Share

Chapter 4

Author: Avrin Keziah
last update Last Updated: 2022-05-25 17:26:17

Ate,” napalingon ako ng marinig ang malamyos na boses ng kapatid ko.

   May matamis na ngiting nakaguhit sa kanyang namumutlang mukha. Nakaupo ito sa kanyang wheelchair habang tulak-tulak ng personal nitong nurse.

“Agatha, ba’t lumabas ka ng kwarto mo. Baka mapagod ka? Dapat ay nagpapahinga ka lang,” nag-aalalang bigkas ko hustong makalapit siya sa akin.

“Okay lang ako, ate. Gusto kong makita kung gaano ka kaganda sa suot mong traje de boda.”

  Mapait akong nangiti. Ngayong araw ang nakatakdang pag-iisang dibdib namin ni Garett. Ang ibang babae ay labis ang nagiging kagalakan kapag dumarating sa ganitong pagkakataon ng buhay. Kabaligtaran iyong ng nadarama ko ngayon. Mas gusto ko pa ngang itim ang kulay ng wedding gown na suotin imbes na puti. Dahil ang puso ko ay mahahalintulad sa isang patay na naghihintay na maihatid sa kanyang libingan.

  Paulit-ulit akong nakiusap kay Mama pero nanatili siyang bingi sa aking hinaing. Ikinulong niya ako sa aking kwarto at ngayong araw na ito lamang pinayagang makalabas.

  “Ate.”

  “Ha?” gulat na sagot ko.

  “Nakikinig ka ba sa akin? Ang sabi ko ang ganda-ganda mo. Sana ay maranasan ko rin ang maikasal ng tulad mo. Pero mukhang imposibleng mangyari dahil sa sakit ko.”

  Nakaramdam ako ng awa para sa sariling kapatid. I reach for her hand and squeezed it.

  “Siyempre! Matutupad ‘yon. Ako pa mismo maghahatid sa’yo sa altar pag ikinasal ka sa lalaking pinapangarap mo,” pang-aalo ko.

   Aside from my stepmother, Agatha is the only family I have. Kahit na mahirapan ako ay gagawin ko ang lahat para sa kanya. Siguro nga ay tama si Mama. Maging misirable man ang buhay ko ay ayos lang basta maging maayos ang buhay ng kapatid ko.

“Gusto mo bang sumama sa simbahan? “alok ko para pasiglahin ang malungkot nitong mata.

  “Gusto ko, ate. Kaya lang ay mahigpit ang bilin na doktor na huwag muna akong lalabas. Kaya dito na lang ako ate. Hihintayin ko na lang ang pagbalik mo.”

  Mukhang epektibo naman ang mga sinabi ko rito dahil bumalik ang ningning sa mga mata nito.

I hugged her first before letting her go back to her room.

   Kasama si Mama ay tumulak na kami patungong simbahan. Nauna ng bumaba ng sasakyan sa akin si Mama.

Naiwan ako sa loob at naghihintay ng senyas mula sa wedding coordinator kung kelan ako bababa.

  “Senyorita, nais po kayong makausap ni Senyorito Garett,” ani sa akin ng driver sabay abot ng cellphone nito.

Bigla ang pag-ahon ng galit sa aking dibdib pagkarinig sa kanyang pangalan.

  “Hello,” nagtitimping sagot ko.

  “Elora, tandaan mo ang usapan natin. Hindi ka na pwedeng umatras. Sa oras na hindi ka tumuloy ay mamamatay ang mahal mong kargador. Hindi sa tinatakot kita. Nagpapaalala lang ako. At isa pa, tandaan mo, nasa mansiyon lang ang kapatid mo. Napapaligiran ng mga bantay. Hindi ka pwedeng tumakas dahil sa oras na gumawa ka ng hindi maganda, dalawang buhay ang mawawala.”

  Nanlamig ako at nanginig sa takot.

  Bago pa ako makasagot ay naputol na ang tawag.

  “Ma’am, baba na po kayo,” boses ng weeding coordinator ang pumukaw sa akin. Nilingon ko ang harap ng simbahan. Kanina ay nakatayo pa roon ang mga bisita at ilang kasama sa wedding entourage. Nakapinid na rin ang malaking pinto ng simbahan.

