Sa edad na kinse, ulilang lubos na si Myla. Namatay sa plane crashed ang kaniyang mga magulang. Dahil wala na siyang mga kamag-anak, naiwan siya sa pangangalaga sa mag-asawang malapit na kaibigan ng kaniyang mga magulang. The family treat her well. Tinuring na din siyang parang pamilya. Mabuti ang pakikitungo sa kaniya ng mga anak ng mag-asawa. Maliban na lang kay Ivan na may sariling mundo. Pero kahit na ganoon, gustong-gusto pa din siya ni Myla. Ivan is seven years older than Myla. Mayroon na siyang nobya at patay na patay siya dito. But one night will change everything. When Ivan went home, drunk and wasted. That leads him and Myla into bed. Nang malaman ng pamilya niya ang nangyari. Agad nilang pinakasal ang dalawa kahit pa labis ang pagtutol ni Ivan. "Masaya ka ba sa pagsira sa buhay ko?" tanong ni Ivan habang matalas ang mga mata na nakatingin kay Myla.
View MorePinunasan ko ang basa kong kamay bago ko sinagot ang tawag ng aking byenan sa aking celphone.
"Hello, Mommy?""Anak, magpunta ka ngayon sa St. John's Hospital," bungad niya sa akin."P-Po? Bakit po?""Hihintayin ka namin doon. Papunta na din kami." Agad na niyang pinatay ang tawag. Ni hindi man lang sinabi sa akin kung ano ang dahilan.Ganoon na lamang ang kaba sa aking dibdib. Sa sobrang pag-aalala at pagkataranta agad kong kinuha ang wallet ko na nakapatong sa taas ng refrigerator. Hindi ko na inabala pang magbihis.Tingin ko importante ang tinawag ng byenan kong babae. At sana lang hindi ito masamang balita.Pumara ako ng taxi at pagkatapos ng kulang trenta minuto, nakarating ako sa ospital."Kuya, ano pong nangyari?" Humahangos kong tanong sa panganay na kapatid ng aking asawa."Si Ivan—"Ano'ng nangyari sa kaniya? Ano'ng nangyari sa asawa ko, Kuya?" Naiiyak kong tanong."Nasaan siya?""Nasa operating room siya. Nadisgrasya siya. May nakabanggaan na truck.""Dios ko po!" Napatakip ako ng aking bunganga at hindi ko na napigilang mapahagulgol.Oh my God. Nagpapadyak ako ng aking paa. Hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin. Agad namang lumapit sa amin ang ate ni Ivan at agad akong niyakap.Naging mabagal ang oras habang hinihintay namin ang mga doktor na nag-opera kay Ivan. Isa hanggang sa umabot ng dalawang oras. At nang magbukas ang pintuan ng operating room, nilapitan namin ang doktor."The operation went well. Pero kailangan namin siyang obserbahan sa loob ng bente kuwatro oras sa ICU."Halos hindi ko na maunawaan ang iba pang sinabi ng doktor. Operation went well pero bakit ididiretso siya sa ICU?Pinuntahan ko ang asawa ko sa ICU. Nahabag ako sa kaniyang itsura dahil napapalibutan siya ng mga aparato. Naka-monitor din ang kaniyang mga vital signs.Sabi nila naririnig ka daw ng taong na-comma, kaya dapat kausapin mo siya. Ilang sandali akong tahimik dahil hindi ko kayang pigilan ang aking pag-iyak. Hinaplos ko ang kaniyang kamay. Hinalikan ko ang kaliwang bahagi ng kaniyang noo, dahil iyon lang ang walang galos sa mukha niya."Honey, lumaban ka, okay?" Kinagat ko ang aking labi na nanginginig. "Kailangang kayanin mo." Mariin akong pumikit at suminghap pero kahit ano'ng pigil ko napahikbi ako."Kapag gumising ka, hindi na kita bibigyan ng sakit ng ulo. Hindi na ako magseselos. Hindi na kita aawayin."May kataga