Ginupitan ko ng kuko sa kamay at paa si Ivan. Natutuwa ako na kahit hindi siya komportable sa akin, hinayaan lang niya ako.
Tahimik lang siya at panaka-nakang napapatingin sa akin."Ayan, okay na." Nakangiti ko siyang binalingan. Pangatlong araw niya ngayon dito sa ospital. At bukas, baka makalabas na siya ng ospital.Walang kurap siyang nakatingin sa akin kaya napaiwas ako ng tingin."Ahm, nagugutom ka na ba?"Umiling siya."Gusto mo bang ipagbalat kita ng prutas?" Marahan siyang tumango. Akala mo tuloy pipi siya.Pinagbalat ko siya ng apple at orange.Pinatong ko sa bed table ang mangkok na pinaglagyan ko ng prutas. Bumalik ako sa sofa upang ayusin ang ilang mga kalat pero tinawag niya ako."Hindi mo ba ako susubuan?" Tanong niya na kinakunot ng noo ko."Magaling naman na ang kamay mo, ah," sagot ko naman."Masakit pa kaya." Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo. Pero kahit na ganoon, nilapitan ko pa din siya.Sa totoo lang, kamuntik na akong maglayas kagabi. Nagpunta na naman kasi si Maureen habang tulog ako. Pakiramdam ko tuloy pinagtataksilan ako ng aking asawa..Pero kahit na ako ang totoong asawa, hindi ko naman sila kayang pigilan dahil baka ipamukha lang nila sa akin kung sino lang ako.Kaya ngayon, hindi ko maunawaan ang kadramahan niya at kailangan ko pa siyang subuan. Siguro, nakokonsensya siya sa ginagawa niyang pagtataksil kaya kunwari sweet-sweet-an siya sa akin.Tumabi ako sa kaniya. Sinubuan ko siya ng sliced na apple."Tell me, ano'ng klase akong asawa?" tanong niya sa akin na hindi ko inaasahan."Huh?" Nag-isip ako. Wala akong mabuting alaala tungkol sa isang taon na pagsasama namin kaya hindi ko alam kung tama bang sagutin ko pa ang tanong niya."Masungit. Cold. Distant," prangkang sagot ko.Hindi siya nakapagsalita agad. "In love with someone else.""Ano'ng klase kang asawa?" Tanong niya pagkaraan ng ilang sandali."I don't know. Ikaw lang ang makakasagot niyan," sabi ko."Paano mo natiis makisama sa akin kung masungit ako sa'yo, cold at distant?""I don't know, Ivan. Basta lumipas na lang ang mga araw at hindi ko namalayan na isang taon na pala ang nakalipas. Bakit mo pala natanong?" Muli ko siyang sinubuan."Na-curious lang ako. Buti hindi mo ako iniwan?"Tumawa ako. "Masokista siguro ako. Sa halip na umalis at iwanan ka sa kabila ng pakikitungo mo sa akin, pinagsiksikan ko pang lalo ang sarili ko sayo." Ngumiti ako pero hindi iyon matamis na ngiti. May lungkot sa aking mga mata na kahit na may amnesia siya, batid kong kita niya ang pait at kalungkutan doon. Nakalimot lang naman siya, hindi bulag."Alam mo, sa totoo lang. Nasasaktan ako na kahit nagka-amnesia ka, ako lang na asawa mo ang nakalimutan mo." Tumigil muna ako sa pagsasalita upang pakalmahin ang aking sarili. Nanginginig na kasi ako at ilang sandali pa'y baka hindi ko na mapigilan ang pagbulusok ng aking mga luhaHuminga ako nang malalim at pinilit na ngumiti."Magpahinga ka na. Kailangan mong magpalakas." Kinuha ko ang mangkok saka ito dinala sa sink. Alam kong nakatitig pa din siya sa akin kaya mag-busy-busy-han na lang muna ako. Ayaw kong makita ang awa sa kaniyang mukha. Ayaw kong kaawaan lang niya ako.Kinagabihan, dumalaw ulit si Maureen. Gising ako at hindi na ako nagpanggap ulit na tulog."Lalabas na lang muna ako," sabi ko. Mas maigi nang lumabas ako upang hindi ko marinig ang kanilang