Isang CEO, sikat at ubod ng gwapo ay magkakagusto sa isang Prostitute na babae. Paano nila ipaglalaban ang kanilang pagmamahalan kung marami ang humahadlang?
view moreWalang salita na makakapagsabi kung gaano ako kasaya ngayon dahil magkasama kami ni Simone sa iisang bahay. Inaalagaan niya ako at binibigyan ng importansiya. Hindi ko alam kung nagpapanggap lamg ba siya o ito nga talaga ang nararamdaman niya para sa akin. Madilim na ang paligid at mag gagabi na peeo hindi pa rin nakahiga si Simone sa kwarto. Nakaupo lang siya sa sofa at tila malalim ang kanuang iniisip habang hawak ang kanyang telepono. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya. Hindi manlang niya makihang tumingin sa akin. Napayuko pa ito nang maramdaman niyang nasa tabi niya ako."Pasensiya kana talaga kung nahihirapan ka ngayon. Hindi ko naman maasahan ang mga kapatid ko dahil nag-aaral ang mga 'yun. At salamat na rin dahil hindi mo ako pinabayaan, kaming dalawa!" sabi ko sa kanya.Hindi naman siya umimik. Tumayo siya sa sofa at tumingin sa kanyang relo. "Kailangan mo ng magpahinga matulog kana!" aniya sabay tayo nito sa pintuan at nakatingin lang sa labas."I-Ikaw?
Nang matapos na ang kasal namin ni Kendra ay kaagad na kaming ukuwi sa bahay. Kasalukuyan kaming kumakain ngyaon at pinag-uusapan nila anh honeymoon namin. Si Daddy naman ay labis ang kasiyahan dahil magkakaroon na raw siya ng apo at last. Hahanap lang ako ng tyempo kung kailan ko sasabihin sa kanila na may nangyari kay Samuel at Kendra noong magkasintahan palang kami."Simone, ang tahimik mo naman. Parang hindi ka ata masaya na kinasal na tayo eh!" ani ni Kendra na tila nagtatampo.Mas lalong hindi ako umimik. "Hijo, ano ba naman 'yan! Nakasimangot ka na naman kahit bagong kasal kayo ni Kendra," ani naman ni Mommy."Paano ba naman nagkita sila ni Kathy bago sila ikasal ni Kendra. Impossibleng nakapasok si Kathy sa hotel na walang invitation card. Pinapunta mo ba siya Simone?" ani ni Samuel sa akin.Napatigil naman sa pagkain sina Daddy at Mommy."Sam, what are you saying?!" tanong naman ni Kendra."Bakit hindi mo tanungin ang asawa mo kung ano ang ibig kong sabihin?!" nakangising tu
Sobra akomg nasaktan sa nakita kong news sa telebisyon. Ngayong araw na ang kasal ni Simone at Kendra. Pagkatapos naming magkita at magkomprontahan noong nakaraang araw ay mabilis lang siyang nagdesisyon. Ni hindi lamang niya naisip na nasabi ko lang ang mga bagay na 'yun sa sobrang kaba dahil na trap na ako sa sitwasyon. Sobrang sakit sa puso na ikakasal na ang taong mahal mo. Kahit na alam ko na wala naman siyang gusto kay Kendra ay maari pa rin na mainlove siya dito dahil sa ubod nitong ganda at sexy. Napahawak ako sa aking ulo nang bigla akong nakaramdam ng hilo. Kaaagad akong tumakbo sa loob ng banyo para magsuka. Naalala ko na ilang buwan na rin na hindi ako dinadatnan. Hindi ako maaring mabuntis dahil wala akong ipapakain sa anak ko. Hindi rin ako sigurado kung paninindigan din ako ni Simone dahil galit na siya sa akin ngayon. Kinuha ko sa loob ng cabinrt ang nabili kong pregnancy test kahapon. Duda na akong may laman ang tiyan ko dahil nag-iba ang aking panlasa. Naghintay ak
Nabigla naman ako ng biglang napatawag si Samuel sa akin at gusto niyang makipag kita. Kahit anong tanggi ko sa kanya ay talagang mapilit siya kaya heto pinuntahan ko nalang. Magkikita kaming dalawa sa resturant at mas nauna pa akong dumating kaysa sa kanya. Kapal talaga ng mukha niyang paghintayin ako. Kunsabagay, hindi na ako magtataka dahil noon pa man na magkasintahan palang kami sa t'wing may date kaming dalawa mas nauuna talaga akong dimating kaysa sa kanya. Kinakabahan ako ngayon sa muling pagkikita namin ni Samuel. Wala naman siguro siyang alam na naging girlfriend ako ng mga kapatid niya. Hindi naman siya siguro makikipagkita sa akin kung may ideya na siya.Panay sulyap ko sa aking relo pero mahigit isang oras na akong naghinhintay wala pa rin Samuel na dumating. Nailang ihi na rin ako sa banyo dahil tatlong baso na nang tubig ang naubos ko sa kakainom. Naiirita na ako sa kakahintay sa kanya, napabuntong hininga nalang ako at tumayo sa inuupuan ko para lisanin ang lugar. Nang
Bakit ba ako nagpadalos dalos ng desisyon? Hindi ko rin palang kaya na mawala si Simone sa buhay ko pero ipinagtulakan ko siya palayo. Hanggang ngayon ay iyak lang ako nang iyak. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog. Naisipan kong pumunta sa bar para mag-inom nang alak. Dali-dali naman akong nagbihis at kahiy mugto ang aking mga mata ay pumunta ako sa bar. Matagal tagal na rin noong huli akong tumungtong dito. Parang may kung anong bagay na gumising sa akin nang makapasok ako sa bar. Namiss ko ang lugar na 'to, iyon bang wala kang maiisip na problema kapag nandito ka dahil ang saya."Whisky!" sigaw ko sa isang bar tender.Kaagad naman niya akong sinalinan nang whisky sa shoting glass. Nilagok ko iyon at tuloy tuloy na ininom. Hindi ko naramdaman ang pait dahil sa masakit ang puso ko ngayon. Patuloy lang ako sa pag-inom nang alak hanggang sa naramdaman ko na medyo nahihilo na ako. Muli na naman akong umiyak dahil sa mismong bar na ito, dito kami nagkakilala ni Simone. Bumabalik
I really missed Kathy at gusto ko siyang puntahan pero hindi ako makaalis dahil todo bantay sa akin si Kendra. Sobrang naghigpit na siya sa akin ngayon lalo na't ikakasal na kaming dalawa. Sobrang naiinis na ako sa kanya pero wala naman akong magagawa. Hindi ko na rin kinakausap sina Mommy dahil sa sama ng loob ko sa kanila. How could they force me to married someone na hindi ko naman mahal? Napaigtad ako ng may biglang humaplos sa aking likuran."Parang malalim ang iniisip mo ah? Si Kathy na naman 'yan?" tanong sa akin ni Kendra.Hindi naman ako sumagot at tinalikuran ko lang siya."You know what Simone, bakit hindi mo nalang siya i break? Para naman hindi na siya masaktan pa ng sobra. Patuloy mo siyang pinapaasa sa bagay na hindi ka naman sigurado," dagdag pa nito."Hindi ko siya pinapaasa Kendra, she know that i loved her so much!" Lumakad ako palayo sa kanya pero sinundan naman niya ako. Dumiretso ako sa pool at kinuha ang baso na may laman na alak tsaka nilagok ko iyon. "Why ar
Kanina pa badtrip si Mommy sa hindi ko malaman na dahilan. Wala rin siyang imik habang kumakain kami at kahit ilang beses ko na siyang tanungin kung ano ang nangyari ay ayaw naman niyang sabihin.Si Dad naman ay napansin niya si Mommy na masama ang mood kaya hindi rin niya ito kinausap.Ang mga kapatid ko naman ay tahimik lamg at kumakain. Pakiramdam ko Samuel and Sky has have an idea kung bakit parang galit si Mommy ngayon.Tumayo naman si Daddy at hindi manlang nagsasalita. Umakyat siya sa taas kaya kaming apat nalang ang naiwan."Mom, what's wrong?" tanong ko kay Mommy.Napatigil naman sina Sky at Samuel sa pagkain at pati na rin si Mommy.Nakita kong sinulyapan ni Mommy ng masama si Sky kaya naman napayuko si Sky."Alam mo naman kung ilang mga katulong natin ang pinalayas ko dahil sa mga nawawala kong alahas hindi ba, Sky?!" galit na sabi ni Mommy. "Iyon pala ikaw lang ang nagnakaw ng mga lahat na iyon!" dagdag pa ni Mommy kaya nagulat naman ako."W-What?!" gulat na sabat ko naman
Hindi ako mapakali sa nalaman ko kay Simone. Hawak ko pa rin ang kwintas na binigay sa akin ni Sky. Napaka laki ng mundo pero bakit kailangan na magkapatid pa sila? Paano nalang kapag malaman ni Simone ang lahat? Mapapatawad pa kaya niya ako? O tatanggapin pa kaya niya ako kung pati ang kapatid niya ay hinuthutan ko ng pera noon? Buong gabi akong walang tulog sa kakaisip sa mga bagay na iyon. Hindi pa rin ako makapaniwala lalong-lalo na nang dahil pala kay Sky kaya kailangang pakasalan ni Simone si Kendra.Litong-lito na talaga ako at hindi ko alam kung paano ko sisimulan na ipagtapat kay Simone ang lahat. Alam ko na walang sekreto na maitatago habang buhay kaya darating ang panahon na malalaman din ito ni Simone. Mas mabuti na mismong galing sa akin para hindi na niya ako husgahan. Kinuha ko ang aking telepono para tawagan si Sky. Mabuti nalang at hindi siya nagpalit ng numero."H-Hello!" Utal na sabi ko nang sagutin niya."Anong kailangan mo, Kath? Sinasabi ko na nga na palpak ang la
Kasalukuyan akong nagmamaneho para pumunta sa restaurant kung saan kami magkikita ni Kathy. I ask her to meet para sabihin sa kanya ang nangyari sa bahay. She deserved to know the truth na ayaw sa kanya ng mga magulang ko pero wala akong pakialam doon. Ang alam ko lang ay mahal ko si Kathy and that is enough. I decided to marry Kendra as soon as possible para kay Sky.Makalipas ang ilang oras na pagbabyahi ay nakarating na ako sa restaurant. Sa entrance palang ako ay tanaw ko na kaagad si Kathy na nakaupo at nakasuot ng dress na kulay blue. She so beautiful, at walang makakapantay sa kagandahan niya.Linapitan ko siya at tinakpan ang kanyang mga mata."Simone!" aniya.Ngumiti naman ako sa kanya at hinalikan siya sa kanyang labi. "Kanina kapa ba dito?!" tanong ko sa kanya sabay upo sa upuan na bakante sa kanyang harapan.Tumango naman siya sa akin."Di'ba ang sabi ko sa'yo mga alas syete tayo ng gabi nagkita. Inagahan ko lang kasi ang gusto ko mauna ako sa'yo sa pagdating dito ang endi
ISANG malakas na tunog ng pintuan ang aking narinig kaya biglang napadilat ako ng aking mga mata. Si Manang Baby na naman iyon, sa pagkakaalam ko hindi pa naman katapusan ngayon para mangalagpag siya sa akin habang natutulog. Huwag naman sanang maningil si Manang Baby dahil wala pa akong pambayad ng renta dito sa bahay na tinitirhan ko."Kathy! May naghahanap sa'yo sa labas bilisan mo maraming dala na mga regalo!" excited na sabi sa akin ni Manang Baby. Himalang maganda ang mood niya ngayon ah, baka wala na siyang regla kaya ang bait niya sa akin. Sa dinami-dami namin rito sa akin lang siya palaging nagagalit.Nakahiga ako dito ngayon sa aking higaan na folding bed. Inaantok pa ako pero hindi ako tinitigilan ni Manang baby. Kanina niya pa ako ginigising pero hindi pa rin ako bumabangon."Kathy, may bisita ka nga bumangon kana riyan. Kanina pa kita ginigising ha, kapag hindi kapa diyan bumangon bubuhusan na kita ng mainit na tubig. Sayang naman ang mga dala niyan
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments