Karleigh Estrada, isang babaeng nangangarap na makilala ang mga Disney Princess na nakikita at nababasa niya sa mga magasin at telebisyon. Sa kagustuhang mapili sa isang Disney Princess Meet and Greet raffle, napasubo siya sa isang dare challenge, kung saan kailangan niyang halikan ang isang estrangherong lalaki. Deshawn Moore, isang babaero at beterano sa pagpapaikot ng ulo ng mga babae. Nang muling magtagpo ang kanilang landas ay inalok niya ito bilang pekeng mapapangasawa, at kapalit nito ang kahit na anong kahilingan ng babae. Sa larong ito, mas pipiliin ba nilang piliin ang isa't-isa? Sino ang matatalo? Sino ang magiging taya?
View MoreAbala sa pagtitipa sa computer si Karleigh nang lapitan siya ni Zahra. Natigil siya sa ginagawa at pinakinggan ang ibinulong nito sa kan’yang tainga.“Gael is in the lobby. Talk to him bago pa siya magwala doon.”Nginitian niya ang kaibigan bago tumango. Naupo na si Zahra at saka naman tumayo si Karleigh bago magpakawala ng buntong-hininga. Tinungo na niya ang lobby at nakita nga niya doon si Gael na nakasandal sa information desk habang nagtitipa sa cellphone. Napaangat ang tingin nito nang mapansin niya ang babae na naglalakad patungo sa kan’ya. Itinago niya ang cellphone sa bulsa bago ito salubungin ng ngiti. “Good morning—“Naputol ang sasabihin niya nang sampalin siya ni Karleigh. Nabigla siya sa ginawa nito ngunit bahagya itong natawa bago haplusin ang parteng tinamaan ng palad ng babae. Hindi niya inaasahan na gano’n ang magiging sagot ni Karleigh sa kan’ya.“Hindi ba sinabihan na kita na tigilan mo na ‘ko, Gael? Bakit ba ang kulit mo? At talagang pati si Shawn kailangan mong
Nanginginig ang mga kamay ni Karleigh habang nagpapalaman ng peanut butter sa slice ng tinapay. Nasa kusina siya habang ginagawa ang inutos ni Kirk na gumawa siya ng meryenda. Sandali siyang sumulyap sa sala nila kung saan magkaharap na nakaupo sa sofa ang kuya niya at si Shawn.Natatakot siya sa reaksyon ng kuya niya ngayon. Hindi kasi ito mukhang galit, hindi din naman mukhang masaya. Mas natatakot siya sa nakikita niyang reaksyon ni Kirk dahil hindi niya alam ang tumatakbo sa isip nito.“Anong pangalan mo?” pormal na tanong ni Kirk sa kaharap na kanina pa napaka lawak ng ngiti. “I’m Deshawn Reyes Moore, Shawn for short.”“Boyfriend ka ba ng kapatid ko?”“Naku! Nagkakamali po kayo, I’m not her boyfriend.”Tumaas ang isang kilay ni Kirk at pinagkrus ang braso niya. Kanina pa niya kinikilatis si Shawn simula nang madatnan niya itong kasama ni Karleigh sa labas ng bahay nila. Ganito ang ginagawa niya sa tuwing nagdadala ng lalaki ang kapatid ngunit kadalasan ay mga katrabaho lamang ni
Unti-unting dumilat ang pagod na mga mata ni Karleigh at itim na kisame kaagad ang bumungad sa kan’ya. Nagising siya sa isang malaking kwarto na ngayon lamang niya nakita at hindi niya maalala kung paano ba siya napunta doon. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Kulay puti ang mga gamit doon. Mayroong malaking cabinet, aircon na nakakabit sa dingding, side table na may lamp shade at isang bintana na natatabunan ng kurtinang puti. Malinis ang silid at base sa hitsura nito ay pagmamay-ari ito ng lalaki. “Hello. Can I order two breakfast meal in room 69?”Narinig niya ang isang pamilyar na tinig mula sa labas ng silid. May maliit na siwang kasi ang pinto ngunit hindi niya masyadong maaninag ang tao sa labas no’n. Marahan siyang bumangon kahit na masakit pa ang kan’yang katawan. Nilakad niya ang distansiya niya mula sa pintuan ngunit napahinto siya sa harap ng salaming nakadikit sa pader. Saka niya lamang napansin ang hitsura niya. Iba na ang suo
"Alam mo, Lei, konti na lang matutunaw na 'yang screen."Nabalik sa ulirat si Karleigh nang magsalita si Zahra. Kanina pa pala siya tulala sa ginagawa at lumilipad ang utak. Kagabi ay hindi din siya nakatulog ng maayos. Ayaw man niyang aminin pero mukhang ang nakita niya kahapon ang dahilan."S-sorry, may iniisip lang," tugon niya at tipid na ngumiti. Ginawa niyang busy muli ang sarili. Siguro ay kailangan lang niyang malibang at 'di-kalauna'y mawawala din iyon sa isip niya."Iniisip mo pa din ba 'yong nagpakalat ng picture sa Teeter? Hayaan mo na 'yon, high-tech na ang karma," wika naman ni Briah.Nagpakawala ng buntong-hininga si Karleigh. Isa pa pala 'yon sa inaalala niya. Kung bakit ba nagkasunod-sunod ang iniisip niya nitong mga nakaraang araw. Bigla na lamang siyang tumayo kaya napatingin sa kanya ang mga kaibigan. "Kuha lang akong kape." Matapos no'n ay tinanggal na niya ang flash drive na nakasaksak sa sa computer at inilagay sa
"Hi, I'm Deshawn Moore." Inilahad niya ang kanyang kamay kay Jaxon Garza, ang manager ng event na magaganap sa susunod na buwan. Nasa Manila Theater sila ngayon ni Karleigh upang makita ang mga Disney Princess portrayers.Tinanggap ni Mr. Garza ang kamay ng binata. "Good evening, Mr. Moore, I'm Jaxon. I received your request, gusto mo daw pong makita ang mga portrayers if I'm not mistaken?""Yes, actually, it's my fiancee's request. She's a big fan of Disney movies and I want to make her dreams come true, right, Babe?"Napalingon siya sa kanyang likuran at nagulat nang wala na doon si Karleigh na kanina lang ay kasabay pa niyang pumasok ng gusali. Nahagip ng kanyang mga mata ang pigura ng babaeng pumasok sa isang pintuan na may nakalagay na Cinderella's dressing room."Sh*t." Pagharap niyang muli kay Mr. Garza ay may kausap itong lalaking mukhang staff din nila kaya sinamantal na niya ang pagkakataon upang sundan si Karleigh.
"Oh, kumain ka na." Inilapag ni Kirk ang mangkok na may lamang pagkain sa harapan ng kapatid.Sila na lamang dalawa ang nasa kusina dahil abala ang lahat sa bahay. Ang ina at ama nila ay magkasama sa kwarto. Hindi nila alam kung bakit kanina pa ang dalawang 'yon doon at kanina pa din sila nakakarinig ng paglagitlit ng kama. Siguro ay guni-guni lang nila 'yon.Habang ang nakababata nilang kapatid ay nag-aaral sa kwarto nito."S-salamat, Kuya. Nag-abala ka pa," alanganin niyang tugon.Umupo si Kirk sa kaharap niyang upuan at seryoso itpng tiningnan sa mga mata. Napaiwas siya ng tingin dahil alam niyang sa mata pa lang niya ay malalaman na ng kapatid kung nagsisinungaling ba siya o hindi.Hinugot ni Kirk ang cellphone mula sa bulsa at ipinakita sa kapatid ang isang post mula sa social media. "Ano 'to?"Dahan-dahang lumingon doon. Nangunot ang noo niya nang makita iyon."Babaeng naka-bra at panty?""So, ba
"Fiance?" saad ni Gael at tumawa. "Are you kidding me?"Ngumisi si Shawn. Si Karleigh naman ay napaka bilis ng pagkabog ng dibdib, sigurado siyang kukulitin na naman siya ng mga kaibigan mamaya or worse, baka makarating pa iyon sa kuya niya."I'm not kidding, me and Karleigh will be married soon. And no one can stop us, right, Babe?" Pinisil niya ang balikat ng babae. "Ahh… o-oo," nag-aalangang tugon ni Karleigh at pilit na ngumiti. Madiing kumuyom ang mga kamao ni Gael bago umiwas ng tingin. Tumikhim siya bago muling tumingin sa dalawa. Pinipigilan niya ang galit dahil ayaw niya ng gulo lalo na at nasa harapan niya si Karleigh. Ayaw niyang mag-iba ang tingi nito sa kanya. "Well… congratulations in advance. Kung saan masaya si Lei, doon na din ako. I need to go, may lakad pa 'ko." Tumingin siya kay Shawn. "Nice to meet you, Deshawn."Matapos no'n ay tinalikuran na niya ang dalawa at diretsong naglakad papalabas ng glass door.
"Okay na siguro 'to."Pinagmasdan ni Karleigh ang hitsura sa harapan ng salamin. Nakasuot siya ng dark blue sheath dress at puting kitten hills. Sabado ngayon at ito din ang araw na napag-usapan nila ni Shawn para makilala niya ang mga magulang nito. Napurnada pa tuloy ang pamamahinga niya.Kinuha na niya ang blue pouch sa kama at saka na lumabas ng kwarto. Dahil sa heels niya ay rinig na rinig ang bawat hakbang niya sa pagbaba ng hagdan. Agad siyang napansin ni Kirk na abala sa paghuhugas ng pinggan."Sabado ngayon, ah. Saan ka pupunta at bihis na bihis ka?" tanong nito.Napalunok si Karleigh. Hindi dapat malaman ng kuya niya ang kagagahang pinasok niya. Tumikhim siya at saka inayos ang sarili bago lumapit sa kapatid."Ahh… m-mamamasyal lang kami nila Zahra at Bri," kandautal niyang tugon.Napatigil sa paghuhugas ang kapatid at tumaas ang
Oh, bibig mo baka pasukan ng langaw." Nabalik si Karleigh ss ulirat nang marinig ang boses ng kuya niya. Nasa hapag kainan na sila ngayon habang kumakain ng hapunan. Kahit na sinabi na nitong kumain na siya kanina ay pinakain siya ulit ng ina, pakiramdam niya'y wala na ngang espasyo sa bituka niya. "Bakit ba tulala ka d'yan, Lei? May problema ba?" tanong ng papa Eliseo niya. Tipid na ngumiti si Karleigh bago umiling. "Wala po, pagod lang sa trabaho." "Baka naman pinapagod mo ng husto 'yang sarili mo sa trabaho, Lei. Hindi mo naman kailangang sagarin 'yang katawan mo kakakayod," saad ng mama Kloe niya. "'Ma, 'Pa, okay lang po ako. At saka kailangan ko pong magtrabaho para kay Kelsi, isang taon na lang high school na ang bunso natin." Tiningnan niya ang kapatid na babaeng nasa tabi ng ina na kumakain. "Kahit na, nad'yan pa naman ang kuya mo. Pareho
Sinuot ni Karleigh ang kulay asul niyang balerina shoes at kung pagmasdan niya iyon ay tila ba ngayon lamang niya ito nakita kahit na ito ang araw-araw niyang suot. "One shoe can change your life," bigkas niya ng mga salitang mula sa paborito niyang Disney Princess na si Cinderella. Tumindig siya at ipinikit ang mga mata, marahan niyang iniangat ang mga braso at dahan-dahang sumayaw na tila ba may kapares siyang gumagalaw sa saliw ng musikang kaniyang inaawit. Sa kanyang pag-ikot ay umikot din ang laylayan ng kanyang suot na asul na drop waist dress. "Hoy babae, male-late ka na!" Biglang bumukas ang pintuan ng kanyang silid at iniluwa no'n si Kirk, ang kuya niyang kulang na lang ay isumpa ang kapatid dahil sa kabaliwan nito sa Disney movies. Hindi na daw ito bata pa para sa mga gano'ng bagay ngunit wala naman siyang magawa. Napatigil sa pagsayaw si Kar...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments