Share

The CEO'S Orphan Wife
The CEO'S Orphan Wife
Author: Shynnbee

Chapter 1

Author: Shynnbee
last update Last Updated: 2023-02-12 08:19:05

Pinunasan ko ang basa kong kamay bago ko sinagot ang tawag ng aking byenan sa aking celphone.

"Hello, Mommy?"

"Anak, magpunta ka ngayon sa St. John's Hospital," bungad niya sa akin.

"P-Po? Bakit po?"

"Hihintayin ka namin doon. Papunta na din kami." Agad na niyang pinatay ang tawag. Ni hindi man lang sinabi sa akin kung ano ang dahilan.

Ganoon na lamang ang kaba sa aking dibdib. Sa sobrang pag-aalala at pagkataranta agad kong kinuha ang wallet ko na nakapatong sa taas ng refrigerator. Hindi ko na inabala pang magbihis.

Tingin ko importante ang tinawag ng byenan kong babae. At sana lang hindi ito masamang balita.

Pumara ako ng taxi at pagkatapos ng kulang trenta minuto, nakarating ako sa ospital.

"Kuya, ano pong nangyari?" Humahangos kong tanong sa panganay na kapatid ng aking asawa.

"Si Ivan—

"Ano'ng nangyari sa kaniya? Ano'ng nangyari sa asawa ko, Kuya?" Naiiyak kong tanong.

"Nasaan siya?"

"Nasa operating room siya. Nadisgrasya siya. May nakabanggaan na truck."

"Dios ko po!" Napatakip ako ng aking bunganga at hindi ko na napigilang mapahagulgol.

Oh my God. Nagpapadyak ako ng aking paa. Hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin. Agad namang lumapit sa amin ang ate ni Ivan at agad akong niyakap.

Naging mabagal ang oras habang hinihintay namin ang mga doktor na nag-opera kay Ivan. Isa hanggang sa umabot ng dalawang oras. At nang magbukas ang pintuan ng operating room, nilapitan namin ang doktor.

"The operation went well. Pero kailangan namin siyang obserbahan sa loob ng bente kuwatro oras sa ICU."

Halos hindi ko na maunawaan ang iba pang sinabi ng doktor. Operation went well pero bakit ididiretso siya sa ICU?

Pinuntahan ko ang asawa ko sa ICU. Nahabag ako sa kaniyang itsura dahil napapalibutan siya ng mga aparato. Naka-monitor din ang kaniyang mga vital signs.

Sabi nila naririnig ka daw ng taong na-comma, kaya dapat kausapin mo siya. Ilang sandali akong tahimik dahil hindi ko kayang pigilan ang aking pag-iyak. Hinaplos ko ang kaniyang kamay. Hinalikan ko ang kaliwang bahagi ng kaniyang noo, dahil iyon lang ang walang galos sa mukha niya.

"Honey, lumaban ka, okay?" Kinagat ko ang aking labi na nanginginig. "Kailangang kayanin mo." Mariin akong pumikit at suminghap pero kahit ano'ng pigil ko napahikbi ako.

"Kapag gumising ka, hindi na kita bibigyan ng sakit ng ulo. Hindi na ako magseselos. Hindi na kita aawayin."

May kataga akong gustong-gustong sabihin sa kaniya pero hindi ko magawang bigkasin.

"Mahal na mahal kita, Ivan. Sobrang mahal kita."

Sa buong magdamag, binantayan ko si Ivan. Nangako naman ang kaniyang mga magulang at kapatid na pupunta sila bukas upang palitan ako sa pagbabantay.

Halos hindi ako nakatulog dahil sa sobrang pag-aalala ko sa kaniya. Kung ano-ano ang mga bagay na tumatakbo sa aking isipan sa mga oras na ito. Paano kung tuluyan na siyang mawala?

Hinaplos ko ng marahan ang kaniyang buhok. Pinakatitigan ko siya dahil baka huling beses ko na siyang makita. Minemorya ko ang kaniyang guwapong mukha, baka hindi ko na siya ulit makita pa.

Gusto kong gumising siya. Bumalik sa dati. At ako naman ay tuluyan nang aalis sa buhay niya.

Muli akong napaiyak. Isipin ko palang na mawawala na ako sa buhay niya ay tila kay sakit. Para bang dinudurog ang puso ko na isang taon nang wasak dahil dahil sa iisang tao.

Pero kahit na ganoon, mahal na mahal ko pa din siya.

"Kung makaka-survive ka. Hahayaan na kita. Hahayaan kitang makasama ang babaeng mahal mo. Alam kong matagal mo na itong gusto pero nagmatigas akong makipaghiwalay." Bumuntong hininga ako. Para bang sinasakal ako sa mga katagang aking binibitawan.

Hindi ko lubos akalain na kakayanin kong sabihin ang mga salitang iyon.

Sa isang taon naming pagsasama bilang mag-asawa, masasabi kong naging mabuti ako. Pinagsisilbihan ko siya. Pero ni isang beses hindi namin nagawa ang bagay na ginagawa ng mga mag-asawa.

Nandidiri siya sa akin. Galit na galit siya sa akin dahil ninakaw ko sa kaniya ang kaniyang kalayaan. Na sinira ko ang kaniyang pangarap.

Ulilang lubos na ako. Kinse anyos lamang ako nang mamatay sa plane crashed ang aking mga magulang.

Dahil matalik na kaibigan ng mga magulang ni Ivan ang mga magulang ko, sila ang kumupkop sa akin. Wala kasing ibang gustong kumupkop sa akin sa mga kamag-anak namin.

Unang beses ko pa lang noon makita si Ivan, nagkagusto na ako agad sa kaniya. He's my first crush. My first love. Mas matanda siya sa akin ng pitong taon.

Twenty two na siya that time at nag-ma-manage na ng kanilang company. May girlfriend siya, si Maureen. Patay na patay siya sa babaeng ito.

Sinikreto ko ang nararamdaman ko para sa kaniya, pero alam kong batid ng mga magulang niya at kapatid niya na may feelings ako para kay Ivan. But they didn't talk anything about it.

Bakit kami naging mag-asawa?

A year ago, umuwi si Ivan nang lasing. Ako ang nag-asikaso sa kaniya. Tinulungan ko siyang makaakyat sa kaniyang silid. Dis-oras na ng gabi kaya mga tulog na ang mga katulong.

Hinubaran ko siya ng kaniyang damit upang maging komportable siya. But we ended in bed together. That was my first time. Batid kong lasing na lasing siya pero ang marupok kong puso, nagpadala sa mainit na mga yakap at matatamis niyang halik. That's my first.

Dala ng pagod at sakit ng katawan ko dahil sa nangyari sa amin, nakatulog ako sa kaniyang tabi.

At nagising na lang kami dahil sa boses ng kaniyang Mommy at Daddy. Nahuli nila kaming magkasama.

Wala naman akong plano sana na malaman nila pero shit happens.

Galit na galit noon si Ivan sa akin. Pinagsamantalahan daw niya ako.

"You're such a desperate woman. I hate you!" Iyan mismo ang mga katagang lumabas sa kaniyang mga bibig.

Galit na galit ang kaniyang mga magulang sa kaniyang sinabi. Wala naman akong nagawa kundi ang umiyak sa sulok habang yakap ang kumot na nakabalot sa aking katawan.

That day, pinakasal kami agad ng kaniyang mga magulang. Pumirma kami ng marriage contract.

Bumukod din kami ng bahay, at buong akala ko magiging masaya kami. Pero hindi. Ni minsan hindi man lang niya ako na-appreciate. Ni hindi man lang niya ako tinignan bilang kaniyang asawa. He treats me like a slave. Pero kahit na ganoon, nagtiis ako. Umasa ako na mamahalin din niya ako balang araw.

But it's been a year. At kahit hindi man niya sabihin, hindi pa din ako nagkaroon ng puwang sa kaniyang puso.

It's still Maureen. Siya pa din ang laman ng kaniyang puso.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
thanks Ms.A...mukhang mapanakit ang story'ng ito
goodnovel comment avatar
MS. AQUARIUS
wow umpisa pa lang masakit na pero interesting sya kung paano mahulog ang loob ni ivan sa asawa nya heheh
goodnovel comment avatar
Joche3134s
mapanakit ata to miss Shynn
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The CEO'S Orphan Wife   Chapter 2

    Kahit gusto ko pa sana siyang bantayan, pinilit nina mommy na umuwi na lang muna ako sa bahay upang makapagpahinga. Mamayang hapon na lang daw ako bumalik. Kaso hindi ko naman magawang matulog ng maayos kaya bago pa mananghalian, bumalik na ako ng ospital. Nagulat ako nang hindi ko na makita si Ivan sa ICU. Mabuti na lang at sakto namang tumawag si Mommy. "Nagising siya kanina kaya nilipat na namin siya sa regular room."Salamat po, Diyos ko! Nagmamadali kong hinanap ang private room na kinuha ng mga in laws ko para kay Ivan. Marahan kong binukan ang pintuan. Sinalubong naman ako ni mommy ng mahigpit na yakap. Hindi ko naman mapigilang maging emosyonal. Nagpapasalamat ako sa Diyos na ligtas na siya sa panganib. Masaya ako na maayos na si Ivan pero hindi ko din maiwasang makaramdam ng kalungkutan dahil ibig sabihin, nalalapit na ang paghihiwalay naming dalawa ng landas. Nilapitan ko siya. Hinaplos ko ang kaniyang kamay. Hinalikan ko din ang kaniyang labi dahil ngayon ko na lang

    Last Updated : 2023-02-12
  • The CEO'S Orphan Wife   Chapter 3

    DAHIL sa kalagayan ni Ivan, pinauwi daw ni Tito si Maureen at sinabihan na kung puwede huwag nang magpakita dito dahil nagugulo lang nito lalo ang sitwasyon. Sinabi daw dito na may asawa na si Ivan kaya dumistansya na siya dito. Nagulat talaga ako na bumalik na siya ng bansa. Nang makasal kami ni Ivan, galit na galit siya sa akin. Sinugod niya ako at halos kalbuhin niya ako sa lakas ng pagsabunot niya sa aking mga buhok. "Malandi kang babae! Ahas!" Paulit-ulit niyang sigaw sa aking pagmumukha. Wala akong nagawa kundi umiyak na lamang. Niyakap siya ni Ivan. Humingi ng sorry ng paulit-ulit. Umalis sila ng bahay at gabi na siya umuwi. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nila o kung ano ang pinag-usapan nila. Pero may takot ako sa dibdib na baka magtuloy-tuloy pa din ang kanilang relasyon kahit na kasal na kaming dalawa. Lalo at sa papel lang naman kami mag-asawa. Papel lang ang pinanghahawakan ko at hindi ang kaniyang puso. Pero pagkaraan ng isang linggo, nabalitaan ko na lumipad si M

    Last Updated : 2023-02-12
  • The CEO'S Orphan Wife   Chapter 4

    "GAGAMIT ako ng banyo." Hinintay ko ang isang minuto bago ako dahan-dahang nagmulat ng mata. Bumangon ako at dinaluhan siya. Tinulungan ko siyang makababa ng kaniyang kama. Inalalayan ko siyang maglakad hanggang sa banyo. Hinintay ko na lang siya sa labas dahil mukha maging siya ay hindi din naging komportable sa presensya ko. "Okay na?" tanong ko mula sa labas. "Yeah," sagot naman niya kaya binuksan ko na ang pintuan. Nang makahiga siya, bumalik na ako sa sofa. Nahiga ako at nang mapatingin ako sa gawi niya, nagkasalubong ang aming mga mata. Tinititigan na naman niya ako. "Paano tayo naging mag-asawa?" Tanong niya. Marahil litong-lito na siya kaya ito na ang paulit-ulit niyang tinatanong mula nang magising siya. Tingin ko mas makabubuting sa akin na niya marinig ang totoo kaysa kay Maureen pa. Baka mamaya kung ano-ano pa ang sabihin sa kaniya ng babaeng iyon. Nang magkasintahan pa lang sila, pansin ko ang pagiging maldita ng babae. Madalas ko noong naririnig na tinatanong niya

    Last Updated : 2023-02-12
  • The CEO'S Orphan Wife   Chapter 5

    Ginupitan ko ng kuko sa kamay at paa si Ivan. Natutuwa ako na kahit hindi siya komportable sa akin, hinayaan lang niya ako. Tahimik lang siya at panaka-nakang napapatingin sa akin. "Ayan, okay na." Nakangiti ko siyang binalingan. Pangatlong araw niya ngayon dito sa ospital. At bukas, baka makalabas na siya ng ospital. Walang kurap siyang nakatingin sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. "Ahm, nagugutom ka na ba?" Umiling siya. "Gusto mo bang ipagbalat kita ng prutas?" Marahan siyang tumango. Akala mo tuloy pipi siya. Pinagbalat ko siya ng apple at orange. Pinatong ko sa bed table ang mangkok na pinaglagyan ko ng prutas. Bumalik ako sa sofa upang ayusin ang ilang mga kalat pero tinawag niya ako. "Hindi mo ba ako susubuan?" Tanong niya na kinakunot ng noo ko. "Magaling naman na ang kamay mo, ah," sagot ko naman. "Masakit pa kaya." Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo. Pero kahit na ganoon, nilapitan ko pa din siya. Sa totoo lang, kamuntik na akong maglayas kagabi. Nag

    Last Updated : 2023-02-12
  • The CEO'S Orphan Wife   Chapter 6

    SA kabila nang nangyari kagabi ay inasikaso ko pa din si Ivan. Pinakain ko siya at tinulungang magbihis. May go signal na ang doktor na puwede na siyang umuwi kaya hinihintay na lang namin na ma-settle ang bills niya. Nakaupo ako sa sofa, habang si Ivan naman ay nakaupo sa gilid ng kama. Ang kaniyang kapatid ay nasa hamba ng pinto at tila ba nakikipagparamdaman sa amin. Pansin ko ang paninitig ni Ivan pero ni minsan hindi ko siya sinulyapan. "Let's go," sabi ni Mommy. Hawak na niya ang resibo at ilang reseta ng take home medicine ni Ivan. Sa kaniyang likod ay may nakasunod na nurse na may tulak-tulak na wheelchair. "Sa bahay na lang kayo umuwi, habang nagpapahinga kayo." Hindi ako sumagot at hinintay ko si Ivan na magreklamo pero tanging buntong hininga lang ang sagot niya roon. Inalalayan siyang sumakay sa wheelchair. Nauna na siyang lumabas ng pinto habang tulak ng kaniyang kapatid ang wheelchair. Pilit akong nginitian ni Mommy. Inakbayan niya ako at giniya palabas. Hindi ako

    Last Updated : 2023-03-22
  • The CEO'S Orphan Wife   Chapter 7

    "Masarap ba?" Tanong ko kay Ivan kahit na kitang-kita ko naman sa kaniyang reaksyon na nasarapan siya sa luto kong ulam. Ngumiti siya at tumango. Linunok niya ang pagkain at muling ngumanga. Ganado siyang kumain kaya hindi ko mapigilan ang pagsilay ng matamis na ngiti sa aking mga labi. "Bakit pala hindi ka kumakain?" Tanong niya. "Mauna ka nang kumain dahil hindi pa naman ako nagugutom." Alas-sais pa lang kasi ng hapon. Kailangan niyang uminom ng gamot kaya pinakain ko na siya. "Nag-da-diet ka ba?" Ang dami namang tanong ng lalakeng 'to. "Hindi naman," sagot ko. "Ang payat mo na kaya." "Anong payat. Sexy kaya ako." Ngumuso ako at pinigil ang mapairap. Ang payat si Maureen, gusto kong sabihin kaso pinigilan ko. Ayaw kong isingit ang pangalan ng kaniyang kabit. Ngumuso siya. "Bakit, hindi ba ako sexy?" Tinaasan ko siya ng kilay. Ngumiti lang naman siya. Ewan ko sa'yo. "Last na," sabi ko sa kaniya. Naubos na ng baby damulag ang pagkain na hinanda at niluto ko para sa kaniya.

    Last Updated : 2023-03-22
  • The CEO'S Orphan Wife   Chapter 8

    Habang hinihintay siyang matapos maligo, hinanda ko na ang kaniyang mga damit na susuotin. Pinalitan ko na din muna ang kobre kama at punda. Hindi pa naman madumi, pero bago pa siya magkaamnesia, maselan siya sa kaniyang mga gamit. Ang tuwalya niya, gusto niya nilalabhan kada araw. Ganoon din ang mga beddings. Dinaig pa niya ang babae sa kaartehan. Ako lang ang nagpapalit, pero ang labandera na ang bahalang maglaba ng mga ito. Nang magbukas ang pintuan ng banyo, agad akong lumingon sa kaniya. Pero dahil nakatapis lang siya ng tuwalya, mabilis don akong nag-iwas ng tingin. May bathrobe naman siya doon sa banyo, bakit di na lang iyon ang ginamit niya? Tumikhim ako dahil nanuyo ang aking lalamunan. Nilapitan ko siya habang ang tingin ko ay nasa baba lang. Tinulungan ko siyang lumapit sa may couch kung saan ko nilagay ang mga damit niya. Dapat siya na lang din mag-isa ang magbihis e. Hindi siya komportable sa kaniyang nurse kaya wala na ito. Kaya ako na lang mag-isa ang aasikaso sa

