin? Huwag mo ng subukang pumasok sa grupo namin para maging spy dahil hindi ka magtatagumpay. Magiging malamig ka na munang bangkay bago mo magawa iyon,” tiim-bagang saad ni Frederick Tan.
Napalunok ako ng dalawang beses dahil sa kaba. Akala ko ok na kami ngunit sa harap lang pala ni Kuya Brando. Parang gusto ko na lamang lamunin ng lupa dahil sa mapanghusgang titig nila sa akin.
Habang naglalakad ako sa hallway ng ospital ay napapaisip ako kung makikisali ba ako sa grupo nila Frederick. Kung noon pa man ay sinusubaybayan na nila ako, ibig sabihin ay alam na rin nila ang tungkol sa panloloko sa akin ni Angela at Mark. Ngunit bakit kailangang sabihin nila na padala ako ng kalaban nila para magmanman sa kanila? May nalalaman ba sila na hindi ko alam? May ginawa kaya ako sa gabing nasa bar ako nang hindi ko nalalaman? Kailangan kong tanungin si Kuya Daniel kung may video pa siya sa mga nangyari. Marahil ay may video pa akong hindi napapanood. Takbo-lakad ang ginawa ko para makalabas agad sa hospital na iyon ngunit biglang may bumundol sa akin na isang lalaki. Muntik akong nawalan ng balance ngunit ang taong bumangga sa akin ay parang walang pakialam. Ni hindi man lang ito humingi ng paumanhin sa ginawa niya.Kunot-noo akong tumingin sa lalaki na hindi naman nag-abalang lumingon sa akin dahil nagmamadaling pumasok na isang kwarto. Ilang sandali pa ay may humahan
Tumigil si Frederick sa paglalakad at ganun din sina Julius, Kier, at Kyle. Kaya tumigil din ako at tumingin sa kanila."May problema ba bro?" Nagtatakang tanong ko kay Frederick. "Kapag sinabi kong takbo, tumakbo na kayo at iligtas ang mga sarili ninyo. Hindi natin sila kakayanin dahil marami sila at may mga armas sila. Kaya umiwas na lang muna tayo," seryosong sabi ni Frederick."May paparating na jeep bro, sumakay na tayo," saad ni Julius."Ok, Ready.Get set.Sakay.Pagkasabi ni Frederick ng sakay ay agad silang naglambitin sa kadarating na sasakyan. At dahil naguguluhan pa rin ako ay hindi ako nakapaglambitin ngunit humina ang takbo ng sasakyan kaya humabol ako at sumakay sa sa likuran nito. Umupo ako sa mismong pintuan nito na kung saan nakaharap ako sa labas.Kitang-kita ko ang mga kalaban namin na humabol ngunit bumilis na ang takbo ng sinasakyan naming jeep kaya tumigil din sila sa paghabol. "Woooh…Muntik na tayo dun," saad ni Kier."Bro may nakasunod pa rin. Anim sila at
"Tigilan niyo na siya. Kaya lang naman siya pumunta dito dahil gusto niyang patunayan na mahal niya ako at seryoso siya sa akin. Parang awa niyo na po. Huwag niyo siyang patayin. Tama na please?" pakiusap ni Marie kay Kyle at Kier na walang tigil sa pambubugbog sa boyfriend niya.Nakamasid lang ako sa kanila habang pinagsusuntok at pinagsisipa nila ang lalaki.Lumapit sa akin si Marie at humingi ng tulong."Please tulungan mo siya. Tinulungan ka na din niya minsan kaya tulungan mo rin siya ngayon. Para sa anak namin. Buntis ako ngayon at hindi ko pa iyon nasasabi sa kanya. Ayaw kong mawalan ng ama ang anak ko kaya nakikiusap ako sa'yo," pagmamakaawa niya sa akin.Nakaramdam naman ako ng awa kay Marie at sa ipinagbubuntis niya kaya nilapitan ko sina Kyle at Kier at pinatigil sila sa ginagawa nilang pananakit sa lalaki. Marunong din naman akong tumanaw ng utang na loob."Bro tama na yan. Give him one more chance to live. Para sa kabayaran ng ginawa niyang pagliligtas sa akin noon," sabi
Itinakwil ako ni papa dahil lang sa hindi niya nagustuhan ang pagbabago ko. Labis ang hinanakit ko sa kanya dahil sa pagpapalayas niya sa akin na wala man lang binigay na kahit ano. Maging ang cellphone ko, wallet o mga personal kong gamit ay wala.Para lang akong basang sisiw na nawawala sa gitna ng ulan na walang masilungan at walang malapitan.Ang aking mga luha ay sumasabay na sa pag-agos ng tubig-ulan habang nanginginig na ako sa lamig at nanghihina dahil sa sakit na aking nararamdaman physical at emotional.Parang gusto ko ng sumuko. Napakalaki ba ng kasalanan ko para magdusa ng ganito? Napaka unfair talaga ng buhay. Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit ako pa. Bakit ako pa ang nasasaktan ng paulit-ulit, hindi lamang sa babaeng minamahal ko kundi maging sa pamilya at kaibigan ko.Hindi ko na kaya, nanghihina na ako. Hindi ko na kayang maglakad pa ng malayo para hanapin ang kapalaran ko. Sobrang sakit na ng ulo at katawan ko. Nagdidilim na ang aking paningin. Gusto ng bumigay ng
"Kanina pa ako tawag ng tawag hindi ka man lang sumagot agad. Saan ka? Kasama mo ba si Lola? Kaninong mga patak ng dugo ang nandito sa kwarto ko?" Bungad ko sa katulong namin pagkasagot niya sa tawag ko."Se-señorito si Do-donya A-aurora po," nauutal niyang sabi."Anong nangyari kay Lola?" saad ko."Nandito po kami sa Makati Medical Center. Pumunta na po kayo dito. Malolow batt na po ang toot…toot…toot ….toot..toot.." naputol na linya."Shit! Naputol pa talaga ang linya," sambit ko na lang.Nagmadali akong pumunta sa Makati Medical Center dahil sa sinabi ng katulong. Dahil sa kagustuhan kong makarating agad sa ospital ay muntik pa akong madisgrasya. Inaamin kong lasing ako kanina pero noong marinig kong nasa hospital sina lola ay nawala ang kalasingan ko.Pagdating ko sa parking lot ng hospital ay hindi ko na naipark ng mabuti ang kotse kong ibinigay sa akin Lola three months ago.Dumeretso ako sa nars station at tinanong kung saan ang kwarto ni Lola Aurora. Sinabi naman agad ng Nars
"Napatawag ka bro? May problema ba?" nagtatakang tanong ni Frederick. "Bro, tama nga kayo. Nagsisimula na sila. Pwede ba kayong pumunta rito? Hindi kasi ako pinayagan ni lola na lumabas dahil sa nangyari kanina," sabi ko sa kabilang linya."What do you mean? Anong nangyari?" tanong ni Frederick na may halong pag-aalala."Ikuwento ko na lang sa inyo dito. I need you now, ASAP. May importante akong sasabihin,"seryosong sabi ko."Ok Bro. Pupunta kami diyan. Tawagan ko lang saglit si Bryan dahil wala pa rin siya hanggang ngayon," sagot ni Frederick sa kabilang linya."Sige bro. Diretso na lang kayo dito sa kwarto ko mamaya. Ingat kayo," sabi ko at pinatay ko na ang tawag ko. Pagkababa ko ng cellphone ko ay nahiga muna ako sa aking kama. Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Attorney kanina."Kailangan mong idemanda ang taong nagbabanta sa buhay mo. Ipaalam mo sa mga pulis na may gustong pumatay sa'yo baka sakaling magawan nila ng paraan para iligtas ka," seryosong sabi ni Attorney. "Ay
Nagising ako sa aking pakakatulog dahil sa patak ng luha na naramdaman ko sa aking kamay. Pagkamulat ko ay nakita ko si Esther na nakayuko habang hawak ang kanang kamay ko at humihikbi.Why are you crying?I asked. Nagulat siya sa pagsasalita ko kaya agad niyang tinanggal ang pagkakasalikop ng aming kamay at tumalikod siya sa akin sabay pahid sa pisngi at mata niya.Unti-unti akong bumangon sa pagkakahiga ko kahit na nahihirapan pa akong igalaw ang katawan ko para lang daluhan siya. I don't know why but it hurts for me to see her, crying."Hi-hindi a-ako umiiyak. Napuwing lang ako," pangangatwiran niya."Pumapatak ba ang luha sa mata kapag napuwing lang?" nakangiti kong sabi para sana pangitiin din siya ngunit humarap siya sa akin at tiningnan niya ako ng masama. Kitang-kita sa kanyang mga mata na kagagaling lang niya sa pag-iyak."Eh ano naman sa'yo kung umiyak ako? Ikakagalit mo ba?" sagot niya habang seryosong nakatingin sa akin. Hinila ko siya dahilan upang masubsob siya sa akin
