Home / Romance / Ang Lihim ni Anastasia / Chapter 5 - Ashton got lost at the event

Share

Chapter 5 - Ashton got lost at the event

Author: Juvy Pem
last update Huling Na-update: 2022-08-06 22:32:18

Alas-sais nang magising si Anastasia. Agad siyang naghanda ng agahan nila. Habang abala sa kusina, napangiti siya nang maalala ang nangyari kagabi.

"Ohh, mukhang maganda ang gising natin ah!" biro ni Joyce sa kanya. Umupo ito sa upuan na nasa kanyang harapan. Agad naman n'yang kinagat ang pang-ibabang labi upang pigilan ang sariling huwag tumawa.

"Ano ka ba may naalala lang ako." sagot niya rito. Dali-dali n'ya itong tinalikuran ngunit hindi pa rin siya nakawala dahil sinundan siya nito kahit saan siya magtungo. "Joyce, ano ba! Nahihilo ako sa kakasunod mo!" reklamo niya sabay kurot sa tagiliran nito.

"Kukulitin talaga kita, hangga't hindi ka magkwento!" nakangising sagot nito. Sarap talagang paluin ng sandok na hawak niya itong mapang-asar n'yang kaibigan. Wala siyang choice kundi ikwento rito ang nangyari kagabi.

Tumitili naman si Joyce sa kilig.

"Ano ka ba! Akala mo naman nanalo sa lotto, e!" inirapan niya ito.

"Ito naman, siyempre masaya ako kasi sa edad mong biente-sais minsan ka lang nagkaroon ng lalaki sa buhay mo, ligwak pa. Hindi naman masama na mangarap, na sana matagpuan muna si 'The One', hindi ba?" sagot nito sa kanya.

Napailing s'ya habang tinitigan ang kaibigan.

"Alam mo bes, bago ako ang pagdiskitahan mo, sarili mo muna, okay?! Tingnan mo nga ang sarili mo! Eight years kanang walang love life. Pitong taon na si Jeremy, pero ikaw wala ng inatupag kundi yang mga files ng boss mo. Mapuntahan nga yang boss mo't masermunan. Akalain mo, okay lang sa kanya na habang-buhay na tigang ang secretary n'ya?" mahabang sermon n'ya rito na may halong biro makaganti man lang sa kaibigan n'ya.

Bigla nalang humalakhak ng tawa si Joyce na ikinagulat nila. Alas-sais palang ng umaga ngunit napakaingay na nilang dalawa.

"Naku bes, kapag makita mo sa personal ang boss ko, ewan ko nalang kung magawa mo pang sermunan. Ang boss ko lang naman ang pinakamagaling at sikat na businessman dito sa buong Pilipinas. Hindi lang iyon napakagwapo pa." pagmamalaki ni Joyce sa kanya.

Pinandilatan niya ang kaibigan.

"Ewan ko saiyo! Maligo kana't baka ma-late ka pa!" aniya at tinalikuran ito na tawa ng tawa.

Halos isang dekada na si Joyce na nagtatrabaho bilang secretary sa VM Group. Nabuntis ito ng isa sa mga kasamahan nito na na-a sign sa Accounting Department at iniwanan ng iresponsableng lalaking iyon ang kanyang kaibigan at sumama sa ibang babae. Kaya malaki ang kanyang respeto sa kaibigan dahil sa pagiging positibo nito sa lahat ng bagay sa kabila ng pinagdaanan nito. Matanda si Joyce sa kanya ng pitong taon. Sa edad na beinte-uno maituturing na n'ya itong successful dahil sa mga achievement nito. Lalo na sa pagpapalaki sa anak nitong si Jeremy na mag-isa. Kaya ang kaibigan ang isa sa kanyang inspirasyon sa buhay. Nagpursige sya upang mabigyan ng magandang buhay ang kanyang anak. Hindi rason ang pagiging isang single-mother upang magpabaya at mawalan ng pag-asa. Dapat matuto rin s'yang mangarap para sa kanyang anak.

