Warning : RATED SPGKahit anong tutol ng isipan ni Anastasia sa mga oras na iyon. Sadyang nadadala na siya sa mga halik ni Vance. Pumikit siya habang unti-unting binubuka ang kanyang bibig upang salubungin ang mainit nitong halik. Saglit niyang nakalimutan ang mga bagay na bumabalik sa kanyang isipan. Dahil para siyang nalalasing sa mga halik nito. Hindi niya namalayan na dahan-dahan na silang humakbang patungo sa naghihintay na malaking kama. Sumagi sa isipan ni Anastasia ang magkatulad na amoy nang hininga ni Vance at ng lalaki noon. Bigla siyang napatigil. Coincidence lang ba ang lahat? Nagulat naman si Vance sa biglaan niyang pagtigil. "What's wrong?"Napatingin siya sa lalaki. Ang gwapo nito, sobrang gwapo. Kaya hindi niya mapigilan ang mag-isip kung bakit siya ang pinili nitong babae. Sa kabila ng kanyang sitwasyon. "May naalala lang ako." kapwa sila nakaupo sa kama, magkahinang ang mga mata. Hinawakan niya at hinaplos ang mukha ni Vance. "Bakit ako, Michael? Marami na
Mabilis na lumabas si Vance sa sasakyan pagkakita niyang tatakas sana si Anastasia nang makita siya nitong parating. Bago paman ito tuluyang makapasok sa bahay at isirado ang pinto naitulak na niya ito at mabilis na naiharang niya ang kanyang kamay. "Let's talk!" he said, seriously. Hindi naman nito tuluyang binuksan ang pinto. Nanatiling nakaawang ng kunti dahil baka nag-aalala itong maipit ang kanyang daliri. "We have nothing to talk about, Mr. Enriquez." she answered calmly. Bahagyang itinulak ni Vance ang pinto upang tuluyan siyang makapasok. Napaatras naman si Anastasia nang makita na papalapit sa kanya si Vance. "Wala nga ba? Huwag ka nang magkaila pa Anastasia. I know, sweetheart. Alam kong may alam ka na!" mahinang saad niya. Nag-umpisang nangilid ang luha sa mga mata't pisngi nito. Kinabig niya ito palapit sa kanya saka niyakap nang mahigpit. "My sweet. Oh my Anastasia! I'm so sorry for what happened five years ago. Nadala lang ako, dahil sa nag-iinit ang pak
Humahangos si Anastasia sa pagmamadali na makarating sa isang kilalang restaurant sa Maravilis, ang CJ Restaurant. Ito ang sinabi ng kanyang ina na lugar kung saan sila magkikita. Hindi siya nagpakita kaagad sa ina, dahil para siyang hindi makahinga ng maayos sa bilis ng pintig ng kanyang puso. Nang makaipon nang lakas inayos niya ang kanyang sarili bago naglakas-loob na humakbang sa pasilyo ng restaurant. Ngumiti siya sa mga staff na bumati sa kanya saka iginala ang kanyang mga mata sa paligid. Namataan naman niya kaagad ang hinahanap. Nasa tabi ito ng glass wall. Napangiti siya dahil pumuwesto talaga ito sa parteng gitna. Nanibago siya sa postura ng ina, dahil nakapa-sosyal na ang dating nito ngayon. May mga alahas na ito sa kamay at leeg maging ang mukha ay may kolorete na. Abala ito sa pag-inom ng orange juice habang naka-de-kuwatro ang mga binti, kaya hindi nito napansin ang pagdating niya. Mayamaya, umangat ang mukha nito nang huminto s'ya sa tabi nito. "Oh! Andito kana pala
Mainit ang ulo na lumabas si Marga mula sa opisina ni Kathleen. Napagbuntunan nang galit niya ang mga nakakasalubong na trainees. Binati siya ng mga ito, ngunit binulyawan niya sabay sabi ng 'tabi!' Kaya ang ibang naroon masama ang tingin sa kanya. Malaki rin ang agency ni Marga na ICY Entertainment. Pangalawa ito sa Eries Entertainment na pag-aari ng VM Group. Tatlong taon na siyang naka-signed dito. Siya rin ang tinaguriang big star ng agency dahil halos sa kanya ibinigay ang mga malalaking projects na dumarating. Kaya karamihan sa mga kasamahan niya ay galit sa kanya. Pagdating niya sa kanyang sasakyan, hindi pa siya nakakaupo nang maayos tumunog ang kanyang cellphone. "Mommy! Ano ba, kanina ka pa tawag ng tawag." bungad niya sa ina. "Ano na naman ba ang problema mo, bakit wala ka na naman sa mood?" tanong nito sa kanya. "Kasalanan 'to ng pinakamamahal mo na si Anastasia. Kailangan kung lunukin ang pride ko upang bumalik lahat sa dati ang buhay ko." bulyaw niya sa ina. "At b
Napalinga-linga si Anastasia sa paligid. Hindi ito ang daan putungo sa kanyang bahay. Nagtatakang nilingon ni Anastasia ang lalaking seryoso sa pagmamaneho. Nakatutok ang mga mata nito sa daan. Hinawakan niya ang braso nito. "Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ni Anastasia. Dahil ibang direksiyon ang kanilang binaybay na daan. Napansin niyang hindi pa rin sila nakakalabas ng Maravilis City. Nakita niya ang karatulang 'Private Property' nang dumaan sila sa security post. Hindi umimik si Vance nagpatuloy lang ito sa pagmamaneho. Mayamaya huminto ang Maybach na sinasakyan nila sa harap ng malaking bakal na gate. Napatingin siya kay Vance. "Bahay ninyo?" "Bahay ko!" pagtutuwid ni Vance sa sinabi niya. Pagbukas ng malaking gate, tumambad sa kanilang harapan ang mala-palasyong bahay na nakatirik sa gitna ng malapad na garden. Kahit gabi na ay kitang-kita pa rin ang magarang disenyo ng bahay.Napatakip siya a kanyang bibig sa sobrang pagkamangha sa bahay nito. "B-bahay mo
Kinaumagahan bumangon si Anastasia na magaan ang pakiramdam. Masaya siya dahil walang dumalaw sa kanyang pagtulog kagabi. Napatitig siya sa kisame nang may biglang maalala. Ang kanyang anak! "Gosh! Ashton anak, nako nakalimutan ko na ang anak ko!"Mabilis ang galaw na tinanggal niya ang pagkakayakap ng braso ni Vance sa katawan niya. Ngunit naramdaman ni Vance ang ginawa niya kaya hinila siya nito at pinahigang muli saka kinumotan. "Don't worry about Ash. Weekend ngayon, I asked Joyce to take care of him." bulong ni Vance habang nakapikit pa ang mga mata. "But...." Hindi na niya naituloy ang protesta nang hilain siya ni Vance palapit dito. Nakaunan siya sa braso nito saka kinulong sa maskulado nitong katawan. Nakaramdam siya nang reaksiyon sa kanyang katawan nang magkadikit ang kanilang mga katawan. Dahil wala itong damit pang-itaas, tanging boxer lang ang suot nito. Nahulaan ni Vance ang naglalaro sa isipan ni Anastasia. Hindi niya mapigilan ang mapangiti. Iminulat niya ang k
Alas-kuwatro palang ay nagising na si Anastasia dahil napakaimportanteng araw ito sa buhay niya. Agad siyang nagtungo sa kwarto ng kanyang anak. Naabutan niya itong mahimbing pa ring natutulog ngunit nasa paanan na ang kumot. Napangiti siya. Napakabilis lumipas ng panahon anim na taon na ang kanyang unico hijo. Parang kailan lang kalong-kalong niya pa ito at pinanggigilan ng mga kapit-bahay nila dahil sa kagwapohan nito. "Happy birthday, my love!" bulong niya sa anak na mahimbing na natutulog. Nais niyang s'ya ang pinakaunang tao na bumati sa kanyang anak. Hindi niya namalayan na sumunod sa likuran niya si Vance. Yumakap ito sa kanya saka inilapit ang mukha nito sa kanyang tainga. "Thank you so much, my sweet." bulong nito sa kanya. Ngumiti siya rito at hinaplos ang pisngi nito. "Ano po ang meron? Bakit po kayo narito sa kwarto ko?" Nagtatakang tanong ni Ashton sa kanila habang kinusot-kusot pa ang mata. Hindi nila namalayan ang pagmulat ng mga mata nito. "Happy birthday, an