usapan.Nagpahangin muna ako sa labas. Naupo ako sa bench habang binibilang ang mga bituwin sa langit bilang pagpatay ng oras.Hatinggabi na ng bumalik ako sa silid. Naroon pa din si Maureen. Katabi niya sa kama si Ivan at kahit nagbukas ang pinto, hindi man lang talaga siya nagtangkang lumayo sa pagkakalingkis niya sa asawa.Ang lakas ng loob niya. Para bang ako na lang ang nahiya.Hindi ko sila tinignan. Dumiretso ako sa banyo at nang lumabas ako dumiretso na ako sa sofa at nahiga. Pinikit ko ang aking mga mata at pinilit na matulog kahit pa halos magiba ang aking dibdib sa labis na pagpipigil sa nagpupuyos kong damdamin. Ang sakit-sakit dahil talagang harap-harapan na nila akong pinagtataksilan.Hanggang sa narinig ko ang pagbukas ng pintuan. Akala ko doktor o nurse lang ang dumating pero narinig ko ang galit na boses nina Mommy at Daddy."What are you doing here?!" Sigaw ng byenan kong babae."Mga walang hiya kayo! Ni hindi niyo man lang nirespeto si Myla!""Ang kapal ng mukha niyo! Ang bababoy niyo!"Sa mga sinabing iyon ni mommy tuluyan nang bumuhos ang luha sa aking mga mata. Hindi ko na din napigilan ang paghikbi.Tinalukbong ko na lang ang kumot at nagpatuloy sa pag-iyak."Get out! Umalis ka dito!""Maghihiwalay na din naman po sila," sabi ni Maureen."Sino'ng may sabi na maghihiwalay sila? Hinding-hindi iyan mangyayari!""Usapan namin ni Ivan, hihiwalayan niya si Myla kapag naka-isang taon na sila. Ako po ang mahal ng anak niyo at hindi ang ulilang iyan!"Narinig ko ang malakas na sampal na ginawad ni mommy kay Maureen."Mommy!" Awat ni Ivan sa kaniyang ina.Mabilis akong bumangon at pumagitna sa kanila. Niyakap ko ang aking byenan."Tama na po, Mommy." Pinakalma ko siya dahil baka kung mapaano siya. Galit na galit siya. Pulang-pula ang kaniyang mukha. Mabuti na lang talaga at naka-private room kami."Umalis ka na!" Sigaw ulit niya.Umalis naman si Maureen. Dinig ko pa na tinawag siya ni Ivan pero tuloy-tuloy na itong lumabas ng silid.Inalalayan ko na maupo si Mommy sa sofa. Binigyan ko siya ng isang basong tubig. Ang aking byenan na lalake ay nasa pintuan. Nakapameywang at para bang pinapakalma din niya ang kaniyang sarili."Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko."May nakapagsabi sa amin tungkol sa pagpunta-punta ni Maureen dito. At hindi ka man lang pumalag? Sana nagsabi ka din sa akin," umiiyak niyang sambit.Mas lalo pa akong naiyak dahil sa pinapakitang malasakit at pagmamahal sa akin ng aking in laws.Niyakap ko na lang siya."At ikaw, Ivan. I don't even know you anymore.""Kung hindi niyo sana ako pinilit na ipakasal sa kaniya, hindi—"Shut up! Hindi mo alam ang pinagsasabi mo, Ivan. Hindi mo alam." Nanginginig ang katawan ni Mommy."Umuwi ka na lang po siguro muna, Mommy. Magpahinga ka baka mapaano ka. Kumalma ka na po.""How can you be so calm, hija?" Niyakap niya akong muli. "Kay Dylan ka na lang sana namin noon pinakasal," Sabi niya.Si Dylan ay pamangkin nila. Anak ng panganay na kapatid ng aking father in law. Mabait iyon at masiyahin, hindi gaya ni Ivan na akala mo laging galit.SA kabila nang nangyari kagabi ay inasikaso ko pa din si Ivan. Pinakain ko siya at tinulungang magbihis. May go signal na ang doktor na puwede na siyang umuwi kaya hinihintay na lang namin na ma-settle ang bills niya. Nakaupo ako sa sofa, habang si Ivan naman ay nakaupo sa gilid ng kama. Ang kaniyang kapatid ay nasa hamba ng pinto at tila ba nakikipagparamdaman sa amin. Pansin ko ang paninitig ni Ivan pero ni minsan hindi ko siya sinulyapan. "Let's go," sabi ni Mommy. Hawak na niya ang resibo at ilang reseta ng take home medicine ni Ivan. Sa kaniyang likod ay may nakasunod na nurse na may tulak-tulak na wheelchair. "Sa bahay na lang kayo umuwi, habang nagpapahinga kayo." Hindi ako sumagot at hinintay ko si Ivan na magreklamo pero tanging buntong hininga lang ang sagot niya roon. Inalalayan siyang sumakay sa wheelchair. Nauna na siyang lumabas ng pinto habang tulak ng kaniyang kapatid ang wheelchair. Pilit akong nginitian ni Mommy. Inakbayan niya ako at giniya palabas. Hindi ako
"Masarap ba?" Tanong ko kay Ivan kahit na kitang-kita ko naman sa kaniyang reaksyon na nasarapan siya sa luto kong ulam. Ngumiti siya at tumango. Linunok niya ang pagkain at muling ngumanga. Ganado siyang kumain kaya hindi ko mapigilan ang pagsilay ng matamis na ngiti sa aking mga labi. "Bakit pala hindi ka kumakain?" Tanong niya. "Mauna ka nang kumain dahil hindi pa naman ako nagugutom." Alas-sais pa lang kasi ng hapon. Kailangan niyang uminom ng gamot kaya pinakain ko na siya. "Nag-da-diet ka ba?" Ang dami namang tanong ng lalakeng 'to. "Hindi naman," sagot ko. "Ang payat mo na kaya." "Anong payat. Sexy kaya ako." Ngumuso ako at pinigil ang mapairap. Ang payat si Maureen, gusto kong sabihin kaso pinigilan ko. Ayaw kong isingit ang pangalan ng kaniyang kabit. Ngumuso siya. "Bakit, hindi ba ako sexy?" Tinaasan ko siya ng kilay. Ngumiti lang naman siya. Ewan ko sa'yo. "Last na," sabi ko sa kaniya. Naubos na ng baby damulag ang pagkain na hinanda at niluto ko para sa kaniya.
Habang hinihintay siyang matapos maligo, hinanda ko na ang kaniyang mga damit na susuotin. Pinalitan ko na din muna ang kobre kama at punda. Hindi pa naman madumi, pero bago pa siya magkaamnesia, maselan siya sa kaniyang mga gamit. Ang tuwalya niya, gusto niya nilalabhan kada araw. Ganoon din ang mga beddings. Dinaig pa niya ang babae sa kaartehan. Ako lang ang nagpapalit, pero ang labandera na ang bahalang maglaba ng mga ito. Nang magbukas ang pintuan ng banyo, agad akong lumingon sa kaniya. Pero dahil nakatapis lang siya ng tuwalya, mabilis don akong nag-iwas ng tingin. May bathrobe naman siya doon sa banyo, bakit di na lang iyon ang ginamit niya? Tumikhim ako dahil nanuyo ang aking lalamunan. Nilapitan ko siya habang ang tingin ko ay nasa baba lang. Tinulungan ko siyang lumapit sa may couch kung saan ko nilagay ang mga damit niya. Dapat siya na lang din mag-isa ang magbihis e. Hindi siya komportable sa kaniyang nurse kaya wala na ito. Kaya ako na lang mag-isa ang aasikaso sa
Hindi na muna ako bumalik sa aming silid. Nagpalipas ako ng oras sa garden at pumasok lang ako nang masiguro kong tulog na siya. Bawat araw na lumilipas pabigat din nang pabigat ang aking nararamdaman. Sarili ko lang talaga ang pinahihirapan ko dahil sa ginagawa ko. Tama nga si Rachelle, isa talaga akong martir... Nagpapakatanga pagdating sa pag-ibig. But all of this are temporary. Soon, I'll leaving this house. I'll be leaving Ivan. And soon, everything are just part of the past. Alaala na babalikan at tatawanan na lang. Sa ngayon, kailangan ako ni Ivan, kaya mananatili ako para alagaan siya. Ako pa din naman ang asawa niya hangga't hindi ako umaalis at sinasabi na mag-file na siya ng annulment. Tumingala ako at pinagmasdan ang kalangitan. Puno ng bituin sa langit. At ang buwan ay bilog at maliwanag. "Kumusta na kayo diyan sa langit, Mama at papa?" Naalala ko nang mamatay ang lolo ko nang ako ay maliit pa. Ang sabi ni Mama nagpunta daw si Lolo sa buwan. At mula doon ay nakatin
