Naabutan ko ang aking mga kapatid na umiiyak habang yakap-yakap si Nanay. "A-ano ang nangyari kay Nanay? Bakit kayo umiiyak?" nauutal ko na tanong.
"Ate, si Nanay po hindi na gumagalaw!" sabi ni Blythe sa akin.
"Ano?!" Hinawakan ko si Nanay sa kamay. Hindi pa naman malamig ang palad nito at may pulso pa.
"Tumawag kayo ng tulong kailangan madala ni Nanay sa ospital!"
Tumakbo naman ang aking mga kapatid sa labas para humingi ng tulong. Pabulong kong kinausap si Nanay.
"Nandito na po ako 'Nay, huwag po kayong mag-alala maging okay ang lahat. Kumapit kalang ha, huwag mo kaming iwan ng mga anak niyo. Ginagawa ko ang lahat para mapagamot ka sa sakit mo," sabi ko. Tumulo ang mga luha sa aking mga mata. Biglang sumikip ang dibdib ko dahil sa sitwasyon ni Nanay. May isang lalaki na bumuhat kay Nanay, hindi ko na nakita ang kanyang mukha dahil naging blurred na ang aking paningin dahil sa mga luha ko. Nakita kong isinakay ng lalaking iyon si Nanay sa kanyang sasakyan kaya kaagad din akong sumunod. Habang nasa byahi kami ay dumadalangin ako sa Diyos na sana dugtungan pa niya ang buhay ng aking Ina. Kaya nga tiniis ko nalang magtrabaho bilang isang prostitute para mapagamot siya pero hindi pa rin sapat ang aking kinikita. Sa gamot palang kulang na kulang na. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami ng ospital. Kaagad naman siyang nilagyan ng oxygen ng Doctor at ipinasok sa Emergency Room. Nakaupo lang ako sa hallway habang umiiyak. Wala na akong pakialam sa mga taong nakapaligid sa akin.
"Miss, tumayo ka diyan ang daming tao na dumadaan baka maapakan ka," sabi ng isang lalaki sa akin. Medyo may pagka husky ang boses niya. Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo para makita ang kanyang itsura.
Napaka pogi, matangkad at sobrang puti. My God, bakit may anghel na dito? Sinusundo na ba niya ang nanay ko?
"Miss! I said stand up, baka maapakan ka diyan!" aniya.
Humawak naman ako sa kanyang kamay. Ang smooth ng palad niya at mainit-init pa. Halatang mayaman dahil walang kalyo ang kanyang mga palad.
"Thank you for...hatid me here in hospital...you know...my mader is hurting." Hindi ko alam kung tama ba ang english ko pero atleast sinubukan ko. Gusto ko lang naman mag pa impress sa kanya kaya nag trying hard ako mag english.
"It's okay, i just want to help you. By the way, i have to go!" paalam niya sa akin.
Hindi pa ako nakasagot ay lumakad na siya paalis. Shit! Bakit ngayon pa ako nakakita ng ganito ka gwapo?
"Excuse me, are you the relatives of the patient na ipinasok sa ER?" tanong sa akin ng Doctor.
Muli naman akong bumalik sa aking katinuan. "Yes, ako po Doc, ano po ang nangyari sa nanay ko? Okay lang po ba siya?!" nag-alala kong tanong. Muli na naman akong naging emosyonal.
"Tatapatin na kita Miss, kailangang operahan ang Nanay mo. Mayroon siyang bukol sa lungs, dalawang bukol kaya ito ang naging dahilan kung bakit hindi siya makahinga ng maayos," sabi ng Doctor.
Para akong nabagsakan ng langit nang marinig ko iyon. "Kung ganoon po magkano po ang kailangan kong gastusin? Tsaka wala po akong pera ngayon Doc, pwedi niyo po bang e perform ang operasyon kahit wala akong pang down payment?!" tanong ko sa Doctor habang umaagos ang aking mga luha sa mata.
"Huwag niyo munang alalahanin ang pambayad, ang importante ngayon is kung payag kayong operahan siya. Kailangan namin siya lagyan ng tubo sa leeg para doon na siya huminga," ani nito. "Ang pagkain naman niya at idadaan na sa kanyang tagiliran. Bale, dalawang operasyon ang kailangan naming gawin sa Nanay mo ngayon," dagdag pa nito.