    Last Updated : 2023-03-22
  • The CEO'S Orphan Wife   Chapter 9

    Hindi na muna ako bumalik sa aming silid. Nagpalipas ako ng oras sa garden at pumasok lang ako nang masiguro kong tulog na siya. Bawat araw na lumilipas pabigat din nang pabigat ang aking nararamdaman. Sarili ko lang talaga ang pinahihirapan ko dahil sa ginagawa ko. Tama nga si Rachelle, isa talaga akong martir... Nagpapakatanga pagdating sa pag-ibig. But all of this are temporary. Soon, I'll leaving this house. I'll be leaving Ivan. And soon, everything are just part of the past. Alaala na babalikan at tatawanan na lang. Sa ngayon, kailangan ako ni Ivan, kaya mananatili ako para alagaan siya. Ako pa din naman ang asawa niya hangga't hindi ako umaalis at sinasabi na mag-file na siya ng annulment. Tumingala ako at pinagmasdan ang kalangitan. Puno ng bituin sa langit. At ang buwan ay bilog at maliwanag. "Kumusta na kayo diyan sa langit, Mama at papa?" Naalala ko nang mamatay ang lolo ko nang ako ay maliit pa. Ang sabi ni Mama nagpunta daw si Lolo sa buwan. At mula doon ay nakatin

    Last Updated : 2023-04-21

Latest chapter

  • The CEO'S Orphan Wife   SPECIAL CHAPTER 6

    Naging madalas ang travel namin kasama ang mga bata. Gusto naming ma-enjoy ang bawat lumilipas na araw kasama ang aming mga anak na ang bibilis lumaki. Lalong-lalo na si Angel na ilang taon naming hindi nakapiling. Tapos ngayon ay dalaga na. It was a bitter sweet feeling, kaya we treat every day as a special day. "How are you, sweetie?" Nakatulog na ang maliliit kong anak, kaya pinuntahan ko siya sa kaniyang silid para kausapin. Gumagawa siya ng kaniyang project ngayon kaya tinulungan ko na din siya. "Ayos naman po, Mommy. Medyo napagod lang sa school, pero kaya ko naman po.""Yeah. Graduating ka na kasi, kaya madaming mga pinapagawa. I'm proud of you, anak ko."Tinigil niya ang kaniyang ginagawa upang yakapin ako. "I love you, Mommy. Mahal ko po kayo ni Daddy.""We love you too, Anak." Habang pinagmamasdan ko siya, hindi pa din mawala-wala iyong feeling ko na parang maiiyak dahil naiisip ko ang lahat ng mga pinagdaanan niya bago namin siya nakapiling. Ganito pala ang pakiramdam n

  • The CEO'S Orphan Wife   SPECIAL CHAPTER 5

    Ang bilis ng panahon at parang mas naging mabilis pa ito dahil sa mga taon na hindi namin makasama si Angel. Ngayon ang kaniyang 17th birthday. We decided to throw her a party kahit na ayaw sana siya. Nitong mga nagdaang birthday niya, kami-kami lang talaga. We invited some of our closest friends pero wala siya ni isang bisita na kaklase o kaya malapit na kaibigan. May mga friends na siya ngayon kahit paano. Nag-join siya sa iba't ibang mga clubs sa school. We also enrolled her to different special classes. May taekwondo class din siya na ang Daddy niya ang may gusto, para na rin alam niya kung paano protektahan ang kaniyang sarili. Habang inaayusan siya ng make up artist naiiyak ako. Dalaga na ang baby ko. Sobrang ganda niya, kaya naman laging nag-aalala ang kaniyang Daddy. Sobrang bait din niya na labis kong kinakabahala, dahil baka abusuhin lamg ang kabaitan niya. She's wearing a baby pink balloon dress na nagpatingkad pa ng kaniyang angkin na ganda. Ang kaniyang suot na mga ala

  • The CEO'S Orphan Wife   SPECIAL CHAPTER 4

    Years later..."Nasaan na ba ang daddy mo kasi?" Hindi na matapos-tapos ang pag-aayos ko dahil sabay-sabay na tinotoyo ang tatlo kong anak. Aalis kami ngayon, pero ano'ng oras na hindi pa ako nakagayak. Inuna kong bihisan si bunso pero binigyan siya ng kuya niya ng chocolate chips kaya ngayon ang dumi na. "Relax lang, Chelle..." bulong ko habang pinupunasan ang bunso kong anak tapos pagkalingon ko nakita ko naman ang sinundan ng bunso ko na madumi na ang damit. "Hay naku..." Namewang ako at huminga nang malalim. "Gusto niyo bang umalis o hindi? Kung hindi, iiwan ko na lang kayo dito."Mababait naman sila, e. Kaso sobrang hyper at ngayon pa talaga sila nagkaganito kung kailan aalis kami. Umalis ang dalawang kasambahay namin para mamalengke. Kulang kami sa tao ngayon dahil umuwi iyong yaya ng mga bata tapos hindi ko alam kung makakabalik pa. Nagbalikbayan ata ang boyfriend niya kaya baka magpakasal na din muna. Iyong isa namang kasambahay pinaalis na namin matapos makalunok ng kray

  • The CEO'S Orphan Wife   SPECIAL CHAPTER 3

    Angel was quiet the whole time. Nahihiya siya. "Normal lang naman ang magka-crush, Anak.""Hindi ko po crush si Jaspar, Mama."Ngumiti siya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kaniyang sinabi pero gusto kong magtiwala sa aking anak. Mukhang okay na din silang dalawa ni Jaspar. Nag-uusap na ulit sila at nagpapansinan. Kung ano man ang naging problema nila kahapon ay hindi ko na lang din pinilit na alamin pa. Kinausap din ni Angus si Jaspar kaninang umaga. He asked him if he wanted to move to Daddy Elias' house. Pumayag naman si Elias, gusto nga daw nito tumulong kay Nanay. Naiinip at nahihiya ata ang bata. Mas madami kasi ang katulong dito sa bahay kaysa doon kina Nanay. But then, nalaman na naman agad ito ni Angel. Umiyak na naman. She said that Jaspar was like a brother to him. Syempre, ang kaniyang daddy na nagsabi na hayaan kahit umiyak ang anak ay hindi nakatiis. Hindi na naman natuloy ang plano niya. Natapos ang school year kaya nagbakasyon kami sa probinsya. Kasama nami

  • The CEO'S Orphan Wife   SPECIAL CHAPTER 2

    "Tita..." Sumilip si Jaspar sa may pintuan. "Yes, Jaspar?"Tinulak niya ang pintuan. Pumasok siya na may bitbit na isang tray. May sakit ako ngayon at hindi ako bumaba upang kumain ng breakfast at lunch. This boy is really sweet. May dala din siyang gamot. Humingi siguro sa mga maid. "Thank you, Jaspar..." Nakatayo lang ito sa gilid. Hinihintay niyang kumain ako. Wala akong gana kaso ayaw ko namang biguin ang bata. Jaspar is 14 years old. Mas matanda siya ng dalawang taon sa aming Angel. He's talk for his age. At sobrang guwapo din niya. Mukha siyang may lahi, kagaya nina Angus. Ang sabi ni sister, iniwan daw si Jaspar sa labas ng pintuan ng orphanage noon. Nasaan kaya ang mga magulang niya? Hindi man lang ba nila iniisip ito? Kawawang bata. Humigop ako sa sabaw. Nagsubo lang ako ng kaunting kanin. Enough na ang sabaw. "Mama, nagdala ako ng fruits." Napangiti ako. Akala ko kung ano ang ginagawa niya dahil hindi siya sumama kay Jaspar. Hanggang sa matapos akong kumain, hindi pa

  • The CEO'S Orphan Wife   SPECIAL CHAPTER 1

    Natapos ang one month honeymoon at bakasyon namin, kaya bumalik na ulit kami ng Pinas. Ilang buwan ulit na magtatrabaho at magfo-focus din muna sa homeschooling ni Angel. "What do you think?" "Hindi ko alam, mahal..." Bumuntong hininga si Angus. Tila hindi makapagdesisyon, o ayaw niya talaga. Kaso iniisip niya ang kaniyang anak. Ilang araw na namin 'tong pinag-uusapan."Pero kapag ginawa natin iyon, makakatulong din tayo." Binaba ko ang laptop. Katatapos ko lang mag-reply sa email ng madre na namamahala ng bahay ampunan. "If you're not comfortable, it's okay. Madami namang ways to help."After a long week, nagdesisyon si Angus na puntahan namin ang bahay ampunan. Hindi ito alam ni Angel. Akala niya ay magbabakasyon lang ulit kami. "Oh my God! We're going to visit the orphanage!" Tuwang-tuwa siya nang makita ang daan paliko sa kinaroroonan ng orphanage. Hindi na siya mapakali. At siya pa nga ang naunang bumaba ng sasakyan. Hindi siya nakilala agad ng ibang mga bata. "Angel, ikaw

