Nakailang sulyap na si Anastasia sa kanyang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Naghihintay siya ng chat ni Vance. Ang huling chat niya rito nung nagsabi ito na nasa Infinite Club ito kasama ang mga kaibigan. Simpleng 'okay' lang ang sagot niya dahil nakaramdam siya ng selos nang malaman niyang nasa labas ito. Hindi niya maiwasan mag-isip ng kung ano-ano dahil alam niya ang mga ginagawa kapag nasa ganoong lugar. Paggising niya kaninang umaga nakaramdam siya ng pagkaliyo at pag-asim ng kanyang sikmura na parang nasusuka siya. Agad siyang nagtungo sa banyo. Saka niya naisip hindi pala siya naghapunan kagabi dahil wala siyang ganang kumain. Pinahatiran pa siya ng ama ni Vance ng gatas sa kasambahay na si Amy sa kanyang kwarto. Nakaupo siya sa gazebo na nasa likurang parte ng mansion. Pinapanood niya ang mga trabahanteng abala sa paglilinis sa malapad na bakuran bilang paghahanda sa kanilang kasal. Hiniling niya kay Vance na sa hacienda lang ganapin ang kanilang kasal dahil pakir
Pagsapit ng gabi, nagkaroon ng pagkakataon si Anastasia na maka-usap ang kaibigan na si Joyce. Nasa loob ng library si Vance kasama ang ama nito. Samantalang, nakahiga na ang dalawang bata kaya pinuntahan niya si Joyce sa kwarto nito. "Bes, kumusta!" bungad nito sa kanya ng umupo siya sa kama nito. Mabuti nalang at sumama ito kay Vance kanina na pagbalik. Nahihirapan siya dahil wala siyang masabihan ng saloobin dito sa hacienda. "Bumalik yung panaginip ko kagabi, Joyce. Hindi ko talaga inaasahan. Ngayon isang batang lalaki na ang kasama ko sa panaginip. Alam mo sa palagay ko, may connection ang lugar na'to sa nakaraan ko. Dahil habang naglakad-lakad ako kahapon may mga bahagi ng hacienda ang biglang lumilitaw sa aking isipan." kwento niya sa kaibigan. Hinawakan ni Joyce ang kanyang mga kamay. "Handa kana na bang sabihin sa kanya?" tanong nito sa kanya kapagkuwan. Umiling si Anastasia. "Hindi ko alam kung saan ko uumpisahan. Pakiramdam ko, hindi pa talaga ako handa. Ang bi
Madaling araw na ngunit gising pa rin ang mag-ina. Nakangiti si Meredith habang nakaupo sa maluwag na sala kasama si Marga sa isang hotel sa Santa Catalina. "Are you ready for tomorrow, anak?" tanong niya kay Marga. Uminom muna ng wine si Marga bago binalingan ang ina. "Of course," "Very good," sagot niya saka tumawa nang malakas. Excited na siya sa magaganap kinabukasan. ------Bahagyang makulimlim ang kalangitan, at malamig ang simoy ng hangin. Isang umaga na puno ng excitement para sa dalawang pusong mag-iisa. Hindi dahilan ang nagbabadyang pagdating ng malakas na bagyo upang hindi matuloy ang tinaguriang wedding of the year nina Vance at Anastasia. Napakaganda ng buong Hacienda, dahil sa mga sari-saring dekorasyon. Dahil maka-kalikasan ang bride, iba-ibang uri ng bulaklak na terno sa motif na green and white ang paboritong kulay nito ang nakalagay sa mahabang aisle. Maging ang mga bilog na design na nakadisplay sa bungad ng reception. Isang romantic garden wedding ang m
Naguguluhan si Vance sa mga nangyayari. Napatingin siya sa kanyang katabi na si Anastasia. "You know about this?" tanong niya sa namumutlang si Anastasia. Umiling si Anastasia habang walang humpay ang pagtulo ng mga luha sa mata nito. "Believe me, wala akong alam sa mga sinasabi nila." umiiling niyang sagot. Napasuklay si Vance sa kanyang buhok. Napalibutan sila ng maraming tao, mayroon ding ilang taga-media, kaya pakiramdam niya para siyang sinakloban ng langit at lupa ng mga oras na iyon. Unang pagkakataon na nag-panic siya ng ganito.Tinitigan niya ang nakakaawang mukha ni Anastasia. Hindi niya alam kung ano o kung mayroon nga ba itong tinatago. Sa mga nagdaang araw na kasama niya ito, aminado siya sa kanyang sarili na hindi pa niya lubusang kilala ang babaeng kanyang minahal. Kaya kung ano man ang kanyang matuklasan ngayong araw hindi niya alam kung ano ang kanyang magagawa.Dumako ang kanyang paningin sa dalawang tao na sumira sa masayang araw sana ng buhay niya. Nakataas a
Saktong pagpasok ni Vance at kanyang ama kasunod sina Samuel, Rex at Vincent sa mansion, bumuhos ang napakalakas na ulan. Marami pa ring tao sa loob ng mansion halos mga empleyado niya ang naiwan dito dahil karamihan sa mga VIP ay agad na umalis nang mag-umpisa ang kumosyon kanina. Ang ama niya ang nag-asikaso sa mga ito.Napakalaking damage sa pangalan ni Vance ang nangyari ngayong araw. Agad niyang inatasan si Tim na i-shutdown lahat ng posibleng lumabas na article tungkol sa naunsyami niyang kasal. Nadaanan niya ang sala mayor ng mansion na maraming nakaupo at abala sa pagku-kwentuhan. Kahit hindi niya sinulyapan ang mga ito alam niyang nabaling sa kanya ang atensyon ng karamihan sa kanila. Malalaki ang mga hakbang na umakyat siya patungo sa malaking library. Dumeritso siya sa bar counter at nagsalin ng vodka sa baso saka mabilis na tinungga. Pagkatapos ng isa, dalawa tatlong baso bigla itong inagaw ni Vincent mula sa kanyang kamay. "Bro! Enough! Hindi ka makapag-iisip ng maay
"Bro, enough!" nag-aalalang kinuha ni Vincent ang bote ng alak na tinungga ni Vance. Isang linggo na ang nakalipas, halos araw-araw itong nalalasing. Kasalukuyang itong nasa library sa bahay nito. "Leave me alone!" tanging sambit nito. "Okay, pero tama na 'yang nainom mo." paalala ni Vincent sa kapatid.Pinakiusapan siya ng kanilang ama na subaybayan ang kapatid dahil mula noong araw na iyon palagi nang mainitin ang ulo nito. Hindi nila napigilan ang pagkalat ng mga pictures at videos sa social media. Pilit namang kinakalkal ng ilang mga reporters kung ano ang pinagmulan ng nangyari sa Hacienda. Pinagbantaan naman ng kanyang kapatid ang mag-ina na sa oras na isiwalat ng mga ito sa media ang tungkol sa nangyari ay mananagot ang mga ito. "Tulog na ba si Ashton?" biglang tanong ni Vance sa kapatid. "Yes, kanina pa. Matulog ka na rin, aalis na ako." sagot nito sa kanya. "Okay," tinapik lang nito ang kanyang balikat at nag-umpisang humakbang palabas ng kanyang library.Nana
5 years laterNakatayo si Vance sa balcony ng isang hotel sa Singapore. Last day n'ya ngayon dito, naghahanda na s'ya sa pag-uwi. Halos isang linggo rin s'yang namalagi rito dahil sa mga business meetings na dinaluhan. Kasama n'ya rito si Nikko na nasa katabing kwarto niya. Kakatapos lang nilang mag-usap ni Tonton. Halos araw-araw siya nitong pinapahirapan, dahil ayaw nitong pumasok sa eskwelahan. Simula noong nawala ang ina nito, malaki rin ang pinagbago ng kanyang anak. Ang dating malambing at masayahin, ngayon ay laging mainit ang ulo, palagi nitong sinisigawan ang mga katulong na nag-aasikaso rito. "Anastasia, nasaan ka na!" sigaw ng kanyang isipan habang pinapanood ang mga sasakyan na napakaliit mula sa kanyang kinaroroonan. Hindi sapat ang kanyang pagsisisi araw-araw, sa nagawa n'ya rito. Nagulat siya sa biglang pagtunog ng kanyang cellphone na nasa ibabaw ng family size bed. Kinuha n'ya ito at tiningnan kung sino ang tumawag. Pagkakita n'ya sa caller ID agad n'ya itong sinag
Late autumn at 4 o'clock in the afternoon. Habang nakaupo sa backseat ng Range Rover. Nakatingin si Vance sa mga taong naglalakad sa daan sa labas. Ang iba nagmamadali mukhang kakalabas lang mula sa trabaho, ang iba naman ay masayang nag-uusap habang naglalakad. Meron ding nag-uunahan sa pagsakay ng jeep. Nanggaling sila sa Bagong Silang upang bisitahin ang isang farm na pag-aari ng kanilang kompanya. Karamihan sa kanilang products ay canned goods. Isa na rito ang nai-launched nila this year na VM corned beef. Sikat na ito sa buong Pilipinas maging sa Asia kahit sa maikling panahon palang. Dahil sa quality nito, at affordable lang din. Sa loob ng limang taon marami ang nagbago sa buhay ni Vance. Mas naging tutok siya sa kompanya at sa kanyang anak. Upang malibang ang kanyang isip. Hindi pa rin n'ya sinukuan ang paghahanap kay Anastasia. Alam n'ya na isang araw matatagpuan niya rin ito. Habang abala ang isip ni Vance, at nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Paghinto nila sa st