“Ano pong nangyayari?” tanong ko sa nakasalubong na kasambahay paglabas ng aking kwarto kinaumagahan.
“Ang kapatid ‘nyo po kasi, Senyorita.”
“Ha? Napa ‘no si Agatha,” natataranta kong tanong. Patakbong tinungo ko ang silid sa dulong pasilyo ng ikalawang palapag ng mansiyon.
Abot-abot ang kabang aking nadama ng maabutan ang eksena sa loob. Mukhang kinakapos na naman sa hininga ang aking kapatid.
Agatha is my younger sister. She is just three years younger than me and is suffering from a heart disease. Anak siya ng aking madrasta sa aking ama. Siya ang dahilan kung bakit hindi ko magawang salungatin ng husto si Mama.
“Agatha is not getting better. Natatakot ako na baka hindi na sumapat ang pera natin para sa gamutan niya,” aniya sa akin ni Mama ng huminahon na ang lahat at kalmado nang natutulog ang aking kapatid.
“ What do you want me to do then?” diretsang tanong ko.
“Marry Garett Leviste and all of our problems will be solved,” may pinalidad sa boses ni Mama. And I don’t have a choice but to follow even if its against my will…again.
***
“Kanina ka pa tahimik, mahal. Hindi mo ba gusto itong niluto ko?” untag sa akin ni Marcus.
Agad akong umiling at nagpatuloy sa pagkain.
“Mamaya na ba talaga ang alis mo?” malungkot na tanong ko.
Ibinaba ni Marcus ang hawak na kutsara at uminom ng tubig bago ako inakbayan.
“Napag-usapan na natin ‘to di ba. Sandaling panahon lamang, Elora. Babalik din ako, pangako. Basta hintayin mo lang ako.”
I did not answer him back.
I hugged him instead, so tight like I don’t want to let him go and just stay like that forever.
Marcus did leave that day. The following days of my life become gloomy.
Dumalas ang pagdalaw ni Garett sa mansiyon. And everytime he would, I am force to face him with full pretensions. Luxury bags, branded shoes, priceless jewelries and other expensive gifts are what he would always bring that makes my stepmother more delighted at him. And from what I’ve heard from Mama, their family had already paid our debts in the bank. Pero ako, sa tuwing humaharap sa kanya ay mas lalong nalulubog sa kumunoy ng kalungkutan at kasawian.
“Your engagement party is in few days. May gusto ka bang ipadagdag o ipabago?” matamlay akong umiling.
“ How about the food, your gown or wanted guests?” muling tanong ni Mama.
“Why ask me now? My opinion doesn’t matter anyway. Ikaw rin naman ang masusunod, Mama. Kaya wala ring silbi ang pagtatanong mo.”
Ibinaba nito ang hawak na imbitasyon at hinarap ako.
“Oh! Come on, Elora. Akala ko ba malinaw sa’yo kung bakit mo…natin ‘to ginagawa?”
“Malinaw na malinaw po, Mama. Pero hindi ibig sabihin na sumasang-ayon ako ay maluwag sa loob akong susunod. I am nothing but a puppet for you. Kaya, kayo na po ang bahala.”
Then, the day of our engagement party came. Walang emosyon akong nakatitig sa aking repleksiyon sa salamin. My stepmother did very well. Napakaganda ng disenyo ng suot kong gown na mas nagpalitaw sa perpektong hubog ng aking katawan. The make up artist did well, too. The beauty of my face is well highlighted. Ang mga alahas na nagsisilbing aksesorya ng karangyaan sa akin ay naglalakihan at nagkikislapan ang bato. I look gorgeously elegant. Tila ako isang maharlika na napakaperpekto sa paningin.
But my eyes don’t have any spark and my heart doesn’t feel anything.
“Napakaganda mo, Elora.” Lumingon ako at ang namamanghang titig ni Nana Salve ang sumalubong sa akin. “ Pihadong matutuwa ang iyong Papa kung makikita ka lamang ngayon. Kamukhang-kamukha mo ang iyong ina!”
Malungkot akong ngumiti. “ Sana nga po, nandito si Papa. Ayokong ikasal kay Garett, Nana! Si Marcus ang mahal ko! At siya lamang ang gusto kong makasama habang buhay,” naiiyak na bigkas ko.
“Kung gayon, bakit ka pumapayag sa kagustuhan ng iyong Mama?”
“Dahil kailangan po…para kay Agatha.”
Kinabig ako ni Nana Salve habang marahang hinahagod ang aking likod upang patahanin.
“Ang sabi ko ay bilisan mong tawagin si Agatha. Napakatagal ‘nyong bumaba! Nakakahiya sa mga bisita! Kanina pa sila naghihintay,” anya ni Mama pagbaba namin ni Nana Salve. Dudugtungan pa sana ni Mama ang sasabihin niya pero lumapit na si Garett. He possessively snaked his arms around my waist and kissed me on my lips. Hindi ko inasahan iyon kung kaya’t bigla ko siyang naitulak sa dibdib.
“I-I’m sorry,” paumanhin ko.
I excused myself and find my way walking towards the back of our mansion. Naupo ako sa duyang yari sa yantok.
“Elora…” tila tumigil sa pagtibok ang puso ko ng makita ang pinakamamahal na nakatayo ilang dipa ang layo sa akin.
“Marcus,” bulong ko pero hindi ko siya magawang lapitan.
Humakbang siya palapit at iniumang sa akin ang kanyang mga braso. He wants me to go near him and greet him with a hug. Katulad kung paano ko siya yakapin ng mahigpit sa tuwing kami’y nagkikita. Ngunit hindi ako natinag sa kinatatayuan. Kuyom ang mga palad at nagpipigil ng luhang umiling ako.
“B-bakit ka nandito?” sinubukan kong patatatagin ang tinig ngunit bahagya pa akong nautal.
“ Bumalik ako nang mabalitaan ko. Ikakasal ka sa iba? Pero paano ako? Nangako ka sa akin, Elora.”
I took a deep breath. “ Hindi ko na kaya pang maghintay, Marcus.”
“Pero, nandito na ako ngayon. Handa na akong humarap sa iyong Mama upang patunayan kung gaano kita kamahal!”
Mabuti na lamang at madilim sa bahagi ko. Hindi niya makikita ang pagbalong ng aking mga luha.
“I-I’m sorry Marcus…hindi ko na kaya pang maghintay. Makakaalis ka na,” tinalikuran ko na siya at pasimpleng pinunas ang aking namasang pisngi.
“Ganoon kadali? Ipagpapalit mo ako agad? Bakit?”
“Dahil tama si Mama at kailangan ko siyang sundin. Si Garett ang pakakasalan ko dahil kaya niya akong bigyan ng marangyang buhay. Kaya niyang ibigay ang lahat ng kayang bilhin ng pera. Kaya siya ang pinipili ko.” Hindi ko magawang lingunin siya dahil natatakot akong makita ang emosyon niya. Natatakot ako na baka bawiin ko ang bawat kasinungalingang aking sinambit. Natatakot akong baka hindi ko kayanin at tuluyan kong kalimutan kung bakit ko ito ginagawa.
Ngunit nanigas ako sa kinatatayuan nang bigla niya akong yapusin mula sa aking likuran.
“Huwag mong gawin sa akin ‘to Elora! Mahal na mahal kita! Kaya kong higitan ang kahit anong kaya niyang ibigay! Piliin mo lamang ako! Mahal mo ako, ‘di ba? Bakit magpapakasal ka sa iba?” pagsusumamo niya habang mahigpit akong yakap at panaka-nakang hinahalikan sa pisngi at leeg.
Lihim akong napahikbi bago buong lakas na inalis ang kanyang mga brasong nakapulupot sa aking beywang.
“Hindi na kita mahal, Marcus.”
I turn around to face him. Buong tapang ko siyang hinarap kahit na ang totoo ay gusto ko ng maglupasay sa labis na sakit sa dibdib.
“Si Garett ang pinipili ko dahil higit sa kaya niyang ibigay ay siya na ang mahal ko. Umalis ka na, Marcus. Wala ka ng maasahan pa sa akin,” sabay pihit ko pabalik sa loob ng mansiyon. Pagpasok ay saka ko pinakawalan ang aking mga kinikimkim na mga luha.
Hindi pa tapos ang kasiyahan ng mga bisita pero hindi ko na sila kaya pang pakiharapan dahil sa bigat na nararamdaman. Umakyat na ako sa aking silid.
“G-Garett?” gulat na sambit ko nang mabungaran ko itong nakatayo sa tabi ng bintana ng aking silid habang may tangan na kopita sa isang kamay.
“Anong ginagawa mo rito sa silid ko? Your not allowed here,” sita ko.
“Your going to be my wife soon and will definitely share the same room and…bed. So, I don’t see any problem of me being here.”
May hatid na kilabot ang kanyang sinabi na tila pahiwatig ng hindi magandang mangyayari.
“Tama ka. Pero hangga’t hindi pa nangyayari iyon hindi ka pa rin pwedeng basta na lang pumasok at manatili rito sa silid ko, lalo na kung walang permiso,” matabang kong sagot.
Garett throw the wine glass his holding that it hit the wall near me. Nagkapira-piraso iyon at may ilan pang bubog ang aksidenteng tumama sa akin. Gulantang na hindi agad rumehistro ang kirot na dulot noon.
Padabog siyang naglakad palapit sa akin at hinaklit ako sa braso.
“ Nasa pangalan ko na ang mansiyong ito, pati na rin ang iba ‘nyo pang ari-arian. Kaya kahit saan ko gustong pumunta ay pwede kong gawin, kahit pa dito sa silid mo!”
Nahihintakutan ako sa inaasal ni Garett. Ito ang unang beses na nagpakita siya ng ganitong pag-uugali.
“ B-bitawan mo ako! Hindi mo pa ako pag-aari! Kaya wala ka pa ring karapatan!”
Mas diniinan niya ang hawak sa akin at isinandal ako sa pader.
“ Bakit? Sinong ipinagmamalaki mo? ‘Yong lalaking kalampungan mo, huh? Nakita ko kayo, Elora! Ngayong gabi pa talaga kung kelan ang engagement party natin!” nanlilisik sa galit ang kanyang mga mata at ramdam ko ang pagbaon ng kanyang mga daliri sa aking balat.
“Oo!” sigaw ko. Pagod na akong magpanggap. Pagod na ako sa pagiging tau-tauhan. Enough is enough. I can’t take this anymore. “Dahil siya ang totoong mahal ko. Itigil na natin ito Garett. Hindi ko na kayang magpanggap. Kagustuhan lamang itong lahat ni Mama!”
Dumaan ang labis na pagkabigla at sakit si mukha ni Garett ngunit sandali lamang dahil agad itong napalitan ng galit. Bumalasik ang kanyang anyo matapos ay pabalya akong itinulak sa kama. Pabalibag at malakas niyang isinara ang pinto bago ako kinubabawan. I try to push him away despite the terror in me. Nanlalaban ako pero sadyang malakas siya. Tuluyan akong napaiyak ng magawa niyang wasakin ang aking suot at simulan akong halikan.
“Garett! Stop!”
He stop and hug me tight.
“ Kung gusto mong tumigil ako, sabihin mong ako ang mahal mo at pinapangako ko sa’yong hindi ka masasaktan.”
Patuloy pa rin sa paghikbing umiling ako.
Umalis siya sa ibabaw ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang tinatanggal niya ang suot na sinturon.
Malakas akong napasigaw sa sumunod niyang ginawa na natigil lamang ng biglang bumukas ang pinto. ‘Yon ang aking huling naalala bago tuluyang nilamon ng kadiliman at nawalan ng malay.
Napapangiwi ako sa hapdi dulot ng bawat dampi ng bulak sa aking likuran. Nakadapa ako sa ibabaw ng aking kama habang pinapahiran ng gamot ni Mama ang aking likuran. Nag-iwan ng pasa at malalim na sugat ang bawat hagupit ni Garett ng sinturon sa aking likuran. Maging ang braso ko ay may sugat dahil sa mga tumamang bubog.Ni minsan ay hindi ko naranasang mapalo. Wala rin akong naalalang napagbuhatan ako ng kamay ng aking magulang. Mahigpit ang aking madrasta. Madalas din kaming magkasagutan pero ni minsan ay di niya ako nagawang saktan ng pisikal.“ Mama…ayoko na pong ituloy ang pagpapakasal kay Garett. Isa siyang demonyo! Hindi ko kayang makasama siya! Pakiusap…tulungan ‘nyo po ako!” pagsusumamo ko. Pinilit kong maupo kahit labis na nananakit ang likod ko.“ Hindi pwede, Elora! Makapangyarihan ang pamilya Leviste. Mas masama ang maaari nating sapitin kapag sumalungat tayo sa kanilang kagustuhan!” bakas ang takot kay Mama at puno rin ng pag-aalala ang kanyang tinig.“ Magandang umaga,”
Ate,” napalingon ako ng marinig ang malamyos na boses ng kapatid ko. May matamis na ngiting nakaguhit sa kanyang namumutlang mukha. Nakaupo ito sa kanyang wheelchair habang tulak-tulak ng personal nitong nurse.“Agatha, ba’t lumabas ka ng kwarto mo. Baka mapagod ka? Dapat ay nagpapahinga ka lang,” nag-aalalang bigkas ko hustong makalapit siya sa akin.“Okay lang ako, ate. Gusto kong makita kung gaano ka kaganda sa suot mong traje de boda.” Mapait akong nangiti. Ngayong araw ang nakatakdang pag-iisang dibdib namin ni Garett. Ang ibang babae ay labis ang nagiging kagalakan kapag dumarating sa ganitong pagkakataon ng buhay. Kabaligtaran iyong ng nadarama ko ngayon. Mas gusto ko pa ngang itim ang kulay ng wedding gown na suotin imbes na puti. Dahil ang puso ko ay mahahalintulad sa isang patay na naghihintay na maihatid sa kanyang libingan. Paulit-ulit akong nakiusap kay Mama pero nanatili siyang bingi sa aking hinaing. Ikinulong niya ako sa aking kwarto at ngayong araw na ito laman
"Hija, magpahinga ka muna. Ako ng bahala rito. Ilang araw ka ng walang maayos na tulog," pukaw sa akin ni Nana Salve. Blangkong nalipat ang tingin ko sa kanya. Ito ang ikatlong gabi ng lamay para sa burol ni Mama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya. Maaaring madalas kaming magtalo dahil sa mga magkasalungat na opinyon lalo na pagdating sa mga desisyong may kinalaman sa buhay ko pero hindi ko pa rin hinahangad ang sinapit niya. Hindi man ako nanggaling sa laman at dugo niya pero ipinaramdam niya pa rin sa akin na isang tunay na anak ang turing niya sa akin. May pagkakamali man siyang nagawa sa akin, sa huli ay humingi siya ng tawad at prinotektahan niya ako. Dahil doon ay naintindihan ko siya. Mahal niya ako. At pareho lamang kami nagnanais ng ikabubuti ni Agatha. Para sa kapatid ko kaya nagbuwis siya ng buhay. Hindi dapat masayang ang naging sakripisyo niya. "Si Agatha po?" balik tanong ko. "Nasa silid na niya at nagpapahinga," tugon ni Na
Maaga kaming tumulak upang bumiyahe kinabukasan. Nagsisimula pa lang pumutok ang liwanag ay lulan na kami ng malaking pampasaherong bangka na magdadala sa amin sa Maynila. Isang malaking maleta at isang hand carried bag lamang ang dala naming bagahe. Mga piling kasuotan, mahahalagang dokumento, at kaunting halaga na maari naming magamit sa pagsisimulang muli ang tanging laman ng aming bagahe. Hindi rin naman namin kailangang bitbitin pa ang magagarbo at nagmamahalang gamit sa aming pag-alis. Magiging simple at ordinaryo na ang magiging buhay namin ngayon. All those tailored clothes, branded shoes and fancy bags along with all the luxury item we used to have before don't matter now. Puno ako ng pangamba at pag-aalinlangan kung ano na ang magiging buhay namin ngayon. Pero nilalakasan ko ang loob ko. My sister and I still have each other. At iyon ang pinakamahalaga sa ngayon higit pa sa kahit na anong materyal na bagay. Nilingon ko si Agatha na nakaupo sa aking tabi. Nakahawak siya
Magdidilim na ng makabalik kami. Mabuti na lamang at may ilang mga kalalakihan na nakatambay pagbaba namin ng taxi kung kaya't may tumulong sa pagbitbit ng mga pinamili namin. Pero hindi pa man naibababa ang mga pinamili ay napakaripas na ako paakyat sa ikalawang palapag ng bahay ng marinig ang malakas na sigaw ni Nana Salve."Elora, si Agatha nahihirapang huminga!" natatarantang humingi ako ng saklolo upang agad na maisugod sa ospital ang aking kapatid."Huwag na ate, ayos lang ako," tanggi nito Agatha. Mataman ko siyang tinitigan. Namumutla at may butil-butil na pawis sa mukha habang pilit niyang kinakalma ang sariling paghinga. "Sigurado ka ba? Magsabi ka ng totoo. Kung nahihirapan kang huminga, ngayon din ay pupunta tayo sa doctor para matignan ka," pamimilit ko.She rolled her eyes on me. May sakit na lahat lahat, nagagawa pang magmaldita."Okay nga lang ako, ate. Sa init siguro kaya medyo naghyper ventilate ako. Huwag ka ng mag-alala para sa'kin 'te. Salamat sa pagbili mo ng
Bigo akong umuwi. Halos mapudpod na ang swelas ng suot kong sandals kakalakad pero hindi man lang ako pinaburan ng kapalaran na makahanap ng mapapasukang trabaho. Madilim na ng bumaba ako ng jeep. "O, Elora! Sa'n ka galing?" si Miles ng makasalubong ko. Huminto ako sa paglakad at nginitian ito. " Naghanap kasi ako ng pwedeng maging trabaho," ani ko. " May nahanap ka naman ba?" Matamlay akong umiling." Wala eh. Pero susubok ulit ako. Baka bukas, may mahanap na ako. Eh, ikaw?" Tulad ng una kong kita kay Miles, ngayon ay posturang-postura ito. Makapal ang make-up at ubod tipid sa tela ang suot na damit. " May booking ako ngayon. Hinihintay ko lang sundo ko," sagot nito. Mamaya ay may bumusinang isang pulang kotse sa tapat namin. Bumaba ang salamin ng bintana sa driver's side at sumilip mula roon ang nagmamaneho ng kotse. Kinawayan ito ni Miles kaya nagpaaalam na ito sa akin. Nanatili akong nakamasid habang naglalakad ito palapit sa kotse. Dahil naka
"Oh, Elora! Ikaw pala bhe. Halika, pasok ka." Nahihiyang tumalima ako. "Ano'ng atin?" tanong sa akin ni Miles. Nakayukong napakamot ako sa pisngi ko. "Manghihiram sana ako ng pera sa'yo. Naubusan na kasi ng gamot si Agatha, kailangan ko ng makabili. Ibabalik ko kapag nagkapera na ako," wala na akong ibang malapitan at wala rin naman akong kakilala rito sa lugar namin kaya napilitan akong puntahan si Miles para makahiram ng pera. Gipit na ako kaya kinakapalan ko na ang mukha ko kahit walang kasiguraduhan kung kailan ko siya mababayaran. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin akong nakukuhang mapagkakakitaan. Umakyat si Miles sa kwarto nito. Pagbalik ay agad na iniipit nito sa aking palad ang lilibuhing salaping pera. Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ang halaga nito. "Naku, Miles! Sobra-sobra na ito," ani ko habang pilit na ibinabalik ang pera dito na siya namang tinanggihan nito. " Haynaku, 'be! Kunin mo na. Isipin mo na lang na balato ko 'yan sa'yo. Malaki-laki kinita k
"Ikaw, mabagal! Ikaw, sayang bayad ko sa'yo! Ikaw, bilis galaw!" Nakapameywang na nagmamando si Mrs. Chua habang nakatayo sa gilid ko. Hindi ako magkandaugaga sa pagkuskos ng bawat babasaging pinggan na hinuhugasan ko. Sinusubukan kong bilisan pero hindi ko magawa dahil sa pag-iingat na makabasag ako. Balita ko pa naman ay sobra kung kumaltas sa tuwing may masisira o mababasag na gamit dito sa restaurant. Asawa si Mrs. Chua ng may-ari nitong restaurant na napasukan ko. Simula ng tagpong iyon sa club ay sinikap kong maghanap pa rin ng mapapasukan. Ayokong umabot sa puntong maghuhubad ako para lamang mag-uwi ng pera. At dito nga sa Chinese Restaurant na ito ako natanggap. Maliit ang pasahod pero pwede ng pagtiyagaan. Ngunit umpisa pa lang ng pamamasukan ko dito ay napakainit na ng dugo sa akin ni Mrs. Chua. Panay rin ang sulyap sa akin ng asawa nito kaya iniisip kong baka iyon ang dahilan. Hindi ko na lamang pinapansin dahil baka mali ako ng iniisip. Kailangan kong kumita kaya ka
We often gets blinded by love that we tend to commit mistakes and impulsive decisions. And as we go on the journey of fighting for everything we believe, we loose ourselves only to find out that love is always unconditional. It knows no boundaries and self-sacrificing. Behind all the unpleasantness of fate, love will always be the first to redeem us. Maraming salamat po sa pagsubaybay sa aking akda. Natagalan man bago natapos, still, hindi kayo bumitaw. Sana ay may maiwang marka sa inyong puso ang kwento ni Elora at Marcus. Hanggang sa mga susunod ka pong mga akda. Mahal ko kayo. God bless us all! ☺️☺️☺️☺️☺️
-Marcus-"Marcus...come on, ihahatid na kita pauwi."Napaahon ang ulo ko sa pagkakasubsob sa bar counter. I blinked my eyes. For a second I thought that's its her. I blinked again. The image before me became clearer. I chuckled with no humor. My eyes are fooling me again. Epekto na rin siguro ng sobrang dami ng alak na naubos ko. "Halika na, Marcus. Iuuwi na kita." Ngumisi ako. "Kaya kong umuwi mag-isa..." binawi ko ang braso kong hawak niya. Mabuway akong tumayo. Susuray-suray akong naglakad palabas ng bar. My feet struggles as I walked towards the exit. Despite my drunkenness, I still managed to reached my car in the parking area. "Marcus! Stop! Please...let me take you home. Lasing na lasing ka. Baka maaksidente ka pa."Natigil ako sa pagbukas ng pinto ng kotse. At this moment, I don't really fucking cares what will happened to me. But maybe...if something really bad happens to me...I wished it would be as bad as what happened to Elora. O sana mas higit pa. After learning the t
"Mamshie, nand'yan pa na siya?" nag-aalalang tanong ko. "Oo, hija. Hindi pa rin gumagalaw sa pwesto niya."Hindi mapakaling napatayo ako. " Pupuntahan ko ho." Kanina pa siya naroon. Nakapagpalit na ako ng damit. Minungkahi rin ni mamshie na magpahinga muna ako. Pero nakahiga na ako lahat sa kama ko ay hindi pa rin mapalagay ang loob ko. Sinubukan ko siyang dungawin sa bintana. Naroon pa nga siya. Kaya bumaba na ako para pakiusapan si Juancho na paalisin na ito. Pero hindi pa rin ito natitinag."Pupuntahan ko po." Tumila na ang ulan pero malamig pa rin sa balat ang hangin. Hinigpitan ko ang hawak sa balabal na nakapaikot sa balikat ko na nagtatagpo sa ibabaw ng dibdib ko. Sumasakit na ang ulo ko dahil sa labis na pag-iyak. Tila may tinik na nakatusok sa ugat ng puso ko na natanggal matapos kong maisiwalat ang lahat sa kanya kanina. Pero sa nakikita kong reaksyon nito parang mas doble ang pumalit na nakatarak sa dibdib ko. "Marcus..." hindi ito kumibo. "Marcus, tumayo ka riyan
Wala akong pagpipilian. 'Yon ang tumatak sa isip ko. Piliin ko si Marcus, itatakwil ako ni Agatha. Piliin ko si Agatha, mawawala sa akin si Marcus. Either way I will still loose any of them. Kaya mas maigi ng lumayo ako. Napahawak ako sa tapat ng aking dibdib at malalim na napabuntong-hininga. May kung anong nakatusok sa puso ko na nagdudulot ng labis na kirot. Kahit anong gawin kong haplos at buga ng hangin ay hindi naaalis. Humigit bumuga muli ako ng hangin. It's still there. "Hija, mukhang uulan! Pumasok ka na sa loob. Malamig ang simoy ng hangin. Baka sipunin ka pa!" Mula sa pagtanaw sa maalon na dagat ay nalipat ang tingin ko kay mamshie. Naglalakad siya papalapit sa kinauupuan kong duyan. "Masama sa buntis ang magkasakit," dagdag paalala pa nito. Napahaplos ako sa maumbok kong tiyan. Tipid ko siyang nginitian. "Susunod na po ako." Tinanguan ako nito bago ako tinalikuran. Nandito na ulit ako sa Romblon. Akala ko ay hindi na ako makakabalik pa rito. Pero
Nang makidnap ako ni Garreth...nang piliin kong lumayo...nang gustuhin kong magtago...iniisip ko ginagawa ko ang lahat ng 'yon dahil sa pagmamahal ko para kay Marcus. All those years of being away...suffering, pained and emotionally tortured. Kinaya ko. I surpassed the darkness that once tried to consumed me. Dahil umaasa akong darating din ang panahon na makakasama ko ulit si Marcus. Na muli kong maipapadama sa kanya ang pagmamahal ko. The hope in me almost died. At ng akala ko tuluyan ng mawawala ang katiting na pag-asang meron ako ay saka muling dumating ang pagkakataon na hinihintay ko. It's like coming from the ashes that had long burned me. Pero simula ng bumalik ako...galit at poot na sinasamahan ng pasakit ang hinarap ko. Agatha loves her. I pleaded for him to choose. Her over me. Never did I thought of him still loving me. When we met each other again, he ambushed me with a kiss. Followed by hatred and unruly insults. We had sex. First, out of my bruised pride. Second
Titig na titig ako sa natutulog na katabi. Nakadapa siya at nakatagilid. Ang mukha niya nakaharap sa akin. His bare back is exposed to my eyes. I shamelessly ran my fingers to it. His eyelids fluttered. Pero hindi dumilat. Pero gumalaw ang braso niyang nakapatong sa tiyan ko at hinigit ako palapit sa kanya. Isinubsob niya rin ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ko. "Hmmm..." the corner of my lips rose when he made a purring sound. I pulled up the sheets to cover our both naked bodies before hugging him back.Putok na ang araw sa labas. Pumapasok na ang sikat nito sa mumunting singaw ng kurtina. Everything ended up sweetly and unexpectedly last night. But it's morning already and we're still cuddling in my bed. This is too much. Ang sabi ko ay pagbibigyan ko lang ang sarili ko. Isang gabi lang. This is wrong. Dapat ay bumabangon na ako at pinapaalis na siya pero hindi magawang tapusin ang pagyakap sa kanya. Hindi ko magawang bumitaw sa mainit na balat niya. Ibang-iba ang p
His words are tempting. My thoughts got carried by it. Pinaghandaan ko ang gabi ng masquerade ball. I chose what to wear. Sa isang mumurahing boutique lang ako naghanap ng maisusuot. Hindi ko hinayaan si Marcus na pakialaman ako sa parteng iyon. Pinagbibigyan ko lang siya o mas tamang pinagbibigyan ko lang ang sarilli ko? Inayusan ko ng simple ang sarili ko. Isang body hugging floor length gown ang suot ko. Kulay itim pero nangingintab dahil sa velvety texture ng tela. Sphagetti strap, may magkabilaang slit mula sa kalagitnaan ng hita ko pababa at magkasinglalim ang uka sa harap at sa likod. Lumalabas lang ang slit kapag humahakbang ako samantalang ang uka ay sapat para ilabas ang cleavage ko at ang kalahati ng aking makinis na likuran. I made my hair into a lousy french bun. Nahuhulog ang ilang hibla ng buhok ko pero imbes na magulo ay pinalambot lamang nito ang aura ng aking mukha. Light lang ang make up ko at matte liptick in sheer color lang ang ipinahid ko sa labi ko. Magsusu
Maingat na isinabit ko ang natahi. Ikinawing ko ang mga kamay sa magkabilang tagiliran bago nag-unat ng likod. I breathed in and breathed out a few times before I gently massaged my back. Then, I swing my arms left and right. Napasilip ako sa labas ng bintana. Hindi ko namalayang gabi na. Kaya pala nangangalay na ang likod at mga braso ko. Isang linggo na ang nagdaan simula ng umalis si Agatha patungong Australia. Isang linggo na rin simula ng huli kong makita si Marcus. Ni-assume ko na mapapadalas ang punta niya rito sa apartment ko dahil wala si Agatha at...dahil na rin sa sinabi niyang palagi akong titignan at ang gawa ko. But I guess, I assumed wrongly. Muli akong napasilip sa labas ng bintana ng marinig ang pagparada ng isang sasakyan sa labas. Mabilis akong humarap sa salamin at inaayos ang ilang hibla ng buhok ko. Pinagpag ko rin ang saya ng bestida ko na kinapitan ng mga hibla ng tela at sinulid. Bumalik ako sa tabi ng bintana. Pero ng bumaba ang sakay ng kotse ay
Bakit kailangan niya pang magpabalik-balik dito sa apartment ko? To check on me? Bakit ano bang iniisip niyang gagawin ko? To check my work? Ano 'yon? Wala siyang tiwala sa tahi ko? Eh,di sana hindi na siya nagpapatahi sa akin. Kaya nga ayoko sanang tanggapin ang pinagagawa niya. It would mean reconnecting with him. Kaya nga ako lumipat eh. Para makaiwas. Sa presensiya niya at sa selos na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko silang magkasama ni Agatha. Nahihirapan na nga akong magkunwari na hindi ko siya kilala sa harap ng kapatid ko. Para akong nagkakasala sa kapatid ko. But his so pursuassive. Hindi siya titigil sa pangungulit kung hindi ko siya i-e-entertain. I just want to completely move on. Pero mas lalo lang hindi makakausad ang buhay ko kung palaging nariyan si Marcus. Kung bumalik na lang kaya ako sa Romblon? Pero paano si Agatha? Anong paliwanag ang sasabihin ko sa kanya kapag lumayo ako muli? I sighed. This is so frustrating. " Wow, ang lalim 'te!" gulat na n