Kinaumagahan bumangon si Anastasia na magaan ang pakiramdam. Masaya siya dahil walang dumalaw sa kanyang pagtulog kagabi. Napatitig siya sa kisame nang may biglang maalala. Ang kanyang anak! "Gosh! Ashton anak, nako nakalimutan ko na ang anak ko!"Mabilis ang galaw na tinanggal niya ang pagkakayakap ng braso ni Vance sa katawan niya. Ngunit naramdaman ni Vance ang ginawa niya kaya hinila siya nito at pinahigang muli saka kinumotan. "Don't worry about Ash. Weekend ngayon, I asked Joyce to take care of him." bulong ni Vance habang nakapikit pa ang mga mata. "But...." Hindi na niya naituloy ang protesta nang hilain siya ni Vance palapit dito. Nakaunan siya sa braso nito saka kinulong sa maskulado nitong katawan. Nakaramdam siya nang reaksiyon sa kanyang katawan nang magkadikit ang kanilang mga katawan. Dahil wala itong damit pang-itaas, tanging boxer lang ang suot nito. Nahulaan ni Vance ang naglalaro sa isipan ni Anastasia. Hindi niya mapigilan ang mapangiti. Iminulat niya ang k
Alas-kuwatro palang ay nagising na si Anastasia dahil napakaimportanteng araw ito sa buhay niya. Agad siyang nagtungo sa kwarto ng kanyang anak. Naabutan niya itong mahimbing pa ring natutulog ngunit nasa paanan na ang kumot. Napangiti siya. Napakabilis lumipas ng panahon anim na taon na ang kanyang unico hijo. Parang kailan lang kalong-kalong niya pa ito at pinanggigilan ng mga kapit-bahay nila dahil sa kagwapohan nito. "Happy birthday, my love!" bulong niya sa anak na mahimbing na natutulog. Nais niyang s'ya ang pinakaunang tao na bumati sa kanyang anak. Hindi niya namalayan na sumunod sa likuran niya si Vance. Yumakap ito sa kanya saka inilapit ang mukha nito sa kanyang tainga. "Thank you so much, my sweet." bulong nito sa kanya. Ngumiti siya rito at hinaplos ang pisngi nito. "Ano po ang meron? Bakit po kayo narito sa kwarto ko?" Nagtatakang tanong ni Ashton sa kanila habang kinusot-kusot pa ang mata. Hindi nila namalayan ang pagmulat ng mga mata nito. "Happy birthday, an
Tanghaling tapat, bumiyahe si Merideth patungong Santa Catalina kung saan niya matagpuan ang kaibigan na si Rita. Kailangan niyang maka-usap ito upang malaman niya kung ano ang dapat gawin. Pagdating niya sa sentro ng Barangay Masigasig, madali nalang niyang nakita ang bahay ng pamilya nito. Pagdating niya roon, naabutan niyang nakaupo si Rita sa upuan na yari sa kawayan habang naghihimay ng gulay sa labas. Nagulat ito nang makita siya sa harapan ng bahay nito na nakatayo. "Meredith?"Ngumiti siya. "Akala ko nakalimutan mo na ako eh!" kunwari nagtatampo na sagot niya.Lumapit ito sa kanya saka siya niyakap nang mahigpit. "Kumusta ka na?"Pinaupo siya nito at pumasok ito sa loob upang kumuha ng isang basong tubig saka inabot sa kanya. "Ito okay pa rin naman." matipid niyang sagot.Nagkwentuhan sila tungkol sa kani-kanilang buhay. Halos pitong taon na rin silang walang balita sa isa't-isa. Sa kanilang barkada hindi siya masyadong malapit kay Riza dahil mas malapit ito sa isa nil
Nagulat si Anastasia dahil pag-open niya sa kanyang cellphone, may misscalls mula sa kanyang dating ina. Kasalukuyang naghahanda sila para sa kanilang welcome party na isinagawa ng mga tauhan sa hacienda. Tinawagan niya ang number nito ngunit hindi na makontak. "What's wrong sweetheart?" Tanong ni Vance na hindi niya namalayang sumulpot sa kanyang likuran.Nilingon niya ito saka pilit ngumiti. "Nothing," maikli niyang sagot. Ngunit hindi nakaligtas kay Vance ang pagkabalisa nito na para bang may hinihintay na tawag. Hinayaan na muna niya dahil ayaw niyang pilitin itong mag-open up sa kanya. Hihintayin niya ang araw na si Anastasia mismo ang magsabi nang saloobin nito sa kanya. Pagsapit ng gabi, nagtitipon-tipon ang lahat sa malapad na bakuran ng hacienda. Masaya ang lahat lalo na si Ashton, na halos ayaw nitong humiwalay sa kanyang lolo. Maraming pagkain ang nakahain sa mesa. Ngunit lingid sa kaalaman ni Anastasia na may purpose ang event na iyon. Pagsapit nang alas-otso ng gabi, ha
Dalawang linggo lang ang ibinigay ni Vance na panahon para sa mga organizers ng kanilang kasal. Hindi magkamayaw ang mga ito mapaganda lang at maging engrande ang kasal na sa Hacienda rin gaganapin. Ngunit bago paman dumating ang araw na kanilang pinakahihintay, pumutok na sa social media ang tungkol sa nalalapit nilang kasal. May mga litratong kumalat na magkasama sina Anastasia at Vance. Napansin din ng mga nitizen ang engagement ring sa daliri ni Anastasia. Kaya naglipanan na ang mga haka-haka na totoo nga na ikakasal sila.Kaya walang nagawa si Vance kundi aminin sa publiko ang nalalapit niyang kasal. Marami ang nagulat sa balita, lalo na ang pagkakaroon niya ng anak kay Anastasia. "Yes, I'm preparing for my wedding. But I can't tell you the details because we want it to be private. Thank you." matipid na sagot ni Vance sa reporter na humarang sa kanya paglabas niya sa entrance ng headquarters. Dumiretso siya sa sasakyan niyang nakaparada sa drive way ng building. "Let's go N
Pasado alas-dose nang gabi, ng magdesisyon si Vance na umuwi. Nag-aalala siya dahil hindi na nag-reply si Anastasia sa message niya mula nang sinabi niya rito na nasa Infinite Club siya kasama ang mga kaibigan. Nauna nang nagpaalam si Rex kasama ang bago nitong jowa na model. Nilingon niya si Samuel na busy sa cellphone nito. Apat nalang sila sa loob ng kwarto. Ang dalawang babae na entertainer at ang kaibigan niya. "Bro, I'll go ahead." saka lang ito gumalaw at tumingin sa kanya. "Okay, susunod na rin ako." sagot nito sa kanya. Kumuha siya ng limang libo sa kanyang wallet at binigay ito sa babae na nakalaan sa kanya, ngunit hindi niya pinayagan na hawakan siya. Nanatili lang itong nakaupo sa tabi niya. Masayang tinanggap iyon ng babae at nagpasalamat sa kanya. Paglabas niya sa pasilyo naninibago siya dahil unang pagkakataon na pumunta siya rito na wala si Anastasia. Mabilis ang hakbang na tinungo niya ang hagdan pababa. Tumaas ang kanyang kilay nang masulyapan si Marga na
Nakailang sulyap na si Anastasia sa kanyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Naghihintay siya ng chat ni Vance. Ang huling chat niya rito nung nagsabi ito na nasa Infinite Club ito kasama ang mga kaibigan. Simpleng 'okay' lang ang sagot niya dahil nakaramdam siya ng selos nang malaman niyang nasa labas ito. Hindi niya maiwasan mag-isip ng kung ano-ano dahil alam niya ang mga ginagawa kapag nasa ganoong lugar. Paggising niya kaninang umaga nakaramdam siya ng pagkaliyo at pag-asim ng kanyang sikmura na parang nasusuka siya. Agad siyang nagtungo sa banyo. Saka niya naisip hindi pala siya naghapunan kagabi dahil wala siyang ganang kumain. Pinahatiran pa siya ng ama ni Vance ng gatas sa kasambahay na si Amy sa kanyang kwarto. Nakaupo siya sa gazebo na nasa likurang parte ng mansion. Pinapanood niya ang mga trabahanteng abala sa paglilinis sa malapad na bakuran bilang paghahanda sa kanilang kasal. Hiniling niya kay Vance na sa hacienda lang ganapin ang kanilang kasal dahil pakir
Pagsapit ng gabi, nagkaroon ng pagkakataon si Anastasia na maka-usap ang kaibigan na si Joyce. Nasa loob ng library si Vance kasama ang ama nito. Samantalang, nakahiga na ang dalawang bata kaya pinuntahan niya si Joyce sa kwarto nito. "Bes, kumusta!" bungad nito sa kanya ng umupo siya sa kama nito. Mabuti nalang at sumama ito kay Vance kanina na pagbalik. Nahihirapan siya dahil wala siyang masabihan ng saloobin dito sa hacienda. "Bumalik yung panaginip ko kagabi, Joyce. Hindi ko talaga inaasahan. Ngayon isang batang lalaki na ang kasama ko sa panaginip. Alam mo sa palagay ko, may connection ang lugar na'to sa nakaraan ko. Dahil habang naglakad-lakad ako kahapon may mga bahagi ng hacienda ang biglang lumilitaw sa aking isipan." kwento niya sa kaibigan. Hinawakan ni Joyce ang kanyang mga kamay. "Handa kana na bang sabihin sa kanya?" tanong nito sa kanya kapagkuwan. Umiling si Anastasia. "Hindi ko alam kung saan ko uumpisahan. Pakiramdam ko, hindi pa talaga ako handa. Ang bi