"Are you serious bro?" gulat na napatayo si Vincent sa kinauupuan nito. Nasa opisina niya ang tatlo ngayon. Hindi siya tinigilan ng mga ito sa kakukulit hangga't hindi siya magsalita. Kaya wala siyang magawa kundi ikwento ang lahat ng natuklasan niya. Dahil hindi sila makapaniwala sa mga ikinikilos niya. Nalaman kasi ng mga ito ang pag-imbita niya kay Anastasia sa darating na Founding Anniversary ng kompanya. Tumayo siya't kinuha ang envelope na nakatago sa loob ng drawer niya. Inilapag niya iyon sa mesa na nasa gitna nila saka umupo siya sa pang-isahang upuan malapit sa malaking bookshelf. "See it yourselves! Kaya hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala. Yan ang rason kung bakit hindi ko siya kayang pakiharapan noong gabing nagyaya akong lumabas. I discovered that we share the same birthmark too. Can you guys imagine that? All this years, I don't have any idea about my son's existence. Isn't it funny?" hilaw na ngiti ang sumilay sa kanyang labi. Nilapitan siya ni Vincent at ti
Hindi siya mapakali habang nasa kusina at naghahanda ng maiinom ni Vance. Napapikit siya habang inaalala ang kanyang hitsura kanina na may hawak pang itak na ginamit niya sa pagputol sa matataas na halaman sa likod-bahay. "Arggh!" Iniiling-iling niya ang kanyang ulo dahil sa hiyang bumabalot sa kanyang katawan. "What happened to you?" Nagulat pa siya sa biglang may nagsalita sa kanyang likuran. "Ano ka ba! Namumuro kana sa akin. Jusko naman Sir Vance, papatayin mo ako sa atake sa puso. Bumalik kana roon, huwag ka rito kasi makalat ang kusina namin. Baka mangamoy ka pa." pagtataboy niya sa lalaki. Ngunit sa halip na umalis, mas lalo pa itong lumapit sa kanya. Nakatayo siya sa tabi ng pang-apatan ang laki na mesa. "Kanina tinawagan mo akong Michael. Ngayon naman ay Sir Vance. Bukas makalawa ano na naman kaya." isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa mga labi nito. "Wala!" pagtataray niya. "I like it, when you call me Michael." saad nito habang mataman siyang tinitiga
Natulala si Anastasia habang nakatitig sa eleganteng gown na nasa kanyang harapan. "Anastasia!"Pinukaw ni Joyce ang lumilitaw niyang diwa. Sa buong buhay niya ngayon lang siya makapagsuot ng ganito ka-eleganteng gown. "Joyce, bakit?"Tumaas ang isang kilay ni Joyce. "Kanina pa ako nagsasalita rito hindi ka pala nakikinig sa akin. Ano, hindi ka makapaniwala sa gown na nasa iyong harapan?"Inismiran niya ito at ibinalik ang atensiyon sa gown na nasa kanyang harapan. "Parang hindi ko kayang isuot 'to! Bakit ba siya gumasto nang malaki. Hay, nako naman talaga e!" humakbang si Anastasia patungo sa sofa at humilay roon saka muling natulala habang nakatitig sa gown na hinatid sa kanilang bahay. Gawa ito ng isa sa mga sikat na designer sa buong bansa, si Miss Andy Amorsolo. Kinalabit na naman siya ni Joyce. "Madam Anastasia, maghanda ka na po, dahil mayamaya darating na ang mag-aayos sa atin. Huwag mo nang isipin ang pera dahil wala lang iyan sa kalingkingan ng kayamanan ni Mr. Enriq
Huminga nang malalim si Anastasia ng tuluyang nakapasok sila sa venue. Bahagyang pinisil ni Vance ang kanyang kamay. Naging center of attention ang pagpasok nila sa bulwagan. Mayroong napaawang ang bibig dahil sa gulat. Marami ring bumati sa kanila na mga kilalang tao sa buong Pilipinas. Pinakilala naman siya ni Vance sa mga kausap nito na kasusyo sa negosyo. Maraming mga sikat na artista ang naroon lalo na ang mga naka-signed sa Eries Entertainment. Karamihan sa mga nakausap nila ay nagtatanong kung ano na nga ba ang estado nilang dalawa. Isang matamis na ngiti lang ang isinagot niya sa mga ito. Isang pisil naman sa kanyang kamay ang ginagawa ni Vance sa tuwing ngumingiti siya sa mga lalaking kanilang nakakaharap. "Huwag ka ngang masyadong ngumiti. Baka bago matapos ang gabi naagaw ka na nila sa akin, hmm?" bulong ni Vance sa kanya kapagkuwan. Inirapan niya lang ito. Alangan naman sisimangot siya sa harap ng mga bisita nito. Napahinga siya nang malalim sa naiisip. "Son!" Kapwa
Nag-aapoy sa galit ang mga mata ni Marga, habang pinagmamasdan si Anastasia na masayang nakikipag-usap sa pamilya ni Vance. Ilang taon na rin ang nakalipas mula noong pinalayas nila ito sa kanilang tahanan. Mula noon wala na silang balita rito. Ang buong akala niya ay tuluyan na itong nawala sa landas niya. Ngunit ngayong gabi napatunayan niya na malakas din pala ang kamandag nito. Dahil nagawa nitong akitin ang lalaking pinapangarap niya "How dare you, Anastasia!" bulong niya. "Relax, hindi pa tapos ang laban. Ano ka ba, hindi natin alam kung ano ang relasyon nila. Baka ginawa lang parausan yan ni Vance." wika ng kanyang kaibigan na si Alice. "Hindi ako papayag, Marga! Tinanggihan niya ako para lang sa babaeng iyan? No way!" saad naman ni Carol. Walang ideya si Carol na ang sarili nitong kaibigan ay mayroon ding pagnanasa sa lalaking pinagkaka-interesan niya. "Wait," Sabay silang napalingon kay Alice. "Nakita n'yo ba ang katabi niyang bata? Is that her son?" Napatingin
Pagdating ni Vance sa opisina. Agad niyang tinawagan ang tatlong bodyguard na inutusan niya upang bantayan sina Anastasia at Ashton. Nag-aalala siya sa seguridad ng mga ito in case na matunton ng mga reporter ang kinaroroonan ng mga ito. "Okay naman po sir, kaninang umaga hinatid niya po ang dalawang bata sa school." nakahinga siya ng maluwag sa narinig. Balak niyang kausapin si Joyce na papasukin na si Anastasia sa kompanya niya upang mabantayan niya ito. "Good! Thanks, Jerry."Ipinatong niya sa mesa ang kanyang cellphone saka humilay sa kanyang swivel chair. Mayamaya naging abala na siya sa nakatambak na papeles sa kanyang mesa. Saglit na nawala sa kanyang isipan ang tungkol sa pangungulit ng kanyang ama. Ngunit akala ni Vance ay makakaligtas na siya sa pang-uusisa ng kanyang ama. Dahil ginulat siya nito sa biglaang sulpot nito sa kanyang opisina. "Akala mo maiisahan mo na ako?" nakangiti itong umupo sa malapad na sofa. Inutusan niya si Joyce na gumawa nang tea para sa a
Wala sa sariling sinagot ni Anastasia ang kanyang cellphone. "Hello?!" "Anastasia?"Napatingin siya bigla kay Joyce pagkarinig niya sa boses nang tumawag. Kilala niya ang boses na iyon, dahil ito ang kinalakihan niyang boses. "T-tita Merideth?" nauutal niyang sagot. Naalala pa nito ang kanyang number? Napatingin naman si Joyce sa kanya pagkarinig nito sa pangalang sinambit niya. "Mabuti't naalala mo pa ako Anastasia! Kumusta ka na? Baka puwede naman tayong magkita anak, namimis na kita." malumanay nitong saad.Nagdalawang-isip naman si Anastasia kung maniniwala sa sinabi nito. Ngunit kailangan niyang harapin ang ina dahil hindi pwedeng magtago nalang siya, gayong wala naman siyang atraso sa mga ito.Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot. "Namimis ko na rin po kayong lahat."Hindi kaagad ito nakasagot mula sa kabilang linya. "Kung gayon, magkita naman tayo iha." narinig niyang saad nito. "Okay po, sabihin n'yo lang po kung saan tayo magkikita pupuntahan ko po kayo." sago
Warning : RATED SPGKahit anong tutol ng isipan ni Anastasia sa mga oras na iyon. Sadyang nadadala na siya sa mga halik ni Vance. Pumikit siya habang unti-unting binubuka ang kanyang bibig upang salubungin ang mainit nitong halik. Saglit niyang nakalimutan ang mga bagay na bumabalik sa kanyang isipan. Dahil para siyang nalalasing sa mga halik nito. Hindi niya namalayan na dahan-dahan na silang humakbang patungo sa naghihintay na malaking kama. Sumagi sa isipan ni Anastasia ang magkatulad na amoy nang hininga ni Vance at ng lalaki noon. Bigla siyang napatigil. Coincidence lang ba ang lahat? Nagulat naman si Vance sa biglaan niyang pagtigil. "What's wrong?"Napatingin siya sa lalaki. Ang gwapo nito, sobrang gwapo. Kaya hindi niya mapigilan ang mag-isip kung bakit siya ang pinili nitong babae. Sa kabila ng kanyang sitwasyon. "May naalala lang ako." kapwa sila nakaupo sa kama, magkahinang ang mga mata. Hinawakan niya at hinaplos ang mukha ni Vance. "Bakit ako, Michael? Marami na