Habang nakatayo sa malaking glass wall ng opisina niya. Hinihigop ni Vance ang kape na

ginawa ng kanyang secretary na si Joyce. Hindi mawaglit sa kanyang isipan ang

nangyari kagabi. Ni hindi niya naisipang hingiin ang cellphone number ni Anastasia. Habang abala sa pahihigop ng kape, biglang tumunog ang telepono sa kanyang mesa.

Agad siyang lumapit doon upang sagutin ito.

"Bro, anong oras ka ba pupunta rito, marami ng tao. The board of directors are waiting. They expect you to be here." bungad ng kanyang kapatid. Wala sana siyang balak pumunta kasi marami pa siyang nakatambak na trabaho.

"Okay!" matipid niyang sagot.

Tinawagan niya si Tim pati na rin ang kanyang secretary na si Joyce upang maghanda.

"Hello! Nasaan ka? Andito na kami sa entrance ng Eries Building. Maraming tao bes baka maligaw kami, nako ang laki pala nitong company na'to lalo na sa loob!" namangha si Anastasia nang makapasok na sila sa loob ng Eries.

Kasama niya ang kanyang anak na si Ashton at Jeremy ang anak ng kaibigan niyang si Joyce. Hawak niya ang dalawang kamay ng mga bata. Maraming nakapansin sa kanila lalo na sa dalawang bata. Ang iba ay napapalingon sa gawi nila. Meron ding nais mag-pa-picture sa dalawang bata.

Nakatayo sila sa tabi ng malaking screen na may naka-play na video ng mga batang artista.

Binitawan muna ni Anastasia ang kamay ng kanyang anak dahil kausap niya si

Joyce.

"Ikaw talaga, malaki talaga 'yan pero mas malaki at magara ang building

namin no!" pagmamalaki nito sa kanya.

Proud siya sa kanyang kaibigan dahil

maganda ang trabaho nito sa pinakasikat na kompanya sa buong Pilipinas.

"Oo na, kasi yang kompanya ninyo ang isa sa pinaka-memorable place ko. Dahil d'yan kita unang nakilala." nakangiti niyang saad.

"Oo na, s'ya sige na at baka magka-dramahan pa tayo rito. Papunta na rin kami riyan, buti nga naisipan ni boss pumunta. Ayaw sana nitong pumunta dahil tambak ang trabaho niya. See you!" paalam nito sa kabilang linya.

"Okay, hintayin ka namin dito."

Pinatay na niya ang cellphone saka inilagay

sa kanyang bag.

"Son, hintay.. - " Napalingon si Anastasia sa kanyang paligid.

Ngunit hindi niya makita ang kanyang anak. Binalingan niya si Jeremy na abala

sa panonood ng mga mascots na nasa kanilang harapan.

"Jeremy nak, nakita mo ba si Ashton?" tanong niya sa bata.

"No tita, hindi ko po napansin." para

siyang binuhusan ng malamig na tubig. Napakaraming tao sa loob paano niya

mahanap ang kanyang anak. Bigla nalang tumulo ang kanyang mga luha.

"Let's go, hanapin natin siya!" sumunod naman ito sa kanya na nag-aalala ang mukha.

Lakad-takbo ang ginawa nilang dalawa ngunit hindi pa rin nila mahanap ang kanyang

anak. Sinisi niya ang kanyang sarili dahil sa kanyang kapabayaan.

"Don't worry po tita, makikita rin po natin si Tonton." mabining saad ni Jeremy.

"Yes, nak!" umiiyak niyang sagot.

Napakalaking building saan ba niya ito hahanapin. Nagtanong-tanong siya sa mga nakakasalubong na mga tao ngunit walang nakakita sa kanyang anak. Lumabas sila sa entrance ngunit wala silang makitang mukha ni Ashton. Pakiramdam niya hihimatayin siya sa sobrang pag-aalala. Naramdaman niya ang malamig na kamay ni Jeremy.

"Sana hindi nalang ako nagpumilit pumunta rito tita. Hindi sana nawala si Tonton." tumutulo ang luha na saad ng bata. Niyakap ito ni Anastasia nang mahigpit.

"No! It's not your fault. Kasalanan ko dahil naging pabaya ako." sagot niya habang walang humpay ang pagtulo ng kanyang mga luha. Muli s'yang napatingn sa loob. Paroo't parito ang mga tao, nagkalat rin ang mga bata na nag-enjoy sa panonood sa mga mascots. Pakiramdam ni Anastasia para s'yang lantang-gulay dahil wala ng lakas ang kanyang mga tuhod ng mga oras na iyon.

"Anak! Tonton, anak asan kana ba?!"

Bulong n'ya habang ginalugad ng tingin ang paligid nila.

Samakatuwid, pagbaba ni Vance ng sasakyan sa harapan ng Eries Building. Agad s'yang namataan ng mga reporters, kaya nagsilapitan ang mga ito. Inayos niya muna ang suot na suit at necktie saka humakbang papasok sa entrance. Wala s'ya sa mood na sumagot sa mga sari-saring tanong ng mga reporters. Nabungaran nila ang nagkalat na mga tao sa malaking bulwagan ng building. Isa ito sa malaking event na gaganapin para sa nalalapit na anniversary ng kompanya. Ang lahat ng malilikom na pera mula sa event at sa auction ngayong araw ay ilalagak sa foundation ng VM Group. May event din na gaganapin para sa mga kabataan na libre.

"Excuse me, Mr. Enriquez!" biglang nagsalita ang kanyang secretary habang naglalakad sila patungo sa private elevator. Siya at ang kanyang kapatid lang ang dapat gumamit sa elevator na iyon.

"Yes, Joyce?"

"Pwede po bang sumaglit muna ako sandali sa lobby? Nandito kasi ang kaibigan ko at ang anak ko a-attend ng event para sa mga bata." paalam nito sa kanya.

"No problem, kasama ko naman si Tim." sagot niya.

"Thank you, Mr. Enriquez."

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Author Pem
luv their friendship
goodnovel comment avatar
Anne Marie
exciting part
goodnovel comment avatar
Amy Pandaan
what a mystey going on
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 6 - Vance found Ashton

    Pagdating nila sa tapat ng elevator. Namataan niya ang isang bata, nakatalikod ito sa kanila at halatang umiiyak. Napatingin siya kay Tim. Agad naman nitong na-gets ang ibig niyang sabihin. Nilapitan ni Tim ang bata. Nagulat si Tim at saka napatingin sa kanya. Isang kibit-balikat lang ang sagot niya rito. "Ask him, what happened." saad niya. Nagtaka siya nang tumayo ito at lumapit sa kanya. "Mr. Enriquez, may anak po ba kayo na hindi n'yo alam?" napatingin siya bigla rito. "What are you talking about?! Paano ako magkakaanak ni girlfriend nga wala!" sagot niya rito. Sumenyas si Tim at itinuro ang batang umiiyak.Napailing na nilapitan niya ang bata. "Kid!" Tumingala ang bata sa kanya habang hilam ang mga mata sa luha. Bigla siyang napaatras mula sa kanyang kinatatayuan. Napalingon siya sa paligid. Mabuti nalang at walang nakapansin na mainstream media sa kinaroroonan nila. Dahil kung mangyari mang meron, malaking pasabog na naman nila ito. Ang ayaw n'ya sa lahat ay ang pagpiy

    Huling Na-update : 2022-08-07
  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 7 - The face-off

    Abala sina Vance at Vincent sa pakikipag-usap sa walong director. Dahil malawak ang opisina ni Vance doon na lamang niya kinausap ang mga ito. Nanatili namang nakaupo si Ashton sa tabi niya habang naglalaro sa kanyang ipad.Palihim n'ya itong sinusulyap. Napansin n'ya ang mga galaw nito ay katulad rin sa kanya. Gaya nalang ng paglagay ng dalawang daliri sa labi, pag-upo na naka-ekis ang mga binti. Nawala na ang kanyang atensiyon sa pinag-uusapan nila. Napansin ni Mr. Reyes ang panaka-nakang sulyap n'ya sa batang nakaupo sa tabi. Alam n'ya na may iniisip ito ngunit walang lakas ng loob na magtanong sa kanya. Kaya minabuti n'yang tapusin ang meeting. Mayamaya pag-alis ng mga director, naiwan sila sa opisina kasama ang bata. "Wala pa ba ang magulang nito?" tanong niya sa kanyang kapatid. Napalingon si Vincent na abala sa cell phone nito. "Paakyat na raw sila kanina sabi ng security sa baba." sagot nito sabay ngiti. "Curios ka ano?! Kung sino ang nanay ng bata." Napailing na lan

    Huling Na-update : 2022-08-08
  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 8 - Vance discovered Ashton's birthmark

    Pakiramdam ni Anastasia, pulang-pula ang kanyang mukha sa hiya. Nakayuko siya habang nakatayo sa likuran ng kanyang anak. "I am very sorry, Mr. Enriquez!" paghingi niya ng pasensya sa lalaki. Hindi ito kumibo nanatiling nakatayo at nakahawak sa kamay ni Ashton. Napalingon siya sa kanyang kaibigan nagkibit-balikat lamang ito sa kanya. Sinulyapan n'ya ang lalaking nakatayo sa kanyang harapan. Wearing a dark blue suit and white shirt underneath with matching maroon tie. He is outstandingly handsome and robust, very masculine. Naipilig n'ya ang kanyang ulo sa mga naiisip. Napansin ni Joyce ang kanyang pagkabalisa kaya sinundot nito ang kanyang tagiliran. Pinandilatan niya ito ng mata. Pababa ang elevator sa basement parking area. Habang naglalakad sila patungo sa sasakyan nito. May tinawagan ito at seryoso ang mukha habang nakikipag-usap sa cellphone. "I need the result immediately." narinig niyang utos nito sa kausap sa cellphone. Ewan kong bakit nakaramdam siya nang takot sa lalak

    Huling Na-update : 2022-08-09
  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 9 - The DNA Test

    Habang nasa daan pabalik ng kanyang opisina sa VM Group. Nakatanggap si Vance ng tawag mula sa kanyang assistant. "Tim, may problema ba?" "Sir, lumabas na po ang resulta saan ko ito ihahatid?" Sagot nito mula sa kabilang linya. "Sa office, I'm on my way now. Hintayin mo ako riyan," wika niya. This is it, lahat ng pagdududa ko ay mabigyan nang kasagutan. Pero paano kung maging totoo ang kanyang kutob. Ano ang gagawin niya? Napahawak si Vance sa kanyang bibig habang nakatingin sa labas ng sasakyan.Mayamaya, tumunog ang kanyang cell phone. Isang message mula kay Vincent. Pag-open niya sa pinasa nitong link, bumungad ang picture nilang dalawa ni Ashton. May nakalagay pa na caption, 'MAY NAKATAGO NGA BANG PAMILYA ANG SIKAT NA BUSINESSMAN NA SI VANCE MICHAEL ENRIQUEZ?' sa baba niyon maraming nag-comment. Ang iba ay pinuri si Ashton dahil sa ka-gwapohan nito kaya agad siyang napangiti. Ngunit binawi naman ito ng sumunod na komento. 'Baka bastardo niya ang bata kaya n'ya itinago dahil

    Huling Na-update : 2022-08-10
  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 10 - Vance got jealous

    Pasado alas-otso nang dumating si Vance sa club. Hindi na sumabay sa kanya si Vincent dahil kasama nito ang girlfriend na si Karina isang sikat na artista. Ang buong akala niya walang kasama ang dalawa niyang kaibigan dahil siya ang nag-aya na lumabas ngayong gabi. Ngunit nasa pintuan pa lamang siya, matiyaga niyang pinagmasdan ang mga kaibigan na may kanya-kanyang katabi na nobya. "Hindi ata ako na-inform. Sana dinala ko na rin ang kasambahay ko!" Nagkatawanan ang mga mapang-asar niyang kaibigan. Napailing na nilapitan niya ang mga ito saka kinamayan isa-isa. Dahil nasa gitna nalang ang natirang bakante na upuan doon na lang siya pumuwesto. "Once in a lifetime lang kasi na mag-aya kang lumabas. Kaya nagdala kami ng kasama. Akala namin may ipapakilala kana sa amin e!" biro sa kanya ni Samuel. Napansin niyang malagkit ang pagkatitig sa kanya ng girlfriend ni Rex. Isa itong modelo. Alam niya na itinuring lamang itong s*xmate ni Rex, hindi naman seryoso ang kanyang kaibigan dito

    Huling Na-update : 2022-08-11
  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 11 - His invitation

    Anastasia starts her day with a fresh mind and soul. Pa kanta-kanta pa siya habang naghahanda ng kanilang agahan. Kaya ang kanyang pilyang kaibigan ay napansin kaagad ang kanyang awra. "Umagang kayganda o aking kaibigan. Ngayon ay iyong simulan, ang kwento ng inyong pagmamahalan, naks!" natatawa si Anastasia sa inimbentong kanta ni Joyce. Kay aga-agang nangungulit sa kanya. "Oi, mahal kuwento mo na! Ako'y naghihintay sa iyong kwento! Paano mo nakilala si boss?" habang abala siya sa pagluluto ng agahan nila. Nakabantay ito sa kanya at sinusundot siya sa tagiliran. "Ang kulit e, sinabi ko nga sa'yo di ba, na siya yung naghatid sa akin noong nakaraang gabi." inirapan niya ito saka iniwan upang maglatag ng plato sa mesa. Sandaling katahimikan ang namayani sa kusina. Nagpatuloy siya sa ginagawa kaya hindi niya napansin ang paglaki ng mga mata nito sa gulat. "Jinjah? (Totoo?), Ooo my goodness!" hindi makapaniwala nitong sagot. Dahil sa kaadikan nito sa kdrama kaya natuto itong m

    Huling Na-update : 2022-08-13
  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 12 - Marga's Past

    Galit na pinunit ni Marga ang diyaryong hawak na iniabot ng kanyang PA sa kanya. Nakaharap siya sa malaking salamin sa loob ng kanyang dressing room. Napapaloob sa balita ang tungkol kay Vance Michael Enriquez na hawak ang kamay ng isang bata katabi nito si Anastasia. Matagal na siyang walang balita rito kaya hindi siya makapaniwala na makikita ito sa news kasama ang lalaking pinapangarap ng karamihan lalo na siya. "How could this happened? Akala ko napadpad na siya sa dulo ng Pilipinas. Ngunit bakit narito pa rin siya sa Maravilis? Ang tibay mo rin talaga Anastasia!" nanggagalaiti siya sa galit. Nagtatakang napatingin sa kanya ang mga stylists na naroon sa loob ng kwarto niya. Kaya lalong umusbong ang kanyang galit. "What?!" Nagulat ang mga ito sa biglang pagsigaw niya. "Gooo out!" taboy niya sa mga ito. Mabilis pa sa alas kwarto ang mga kilos ng mga ito. Kaya kahit ang kanyang PA na si Elna ay nagtaka at binalingan siya. "What happened to you Marga? Tinakot mo silang

    Huling Na-update : 2022-08-14
  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 13 - Vance dinner with Carol

    "Ano? Ayaw ko nga, nakakahiyang pumunta roon ano ka ba! Hindi naman ako employee ng kompanya ninyo." sagot ni Anastasia sa kanyang kaibigan. Sino ba naman ang hindi magugulat na iimbitahin ka sa founding anniversary ng kompanya nila, ni hindi nga siya empleyado roon. "Naku gurl, Presidente po ng kompanya ang nag-imbita saiyo. Kaya hindi ka na pwedeng tumanggi pa. Basta ang sabi niya sa akin dalhin ko rin ang dalawang bata. Siya na raw ang bahala sa susuotin natin." napamulagat si Anastasia sa narinig. "Baliw na talaga ang lalaking iyan. Ano ba talaga ang kailangan niya sa akin." napapangiti naman si Joyce habang nakatitig sa kanya. "Bakit? May masama ba sa sinabi ko?" nakataas ang isang kilay na tanong niya sa kaibigan. "Wala siyempre, pero alam ko namang kinikilig ka. Kaya please pumayag ka na kasi, nakakatakot kaya mawalan ng trabaho ngayong panahon." malungkot ang mukha na saad nito. "Naku Joyce, umayos-ayos ka. Pinagluluko mo na naman ako. Matagal pa naman iyon, kaya

    Huling Na-update : 2022-08-15

Pinakabagong kabanata

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 38 - Secrets revelation

    “Anong ginagawa mo rito?” Sita ni Lucas kay Jane nang maabutan niya itong naghihintay sa pagdating ni Ashton. Alam niyang may binabalak itong gawin kaya todo bantay siya sa mga galaw nito simula pa kahapon. Pinandilatan siya nito ng mata. “Ano ka ba! Ikaw na nga itong tinutulungan ikaw pa may ganang manita d'yan.” Asik nito sa kanya. Napaismid si Lucas sa sinabi ng babae. “Para sa akin? O, para sa'yo! Ginamit mo pa talaga ako. Aminin mo na kasi na may gusto ka sa kanya.” Nakangiting biro niya rito. Maganda naman si Jane, pero hindi niya lang maipaliwanag kung bakit parang may parte rito na ayaw niya. Matagal na silang magkakilala since elementary days. Naalala niya noong kabataan nila na halos hindi na sila paghihiwalayin dahil kung saan siya pupunta ay nakasunod ito sa kanya. Wala naman siyang magawa kasi wala siyang naging kaibigan noon dahil sa mga isyu ng kanilang pamilya. Si Jane ang naging kasangga niya palagi sa tuwing umaalis siya ng bahay kapag naririnig niya nagtatalo a

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 37 - Unknown caller

    Halos kalahating oras nang nakatitig si Amber sa kisame ng kwarto. Blangko ang utak. Nakatakip sa kanyang katawan ang malaking quilts. Pagmulat niya ng mga mata kanina mag-isa nalang siya sa malamig at tahimik na kwarto. Tanging ang tunog ng kanyang cellphone ang naririnig niya sa mga oras na iyon. Notifications, hindi lang isa kundi marami dahil sunod-sunod. Ngunit wala pa rin siya sa huwisyo na abutin at buksan ang cellphone. Hindi kasi siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanyang buhay. Ang dati tahimik kasama ang kanyang kapatid ngayon hindi na niya maintindihan kung saan patungo. Hindi lang kasi simpleng dahilan ang pag-ayaw niya na makasama si Ashton habang-buhay kundi dahil na rin sa usapan nila ng mama nito. Wala siyang alam sa dahilan ng mama ni Ashton kung bakit ayaw nito sa kanya at bakit siya nito lihim na tinutulungan para makalaya.Nakaramdam siya ng lungkot nang mapagtanto na mag-isa lang siya sa kwarto paggising niya. Iniwan siya ni Ashton. Nakailang buntong-hininga

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 36 - The jealous Lucas

    Malalaki ang hakbang na binaybay ni Ashton ang mahabang pasilyo ng Paradise Hotel na pag-aari ng pamilya nila. Kahit late na kailangan niyang makausap ng personal ang agent na humawak sa kaso ni Julianna. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang kanyang nararamdaman, para bang pinaliguan siya ng yelo dahil kahit mga kamay niya namamanhid kaya saglit niya iyong pinag salikop. Mayamaya lang ay nakarating din siya sa lugar na pinag-usapan nila. Hindi na siya nagpaalam pa kay Amber dahil alam niyang naliligo ito. Habang naglalakad maraming staff ng Hotel ang nakakakilala sa kanya at bumati. Naabutan niya ang isang matikas ang pangangatawan na lalaki, nakatayo sa tabi ng landscape. Hindi kasi niya pwedeng papuntahin sa opisina niya rito dahil ayaw niyang makilala ito ng mga taong lihim niyang pina-imbestigahan. “Mr. Enriquez!” Bati nito sa kanya sabay lahad ng kamay. “May update kana, tama ba?” Tanong niya rito. “Positive sir! May ugnayan nga sila. Plano na rin nila ang

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 35 - Lets get married

    Kahit ilang beses nang subukan ni Amber na buksan ang pinto ng kwarto ay ayaw gumana ng card key niya. Sa pagkakaalam niya ay bukas pa sila magcheck-out. Inis na naglakad siya patungong elevator upang bumalik sa ibaba. Pagdating niya sa reception nagulat nalang siya na sinabi nitong na-upgrade raw ang kanyang kwarto. Nangunot ang kanyang noo habang inaabot ang card mula sa receptionist. Lalo itong nangunot nang mabasa ang Presidential Suit sa card. Litong-lito na humakbang siya pabalik sa elevator saka pinindot ang 45th floor. Sinong nagdala ng mga gamit niya roon? Hindi kaya si Jane? Or si…! “Oh my goodness!” Natatarantang mutawi ng kanyang bibig habang hindi mapakali sa loob ng elevator. “Huwag naman sanang tama ang nasa isipan ko, Lord.” Impit niyang dasal.Habang naglalakad sa hallway wala pa rin sa sarili si Amber. Kahit panaka-nakay namamangha siya sa kagandahan ng Hotel ngunit hindi na roon natuon ang kanyang pansin. Hindi niya mawari kung ano ang dapat isipin nang tumapat s

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 34 - Amber met Lucas

    Napahinto sa paghakbang si Amber ng mabasa ang pangalan ni Ashton sa screen ng kanyang cellphone. Agad niya iyong tinakpan bago pa makahalata si Jane. “Ahmm, Jane mauna ka na lang sa hotel, susunod nalang ako sagutin ko lang ‘to.” Tinaas niya ang cellphone na patuloy pa rin sa pagtunog.Tumango si Jane sa kanya. “Okay, wag kang magtagal baka maabutan ka ng ulan.” malambing nitong sagot bago tumalikod.May nakita siyang cottage na walang tao doon siya nagtungo saka sinagot ang tawag ni Ashton. “Where the h*ll are you now?” Bungad na sigaw ni Ashton sa kabilang linya.Inilayo niya sa tainga ang kanyang cellphone dahil parang mababasag ang kanyang eardrum sa lakas ng boses nito. “Ano ka ba! Ba't ka ba sumisigaw ha! Pwede naman tayong mag-usap ng mahinahon ah!” Naiiritang sagot niya rito. “Bakit ka sumama sa kanya riyan? Hindi ka talaga nag-iingat, Amber. Bakit ba ang tigas ng ulo mo ha!” Unti-unting huminahon ang boses ni Ashton sa kabilang linya.Nagtaka si Amber sa narinig.

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 33 - Who's the villains

    Nakatulala si Ashton habang nakatingin sa labas ng kanyang opisina. Sumasayaw ang mga puno sa labas dulot ng malakas na hangin at may kasamang malalaking patak ng ulan. Ayon sa balita may bagyo raw na parating kaya pinag-iingat ang lahat. Sa mga ganitong panahon sumasama ang kanyang pakiramdam, mas gustuhin pa niya ang mainitan sa labas kesa ganitong panahon. Nakailang salin na siya ng vodka sa kanyang baso ngunit pakiramdam niya ay walang epekto iyon sa kanya. Napatingin siya sa kanyang relo, limang minuto bago sumapit ang alas-sais ng gabi. Naghihintay pa rin siya ng call back mula kay Amber. Ilang araw na kasi mula noong dinala niya ito sa restaurant ni Julianna hindi pa rin ito nagparamdam sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit kay Jane pa ito nakipag tulungan sa imbestigasyon tungkol sa kaso ni Julianna at hindi sa kanya, wala ba itong tiwala sa kanya? Hindi niya inaasahan na pagkatapos ng lahat na meron sila naglilihim pa rin ito sa kanya. Naalala niya kung paano nawala

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 32 - Julliana's hiding place

    Dumeritso si Ashton sa opisina ni Jane sa dulong bahagi ng restaurant. Hindi niya namalayan na ang babaeng kasama ay wala sa kanyang likuran. Akmang bubuksan na niya ang pintuan ng mapansin na mag-isa lamang siya. Kumunot ang kanyang noo. Tinakasan ba siya ni Amber? Sigaw ng kanyang isipan. Muli siyang bumalik sa pinanggalingan upang hanapin ang babae, hindi pa naman siguro ito nakakalayo kung sakaling umalis man ito. Patingin-tingin siya sa paligid baka sakaling makita ito. Medyo abala pa naman ang restaurant ngayon at maraming customer na palabas at papasok. Sa dulong bahagi natanaw niya ang babaeng hinahanap, abala ito sa pagmamasid sa mga paintings na nakasabit sa dingding. Napailing na nilapitan niya ang babaeng walang pakialam sa kanyang piligid. Napansin niya na mahilig din ang dalaga sa mga obra ng mag-inang Garcia. Ilang beses na kasi niya itong nahuling nakatingin sa painting ng mga ito. Nakatayo s'ya sa likuran at ipinatong sa balikat nito ang kanan niyang kamay, ngunit par

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 31 - The restaurant

    Kinabukasan, araw ng Lunes balik trabaho na ulit si Amber. Mabigat ang kanyang pakiramdam ng bumangon s'ya kinahapunan. Nasulyapan n'ya ang alarm clock sa tabi ng kanyang higaan, alas-tres ng hapon. Alas-sais ng gabi ang pasok n'ya kaya may oras pa s'ya para maghanda. Para siyang lalagnatin dahil hindi siya nakatulog ng maayos. Litong-lito at naiinis siya kay Ashton dahil sa inasta nito sa harapan ng kanilang anak kahapon. Paika-ika siyang lumakad patungo sa maliit niyang banyo upang maghilamos. Pakiramdam niya para siyang zombie na naglalakad na walang kaluluwa. Mayamaya walang lakas na binuksan niya ang ref upang maghanap ng makain para sa kanyang tanghalian. Dismayadong napapikit na lamang siya ng walang makita sa loob ng kanyang ref kundi tubig na nasa pitsel at isang piraso ng itlog. Napahaplos s'ya sa kanyang leeg. Hindi nga pala siya naka pamalengke halos dalawang linggo na. Gutom pa naman siya dahil hindi s'ya nakapag-agahan kanina. Humakbang s'ya patungo sa mesa upang tingn

  • Ang Lihim ni Anastasia    Chapter 30 - The jealous guy

    Another tiresome day para kay Ashton. It's been a week since the last time na nagkita sila ni Amber. Ang pagkikita nila sa restaurant ay naging issue sa social media kinabukasan. Hindi niya akalain na marami palang nakakuha ng videos sa kanila dahil naroon si Soleen Marasigan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin n'ya maintindihan kung bakit hindi pumayag si Amber sa hiling niya rito na kasal. Nais na niyang makatakas sa mga plano ng kanyang ina. Ano man ang tinatagong dahilan ng kanyang ina kung bakit ayaw nitong pakasalan niya si Amber ay wala na siyang pakialam. Hindi na siya bata kaya ganun kalakas ang kanyang determinasyon na mag-asawa upang mabigyan ng kumpletong pamilya ang kanyang anak.Nasa malalim na pag-iisip si Ashton ng may kumatok sa pinto ng kanyang opisina. “Come in.”Seryosong mukha ni Luis ang bumungad sa pintuan. “May dapat kang malaman.”Nakakunot ang kanyang noo. “May taong lihim na nagbukas ng imbestigasyon sa kaso ni Julianna.” balita ni Luis sa kanya. Bigla si

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status