  • The CEO'S Orphan Wife   WAKAS

    Isang enggrandeng kasal na mula pa nang unang makilala ko si Chelle ay pinangarap ko na ibigay sa kaniya. Isang church wedding, beach wedding dito sa Pinas at garden wedding naman sa ibang bansa. She deserve it, at ito ang paulit-ulit kong sinasabi at pinaparamdam sa kaniya kahit pa sinasabi niya na kahit simpleng kasal lang masaya na siya. Hindi ko gusto ang simpleng kasal. Kaya nga hindi ko siya pinakasalan nang mga bata pa kami dahil hindi niya deserve ang isang simple o kaya ay secret wedding. Nag-aral akong mabuti at pinalago ang business namin, para sa pangarap ko para sa aming dalawa. That's because she deserve the best. She deserve a grand wedding. Nakapag-announce na ako sa public, nang maging okay kami. I announced that she and I are engage. I wanted the world to know. Madami ang nagulat. Madami ang nagtaka at nagtanong. Madami ang nanghusga dahil wala naman silang alam. Pero lahat ng opinyon ng mga mapanghusgang tao ay hindi mahalaga. "What matters is that I love you so

  • The CEO'S Orphan Wife   TAYO NA LANG ULIT 42

    ANGUS Sa halip na sumama kina mommy at daddy sa ibang bansa, pinili kong magbakasyon sa probinsya. Ako lang dapat ang magbabakasyon doon, dahil gusto kong mapag-isa pero sumama ang mga kaibigan kong sina Huxley at Caius. At habang nasa biyahe ay nakagawa na agad sila ng plano. *Magpakilig ng maganda at inosenteng probinsyana. *Makipag-sex sa virgin na probinsyana. Fuck and leave. Iyon ang plano nila na kalaunan ay sinang-ayunan ko na lang din dahil pinilit nila akong um-oo. Wala din namang mawawala kung subukan. Napatingin ako sa baba nang mapansin ko na may kausap si Manang Minerva, ang aming caretaker dito sa mansyon. Isang babae na sa tingin ko ay nasa high school pa lang ang kausap niya. Nagtitinda daw ito ng biko.Una kong napansin sa kaniya ang kaniyang tsinelas na bukod sa maputik ay magkaiba din ang kulay. Luma na ito at tiyak kong hindi siya nagkamali ng nasuot na pares ng kaniyang tsinelas. Luma na din ang malaking tshirt na suot at may mga maliliit na ding butas. Maga

  • The CEO'S Orphan Wife   TAYO NA LANG ULIT 41

    After one week umuwi na muna kami ng Pinas. After one month ulit kami magta-travel, para makapagpahinga si Angel at para na rin makapag-start na siya sa kaniyang tutor. Kami naman ni Angus ay magtatrabaho. Hindi puwedeng pabayaan ang business dahil madaming empleyado ang umaasa sa amin at para na rin 'to sa future ni Angel at ng iba pa naming magiging mga anak. Lumipat kami sa bahay ni Angus. Isang three storey modern house na mayroong magandang garden. "Ampalaya?!" Gulat na gulat ako na makakita ng napakaraming tanim na ampalaya, na kalaunan ay nauwi sa malakas na paghalakhak. "May mga kabute din, Ma'am," singit naman ni Manang Erna, ang matandang maid na nagpalaki kay Angus. Nanunukso kong tiningnan si Angus. Gosh! Grabe, baliw ang lalakeng 'to. Baliw na baliw sa akin. "Paborito ko po ang ampalaya," sabi naman ni Angel, habang ginagala ang paningin sa buong paligid. "Talaga? Paborito ko din iyon, pero ang daddy mo hindi kasi iyan kumakain ng gulay, lalo na ang ampalaya." Naala

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status