Redeeming Elora

Redeeming Elora

last updateLast Updated : 2023-02-10
By:   Avrin Keziah  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
53Chapters
3.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Elora and Marcus are lovers. Pero nagkaroon ng kumplikasyon sa kanilang relasyon dulot ng malaking problema sa pamilya ni Elora. She was forced to broke up with Marcus. But Marcus won’t easily say no. Kung kaya’t sinaktan niya ito ng labis at pinukol ng masasakit na salita, sapat upang layuan siya nito at kamuhian. They both continue on their own different paths. Ngunit isang suliranin ang muling darating kay Elora na magdadala sa kanya sa hindi kanais-nais na sitwasyon. At ang solusyon dito ay mauuwi sa muli nilang pagtatagpo ni Marcus. His a ruthless and cold-hearted billionaire now while she is a damsel in distress in need for wealth and power to be save. Sa pagkakataong ito, ang lalaking kanyang labis na sinaktan sa nakalipas ang siyang magsasalba sa kanya sa alanganing sitwasyon. Pero kapalit nito ay ang pagpapaalipin niya sa bawat init ng halik at haplos nito. But everytime their body collides, the spark that has long been buried in their hearts will ignite. Maari pa bang maitama sa ngayon ang pagkakamali sa nakalipas upang paghilumin ang sugat ng kahapon? Sapat na ba ang darang na sandali upang amuhin ang pusong patuloy na namumuhi? Will her love ever be redeemed from all the deep sorrows and dark secrets of the past? Pero paano kung ang taong labis mong pinahahalagahan ang maging hadlang sa pag-ibig na inaasam? What will she choose? Leave and let go? Or stay and fight for it?

View More

Latest chapter

Free Preview

Prologue

“Kanina pa naghihintay ang customer sa’yo!” bahagya pa akong napaigtad sa gulat ng biglang bumukas ang pinto ng dressing room at pumasok ang manager nitong club.Tinapunan ko siya ng tingin bago nagpatuloy sa paglalagay ng lipstick sa labi. Maging ang ilang kasama ko sa silid ay halatang nabigla rin.“Ano ba? Ang tagal mo na rito, hindi ka pa rin tapos mag-ayos? Masyado kang makupad! Kung hindi lang malaki ang komisyon na makukuha ko, hindi na talaga kita tatanggapin pa ulit dito!” patutsada pa nito habang humihithit ng sigarilyo.Kung hindi lang ako sanay malamang ay naubo na ako ng ibuga nito ang usok sa mismong mukha ko.Ikinuyom ko ang aking kamao. Kailangan kong magtimpi.“Umakyat ka na. Room 305,” humalukipkip ito ng braso. Pagkatapos ng gabing ‘to magiging katulad ka na rin namin. Isang bayarang puta!” nangungutyang sambit nito bago humahalakhak na tinalikuran ako.Sinundan ko siya palabas at di nagpahalatang apektado ako sa pang-iinsulto nito. Medyo asiwa akong naglakad dah...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Buboy Logia
Recommended!, ...️...️...️...️...️...️
2022-08-05 19:08:01
1
user avatar
Princess Phylberth
Redeem ko itech...
2022-07-03 17:31:06
1
user avatar
Jimsheen28 GN
Ganda naman sisy.
2022-06-11 00:49:33
1
53 Chapters
Prologue
“Kanina pa naghihintay ang customer sa’yo!” bahagya pa akong napaigtad sa gulat ng biglang bumukas ang pinto ng dressing room at pumasok ang manager nitong club.Tinapunan ko siya ng tingin bago nagpatuloy sa paglalagay ng lipstick sa labi. Maging ang ilang kasama ko sa silid ay halatang nabigla rin.“Ano ba? Ang tagal mo na rito, hindi ka pa rin tapos mag-ayos? Masyado kang makupad! Kung hindi lang malaki ang komisyon na makukuha ko, hindi na talaga kita tatanggapin pa ulit dito!” patutsada pa nito habang humihithit ng sigarilyo.Kung hindi lang ako sanay malamang ay naubo na ako ng ibuga nito ang usok sa mismong mukha ko.Ikinuyom ko ang aking kamao. Kailangan kong magtimpi.“Umakyat ka na. Room 305,” humalukipkip ito ng braso. Pagkatapos ng gabing ‘to magiging katulad ka na rin namin. Isang bayarang puta!” nangungutyang sambit nito bago humahalakhak na tinalikuran ako.Sinundan ko siya palabas at di nagpahalatang apektado ako sa pang-iinsulto nito. Medyo asiwa akong naglakad dah
last updateLast Updated : 2022-05-25
Read more
Chapter 1
"Saan po kayo pupunta, Nana Salve?” tanong ko ng makita itong naggagayak.“ Sa bayan, mamimili.” Si Nana Salve ang pinakamatandang kawaksi dito sa mansiyon. Maliit pa lamang ako ay naninilbihan na siya sa amin.“ Pwede po ba akong sumama?” tanong ko.“ Magpaalam ka muna sa Mama mo. Baka mapagalitan tayo ‘pag isinama kita ng walang paalam,” pagpaalala nito sa akin.Paniguradong tulog pa si Mama.Madaling araw na ‘yon kung umuwi mula sa pagsusugal sa casino kaya baka mabulyawan ako pag naistorbo ko. “Hindi na po! Akong bahala sa inyo!” Nakangiting sumampa ako sa unahan ng naghihintay na sasakyan. Pagdating sa bayan, naunang naglakad papasok sa pamilihan si Nana Salve.“Huwag kang lalayo, Elora. Bibilisan ko ang pamimili para makauwi tayo kaagad,” bilin nito sa akin ng mapansin ang nahuhuli kong paghakbang. Tinanguan ko ito bago ko hinayon ang eskinita patungo sa bilihan ng mga tela. Dikit-dikit ang mga tindahan sa gawi rito. Bihira rin ang namimili sa parteng ito. Isa-isa kong s
last updateLast Updated : 2022-05-25
Read more
Chapter 2
“Ano pong nangyayari?” tanong ko sa nakasalubong na kasambahay paglabas ng aking kwarto kinaumagahan.“Ang kapatid ‘nyo po kasi, Senyorita.”“Ha? Napa ‘no si Agatha,” natataranta kong tanong. Patakbong tinungo ko ang silid sa dulong pasilyo ng ikalawang palapag ng mansiyon.Abot-abot ang kabang aking nadama ng maabutan ang eksena sa loob. Mukhang kinakapos na naman sa hininga ang aking kapatid.Agatha is my younger sister. She is just three years younger than me and is suffering from a heart disease. Anak siya ng aking madrasta sa aking ama. Siya ang dahilan kung bakit hindi ko magawang salungatin ng husto si Mama.“Agatha is not getting better. Natatakot ako na baka hindi na sumapat ang pera natin para sa gamutan niya,” aniya sa akin ni Mama ng huminahon na ang lahat at kalmado nang natutulog ang aking kapatid.“ What do you want me to do then?” diretsang tanong ko.“Marry Garett Leviste and all of our problems will be solved,” may pinalidad sa boses ni Mama. And I don’t have a choic