  Nagpatianod ako. Wala na ang atensyon ko sa nangyayari. Gusto kong tumakbo palayo pero hindi ko magawa. Gusto kong labanan si Garett pero hindi ko magawa. Gusto kong umiyak pero tila nanunuyong ilog ang aking mga mata.

  May ibinilin pa sa akin ang babaeng coordinator bago niya ako iniwang mag-isa. Yumuko ako at pumikit. Kung sana ay may iba pang paraan, sana hindi ako naiipit ngayon sa sitwasyong meron ako.

  “Elora…”

   Akala ko guni-guni ko lamang pero pagdilat ko ng aking mata ay nakita ko si Marcus na nakatayo sa aking harapan.

   Napahigpit ang hawak ko sa pumpon ng bulaklak na tangan habang ang puso ko ay di maawat sa malakas na pagtibok. Hindi ako nagsalita habang pinapasadahan siya ng tingin.

   Nanlalalim ang mata at magulo ang buhok habang ang mata ay puno ng sakit. Hindi ko halos matagalan ang nakikitang anyo nito.

  “Elora, huwag ka ng tumuloy. Sumama ka na sa akin. Sabay tayong lumayo. Sa akin ka magpakasal.”

  Gumuhit ang hapdi sa aking lalamunan at nanubig ang aking mata. I would want to but I can’t.

Umiling ako at malamig ang tinging ipinukol sa kanya.

  “Hindi pwede, Marcus. Ikakasal na ako. Iba na lang ang alukin mo,” matigas na sagot ko kahit ang totoo ay nanlalambot ang tuhod ko.

  “Parang awa mo na, Elora. Huwag mong gawin sa akin ‘to. Mahal na mahal kita.”

  Mahal na mahal din kita, Marcus kaya ko ito ginagawa.

  “Anong kailangan kong gawin para kumbinsihin kang sumama sa akin?”

    Gusto ng kumawala ng hikbi mula sa akin.

   “Isandaang milyon. Kung mabibigyan mo ako ngayon ng ganoong kalaking halaga ay sasama ako sa’yo,” walang kagatol-gatol kong bigkas kahit na ang aking labi ay nangangatal na.

   Marcus stared at me with pure disbelief in his eyes.

   “Wala akong ganyang kalaking halaga.”

  “ Kung gayon, umalis ka na at kalimutan mo ako. Ginagambala mo na ako masyado sa kasal ko. Umalis ka na bago ka pa makita ng magiging asawa ko. Ayoko ng gulo kaya kung pwede lang, lumayas ka n rito.”

    Mula sa pagkabigla ay napalitan ng poot na may halong sakit ang nabanaag kong emosyon sa kanyang mata.

   “Akala ko ay totoong mahal mo ako. Mali pala ako. Mukhang tulad sa mama mo ay pera pa rin talaga ang mahalaga sa’yo. Sinayang mo ang pag-ibig ko sa’yo!” puno ng hinanakit niyang sambit bago bagsak ang mga balikat na tinalikuran niya ako.

   Gusto ko siyang habulin o aluin pero ang mga paa ko ay walang lakas na tila napako na sa kinatatayuan.

  Watching him step away from me full of hatred makes me wants to take back every daggering words I have spoken. Pero mas maigi na ang ganito para sa kaligtasan mo, mahal ko.

   My heart is aching so much that I could feel it wanting to explode. Pero biglang bumukas ang enggrandeng pinto ng simbahan. Mabuti na lamang at may takip na mahabang belo ang aking mukha. No one will see nor notice my miserable state. Marahan akong lumakad habang pilit ang ngiting nakapaskil sa labi. L look straight into the altar, to the figure that is crucified in the cross while silently praying for a miracle that would end my journey of pain and misery.

    At tila nga isang himala na sinagot agad ang aking panalangin.

   Umalingawngaw ang sunod-sunod na putok mula sa labas ng simbahan.

  Napapihit ako paharap sa aking pinanggalingan. I saw Garett’s men exchanging gun fire with the police. Hindi ako agad nakagalaw. Namalayan ko na lamang ang malakas na pagtawag ni Mama sa pangalan ko kasunod ng pagbagsak nito sa aking bisig. Then hot red liquid flow down from her back that it quickly scattered to long skirt of my wedding gown. Nanginginig ang mga kamay na hinanap ko ang pinagmumulan ng umagos na dugo para sana ay pigilan ito sa patuloy na pagbulwak.