Anong ginagawa niyo dito? Kunot-noong tanong ni Esther."Namiss lang kita, masama ba?" Nakangiti kong sagot."Himala! Ngayon mo lang ako namiss kahit na nagkita lang tayo kahapon? Samantalang noong ilang buwan tayong hindi nagkita ay hindi ka man lang dumalaw dito kahit minsan.""Naging busy lang ako noon. Nagtatampo ka ba?""As if naman may trabaho ka para maging busy. Ang sabihin mo, may kailangan ka kaya ka lumalapit sa akin ngayon. Tama ba?" Nakapameywang niyang sabi.Hindi ko na lang siya sinagot bagkus ay dumeretso na lang kaming pumasok sa bahay niya kahit wala pa siyang pahintulot. Ngunit muli akong humarap sa kanya at kitang-kita ko ang pagbukas ng mapupula niyang labi habang salubong ang mga kilay na dahil di makapaniwalang pumasok kami kahit di pa niya sinasabi.Agad kong hinila ang braso niya palabas ng bahay na ipinagtaka niya dahil naiwan sa loob ng bahay niya ang mga barkada ko."Saan mo ako dadalhin ha?" Tanong niya habang pilit na tinatanggal ang kamay niya na hawak-h
Tanging ugong at busina ng mga sasakyan ang naririnig namin habang kami ay nagbibyahe pabalik sa bahay. Gusto kong tanungin si Esther sa pananahimik niya ngunit mas pinili ko na lang ang bigyan muna siya ng space dahil alam kong iyon ang kailangan niya. Maging si Frederick ay tahimik lang na nakamasid sa amin mula sa likuran na tila nagpipigil din magsalita.Pagdating namin sa bahay, nauna na akong lumabas sa sasakyan at sumalubong sa akin si lola na alalang-alala. "Where have you been? I told you not to go out but you disobeyed me again. Paano kung nakita ka ng mga taong gustong pumatay sa yo? Makikipaghabulan ka na naman ba kay kamatayan?" Salubong na sermon sa akin ni lola Aurora pero biglang kumunot ang noo ng mapagtantong may mga kasama ako."Who is this beautiful lady behind you? Girlfriend mo o ni Frederick?" Kunot-noong tanong niya. "Si Esther po la, bestfriend ko."Agad na nagmano si Esther kay Lola na ikinangiti naman ng huli."Kaawaan ka ng Diyos apo.""Siya ba ang dahila
"Bakit mo sinusundan si Esther? Anong binabalak mong gawin sa kanya?" Tiim-bagang na tanong ko."Wala akong binabalak na masama laban sa kanya. Gusto ko lang malaman ang lahat ng tungkol sa kanya," walang kaemo-emosyong sagot niya.Umigting ang aking panga dahil sa kanyang sagot at kung wala lang sana si Esther na nakatingin sa amin ay natamaan ko na sana ito sa aking nakakuyom na kamao."Bakit mo kailangang gawin iyon? Sinong nag-utos sa yo na manmanan siya sa lahat ng galaw niya? Sino ka ba?" Kunot-noong tanong ko.Sandaling natahimik ang lalaki at yumuko na para bang may iniiwasan. Mukha naman siyang mabait at may kaya sa buhay. Dahil bukod sa branded ang mga suot ay mukhang alaga din ng skin care ang mga balat. Kahit na may edad na ay makikita mo pa rin ang kaayusan sa kanyang pananamit. "Sumagot ka kung ayaw mong masaktan!" Sigaw sa kanya ni Frederick. "Wala akong masamang intensyon sa kanya. At mas lalong walang nag-utos sa akin para sundan siya. Ako ang may gusto nun. Balak k
Sabay kaming napatingin sa pintuan nang binuksan ito ng katulong namin at nagkatinginan kaming muli ni Andrea nang bumungad sa amin si Frederick na nakangiti ngunit nang makita niya si Andrea Fae ay unti-unting naglaho ang ngiti niya at napalitan ng pagtataka. "What are you doing here?" Kunot-noong sabi niya habang nakatingin kay Andrea."It's none of your business," galit na sagot ni Andrea. "Really? If I am not mistaken, you're still in love with me Andrea, so it's still my business," he said. "Asa ka! Hindi ka kawalan sa akin mr. womanizer. Hindi ka naman kaibig-ibig. Hindi ka karapat-dapat mahalin at isa pa, ikaw din kasi yung tipo ng taong madaling makalimutan."Umigting ang panga ni Frederick at kinuyom ang mga palad niya na halatang naiinis na. Wala pa naman itong pasensya at mahina ang self control. Kaya agad na akong pumagitna sa kanila para tumigil na ang bangayan nilang dalawa."Kung mag-aaway kayong dalawa dito, mas mabuti pang umalis na kayo. Ayaw kong makarinig ng nag
Pansamantala akong nakalaya dahil sa pakiusap sa ni lola sa mga at pagbabayayad ng piyansa ko na mahigit 500 thousand pesos. Nakahiga lang ako ngayon dito sa kwarto at nag-iisip kung paano ko masosolusyunan ang problema ko ng umalingawngaw ang ringing tone ng cellphone ko na ang ibig sabihin ay may tumatawag sa akin. Agad ko itong kinuha sa ibabaw ng mesa at sinagot ang new number na tumatawag."Sino to?" Kunot-noong tanong ko."Ako lang naman ang taong nakakaalam ng buong pangyayari tungkol sa pagkamatay ng babaeng waiter na sinasabing pinatay mo," sagot ng baritonong boses sa kabilang linya."What? You mean alam mong hindi ako ang pumatay sa kanya?""Yes. Dahil ako ang totoong pumatay sa kanya," sagot ng nasa kabilang linya at sinundan pa ng malakas na halakhak."Hayop ka! Ikaw ang dahilan ng aking pagkakakulong. Magkita tayo! Anong kailangan mo at tumawag ka? Hindi pa ba sapat ang ibinayad sa'yo para ako ang idiniing mamatay tao?"Tumawa muna ito ng malutong bago sumagot."10 milli
"You! you are the killer! Bakit mo pinatay ang anak ko?" umiiyak na sigaw sa akin ng tatay ng babaeng namatay habang dinuduro ako."Hindi siya ang pumatay sa anaķ ninyo dahil sabay-sabay lamang kaming dumating dito," saad ni kuya Daniel habang buhat pa rin ang kamamatay na babae."Hindi? Pinagtatakpan mo lang siya pero may pruweba kami. Hawak ko ang ebidensya na nagpapatunay na siya ang mamamatay tao. Siya ang nasa video na sumaksak sa anak ko," sabat naman ng ina ng namatay."Hayop ka! Dapat ikaw ang namatay," sigaw niya ay akmang susugurin ako ngunit pinigilan siya ng mga kasama naming pulis. Dahil sa video na ipinakita ng pamilya ng babaeng namatay ay pansamantala akong nakakulong ngayon dito sa Makati Police Station. Nakiusap ako sa mga barkada ko at kay kuya Daniel na huwag munang ipapaalam kay lola ang nangyari sa akin dahil ayaw kong mag-aalala na naman siya. "Paano mo ngayon sosolusyonan ang gulong kinasangkutan mo?" Galit na tanong ni kuya Daniel."Alam mong hindi ko iyon
Nagulat ako sa ingay ng tunog ng cellphone ko kaya nagpaalam muna ako kay kuya Daniel para sagutin ito."Ano na namang gulo ang kinasangkutan mo?" Bungad sa akin ng nasa kabilang linya."Esther?" Paniniguro ko sa tumawag."Yes, ako nga. Hanggang kailan ka makikisangkot sa gulo Paul? Hindi ka na ba magbabago?" "Tawagan na lang kita mamaya. May aayusin lang ako."Hindi ko na siya hinintay na sumagot at pinatay ko na ang tawag. Hahaba lang ang panenermon niya kung di ko pa puputulin. Ipapaliwanag ko na lang ang lahat pagbalik ko sa bahay niya.Bumalik ako kay kuya Daniel para itanong kung ok na ang lahat. Mabuti na lang at dumating sila agad sa restaurant na iyon dahil kung hindi baka patay na ako ngayon.Sino pa ba ang mabubuhay kung pumutok ang baril na nakatutok sa ulo ko kanina nung nasa restaurant pa kami? Dahil lang sa ipilit kong ipakain sa nagpanggap na waiter ang pagkaing inihain niya sa akin ay tinutukan na ako ng baril. Mabuti na lang agad na dumating si Kuya Daniel kasama a
Anong ginagawa niyo dito? Kunot-noong tanong ni Esther."Namiss lang kita, masama ba?" Nakangiti kong sagot."Himala! Ngayon mo lang ako namiss kahit na nagkita lang tayo kahapon? Samantalang noong ilang buwan tayong hindi nagkita ay hindi ka man lang dumalaw dito kahit minsan.""Naging busy lang ako noon. Nagtatampo ka ba?""As if naman may trabaho ka para maging busy. Ang sabihin mo, may kailangan ka kaya ka lumalapit sa akin ngayon. Tama ba?" Nakapameywang niyang sabi.Hindi ko na lang siya sinagot bagkus ay dumeretso na lang kaming pumasok sa bahay niya kahit wala pa siyang pahintulot. Ngunit muli akong humarap sa kanya at kitang-kita ko ang pagbukas ng mapupula niyang labi habang salubong ang mga kilay na dahil di makapaniwalang pumasok kami kahit di pa niya sinasabi.Agad kong hinila ang braso niya palabas ng bahay na ipinagtaka niya dahil naiwan sa loob ng bahay niya ang mga barkada ko."Saan mo ako dadalhin ha?" Tanong niya habang pilit na tinatanggal ang kamay niya na hawak-h
Nagising ako sa aking pakakatulog dahil sa patak ng luha na naramdaman ko sa aking kamay. Pagkamulat ko ay nakita ko si Esther na nakayuko habang hawak ang kanang kamay ko at humihikbi.Why are you crying?I asked. Nagulat siya sa pagsasalita ko kaya agad niyang tinanggal ang pagkakasalikop ng aming kamay at tumalikod siya sa akin sabay pahid sa pisngi at mata niya.Unti-unti akong bumangon sa pagkakahiga ko kahit na nahihirapan pa akong igalaw ang katawan ko para lang daluhan siya. I don't know why but it hurts for me to see her, crying."Hi-hindi a-ako umiiyak. Napuwing lang ako," pangangatwiran niya."Pumapatak ba ang luha sa mata kapag napuwing lang?" nakangiti kong sabi para sana pangitiin din siya ngunit humarap siya sa akin at tiningnan niya ako ng masama. Kitang-kita sa kanyang mga mata na kagagaling lang niya sa pag-iyak."Eh ano naman sa'yo kung umiyak ako? Ikakagalit mo ba?" sagot niya habang seryosong nakatingin sa akin. Hinila ko siya dahilan upang masubsob siya sa akin
"Napatawag ka bro? May problema ba?" nagtatakang tanong ni Frederick. "Bro, tama nga kayo. Nagsisimula na sila. Pwede ba kayong pumunta rito? Hindi kasi ako pinayagan ni lola na lumabas dahil sa nangyari kanina," sabi ko sa kabilang linya."What do you mean? Anong nangyari?" tanong ni Frederick na may halong pag-aalala."Ikuwento ko na lang sa inyo dito. I need you now, ASAP. May importante akong sasabihin,"seryosong sabi ko."Ok Bro. Pupunta kami diyan. Tawagan ko lang saglit si Bryan dahil wala pa rin siya hanggang ngayon," sagot ni Frederick sa kabilang linya."Sige bro. Diretso na lang kayo dito sa kwarto ko mamaya. Ingat kayo," sabi ko at pinatay ko na ang tawag ko. Pagkababa ko ng cellphone ko ay nahiga muna ako sa aking kama. Naalala ko ang mga sinabi sa akin ni Attorney kanina."Kailangan mong idemanda ang taong nagbabanta sa buhay mo. Ipaalam mo sa mga pulis na may gustong pumatay sa'yo baka sakaling magawan nila ng paraan para iligtas ka," seryosong sabi ni Attorney. "Ay