Tanghaling tapat, bumiyahe si Merideth patungong Santa Catalina kung saan niya matagpuan ang kaibigan na si Rita. Kailangan niyang maka-usap ito upang malaman niya kung ano ang dapat gawin. Pagdating niya sa sentro ng Barangay Masigasig, madali nalang niyang nakita ang bahay ng pamilya nito. Pagdating niya roon, naabutan niyang nakaupo si Rita sa upuan na yari sa kawayan habang naghihimay ng gulay sa labas. Nagulat ito nang makita siya sa harapan ng bahay nito na nakatayo. "Meredith?"Ngumiti siya. "Akala ko nakalimutan mo na ako eh!" kunwari nagtatampo na sagot niya.Lumapit ito sa kanya saka siya niyakap nang mahigpit. "Kumusta ka na?"Pinaupo siya nito at pumasok ito sa loob upang kumuha ng isang basong tubig saka inabot sa kanya. "Ito okay pa rin naman." matipid niyang sagot.Nagkwentuhan sila tungkol sa kani-kanilang buhay. Halos pitong taon na rin silang walang balita sa isa't-isa. Sa kanilang barkada hindi siya masyadong malapit kay Riza dahil mas malapit ito sa isa nil
Matagal ng nakaalis ang kanyang anak pero nanatili pa ring nakatayo si Amber sa pintuan ng kanyang bahay. Naka ekis ang kanyang mga braso sa dibdib habang nakatingin sa kanyang bakuran. Ngayon lang niya napansin na matataas na pala ang mga halaman at damo sa paligid ng kanyang bahay. Matagal-tagal na rin kasi niyang hindi nabigyan ng pansin ito. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago pumasok muli sa kanyang kwarto.Bigla nalang sumagi sa kanyang isipan ang nakita kanina pagkatapos niyang naligo. Nasulyapan niya si Beth na nakatitig sa kanyang litrato na nakadikit sa dingding. Mukhang hindi pa ito kampante na titigan lang kundi inabot niya talaga ang frame na nakasabit. Kuha iyon noong siya ay anim na taon pa lamang. Kinunan siya ng litrato ng kanyang ama na si Ricardo habang nakatayo siya sa tabi ng carrousel. Kaarawan niya iyon. At sa araw ding iyon ay ipinagtapat sa kanya na hindi sila ang tunay niyang mga magulang. Kwento ng kanyang ina, natagpuan daw siya ng
Pagkarating ni Amber sa kanyang bahay pumasok sa kanyang isipan na tawagan si Lucas. Hindi na kasi siya nakapag paalam sa kaibigan dahil sa nagmamadaling umalis. Habang nasa biyahe siya kanina ay hindi mawala sa kanyang isipan ang boses ng babaeng tumawag sa kanya. Paano at saan nito nalaman ang kanyang number? Nung tawagan niya ito naka off na. Hindi niya alam kung totoo ba ang pinagsasabi nito or pinaglalaruan lamang siya. Pero paano nito nalaman kung saan siya naroroon. Bakit ayaw siya nitong pasamahin kay Ashton? Maraming tanong sa kanyang isipan na nais niyang malaman ang kasagutan ngunit… paano? Litong-lito na napasalampak si Amber sa kanyang higaan. Saglit siyang nawala sa isipin at nakatitig nalang sa kisame ng kanyang kwarto. Mayamaya tunog ng kanyang cellphone ang umagaw sa pagod niyang kaisipan. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi ng mabasa ang pangalan na rumihistro sa screen ng kanyang cellphone. “My love. How are you, baby?” Naiiyak niyang sambit. Hindi niya mapigil
“Anong ginagawa mo rito?” Sita ni Lucas kay Jane nang maabutan niya itong naghihintay sa pagdating ni Ashton. Alam niyang may binabalak itong gawin kaya todo bantay siya sa mga galaw nito simula pa kahapon. Pinandilatan siya nito ng mata. “Ano ka ba! Ikaw na nga itong tinutulungan ikaw pa may ganang manita d'yan.” Asik nito sa kanya. Napaismid si Lucas sa sinabi ng babae. “Para sa akin? O, para sa'yo! Ginamit mo pa talaga ako. Aminin mo na kasi na may gusto ka sa kanya.” Nakangiting biro niya rito. Maganda naman si Jane, pero hindi niya lang maipaliwanag kung bakit parang may parte rito na ayaw niya. Matagal na silang magkakilala since elementary days. Naalala niya noong kabataan nila na halos hindi na sila paghihiwalayin dahil kung saan siya pupunta ay nakasunod ito sa kanya. Wala naman siyang magawa kasi wala siyang naging kaibigan noon dahil sa mga isyu ng kanilang pamilya. Si Jane ang naging kasangga niya palagi sa tuwing umaalis siya ng bahay kapag naririnig niya nagtatalo a
Halos kalahating oras nang nakatitig si Amber sa kisame ng kwarto. Blangko ang utak. Nakatakip sa kanyang katawan ang malaking quilts. Pagmulat niya ng mga mata kanina mag-isa nalang siya sa malamig at tahimik na kwarto. Tanging ang tunog ng kanyang cellphone ang naririnig niya sa mga oras na iyon. Notifications, hindi lang isa kundi marami dahil sunod-sunod. Ngunit wala pa rin siya sa huwisyo na abutin at buksan ang cellphone. Hindi kasi siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanyang buhay. Ang dati tahimik kasama ang kanyang kapatid ngayon hindi na niya maintindihan kung saan patungo. Hindi lang kasi simpleng dahilan ang pag-ayaw niya na makasama si Ashton habang-buhay kundi dahil na rin sa usapan nila ng mama nito. Wala siyang alam sa dahilan ng mama ni Ashton kung bakit ayaw nito sa kanya at bakit siya nito lihim na tinutulungan para makalaya.Nakaramdam siya ng lungkot nang mapagtanto na mag-isa lang siya sa kwarto paggising niya. Iniwan siya ni Ashton. Nakailang buntong-hininga
Malalaki ang hakbang na binaybay ni Ashton ang mahabang pasilyo ng Paradise Hotel na pag-aari ng pamilya nila. Kahit late na kailangan niyang makausap ng personal ang agent na humawak sa kaso ni Julianna. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang kanyang nararamdaman, para bang pinaliguan siya ng yelo dahil kahit mga kamay niya namamanhid kaya saglit niya iyong pinag salikop. Mayamaya lang ay nakarating din siya sa lugar na pinag-usapan nila. Hindi na siya nagpaalam pa kay Amber dahil alam niyang naliligo ito. Habang naglalakad maraming staff ng Hotel ang nakakakilala sa kanya at bumati. Naabutan niya ang isang matikas ang pangangatawan na lalaki, nakatayo sa tabi ng landscape. Hindi kasi niya pwedeng papuntahin sa opisina niya rito dahil ayaw niyang makilala ito ng mga taong lihim niyang pina-imbestigahan. “Mr. Enriquez!” Bati nito sa kanya sabay lahad ng kamay. “May update kana, tama ba?” Tanong niya rito. “Positive sir! May ugnayan nga sila. Plano na rin nila ang
Kahit ilang beses nang subukan ni Amber na buksan ang pinto ng kwarto ay ayaw gumana ng card key niya. Sa pagkakaalam niya ay bukas pa sila magcheck-out. Inis na naglakad siya patungong elevator upang bumalik sa ibaba. Pagdating niya sa reception nagulat nalang siya na sinabi nitong na-upgrade raw ang kanyang kwarto. Nangunot ang kanyang noo habang inaabot ang card mula sa receptionist. Lalo itong nangunot nang mabasa ang Presidential Suit sa card. Litong-lito na humakbang siya pabalik sa elevator saka pinindot ang 45th floor. Sinong nagdala ng mga gamit niya roon? Hindi kaya si Jane? Or si…! “Oh my goodness!” Natatarantang mutawi ng kanyang bibig habang hindi mapakali sa loob ng elevator. “Huwag naman sanang tama ang nasa isipan ko, Lord.” Impit niyang dasal.Habang naglalakad sa hallway wala pa rin sa sarili si Amber. Kahit panaka-nakay namamangha siya sa kagandahan ng Hotel ngunit hindi na roon natuon ang kanyang pansin. Hindi niya mawari kung ano ang dapat isipin nang tumapat s
Napahinto sa paghakbang si Amber ng mabasa ang pangalan ni Ashton sa screen ng kanyang cellphone. Agad niya iyong tinakpan bago pa makahalata si Jane. “Ahmm, Jane mauna ka na lang sa hotel, susunod nalang ako sagutin ko lang ‘to.” Tinaas niya ang cellphone na patuloy pa rin sa pagtunog.Tumango si Jane sa kanya. “Okay, wag kang magtagal baka maabutan ka ng ulan.” malambing nitong sagot bago tumalikod.May nakita siyang cottage na walang tao doon siya nagtungo saka sinagot ang tawag ni Ashton. “Where the h*ll are you now?” Bungad na sigaw ni Ashton sa kabilang linya.Inilayo niya sa tainga ang kanyang cellphone dahil parang mababasag ang kanyang eardrum sa lakas ng boses nito. “Ano ka ba! Ba't ka ba sumisigaw ha! Pwede naman tayong mag-usap ng mahinahon ah!” Naiiritang sagot niya rito. “Bakit ka sumama sa kanya riyan? Hindi ka talaga nag-iingat, Amber. Bakit ba ang tigas ng ulo mo ha!” Unti-unting huminahon ang boses ni Ashton sa kabilang linya.Nagtaka si Amber sa narinig.
Nakatulala si Ashton habang nakatingin sa labas ng kanyang opisina. Sumasayaw ang mga puno sa labas dulot ng malakas na hangin at may kasamang malalaking patak ng ulan. Ayon sa balita may bagyo raw na parating kaya pinag-iingat ang lahat. Sa mga ganitong panahon sumasama ang kanyang pakiramdam, mas gustuhin pa niya ang mainitan sa labas kesa ganitong panahon. Nakailang salin na siya ng vodka sa kanyang baso ngunit pakiramdam niya ay walang epekto iyon sa kanya. Napatingin siya sa kanyang relo, limang minuto bago sumapit ang alas-sais ng gabi. Naghihintay pa rin siya ng call back mula kay Amber. Ilang araw na kasi mula noong dinala niya ito sa restaurant ni Julianna hindi pa rin ito nagparamdam sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit kay Jane pa ito nakipag tulungan sa imbestigasyon tungkol sa kaso ni Julianna at hindi sa kanya, wala ba itong tiwala sa kanya? Hindi niya inaasahan na pagkatapos ng lahat na meron sila naglilihim pa rin ito sa kanya. Naalala niya kung paano nawala
Dumeritso si Ashton sa opisina ni Jane sa dulong bahagi ng restaurant. Hindi niya namalayan na ang babaeng kasama ay wala sa kanyang likuran. Akmang bubuksan na niya ang pintuan ng mapansin na mag-isa lamang siya. Kumunot ang kanyang noo. Tinakasan ba siya ni Amber? Sigaw ng kanyang isipan. Muli siyang bumalik sa pinanggalingan upang hanapin ang babae, hindi pa naman siguro ito nakakalayo kung sakaling umalis man ito. Patingin-tingin siya sa paligid baka sakaling makita ito. Medyo abala pa naman ang restaurant ngayon at maraming customer na palabas at papasok. Sa dulong bahagi natanaw niya ang babaeng hinahanap, abala ito sa pagmamasid sa mga paintings na nakasabit sa dingding. Napailing na nilapitan niya ang babaeng walang pakialam sa kanyang piligid. Napansin niya na mahilig din ang dalaga sa mga obra ng mag-inang Garcia. Ilang beses na kasi niya itong nahuling nakatingin sa painting ng mga ito. Nakatayo s'ya sa likuran at ipinatong sa balikat nito ang kanan niyang kamay, ngunit par