"Saan po kayo pupunta, Nana Salve?” tanong ko ng makita itong naggagayak.
“ Sa bayan, mamimili.” Si Nana Salve ang pinakamatandang kawaksi dito sa mansiyon. Maliit pa lamang ako ay naninilbihan na siya sa amin.
“ Pwede po ba akong sumama?” tanong ko.
“ Magpaalam ka muna sa Mama mo. Baka mapagalitan tayo ‘pag isinama kita ng walang paalam,” pagpaalala nito sa akin.
Paniguradong tulog pa si Mama.
Madaling araw na ‘yon kung umuwi mula sa pagsusugal sa casino kaya baka mabulyawan ako pag naistorbo ko.
“Hindi na po! Akong bahala sa inyo!”
Nakangiting sumampa ako sa unahan ng naghihintay na sasakyan.
Pagdating sa bayan, naunang naglakad papasok sa pamilihan si Nana Salve.
“Huwag kang lalayo, Elora. Bibilisan ko ang pamimili para makauwi tayo kaagad,” bilin nito sa akin ng mapansin ang nahuhuli kong paghakbang. Tinanguan ko ito bago ko hinayon ang eskinita patungo sa bilihan ng mga tela. Dikit-dikit ang mga tindahan sa gawi rito. Bihira rin ang namimili sa parteng ito. Isa-isa kong sinisilip ang bawat espasyong madaanan sa pag-aasam na makita ang aking hinahanap.
Malakas akong napatili ng may biglang yumapos sa aking beywang. I was about to utter his name when he instantly landed his lips on mine. Awtomatikong napapikit ako.
Nangingiting hinampas ko siya sa braso matapos ng halik. Pinagsalikop niya ang aming mga kamay bago iginiya papasok sa dulong bahagi ng tindahan kung saan ito tumutuloy. This place is our secret fortress. Dito, malaya naming naipahahayag ang pag-ibig sa isa’t isa.
Nakakandong ako sa kanyang habang mahigpit na yakap namin ang isa’t isa.
“Namiss kita, Elora,” bulong niya.
Napakagat ako sa aking labi at agad pinamulahan ng pisngi. Ibayong kilig ang hatid sa akin sa tuwing sasambitin niya ang tawag sa akin.
“Mas namiss kita.”
“ Mas mamimiss kita pag nagpunta ako sa Maynila.”
Napasimangot ako sa sinagot niya.
“Hindi na ba talaga kita mapipigilan pang umalis?” malungkot na tanong ko.
Hinawi niya ang ilang takas na hibla ng aking buhok at iniipit ito sa likod ng aking tenga bago masuyong hinaplos ang aking pisngi.
“ Alam mo naman ang dahilan kung bakit kailangan kong lumayo. Gusto kong maging karapat-dapat para sa’yo, para pag humarap ako sa’yong Mama ay matanggap niya ako. Lalayo ako pero pansamantala lamang. Pag balik ko, pakakasalan kita at hinding-hindi na tayo ulit magkakalayo pa. Mahal na mahal kita, Elora.”
Napakabilis nang tibok ng aking puso dahil sa katulad na damdamin.
“ Mahal na mahal din kita, Marcus. Maghihintay ako sa pagbabalik mo, pangako…”
Our lips lock again into a more passionate kiss. It went deeper and deeper. Pero bago pa mauwi sa hindi dapat na tagpo ay huminto na kami.
Marcus respects me that much that he said he will only take me after we got married. And it makes me adore and love him more.
“Nagpunta ka sa bayan ng hindi ka nagpapaalam sa akin, Elora?” natigil ako sa paghakbang ng mabungaran si Mama na nakatayo sa bukana ng mansiyon. Nakatungo ang ulo na lumapit ako at nagbeso rito.
“ Sumama lang po akong mamili, Mama.”
Pinukol niya ako ng isang matalim na titig. “Huwag mo akong nililinlang, Elora. Sa tingin mo ba hindi ko malalaman ang kalokohang ginagawa mo? Kalat na kalat ang balitang pakikipagrelasyon mo sa bastardong iyon! Tigilan mo ang pakikipagkita sa hampaslupang iyon dahil walang magandang maidudulot sa’yo. Isa kang heredera! Isang lalaking mula sa mayaman at kilalang angkan ang nararapat sa’yo!”
“ Huwag ‘nyo po sanang pagsalitaan ng ganyan si Marcus. Hindi ‘nyo siya kilala para husgahan at alipustahin,” pagtatanggol ko sa lalaking aking mahal.
“ Hindi ko na siya kailangan pang kilalanin. Nagagawa mo na nga akong sagot-sagutin ngayon. I am disappointed with you! Kung nabubuhay lamang ang iyong Papa, sigurado akong siya pa mismo ang magsasabi sa’yong lumayo sa lalaking ‘yon!”
Pero imposible. Dahil matagal ng patay si Papa.
“Go to your room and fix yourself. May bisitang darating mamayang hapunan. Ang gusto ko ay magmukha kang presentable at elegante.”
Wala akong nagawa kundi ang tumalima.
Hustong maihanda sa sarili nang kumatok ang isa sa mga kasambahay sa aking silid.
“Senyorita, dumating na po ang mga bisita. Pinapatawag na po kayo ni Senyora.”
Walang kangiti-ngiting lumabas ako ng silid.
I know my stepmother. Kung hindi mayaman, malamang ay pulitiko ang aming panauhin. Palagi namang ganito. Kahit walang okasyon ay may magarbong handaan dito sa mansiyon na dinadaluhan ng mga piling mayayaman dito sa aming probinsiya. And I don’t have a choice but to put on my best and ride her charades. Alam kong hindi na kami ganoon kayaman kumpara noong nabubuhay pa si Papa. And I know very well what she’s up to. She’s luring every rich people in this small town to become friends with us, to invest in our cattle farm and give favors for our business. Sinasadya niya ang lahat ng ito upang ipakita sa buong probinsiya na matayog pa rin ang aming pamilya. Nang sa gayon ay maipagpatuloy niya ang kanyang walang pakundangang pagsusugal at maluhong pamumuhay.
Hinanda ko ang isang matamis ngunit pekeng ngiti. Ilang ulit ko na ba itong nagawa? Kaya sanay na ako.
“Oh, there she is!” ani Mama pagkakita sa akin. Agad nabaling sa akin ang paningin ng mga nakaharap sa hapag. “ Everyone, I would like you to meet my unica hija, Elora.”
“Good evening po.” Isa-isa ko silang tinitigan. Isang matandang lalaki, isang matandang babae at isa pang lalaki na sa tantiya ko ay hindi nalalayo ang edad sa akin.
“Tama ka nga Miranda, napakaganda ng iyong anak,” ani ng may edad ng lalaki.
Tumayo ang mas nakababatang lalaki at pinaghila ako ng upuan.
“You are beautiful indeed but words are not enough to describe how lovely you are. I’m Garett Leviste,” inilahad niya sa akin ang isang kamay na atubili kong tinanggap.
“Elora,” matipid na sagot ko bago tuluyang naupo.
“Bagay na bagay sila balae. Siguradong magiging maganda at gwapo rin ang magiging apo natin.”
Nagsalubong ang kilay ko sa narinig. Hindi ako ganoon kamangmang para hindi maintindihan ang sinabi ng ginang. Nagtatanong ang tinging ipinukol ko kay Mama. But she just glared at me with a warning look. I shut my mouth and quietly wished for this dinner to be over soon. Hindi ako mapakali sa kinauupuan lalo na at hindi ko matagalan ang presensiya ni Garett sa aking tabi. Panay ang hawak at bulong niya sa akin na hindi ko nagugustuhan. Tanging si Marcus lamang ang nais kong gumawa ng mga ganoong bagay sa akin. Nang sa wakas ay magpaalam ang mga bisita. Nakaramdam ako ng pandidiri ng halikan ako sa pisngi ni Garett bago ito lumunad sa kanilang sasakyan pero hindi ko pinahalata.
“Anong palabas na naman ito, Mama?”
“Hindi ito palabas, Elora. Si Garett ang nakatakda mong mapapangasawa. Magiging parte ka ng pamilya Leviste. Garett is planning to run for Mayor in the coming election. Kailangan niya ng asawang makakatuwang para sa kumpanya. Were lucky that they chose you to be the future first lady of this town plus, the perks of their money and power.”
Nawindang ako sa narinig.
“ Hindi ko siya gusto at mas lalong hindi ko siya mahal. Bakit mo gagawin sa’kin ‘to, Mama?”
“Baon tayo sa utang, maging itong mansiyon ay nakasangla sa bangko. Tanging ang mga Leviste lamang ang nagpakita ng interes na tulungan tayo.”
Gusto kong pangilabutan sa bawat binibigkas ni Mama.
“Kaya ipakakasal mo ako sa lalaking ngayon ko lamang nakita?”
“At kanino mo gusto? Sa isang kargador na mas mahirap pa sa daga?”
“Mahal ko ang taong nilalait mo, Mama!”
Sumusobra na siya sa pangmamaliit kay Marcus.
“ Mas gugustuhin ko nang maikasal ka kahit walang pag-ibig. Hindi ka mabubuhay ng pagmamahal lamang!”
I gritted my teeth. Conversing with her is getting me frustrated.
“Sa tingin mo ba hindi mabigat sa loob ko ang desisyon kong ito? We need to maintain our name and wealth. Not just for me or you, but also for your sister. Kung ayaw mong magpakasal, fine! Konsensiya mo na ‘yan!” bitaw niya bago nagmartsa palayo sa akin.
Naiwan akong nangingitngit ang kalooban.
“Ano pong nangyayari?” tanong ko sa nakasalubong na kasambahay paglabas ng aking kwarto kinaumagahan.“Ang kapatid ‘nyo po kasi, Senyorita.”“Ha? Napa ‘no si Agatha,” natataranta kong tanong. Patakbong tinungo ko ang silid sa dulong pasilyo ng ikalawang palapag ng mansiyon.Abot-abot ang kabang aking nadama ng maabutan ang eksena sa loob. Mukhang kinakapos na naman sa hininga ang aking kapatid.Agatha is my younger sister. She is just three years younger than me and is suffering from a heart disease. Anak siya ng aking madrasta sa aking ama. Siya ang dahilan kung bakit hindi ko magawang salungatin ng husto si Mama.“Agatha is not getting better. Natatakot ako na baka hindi na sumapat ang pera natin para sa gamutan niya,” aniya sa akin ni Mama ng huminahon na ang lahat at kalmado nang natutulog ang aking kapatid.“ What do you want me to do then?” diretsang tanong ko.“Marry Garett Leviste and all of our problems will be solved,” may pinalidad sa boses ni Mama. And I don’t have a choic
Napapangiwi ako sa hapdi dulot ng bawat dampi ng bulak sa aking likuran. Nakadapa ako sa ibabaw ng aking kama habang pinapahiran ng gamot ni Mama ang aking likuran. Nag-iwan ng pasa at malalim na sugat ang bawat hagupit ni Garett ng sinturon sa aking likuran. Maging ang braso ko ay may sugat dahil sa mga tumamang bubog.Ni minsan ay hindi ko naranasang mapalo. Wala rin akong naalalang napagbuhatan ako ng kamay ng aking magulang. Mahigpit ang aking madrasta. Madalas din kaming magkasagutan pero ni minsan ay di niya ako nagawang saktan ng pisikal.“ Mama…ayoko na pong ituloy ang pagpapakasal kay Garett. Isa siyang demonyo! Hindi ko kayang makasama siya! Pakiusap…tulungan ‘nyo po ako!” pagsusumamo ko. Pinilit kong maupo kahit labis na nananakit ang likod ko.“ Hindi pwede, Elora! Makapangyarihan ang pamilya Leviste. Mas masama ang maaari nating sapitin kapag sumalungat tayo sa kanilang kagustuhan!” bakas ang takot kay Mama at puno rin ng pag-aalala ang kanyang tinig.“ Magandang umaga,”
Ate,” napalingon ako ng marinig ang malamyos na boses ng kapatid ko. May matamis na ngiting nakaguhit sa kanyang namumutlang mukha. Nakaupo ito sa kanyang wheelchair habang tulak-tulak ng personal nitong nurse.“Agatha, ba’t lumabas ka ng kwarto mo. Baka mapagod ka? Dapat ay nagpapahinga ka lang,” nag-aalalang bigkas ko hustong makalapit siya sa akin.“Okay lang ako, ate. Gusto kong makita kung gaano ka kaganda sa suot mong traje de boda.” Mapait akong nangiti. Ngayong araw ang nakatakdang pag-iisang dibdib namin ni Garett. Ang ibang babae ay labis ang nagiging kagalakan kapag dumarating sa ganitong pagkakataon ng buhay. Kabaligtaran iyong ng nadarama ko ngayon. Mas gusto ko pa ngang itim ang kulay ng wedding gown na suotin imbes na puti. Dahil ang puso ko ay mahahalintulad sa isang patay na naghihintay na maihatid sa kanyang libingan. Paulit-ulit akong nakiusap kay Mama pero nanatili siyang bingi sa aking hinaing. Ikinulong niya ako sa aking kwarto at ngayong araw na ito laman
"Hija, magpahinga ka muna. Ako ng bahala rito. Ilang araw ka ng walang maayos na tulog," pukaw sa akin ni Nana Salve. Blangkong nalipat ang tingin ko sa kanya. Ito ang ikatlong gabi ng lamay para sa burol ni Mama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya. Maaaring madalas kaming magtalo dahil sa mga magkasalungat na opinyon lalo na pagdating sa mga desisyong may kinalaman sa buhay ko pero hindi ko pa rin hinahangad ang sinapit niya. Hindi man ako nanggaling sa laman at dugo niya pero ipinaramdam niya pa rin sa akin na isang tunay na anak ang turing niya sa akin. May pagkakamali man siyang nagawa sa akin, sa huli ay humingi siya ng tawad at prinotektahan niya ako. Dahil doon ay naintindihan ko siya. Mahal niya ako. At pareho lamang kami nagnanais ng ikabubuti ni Agatha. Para sa kapatid ko kaya nagbuwis siya ng buhay. Hindi dapat masayang ang naging sakripisyo niya. "Si Agatha po?" balik tanong ko. "Nasa silid na niya at nagpapahinga," tugon ni Na
Maaga kaming tumulak upang bumiyahe kinabukasan. Nagsisimula pa lang pumutok ang liwanag ay lulan na kami ng malaking pampasaherong bangka na magdadala sa amin sa Maynila. Isang malaking maleta at isang hand carried bag lamang ang dala naming bagahe. Mga piling kasuotan, mahahalagang dokumento, at kaunting halaga na maari naming magamit sa pagsisimulang muli ang tanging laman ng aming bagahe. Hindi rin naman namin kailangang bitbitin pa ang magagarbo at nagmamahalang gamit sa aming pag-alis. Magiging simple at ordinaryo na ang magiging buhay namin ngayon. All those tailored clothes, branded shoes and fancy bags along with all the luxury item we used to have before don't matter now. Puno ako ng pangamba at pag-aalinlangan kung ano na ang magiging buhay namin ngayon. Pero nilalakasan ko ang loob ko. My sister and I still have each other. At iyon ang pinakamahalaga sa ngayon higit pa sa kahit na anong materyal na bagay. Nilingon ko si Agatha na nakaupo sa aking tabi. Nakahawak siya
Magdidilim na ng makabalik kami. Mabuti na lamang at may ilang mga kalalakihan na nakatambay pagbaba namin ng taxi kung kaya't may tumulong sa pagbitbit ng mga pinamili namin. Pero hindi pa man naibababa ang mga pinamili ay napakaripas na ako paakyat sa ikalawang palapag ng bahay ng marinig ang malakas na sigaw ni Nana Salve."Elora, si Agatha nahihirapang huminga!" natatarantang humingi ako ng saklolo upang agad na maisugod sa ospital ang aking kapatid."Huwag na ate, ayos lang ako," tanggi nito Agatha. Mataman ko siyang tinitigan. Namumutla at may butil-butil na pawis sa mukha habang pilit niyang kinakalma ang sariling paghinga. "Sigurado ka ba? Magsabi ka ng totoo. Kung nahihirapan kang huminga, ngayon din ay pupunta tayo sa doctor para matignan ka," pamimilit ko.She rolled her eyes on me. May sakit na lahat lahat, nagagawa pang magmaldita."Okay nga lang ako, ate. Sa init siguro kaya medyo naghyper ventilate ako. Huwag ka ng mag-alala para sa'kin 'te. Salamat sa pagbili mo ng
Bigo akong umuwi. Halos mapudpod na ang swelas ng suot kong sandals kakalakad pero hindi man lang ako pinaburan ng kapalaran na makahanap ng mapapasukang trabaho. Madilim na ng bumaba ako ng jeep. "O, Elora! Sa'n ka galing?" si Miles ng makasalubong ko. Huminto ako sa paglakad at nginitian ito. " Naghanap kasi ako ng pwedeng maging trabaho," ani ko. " May nahanap ka naman ba?" Matamlay akong umiling." Wala eh. Pero susubok ulit ako. Baka bukas, may mahanap na ako. Eh, ikaw?" Tulad ng una kong kita kay Miles, ngayon ay posturang-postura ito. Makapal ang make-up at ubod tipid sa tela ang suot na damit. " May booking ako ngayon. Hinihintay ko lang sundo ko," sagot nito. Mamaya ay may bumusinang isang pulang kotse sa tapat namin. Bumaba ang salamin ng bintana sa driver's side at sumilip mula roon ang nagmamaneho ng kotse. Kinawayan ito ni Miles kaya nagpaaalam na ito sa akin. Nanatili akong nakamasid habang naglalakad ito palapit sa kotse. Dahil naka
"Oh, Elora! Ikaw pala bhe. Halika, pasok ka." Nahihiyang tumalima ako. "Ano'ng atin?" tanong sa akin ni Miles. Nakayukong napakamot ako sa pisngi ko. "Manghihiram sana ako ng pera sa'yo. Naubusan na kasi ng gamot si Agatha, kailangan ko ng makabili. Ibabalik ko kapag nagkapera na ako," wala na akong ibang malapitan at wala rin naman akong kakilala rito sa lugar namin kaya napilitan akong puntahan si Miles para makahiram ng pera. Gipit na ako kaya kinakapalan ko na ang mukha ko kahit walang kasiguraduhan kung kailan ko siya mababayaran. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin akong nakukuhang mapagkakakitaan. Umakyat si Miles sa kwarto nito. Pagbalik ay agad na iniipit nito sa aking palad ang lilibuhing salaping pera. Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ang halaga nito. "Naku, Miles! Sobra-sobra na ito," ani ko habang pilit na ibinabalik ang pera dito na siya namang tinanggihan nito. " Haynaku, 'be! Kunin mo na. Isipin mo na lang na balato ko 'yan sa'yo. Malaki-laki kinita k
We often gets blinded by love that we tend to commit mistakes and impulsive decisions. And as we go on the journey of fighting for everything we believe, we loose ourselves only to find out that love is always unconditional. It knows no boundaries and self-sacrificing. Behind all the unpleasantness of fate, love will always be the first to redeem us. Maraming salamat po sa pagsubaybay sa aking akda. Natagalan man bago natapos, still, hindi kayo bumitaw. Sana ay may maiwang marka sa inyong puso ang kwento ni Elora at Marcus. Hanggang sa mga susunod ka pong mga akda. Mahal ko kayo. God bless us all! ☺️☺️☺️☺️☺️
-Marcus-"Marcus...come on, ihahatid na kita pauwi."Napaahon ang ulo ko sa pagkakasubsob sa bar counter. I blinked my eyes. For a second I thought that's its her. I blinked again. The image before me became clearer. I chuckled with no humor. My eyes are fooling me again. Epekto na rin siguro ng sobrang dami ng alak na naubos ko. "Halika na, Marcus. Iuuwi na kita." Ngumisi ako. "Kaya kong umuwi mag-isa..." binawi ko ang braso kong hawak niya. Mabuway akong tumayo. Susuray-suray akong naglakad palabas ng bar. My feet struggles as I walked towards the exit. Despite my drunkenness, I still managed to reached my car in the parking area. "Marcus! Stop! Please...let me take you home. Lasing na lasing ka. Baka maaksidente ka pa."Natigil ako sa pagbukas ng pinto ng kotse. At this moment, I don't really fucking cares what will happened to me. But maybe...if something really bad happens to me...I wished it would be as bad as what happened to Elora. O sana mas higit pa. After learning the t
"Mamshie, nand'yan pa na siya?" nag-aalalang tanong ko. "Oo, hija. Hindi pa rin gumagalaw sa pwesto niya."Hindi mapakaling napatayo ako. " Pupuntahan ko ho." Kanina pa siya naroon. Nakapagpalit na ako ng damit. Minungkahi rin ni mamshie na magpahinga muna ako. Pero nakahiga na ako lahat sa kama ko ay hindi pa rin mapalagay ang loob ko. Sinubukan ko siyang dungawin sa bintana. Naroon pa nga siya. Kaya bumaba na ako para pakiusapan si Juancho na paalisin na ito. Pero hindi pa rin ito natitinag."Pupuntahan ko po." Tumila na ang ulan pero malamig pa rin sa balat ang hangin. Hinigpitan ko ang hawak sa balabal na nakapaikot sa balikat ko na nagtatagpo sa ibabaw ng dibdib ko. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa labis na pag-iyak. Tila may tinik na nakatusok sa ugat ng puso ko na natanggal matapos kong maisiwalat ang lahat sa kanya kanina. Pero sa nakikita kong reaksyon nito parang mas doble ang pumalit na nakatarak sa dibdib ko. "Marcus..." hindi ito kumibo. "Marcus, tumayo ka riyan
Wala akong pagpipilian. 'Yon ang tumatak sa isip ko. Piliin ko si Marcus, itatakwil ako ni Agatha. Piliin ko si Agatha, mawawala sa akin si Marcus. Either way I will still loose any of them. Kaya mas maigi ng lumayo ako. Napahawak ako sa tapat ng aking dibdib at malalim na napabuntong-hininga. May kung anong nakatusok sa puso ko na nagdudulot ng labis na kirot. Kahit anong gawin kong haplos at buga ng hangin ay hindi naaalis. Humigit bumuga muli ako ng hangin. It's still there. "Hija, mukhang uulan! Pumasok ka na sa loob. Malamig ang simoy ng hangin. Baka sipunin ka pa!" Mula sa pagtanaw sa maalon na dagat ay nalipat ang tingin ko kay mamshie. Naglalakad siya papalapit sa kinauupuan kong duyan. "Masama sa buntis ang magkasakit," dagdag paalala pa nito. Napahaplos ako sa maumbok kong tiyan. Tipid ko siyang nginitian. "Susunod na po ako." Tinanguan ako nito bago ako tinalikuran. Nandito na ulit ako sa Romblon. Akala ko ay hindi na ako makakabalik pa rito. Pero
Nang makidnap ako ni Garreth...nang piliin kong lumayo...nang gustuhin kong magtago...iniisip ko ginagawa ko ang lahat ng 'yon dahil sa pagmamahal ko para kay Marcus. All those years of being away...suffering, pained and emotionally tortured. Kinaya ko. I surpassed the darkness that once tried to consumed me. Dahil umaasa akong darating din ang panahon na makakasama ko ulit si Marcus. Na muli kong maipapadama sa kanya ang pagmamahal ko. The hope in me almost died. At ng akala ko tuluyan ng mawawala ang katiting na pag-asang meron ako ay saka muling dumating ang pagkakataon na hinihintay ko. It's like coming from the ashes that had long burned me. Pero simula ng bumalik ako...galit at poot na sinasamahan ng pasakit ang hinarap ko. Agatha loves her. I pleaded for him to choose. Her over me. Never did I thought of him still loving me. When we met each other again, he ambushed me with a kiss. Followed by hatred and unruly insults. We had sex. First, out of my bruised pride. Second
Titig na titig ako sa natutulog na katabi. Nakadapa siya at nakatagilid. Ang mukha niya nakaharap sa akin. His bare back is exposed to my eyes. I shamelessly ran my fingers to it. His eyelids fluttered. Pero hindi dumilat. Pero gumalaw ang braso niyang nakapatong sa tiyan ko at hinigit ako palapit sa kanya. Isinubsob niya rin ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ko. "Hmmm..." the corner of my lips rose when he made a purring sound. I pulled up the sheets to cover our both naked bodies before hugging him back.Putok na ang araw sa labas. Pumapasok na ang sikat nito sa mumunting singaw ng kurtina. Everything ended up sweetly and unexpectedly last night. But it's morning already and we're still cuddling in my bed. This is too much. Ang sabi ko ay pagbibigyan ko lang ang sarili ko. Isang gabi lang. This is wrong. Dapat ay bumabangon na ako at pinapaalis na siya pero hindi magawang tapusin ang pagyakap sa kanya. Hindi ko magawang bumitaw sa mainit na balat niya. Ibang-iba ang p
His words are tempting. My thoughts got carried by it. Pinaghandaan ko ang gabi ng masquerade ball. I chose what to wear. Sa isang mumurahing boutique lang ako naghanap ng maisusuot. Hindi ko hinayaan si Marcus na pakialaman ako sa parteng iyon. Pinagbibigyan ko lang siya o mas tamang pinagbibigyan ko lang ang sarilli ko? Inayusan ko ng simple ang sarili ko. Isang body hugging floor length gown ang suot ko. Kulay itim pero nangingintab dahil sa velvety texture ng tela. Sphagetti strap, may magkabilaang slit mula sa kalagitnaan ng hita ko pababa at magkasinglalim ang uka sa harap at sa likod. Lumalabas lang ang slit kapag humahakbang ako samantalang ang uka ay sapat para ilabas ang cleavage ko at ang kalahati ng aking makinis na likuran. I made my hair into a lousy french bun. Nahuhulog ang ilang hibla ng buhok ko pero imbes na magulo ay pinalambot lamang nito ang aura ng aking mukha. Light lang ang make up ko at matte liptick in sheer color lang ang ipinahid ko sa labi ko. Magsusu
Maingat na isinabit ko ang natahi. Ikinawing ko ang mga kamay sa magkabilang tagiliran bago nag-unat ng likod. I breathed in and breathed out a few times before I gently massaged my back. Then, I swing my arms left and right. Napasilip ako sa labas ng bintana. Hindi ko namalayang gabi na. Kaya pala nangangalay na ang likod at mga braso ko. Isang linggo na ang nagdaan simula ng umalis si Agatha patungong Australia. Isang linggo na rin simula ng huli kong makita si Marcus. Ni-assume ko na mapapadalas ang punta niya rito sa apartment ko dahil wala si Agatha at...dahil na rin sa sinabi niyang palagi akong titignan at ang gawa ko. But I guess, I assumed wrongly. Muli akong napasilip sa labas ng bintana ng marinig ang pagparada ng isang sasakyan sa labas. Mabilis akong humarap sa salamin at inaayos ang ilang hibla ng buhok ko. Pinagpag ko rin ang saya ng bestida ko na kinapitan ng mga hibla ng tela at sinulid. Bumalik ako sa tabi ng bintana. Pero ng bumaba ang sakay ng kotse ay
Bakit kailangan niya pang magpabalik-balik dito sa apartment ko? To check on me? Bakit ano bang iniisip niyang gagawin ko? To check my work? Ano 'yon? Wala siyang tiwala sa tahi ko? Eh,di sana hindi na siya nagpapatahi sa akin. Kaya nga ayoko sanang tanggapin ang pinagagawa niya. It would mean reconnecting with him. Kaya nga ako lumipat eh. Para makaiwas. Sa presensiya niya at sa selos na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko silang magkasama ni Agatha. Nahihirapan na nga akong magkunwari na hindi ko siya kilala sa harap ng kapatid ko. Para akong nagkakasala sa kapatid ko. But his so pursuassive. Hindi siya titigil sa pangungulit kung hindi ko siya i-e-entertain. I just want to completely move on. Pero mas lalo lang hindi makakausad ang buhay ko kung palaging nariyan si Marcus. Kung bumalik na lang kaya ako sa Romblon? Pero paano si Agatha? Anong paliwanag ang sasabihin ko sa kanya kapag lumayo ako muli? I sighed. This is so frustrating. " Wow, ang lalim 'te!" gulat na n