akong gustong-gustong sabihin sa kaniya pero hindi ko magawang bigkasin."Mahal na mahal kita, Ivan. Sobrang mahal kita."Sa buong magdamag, binantayan ko si Ivan. Nangako naman ang kaniyang mga magulang at kapatid na pupunta sila bukas upang palitan ako sa pagbabantay.Halos hindi ako nakatulog dahil sa sobrang pag-aalala ko sa kaniya. Kung ano-ano ang mga bagay na tumatakbo sa aking isipan sa mga oras na ito. Paano kung tuluyan na siyang mawala?Hinaplos ko ng marahan ang kaniyang buhok. Pinakatitigan ko siya dahil baka huling beses ko na siyang makita. Minemorya ko ang kaniyang guwapong mukha, baka hindi ko na siya ulit makita pa.Gusto kong gumising siya. Bumalik sa dati. At ako naman ay tuluyan nang aalis sa buhay niya.Muli akong napaiyak. Isipin ko palang na mawawala na ako sa buhay niya ay tila kay sakit. Para bang dinudurog ang puso ko na isang taon nang wasak dahil dahil sa iisang tao.Pero kahit na ganoon, mahal na mahal ko pa din siya."Kung makaka-survive ka. Hahayaan na kita. Hahayaan kitang makasama ang babaeng mahal mo. Alam kong matagal mo na itong gusto pero nagmatigas akong makipaghiwalay." Bumuntong hininga ako. Para bang sinasakal ako sa mga katagang aking binibitawan.Hindi ko lubos akalain na kakayanin kong sabihin ang mga salitang iyon.Sa isang taon naming pagsasama bilang mag-asawa, masasabi kong naging mabuti ako. Pinagsisilbihan ko siya. Pero ni isang beses hindi namin nagawa ang bagay na ginagawa ng mga mag-asawa.Nandidiri siya sa akin. Galit na galit siya sa akin dahil ninakaw ko sa kaniya ang kaniyang kalayaan. Na sinira ko ang kaniyang pangarap.Ulilang lubos na ako. Kinse anyos lamang ako nang mamatay sa plane crashed ang aking mga magulang.Dahil matalik na kaibigan ng mga magulang ni Ivan ang mga magulang ko, sila ang kumupkop sa akin. Wala kasing ibang gustong kumupkop sa akin sa mga kamag-anak namin.Unang beses ko pa lang noon makita si Ivan, nagkagusto na ako agad sa kaniya. He's my first crush. My first love. Mas matanda siya sa akin ng pitong taon.Twenty two na siya that time at nag-ma-manage na ng kanilang company. May girlfriend siya, si Maureen. Patay na patay siya sa babaeng ito.Sinikreto ko ang nararamdaman ko para sa kaniya, pero alam kong batid ng mga magulang niya at kapatid niya na may feelings ako para kay Ivan. But they didn't talk anything about it.Bakit kami naging mag-asawa?A year ago, umuwi si Ivan nang lasing. Ako ang nag-asikaso sa kaniya. Tinulungan ko siyang makaakyat sa kaniyang silid. Dis-oras na ng gabi kaya mga tulog na ang mga katulong.Hinubaran ko siya ng kaniyang damit upang maging komportable siya. But we ended in bed together. That was my first time. Batid kong lasing na lasing siya pero ang marupok kong puso, nagpadala sa mainit na mga yakap at matatamis niyang halik. That's my first.Dala ng pagod at sakit ng katawan ko dahil sa nangyari sa amin, nakatulog ako sa kaniyang tabi.At nagising na lang kami dahil sa boses ng kaniyang Mommy at Daddy. Nahuli nila kaming magkasama.Wala naman akong plano sana na malaman nila pero shit happens.Galit na galit noon si Ivan sa akin. Pinagsamantalahan daw niya ako."You're such a desperate woman. I hate you!" Iyan mismo ang mga katagang lumabas sa kaniyang mga bibig.Galit na galit ang kaniyang mga magulang sa kaniyang sinabi. Wala naman akong nagawa kundi ang umiyak sa sulok habang yakap ang kumot na nakabalot sa aking katawan.That day, pinakasal kami agad ng kaniyang mga magulang. Pumirma kami ng marriage contract.Bumukod din kami ng bahay, at buong akala ko magiging masaya kami. Pero hindi. Ni minsan hindi man lang niya ako na-appreciate. Ni hindi man lang niya ako tinignan bilang kaniyang asawa. He treats me like a slave. Pero kahit na ganoon, nagtiis ako. Umasa ako na mamahalin din niya ako balang araw.But it's been a year. At kahit hindi man niya sabihin, hindi pa din ako nagkaroon ng puwang sa kaniyang puso.It's still Maureen. Siya pa din ang laman ng kaniyang puso.Naging madalas ang travel namin kasama ang mga bata. Gusto naming ma-enjoy ang bawat lumilipas na araw kasama ang aming mga anak na ang bibilis lumaki. Lalong-lalo na si Angel na ilang taon naming hindi nakapiling. Tapos ngayon ay dalaga na. It was a bitter sweet feeling, kaya we treat every day as a special day. "How are you, sweetie?" Nakatulog na ang maliliit kong anak, kaya pinuntahan ko siya sa kaniyang silid para kausapin. Gumagawa siya ng kaniyang project ngayon kaya tinulungan ko na din siya. "Ayos naman po, Mommy. Medyo napagod lang sa school, pero kaya ko naman po.""Yeah. Graduating ka na kasi, kaya madaming mga pinapagawa. I'm proud of you, anak ko."Tinigil niya ang kaniyang ginagawa upang yakapin ako. "I love you, Mommy. Mahal ko po kayo ni Daddy.""We love you too, Anak." Habang pinagmamasdan ko siya, hindi pa din mawala-wala iyong feeling ko na parang maiiyak dahil naiisip ko ang lahat ng mga pinagdaanan niya bago namin siya nakapiling. Ganito pala ang pakiramdam n
Ang bilis ng panahon at parang mas naging mabilis pa ito dahil sa mga taon na hindi namin makasama si Angel. Ngayon ang kaniyang 17th birthday. We decided to throw her a party kahit na ayaw sana siya. Nitong mga nagdaang birthday niya, kami-kami lang talaga. We invited some of our closest friends pero wala siya ni isang bisita na kaklase o kaya malapit na kaibigan. May mga friends na siya ngayon kahit paano. Nag-join siya sa iba't ibang mga clubs sa school. We also enrolled her to different special classes. May taekwondo class din siya na ang Daddy niya ang may gusto, para na rin alam niya kung paano protektahan ang kaniyang sarili. Habang inaayusan siya ng make up artist naiiyak ako. Dalaga na ang baby ko. Sobrang ganda niya, kaya naman laging nag-aalala ang kaniyang Daddy. Sobrang bait din niya na labis kong kinakabahala, dahil baka abusuhin lamg ang kabaitan niya. She's wearing a baby pink balloon dress na nagpatingkad pa ng kaniyang angkin na ganda. Ang kaniyang suot na mga ala
Years later..."Nasaan na ba ang daddy mo kasi?" Hindi na matapos-tapos ang pag-aayos ko dahil sabay-sabay na tinotoyo ang tatlo kong anak. Aalis kami ngayon, pero ano'ng oras na hindi pa ako nakagayak. Inuna kong bihisan si bunso pero binigyan siya ng kuya niya ng chocolate chips kaya ngayon ang dumi na. "Relax lang, Chelle..." bulong ko habang pinupunasan ang bunso kong anak tapos pagkalingon ko nakita ko naman ang sinundan ng bunso ko na madumi na ang damit. "Hay naku..." Namewang ako at huminga nang malalim. "Gusto niyo bang umalis o hindi? Kung hindi, iiwan ko na lang kayo dito."Mababait naman sila, e. Kaso sobrang hyper at ngayon pa talaga sila nagkaganito kung kailan aalis kami. Umalis ang dalawang kasambahay namin para mamalengke. Kulang kami sa tao ngayon dahil umuwi iyong yaya ng mga bata tapos hindi ko alam kung makakabalik pa. Nagbalikbayan ata ang boyfriend niya kaya baka magpakasal na din muna. Iyong isa namang kasambahay pinaalis na namin matapos makalunok ng kray
Angel was quiet the whole time. Nahihiya siya. "Normal lang naman ang magka-crush, Anak.""Hindi ko po crush si Jaspar, Mama."Ngumiti siya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kaniyang sinabi pero gusto kong magtiwala sa aking anak. Mukhang okay na din silang dalawa ni Jaspar. Nag-uusap na ulit sila at nagpapansinan. Kung ano man ang naging problema nila kahapon ay hindi ko na lang din pinilit na alamin pa. Kinausap din ni Angus si Jaspar kaninang umaga. He asked him if he wanted to move to Daddy Elias' house. Pumayag naman si Elias, gusto nga daw nito tumulong kay Nanay. Naiinip at nahihiya ata ang bata. Mas madami kasi ang katulong dito sa bahay kaysa doon kina Nanay. But then, nalaman na naman agad ito ni Angel. Umiyak na naman. She said that Jaspar was like a brother to him. Syempre, ang kaniyang daddy na nagsabi na hayaan kahit umiyak ang anak ay hindi nakatiis. Hindi na naman natuloy ang plano niya. Natapos ang school year kaya nagbakasyon kami sa probinsya. Kasama nami
"Tita..." Sumilip si Jaspar sa may pintuan. "Yes, Jaspar?"Tinulak niya ang pintuan. Pumasok siya na may bitbit na isang tray. May sakit ako ngayon at hindi ako bumaba upang kumain ng breakfast at lunch. This boy is really sweet. May dala din siyang gamot. Humingi siguro sa mga maid. "Thank you, Jaspar..." Nakatayo lang ito sa gilid. Hinihintay niyang kumain ako. Wala akong gana kaso ayaw ko namang biguin ang bata. Jaspar is 14 years old. Mas matanda siya ng dalawang taon sa aming Angel. He's talk for his age. At sobrang guwapo din niya. Mukha siyang may lahi, kagaya nina Angus. Ang sabi ni sister, iniwan daw si Jaspar sa labas ng pintuan ng orphanage noon. Nasaan kaya ang mga magulang niya? Hindi man lang ba nila iniisip ito? Kawawang bata. Humigop ako sa sabaw. Nagsubo lang ako ng kaunting kanin. Enough na ang sabaw. "Mama, nagdala ako ng fruits." Napangiti ako. Akala ko kung ano ang ginagawa niya dahil hindi siya sumama kay Jaspar. Hanggang sa matapos akong kumain, hindi pa
Natapos ang one month honeymoon at bakasyon namin, kaya bumalik na ulit kami ng Pinas. Ilang buwan ulit na magtatrabaho at magfo-focus din muna sa homeschooling ni Angel. "What do you think?" "Hindi ko alam, mahal..." Bumuntong hininga si Angus. Tila hindi makapagdesisyon, o ayaw niya talaga. Kaso iniisip niya ang kaniyang anak. Ilang araw na namin 'tong pinag-uusapan."Pero kapag ginawa natin iyon, makakatulong din tayo." Binaba ko ang laptop. Katatapos ko lang mag-reply sa email ng madre na namamahala ng bahay ampunan. "If you're not comfortable, it's okay. Madami namang ways to help."After a long week, nagdesisyon si Angus na puntahan namin ang bahay ampunan. Hindi ito alam ni Angel. Akala niya ay magbabakasyon lang ulit kami. "Oh my God! We're going to visit the orphanage!" Tuwang-tuwa siya nang makita ang daan paliko sa kinaroroonan ng orphanage. Hindi na siya mapakali. At siya pa nga ang naunang bumaba ng sasakyan. Hindi siya nakilala agad ng ibang mga bata. "Angel, ikaw
Isang enggrandeng kasal na mula pa nang unang makilala ko si Chelle ay pinangarap ko na ibigay sa kaniya. Isang church wedding, beach wedding dito sa Pinas at garden wedding naman sa ibang bansa. She deserve it, at ito ang paulit-ulit kong sinasabi at pinaparamdam sa kaniya kahit pa sinasabi niya na kahit simpleng kasal lang masaya na siya. Hindi ko gusto ang simpleng kasal. Kaya nga hindi ko siya pinakasalan nang mga bata pa kami dahil hindi niya deserve ang isang simple o kaya ay secret wedding. Nag-aral akong mabuti at pinalago ang business namin, para sa pangarap ko para sa aming dalawa. That's because she deserve the best. She deserve a grand wedding. Nakapag-announce na ako sa public, nang maging okay kami. I announced that she and I are engage. I wanted the world to know. Madami ang nagulat. Madami ang nagtaka at nagtanong. Madami ang nanghusga dahil wala naman silang alam. Pero lahat ng opinyon ng mga mapanghusgang tao ay hindi mahalaga. "What matters is that I love you so
ANGUS Sa halip na sumama kina mommy at daddy sa ibang bansa, pinili kong magbakasyon sa probinsya. Ako lang dapat ang magbabakasyon doon, dahil gusto kong mapag-isa pero sumama ang mga kaibigan kong sina Huxley at Caius. At habang nasa biyahe ay nakagawa na agad sila ng plano. *Magpakilig ng maganda at inosenteng probinsyana. *Makipag-sex sa virgin na probinsyana. Fuck and leave. Iyon ang plano nila na kalaunan ay sinang-ayunan ko na lang din dahil pinilit nila akong um-oo. Wala din namang mawawala kung subukan. Napatingin ako sa baba nang mapansin ko na may kausap si Manang Minerva, ang aming caretaker dito sa mansyon. Isang babae na sa tingin ko ay nasa high school pa lang ang kausap niya. Nagtitinda daw ito ng biko.Una kong napansin sa kaniya ang kaniyang tsinelas na bukod sa maputik ay magkaiba din ang kulay. Luma na ito at tiyak kong hindi siya nagkamali ng nasuot na pares ng kaniyang tsinelas. Luma na din ang malaking tshirt na suot at may mga maliliit na ding butas. Maga
After one week umuwi na muna kami ng Pinas. After one month ulit kami magta-travel, para makapagpahinga si Angel at para na rin makapag-start na siya sa kaniyang tutor. Kami naman ni Angus ay magtatrabaho. Hindi puwedeng pabayaan ang business dahil madaming empleyado ang umaasa sa amin at para na rin 'to sa future ni Angel at ng iba pa naming magiging mga anak. Lumipat kami sa bahay ni Angus. Isang three storey modern house na mayroong magandang garden. "Ampalaya?!" Gulat na gulat ako na makakita ng napakaraming tanim na ampalaya, na kalaunan ay nauwi sa malakas na paghalakhak. "May mga kabute din, Ma'am," singit naman ni Manang Erna, ang matandang maid na nagpalaki kay Angus. Nanunukso kong tiningnan si Angus. Gosh! Grabe, baliw ang lalakeng 'to. Baliw na baliw sa akin. "Paborito ko po ang ampalaya," sabi naman ni Angel, habang ginagala ang paningin sa buong paligid. "Talaga? Paborito ko din iyon, pero ang daddy mo hindi kasi iyan kumakain ng gulay, lalo na ang ampalaya." Naala
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments