Biktima ng magulong nakaraan. Pinaglaruan ng kapalaran. Dapat bang siya ang sisisihin sa lahat ng kasalanan na hindi naman siya ang may gawa? Si Anastasia ay isang ampon. Masayahin at mapagpakumbaba sa lahat. Ngunit sinubok ng tadhana ang kanyang katatagan. Pinaglaruan ng kanyang tinuturing na kapatid. Ibinenta sa isang estranghero. Pinagtabuyan at nabuntis. Paano kung isang araw, muling magkrus ang landas nila ng lalaking pilit niyang kalimutan. Makikilala kaya niya ito? Paano kung ang taong kanyang pinagkakatiwalaan at inalayan ng kanyang buong pagmamahal ay itatakwil siya sa araw mismo ng kanilang kasal. Magawa niya pa kayang patawarin ito? May kaugnayan kaya ang nakaraan nina Anastasia at Vance Michael Enriquez? Sino ito sa buhay ni Anastasia.
View MoreHalos kalahating oras nang nakatitig si Amber sa kisame ng kwarto. Blangko ang utak. Nakatakip sa kanyang katawan ang malaking quilts. Pagmulat niya ng mga mata kanina mag-isa nalang siya sa malamig at tahimik na kwarto. Tanging ang tunog ng kanyang cellphone ang naririnig niya sa mga oras na iyon. Notifications, hindi lang isa kundi marami dahil sunod-sunod. Ngunit wala pa rin siya sa huwisyo na abutin at buksan ang cellphone. Hindi kasi siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanyang buhay. Ang dati tahimik kasama ang kanyang kapatid ngayon hindi na niya maintindihan kung saan patungo. Hindi lang kasi simpleng dahilan ang pag-ayaw niya na makasama si Ashton habang-buhay kundi dahil na rin sa usapan nila ng mama nito. Wala siyang alam sa dahilan ng mama ni Ashton kung bakit ayaw nito sa kanya at bakit siya nito lihim na tinutulungan para makalaya.Nakaramdam siya ng lungkot nang mapagtanto na mag-isa lang siya sa kwarto paggising niya. Iniwan siya ni Ashton. Nakailang buntong-hininga
Malalaki ang hakbang na binaybay ni Ashton ang mahabang pasilyo ng Paradise Hotel na pag-aari ng pamilya nila. Kahit late na kailangan niyang makausap ng personal ang agent na humawak sa kaso ni Julianna. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang kanyang nararamdaman, para bang pinaliguan siya ng yelo dahil kahit mga kamay niya namamanhid kaya saglit niya iyong pinag salikop. Mayamaya lang ay nakarating din siya sa lugar na pinag-usapan nila. Hindi na siya nagpaalam pa kay Amber dahil alam niyang naliligo ito. Habang naglalakad maraming staff ng Hotel ang nakakakilala sa kanya at bumati. Naabutan niya ang isang matikas ang pangangatawan na lalaki, nakatayo sa tabi ng landscape. Hindi kasi niya pwedeng papuntahin sa opisina niya rito dahil ayaw niyang makilala ito ng mga taong lihim niyang pina-imbestigahan. “Mr. Enriquez!” Bati nito sa kanya sabay lahad ng kamay. “May update kana, tama ba?” Tanong niya rito. “Positive sir! May ugnayan nga sila. Plano na rin nila ang
Kahit ilang beses nang subukan ni Amber na buksan ang pinto ng kwarto ay ayaw gumana ng card key niya. Sa pagkakaalam niya ay bukas pa sila magcheck-out. Inis na naglakad siya patungong elevator upang bumalik sa ibaba. Pagdating niya sa reception nagulat nalang siya na sinabi nitong na-upgrade raw ang kanyang kwarto. Nangunot ang kanyang noo habang inaabot ang card mula sa receptionist. Lalo itong nangunot nang mabasa ang Presidential Suit sa card. Litong-lito na humakbang siya pabalik sa elevator saka pinindot ang 45th floor. Sinong nagdala ng mga gamit niya roon? Hindi kaya si Jane? Or si…! “Oh my goodness!” Natatarantang mutawi ng kanyang bibig habang hindi mapakali sa loob ng elevator. “Huwag naman sanang tama ang nasa isipan ko, Lord.” Impit niyang dasal.Habang naglalakad sa hallway wala pa rin sa sarili si Amber. Kahit panaka-nakay namamangha siya sa kagandahan ng Hotel ngunit hindi na roon natuon ang kanyang pansin. Hindi niya mawari kung ano ang dapat isipin nang tumapat s
Napahinto sa paghakbang si Amber ng mabasa ang pangalan ni Ashton sa screen ng kanyang cellphone. Agad niya iyong tinakpan bago pa makahalata si Jane. “Ahmm, Jane mauna ka na lang sa hotel, susunod nalang ako sagutin ko lang ‘to.” Tinaas niya ang cellphone na patuloy pa rin sa pagtunog.Tumango si Jane sa kanya. “Okay, wag kang magtagal baka maabutan ka ng ulan.” malambing nitong sagot bago tumalikod.May nakita siyang cottage na walang tao doon siya nagtungo saka sinagot ang tawag ni Ashton. “Where the h*ll are you now?” Bungad na sigaw ni Ashton sa kabilang linya.Inilayo niya sa tainga ang kanyang cellphone dahil parang mababasag ang kanyang eardrum sa lakas ng boses nito. “Ano ka ba! Ba't ka ba sumisigaw ha! Pwede naman tayong mag-usap ng mahinahon ah!” Naiiritang sagot niya rito. “Bakit ka sumama sa kanya riyan? Hindi ka talaga nag-iingat, Amber. Bakit ba ang tigas ng ulo mo ha!” Unti-unting huminahon ang boses ni Ashton sa kabilang linya.Nagtaka si Amber sa narinig.
Nakatulala si Ashton habang nakatingin sa labas ng kanyang opisina. Sumasayaw ang mga puno sa labas dulot ng malakas na hangin at may kasamang malalaking patak ng ulan. Ayon sa balita may bagyo raw na parating kaya pinag-iingat ang lahat. Sa mga ganitong panahon sumasama ang kanyang pakiramdam, mas gustuhin pa niya ang mainitan sa labas kesa ganitong panahon. Nakailang salin na siya ng vodka sa kanyang baso ngunit pakiramdam niya ay walang epekto iyon sa kanya. Napatingin siya sa kanyang relo, limang minuto bago sumapit ang alas-sais ng gabi. Naghihintay pa rin siya ng call back mula kay Amber. Ilang araw na kasi mula noong dinala niya ito sa restaurant ni Julianna hindi pa rin ito nagparamdam sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit kay Jane pa ito nakipag tulungan sa imbestigasyon tungkol sa kaso ni Julianna at hindi sa kanya, wala ba itong tiwala sa kanya? Hindi niya inaasahan na pagkatapos ng lahat na meron sila naglilihim pa rin ito sa kanya. Naalala niya kung paano nawala
Dumeritso si Ashton sa opisina ni Jane sa dulong bahagi ng restaurant. Hindi niya namalayan na ang babaeng kasama ay wala sa kanyang likuran. Akmang bubuksan na niya ang pintuan ng mapansin na mag-isa lamang siya. Kumunot ang kanyang noo. Tinakasan ba siya ni Amber? Sigaw ng kanyang isipan. Muli siyang bumalik sa pinanggalingan upang hanapin ang babae, hindi pa naman siguro ito nakakalayo kung sakaling umalis man ito. Patingin-tingin siya sa paligid baka sakaling makita ito. Medyo abala pa naman ang restaurant ngayon at maraming customer na palabas at papasok. Sa dulong bahagi natanaw niya ang babaeng hinahanap, abala ito sa pagmamasid sa mga paintings na nakasabit sa dingding. Napailing na nilapitan niya ang babaeng walang pakialam sa kanyang piligid. Napansin niya na mahilig din ang dalaga sa mga obra ng mag-inang Garcia. Ilang beses na kasi niya itong nahuling nakatingin sa painting ng mga ito. Nakatayo s'ya sa likuran at ipinatong sa balikat nito ang kanan niyang kamay, ngunit par
Kinabukasan, araw ng Lunes balik trabaho na ulit si Amber. Mabigat ang kanyang pakiramdam ng bumangon s'ya kinahapunan. Nasulyapan n'ya ang alarm clock sa tabi ng kanyang higaan, alas-tres ng hapon. Alas-sais ng gabi ang pasok n'ya kaya may oras pa s'ya para maghanda. Para siyang lalagnatin dahil hindi siya nakatulog ng maayos. Litong-lito at naiinis siya kay Ashton dahil sa inasta nito sa harapan ng kanilang anak kahapon. Paika-ika siyang lumakad patungo sa maliit niyang banyo upang maghilamos. Pakiramdam niya para siyang zombie na naglalakad na walang kaluluwa. Mayamaya walang lakas na binuksan niya ang ref upang maghanap ng makain para sa kanyang tanghalian. Dismayadong napapikit na lamang siya ng walang makita sa loob ng kanyang ref kundi tubig na nasa pitsel at isang piraso ng itlog. Napahaplos s'ya sa kanyang leeg. Hindi nga pala siya naka pamalengke halos dalawang linggo na. Gutom pa naman siya dahil hindi s'ya nakapag-agahan kanina. Humakbang s'ya patungo sa mesa upang tingn
Another tiresome day para kay Ashton. It's been a week since the last time na nagkita sila ni Amber. Ang pagkikita nila sa restaurant ay naging issue sa social media kinabukasan. Hindi niya akalain na marami palang nakakuha ng videos sa kanila dahil naroon si Soleen Marasigan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin n'ya maintindihan kung bakit hindi pumayag si Amber sa hiling niya rito na kasal. Nais na niyang makatakas sa mga plano ng kanyang ina. Ano man ang tinatagong dahilan ng kanyang ina kung bakit ayaw nitong pakasalan niya si Amber ay wala na siyang pakialam. Hindi na siya bata kaya ganun kalakas ang kanyang determinasyon na mag-asawa upang mabigyan ng kumpletong pamilya ang kanyang anak.Nasa malalim na pag-iisip si Ashton ng may kumatok sa pinto ng kanyang opisina. “Come in.”Seryosong mukha ni Luis ang bumungad sa pintuan. “May dapat kang malaman.”Nakakunot ang kanyang noo. “May taong lihim na nagbukas ng imbestigasyon sa kaso ni Julianna.” balita ni Luis sa kanya. Bigla si
Bago paman bumagsak ang katawan ni Amber sa sahig ay may matipunong bisig na sumalo sa kanyang katawan. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang tingin. Nang makilala ang lalaki ay bahagya siyang ngumiti. “B-bring me home, Lucas please.” aniya sa lalaking nakayakap sa kanyang katawan. Hindi niya nakita kung paano naningkit ang mga mata ni Ashton sa galit. “Okay.”Habang nasa biyahe pauwi, unti-unting bumalik ang kanyang lakas ngunit nanatili lang siyang tahimik na nakatingin sa labas ng bintana. Parang sasabog ang kanyang utak sa daming pumapasok sa kanyang isipan. Sinabayan din ito ng pagkirot ng kanyang dibdib. Hindi mawala sa kanyang isipan ang mukha ni Ashton na kaharap ang magandang babae na iyon. “Okay kalang ba?” narinig niyang tanong ni Lucas.Tumango siya bilang tugon. “Mind if I ask?” untag nito sa abalang kaisipan niya.Nilingon niya ang lalaki saka ngumiti ng pilit. “What is it?” “Mahal mo ba ang pinsan ko?” diretsahang tanong ni Lucas sa kanya. Hindi na rin si
Warning : Mature content. Not suitable for young readers and sensitive minds. Maravilis City, early 2018. "Kumusta, kaya pa ba Anastasia?" tumutulo ang aking mga luha dahil sa pinaggagawa ng inaakala kong kapatid, iyon pala ay ampon lang ako ng kanilang pamilya. Pinilit nila akong lasingin ng kanyang mga barkada sa bar kung saan ako namamasukan. Gustuhin ko mang umayaw ngunit pamilya ng isa sa mga barkada niya ang may-ari ng bar. "Tama na Marga, hindi ko na kaya." nagmamakaawa kong sagot. "Kaya mo yan, magpakalasing ka para magawa mong mapaligaya ang magiging costumer mo mamaya!" tumatawa ito habang sinasalinan siya ng alak. Hindi ko alam kong ano ang binabalak ng mga ito. Dahil sa kalasingan, hindi ko na magawang pumalag ng hilain nila ako palabas at isinakay sa kotse ng kaibigan niya. Hindi ko maaninag kong saan nila ako dadalhin. Mayamaya binaba nila ako at pumasok kami sa malaking building. Pilit kong idilat ang aking mga mata na nais nang pumikit upang malaman ko k...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments