Habang nasa daan pabalik ng kanyang opisina sa VM Group. Nakatanggap si Vance ng tawag mula sa kanyang assistant. "Tim, may problema ba?" "Sir, lumabas na po ang resulta saan ko ito ihahatid?" Sagot nito mula sa kabilang linya. "Sa office, I'm on my way now. Hintayin mo ako riyan," wika niya. This is it, lahat ng pagdududa ko ay mabigyan nang kasagutan. Pero paano kung maging totoo ang kanyang kutob. Ano ang gagawin niya? Napahawak si Vance sa kanyang bibig habang nakatingin sa labas ng sasakyan.Mayamaya, tumunog ang kanyang cell phone. Isang message mula kay Vincent. Pag-open niya sa pinasa nitong link, bumungad ang picture nilang dalawa ni Ashton. May nakalagay pa na caption, 'MAY NAKATAGO NGA BANG PAMILYA ANG SIKAT NA BUSINESSMAN NA SI VANCE MICHAEL ENRIQUEZ?' sa baba niyon maraming nag-comment. Ang iba ay pinuri si Ashton dahil sa ka-gwapohan nito kaya agad siyang napangiti. Ngunit binawi naman ito ng sumunod na komento. 'Baka bastardo niya ang bata kaya n'ya itinago dahil
Pasado alas-otso nang dumating si Vance sa club. Hindi na sumabay sa kanya si Vincent dahil kasama nito ang girlfriend na si Karina isang sikat na artista. Ang buong akala niya walang kasama ang dalawa niyang kaibigan dahil siya ang nag-aya na lumabas ngayong gabi. Ngunit nasa pintuan pa lamang siya, matiyaga niyang pinagmasdan ang mga kaibigan na may kanya-kanyang katabi na nobya. "Hindi ata ako na-inform. Sana dinala ko na rin ang kasambahay ko!" Nagkatawanan ang mga mapang-asar niyang kaibigan. Napailing na nilapitan niya ang mga ito saka kinamayan isa-isa. Dahil nasa gitna nalang ang natirang bakante na upuan doon na lang siya pumuwesto. "Once in a lifetime lang kasi na mag-aya kang lumabas. Kaya nagdala kami ng kasama. Akala namin may ipapakilala kana sa amin e!" biro sa kanya ni Samuel. Napansin niyang malagkit ang pagkatitig sa kanya ng girlfriend ni Rex. Isa itong modelo. Alam niya na itinuring lamang itong s*xmate ni Rex, hindi naman seryoso ang kanyang kaibigan dito
Anastasia starts her day with a fresh mind and soul. Pa kanta-kanta pa siya habang naghahanda ng kanilang agahan. Kaya ang kanyang pilyang kaibigan ay napansin kaagad ang kanyang awra. "Umagang kayganda o aking kaibigan. Ngayon ay iyong simulan, ang kwento ng inyong pagmamahalan, naks!" natatawa si Anastasia sa inimbentong kanta ni Joyce. Kay aga-agang nangungulit sa kanya. "Oi, mahal kuwento mo na! Ako'y naghihintay sa iyong kwento! Paano mo nakilala si boss?" habang abala siya sa pagluluto ng agahan nila. Nakabantay ito sa kanya at sinusundot siya sa tagiliran. "Ang kulit e, sinabi ko nga sa'yo di ba, na siya yung naghatid sa akin noong nakaraang gabi." inirapan niya ito saka iniwan upang maglatag ng plato sa mesa. Sandaling katahimikan ang namayani sa kusina. Nagpatuloy siya sa ginagawa kaya hindi niya napansin ang paglaki ng mga mata nito sa gulat. "Jinjah? (Totoo?), Ooo my goodness!" hindi makapaniwala nitong sagot. Dahil sa kaadikan nito sa kdrama kaya natuto itong m
Galit na pinunit ni Marga ang diyaryong hawak na iniabot ng kanyang PA sa kanya. Nakaharap siya sa malaking salamin sa loob ng kanyang dressing room. Napapaloob sa balita ang tungkol kay Vance Michael Enriquez na hawak ang kamay ng isang bata katabi nito si Anastasia. Matagal na siyang walang balita rito kaya hindi siya makapaniwala na makikita ito sa news kasama ang lalaking pinapangarap ng karamihan lalo na siya. "How could this happened? Akala ko napadpad na siya sa dulo ng Pilipinas. Ngunit bakit narito pa rin siya sa Maravilis? Ang tibay mo rin talaga Anastasia!" nanggagalaiti siya sa galit. Nagtatakang napatingin sa kanya ang mga stylists na naroon sa loob ng kwarto niya. Kaya lalong umusbong ang kanyang galit. "What?!" Nagulat ang mga ito sa biglang pagsigaw niya. "Gooo out!" taboy niya sa mga ito. Mabilis pa sa alas kwarto ang mga kilos ng mga ito. Kaya kahit ang kanyang PA na si Elna ay nagtaka at binalingan siya. "What happened to you Marga? Tinakot mo silang
"Ano? Ayaw ko nga, nakakahiyang pumunta roon ano ka ba! Hindi naman ako employee ng kompanya ninyo." sagot ni Anastasia sa kanyang kaibigan. Sino ba naman ang hindi magugulat na iimbitahin ka sa founding anniversary ng kompanya nila, ni hindi nga siya empleyado roon. "Naku gurl, Presidente po ng kompanya ang nag-imbita saiyo. Kaya hindi ka na pwedeng tumanggi pa. Basta ang sabi niya sa akin dalhin ko rin ang dalawang bata. Siya na raw ang bahala sa susuotin natin." napamulagat si Anastasia sa narinig. "Baliw na talaga ang lalaking iyan. Ano ba talaga ang kailangan niya sa akin." napapangiti naman si Joyce habang nakatitig sa kanya. "Bakit? May masama ba sa sinabi ko?" nakataas ang isang kilay na tanong niya sa kaibigan. "Wala siyempre, pero alam ko namang kinikilig ka. Kaya please pumayag ka na kasi, nakakatakot kaya mawalan ng trabaho ngayong panahon." malungkot ang mukha na saad nito. "Naku Joyce, umayos-ayos ka. Pinagluluko mo na naman ako. Matagal pa naman iyon, kaya
Araw ngayon ng Biyernes kaya punuan na naman sa Infinite Club. Si Anastasia na abala sa pag-aasikaso sa mga costumer ay tamang ngiti ang kanyang sagot sa mga costumer ng club na bumabati sa kanya. Marami ang nais siyang maka-table. Ngunit walang pag-aatubiling tinanggihan niya ang mga ito. Pero minsan hindi maiwasan na mayroon talagang bastos na kahit ayaw niya ay pipilitin siyang paupuin sa tabi nito. "I'm sorry sir, waitress lang po talaga ako." aniya sa lalaki. Hinila siya nito, saka mabilis niyang naitabig ang kamay nito na nakahawak sa baywang niya. Mabilis siyang tumayo at bahagyang lumayo sa lalaki. "Alam mo Anastasia?! Masyado kang pakipot. Hindi ko alam kung bakit ayaw mong magpa-table. Nandidiri ka ba sa amin?" galit na tanong ng lalaki sa kanya. Kahit anak pa ng Governor ang lalaking ito hindi pa rin natitinag si Anastasia. "Hindi mo ata ako kilala, Anastasia!" saad nito at biglang hinablot ang kanyang kamay. "Remove your hand from her wrist!" Isang baritonong boses an
"Are you serious bro?" gulat na napatayo si Vincent sa kinauupuan nito. Nasa opisina niya ang tatlo ngayon. Hindi siya tinigilan ng mga ito sa kakukulit hangga't hindi siya magsalita. Kaya wala siyang magawa kundi ikwento ang lahat ng natuklasan niya. Dahil hindi sila makapaniwala sa mga ikinikilos niya. Nalaman kasi ng mga ito ang pag-imbita niya kay Anastasia sa darating na Founding Anniversary ng kompanya. Tumayo siya't kinuha ang envelope na nakatago sa loob ng drawer niya. Inilapag niya iyon sa mesa na nasa gitna nila saka umupo siya sa pang-isahang upuan malapit sa malaking bookshelf. "See it yourselves! Kaya hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala. Yan ang rason kung bakit hindi ko siya kayang pakiharapan noong gabing nagyaya akong lumabas. I discovered that we share the same birthmark too. Can you guys imagine that? All this years, I don't have any idea about my son's existence. Isn't it funny?" hilaw na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Nilapitan siya ni Vincent at ti
Hindi siya mapakali habang nasa kusina at naghahanda ng maiinom ni Vance. Napapikit siya habang inaalala ang kanyang hitsura kanina na may hawak pang itak na ginamit niya sa pagputol sa matataas na halaman sa likod-bahay. "Arggh!" Iniiling-iling niya ang kanyang ulo dahil sa hiyang bumabalot sa kanyang katawan. "What happened to you?" Nagulat pa siya sa biglang may nagsalita sa kanyang likuran. "Ano ka ba! Namumuro kana sa akin. Jusko naman Sir Vance, papatayin mo ako sa atake sa puso. Bumalik kana roon, huwag ka rito kasi makalat ang kusina namin. Baka mangamoy ka pa." pagtataboy niya sa lalaki. Ngunit sa halip na umalis, mas lalo pa itong lumapit sa kanya. Nakatayo siya sa tabi ng pang-apatan ang laki na mesa. "Kanina tinawagan mo akong Michael. Ngayon naman ay Sir Vance. Bukas makalawa ano na naman kaya." isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa mga labi nito. "Wala!" pagtataray niya. "I like it, when you call me Michael." saad nito habang mataman siyang tinitiga
Pagkarating ni Amber sa kanyang bahay pumasok sa kanyang isipan na tawagan si Lucas. Hindi na kasi siya nakapag paalam sa kaibigan dahil sa nagmamadaling umalis. Habang nasa biyahe siya kanina ay hindi mawala sa kanyang isipan ang boses ng babaeng tumawag sa kanya. Paano at saan nito nalaman ang kanyang number? Nung tawagan niya ito naka off na. Hindi niya alam kung totoo ba ang pinagsasabi nito or pinaglalaruan lamang siya. Pero paano nito nalaman kung saan siya naroroon. Bakit ayaw siya nitong pasamahin kay Ashton? Maraming tanong sa kanyang isipan na nais niyang malaman ang kasagutan ngunit… paano? Litong-lito na napasalampak si Amber sa kanyang higaan. Saglit siyang nawala sa isipin at nakatitig nalang sa kisame ng kanyang kwarto. Mayamaya tunog ng kanyang cellphone ang umagaw sa pagod niyang kaisipan. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi ng mabasa ang pangalan na rumihistro sa screen ng kanyang cellphone. “My love. How are you, baby?” Naiiyak niyang sambit. Hindi niya mapigil
“Anong ginagawa mo rito?” Sita ni Lucas kay Jane nang maabutan niya itong naghihintay sa pagdating ni Ashton. Alam niyang may binabalak itong gawin kaya todo bantay siya sa mga galaw nito simula pa kahapon. Pinandilatan siya nito ng mata. “Ano ka ba! Ikaw na nga itong tinutulungan ikaw pa may ganang manita d'yan.” Asik nito sa kanya. Napaismid si Lucas sa sinabi ng babae. “Para sa akin? O, para sa'yo! Ginamit mo pa talaga ako. Aminin mo na kasi na may gusto ka sa kanya.” Nakangiting biro niya rito. Maganda naman si Jane, pero hindi niya lang maipaliwanag kung bakit parang may parte rito na ayaw niya. Matagal na silang magkakilala since elementary days. Naalala niya noong kabataan nila na halos hindi na sila paghihiwalayin dahil kung saan siya pupunta ay nakasunod ito sa kanya. Wala naman siyang magawa kasi wala siyang naging kaibigan noon dahil sa mga isyu ng kanilang pamilya. Si Jane ang naging kasangga niya palagi sa tuwing umaalis siya ng bahay kapag naririnig niya nagtatalo a
Halos kalahating oras nang nakatitig si Amber sa kisame ng kwarto. Blangko ang utak. Nakatakip sa kanyang katawan ang malaking quilts. Pagmulat niya ng mga mata kanina mag-isa nalang siya sa malamig at tahimik na kwarto. Tanging ang tunog ng kanyang cellphone ang naririnig niya sa mga oras na iyon. Notifications, hindi lang isa kundi marami dahil sunod-sunod. Ngunit wala pa rin siya sa huwisyo na abutin at buksan ang cellphone. Hindi kasi siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanyang buhay. Ang dati tahimik kasama ang kanyang kapatid ngayon hindi na niya maintindihan kung saan patungo. Hindi lang kasi simpleng dahilan ang pag-ayaw niya na makasama si Ashton habang-buhay kundi dahil na rin sa usapan nila ng mama nito. Wala siyang alam sa dahilan ng mama ni Ashton kung bakit ayaw nito sa kanya at bakit siya nito lihim na tinutulungan para makalaya.Nakaramdam siya ng lungkot nang mapagtanto na mag-isa lang siya sa kwarto paggising niya. Iniwan siya ni Ashton. Nakailang buntong-hininga
Malalaki ang hakbang na binaybay ni Ashton ang mahabang pasilyo ng Paradise Hotel na pag-aari ng pamilya nila. Kahit late na kailangan niyang makausap ng personal ang agent na humawak sa kaso ni Julianna. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang kanyang nararamdaman, para bang pinaliguan siya ng yelo dahil kahit mga kamay niya namamanhid kaya saglit niya iyong pinag salikop. Mayamaya lang ay nakarating din siya sa lugar na pinag-usapan nila. Hindi na siya nagpaalam pa kay Amber dahil alam niyang naliligo ito. Habang naglalakad maraming staff ng Hotel ang nakakakilala sa kanya at bumati. Naabutan niya ang isang matikas ang pangangatawan na lalaki, nakatayo sa tabi ng landscape. Hindi kasi niya pwedeng papuntahin sa opisina niya rito dahil ayaw niyang makilala ito ng mga taong lihim niyang pina-imbestigahan. “Mr. Enriquez!” Bati nito sa kanya sabay lahad ng kamay. “May update kana, tama ba?” Tanong niya rito. “Positive sir! May ugnayan nga sila. Plano na rin nila ang
Kahit ilang beses nang subukan ni Amber na buksan ang pinto ng kwarto ay ayaw gumana ng card key niya. Sa pagkakaalam niya ay bukas pa sila magcheck-out. Inis na naglakad siya patungong elevator upang bumalik sa ibaba. Pagdating niya sa reception nagulat nalang siya na sinabi nitong na-upgrade raw ang kanyang kwarto. Nangunot ang kanyang noo habang inaabot ang card mula sa receptionist. Lalo itong nangunot nang mabasa ang Presidential Suit sa card. Litong-lito na humakbang siya pabalik sa elevator saka pinindot ang 45th floor. Sinong nagdala ng mga gamit niya roon? Hindi kaya si Jane? Or si…! “Oh my goodness!” Natatarantang mutawi ng kanyang bibig habang hindi mapakali sa loob ng elevator. “Huwag naman sanang tama ang nasa isipan ko, Lord.” Impit niyang dasal.Habang naglalakad sa hallway wala pa rin sa sarili si Amber. Kahit panaka-nakay namamangha siya sa kagandahan ng Hotel ngunit hindi na roon natuon ang kanyang pansin. Hindi niya mawari kung ano ang dapat isipin nang tumapat s
Napahinto sa paghakbang si Amber ng mabasa ang pangalan ni Ashton sa screen ng kanyang cellphone. Agad niya iyong tinakpan bago pa makahalata si Jane. “Ahmm, Jane mauna ka na lang sa hotel, susunod nalang ako sagutin ko lang ‘to.” Tinaas niya ang cellphone na patuloy pa rin sa pagtunog.Tumango si Jane sa kanya. “Okay, wag kang magtagal baka maabutan ka ng ulan.” malambing nitong sagot bago tumalikod.May nakita siyang cottage na walang tao doon siya nagtungo saka sinagot ang tawag ni Ashton. “Where the h*ll are you now?” Bungad na sigaw ni Ashton sa kabilang linya.Inilayo niya sa tainga ang kanyang cellphone dahil parang mababasag ang kanyang eardrum sa lakas ng boses nito. “Ano ka ba! Ba't ka ba sumisigaw ha! Pwede naman tayong mag-usap ng mahinahon ah!” Naiiritang sagot niya rito. “Bakit ka sumama sa kanya riyan? Hindi ka talaga nag-iingat, Amber. Bakit ba ang tigas ng ulo mo ha!” Unti-unting huminahon ang boses ni Ashton sa kabilang linya.Nagtaka si Amber sa narinig.
Nakatulala si Ashton habang nakatingin sa labas ng kanyang opisina. Sumasayaw ang mga puno sa labas dulot ng malakas na hangin at may kasamang malalaking patak ng ulan. Ayon sa balita may bagyo raw na parating kaya pinag-iingat ang lahat. Sa mga ganitong panahon sumasama ang kanyang pakiramdam, mas gustuhin pa niya ang mainitan sa labas kesa ganitong panahon. Nakailang salin na siya ng vodka sa kanyang baso ngunit pakiramdam niya ay walang epekto iyon sa kanya. Napatingin siya sa kanyang relo, limang minuto bago sumapit ang alas-sais ng gabi. Naghihintay pa rin siya ng call back mula kay Amber. Ilang araw na kasi mula noong dinala niya ito sa restaurant ni Julianna hindi pa rin ito nagparamdam sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit kay Jane pa ito nakipag tulungan sa imbestigasyon tungkol sa kaso ni Julianna at hindi sa kanya, wala ba itong tiwala sa kanya? Hindi niya inaasahan na pagkatapos ng lahat na meron sila naglilihim pa rin ito sa kanya. Naalala niya kung paano nawala
Dumeritso si Ashton sa opisina ni Jane sa dulong bahagi ng restaurant. Hindi niya namalayan na ang babaeng kasama ay wala sa kanyang likuran. Akmang bubuksan na niya ang pintuan ng mapansin na mag-isa lamang siya. Kumunot ang kanyang noo. Tinakasan ba siya ni Amber? Sigaw ng kanyang isipan. Muli siyang bumalik sa pinanggalingan upang hanapin ang babae, hindi pa naman siguro ito nakakalayo kung sakaling umalis man ito. Patingin-tingin siya sa paligid baka sakaling makita ito. Medyo abala pa naman ang restaurant ngayon at maraming customer na palabas at papasok. Sa dulong bahagi natanaw niya ang babaeng hinahanap, abala ito sa pagmamasid sa mga paintings na nakasabit sa dingding. Napailing na nilapitan niya ang babaeng walang pakialam sa kanyang piligid. Napansin niya na mahilig din ang dalaga sa mga obra ng mag-inang Garcia. Ilang beses na kasi niya itong nahuling nakatingin sa painting ng mga ito. Nakatayo s'ya sa likuran at ipinatong sa balikat nito ang kanan niyang kamay, ngunit par
Kinabukasan, araw ng Lunes balik trabaho na ulit si Amber. Mabigat ang kanyang pakiramdam ng bumangon s'ya kinahapunan. Nasulyapan n'ya ang alarm clock sa tabi ng kanyang higaan, alas-tres ng hapon. Alas-sais ng gabi ang pasok n'ya kaya may oras pa s'ya para maghanda. Para siyang lalagnatin dahil hindi siya nakatulog ng maayos. Litong-lito at naiinis siya kay Ashton dahil sa inasta nito sa harapan ng kanilang anak kahapon. Paika-ika siyang lumakad patungo sa maliit niyang banyo upang maghilamos. Pakiramdam niya para siyang zombie na naglalakad na walang kaluluwa. Mayamaya walang lakas na binuksan niya ang ref upang maghanap ng makain para sa kanyang tanghalian. Dismayadong napapikit na lamang siya ng walang makita sa loob ng kanyang ref kundi tubig na nasa pitsel at isang piraso ng itlog. Napahaplos s'ya sa kanyang leeg. Hindi nga pala siya naka pamalengke halos dalawang linggo na. Gutom pa naman siya dahil hindi s'ya nakapag-agahan kanina. Humakbang s'ya patungo sa mesa upang tingn