Chapter: Chapter 18Tanging ugong at busina ng mga sasakyan ang naririnig namin habang kami ay nagbibyahe pabalik sa bahay. Gusto kong tanungin si Esther sa pananahimik niya ngunit mas pinili ko na lang ang bigyan muna siya ng space dahil alam kong iyon ang kailangan niya. Maging si Frederick ay tahimik lang na nakamasid sa amin mula sa likuran na tila nagpipigil din magsalita.Pagdating namin sa bahay, nauna na akong lumabas sa sasakyan at sumalubong sa akin si lola na alalang-alala. "Where have you been? I told you not to go out but you disobeyed me again. Paano kung nakita ka ng mga taong gustong pumatay sa yo? Makikipaghabulan ka na naman ba kay kamatayan?" Salubong na sermon sa akin ni lola Aurora pero biglang kumunot ang noo ng mapagtantong may mga kasama ako."Who is this beautiful lady behind you? Girlfriend mo o ni Frederick?" Kunot-noong tanong niya. "Si Esther po la, bestfriend ko."Agad na nagmano si Esther kay Lola na ikinangiti naman ng huli."Kaawaan ka ng Diyos apo.""Siya ba ang dahila
Huling Na-update: 2023-02-18
Chapter: Chapter 17"Bakit mo sinusundan si Esther? Anong binabalak mong gawin sa kanya?" Tiim-bagang na tanong ko."Wala akong binabalak na masama laban sa kanya. Gusto ko lang malaman ang lahat ng tungkol sa kanya," walang kaemo-emosyong sagot niya.Umigting ang aking panga dahil sa kanyang sagot at kung wala lang sana si Esther na nakatingin sa amin ay natamaan ko na sana ito sa aking nakakuyom na kamao."Bakit mo kailangang gawin iyon? Sinong nag-utos sa yo na manmanan siya sa lahat ng galaw niya? Sino ka ba?" Kunot-noong tanong ko.Sandaling natahimik ang lalaki at yumuko na para bang may iniiwasan. Mukha naman siyang mabait at may kaya sa buhay. Dahil bukod sa branded ang mga suot ay mukhang alaga din ng skin care ang mga balat. Kahit na may edad na ay makikita mo pa rin ang kaayusan sa kanyang pananamit. "Sumagot ka kung ayaw mong masaktan!" Sigaw sa kanya ni Frederick. "Wala akong masamang intensyon sa kanya. At mas lalong walang nag-utos sa akin para sundan siya. Ako ang may gusto nun. Balak k
Huling Na-update: 2023-01-20
Chapter: Chapter 16Sabay kaming napatingin sa pintuan nang binuksan ito ng katulong namin at nagkatinginan kaming muli ni Andrea nang bumungad sa amin si Frederick na nakangiti ngunit nang makita niya si Andrea Fae ay unti-unting naglaho ang ngiti niya at napalitan ng pagtataka. "What are you doing here?" Kunot-noong sabi niya habang nakatingin kay Andrea."It's none of your business," galit na sagot ni Andrea. "Really? If I am not mistaken, you're still in love with me Andrea, so it's still my business," he said. "Asa ka! Hindi ka kawalan sa akin mr. womanizer. Hindi ka naman kaibig-ibig. Hindi ka karapat-dapat mahalin at isa pa, ikaw din kasi yung tipo ng taong madaling makalimutan."Umigting ang panga ni Frederick at kinuyom ang mga palad niya na halatang naiinis na. Wala pa naman itong pasensya at mahina ang self control. Kaya agad na akong pumagitna sa kanila para tumigil na ang bangayan nilang dalawa."Kung mag-aaway kayong dalawa dito, mas mabuti pang umalis na kayo. Ayaw kong makarinig ng nag
Huling Na-update: 2023-01-14
Chapter: Chapter 15Pansamantala akong nakalaya dahil sa pakiusap sa ni lola sa mga at pagbabayayad ng piyansa ko na mahigit 500 thousand pesos. Nakahiga lang ako ngayon dito sa kwarto at nag-iisip kung paano ko masosolusyunan ang problema ko ng umalingawngaw ang ringing tone ng cellphone ko na ang ibig sabihin ay may tumatawag sa akin. Agad ko itong kinuha sa ibabaw ng mesa at sinagot ang new number na tumatawag."Sino to?" Kunot-noong tanong ko."Ako lang naman ang taong nakakaalam ng buong pangyayari tungkol sa pagkamatay ng babaeng waiter na sinasabing pinatay mo," sagot ng baritonong boses sa kabilang linya."What? You mean alam mong hindi ako ang pumatay sa kanya?""Yes. Dahil ako ang totoong pumatay sa kanya," sagot ng nasa kabilang linya at sinundan pa ng malakas na halakhak."Hayop ka! Ikaw ang dahilan ng aking pagkakakulong. Magkita tayo! Anong kailangan mo at tumawag ka? Hindi pa ba sapat ang ibinayad sa'yo para ako ang idiniing mamatay tao?"Tumawa muna ito ng malutong bago sumagot."10 milli
Huling Na-update: 2023-01-10
Chapter: Chapter 14"You! you are the killer! Bakit mo pinatay ang anak ko?" umiiyak na sigaw sa akin ng tatay ng babaeng namatay habang dinuduro ako."Hindi siya ang pumatay sa anaķ ninyo dahil sabay-sabay lamang kaming dumating dito," saad ni kuya Daniel habang buhat pa rin ang kamamatay na babae."Hindi? Pinagtatakpan mo lang siya pero may pruweba kami. Hawak ko ang ebidensya na nagpapatunay na siya ang mamamatay tao. Siya ang nasa video na sumaksak sa anak ko," sabat naman ng ina ng namatay."Hayop ka! Dapat ikaw ang namatay," sigaw niya ay akmang susugurin ako ngunit pinigilan siya ng mga kasama naming pulis. Dahil sa video na ipinakita ng pamilya ng babaeng namatay ay pansamantala akong nakakulong ngayon dito sa Makati Police Station. Nakiusap ako sa mga barkada ko at kay kuya Daniel na huwag munang ipapaalam kay lola ang nangyari sa akin dahil ayaw kong mag-aalala na naman siya. "Paano mo ngayon sosolusyonan ang gulong kinasangkutan mo?" Galit na tanong ni kuya Daniel."Alam mong hindi ko iyon
Huling Na-update: 2022-12-30
Chapter: Chapter 13Nagulat ako sa ingay ng tunog ng cellphone ko kaya nagpaalam muna ako kay kuya Daniel para sagutin ito."Ano na namang gulo ang kinasangkutan mo?" Bungad sa akin ng nasa kabilang linya."Esther?" Paniniguro ko sa tumawag."Yes, ako nga. Hanggang kailan ka makikisangkot sa gulo Paul? Hindi ka na ba magbabago?" "Tawagan na lang kita mamaya. May aayusin lang ako."Hindi ko na siya hinintay na sumagot at pinatay ko na ang tawag. Hahaba lang ang panenermon niya kung di ko pa puputulin. Ipapaliwanag ko na lang ang lahat pagbalik ko sa bahay niya.Bumalik ako kay kuya Daniel para itanong kung ok na ang lahat. Mabuti na lang at dumating sila agad sa restaurant na iyon dahil kung hindi baka patay na ako ngayon.Sino pa ba ang mabubuhay kung pumutok ang baril na nakatutok sa ulo ko kanina nung nasa restaurant pa kami? Dahil lang sa ipilit kong ipakain sa nagpanggap na waiter ang pagkaing inihain niya sa akin ay tinutukan na ako ng baril. Mabuti na lang agad na dumating si Kuya Daniel kasama a
Huling Na-update: 2022-12-24