Tanghali na ng magising ako. Wala na din si Ivan sa kama. Mag-uumaga na kasi nang makatulog ako kaya hindi ko na siya naramdaman na bumangon. Naligo muna ako bago ako lumabas ng kuwarto namin. Nakahanda na ang ngiti ko sa aking nga labi, ngunit agad itong nabura dahil sa nakita ko. Nandito si Maureen! Nakaupo silang dalawa ni Ivan sa sofa. Alas-nuebe na pasado kaya nakaalis na ang mga byenan ko. Pumasok na din sa trabaho ang mga kapatid ni Ivan. Sandali ko silang pinagmasdan na dalawa. Nakangiti si Ivan habang si Maureen ay panay naman ang kuwento. At sa tuwing tatawa sila, napapayakap si Maureen sa kaniya. At si Ivan naman ay inaakbayan naman siya. Naramdaman ko na naman ang matinding kirot sa aking dibdib. Akala ko manhid na ako, pero hindi pa din pala. Masakit pa din. Hindi ko alam kung tutuloy ako sa kusina at lalagpasan sila o babalik ako sa silid at hintayin na makaalis si Maureen. Bakit ba pilit pinapaliit ng babaeng ito ang mundo ko? Hindi sa wala akong karapatan. Mayroo
Dire-diretso akong naglakad at kahit sulyap hindi ko ginawa. Dapat mag-aalmusal ako sa garden pero sa inis ko, lumabas ako ng bahay. Naglakad hanggang sa may makita akong taxi—na agad kong pinara. Dala ko ang celphone ko kung saan nakaipit ang aking ATM card. Sinabi ko sa taxi driver na ihinto muna ang taxi sa malapit na ATM machine upang makapag-withdraw ako. Sa simbahan ako dumiretso. Nagdasal ako ng taimtim habang pinipigilan na maiyak, pero kalaunan pinakawalan ko din ang emosyon na kanina ko pa kinikimkim. Mabuti na lang at pa-isa-isa lang ang tao na pumapasok sa simbahan. Hindi nakakahiyang umiyak sa Ama upang kahit paano ay gumaan ang aking pakiramdam. Alas-dose na ng tanghali nang magpasya akong lumabas ng simbahan. Ngunit bago ako umalis, nagtirik muna ako ng kandila para sa mga magulang ko sa gilid. Sa mall ang huling destinasyon ko. Kumain ako at nanood ng sine. Bandang alas-singko nang magpasya ako na umuwi na. Tiyak na wala na si Maureen sa bahay. Habang nasa biyah
Nanatili ako dito sa living room habang sinusuri ng doktor si Ivan. Ang kaniyang mommy at daddy ay nasa loob. Ang mga kapatid naman niya ay nakatayo sa labas ng pintuan. Bente minutos na ang nakalipas mula nang pumasok ang doktor sa loob ng silid. Sana lang ay maging maayos ang kalagayan ni Ivan. Nabigla yata siya kaya sumakit ang kaniyang ulo. Napatayo ako nang lumabas ang doktor kasama ang mga inlaws ko. "Dalhin niyo siya bukas sa ospital para matignan siya nang mabuti," bilin ng doktor sa mga magulang ni Ivan. Tinanguan ako ni Doktor Cheng bago siya tuloy-tuloy na naglakad palabas ng bahay. "Mommy, kumusta po si Ivan?"Ngumiti si Mommy. "He's fine now. Hinahanap ka niya. Pumasok ka na sa silid niyo.""H-Hindi pa po ba bumalik ang alaala niya?" Umiling si Mommy. "Sumakit lang daw ang ulo niya. Sabi ko huwag niyang puwersahin ang sarili na makaalala. Myla..." Hinawakan ni Mommy ang aking kamay. "Alam kong nahihirapan ka na, pero..." Nangungusap ang kaniyang mga mata na tumingin
"PUPUNTA kami ng daddy niyo sa Vietnam sa Friday. May dadaluhan kami doon na conference," sabi ni Mommy habang nagmemeryenda kami. "And I was thinking, that you two should come with us... What do you think?" Sa isang araw na iyon. Tinignan ko si Ivan na nagkibit balikat lang. Nang mapansin ang mga mata ko na nakatuon sa kaniya, taas kilay niya akong tinignan. "Gusto mong sumama?" "Ikaw." Siya pa din naman ang magdedesisyon. May mga sugat pa siya sa katawan na hindi pa gaanong naghihilom kaya baka mahirapan siya. "Kung gusto mo, sige sumama tayo.""Hindi ka ba mahihirapan?" "I'm fine. A little vacation won't do me harm.""Thank you, mahal..." Niyakap ko siya at tinapik naman niya ang aking likuran. Pagkatapos magmeryenda, inempake ko na ang mga damit namin ni Ivan. Hindi ako makapag-focus dahil ginugulo niya ako. Niyayakap-yakap niya ako at ninanakawan ng halik. Kilig na kilig tuloy ako. Hindi ko ine-expect na aabot kami sa ganitong punto ni Ivan. Pasuko na ako dapat, e. E, k
Naging madalas ang travel namin kasama ang mga bata. Gusto naming ma-enjoy ang bawat lumilipas na araw kasama ang aming mga anak na ang bibilis lumaki. Lalong-lalo na si Angel na ilang taon naming hindi nakapiling. Tapos ngayon ay dalaga na. It was a bitter sweet feeling, kaya we treat every day as a special day. "How are you, sweetie?" Nakatulog na ang maliliit kong anak, kaya pinuntahan ko siya sa kaniyang silid para kausapin. Gumagawa siya ng kaniyang project ngayon kaya tinulungan ko na din siya. "Ayos naman po, Mommy. Medyo napagod lang sa school, pero kaya ko naman po.""Yeah. Graduating ka na kasi, kaya madaming mga pinapagawa. I'm proud of you, anak ko."Tinigil niya ang kaniyang ginagawa upang yakapin ako. "I love you, Mommy. Mahal ko po kayo ni Daddy.""We love you too, Anak." Habang pinagmamasdan ko siya, hindi pa din mawala-wala iyong feeling ko na parang maiiyak dahil naiisip ko ang lahat ng mga pinagdaanan niya bago namin siya nakapiling. Ganito pala ang pakiramdam n
Ang bilis ng panahon at parang mas naging mabilis pa ito dahil sa mga taon na hindi namin makasama si Angel. Ngayon ang kaniyang 17th birthday. We decided to throw her a party kahit na ayaw sana siya. Nitong mga nagdaang birthday niya, kami-kami lang talaga. We invited some of our closest friends pero wala siya ni isang bisita na kaklase o kaya malapit na kaibigan. May mga friends na siya ngayon kahit paano. Nag-join siya sa iba't ibang mga clubs sa school. We also enrolled her to different special classes. May taekwondo class din siya na ang Daddy niya ang may gusto, para na rin alam niya kung paano protektahan ang kaniyang sarili. Habang inaayusan siya ng make up artist naiiyak ako. Dalaga na ang baby ko. Sobrang ganda niya, kaya naman laging nag-aalala ang kaniyang Daddy. Sobrang bait din niya na labis kong kinakabahala, dahil baka abusuhin lamg ang kabaitan niya. She's wearing a baby pink balloon dress na nagpatingkad pa ng kaniyang angkin na ganda. Ang kaniyang suot na mga ala
Years later..."Nasaan na ba ang daddy mo kasi?" Hindi na matapos-tapos ang pag-aayos ko dahil sabay-sabay na tinotoyo ang tatlo kong anak. Aalis kami ngayon, pero ano'ng oras na hindi pa ako nakagayak. Inuna kong bihisan si bunso pero binigyan siya ng kuya niya ng chocolate chips kaya ngayon ang dumi na. "Relax lang, Chelle..." bulong ko habang pinupunasan ang bunso kong anak tapos pagkalingon ko nakita ko naman ang sinundan ng bunso ko na madumi na ang damit. "Hay naku..." Namewang ako at huminga nang malalim. "Gusto niyo bang umalis o hindi? Kung hindi, iiwan ko na lang kayo dito."Mababait naman sila, e. Kaso sobrang hyper at ngayon pa talaga sila nagkaganito kung kailan aalis kami. Umalis ang dalawang kasambahay namin para mamalengke. Kulang kami sa tao ngayon dahil umuwi iyong yaya ng mga bata tapos hindi ko alam kung makakabalik pa. Nagbalikbayan ata ang boyfriend niya kaya baka magpakasal na din muna. Iyong isa namang kasambahay pinaalis na namin matapos makalunok ng kray
Angel was quiet the whole time. Nahihiya siya. "Normal lang naman ang magka-crush, Anak.""Hindi ko po crush si Jaspar, Mama."Ngumiti siya. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kaniyang sinabi pero gusto kong magtiwala sa aking anak. Mukhang okay na din silang dalawa ni Jaspar. Nag-uusap na ulit sila at nagpapansinan. Kung ano man ang naging problema nila kahapon ay hindi ko na lang din pinilit na alamin pa. Kinausap din ni Angus si Jaspar kaninang umaga. He asked him if he wanted to move to Daddy Elias' house. Pumayag naman si Elias, gusto nga daw nito tumulong kay Nanay. Naiinip at nahihiya ata ang bata. Mas madami kasi ang katulong dito sa bahay kaysa doon kina Nanay. But then, nalaman na naman agad ito ni Angel. Umiyak na naman. She said that Jaspar was like a brother to him. Syempre, ang kaniyang daddy na nagsabi na hayaan kahit umiyak ang anak ay hindi nakatiis. Hindi na naman natuloy ang plano niya. Natapos ang school year kaya nagbakasyon kami sa probinsya. Kasama nami
"Tita..." Sumilip si Jaspar sa may pintuan. "Yes, Jaspar?"Tinulak niya ang pintuan. Pumasok siya na may bitbit na isang tray. May sakit ako ngayon at hindi ako bumaba upang kumain ng breakfast at lunch. This boy is really sweet. May dala din siyang gamot. Humingi siguro sa mga maid. "Thank you, Jaspar..." Nakatayo lang ito sa gilid. Hinihintay niyang kumain ako. Wala akong gana kaso ayaw ko namang biguin ang bata. Jaspar is 14 years old. Mas matanda siya ng dalawang taon sa aming Angel. He's talk for his age. At sobrang guwapo din niya. Mukha siyang may lahi, kagaya nina Angus. Ang sabi ni sister, iniwan daw si Jaspar sa labas ng pintuan ng orphanage noon. Nasaan kaya ang mga magulang niya? Hindi man lang ba nila iniisip ito? Kawawang bata. Humigop ako sa sabaw. Nagsubo lang ako ng kaunting kanin. Enough na ang sabaw. "Mama, nagdala ako ng fruits." Napangiti ako. Akala ko kung ano ang ginagawa niya dahil hindi siya sumama kay Jaspar. Hanggang sa matapos akong kumain, hindi pa
Natapos ang one month honeymoon at bakasyon namin, kaya bumalik na ulit kami ng Pinas. Ilang buwan ulit na magtatrabaho at magfo-focus din muna sa homeschooling ni Angel. "What do you think?" "Hindi ko alam, mahal..." Bumuntong hininga si Angus. Tila hindi makapagdesisyon, o ayaw niya talaga. Kaso iniisip niya ang kaniyang anak. Ilang araw na namin 'tong pinag-uusapan."Pero kapag ginawa natin iyon, makakatulong din tayo." Binaba ko ang laptop. Katatapos ko lang mag-reply sa email ng madre na namamahala ng bahay ampunan. "If you're not comfortable, it's okay. Madami namang ways to help."After a long week, nagdesisyon si Angus na puntahan namin ang bahay ampunan. Hindi ito alam ni Angel. Akala niya ay magbabakasyon lang ulit kami. "Oh my God! We're going to visit the orphanage!" Tuwang-tuwa siya nang makita ang daan paliko sa kinaroroonan ng orphanage. Hindi na siya mapakali. At siya pa nga ang naunang bumaba ng sasakyan. Hindi siya nakilala agad ng ibang mga bata. "Angel, ikaw
Isang enggrandeng kasal na mula pa nang unang makilala ko si Chelle ay pinangarap ko na ibigay sa kaniya. Isang church wedding, beach wedding dito sa Pinas at garden wedding naman sa ibang bansa. She deserve it, at ito ang paulit-ulit kong sinasabi at pinaparamdam sa kaniya kahit pa sinasabi niya na kahit simpleng kasal lang masaya na siya. Hindi ko gusto ang simpleng kasal. Kaya nga hindi ko siya pinakasalan nang mga bata pa kami dahil hindi niya deserve ang isang simple o kaya ay secret wedding. Nag-aral akong mabuti at pinalago ang business namin, para sa pangarap ko para sa aming dalawa. That's because she deserve the best. She deserve a grand wedding. Nakapag-announce na ako sa public, nang maging okay kami. I announced that she and I are engage. I wanted the world to know. Madami ang nagulat. Madami ang nagtaka at nagtanong. Madami ang nanghusga dahil wala naman silang alam. Pero lahat ng opinyon ng mga mapanghusgang tao ay hindi mahalaga. "What matters is that I love you so
ANGUS Sa halip na sumama kina mommy at daddy sa ibang bansa, pinili kong magbakasyon sa probinsya. Ako lang dapat ang magbabakasyon doon, dahil gusto kong mapag-isa pero sumama ang mga kaibigan kong sina Huxley at Caius. At habang nasa biyahe ay nakagawa na agad sila ng plano. *Magpakilig ng maganda at inosenteng probinsyana. *Makipag-sex sa virgin na probinsyana. Fuck and leave. Iyon ang plano nila na kalaunan ay sinang-ayunan ko na lang din dahil pinilit nila akong um-oo. Wala din namang mawawala kung subukan. Napatingin ako sa baba nang mapansin ko na may kausap si Manang Minerva, ang aming caretaker dito sa mansyon. Isang babae na sa tingin ko ay nasa high school pa lang ang kausap niya. Nagtitinda daw ito ng biko.Una kong napansin sa kaniya ang kaniyang tsinelas na bukod sa maputik ay magkaiba din ang kulay. Luma na ito at tiyak kong hindi siya nagkamali ng nasuot na pares ng kaniyang tsinelas. Luma na din ang malaking tshirt na suot at may mga maliliit na ding butas. Maga
After one week umuwi na muna kami ng Pinas. After one month ulit kami magta-travel, para makapagpahinga si Angel at para na rin makapag-start na siya sa kaniyang tutor. Kami naman ni Angus ay magtatrabaho. Hindi puwedeng pabayaan ang business dahil madaming empleyado ang umaasa sa amin at para na rin 'to sa future ni Angel at ng iba pa naming magiging mga anak. Lumipat kami sa bahay ni Angus. Isang three storey modern house na mayroong magandang garden. "Ampalaya?!" Gulat na gulat ako na makakita ng napakaraming tanim na ampalaya, na kalaunan ay nauwi sa malakas na paghalakhak. "May mga kabute din, Ma'am," singit naman ni Manang Erna, ang matandang maid na nagpalaki kay Angus. Nanunukso kong tiningnan si Angus. Gosh! Grabe, baliw ang lalakeng 'to. Baliw na baliw sa akin. "Paborito ko po ang ampalaya," sabi naman ni Angel, habang ginagala ang paningin sa buong paligid. "Talaga? Paborito ko din iyon, pero ang daddy mo hindi kasi iyan kumakain ng gulay, lalo na ang ampalaya." Naala