"Dalawang operasyon? Makakaya kaya niya iyon, Doc? Paano kung tuluyan na siyang mamatay?!" Biglang nanginig ang aking katawan sa sinabi ng Doctor na dalawa ang kailangang gagawin na operasyon kay Nanay.
"Hindi naman siguro lingid sa iyo na hindi na kumakain ng maayos ang Nanay mo, hindi ba? Iyon lang ang paraan para maligtas na din siya," sabi naman ni Doc.
Biglang nanikip ang didib ko, hindi ko alam na hindi na pala kumakain si Inay. Bakit hindi sinabi sa akin ng kapatid ko? Ano ang ginagawa nila sa perang binigay ko kada linggo?
"Sige po Doc, gawin niyo po ang lahat para lang maligtas ang Nanay ko." Umiyak nalang ako nang umiyak. Wala na akong ibang hangad pa sa buhay kundi ang makasama ko pa si Nanay ng matagal. Mabuti nalang at nakauwi ako dahil kung hindi baka ano ang nangyari sa kanya. Naisipan kong pumunta sa bahay nina Kuya Tyron para tanungin sa nangyayari. Sa labas palang ako ng bahay nila ay narinig ko ang tawanan ng kanyang nga barkada. Nag-iinuman na naman sila, saan kumuha si Kuya ng pang-inom niya?
"Alam niyo mga Brod, bastante ako ngayon kaya uminom lang kaoo nang uminom. Sagot ko lahat ng pambili natin nang alak alam niyo naman palagi akong binigyan ni Kathy ng pera," sabi ni Kuya Tyron.
"Iba din itong si Kathy no, ang laki ng kita sa bar. Siguro marami siyang costumer,"
"Syempre naman talagang marami siyang costumer sa ganda niyang iyon at sexy sino pa ang lalaking makahindi sa kanya?!" Nagtawanan na naman sila. Nagtiim-bagang ako sa aking mga narinig. Ang mga luha ko ay nag-uunahang tumulo sa aking mga mata. Itinulak ko ang pinto at nanlaki ang mata ni Kuya Tyron ng makita niya ako.
"K-kathy?! Bakit ka nandito?!" nauutal nitong tanong.
"Nakuha mo pa talagang uminom dito Kuya habang si Nanay nandoon sa ospital ay kailangan niyang operahan? Nagkasakit na pala siya ng sobra pero hindi mo sinasabi sa akin. Ano ang ginagawa mo sa perang binibigay ko para kay Nanay? Pinapainom mo dito sa mga barkada mong walang kwenta?!" galit kong sabi.
"Kathy, huwag mong bastusin ang barkada ko!" saway niya sa akin.
"Umaasa ako sa iyo na ikaw ang bahalang mag-alaga kay Inay habang nasa trabaho ako. Iyon pala ay niloloko mo lang ako. Kaya ko lang naman natiis magtrabaho sa bar na iyon para sa pangangailan ni Nanay e, kung alam ko lang na hindi pala dumadating kay Nanay ang perang binibigay ko..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko at tinalikuran ko nalang siya. Wala ng puwang na magsayang ako ng laway sa kanya dahil lalo lang akong mastress.
Nakasalubong ko pa sa pintuan ang asawa nitong may hawak na sigarilyo.
"Kathy, umuwi ka pala?" tanong pa nito sa akin pero hindi ko siya pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad paalis sa bahay nila.
Tinatawag niya ako pero hindi ko siya pinansin. "Kathy! Kathy! Sandali, hayaan mo akong magpaliwanag," ani nito.
Humarap naman ako sa kanya. "At ano ang ipapaliwanag mo sa akin Ate Marites? Akala ko ba mabait ka pero ano ang ginagawa niyo ni Kuya?! Lahat ng perang binibigay ko kay Nanay ay hindi pala nakakarating? Alam mo ba na halos mapunit na ang ari ko pero tinitiis ko lang dahil para kay Nanay?!" pasigaw kong sabi sabay tulo ng aking mga luha. Naninikip na ang dibdib sa sobrang galit. Gusto ko magwala at saktan sila.
Nakita ko naman si Kuya Tyron na patakbong papalapit sa kinaroroonan namin.
"Kathy, minsan lang naman kami umiinom ng barkada ko tsaka ano iyong sinasabi mo na nasa ospital si Inay? Kailan lang siya sinala doon?!" tanong naman nito. Nahahalata ko sa boses niya na nag-aalala din ito.
"Hindi na kailangan na malaman mo pa Kuya Tyron, wala ka rin naman maitutulong hindi ba?!" mataray kong sabi sabay alis.
Imbes na matuwa ako sa aking pag-uwi pero ito ang sumalubong sa akin. Ang akala ko magiging masaya ako ngayon pero isang malaking problema pala ang aking haharapin. Pakiramdam ko parang pasan ko ang buong mundo.
"Ano ba 'yan bakit ang stress ng itsura mo? Ayusin mo nga ang make-up mo Katya!" galit na sabi sa'kin ng nagmamanage sa akin.Paano mugto ang aking mga mata sa sobrang iyak tapos hindi pa maganda ang mood ko kaya ang itsura ko ay hindi madrawing."May problema kasi ako Ate," sabi ko."Wala akong pakialam sa problema mo ang mahalaga sa akin malaki ang kita mo ngayong gabi. Kunsabagay, ikaw din naman ang kawawa kung mas gusto mong isipin ang problema mo kaysa mag focus sa trabaho mo. Tandaan mo na dito ka nakakahanap nang pambili ng gamot para sa Nanay mo," sabi sa akin ni Ate Monica. Hanggang kailan talaga walang makakatalo sa pagka maldita ni Ate Monica. Akala mo kung makaasta ay hindi rin siya naging bayaran. Kaya nga siya nakapag patayo ng sarili niyang bar dahil naka chamba siya sa costumer nitong foreigner dati.Siya ang mas nakakatanda sa amin at siya na rin ang boss namin dito sa bar.Hindi na ako sumagot sa sinabi niya. Kailangan ko ng pera
Hindi muna ako dumiretso sa kinaroroonan ni Simone, mas minabuti ko munang pumasok sa loob ng kwarto para maayos ang aking sarili. Naisipan kong palitan ang aking damit sabay dagdag pa ng lipstick ko."Kathy!" Napatigil ako sa paglagay ng lipstick ng marinig ko ulit ang malakas na sigaw ni Sky. Napabuntong hininga ako."Kathy! Lumabas ka riyan, hindi ka makakawala sa akin, naririnig mo?!" galit na sigaw nito.Napapikit nalang ako sabay kagat labi. Lumapit ako sa pintuan at binuksan iyon. Isang galit na awra ang nakita ko kay Sky, bakas sa mukha nito ang sobrang inis sa narinig niya kanina kay Ate Monica."Ano ba Sky?! Hindi mo ba talaga ako titigilan?! Ilang beses ko na bang sinabi sa'yo na maghiwalay na tayo! Hindi na ako masaya sa'yo Sky, sawang-sawa na ako sa ugali mo. Palakihin mo muna 'yang pagkalalake mo bago ka magpakita sa akin muli!" sigaw ko.Hindi na siya nakaimik pa kaya lumakad na ako palabas ng kwarto. Ang mga sumunod na nangyari ay hindi ko inasahan. Na
"Ay, ang fresh ng sugat ah, kasing fresh ng lalaking naghatid sa'yo kagabi." Kinikilig na sabi ni Abby sabay hampas sa pwet ko.Napabalikwas naman ako sa aking higaan, ang aga-aga gusto na niyang makipag Marites sa akin, napaka chismosa kasi niya."Inaantok pa ako Abby!" inis na sabi ko sa kanya. Ngayon ko lang namalayan na ang mga kasama namin dito sa boarding house ay naroon na pala sa loob ng kwarto ko at gusto din na makipag chismisan."Anong ginagawa niyo dito? Bakit nandito kayong lahat?" sabi ko sa anim pa na kasama namin."Eh, paano ba naman kasi, interesado silang malaman kung boyfriend mo ba ang naghatid sa'yo kagabi. Ang ganda pa ng sasakyan at ang mahal, naka chamba ka siguro ano?" ani pa ni Abby."Sis, masarap ba?" tanong naman ni Loui. Ang kaibigan ko na kasama ko rin sa club."Naka ilang beses kang labasan kagabi? Hmmm...siguro mata mo nalang ang gumagalaw habang binabayo ka niya ano?" natatawang sabi naman ni Lyn. Si Lyn ay kababata ko n