last updateLast Updated : 2022-05-25
Read more
Chapter 3
Napapangiwi ako sa hapdi dulot ng bawat dampi ng bulak sa aking likuran. Nakadapa ako sa ibabaw ng aking kama habang pinapahiran ng gamot ni Mama ang aking likuran. Nag-iwan ng pasa at malalim na sugat ang bawat hagupit ni Garett ng sinturon sa aking likuran. Maging ang braso ko ay may sugat dahil sa mga tumamang bubog.Ni minsan ay hindi ko naranasang mapalo. Wala rin akong naalalang napagbuhatan ako ng kamay ng aking magulang. Mahigpit ang aking madrasta. Madalas din kaming magkasagutan pero ni minsan ay di niya ako nagawang saktan ng pisikal.“ Mama…ayoko na pong ituloy ang pagpapakasal kay Garett. Isa siyang demonyo! Hindi ko kayang makasama siya! Pakiusap…tulungan ‘nyo po ako!” pagsusumamo ko. Pinilit kong maupo kahit labis na nananakit ang likod ko.“ Hindi pwede, Elora! Makapangyarihan ang pamilya Leviste. Mas masama ang maaari nating sapitin kapag sumalungat tayo sa kanilang kagustuhan!” bakas ang takot kay Mama at puno rin ng pag-aalala ang kanyang tinig.“ Magandang umaga,”
last updateLast Updated : 2022-05-25
Read more
Chapter 4
Ate,” napalingon ako ng marinig ang malamyos na boses ng kapatid ko. May matamis na ngiting nakaguhit sa kanyang namumutlang mukha. Nakaupo ito sa kanyang wheelchair habang tulak-tulak ng personal nitong nurse.“Agatha, ba’t lumabas ka ng kwarto mo. Baka mapagod ka? Dapat ay nagpapahinga ka lang,” nag-aalalang bigkas ko hustong makalapit siya sa akin.“Okay lang ako, ate. Gusto kong makita kung gaano ka kaganda sa suot mong traje de boda.” Mapait akong nangiti. Ngayong araw ang nakatakdang pag-iisang dibdib namin ni Garett. Ang ibang babae ay labis ang nagiging kagalakan kapag dumarating sa ganitong pagkakataon ng buhay. Kabaligtaran iyong ng nadarama ko ngayon. Mas gusto ko pa ngang itim ang kulay ng wedding gown na suotin imbes na puti. Dahil ang puso ko ay mahahalintulad sa isang patay na naghihintay na maihatid sa kanyang libingan. Paulit-ulit akong nakiusap kay Mama pero nanatili siyang bingi sa aking hinaing. Ikinulong niya ako sa aking kwarto at ngayong araw na ito laman
last updateLast Updated : 2022-05-25
Read more
Chapter 5
"Hija, magpahinga ka muna. Ako ng bahala rito. Ilang araw ka ng walang maayos na tulog," pukaw sa akin ni Nana Salve. Blangkong nalipat ang tingin ko sa kanya. Ito ang ikatlong gabi ng lamay para sa burol ni Mama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya. Maaaring madalas kaming magtalo dahil sa mga magkasalungat na opinyon lalo na pagdating sa mga desisyong may kinalaman sa buhay ko pero hindi ko pa rin hinahangad ang sinapit niya. Hindi man ako nanggaling sa laman at dugo niya pero ipinaramdam niya pa rin sa akin na isang tunay na anak ang turing niya sa akin. May pagkakamali man siyang nagawa sa akin, sa huli ay humingi siya ng tawad at prinotektahan niya ako. Dahil doon ay naintindihan ko siya. Mahal niya ako. At pareho lamang kami nagnanais ng ikabubuti ni Agatha. Para sa kapatid ko kaya nagbuwis siya ng buhay. Hindi dapat masayang ang naging sakripisyo niya. "Si Agatha po?" balik tanong ko. "Nasa silid na niya at nagpapahinga," tugon ni Na
last updateLast Updated : 2022-06-07
Read more
Chapter 6
