Late autumn at 4 o'clock in the afternoon. Habang nakaupo sa backseat ng Range Rover. Nakatingin si Vance sa mga taong naglalakad sa daan sa labas. Ang iba nagmamadali mukhang kakalabas lang mula sa trabaho, ang iba naman ay masayang nag-uusap habang naglalakad. Meron ding nag-uunahan sa pagsakay ng jeep. Nanggaling sila sa Bagong Silang upang bisitahin ang isang farm na pag-aari ng kanilang kompanya. Karamihan sa kanilang products ay canned goods. Isa na rito ang nai-launched nila this year na VM corned beef. Sikat na ito sa buong Pilipinas maging sa Asia kahit sa maikling panahon palang. Dahil sa quality nito, at affordable lang din. Sa loob ng limang taon marami ang nagbago sa buhay ni Vance. Mas naging tutok siya sa kompanya at sa kanyang anak. Upang malibang ang kanyang isip. Hindi pa rin n'ya sinukuan ang paghahanap kay Anastasia. Alam n'ya na isang araw matatagpuan niya rin ito. Habang abala ang isip ni Vance, at nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Paghinto nila sa st
Napakunot ang noo ni Vance habang nakatingin sa kanyang cellphone. Nakita niya ang ilang miss calls ng kanyang ama. Tinawagan niya ito, dahil nag-alala siya na baka may importante itong sadya. Nakatayo siya sa Executive Suite habang nasa bulsa ang isang kamay. Binalik niya ang tawag sa kanyang ama. "Dad! Is there a problem?"Narinig niya ang buntong-hininga nito sa kabilang linya. "I need to talk to you son. Kailan ka ba uuwi rito?" tanong ng kanyang ama. "I'll be home tomorrow, dad."Kailangan n'yang makauwi bukas dahil parang may kutob siya na may bumabagabag sa isipan ng kanyang ama. Dahil hindi ito basta-basta tatawag ng ilang beses kung walang problema. Kailangan niyang magawa ang mga nais niyang patunayan dito sa Bagong Silang. Alam niyang hindi one hundred percent ang kanyang dapat na asahang resulta dahil nagbabase lang siya sa kanyang instinct. Pero susubukan niya pa rin. Mayamaya, nakatanggap siya ng tawag mula kay Tim na siyang nag-imbestiga sa lahat. Agad-ag
"Mama!" palahaw ng pitong taon na bata. Nakatayo ito sa tabi ng hagdan habang pinapanood ang kanyang ina na kinaladkad ng mga pulis. "Anak, huwag kang umiyak, okay lang si mama, malalagpasan ko ito. Inosente ako anak, wala akong kasalanan, hintayin mo ako, babalikan kita, Ellijah!" sagot ng ina nito habang hilam sa mga luha ang mga mata. "Mama! Huwag mo akong iiwan! Mama!" huling sigaw ng bata bago ito matumba at hindi sinasadyang mabagok ang ulo nito sa rehas na bakal ng hagdanan. Duguan ang ulo na tumiya sa malapad na hagdan. -------- Pawisang napabalikwas ng bangon si Anastasia. Nanghihinang inabot niya ang baso ng tubig sa bedside table. Mula noong nabunyag ang pagkatao niya, hindi na siya pinatahimik ng iba't-ibang panaginip halos gabi-gabi. Nais niyang malaman kung siya ba ang batang iyon, na laging laman ng kanyang mga panaginip. Dahil Ellijah rin ang pangalan ng bata. 'May alam kaya si Alex sa totoo kong pagkatao?' nasa isip niya. Dahil pakiramdam niya hindi ata nag
Agad niyang sinagot ang hindi inaasahang tawag. "Carol?" "Hello, girl! How are you?" Nagulat siya sa pagtawag nito sa kanya. Ibig sabihin nakabalik na ito mula sa England? "You're back?" gulat niyang sagot. Hindi na niya nagawang sagutin ang tanong nito. Excited siyang tanong sa kaibigan. Hindi niya akalain na dumating ang araw na magiging matalik niya itong kaibigan. "Hey! Are you alright? Bigla kang natahimik diyan. Tinanong kita iba naman ang sagot mo." natatawang sagot nito. "I've been better." matipid niyang sagot. Isang matamlay na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. "Good! So, let's meet later? Marami kang iku-kwento sa'kin. Alex mentioned to me about what happened." malumanay nitong saad. "Okay, maam! Jusme, kakarating mo lang maritesan na kaagad?" biro niya rito. Pagak lang itong tumawa mula sa kabilang linya. Tama nga ang iniisip niya. Napailing nalang siya habang papasok sa loob ng Villa kasama si Sising. Dumeritso siya sa kanyang kwarto upang mal
Nanatiling nakatitig si Vance sa kaibigang si Rex. Nasa opisina niya ang mga kaibigan maging ang kapatid niyang si Vincent. Nais niyang maka-usap ang mga ito dahil malaki ang pagdududa niya sa kaibigang si Rex na may alam ito sa whereabouts ni Anastasia. Mula noong nangyari sa kasal niya nag-iba na rin ang pakikitungo ni Rex sa kanya kaya malakas ang kutob niya na may tinatago ito sa kanya. Sapagkat nalaman niya mula sa binayaran niyang private investigator, na minsan nang nagkita si Rex kasama ang asawa nitong si Carol at si Anastasia sa lungsod mismo ng Maravilis. Kapag naiisip niya iyon para siyang mababaliw dahil nasa paligid lang pala niya ang babaeng ilang taon na niyang hinahanap. "Bro! Damn it! Answer me, please!" halos mababaliw nang sambit ni Vance.Tumayo si Rex saka tinitigan siya. "Noong panahong pinagtabuyan mo siya, di ba sinabi ko saiyo na hindi mo na siya makikitang muli?! I'm sorry, Michael. Pero ayaw kana niyang makita pa." ani Rex habang nakatalikod sa kanya.
Hindi alam ni Vance kung anong nagtulak sa kanya na sumunod sa mga kaibigan papuntang Santa Catalina. Almost two hours din ang biyahe papunta roon. Pagdating niya sa labas ng El Paraiso Club, nag-aalangan pa siyang pumasok sa loob. "Hindi ka ba papasok sa loob?" untag sa kanya ni Tim nang mapansin nitong hindi siya gumagalaw sa kinauupuan. Napahilot siya sa kanyang sintido. "I don't know, Tim. Parang nawawalan ako nang lakas ng loob na pumasok." malungkot niyang sagot dito. Humilay si Tim sa backrest ng driver seat. "Sa totoo lang, boss. Kahit ako ang nasa katayuan mo, mag-aalinlangan din talaga ako. Kasi ganoon talaga lahat nang hakbang natin na tatahakin mayroong positibo at negatibo. Kung ano man ang outcome at least you give it a try 'di ba? Dahil hindi mo naman kasi malalaman kung hindi mo susubukan." paalala ni Tim sa kanya. Nabuhayan naman siya ng loob dahil sa sinabi nito. Umilaw ang kanyang cellphone. Dinampot niya ito sa upuan at binasa ang message galing kay Sam
"Hindi ka talaga nag-iisip, Merideth. Mula noon hanggang ngayon nagpapadala ka pa rin sa init ng ulo mo! Tingnan mo kung ano ang nangyari. Muling binuksan ang kaso ni Erlinda. Anong gagawin mo ngayon?" galit na bulyaw ni Alma Trinidad sa kaibigan. Matagal na panahong nanahimik siya upang huwag lang mauungkat ang nakaraan. Ilang taon siyang nanirahan sa ibang bansa kasama ang kanyang anak na si Ariston upang takasan ang trahedyang iyon. Ngunit ngayon kung kailan na muli siyang bumalik dito sa Santa Catalina saka pa niya nabalitaan ang tungkol sa ginawa ng kaibigang si Merideth. "Masisisi mo ba ako, Alma? Ginawa ko iyon para sa anak ko! Ayaw kong maulit muli ang nangyari noon at anak ko ang magdurusa!" sagot ni Merideth sa kanya. "Wala ka kasi talagang utak eh! Paano kung magsalita si Rita? Mayaman ang pamilya ni Victor, mas doble pa ang yaman kesa kay George. Lalo na ngayon na anak niya ang humawak sa kaso. Napaka-maimpluwensyang tao si Vance Enriquez, marami itong connection
*** "Son, do you still remember, Ellijah?" napalingon si Vance sa ama ng bigla itong magtanong sa kanya habang nagkakape sila sa beranda ng mansion. Gabi nang dumating siya sa Hacienda kaya hindi na niya nagawa pang kausapin ang ama pagdating niya. "She seems familiar, Dad. Parang narinig ko na ang pangalang iyan. Why?" sagot niya sa ama habang nakatingin sa mug na hawak. Mayamaya, may rumehistro sa kanyang isipan. Nanlaki ang mga mata niya ng maalala si Anastasia. Ellijah rin ang bago nitong pangalan. Tumayo si Victor at nagpalakad-lakad sa harapan ni Vance nakasuksok sa bulsa nito ang isang kamay habang hawak ng isang kamay nito ang mug na may lamang black coffee. "Nakausap ko si Linda, son. Binisita ko siya upang kausapin." napatingin si Vance sa ama. "Wala siyang balak na magsalita. Ngunit nabanggit niya sa akin ang anak niyang si Ellijah. Are you sure, you don't remember her? Because, I do son. I remember that little girl, who help you when you almost..." "Drowned, Da