  “Elora…” naghahabol ng hiningang tawag ni Mama sa akin.

  “Dadalhin kita sa ospital, Mama.”

  She heaved out a deep sighed trying to prolong her breath.

  “Si Agatha…m-mangako ka, h-huwag mong pababayaan ang k-kapatid mo… mangako ka…”

  Tumango-tango ako.

   “Opo, pangako!” sagot ko.

   “ Patawarin mo ako , Elora…m-mahal na mahal ko k-kayo ni Agatha…” matapos ay umubo si Mama kasabay ng paglabas ng kulay pulang likido sa kanyang bibig. Isang huling sagap ng hangin bago pumikit ang kanyang mga mata at tuluyan nalagutan ng hininga.

    Then, the next thing I remember, I was screaming so loud while everyone around me turns into a chaos.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
grabe nakakaiyak naman Ang nangyari Kay Marcus, Sana makaalis ka na Kay Garrett Elora
goodnovel comment avatar
Lyn Maghanoy
kawawa nman si Marcus ...... Sana makawala kana Kai garret elora
goodnovel comment avatar
Jimsheen28 GN
highly recommended! Sobrang ganda ng story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Redeeming Elora    Chapter 5

    "Hija, magpahinga ka muna. Ako ng bahala rito. Ilang araw ka ng walang maayos na tulog," pukaw sa akin ni Nana Salve. Blangkong nalipat ang tingin ko sa kanya. Ito ang ikatlong gabi ng lamay para sa burol ni Mama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya. Maaaring madalas kaming magtalo dahil sa mga magkasalungat na opinyon lalo na pagdating sa mga desisyong may kinalaman sa buhay ko pero hindi ko pa rin hinahangad ang sinapit niya. Hindi man ako nanggaling sa laman at dugo niya pero ipinaramdam niya pa rin sa akin na isang tunay na anak ang turing niya sa akin. May pagkakamali man siyang nagawa sa akin, sa huli ay humingi siya ng tawad at prinotektahan niya ako. Dahil doon ay naintindihan ko siya. Mahal niya ako. At pareho lamang kami nagnanais ng ikabubuti ni Agatha. Para sa kapatid ko kaya nagbuwis siya ng buhay. Hindi dapat masayang ang naging sakripisyo niya. "Si Agatha po?" balik tanong ko. "Nasa silid na niya at nagpapahinga," tugon ni Na

    Last Updated : 2022-06-07
  • Redeeming Elora    Chapter 6

    Maaga kaming tumulak upang bumiyahe kinabukasan. Nagsisimula pa lang pumutok ang liwanag ay lulan na kami ng malaking pampasaherong bangka na magdadala sa amin sa Maynila. Isang malaking maleta at isang hand carried bag lamang ang dala naming bagahe. Mga piling kasuotan, mahahalagang dokumento, at kaunting halaga na maari naming magamit sa pagsisimulang muli ang tanging laman ng aming bagahe. Hindi rin naman namin kailangang bitbitin pa ang magagarbo at nagmamahalang gamit sa aming pag-alis. Magiging simple at ordinaryo na ang magiging buhay namin ngayon. All those tailored clothes, branded shoes and fancy bags along with all the luxury item we used to have before don't matter now. Puno ako ng pangamba at pag-aalinlangan kung ano na ang magiging buhay namin ngayon. Pero nilalakasan ko ang loob ko. My sister and I still have each other. At iyon ang pinakamahalaga sa ngayon higit pa sa kahit na anong materyal na bagay. Nilingon ko si Agatha na nakaupo sa aking tabi. Nakahawak siya

    Last Updated : 2022-06-08
  • Redeeming Elora    Chapter 7

    Magdidilim na ng makabalik kami. Mabuti na lamang at may ilang mga kalalakihan na nakatambay pagbaba namin ng taxi kung kaya't may tumulong sa pagbitbit ng mga pinamili namin. Pero hindi pa man naibababa ang mga pinamili ay napakaripas na ako paakyat sa ikalawang palapag ng bahay ng marinig ang malakas na sigaw ni Nana Salve."Elora, si Agatha nahihirapang huminga!" natatarantang humingi ako ng saklolo upang agad na maisugod sa ospital ang aking kapatid."Huwag na ate, ayos lang ako," tanggi nito Agatha. Mataman ko siyang tinitigan. Namumutla at may butil-butil na pawis sa mukha habang pilit niyang kinakalma ang sariling paghinga. "Sigurado ka ba? Magsabi ka ng totoo. Kung nahihirapan kang huminga, ngayon din ay pupunta tayo sa doctor para matignan ka," pamimilit ko.She rolled her eyes on me. May sakit na lahat lahat, nagagawa pang magmaldita."Okay nga lang ako, ate. Sa init siguro kaya medyo naghyper ventilate ako. Huwag ka ng mag-alala para sa'kin 'te. Salamat sa pagbili mo ng

    Last Updated : 2022-06-12
  • Redeeming Elora    Chapter 8

    Bigo akong umuwi. Halos mapudpod na ang swelas ng suot kong sandals kakalakad pero hindi man lang ako pinaburan ng kapalaran na makahanap ng mapapasukang trabaho. Madilim na ng bumaba ako ng jeep. "O, Elora! Sa'n ka galing?" si Miles ng makasalubong ko. Huminto ako sa paglakad at nginitian ito. " Naghanap kasi ako ng pwedeng maging trabaho," ani ko. " May nahanap ka naman ba?" Matamlay akong umiling." Wala eh. Pero susubok ulit ako. Baka bukas, may mahanap na ako. Eh, ikaw?" Tulad ng una kong kita kay Miles, ngayon ay posturang-postura ito. Makapal ang make-up at ubod tipid sa tela ang suot na damit. " May booking ako ngayon. Hinihintay ko lang sundo ko," sagot nito. Mamaya ay may bumusinang isang pulang kotse sa tapat namin. Bumaba ang salamin ng bintana sa driver's side at sumilip mula roon ang nagmamaneho ng kotse. Kinawayan ito ni Miles kaya nagpaaalam na ito sa akin. Nanatili akong nakamasid habang naglalakad ito palapit sa kotse. Dahil naka

    Last Updated : 2022-06-12
  • Redeeming Elora    Chapter 9

    "Oh, Elora! Ikaw pala bhe. Halika, pasok ka." Nahihiyang tumalima ako. "Ano'ng atin?" tanong sa akin ni Miles. Nakayukong napakamot ako sa pisngi ko. "Manghihiram sana ako ng pera sa'yo. Naubusan na kasi ng gamot si Agatha, kailangan ko ng makabili. Ibabalik ko kapag nagkapera na ako," wala na akong ibang malapitan at wala rin naman akong kakilala rito sa lugar namin kaya napilitan akong puntahan si Miles para makahiram ng pera. Gipit na ako kaya kinakapalan ko na ang mukha ko kahit walang kasiguraduhan kung kailan ko siya mababayaran. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin akong nakukuhang mapagkakakitaan. Umakyat si Miles sa kwarto nito. Pagbalik ay agad na iniipit nito sa aking palad ang lilibuhing salaping pera. Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ang halaga nito. "Naku, Miles! Sobra-sobra na ito," ani ko habang pilit na ibinabalik ang pera dito na siya namang tinanggihan nito. " Haynaku, 'be! Kunin mo na. Isipin mo na lang na balato ko 'yan sa'yo. Malaki-laki kinita k

    Last Updated : 2022-06-13
  • Redeeming Elora    Chapter 10

    "Ikaw, mabagal! Ikaw, sayang bayad ko sa'yo! Ikaw, bilis galaw!" Nakapameywang na nagmamando si Mrs. Chua habang nakatayo sa gilid ko. Hindi ako magkandaugaga sa pagkuskos ng bawat babasaging pinggan na hinuhugasan ko. Sinusubukan kong bilisan pero hindi ko magawa dahil sa pag-iingat na makabasag ako. Balita ko pa naman ay sobra kung kumaltas sa tuwing may masisira o mababasag na gamit dito sa restaurant. Asawa si Mrs. Chua ng may-ari nitong restaurant na napasukan ko. Simula ng tagpong iyon sa club ay sinikap kong maghanap pa rin ng mapapasukan. Ayokong umabot sa puntong maghuhubad ako para lamang mag-uwi ng pera. At dito nga sa Chinese Restaurant na ito ako natanggap. Maliit ang pasahod pero pwede ng pagtiyagaan. Ngunit umpisa pa lang ng pamamasukan ko dito ay napakainit na ng dugo sa akin ni Mrs. Chua. Panay rin ang sulyap sa akin ng asawa nito kaya iniisip kong baka iyon ang dahilan. Hindi ko na lamang pinapansin dahil baka mali ako ng iniisip. Kailangan kong kumita kaya ka

    Last Updated : 2022-06-14
  • Redeeming Elora    Chapter 11

    " Ladies and gentlemen, the newest and hottest gem of Club Caelibem, please welcome...Iluminara!" Bumagsak ang kurtinang nagkukubli sa akin. I sexilly glided my way towards the middle of the stage. A slow music is filling up the air. Wearing only a very revealing two piece underwear covered in dazzling gems, I started to sway my hips and move my body in the most sensual way. Ramdam ko ang pagsunod ng nagbabagang tingin ng bawat kalalakihan habang umiindayog ako sa nakakaakit na paraan. Pero ako, malamig pa sa yelo at walang emosyon ang mukha habang gumigiling sa musika. Isa-isa kong sinisipat ang bawat mukha ng mga lalaking tila asong naglalaway na akala mo isa akong napakasarap na putahe sa kanilang harapan. There were some in their business suits and expensive clothes. All kinds of men that comes from a different walks of life. But mostly are rich looking businessmen. Lahat sila ay nakahandang magwaldas. Lahat sila naghahanap ng panandaliang aliw. Lahat sila ay may iisang

    Last Updated : 2022-06-17
  • Redeeming Elora    Chapter 12

    " Sa ngayon ay stable ang pasyente. Pero Miss Delavin, agarang operasyon ang kailangan ng kapatid mo. Hindi na biro ang kalagayan ng puso niya at maari na niyang ikamatay sa susunod na mahirapan siyang huminga," pag-imporma sa akin ng doktor na kausap. " Magkano naman ho ang kailangan?" tanong ko. "Mga doctor, espesyalista, gamot, board at lodging, maaring abutin ng kalahating milyon pero hindi ako sigurado." Umiiyak na tinitigan ko si Agatha. Ang kapatid ko lumalala na pala aang nararamdaman ay hindi ko pa namamalayan. Kasalanan ko. Masyado akong naging okupado kaya nagkulang ako sa kanya. Dapat ay mas naging mapilit ako na patignan siya sa doktor. Ngayon ay nagdedelikado ang buhay niya. Napakalaki ng halagang kailangan para sa operasyon niya. May naitatabi pa ako pero hindi iyon sasapat. Saan ko kukunin ang kulang? "Hija, kunin mo na 'to," pukaw sa akin ni Nana Salve. Nanghihinang napayakap ako sa kanya. " Salamat po, Nana." Mahina siyang tumawa." Walang anuman. Pa

    Last Updated : 2022-06-17

Latest chapter

  • Redeeming Elora    Author's Note

    We often gets blinded by love that we tend to commit mistakes and impulsive decisions. And as we go on the journey of fighting for everything we believe, we loose ourselves only to find out that love is always unconditional. It knows no boundaries and self-sacrificing. Behind all the unpleasantness of fate, love will always be the first to redeem us. Maraming salamat po sa pagsubaybay sa aking akda. Natagalan man bago natapos, still, hindi kayo bumitaw. Sana ay may maiwang marka sa inyong puso ang kwento ni Elora at Marcus. Hanggang sa mga susunod ka pong mga akda. Mahal ko kayo. God bless us all! ☺️☺️☺️☺️☺️

  • Redeeming Elora    Epilogue

    -Marcus-"Marcus...come on, ihahatid na kita pauwi."Napaahon ang ulo ko sa pagkakasubsob sa bar counter. I blinked my eyes. For a second I thought that's its her. I blinked again. The image before me became clearer. I chuckled with no humor. My eyes are fooling me again. Epekto na rin siguro ng sobrang dami ng alak na naubos ko. "Halika na, Marcus. Iuuwi na kita." Ngumisi ako. "Kaya kong umuwi mag-isa..." binawi ko ang braso kong hawak niya. Mabuway akong tumayo. Susuray-suray akong naglakad palabas ng bar. My feet struggles as I walked towards the exit. Despite my drunkenness, I still managed to reached my car in the parking area. "Marcus! Stop! Please...let me take you home. Lasing na lasing ka. Baka maaksidente ka pa."Natigil ako sa pagbukas ng pinto ng kotse. At this moment, I don't really fucking cares what will happened to me. But maybe...if something really bad happens to me...I wished it would be as bad as what happened to Elora. O sana mas higit pa. After learning the t

  • Redeeming Elora    Chapter 50

    "Mamshie, nand'yan pa na siya?" nag-aalalang tanong ko. "Oo, hija. Hindi pa rin gumagalaw sa pwesto niya."Hindi mapakaling napatayo ako. " Pupuntahan ko ho." Kanina pa siya naroon. Nakapagpalit na ako ng damit. Minungkahi rin ni mamshie na magpahinga muna ako. Pero nakahiga na ako lahat sa kama ko ay hindi pa rin mapalagay ang loob ko. Sinubukan ko siyang dungawin sa bintana. Naroon pa nga siya. Kaya bumaba na ako para pakiusapan si Juancho na paalisin na ito. Pero hindi pa rin ito natitinag."Pupuntahan ko po." Tumila na ang ulan pero malamig pa rin sa balat ang hangin. Hinigpitan ko ang hawak sa balabal na nakapaikot sa balikat ko na nagtatagpo sa ibabaw ng dibdib ko. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa labis na pag-iyak. Tila may tinik na nakatusok sa ugat ng puso ko na natanggal matapos kong maisiwalat ang lahat sa kanya kanina. Pero sa nakikita kong reaksyon nito parang mas doble ang pumalit na nakatarak sa dibdib ko. "Marcus..." hindi ito kumibo. "Marcus, tumayo ka riyan

  • Redeeming Elora    Chapter 49

    Wala akong pagpipilian. 'Yon ang tumatak sa isip ko. Piliin ko si Marcus, itatakwil ako ni Agatha. Piliin ko si Agatha, mawawala sa akin si Marcus. Either way I will still loose any of them. Kaya mas maigi ng lumayo ako. Napahawak ako sa tapat ng aking dibdib at malalim na napabuntong-hininga. May kung anong nakatusok sa puso ko na nagdudulot ng labis na kirot. Kahit anong gawin kong haplos at buga ng hangin ay hindi naaalis. Humigit bumuga muli ako ng hangin. It's still there. "Hija, mukhang uulan! Pumasok ka na sa loob. Malamig ang simoy ng hangin. Baka sipunin ka pa!" Mula sa pagtanaw sa maalon na dagat ay nalipat ang tingin ko kay mamshie. Naglalakad siya papalapit sa kinauupuan kong duyan. "Masama sa buntis ang magkasakit," dagdag paalala pa nito. Napahaplos ako sa maumbok kong tiyan. Tipid ko siyang nginitian. "Susunod na po ako." Tinanguan ako nito bago ako tinalikuran. Nandito na ulit ako sa Romblon. Akala ko ay hindi na ako makakabalik pa rito. Pero

  • Redeeming Elora    Chapter 48

    Nang makidnap ako ni Garreth...nang piliin kong lumayo...nang gustuhin kong magtago...iniisip ko ginagawa ko ang lahat ng 'yon dahil sa pagmamahal ko para kay Marcus. All those years of being away...suffering, pained and emotionally tortured. Kinaya ko. I surpassed the darkness that once tried to consumed me. Dahil umaasa akong darating din ang panahon na makakasama ko ulit si Marcus. Na muli kong maipapadama sa kanya ang pagmamahal ko. The hope in me almost died. At ng akala ko tuluyan ng mawawala ang katiting na pag-asang meron ako ay saka muling dumating ang pagkakataon na hinihintay ko. It's like coming from the ashes that had long burned me. Pero simula ng bumalik ako...galit at poot na sinasamahan ng pasakit ang hinarap ko. Agatha loves her. I pleaded for him to choose. Her over me. Never did I thought of him still loving me. When we met each other again, he ambushed me with a kiss. Followed by hatred and unruly insults. We had sex. First, out of my bruised pride. Second

  • Redeeming Elora    Chapter 47

    Titig na titig ako sa natutulog na katabi. Nakadapa siya at nakatagilid. Ang mukha niya nakaharap sa akin. His bare back is exposed to my eyes. I shamelessly ran my fingers to it. His eyelids fluttered. Pero hindi dumilat. Pero gumalaw ang braso niyang nakapatong sa tiyan ko at hinigit ako palapit sa kanya. Isinubsob niya rin ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ko. "Hmmm..." the corner of my lips rose when he made a purring sound. I pulled up the sheets to cover our both naked bodies before hugging him back.Putok na ang araw sa labas. Pumapasok na ang sikat nito sa mumunting singaw ng kurtina. Everything ended up sweetly and unexpectedly last night. But it's morning already and we're still cuddling in my bed. This is too much. Ang sabi ko ay pagbibigyan ko lang ang sarili ko. Isang gabi lang. This is wrong. Dapat ay bumabangon na ako at pinapaalis na siya pero hindi magawang tapusin ang pagyakap sa kanya. Hindi ko magawang bumitaw sa mainit na balat niya. Ibang-iba ang p

  • Redeeming Elora    Chapter 46

    His words are tempting. My thoughts got carried by it. Pinaghandaan ko ang gabi ng masquerade ball. I chose what to wear. Sa isang mumurahing boutique lang ako naghanap ng maisusuot. Hindi ko hinayaan si Marcus na pakialaman ako sa parteng iyon. Pinagbibigyan ko lang siya o mas tamang pinagbibigyan ko lang ang sarilli ko? Inayusan ko ng simple ang sarili ko. Isang body hugging floor length gown ang suot ko. Kulay itim pero nangingintab dahil sa velvety texture ng tela. Sphagetti strap, may magkabilaang slit mula sa kalagitnaan ng hita ko pababa at magkasinglalim ang uka sa harap at sa likod. Lumalabas lang ang slit kapag humahakbang ako samantalang ang uka ay sapat para ilabas ang cleavage ko at ang kalahati ng aking makinis na likuran. I made my hair into a lousy french bun. Nahuhulog ang ilang hibla ng buhok ko pero imbes na magulo ay pinalambot lamang nito ang aura ng aking mukha. Light lang ang make up ko at matte liptick in sheer color lang ang ipinahid ko sa labi ko. Magsusu

  • Redeeming Elora    Chapter 45

    Maingat na isinabit ko ang natahi. Ikinawing ko ang mga kamay sa magkabilang tagiliran bago nag-unat ng likod. I breathed in and breathed out a few times before I gently massaged my back. Then, I swing my arms left and right. Napasilip ako sa labas ng bintana. Hindi ko namalayang gabi na. Kaya pala nangangalay na ang likod at mga braso ko. Isang linggo na ang nagdaan simula ng umalis si Agatha patungong Australia. Isang linggo na rin simula ng huli kong makita si Marcus. Ni-assume ko na mapapadalas ang punta niya rito sa apartment ko dahil wala si Agatha at...dahil na rin sa sinabi niyang palagi akong titignan at ang gawa ko. But I guess, I assumed wrongly. Muli akong napasilip sa labas ng bintana ng marinig ang pagparada ng isang sasakyan sa labas. Mabilis akong humarap sa salamin at inaayos ang ilang hibla ng buhok ko. Pinagpag ko rin ang saya ng bestida ko na kinapitan ng mga hibla ng tela at sinulid. Bumalik ako sa tabi ng bintana. Pero ng bumaba ang sakay ng kotse ay

  • Redeeming Elora    Chapter 44

    Bakit kailangan niya pang magpabalik-balik dito sa apartment ko? To check on me? Bakit ano bang iniisip niyang gagawin ko? To check my work? Ano 'yon? Wala siyang tiwala sa tahi ko? Eh,di sana hindi na siya nagpapatahi sa akin. Kaya nga ayoko sanang tanggapin ang pinagagawa niya. It would mean reconnecting with him. Kaya nga ako lumipat eh. Para makaiwas. Sa presensiya niya at sa selos na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko silang magkasama ni Agatha. Nahihirapan na nga akong magkunwari na hindi ko siya kilala sa harap ng kapatid ko. Para akong nagkakasala sa kapatid ko. But his so pursuassive. Hindi siya titigil sa pangungulit kung hindi ko siya i-e-entertain. I just want to completely move on. Pero mas lalo lang hindi makakausad ang buhay ko kung palaging nariyan si Marcus. Kung bumalik na lang kaya ako sa Romblon? Pero paano si Agatha? Anong paliwanag ang sasabihin ko sa kanya kapag lumayo ako muli? I sighed. This is so frustrating. " Wow, ang lalim 'te!" gulat na n

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status