Maaga kaming tumulak upang bumiyahe kinabukasan. Nagsisimula pa lang pumutok ang liwanag ay lulan na kami ng malaking pampasaherong bangka na magdadala sa amin sa Maynila. Isang malaking maleta at isang hand carried bag lamang ang dala naming bagahe. Mga piling kasuotan, mahahalagang dokumento, at kaunting halaga na maari naming magamit sa pagsisimulang muli ang tanging laman ng aming bagahe. Hindi rin naman namin kailangang bitbitin pa ang magagarbo at nagmamahalang gamit sa aming pag-alis. Magiging simple at ordinaryo na ang magiging buhay namin ngayon. All those tailored clothes, branded shoes and fancy bags along with all the luxury item we used to have before don't matter now. Puno ako ng pangamba at pag-aalinlangan kung ano na ang magiging buhay namin ngayon. Pero nilalakasan ko ang loob ko. My sister and I still have each other. At iyon ang pinakamahalaga sa ngayon higit pa sa kahit na anong materyal na bagay. Nilingon ko si Agatha na nakaupo sa aking tabi. Nakahawak siya
last updateLast Updated : 2022-06-08
Read more
Chapter 7
Magdidilim na ng makabalik kami. Mabuti na lamang at may ilang mga kalalakihan na nakatambay pagbaba namin ng taxi kung kaya't may tumulong sa pagbitbit ng mga pinamili namin. Pero hindi pa man naibababa ang mga pinamili ay napakaripas na ako paakyat sa ikalawang palapag ng bahay ng marinig ang malakas na sigaw ni Nana Salve."Elora, si Agatha nahihirapang huminga!" natatarantang humingi ako ng saklolo upang agad na maisugod sa ospital ang aking kapatid."Huwag na ate, ayos lang ako," tanggi nito Agatha. Mataman ko siyang tinitigan. Namumutla at may butil-butil na pawis sa mukha habang pilit niyang kinakalma ang sariling paghinga. "Sigurado ka ba? Magsabi ka ng totoo. Kung nahihirapan kang huminga, ngayon din ay pupunta tayo sa doctor para matignan ka," pamimilit ko.She rolled her eyes on me. May sakit na lahat lahat, nagagawa pang magmaldita."Okay nga lang ako, ate. Sa init siguro kaya medyo naghyper ventilate ako. Huwag ka ng mag-alala para sa'kin 'te. Salamat sa pagbili mo ng
last updateLast Updated : 2022-06-12
Read more
Chapter 8
Bigo akong umuwi. Halos mapudpod na ang swelas ng suot kong sandals kakalakad pero hindi man lang ako pinaburan ng kapalaran na makahanap ng mapapasukang trabaho. Madilim na ng bumaba ako ng jeep. "O, Elora! Sa'n ka galing?" si Miles ng makasalubong ko. Huminto ako sa paglakad at nginitian ito. " Naghanap kasi ako ng pwedeng maging trabaho," ani ko. " May nahanap ka naman ba?" Matamlay akong umiling." Wala eh. Pero susubok ulit ako. Baka bukas, may mahanap na ako. Eh, ikaw?" Tulad ng una kong kita kay Miles, ngayon ay posturang-postura ito. Makapal ang make-up at ubod tipid sa tela ang suot na damit. " May booking ako ngayon. Hinihintay ko lang sundo ko," sagot nito. Mamaya ay may bumusinang isang pulang kotse sa tapat namin. Bumaba ang salamin ng bintana sa driver's side at sumilip mula roon ang nagmamaneho ng kotse. Kinawayan ito ni Miles kaya nagpaaalam na ito sa akin. Nanatili akong nakamasid habang naglalakad ito palapit sa kotse. Dahil naka
last updateLast Updated : 2022-06-12
Read more
Chapter 9
"Oh, Elora! Ikaw pala bhe. Halika, pasok ka." Nahihiyang tumalima ako. "Ano'ng atin?" tanong sa akin ni Miles. Nakayukong napakamot ako sa pisngi ko. "Manghihiram sana ako ng pera sa'yo. Naubusan na kasi ng gamot si Agatha, kailangan ko ng makabili. Ibabalik ko kapag nagkapera na ako," wala na akong ibang malapitan at wala rin naman akong kakilala rito sa lugar namin kaya napilitan akong puntahan si Miles para makahiram ng pera. Gipit na ako kaya kinakapalan ko na ang mukha ko kahit walang kasiguraduhan kung kailan ko siya mababayaran. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin akong nakukuhang mapagkakakitaan. Umakyat si Miles sa kwarto nito. Pagbalik ay agad na iniipit nito sa aking palad ang lilibuhing salaping pera. Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ang halaga nito. "Naku, Miles! Sobra-sobra na ito," ani ko habang pilit na ibinabalik ang pera dito na siya namang tinanggihan nito. " Haynaku, 'be! Kunin mo na. Isipin mo na lang na balato ko 'yan sa'yo. Malaki-laki kinita k
last updateLast Updated : 2022-06-13
Read more
DMCA.com Protection Status