Sinuot ni Karleigh ang kulay asul niyang balerina shoes at kung pagmasdan niya iyon ay tila ba ngayon lamang niya ito nakita kahit na ito ang araw-araw niyang suot.
"One shoe can change your life," bigkas niya ng mga salitang mula sa paborito niyang Disney Princess na si Cinderella.
Tumindig siya at ipinikit ang mga mata, marahan niyang iniangat ang mga braso at dahan-dahang sumayaw na tila ba may kapares siyang gumagalaw sa saliw ng musikang kaniyang inaawit. Sa kanyang pag-ikot ay umikot din ang laylayan ng kanyang suot na asul na drop waist dress.
"Hoy babae, male-late ka na!" Biglang bumukas ang pintuan ng kanyang silid at iniluwa no'n si Kirk, ang kuya niyang kulang na lang ay isumpa ang kapatid dahil sa kabaliwan nito sa Disney movies.
Hindi na daw ito bata pa para sa mga gano'ng bagay ngunit wala naman siyang magawa.
Napatigil sa pagsayaw si Karleigh at saka idinilat ang mga mata. Umayos siya ng tayo at sinamaan ng tingin ang kapatid na ngayon ay nakasandal na sa gilid ng pintuan.
"Napaka KJ mo talaga, Kuya," singhal niya at tumingin sa wrist watch. "Mag-aalasais pa lang naman, kung maka-sigaw ka parang may sunog na."
Humarap siya sa full length body mirror at saka pinagmasdan ang sarili. Ngingiti-ngiti niyang hinahaplos ang straight caramel brown niyang buhok na hanggang baba. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pag-irap ni Kirk at saka lumapit sa kanyang direksyon.
"Bakit? Katabi mo lang ba ang HAC? Mayro'n ka bang magic carpet na masasakyan para malampasan ang traffic sa EDSA?"
Sa puntong iyon ay siya naman ang napairap dahil sa sinabi ng lalaki. Alam niyang nang-aasar na naman ito, ke-aga-aga nasisira na ang mood niya dahil kay Kirk.
Humarap siya sa kapatid at saka hinawakan ang balikat nito.
"Kuya, be kind, have courage and always believe in a little magic." Ngumiti siya ng pagkalawak-lawak at natawa na lang nang mapangiwi ang kapatid sa sinabi niya.
"Ewan ko sayo." Binatukan niya ang kapatid.
Napakamot na lamang si Karleigh sa parteng tinamaan ng malaking kamay ng kanyang kuya at matalim itong sinundan ng tingin hanggang sa makalabas ng kwarto niya.
"Beast."
**
"Bri, sige na naman, oh. Maliit na favor lang naman 'yon sa daddy mo, at saka mabait naman si Tito Jaxon, eh." Tila ba isang batang inagawan ng lolipop si Karleigh habang nagmamakaawa sa kaibigan.
Nasa isang restaurant sila ngayon na malapit sa pinagtatrabahuhan niyang gusali. Kasama niya ang dalawang kaibigan na sila Briah Garza at Zahra Soto. Lunch break na kasi nila at doon sila madalas kumain kahit na medyo pricey ang mga putahe doon.
"Hay naku, Lei. Alam mo bang pandaraya 'yang hinihiling mo? Hindi 'yan favor," tugon ni Briah at saka sumubo ng pagkain.
"Yeah, maybe you can join the raffle tapos hilingin mo sa genie na manalo ka," gatong naman ni Zahra. Sabay pa silang tumawa ni Briah dahil doon.
Ang tinutukoy nito ay ang Disney Princess Meet and Greet raffle. Isa itong pagkakataon upang makilala ng harap-harapan ang mga prinsesa ng Hong Kong sa Maynila sa susunod na buwan. Nabanggit ito ni Briah sa kanya dahil ang ama nito ang manager ng event, which is wrong idea dahil ngayon ay kinukulit na siya ng kaibigan. Parang ayaw na nga siyang patulugin.
Napalabi si Karleigh dahil sa pang-aasar ng mga kaibigan. Noon pa lamang ay pangarap na niyang makilala sa personal ang mga Disney Princess na napapanood niya sa TV at nababasa sa mga magasin. Gusto niya talagang makarating sa Hong Kong Disneyland pero wala naman siyang pera dahil ang sweldo niya sa trabaho ay napupunta lahat sa gastusin sa bahay nila. Hindi naman kasi sila mayaman.
"Alam mo, Lei, masyado ka ng matanda para sa mga gano'ng bagay. Eh, halos puro mga bata kaya ang sumali sa raffle na 'yon, bente-singko ka na, Lei. Hindi ka na five years old," saad ni Briah at pinandilatan ng mata ang kaibigan.
"Pero alam niyo naman na pangarap ko 'yon, 'di ba? Sa love nga age doesn't matter, sa pagiging fangirl pa kaya?"
"Karleigh Rivera Estrada," banggit ni Zahra sa buo niyang pangalan, "kumain ka na, marami ka pang gagawin mamaya, ha."
Nagpakawala na lamang ng buntong-hininga si Karleigh bago sundot-sundotin ang manok na nakahain sa kanyang pinggan. Tila ba nawalan siya ng ganang kumain dahil sa pagtanggi ni Briah sa kanya.
Nagkatinginan ang dalawa nang mapansin ang pananamlay ng dalaga. Matitiis ba naman nila ito? Eh, halos para na din nila siyang kapatid simula nang magkasama-sama sila sa trabaho.
Akmang tatawagin na ni Briah ang kaibigan nang mapukaw ng mga mata niya ang isang lalaking kakapasok pa lang ng pintuan ng restaurant. Bumagsak ang panga niya nang makita ang matangkad na lalaking nakasuot ng black jeans, white hawaiian shirt, at white sneakers.
Naupo ito sa lamesa na nasa kaliwang bahagi lamang ng lamesang kinauupuan nila. Hindi mapagkakailang gwapo ang lalaking iyon at mukhang mayaman.
"L-lei," bulong niya.
Walang gana namang umangat ang tingin ng babae sa kanya.
"Gusto mong mapili sa raffle, 'di ba?"
Tila nabuhay ang katawang lupa ni Karleigh nang banggitin iyon ng kaibigan. Umayos siya ng upo at sunod-sunod na tumango. Gumuhit ang isang ngiti sa labi ni Briah na tila ba may masamang binabalak.
Tumingin si Briah kay Zahra at saka pasimpleng itinuro ang lamesang nasa kaliwa nila. Napunta doon ang tingin nina Karleigh at Zahra at nakita nila ang lalaking umo-order na sa waiter habang may hawak na menu.
"Okay, so what about him?" wika ni Zahra.
Humarap muli si Briah kay Karleigh. Base sa mga titig niya sa kaibigan ay mukhang hindi na niya gusto ang tumatakbo sa isip nito.
"Karleigh Estrada, truth or dare?"
Kumunot ang noo ng babae dahil sa biglang tanong nito.
"D-dare?" nag-aalangan niyang tugon kahit na hindi alam kung bakit iyon naitanong ni Briah.
"Well… you can have the slot in the raffle but," saad niya, "I dare you to kiss that billionaire, first."
Napaawang ang bibig ni Karleigh, hindi pa din napo-proseso ng utak niya ang kakasabi lang ng kaibigan. Seryoso ba siya?
"Yes, Lei, I'm so dead serious." Tila ba nabasa nito ang nasa isip ng babae. Ngumisi siya at saka ibinalik ang pansin sa pagkain.
"But I know you can't, sayang, once in a lifetime lang naman 'yong—"
Naputol ang dapat na sasabihin niya nang biglang tumayo si Karleigh at umalis sa pwesto niya. Nagkatinginan sila Briah at Zahra at sinundan ng tingin si Karleigh na diretsong naglalakad patungo sa lamesa ng lalaki.
Hindi niya din alam kung saan niya nahugot ang kakapalan ng mukhang mas makapal pa sa Merriam Webster dictionary. Basta ang alam niya'y gagawin niya ang lahat para sa pangarap niya, kung ang isang halik lang naman ang makakatupad no'n, choosy pa ba siya? At saka gwapo naman 'yong lalaki kaya keri lang.
Nang marating ang tabi ng lalaki ay tila ba nanlalambot ang mga tuhod niya habang nakatingin dito. Mas lalong nangatog ang mga tuhod niya nang umangat ang mga mata ng lalaki sa kanya at saka ngumiti. Bahagya pa siyang natulala sa gwapo nitong mukha, his oblong shaped face, flat thick eyebrows, black almond eyes, his roman nose, natural pink lips, and black ebony fringe up hair was making her throat dry.
"Oh, hi, Miss. Do I know you—"
Natutop nila Briah at Zahra ang bibig nang walang sabi-sabing inilapit ni Karleigh ang mukha sa mukha ng lalaki at pinaglapat ang pareho nilang mga labi. Napapikit na lamang si Karleigh dahil sa kahihiyan at inisip na lamang niya na nasa isa silang role play at ang lalaking ito ang prince charming niya.
Grabe, gano'n ka na ba kadesperada sa raffle, Lei?" hindi makapaniwalang tanong ni Zahra sa babae.Nasa opisina na sila ngayon ng Huang Animation Company o mas kilala bilang HAC. Matapos ng nangyari sa restaurant ay mabilis na nilisan ng tatlo ang lugar dahil sa mga titig ng mga customer doon. Sa mga oras na iyon ay pinagdadasal na lang ni Karleigh na sana'y kinain na lang siya ng lupa dahil mukhang wala na siyang mukhang ihaharap sa mga tao."Oo nga, alam ko naman na gagawin mo lahat para sa Disney pero hindi ko naisip na aabot sa point na hahalik ka talaga ng hindi mo kilala," saad naman ni Briah.Inilagay ni Karleigh ang mga kamay sa baba na kanina'y nakatabon sa kanyang mukha. Sa tuwing magmumulat siya ng mata ay tila ba nagfa-flashback sa utak niya ang nangyari kanina."Pero seryoso, Lei, anong feeling?" Bahagya pang lumapit si Zahra sa kaibigan at gano'n din si Briah.
Oh, bibig mo baka pasukan ng langaw." Nabalik si Karleigh ss ulirat nang marinig ang boses ng kuya niya. Nasa hapag kainan na sila ngayon habang kumakain ng hapunan. Kahit na sinabi na nitong kumain na siya kanina ay pinakain siya ulit ng ina, pakiramdam niya'y wala na ngang espasyo sa bituka niya. "Bakit ba tulala ka d'yan, Lei? May problema ba?" tanong ng papa Eliseo niya. Tipid na ngumiti si Karleigh bago umiling. "Wala po, pagod lang sa trabaho." "Baka naman pinapagod mo ng husto 'yang sarili mo sa trabaho, Lei. Hindi mo naman kailangang sagarin 'yang katawan mo kakakayod," saad ng mama Kloe niya. "'Ma, 'Pa, okay lang po ako. At saka kailangan ko pong magtrabaho para kay Kelsi, isang taon na lang high school na ang bunso natin." Tiningnan niya ang kapatid na babaeng nasa tabi ng ina na kumakain. "Kahit na, nad'yan pa naman ang kuya mo. Pareho
"Okay na siguro 'to."Pinagmasdan ni Karleigh ang hitsura sa harapan ng salamin. Nakasuot siya ng dark blue sheath dress at puting kitten hills. Sabado ngayon at ito din ang araw na napag-usapan nila ni Shawn para makilala niya ang mga magulang nito. Napurnada pa tuloy ang pamamahinga niya.Kinuha na niya ang blue pouch sa kama at saka na lumabas ng kwarto. Dahil sa heels niya ay rinig na rinig ang bawat hakbang niya sa pagbaba ng hagdan. Agad siyang napansin ni Kirk na abala sa paghuhugas ng pinggan."Sabado ngayon, ah. Saan ka pupunta at bihis na bihis ka?" tanong nito.Napalunok si Karleigh. Hindi dapat malaman ng kuya niya ang kagagahang pinasok niya. Tumikhim siya at saka inayos ang sarili bago lumapit sa kapatid."Ahh… m-mamamasyal lang kami nila Zahra at Bri," kandautal niyang tugon.Napatigil sa paghuhugas ang kapatid at tumaas ang
"Fiance?" saad ni Gael at tumawa. "Are you kidding me?"Ngumisi si Shawn. Si Karleigh naman ay napaka bilis ng pagkabog ng dibdib, sigurado siyang kukulitin na naman siya ng mga kaibigan mamaya or worse, baka makarating pa iyon sa kuya niya."I'm not kidding, me and Karleigh will be married soon. And no one can stop us, right, Babe?" Pinisil niya ang balikat ng babae. "Ahh… o-oo," nag-aalangang tugon ni Karleigh at pilit na ngumiti. Madiing kumuyom ang mga kamao ni Gael bago umiwas ng tingin. Tumikhim siya bago muling tumingin sa dalawa. Pinipigilan niya ang galit dahil ayaw niya ng gulo lalo na at nasa harapan niya si Karleigh. Ayaw niyang mag-iba ang tingi nito sa kanya. "Well… congratulations in advance. Kung saan masaya si Lei, doon na din ako. I need to go, may lakad pa 'ko." Tumingin siya kay Shawn. "Nice to meet you, Deshawn."Matapos no'n ay tinalikuran na niya ang dalawa at diretsong naglakad papalabas ng glass door.
"Oh, kumain ka na." Inilapag ni Kirk ang mangkok na may lamang pagkain sa harapan ng kapatid.Sila na lamang dalawa ang nasa kusina dahil abala ang lahat sa bahay. Ang ina at ama nila ay magkasama sa kwarto. Hindi nila alam kung bakit kanina pa ang dalawang 'yon doon at kanina pa din sila nakakarinig ng paglagitlit ng kama. Siguro ay guni-guni lang nila 'yon.Habang ang nakababata nilang kapatid ay nag-aaral sa kwarto nito."S-salamat, Kuya. Nag-abala ka pa," alanganin niyang tugon.Umupo si Kirk sa kaharap niyang upuan at seryoso itpng tiningnan sa mga mata. Napaiwas siya ng tingin dahil alam niyang sa mata pa lang niya ay malalaman na ng kapatid kung nagsisinungaling ba siya o hindi.Hinugot ni Kirk ang cellphone mula sa bulsa at ipinakita sa kapatid ang isang post mula sa social media. "Ano 'to?"Dahan-dahang lumingon doon. Nangunot ang noo niya nang makita iyon."Babaeng naka-bra at panty?""So, ba
"Hi, I'm Deshawn Moore." Inilahad niya ang kanyang kamay kay Jaxon Garza, ang manager ng event na magaganap sa susunod na buwan. Nasa Manila Theater sila ngayon ni Karleigh upang makita ang mga Disney Princess portrayers.Tinanggap ni Mr. Garza ang kamay ng binata. "Good evening, Mr. Moore, I'm Jaxon. I received your request, gusto mo daw pong makita ang mga portrayers if I'm not mistaken?""Yes, actually, it's my fiancee's request. She's a big fan of Disney movies and I want to make her dreams come true, right, Babe?"Napalingon siya sa kanyang likuran at nagulat nang wala na doon si Karleigh na kanina lang ay kasabay pa niyang pumasok ng gusali. Nahagip ng kanyang mga mata ang pigura ng babaeng pumasok sa isang pintuan na may nakalagay na Cinderella's dressing room."Sh*t." Pagharap niyang muli kay Mr. Garza ay may kausap itong lalaking mukhang staff din nila kaya sinamantal na niya ang pagkakataon upang sundan si Karleigh.
"Alam mo, Lei, konti na lang matutunaw na 'yang screen."Nabalik sa ulirat si Karleigh nang magsalita si Zahra. Kanina pa pala siya tulala sa ginagawa at lumilipad ang utak. Kagabi ay hindi din siya nakatulog ng maayos. Ayaw man niyang aminin pero mukhang ang nakita niya kahapon ang dahilan."S-sorry, may iniisip lang," tugon niya at tipid na ngumiti. Ginawa niyang busy muli ang sarili. Siguro ay kailangan lang niyang malibang at 'di-kalauna'y mawawala din iyon sa isip niya."Iniisip mo pa din ba 'yong nagpakalat ng picture sa Teeter? Hayaan mo na 'yon, high-tech na ang karma," wika naman ni Briah.Nagpakawala ng buntong-hininga si Karleigh. Isa pa pala 'yon sa inaalala niya. Kung bakit ba nagkasunod-sunod ang iniisip niya nitong mga nakaraang araw. Bigla na lamang siyang tumayo kaya napatingin sa kanya ang mga kaibigan. "Kuha lang akong kape." Matapos no'n ay tinanggal na niya ang flash drive na nakasaksak sa sa computer at inilagay sa
Unti-unting dumilat ang pagod na mga mata ni Karleigh at itim na kisame kaagad ang bumungad sa kan’ya. Nagising siya sa isang malaking kwarto na ngayon lamang niya nakita at hindi niya maalala kung paano ba siya napunta doon. Inilibot niya ang paningin sa paligid. Kulay puti ang mga gamit doon. Mayroong malaking cabinet, aircon na nakakabit sa dingding, side table na may lamp shade at isang bintana na natatabunan ng kurtinang puti. Malinis ang silid at base sa hitsura nito ay pagmamay-ari ito ng lalaki. “Hello. Can I order two breakfast meal in room 69?”Narinig niya ang isang pamilyar na tinig mula sa labas ng silid. May maliit na siwang kasi ang pinto ngunit hindi niya masyadong maaninag ang tao sa labas no’n. Marahan siyang bumangon kahit na masakit pa ang kan’yang katawan. Nilakad niya ang distansiya niya mula sa pintuan ngunit napahinto siya sa harap ng salaming nakadikit sa pader. Saka niya lamang napansin ang hitsura niya. Iba na ang suo
Abala sa pagtitipa sa computer si Karleigh nang lapitan siya ni Zahra. Natigil siya sa ginagawa at pinakinggan ang ibinulong nito sa kan’yang tainga.“Gael is in the lobby. Talk to him bago pa siya magwala doon.”Nginitian niya ang kaibigan bago tumango. Naupo na si Zahra at saka naman tumayo si Karleigh bago magpakawala ng buntong-hininga. Tinungo na niya ang lobby at nakita nga niya doon si Gael na nakasandal sa information desk habang nagtitipa sa cellphone. Napaangat ang tingin nito nang mapansin niya ang babae na naglalakad patungo sa kan’ya. Itinago niya ang cellphone sa bulsa bago ito salubungin ng ngiti. “Good morning—“Naputol ang sasabihin niya nang sampalin siya ni Karleigh. Nabigla siya sa ginawa nito ngunit bahagya itong natawa bago haplusin ang parteng tinamaan ng palad ng babae. Hindi niya inaasahan na gano’n ang magiging sagot ni Karleigh sa kan’ya.“Hindi ba sinabihan na kita na tigilan mo na ‘ko, Gael? Bakit ba ang kulit mo? At talagang pati si Shawn kailangan mong
Nanginginig ang mga kamay ni Karleigh habang nagpapalaman ng peanut butter sa slice ng tinapay. Nasa kusina siya habang ginagawa ang inutos ni Kirk na gumawa siya ng meryenda. Sandali siyang sumulyap sa sala nila kung saan magkaharap na nakaupo sa sofa ang kuya niya at si Shawn.Natatakot siya sa reaksyon ng kuya niya ngayon. Hindi kasi ito mukhang galit, hindi din naman mukhang masaya. Mas natatakot siya sa nakikita niyang reaksyon ni Kirk dahil hindi niya alam ang tumatakbo sa isip nito.“Anong pangalan mo?” pormal na tanong ni Kirk sa kaharap na kanina pa napaka lawak ng ngiti. “I’m Deshawn Reyes Moore, Shawn for short.”“Boyfriend ka ba ng kapatid ko?”“Naku! Nagkakamali po kayo, I’m not her boyfriend.”Tumaas ang isang kilay ni Kirk at pinagkrus ang braso niya. Kanina pa niya kinikilatis si Shawn simula nang madatnan niya itong kasama ni Karleigh sa labas ng bahay nila. Ganito ang ginagawa niya sa tuwing nagdadala ng lalaki ang kapatid ngunit kadalasan ay mga katrabaho lamang ni