"Fiance?" saad ni Gael at tumawa. "Are you kidding me?"
Ngumisi si Shawn. Si Karleigh naman ay napaka bilis ng pagkabog ng dibdib, sigurado siyang kukulitin na naman siya ng mga kaibigan mamaya or worse, baka makarating pa iyon sa kuya niya."I'm not kidding, me and Karleigh will be married soon. And no one can stop us, right, Babe?" Pinisil niya ang balikat ng babae."Ahh… o-oo," nag-aalangang tugon ni Karleigh at pilit na ngumiti.Madiing kumuyom ang mga kamao ni Gael bago umiwas ng tingin. Tumikhim siya bago muling tumingin sa dalawa. Pinipigilan niya ang galit dahil ayaw niya ng gulo lalo na at nasa harapan niya si Karleigh. Ayaw niyang mag-iba ang tingi nito sa kanya."Well… congratulations in advance. Kung saan masaya si Lei, doon na din ako. I need to go, may lakad pa 'ko." Tumingin siya kay Shawn. "Nice to meet you, Deshawn."Matapos no'n ay tinalikuran na niya ang dalawa at diretsong naglakad papalabas ng glass door. Sumakay siya sa kotseng kulay puti na nakaparada sa harap ng departamento. Sa kabilang parte ng kalsada ay naroroon ang itim na kotseng pagmamay-ari ni Shawn.Kaagad na humiwalay si Karleigh sa binata nang makaalis ang sasakyan ni Gael. Napatingin siya sa mga kaibigan na kapwa nakatingin sa kanya at naghihintay ng eksplenasyon niya."Uhm… p-pwede bang iwan niyo muna kami? May pag-uusapan lang kami ni Shawn," kandautal niyang wika at tipid na ngumiti.Kaagad namang tumalima sila Briah at Zahra at sabay na umalis. Nang masigurong wala na ang dalawa ay napangiwi si Shawn nang bigla siyang kurutin ng babae sa tagiliran."Ouch! What's that for?" d***g niya."Anong ginagawa mo dito, ha? At talagang pati sa mga kaibigan ko sinabi mo pa ang kasinungalingan mo.""Hey! Dapat ka pa ngang magpasalamat sa 'kin, sigurado akong titigilan ka na ng… sino nga 'yon?"Napairap na lang si Karleigh. "Gael. Gael Fabro. And for your information, hindi ko naman hiningi ang tulong mo kaya hindi ako dapat magpasalamat sayo. I can handle him.""If you say so, anyway, I'm here to gave you this." Dinukot niya ang isang malit na kahon mula sa bulsa. "Naiwan mo sa kotse."Inabot niya iyon kay Karleigh ngunit pinagmasdan niya lamang iyon. Alam niyang singsing ang laman niyon."Sinadya ko 'yang iwan. Hindi ko 'yan matatanggap." Akmang aalis na siya nang kabigin ni Shawn ang kanyang braso."But you need to wear this, para maman convincing ang act natin." Binitawan niya si Karleigh bago kuhanin ang singsing mula sa kahon. Kinuha niya ang kanang kamay ni Karleigh.Pinagmasdan lamang siya ni Karleigh na dahan-dahang ilagay ang singsing sa kanyang daliri. Ngayon lamang niya napagmasdan ng malapitan si Shawn. Napangiti na lang siya nang pagmasdan ni Shawn ang kamay niyang may singsing, kung normal na sitwasyon lamang iyon ay iisipin niyang napaka saya ng lalaki dahil sinagot niya ito base sa reaksyon nito.Kaagad siyang nag-iwas ng tingin nang umangat ang tingin ni Shawn sa kanya. Binitawan na nito ang kanyang palad at nagpamulsa."You need to wear that when you're with me. And just for you to know, that ring cost fifty-six thousand pesos kaya 'wag mong iwawala 'yan," wika niya."Anong tingin mo sa 'kin? Burara?""Malay ko ba kung maisipan mong isangla."Madiing naglapat ang mga labi ni Karleigh ngunit nagulat siya nang halikan siya nito sa pisnge."See you later… Babe." Kumindat pa ito bago na umalis ng lugar.Sandaling pang natulala sa kawalan si Karleigh. Hinaplos niya ang parteng hinalikan ng binata at hindi niya alam kung bakit parang nararamdaman pa niya ang mga labi nito doon.Napailing siya nang mabalik sa ulirat at napakagat sa labi bago na bumalik sa trabaho.**Hinaplos ni Shawn ang picture frame na hawak. Sa loob no'n ay nakalagay ang isang letratong may kalumaan na. Mayroon doong dalawang batang nasa edad limang taon, ang lalaki doon ay si Shawn."Kung buhay ka pa, sigurado akong napaka ganda mong dalaga," bulong niya at mapait na ngumiti.Napasandal siya sa couch na nasa opisina at napatingala. Muling nagbalik sa ala-ala niya ang mga panahong kapiling pa ang babae.-Flashback-"Sandali, Shawn! Hintayin mo naman ako!" Tumakbo ang batang babae upang maabutan si Shawn na tumatakbo patungo sa gusali na nasa paaralan nila.Kapwa nakasuot siya ng uniporme at tagaktak na ang pawis dahil sa paglalaro. Tumigil sa pagtakbo ang batang lalaki at napahawak sa magkabilang tuhod habang habol ang hininga."Ang daya mo! Bakit ba lagi mo na lang akong iniiwan?" nakangusong tanong ng babae nang maabutan ang kaibigan.Bahagyang natawa si Shawn at napatingin sa hagdan na nasa likuran niya. Ibinalik niya ang tingin sa kaibigan at saka inilahad ang kanyang palad."Tara, Princess, sabay na tayong umakyat," wika niya.Pinagkrus ni Princess ang braso at masamang tumingin kay Shawn. "Ayaw ko nga, pagod na 'ko. Umakyat kang mag-isa kung gusto mo. Babalik na 'ko sa classroom."Akmang aalis na ang babae nang hilain ni Shawn ang braso niya."Sorry na. Maaga pa naman, hindi pa tayo male-late kaya tara na. Ayaw mo bang ilibre kita ng sitsirya mamayang uwian?"Nag-isip muna si Princess. Paano ba siya makakatanggi kung alam nito ang kahinaan niya? Dahil mayaman si Shawn, palagi siya nitong binibilhan ng tsitsirya sa hapon o kaya sa recess nila. Alam kasi nito na paborito niya ang lahat ng klase ng chips."Promise?""Oo nga, promise, promise, promise, promise."Sa huli ay sumama pa din siya. Inakyat nila ang apat na palapag na gusali patungo sa rooftop nito. Doon sila madalas tumambay kapag tanghali o kung wala pa silang klase."Hindi ka ba nagsasawang umakyat nang umakyat dito araw-araw? Eh, halos pudpod na ang sapatos ko kakaakyat-baba natin ng hagdan," wika ni Princess habang nakahawak sa railings ng rooftop.Sa tabi niya ay nakatanaw naman si Shawn sa malawak nilang paaralan. Mula sa kinatatayuan nila ay makikita ang mga estudyanteng naglalabas-masok sa gate at ang mga estudyanteng nakakakalat sa field."Hindi, kasama naman kita, eh." Ngumiti ito bago tumingin kay Princess.Dalawang taon ang agwat ng kanilang edad ngunit hindi iniisip nila na magka-edad lamang sila. Nang matahimik sila pareho ay biglang may pumasok sa isip ni Shawn."Princess, paglaki ko, gusto kitang pakasalan."Kaagad na napalingon sa kanya ang bata na bakas sa mukha ang pagkabigla."T-talaga?" kandautal niyang tanong.Bahagyang natawa ang lalaki at saka hinawi