5 years laterNakatayo si Vance sa balcony ng isang hotel sa Singapore. Last day n'ya ngayon dito, naghahanda na s'ya sa pag-uwi. Halos isang linggo rin s'yang namalagi rito dahil sa mga business meetings na dinaluhan. Kasama n'ya rito si Nikko na nasa katabing kwarto niya. Kakatapos lang nilang mag-usap ni Tonton. Halos araw-araw siya nitong pinapahirapan, dahil ayaw nitong pumasok sa eskwelahan. Simula noong nawala ang ina nito, malaki rin ang pinagbago ng kanyang anak. Ang dating malambing at masayahin, ngayon ay laging mainit ang ulo, palagi nitong sinisigawan ang mga katulong na nag-aasikaso rito. "Anastasia, nasaan ka na!" sigaw ng kanyang isipan habang pinapanood ang mga sasakyan na napakaliit mula sa kanyang kinaroroonan. Hindi sapat ang kanyang pagsisisi araw-araw, sa nagawa n'ya rito. Nagulat siya sa biglang pagtunog ng kanyang cellphone na nasa ibabaw ng family size bed. Kinuha n'ya ito at tiningnan kung sino ang tumawag. Pagkakita n'ya sa caller ID agad n'ya itong sinag
Late autumn at 4 o'clock in the afternoon. Habang nakaupo sa backseat ng Range Rover. Nakatingin si Vance sa mga taong naglalakad sa daan sa labas. Ang iba nagmamadali mukhang kakalabas lang mula sa trabaho, ang iba naman ay masayang nag-uusap habang naglalakad. Meron ding nag-uunahan sa pagsakay ng jeep. Nanggaling sila sa Bagong Silang upang bisitahin ang isang farm na pag-aari ng kanilang kompanya. Karamihan sa kanilang products ay canned goods. Isa na rito ang nai-launched nila this year na VM corned beef. Sikat na ito sa buong Pilipinas maging sa Asia kahit sa maikling panahon palang. Dahil sa quality nito, at affordable lang din. Sa loob ng limang taon marami ang nagbago sa buhay ni Vance. Mas naging tutok siya sa kompanya at sa kanyang anak. Upang malibang ang kanyang isip. Hindi pa rin n'ya sinukuan ang paghahanap kay Anastasia. Alam n'ya na isang araw matatagpuan niya rin ito. Habang abala ang isip ni Vance, at nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Paghinto nila sa st
Napakunot ang noo ni Vance habang nakatingin sa kanyang cellphone. Nakita niya ang ilang miss calls ng kanyang ama. Tinawagan niya ito, dahil nag-alala siya na baka may importante itong sadya. Nakatayo siya sa Executive Suite habang nasa bulsa ang isang kamay. Binalik niya ang tawag sa kanyang ama. "Dad! Is there a problem?"Narinig niya ang buntong-hininga nito sa kabilang linya. "I need to talk to you son. Kailan ka ba uuwi rito?" tanong ng kanyang ama. "I'll be home tomorrow, dad."Kailangan n'yang makauwi bukas dahil parang may kutob siya na may bumabagabag sa isipan ng kanyang ama. Dahil hindi ito basta-basta tatawag ng ilang beses kung walang problema. Kailangan niyang magawa ang mga nais niyang patunayan dito sa Bagong Silang. Alam niyang hindi one hundred percent ang kanyang dapat na asahang resulta dahil nagbabase lang siya sa kanyang instinct. Pero susubukan niya pa rin. Mayamaya, nakatanggap siya ng tawag mula kay Tim na siyang nag-imbestiga sa lahat. Agad-ag
"Mama!" palahaw ng pitong taon na bata. Nakatayo ito sa tabi ng hagdan habang pinapanood ang kanyang ina na kinaladkad ng mga pulis. "Anak, huwag kang umiyak, okay lang si mama, malalagpasan ko ito. Inosente ako anak, wala akong kasalanan, hintayin mo ako, babalikan kita, Ellijah!" sagot ng ina nito habang hilam sa mga luha ang mga mata. "Mama! Huwag mo akong iiwan! Mama!" huling sigaw ng bata bago ito matumba at hindi sinasadyang mabagok ang ulo nito sa rehas na bakal ng hagdanan. Duguan ang ulo na tumiya sa malapad na hagdan. -------- Pawisang napabalikwas ng bangon si Anastasia. Nanghihinang inabot niya ang baso ng tubig sa bedside table. Mula noong nabunyag ang pagkatao niya, hindi na siya pinatahimik ng iba't-ibang panaginip halos gabi-gabi. Nais niyang malaman kung siya ba ang batang iyon, na laging laman ng kanyang mga panaginip. Dahil Ellijah rin ang pangalan ng bata. 'May alam kaya si Alex sa totoo kong pagkatao?' nasa isip niya. Dahil pakiramdam niya hindi ata nag
Agad niyang sinagot ang hindi inaasahang tawag. "Carol?" "Hello, girl! How are you?" Nagulat siya sa pagtawag nito sa kanya. Ibig sabihin nakabalik na ito mula sa England? "You're back?" gulat niyang sagot. Hindi na niya nagawang sagutin ang tanong nito. Excited siyang tanong sa kaibigan. Hindi niya akalain na dumating ang araw na magiging matalik niya itong kaibigan. "Hey! Are you alright? Bigla kang natahimik diyan. Tinanong kita iba naman ang sagot mo." natatawang sagot nito. "I've been better." matipid niyang sagot. Isang matamlay na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. "Good! So, let's meet later? Marami kang iku-kwento sa'kin. Alex mentioned to me about what happened." malumanay nitong saad. "Okay, maam! Jusme, kakarating mo lang maritesan na kaagad?" biro niya rito. Pagak lang itong tumawa mula sa kabilang linya. Tama nga ang iniisip niya. Napailing nalang siya habang papasok sa loob ng Villa kasama si Sising. Dumeritso siya sa kanyang kwarto upang mal
Nanatiling nakatitig si Vance sa kaibigang si Rex. Nasa opisina niya ang mga kaibigan maging ang kapatid niyang si Vincent. Nais niyang maka-usap ang mga ito dahil malaki ang pagdududa niya sa kaibigang si Rex na may alam ito sa whereabouts ni Anastasia. Mula noong nangyari sa kasal niya nag-iba na rin ang pakikitungo ni Rex sa kanya kaya malakas ang kutob niya na may tinatago ito sa kanya. Sapagkat nalaman niya mula sa binayaran niyang private investigator, na minsan nang nagkita si Rex kasama ang asawa nitong si Carol at si Anastasia sa lungsod mismo ng Maravilis. Kapag naiisip niya iyon para siyang mababaliw dahil nasa paligid lang pala niya ang babaeng ilang taon na niyang hinahanap. "Bro! Damn it! Answer me, please!" halos mababaliw nang sambit ni Vance.Tumayo si Rex saka tinitigan siya. "Noong panahong pinagtabuyan mo siya, di ba sinabi ko saiyo na hindi mo na siya makikitang muli?! I'm sorry, Michael. Pero ayaw kana niyang makita pa." ani Rex habang nakatalikod sa kanya.
Hindi alam ni Vance kung anong nagtulak sa kanya na sumunod sa mga kaibigan papuntang Santa Catalina. Almost two hours din ang biyahe papunta roon. Pagdating niya sa labas ng El Paraiso Club, nag-aalangan pa siyang pumasok sa loob. "Hindi ka ba papasok sa loob?" untag sa kanya ni Tim nang mapansin nitong hindi siya gumagalaw sa kinauupuan. Napahilot siya sa kanyang sintido. "I don't know, Tim. Parang nawawalan ako nang lakas ng loob na pumasok." malungkot niyang sagot dito. Humilay si Tim sa backrest ng driver seat. "Sa totoo lang, boss. Kahit ako ang nasa katayuan mo, mag-aalinlangan din talaga ako. Kasi ganoon talaga lahat nang hakbang natin na tatahakin mayroong positibo at negatibo. Kung ano man ang outcome at least you give it a try 'di ba? Dahil hindi mo naman kasi malalaman kung hindi mo susubukan." paalala ni Tim sa kanya. Nabuhayan naman siya ng loob dahil sa sinabi nito. Umilaw ang kanyang cellphone. Dinampot niya ito sa upuan at binasa ang message galing kay Sam
"Hindi ka talaga nag-iisip, Merideth. Mula noon hanggang ngayon nagpapadala ka pa rin sa init ng ulo mo! Tingnan mo kung ano ang nangyari. Muling binuksan ang kaso ni Erlinda. Anong gagawin mo ngayon?" galit na bulyaw ni Alma Trinidad sa kaibigan. Matagal na panahong nanahimik siya upang huwag lang mauungkat ang nakaraan. Ilang taon siyang nanirahan sa ibang bansa kasama ang kanyang anak na si Ariston upang takasan ang trahedyang iyon. Ngunit ngayon kung kailan na muli siyang bumalik dito sa Santa Catalina saka pa niya nabalitaan ang tungkol sa ginawa ng kaibigang si Merideth. "Masisisi mo ba ako, Alma? Ginawa ko iyon para sa anak ko! Ayaw kong maulit muli ang nangyari noon at anak ko ang magdurusa!" sagot ni Merideth sa kanya. "Wala ka kasi talagang utak eh! Paano kung magsalita si Rita? Mayaman ang pamilya ni Victor, mas doble pa ang yaman kesa kay George. Lalo na ngayon na anak niya ang humawak sa kaso. Napaka-maimpluwensyang tao si Vance Enriquez, marami itong connection
Matagal ng nakaalis ang kanyang anak pero nanatili pa ring nakatayo si Amber sa pintuan ng kanyang bahay. Naka ekis ang kanyang mga braso sa dibdib habang nakatingin sa kanyang bakuran. Ngayon lang niya napansin na matataas na pala ang mga halaman at damo sa paligid ng kanyang bahay. Matagal-tagal na rin kasi niyang hindi nabigyan ng pansin ito. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago pumasok muli sa kanyang kwarto.Bigla nalang sumagi sa kanyang isipan ang nakita kanina pagkatapos niyang naligo. Nasulyapan niya si Beth na nakatitig sa kanyang litrato na nakadikit sa dingding. Mukhang hindi pa ito kampante na titigan lang kundi inabot niya talaga ang frame na nakasabit. Kuha iyon noong siya ay anim na taon pa lamang. Kinunan siya ng litrato ng kanyang ama na si Ricardo habang nakatayo siya sa tabi ng carrousel. Kaarawan niya iyon. At sa araw ding iyon ay ipinagtapat sa kanya na hindi sila ang tunay niyang mga magulang. Kwento ng kanyang ina, natagpuan daw siya ng
Pagkarating ni Amber sa kanyang bahay pumasok sa kanyang isipan na tawagan si Lucas. Hindi na kasi siya nakapag paalam sa kaibigan dahil sa nagmamadaling umalis. Habang nasa biyahe siya kanina ay hindi mawala sa kanyang isipan ang boses ng babaeng tumawag sa kanya. Paano at saan nito nalaman ang kanyang number? Nung tawagan niya ito naka off na. Hindi niya alam kung totoo ba ang pinagsasabi nito or pinaglalaruan lamang siya. Pero paano nito nalaman kung saan siya naroroon. Bakit ayaw siya nitong pasamahin kay Ashton? Maraming tanong sa kanyang isipan na nais niyang malaman ang kasagutan ngunit… paano? Litong-lito na napasalampak si Amber sa kanyang higaan. Saglit siyang nawala sa isipin at nakatitig nalang sa kisame ng kanyang kwarto. Mayamaya tunog ng kanyang cellphone ang umagaw sa pagod niyang kaisipan. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi ng mabasa ang pangalan na rumihistro sa screen ng kanyang cellphone. “My love. How are you, baby?” Naiiyak niyang sambit. Hindi niya mapigil
“Anong ginagawa mo rito?” Sita ni Lucas kay Jane nang maabutan niya itong naghihintay sa pagdating ni Ashton. Alam niyang may binabalak itong gawin kaya todo bantay siya sa mga galaw nito simula pa kahapon. Pinandilatan siya nito ng mata. “Ano ka ba! Ikaw na nga itong tinutulungan ikaw pa may ganang manita d'yan.” Asik nito sa kanya. Napaismid si Lucas sa sinabi ng babae. “Para sa akin? O, para sa'yo! Ginamit mo pa talaga ako. Aminin mo na kasi na may gusto ka sa kanya.” Nakangiting biro niya rito. Maganda naman si Jane, pero hindi niya lang maipaliwanag kung bakit parang may parte rito na ayaw niya. Matagal na silang magkakilala since elementary days. Naalala niya noong kabataan nila na halos hindi na sila paghihiwalayin dahil kung saan siya pupunta ay nakasunod ito sa kanya. Wala naman siyang magawa kasi wala siyang naging kaibigan noon dahil sa mga isyu ng kanilang pamilya. Si Jane ang naging kasangga niya palagi sa tuwing umaalis siya ng bahay kapag naririnig niya nagtatalo a
Halos kalahating oras nang nakatitig si Amber sa kisame ng kwarto. Blangko ang utak. Nakatakip sa kanyang katawan ang malaking quilts. Pagmulat niya ng mga mata kanina mag-isa nalang siya sa malamig at tahimik na kwarto. Tanging ang tunog ng kanyang cellphone ang naririnig niya sa mga oras na iyon. Notifications, hindi lang isa kundi marami dahil sunod-sunod. Ngunit wala pa rin siya sa huwisyo na abutin at buksan ang cellphone. Hindi kasi siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanyang buhay. Ang dati tahimik kasama ang kanyang kapatid ngayon hindi na niya maintindihan kung saan patungo. Hindi lang kasi simpleng dahilan ang pag-ayaw niya na makasama si Ashton habang-buhay kundi dahil na rin sa usapan nila ng mama nito. Wala siyang alam sa dahilan ng mama ni Ashton kung bakit ayaw nito sa kanya at bakit siya nito lihim na tinutulungan para makalaya.Nakaramdam siya ng lungkot nang mapagtanto na mag-isa lang siya sa kwarto paggising niya. Iniwan siya ni Ashton. Nakailang buntong-hininga
Malalaki ang hakbang na binaybay ni Ashton ang mahabang pasilyo ng Paradise Hotel na pag-aari ng pamilya nila. Kahit late na kailangan niyang makausap ng personal ang agent na humawak sa kaso ni Julianna. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang kanyang nararamdaman, para bang pinaliguan siya ng yelo dahil kahit mga kamay niya namamanhid kaya saglit niya iyong pinag salikop. Mayamaya lang ay nakarating din siya sa lugar na pinag-usapan nila. Hindi na siya nagpaalam pa kay Amber dahil alam niyang naliligo ito. Habang naglalakad maraming staff ng Hotel ang nakakakilala sa kanya at bumati. Naabutan niya ang isang matikas ang pangangatawan na lalaki, nakatayo sa tabi ng landscape. Hindi kasi niya pwedeng papuntahin sa opisina niya rito dahil ayaw niyang makilala ito ng mga taong lihim niyang pina-imbestigahan. “Mr. Enriquez!” Bati nito sa kanya sabay lahad ng kamay. “May update kana, tama ba?” Tanong niya rito. “Positive sir! May ugnayan nga sila. Plano na rin nila ang
Kahit ilang beses nang subukan ni Amber na buksan ang pinto ng kwarto ay ayaw gumana ng card key niya. Sa pagkakaalam niya ay bukas pa sila magcheck-out. Inis na naglakad siya patungong elevator upang bumalik sa ibaba. Pagdating niya sa reception nagulat nalang siya na sinabi nitong na-upgrade raw ang kanyang kwarto. Nangunot ang kanyang noo habang inaabot ang card mula sa receptionist. Lalo itong nangunot nang mabasa ang Presidential Suit sa card. Litong-lito na humakbang siya pabalik sa elevator saka pinindot ang 45th floor. Sinong nagdala ng mga gamit niya roon? Hindi kaya si Jane? Or si…! “Oh my goodness!” Natatarantang mutawi ng kanyang bibig habang hindi mapakali sa loob ng elevator. “Huwag naman sanang tama ang nasa isipan ko, Lord.” Impit niyang dasal.Habang naglalakad sa hallway wala pa rin sa sarili si Amber. Kahit panaka-nakay namamangha siya sa kagandahan ng Hotel ngunit hindi na roon natuon ang kanyang pansin. Hindi niya mawari kung ano ang dapat isipin nang tumapat s
Napahinto sa paghakbang si Amber ng mabasa ang pangalan ni Ashton sa screen ng kanyang cellphone. Agad niya iyong tinakpan bago pa makahalata si Jane. “Ahmm, Jane mauna ka na lang sa hotel, susunod nalang ako sagutin ko lang ‘to.” Tinaas niya ang cellphone na patuloy pa rin sa pagtunog.Tumango si Jane sa kanya. “Okay, wag kang magtagal baka maabutan ka ng ulan.” malambing nitong sagot bago tumalikod.May nakita siyang cottage na walang tao doon siya nagtungo saka sinagot ang tawag ni Ashton. “Where the h*ll are you now?” Bungad na sigaw ni Ashton sa kabilang linya.Inilayo niya sa tainga ang kanyang cellphone dahil parang mababasag ang kanyang eardrum sa lakas ng boses nito. “Ano ka ba! Ba't ka ba sumisigaw ha! Pwede naman tayong mag-usap ng mahinahon ah!” Naiiritang sagot niya rito. “Bakit ka sumama sa kanya riyan? Hindi ka talaga nag-iingat, Amber. Bakit ba ang tigas ng ulo mo ha!” Unti-unting huminahon ang boses ni Ashton sa kabilang linya.Nagtaka si Amber sa narinig.
Nakatulala si Ashton habang nakatingin sa labas ng kanyang opisina. Sumasayaw ang mga puno sa labas dulot ng malakas na hangin at may kasamang malalaking patak ng ulan. Ayon sa balita may bagyo raw na parating kaya pinag-iingat ang lahat. Sa mga ganitong panahon sumasama ang kanyang pakiramdam, mas gustuhin pa niya ang mainitan sa labas kesa ganitong panahon. Nakailang salin na siya ng vodka sa kanyang baso ngunit pakiramdam niya ay walang epekto iyon sa kanya. Napatingin siya sa kanyang relo, limang minuto bago sumapit ang alas-sais ng gabi. Naghihintay pa rin siya ng call back mula kay Amber. Ilang araw na kasi mula noong dinala niya ito sa restaurant ni Julianna hindi pa rin ito nagparamdam sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit kay Jane pa ito nakipag tulungan sa imbestigasyon tungkol sa kaso ni Julianna at hindi sa kanya, wala ba itong tiwala sa kanya? Hindi niya inaasahan na pagkatapos ng lahat na meron sila naglilihim pa rin ito sa kanya. Naalala niya kung paano nawala
Dumeritso si Ashton sa opisina ni Jane sa dulong bahagi ng restaurant. Hindi niya namalayan na ang babaeng kasama ay wala sa kanyang likuran. Akmang bubuksan na niya ang pintuan ng mapansin na mag-isa lamang siya. Kumunot ang kanyang noo. Tinakasan ba siya ni Amber? Sigaw ng kanyang isipan. Muli siyang bumalik sa pinanggalingan upang hanapin ang babae, hindi pa naman siguro ito nakakalayo kung sakaling umalis man ito. Patingin-tingin siya sa paligid baka sakaling makita ito. Medyo abala pa naman ang restaurant ngayon at maraming customer na palabas at papasok. Sa dulong bahagi natanaw niya ang babaeng hinahanap, abala ito sa pagmamasid sa mga paintings na nakasabit sa dingding. Napailing na nilapitan niya ang babaeng walang pakialam sa kanyang piligid. Napansin niya na mahilig din ang dalaga sa mga obra ng mag-inang Garcia. Ilang beses na kasi niya itong nahuling nakatingin sa painting ng mga ito. Nakatayo s'ya sa likuran at ipinatong sa balikat nito ang kanan niyang kamay, ngunit par