"Kanino ko kaya ibebenta ang kwintas na ito?"Nakatitig lamang ako sa kwintas na ibinigay ni Sky sa akin, ito nalang ang natitirang pag-asa ko para mabayaran ang hospital bills namin. Mahigit 500 hundred thousand pesos ang bayarin namin sa ospital.Hindi rin mawala sa aking isipan ang sinasabi ni Simone na handa siyang magbayad sa akin kahit gaano kalaking halaga. Hindi rin muna ako pumasok sa club dahil mas kinakailangan ako ni Nanay dito. Hindi ko na rin inisip ang ginagawa ni Sky sa akin, na siya ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ako ng sugat sa noo.Tatlong araw na ang nakalipas mula ng operahan si Nanay at mabuti nalamg ay kinaya niya ang operasyon. Hindi na siya makalakad dahil sa diabetis niya. Naka oxygen rin ito dahil sa hirap na siyang makahinga. Dala na rin siguro ng pagtanda ni Nanay kaya ito na ang nangyayari sa kanya."Diyos ko, alam ko na hindi maganda ang trabaho ko pero sana tulungan niyo po si Nanay na gumaling at tumagal pa sa mundo
Ngayon ko lang nalaman na ang Dela Cuesta Hospital pala ay kina Simone. Napaka yaman talaga nila kaya malaki ang paniniwala ko na maraming babae ang naghahabol sa kanya.Nandito pa rin ko sa Hospital at hinihintay ng recovery ni Nanay pagkatapos niyang operahan. Sa awa ng Diyos okay naman ang lahat, pero ayun sa Doktor ay baka maparalize n ng katawan ni Nanay at kailanmn ay hindi na ito babalik sa dati. Nakakalungkot isipin naa hindi na makagalaw ang Nanay ko, pero ano ang magagawa ko? Ganoon talaga ang buhay. Hindi ntin alam kung hanggang kailan tayo maging malakas at kung kailan tayo hihina. Hindi ko rin naibent ang kwintas na binigay sa akin ni Sky. Libre lang lahat dito sa ospital dahil kay Simone. Ilang araw na rin akong hindi pumpasok sa club dahil nga saa nangyari sa Nanay. Habaang nakaatingin ako sa malayo nakita kong papalapit si Sky sa akin habang nakangiti. Ano ng ginagawa niya rito? "How are you Kath? Okay na ba ang Nanay mo?" tanong nito."H-huh? Anong ginagawa mo dito
Hindi ko lubos maisip na hinayaan ko lang na may mangyari sa amin ni Sam habang ang Nanay ko ay nakahiga sa kama ng Hospital. Pakiramdam ko mas lalo pa akong naging madumi. Hindi naman siguro mali iyon dahil namiss ko siya? Si Sam ang ex ko na sobrang minahal ko noon kaso nga lang nagloko kaya ayun end of relationship kaagad ng malaman ko ang totoong ugali niya."What are you thinking? Don't worry magiging maayos din ang Mother mo," aniya sabay hawak sa aking tagiliran.Napangiti naman ako sa kanya. I accept his offer na mag stay ako sa paligid niya at ang kapalit ay pera. Sino ba naman ang hindi papayag lalong-lalo na at nangangailangan ako ngayon?"May tiwala naman ako sa Diyos Simone, maraming salamat nga pala dahil sa'yo laya natanggap ang Mamay ko sa Hospital niyo. Alam mo na isang malaking unyang na loob ko 'yun at hanggang kailan ay hindi ko makakalimutan," sabi ko.Napangiti siya sa akin ng malapad kaya lumabas ang mga mapuputi nitong ngipin. "By the way, huwag ka nang bumalik
Hindi ko alam kung paano ko nalagpasan ang mga nangyari sa buhay ko lalong-lalo na sa pagkawala ni Nanay. Mabuti nalang at hindi ako iniwan ni Simone sa ere. Ngayon, nandito na ako sa condo niya nakatira at ako ang nag-aasikaso ng kanyang mga gamit. Fresh pa rin ang sugat sa puso sa pagkawala ni Inay pero tama nga si Simone, darating din ang panahon na maka move on ako sa nangyari. Wala kaming relasyon ni Simone pero daig pa namin ang mag-asawa. "Bumangon kana riyan at tanghali na!" Tinapik ko ang kanyang balikat para magising siya. Mag-alas otso na nang umaga pero heto pa rin at nakahiga siya. Umuwi siyang lasing kagabi pero hindi ko alam kung saan siya nanggaling."Simone, bumangon kana! Kanina pa nakahanda ang pagkain sa itaas ng lamesa maya-maya lalamig na iyon!" ulit ko."Hmmmm..." Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama. Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Antok na antok pa ito."Masakit ang ulo ko!" aniya."Talagang sasakit 'yan lasing na lasing ka kagabi. Mabuti nalang at
Paano ko nga ba sasabihin kay Simone na gusto ko siya? Wala sa usapan namin na mahalin ang isa't-isa pero kusa ko nalang nararamdaman. Alam ko naman sa aking sarili na hanggang kailan ay hindi siya iibig sa katulad ko. Alam ko naman na simula noong una ay sex lang ang habol niya sa akin.Ramdam ko na ang pagbabago niya, panahon na rin ba na dapat ko nang itigil ang kabaliwang ito?Umagang-umaga pero ito ang iniisip ko. Bumangon ako sabay tingin sa hinihigaan na Simone pero wala na siya doon. May narinig akong tunog ng tubig galing sa shower mula sa loob ng banyo.Nakita ko ang damit na hinubad ni Simone kaya kinuha ko iyon para ilagay sa mga labahan ko. May naramdaman akong bagay sa loob ng bulsa niya kaya dinukot ko iyon para tingnan kung ano ang bagay ma 'yun. Isang lipstick na kulay Rose Pink.Parang piniga ang puso ko! Hindi naman naglilipstick si Simone ano? Sa babae niya ba ito? Nagsimulang mag blurred ang paningin ko. Narinig kong bumukas ang pinto kaya kaaagd kong tinago ang
Walang salita na makakapagsabi kung gaano ako kasaya ngayon dahil magkasama kami ni Simone sa iisang bahay. Inaalagaan niya ako at binibigyan ng importansiya. Hindi ko alam kung nagpapanggap lamg ba siya o ito nga talaga ang nararamdaman niya para sa akin. Madilim na ang paligid at mag gagabi na peeo hindi pa rin nakahiga si Simone sa kwarto. Nakaupo lang siya sa sofa at tila malalim ang kanuang iniisip habang hawak ang kanyang telepono. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya. Hindi manlang niya makihang tumingin sa akin. Napayuko pa ito nang maramdaman niyang nasa tabi niya ako."Pasensiya kana talaga kung nahihirapan ka ngayon. Hindi ko naman maasahan ang mga kapatid ko dahil nag-aaral ang mga 'yun. At salamat na rin dahil hindi mo ako pinabayaan, kaming dalawa!" sabi ko sa kanya.Hindi naman siya umimik. Tumayo siya sa sofa at tumingin sa kanyang relo. "Kailangan mo ng magpahinga matulog kana!" aniya sabay tayo nito sa pintuan at nakatingin lang sa labas."I-Ikaw?
Nang matapos na ang kasal namin ni Kendra ay kaagad na kaming ukuwi sa bahay. Kasalukuyan kaming kumakain ngyaon at pinag-uusapan nila anh honeymoon namin. Si Daddy naman ay labis ang kasiyahan dahil magkakaroon na raw siya ng apo at last. Hahanap lang ako ng tyempo kung kailan ko sasabihin sa kanila na may nangyari kay Samuel at Kendra noong magkasintahan palang kami."Simone, ang tahimik mo naman. Parang hindi ka ata masaya na kinasal na tayo eh!" ani ni Kendra na tila nagtatampo.Mas lalong hindi ako umimik. "Hijo, ano ba naman 'yan! Nakasimangot ka na naman kahit bagong kasal kayo ni Kendra," ani naman ni Mommy."Paano ba naman nagkita sila ni Kathy bago sila ikasal ni Kendra. Impossibleng nakapasok si Kathy sa hotel na walang invitation card. Pinapunta mo ba siya Simone?" ani ni Samuel sa akin.Napatigil naman sa pagkain sina Daddy at Mommy."Sam, what are you saying?!" tanong naman ni Kendra."Bakit hindi mo tanungin ang asawa mo kung ano ang ibig kong sabihin?!" nakangising tu
Sobra akomg nasaktan sa nakita kong news sa telebisyon. Ngayong araw na ang kasal ni Simone at Kendra. Pagkatapos naming magkita at magkomprontahan noong nakaraang araw ay mabilis lang siyang nagdesisyon. Ni hindi lamang niya naisip na nasabi ko lang ang mga bagay na 'yun sa sobrang kaba dahil na trap na ako sa sitwasyon. Sobrang sakit sa puso na ikakasal na ang taong mahal mo. Kahit na alam ko na wala naman siyang gusto kay Kendra ay maari pa rin na mainlove siya dito dahil sa ubod nitong ganda at sexy. Napahawak ako sa aking ulo nang bigla akong nakaramdam ng hilo. Kaaagad akong tumakbo sa loob ng banyo para magsuka. Naalala ko na ilang buwan na rin na hindi ako dinadatnan. Hindi ako maaring mabuntis dahil wala akong ipapakain sa anak ko. Hindi rin ako sigurado kung paninindigan din ako ni Simone dahil galit na siya sa akin ngayon. Kinuha ko sa loob ng cabinrt ang nabili kong pregnancy test kahapon. Duda na akong may laman ang tiyan ko dahil nag-iba ang aking panlasa. Naghintay ak
Nabigla naman ako ng biglang napatawag si Samuel sa akin at gusto niyang makipag kita. Kahit anong tanggi ko sa kanya ay talagang mapilit siya kaya heto pinuntahan ko nalang. Magkikita kaming dalawa sa resturant at mas nauna pa akong dumating kaysa sa kanya. Kapal talaga ng mukha niyang paghintayin ako. Kunsabagay, hindi na ako magtataka dahil noon pa man na magkasintahan palang kami sa t'wing may date kaming dalawa mas nauuna talaga akong dimating kaysa sa kanya. Kinakabahan ako ngayon sa muling pagkikita namin ni Samuel. Wala naman siguro siyang alam na naging girlfriend ako ng mga kapatid niya. Hindi naman siya siguro makikipagkita sa akin kung may ideya na siya.Panay sulyap ko sa aking relo pero mahigit isang oras na akong naghinhintay wala pa rin Samuel na dumating. Nailang ihi na rin ako sa banyo dahil tatlong baso na nang tubig ang naubos ko sa kakainom. Naiirita na ako sa kakahintay sa kanya, napabuntong hininga nalang ako at tumayo sa inuupuan ko para lisanin ang lugar. Nang
Bakit ba ako nagpadalos dalos ng desisyon? Hindi ko rin palang kaya na mawala si Simone sa buhay ko pero ipinagtulakan ko siya palayo. Hanggang ngayon ay iyak lang ako nang iyak. Kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog. Naisipan kong pumunta sa bar para mag-inom nang alak. Dali-dali naman akong nagbihis at kahiy mugto ang aking mga mata ay pumunta ako sa bar. Matagal tagal na rin noong huli akong tumungtong dito. Parang may kung anong bagay na gumising sa akin nang makapasok ako sa bar. Namiss ko ang lugar na 'to, iyon bang wala kang maiisip na problema kapag nandito ka dahil ang saya."Whisky!" sigaw ko sa isang bar tender.Kaagad naman niya akong sinalinan nang whisky sa shoting glass. Nilagok ko iyon at tuloy tuloy na ininom. Hindi ko naramdaman ang pait dahil sa masakit ang puso ko ngayon. Patuloy lang ako sa pag-inom nang alak hanggang sa naramdaman ko na medyo nahihilo na ako. Muli na naman akong umiyak dahil sa mismong bar na ito, dito kami nagkakilala ni Simone. Bumabalik
I really missed Kathy at gusto ko siyang puntahan pero hindi ako makaalis dahil todo bantay sa akin si Kendra. Sobrang naghigpit na siya sa akin ngayon lalo na't ikakasal na kaming dalawa. Sobrang naiinis na ako sa kanya pero wala naman akong magagawa. Hindi ko na rin kinakausap sina Mommy dahil sa sama ng loob ko sa kanila. How could they force me to married someone na hindi ko naman mahal? Napaigtad ako ng may biglang humaplos sa aking likuran."Parang malalim ang iniisip mo ah? Si Kathy na naman 'yan?" tanong sa akin ni Kendra.Hindi naman ako sumagot at tinalikuran ko lang siya."You know what Simone, bakit hindi mo nalang siya i break? Para naman hindi na siya masaktan pa ng sobra. Patuloy mo siyang pinapaasa sa bagay na hindi ka naman sigurado," dagdag pa nito."Hindi ko siya pinapaasa Kendra, she know that i loved her so much!" Lumakad ako palayo sa kanya pero sinundan naman niya ako. Dumiretso ako sa pool at kinuha ang baso na may laman na alak tsaka nilagok ko iyon. "Why ar
Kanina pa badtrip si Mommy sa hindi ko malaman na dahilan. Wala rin siyang imik habang kumakain kami at kahit ilang beses ko na siyang tanungin kung ano ang nangyari ay ayaw naman niyang sabihin.Si Dad naman ay napansin niya si Mommy na masama ang mood kaya hindi rin niya ito kinausap.Ang mga kapatid ko naman ay tahimik lamg at kumakain. Pakiramdam ko Samuel and Sky has have an idea kung bakit parang galit si Mommy ngayon.Tumayo naman si Daddy at hindi manlang nagsasalita. Umakyat siya sa taas kaya kaming apat nalang ang naiwan."Mom, what's wrong?" tanong ko kay Mommy.Napatigil naman sina Sky at Samuel sa pagkain at pati na rin si Mommy.Nakita kong sinulyapan ni Mommy ng masama si Sky kaya naman napayuko si Sky."Alam mo naman kung ilang mga katulong natin ang pinalayas ko dahil sa mga nawawala kong alahas hindi ba, Sky?!" galit na sabi ni Mommy. "Iyon pala ikaw lang ang nagnakaw ng mga lahat na iyon!" dagdag pa ni Mommy kaya nagulat naman ako."W-What?!" gulat na sabat ko naman
Hindi ako mapakali sa nalaman ko kay Simone. Hawak ko pa rin ang kwintas na binigay sa akin ni Sky. Napaka laki ng mundo pero bakit kailangan na magkapatid pa sila? Paano nalang kapag malaman ni Simone ang lahat? Mapapatawad pa kaya niya ako? O tatanggapin pa kaya niya ako kung pati ang kapatid niya ay hinuthutan ko ng pera noon? Buong gabi akong walang tulog sa kakaisip sa mga bagay na iyon. Hindi pa rin ako makapaniwala lalong-lalo na nang dahil pala kay Sky kaya kailangang pakasalan ni Simone si Kendra.Litong-lito na talaga ako at hindi ko alam kung paano ko sisimulan na ipagtapat kay Simone ang lahat. Alam ko na walang sekreto na maitatago habang buhay kaya darating ang panahon na malalaman din ito ni Simone. Mas mabuti na mismong galing sa akin para hindi na niya ako husgahan. Kinuha ko ang aking telepono para tawagan si Sky. Mabuti nalang at hindi siya nagpalit ng numero."H-Hello!" Utal na sabi ko nang sagutin niya."Anong kailangan mo, Kath? Sinasabi ko na nga na palpak ang la
Kasalukuyan akong nagmamaneho para pumunta sa restaurant kung saan kami magkikita ni Kathy. I ask her to meet para sabihin sa kanya ang nangyari sa bahay. She deserved to know the truth na ayaw sa kanya ng mga magulang ko pero wala akong pakialam doon. Ang alam ko lang ay mahal ko si Kathy and that is enough. I decided to marry Kendra as soon as possible para kay Sky.Makalipas ang ilang oras na pagbabyahi ay nakarating na ako sa restaurant. Sa entrance palang ako ay tanaw ko na kaagad si Kathy na nakaupo at nakasuot ng dress na kulay blue. She so beautiful, at walang makakapantay sa kagandahan niya.Linapitan ko siya at tinakpan ang kanyang mga mata."Simone!" aniya.Ngumiti naman ako sa kanya at hinalikan siya sa kanyang labi. "Kanina kapa ba dito?!" tanong ko sa kanya sabay upo sa upuan na bakante sa kanyang harapan.Tumango naman siya sa akin."Di'ba ang sabi ko sa'yo mga alas syete tayo ng gabi nagkita. Inagahan ko lang kasi ang gusto ko mauna ako sa'yo sa pagdating dito ang endi