ang buhok bago tumango."Oo, sa totoo niyan, crush kita, Princess. Kaya kapag malaki ka na, 'wag kang magpapaligaw sa iba, ha? Ako lang din dapat ang crush mo."Napangiwi naman ang babae dahil sa pagtatapat ng kaibigan. Wala pa sa isip niya ang mga gano'ng bagay, ni hindi niya nga alam kung ano ba ang crush."Paano mo 'ko liligawan kung nasa Norte na 'ko?" wika niya.Nangunot ang noo ni Shawn dahil sa narinig. "Norte?""Oo, ang sabi ni Mama at Papa ita-transfer na daw nila 'ko sa Norte. Aalis na kami sa susunod na linggo tapos sasakay kami ng barko! Excited na nga 'ko, eh. Makakakita na 'ko ng dolphin!"Kung gaano kasaya ang reaksyon ni Princess ay gano'n naman kalungkot ang naging reaksyon ni Shawn. Iniiisip pa lang niyang papasok siya ng paaralan na hindi kasama ang babae ay parang gusto na lang niyang sumama dito.Natigilan si Princess nang mapansin ang pananahimik ng kaibigan. Saka niya lang napansin ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata nito."Uy, Shawn. Okay ka lang? Ba't ka umiiyak?"Imbis na samagot ay bigla na lang tumakbo paalis ang lalaki. Mabilis siyang bumaba ng hagdan at hindi iniisip na pwede siyang maaksidente sa ginagawa."Shawn!" Nangunot na lamang ang noo ni Princess dahil sa ginawa ng kaibigan. Minsan ay hindi niya din maintindihan ang lalaki kahit na matagal na silang magkaibigan.Simula ng araw na iyon, madalas ay nasa rooftop na lamang si Princess at hinihintay ang kaibigan na sundan siya ngunit hindi ito dumadating. Pansin din niya ang pag-iwas nito sa kanya hanggang sa dumating ang araw ng pag-alis nila.Sa araw na iyon din ay nabalitaan na lamang ni Shawn na naaksidente ang sinakyang bus nila Princess at ng pamilya nito papuntang pier. Ang balita ay ilan lamang ang nakaligtas dahil bumagsak ang bus sa bangin at sumabog.-End of Flashback-Nabasa ang bubog ng frame dahil sa mga luhang nagmumula sa binata."I'm so sorry, my princess. I should stop you that day, kung alam ko lang na iyon na ang huling araw na makakasama kita, sana hindi na 'ko umiwas sayo." Pagak na tumawa ang binata."Palagi kitang naiiwan noon kapag naglalaro tayo ng habulan, pero ngayon, ikaw naman ang nang-iwan. Alam mo, ikaw ang madaya, eh. You left me, but this time, you didn't come back anymore."**Pauwi na si Karleigh ngayon sa bahay nila. Kasalukuyan siyang lulan ng pampasaherong jeep na hindi naman masyadong puno. Dahil medyo malayo pa naman ang bahay nila ay naisipan niyang mag-scroll muna sa Teeter account niya nang biglang may mag-notif na post na naka-tag siya.Nangunot ang noo niya nang makita ang pangalan ng nag-post. Hindi niya ito kilala at mas lalong hindi niya ito friend sa social media."Chiz Pimiento?"Natutop niya ang bibig nang makita ang post na naka-tag siya. Hindi siya maaaring magkamali, kanina lamang ito. Dalawa iyon at ang una ay ang letrato niya na inabutan ni Gael ng bulaklak habang ang pangalawa ay ang letratong nakaakbay sa kanya si Shawn.May caption ito na: Slutty, squammy.Nang i-check niya ang comment section ay puro masasakit na salita ang nabasa niya. Gold digger daw siya, two timer, manggagamit, makati, p****k, at madami pang iba.Halos mapatalon na siya mula sa kinauupuan nang makatanggap siya ng mensahe mula sa kuya niya. Ngayon pa lang ay pinagpapawisan na siya.FROM: KUYA BEASTBilisan mong umuwi, Karleigh, may pag-uusapan tayo."Oh, kumain ka na." Inilapag ni Kirk ang mangkok na may lamang pagkain sa harapan ng kapatid.Sila na lamang dalawa ang nasa kusina dahil abala ang lahat sa bahay. Ang ina at ama nila ay magkasama sa kwarto. Hindi nila alam kung bakit kanina pa ang dalawang 'yon doon at kanina pa din sila nakakarinig ng paglagitlit ng kama. Siguro ay guni-guni lang nila 'yon.Habang ang nakababata nilang kapatid ay nag-aaral sa kwarto nito."S-salamat, Kuya. Nag-abala ka pa," alanganin niyang tugon.Umupo si Kirk sa kaharap niyang upuan at seryoso itpng tiningnan sa mga mata. Napaiwas siya ng tingin dahil alam niyang sa mata pa lang niya ay malalaman na ng kapatid kung nagsisinungaling ba siya o hindi.Hinugot ni Kirk ang cellphone mula sa bulsa at ipinakita sa kapatid ang isang post mula sa social media. "Ano 'to?"Dahan-dahang lumingon doon. Nangunot ang noo niya nang makita iyon."Babaeng naka-bra at panty?""So, ba
"Hi, I'm Deshawn Moore." Inilahad niya ang kanyang kamay kay Jaxon Garza, ang manager ng event na magaganap sa susunod na buwan. Nasa Manila Theater sila ngayon ni Karleigh upang makita ang mga Disney Princess portrayers.Tinanggap ni Mr. Garza ang kamay ng binata. "Good evening, Mr. Moore, I'm Jaxon. I received your request, gusto mo daw pong makita ang mga portrayers if I'm not mistaken?""Yes, actually, it's my fiancee's request. She's a big fan of Disney movies and I want to make her dreams come true, right, Babe?"Napalingon siya sa kanyang likuran at nagulat nang wala na doon si Karleigh na kanina lang ay kasabay pa niyang pumasok ng gusali. Nahagip ng kanyang mga mata ang pigura ng babaeng pumasok sa isang pintuan na may nakalagay na Cinderella's dressing room."Sh*t." Pagharap niyang muli kay Mr. Garza ay may kausap itong lalaking mukhang staff din nila kaya sinamantal na niya ang pagkakataon upang sundan si Karleigh.
"Alam mo, Lei, konti na lang matutunaw na 'yang screen."Nabalik sa ulirat si Karleigh nang magsalita si Zahra. Kanina pa pala siya tulala sa ginagawa at lumilipad ang utak. Kagabi ay hindi din siya nakatulog ng maayos. Ayaw man niyang aminin pero mukhang ang nakita niya kahapon ang dahilan."S-sorry, may iniisip lang," tugon niya at tipid na ngumiti. Ginawa niyang busy muli ang sarili. Siguro ay kailangan lang niyang malibang at 'di-kalauna'y mawawala din iyon sa isip niya."Iniisip mo pa din ba 'yong nagpakalat ng picture sa Teeter? Hayaan mo na 'yon, high-tech na ang karma," wika naman ni Briah.Nagpakawala ng buntong-hininga si Karleigh. Isa pa pala 'yon sa inaalala niya. Kung bakit ba nagkasunod-sunod ang iniisip niya nitong mga nakaraang araw. Bigla na lamang siyang tumayo kaya napatingin sa kanya ang mga kaibigan. "Kuha lang akong kape." Matapos no'n ay tinanggal na niya ang flash drive na nakasaksak sa sa computer at inilagay sa
Unti-unting dumilat ang pagod na mga mata ni Karleigh at itim na kisame kaagad ang bumungad sa kan’ya. Nagising siya sa isang malaking kwarto na ngayon lamang niya nakita at hindi niya maalala kung paano ba siya napunta doon. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Kulay puti ang mga gamit doon. Mayroong malaking cabinet, aircon na nakakabit sa dingding, side table na may lamp shade at isang bintana na natatabunan ng kurtinang puti. Malinis ang silid at base sa hitsura nito ay pagmamay-ari ito ng lalaki. “Hello. Can I order two breakfast meal in room 69?”Narinig niya ang isang pamilyar na tinig mula sa labas ng silid. May maliit na siwang kasi ang pinto ngunit hindi niya masyadong maaninag ang tao sa labas no’n. Marahan siyang bumangon kahit na masakit pa ang kan’yang katawan. Nilakad niya ang distansiya niya mula sa pintuan ngunit napahinto siya sa harap ng salaming nakadikit sa pader. Saka niya lamang napansin ang hitsura niya. Iba na ang suo
Nanginginig ang mga kamay ni Karleigh habang nagpapalaman ng peanut butter sa slice ng tinapay. Nasa kusina siya habang ginagawa ang inutos ni Kirk na gumawa siya ng meryenda. Sandali siyang sumulyap sa sala nila kung saan magkaharap na nakaupo sa sofa ang kuya niya at si Shawn.Natatakot siya sa reaksyon ng kuya niya ngayon. Hindi kasi ito mukhang galit, hindi din naman mukhang masaya. Mas natatakot siya sa nakikita niyang reaksyon ni Kirk dahil hindi niya alam ang tumatakbo sa isip nito.“Anong pangalan mo?” pormal na tanong ni Kirk sa kaharap na kanina pa napaka lawak ng ngiti. “I’m Deshawn Reyes Moore, Shawn for short.”“Boyfriend ka ba ng kapatid ko?”“Naku! Nagkakamali po kayo, I’m not her boyfriend.”Tumaas ang isang kilay ni Kirk at pinagkrus ang braso niya. Kanina pa niya kinikilatis si Shawn simula nang madatnan niya itong kasama ni Karleigh sa labas ng bahay nila. Ganito ang ginagawa niya sa tuwing nagdadala ng lalaki ang kapatid ngunit kadalasan ay mga katrabaho lamang ni
Abala sa pagtitipa sa computer si Karleigh nang lapitan siya ni Zahra. Natigil siya sa ginagawa at pinakinggan ang ibinulong nito sa kan’yang tainga.“Gael is in the lobby. Talk to him bago pa siya magwala doon.”Nginitian niya ang kaibigan bago tumango. Naupo na si Zahra at saka naman tumayo si Karleigh bago magpakawala ng buntong-hininga. Tinungo na niya ang lobby at nakita nga niya doon si Gael na nakasandal sa information desk habang nagtitipa sa cellphone. Napaangat ang tingin nito nang mapansin niya ang babae na naglalakad patungo sa kan’ya. Itinago niya ang cellphone sa bulsa bago ito salubungin ng ngiti. “Good morning—“Naputol ang sasabihin niya nang sampalin siya ni Karleigh. Nabigla siya sa ginawa nito ngunit bahagya itong natawa bago haplusin ang parteng tinamaan ng palad ng babae. Hindi niya inaasahan na gano’n ang magiging sagot ni Karleigh sa kan’ya.“Hindi ba sinabihan na kita na tigilan mo na ‘ko, Gael? Bakit ba ang kulit mo? At talagang pati si Shawn kailangan mong
Sinuot ni Karleigh ang kulay asul niyang balerina shoes at kung pagmasdan niya iyon ay tila ba ngayon lamang niya ito nakita kahit na ito ang araw-araw niyang suot. "One shoe can change your life," bigkas niya ng mga salitang mula sa paborito niyang Disney Princess na si Cinderella. Tumindig siya at ipinikit ang mga mata, marahan niyang iniangat ang mga braso at dahan-dahang sumayaw na tila ba may kapares siyang gumagalaw sa saliw ng musikang kaniyang inaawit. Sa kanyang pag-ikot ay umikot din ang laylayan ng kanyang suot na asul na drop waist dress. "Hoy babae, male-late ka na!" Biglang bumukas ang pintuan ng kanyang silid at iniluwa no'n si Kirk, ang kuya niyang kulang na lang ay isumpa ang kapatid dahil sa kabaliwan nito sa Disney movies. Hindi na daw ito bata pa para sa mga gano'ng bagay ngunit wala naman siyang magawa. Napatigil sa pagsayaw si Kar
Grabe, gano'n ka na ba kadesperada sa raffle, Lei?" hindi makapaniwalang tanong ni Zahra sa babae.Nasa opisina na sila ngayon ng Huang Animation Company o mas kilala bilang HAC. Matapos ng nangyari sa restaurant ay mabilis na nilisan ng tatlo ang lugar dahil sa mga titig ng mga customer doon. Sa mga oras na iyon ay pinagdadasal na lang ni Karleigh na sana'y kinain na lang siya ng lupa dahil mukhang wala na siyang mukhang ihaharap sa mga tao."Oo nga, alam ko naman na gagawin mo lahat para sa Disney pero hindi ko naisip na aabot sa point na hahalik ka talaga ng hindi mo kilala," saad naman ni Briah.Inilagay ni Karleigh ang mga kamay sa baba na kanina'y nakatabon sa kanyang mukha. Sa tuwing magmumulat siya ng mata ay tila ba nagfa-flashback sa utak niya ang nangyari kanina."Pero seryoso, Lei, anong feeling?" Bahagya pang lumapit si Zahra sa kaibigan at gano'n din si Briah.
Abala sa pagtitipa sa computer si Karleigh nang lapitan siya ni Zahra. Natigil siya sa ginagawa at pinakinggan ang ibinulong nito sa kan’yang tainga.“Gael is in the lobby. Talk to him bago pa siya magwala doon.”Nginitian niya ang kaibigan bago tumango. Naupo na si Zahra at saka naman tumayo si Karleigh bago magpakawala ng buntong-hininga. Tinungo na niya ang lobby at nakita nga niya doon si Gael na nakasandal sa information desk habang nagtitipa sa cellphone. Napaangat ang tingin nito nang mapansin niya ang babae na naglalakad patungo sa kan’ya. Itinago niya ang cellphone sa bulsa bago ito salubungin ng ngiti. “Good morning—“Naputol ang sasabihin niya nang sampalin siya ni Karleigh. Nabigla siya sa ginawa nito ngunit bahagya itong natawa bago haplusin ang parteng tinamaan ng palad ng babae. Hindi niya inaasahan na gano’n ang magiging sagot ni Karleigh sa kan’ya.“Hindi ba sinabihan na kita na tigilan mo na ‘ko, Gael? Bakit ba ang kulit mo? At talagang pati si Shawn kailangan mong
Nanginginig ang mga kamay ni Karleigh habang nagpapalaman ng peanut butter sa slice ng tinapay. Nasa kusina siya habang ginagawa ang inutos ni Kirk na gumawa siya ng meryenda. Sandali siyang sumulyap sa sala nila kung saan magkaharap na nakaupo sa sofa ang kuya niya at si Shawn.Natatakot siya sa reaksyon ng kuya niya ngayon. Hindi kasi ito mukhang galit, hindi din naman mukhang masaya. Mas natatakot siya sa nakikita niyang reaksyon ni Kirk dahil hindi niya alam ang tumatakbo sa isip nito.“Anong pangalan mo?” pormal na tanong ni Kirk sa kaharap na kanina pa napaka lawak ng ngiti. “I’m Deshawn Reyes Moore, Shawn for short.”“Boyfriend ka ba ng kapatid ko?”“Naku! Nagkakamali po kayo, I’m not her boyfriend.”Tumaas ang isang kilay ni Kirk at pinagkrus ang braso niya. Kanina pa niya kinikilatis si Shawn simula nang madatnan niya itong kasama ni Karleigh sa labas ng bahay nila. Ganito ang ginagawa niya sa tuwing nagdadala ng lalaki ang kapatid ngunit kadalasan ay mga katrabaho lamang ni
Unti-unting dumilat ang pagod na mga mata ni Karleigh at itim na kisame kaagad ang bumungad sa kan’ya. Nagising siya sa isang malaking kwarto na ngayon lamang niya nakita at hindi niya maalala kung paano ba siya napunta doon. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Kulay puti ang mga gamit doon. Mayroong malaking cabinet, aircon na nakakabit sa dingding, side table na may lamp shade at isang bintana na natatabunan ng kurtinang puti. Malinis ang silid at base sa hitsura nito ay pagmamay-ari ito ng lalaki. “Hello. Can I order two breakfast meal in room 69?”Narinig niya ang isang pamilyar na tinig mula sa labas ng silid. May maliit na siwang kasi ang pinto ngunit hindi niya masyadong maaninag ang tao sa labas no’n. Marahan siyang bumangon kahit na masakit pa ang kan’yang katawan. Nilakad niya ang distansiya niya mula sa pintuan ngunit napahinto siya sa harap ng salaming nakadikit sa pader. Saka niya lamang napansin ang hitsura niya. Iba na ang suo
"Alam mo, Lei, konti na lang matutunaw na 'yang screen."Nabalik sa ulirat si Karleigh nang magsalita si Zahra. Kanina pa pala siya tulala sa ginagawa at lumilipad ang utak. Kagabi ay hindi din siya nakatulog ng maayos. Ayaw man niyang aminin pero mukhang ang nakita niya kahapon ang dahilan."S-sorry, may iniisip lang," tugon niya at tipid na ngumiti. Ginawa niyang busy muli ang sarili. Siguro ay kailangan lang niyang malibang at 'di-kalauna'y mawawala din iyon sa isip niya."Iniisip mo pa din ba 'yong nagpakalat ng picture sa Teeter? Hayaan mo na 'yon, high-tech na ang karma," wika naman ni Briah.Nagpakawala ng buntong-hininga si Karleigh. Isa pa pala 'yon sa inaalala niya. Kung bakit ba nagkasunod-sunod ang iniisip niya nitong mga nakaraang araw. Bigla na lamang siyang tumayo kaya napatingin sa kanya ang mga kaibigan. "Kuha lang akong kape." Matapos no'n ay tinanggal na niya ang flash drive na nakasaksak sa sa computer at inilagay sa
"Hi, I'm Deshawn Moore." Inilahad niya ang kanyang kamay kay Jaxon Garza, ang manager ng event na magaganap sa susunod na buwan. Nasa Manila Theater sila ngayon ni Karleigh upang makita ang mga Disney Princess portrayers.Tinanggap ni Mr. Garza ang kamay ng binata. "Good evening, Mr. Moore, I'm Jaxon. I received your request, gusto mo daw pong makita ang mga portrayers if I'm not mistaken?""Yes, actually, it's my fiancee's request. She's a big fan of Disney movies and I want to make her dreams come true, right, Babe?"Napalingon siya sa kanyang likuran at nagulat nang wala na doon si Karleigh na kanina lang ay kasabay pa niyang pumasok ng gusali. Nahagip ng kanyang mga mata ang pigura ng babaeng pumasok sa isang pintuan na may nakalagay na Cinderella's dressing room."Sh*t." Pagharap niyang muli kay Mr. Garza ay may kausap itong lalaking mukhang staff din nila kaya sinamantal na niya ang pagkakataon upang sundan si Karleigh.
"Oh, kumain ka na." Inilapag ni Kirk ang mangkok na may lamang pagkain sa harapan ng kapatid.Sila na lamang dalawa ang nasa kusina dahil abala ang lahat sa bahay. Ang ina at ama nila ay magkasama sa kwarto. Hindi nila alam kung bakit kanina pa ang dalawang 'yon doon at kanina pa din sila nakakarinig ng paglagitlit ng kama. Siguro ay guni-guni lang nila 'yon.Habang ang nakababata nilang kapatid ay nag-aaral sa kwarto nito."S-salamat, Kuya. Nag-abala ka pa," alanganin niyang tugon.Umupo si Kirk sa kaharap niyang upuan at seryoso itpng tiningnan sa mga mata. Napaiwas siya ng tingin dahil alam niyang sa mata pa lang niya ay malalaman na ng kapatid kung nagsisinungaling ba siya o hindi.Hinugot ni Kirk ang cellphone mula sa bulsa at ipinakita sa kapatid ang isang post mula sa social media. "Ano 'to?"Dahan-dahang lumingon doon. Nangunot ang noo niya nang makita iyon."Babaeng naka-bra at panty?""So, ba
"Fiance?" saad ni Gael at tumawa. "Are you kidding me?"Ngumisi si Shawn. Si Karleigh naman ay napaka bilis ng pagkabog ng dibdib, sigurado siyang kukulitin na naman siya ng mga kaibigan mamaya or worse, baka makarating pa iyon sa kuya niya."I'm not kidding, me and Karleigh will be married soon. And no one can stop us, right, Babe?" Pinisil niya ang balikat ng babae. "Ahh… o-oo," nag-aalangang tugon ni Karleigh at pilit na ngumiti. Madiing kumuyom ang mga kamao ni Gael bago umiwas ng tingin. Tumikhim siya bago muling tumingin sa dalawa. Pinipigilan niya ang galit dahil ayaw niya ng gulo lalo na at nasa harapan niya si Karleigh. Ayaw niyang mag-iba ang tingi nito sa kanya. "Well… congratulations in advance. Kung saan masaya si Lei, doon na din ako. I need to go, may lakad pa 'ko." Tumingin siya kay Shawn. "Nice to meet you, Deshawn."Matapos no'n ay tinalikuran na niya ang dalawa at diretsong naglakad papalabas ng glass door.
"Okay na siguro 'to."Pinagmasdan ni Karleigh ang hitsura sa harapan ng salamin. Nakasuot siya ng dark blue sheath dress at puting kitten hills. Sabado ngayon at ito din ang araw na napag-usapan nila ni Shawn para makilala niya ang mga magulang nito. Napurnada pa tuloy ang pamamahinga niya.Kinuha na niya ang blue pouch sa kama at saka na lumabas ng kwarto. Dahil sa heels niya ay rinig na rinig ang bawat hakbang niya sa pagbaba ng hagdan. Agad siyang napansin ni Kirk na abala sa paghuhugas ng pinggan."Sabado ngayon, ah. Saan ka pupunta at bihis na bihis ka?" tanong nito.Napalunok si Karleigh. Hindi dapat malaman ng kuya niya ang kagagahang pinasok niya. Tumikhim siya at saka inayos ang sarili bago lumapit sa kapatid."Ahh… m-mamamasyal lang kami nila Zahra at Bri," kandautal niyang tugon.Napatigil sa paghuhugas ang kapatid at tumaas ang
Oh, bibig mo baka pasukan ng langaw." Nabalik si Karleigh ss ulirat nang marinig ang boses ng kuya niya. Nasa hapag kainan na sila ngayon habang kumakain ng hapunan. Kahit na sinabi na nitong kumain na siya kanina ay pinakain siya ulit ng ina, pakiramdam niya'y wala na ngang espasyo sa bituka niya. "Bakit ba tulala ka d'yan, Lei? May problema ba?" tanong ng papa Eliseo niya. Tipid na ngumiti si Karleigh bago umiling. "Wala po, pagod lang sa trabaho." "Baka naman pinapagod mo ng husto 'yang sarili mo sa trabaho, Lei. Hindi mo naman kailangang sagarin 'yang katawan mo kakakayod," saad ng mama Kloe niya. "'Ma, 'Pa, okay lang po ako. At saka kailangan ko pong magtrabaho para kay Kelsi, isang taon na lang high school na ang bunso natin." Tiningnan niya ang kapatid na babaeng nasa tabi ng ina na kumakain. "Kahit na, nad'yan pa naman ang kuya mo. Pareho