Hindi alam ni Vance kung anong nagtulak sa kanya na sumunod sa mga kaibigan papuntang Santa Catalina. Almost two hours din ang biyahe papunta roon. Pagdating niya sa labas ng El Paraiso Club, nag-aalangan pa siyang pumasok sa loob. "Hindi ka ba papasok sa loob?" untag sa kanya ni Tim nang mapansin nitong hindi siya gumagalaw sa kinauupuan. Napahilot siya sa kanyang sintido. "I don't know, Tim. Parang nawawalan ako nang lakas ng loob na pumasok." malungkot niyang sagot dito. Humilay si Tim sa backrest ng driver seat. "Sa totoo lang, boss. Kahit ako ang nasa katayuan mo, mag-aalinlangan din talaga ako. Kasi ganoon talaga lahat nang hakbang natin na tatahakin mayroong positibo at negatibo. Kung ano man ang outcome at least you give it a try 'di ba? Dahil hindi mo naman kasi malalaman kung hindi mo susubukan." paalala ni Tim sa kanya. Nabuhayan naman siya ng loob dahil sa sinabi nito. Umilaw ang kanyang cellphone. Dinampot niya ito sa upuan at binasa ang message galing kay Sam
"Hindi ka talaga nag-iisip, Merideth. Mula noon hanggang ngayon nagpapadala ka pa rin sa init ng ulo mo! Tingnan mo kung ano ang nangyari. Muling binuksan ang kaso ni Erlinda. Anong gagawin mo ngayon?" galit na bulyaw ni Alma Trinidad sa kaibigan. Matagal na panahong nanahimik siya upang huwag lang mauungkat ang nakaraan. Ilang taon siyang nanirahan sa ibang bansa kasama ang kanyang anak na si Ariston upang takasan ang trahedyang iyon. Ngunit ngayon kung kailan na muli siyang bumalik dito sa Santa Catalina saka pa niya nabalitaan ang tungkol sa ginawa ng kaibigang si Merideth. "Masisisi mo ba ako, Alma? Ginawa ko iyon para sa anak ko! Ayaw kong maulit muli ang nangyari noon at anak ko ang magdurusa!" sagot ni Merideth sa kanya. "Wala ka kasi talagang utak eh! Paano kung magsalita si Rita? Mayaman ang pamilya ni Victor, mas doble pa ang yaman kesa kay George. Lalo na ngayon na anak niya ang humawak sa kaso. Napaka-maimpluwensyang tao si Vance Enriquez, marami itong connection
*** "Son, do you still remember, Ellijah?" napalingon si Vance sa ama ng bigla itong magtanong sa kanya habang nagkakape sila sa beranda ng mansion. Gabi nang dumating siya sa Hacienda kaya hindi na niya nagawa pang kausapin ang ama pagdating niya. "She seems familiar, Dad. Parang narinig ko na ang pangalang iyan. Why?" sagot niya sa ama habang nakatingin sa mug na hawak. Mayamaya, may rumehistro sa kanyang isipan. Nanlaki ang mga mata niya ng maalala si Anastasia. Ellijah rin ang bago nitong pangalan. Tumayo si Victor at nagpalakad-lakad sa harapan ni Vance nakasuksok sa bulsa nito ang isang kamay habang hawak ng isang kamay nito ang mug na may lamang black coffee. "Nakausap ko si Linda, son. Binisita ko siya upang kausapin." napatingin si Vance sa ama. "Wala siyang balak na magsalita. Ngunit nabanggit niya sa akin ang anak niyang si Ellijah. Are you sure, you don't remember her? Because, I do son. I remember that little girl, who help you when you almost..." "Drowned, Da
Magkaharap sina Ashton at Vance sa mahabang dining table. Walang imikan na nagpatuloy sila sa pagsubo ng kanilang agahan. Nakatayo sa kanilang likuran sina Marga at Manang Fe. Mayamaya, sinulyapan ni Vance ang anak na tahimik na kumakain. Nitong mga nagdaang araw, napapansin niya ang pananahimik nito. Naiisip nalang niya na baka dahil nagbibinata na ito kaya nababago na ang ugali. "May problema ka ba, son?" nakatitig sa anak na tanong ni Vance. Napansin niya kasi na matamlay ito. Umiling si Ashton. "No, Dad. Bigla ko lang naalala si Kuya Jeremy. Kumusta na kaya siya. Mula noong pinatira n'yo rito ang ibang tao, bigla nalang din silang nawala." may bahagyang lungkot sa boses nito habang nagsasalita. Ngunit matalas ang tingin ang ipinukol nito kay Marga. Napaisip rin si Vance sa sinabi ng kanyang anak. Ilang taon na nga rin naman na wala siyang balita sa dati niyang secretary. Naalala niya ang galit na mukha nito noong piliin niyang patirahin si Marga sa bahay niya. Wala itong ti
"Marga? What are you doing here?" gulat na tanong niya sa babaeng kakapasok lang. Simpleng jampsuit ang suot nito na kita ang mapuputi nitong balikat. - - - - Ngumiti si Marga habang papalapit sa lalaki. Halata niya ang stress nitong mukha. Nanatili itong nakaupo at nakatukod ang mga siko sa mesa habang pinagsalikop nito ang mga palad. Mariing nakatitig sa kanya ang maitim nitong mga mata. Lihim siyang kinilig habang dahan-dahang humakbang paglapit sa mesa nito. "Mr. Enriquez, ako na ang nagpresinta na dalhin saiyo ang cellphone mo dahil tumulong si Mang Thomas sa paghahanap kay Ash. I'm sorry about what happened. Hindi ko akalain na magagawa niyang umalis." malumanay siyang sabi rito. Huminga ito ng malalim bago nagsalita. "Thank you. Makakauwi kana. Mabuti na iyong nasa bahay ka para in case na umuwi si Tonton ay may mag-asikaso sa kanya." Mariing sabi nito saka kinuha ang cellphone na inilapag niya sa mesa nito. "Alright." napilitan niyang sagot bago tumalikod at sinu
Dalawang araw na mula noong umalis si Ashton sa bahay ni Vance at kasalukuyang kasama ni Anastasia sa Villa na tinitirhan nito sa isang barangay na sakop ng Santa Catalina. Hindi na bago kay Anastasia ang kanilang pagkikita dahil halos once a week niyang palihim na binibisita ang anak sa eskwelahan nito. Mula noong lumipat siya sa Villa at habang nag-aaral siya ay pinupuntahan niya ang anak habang naka-disguise upang huwag siyang makilala ng mga guro nito at mga nakabantay sa labas ng eskwelahan ng anak.Kasalukuyang nasa ikalimang na si Ashton sa elementarya. Ngayong natigil ang pagpasok nito sa school humanap siya ng magaling na tutor para sa anak. Dahil kahit anong pilit niya na bumalik sa pag-aaral nito at siya na ang bahala sa lahat ng kailangan nito mas pinili ng kanyang anak na huminto muna at magpatuloy sa pamamagitan ng tutor. Tinanong ito ni Anastasia kung anong dahil an kung bakit ayaw nitong bumalik sa Maravilis, isa lang ang sagot nito. Ayaw nitong makita ang ama. Nang us
***Mabigat ang pakiramdam ni Vance nang gumising kinaumagahan. Hinilot-hilot niya ang kanyang sintido habang nakadapa sa malaking kama. Mabilis siyang umupo nang mapansin na nakasuot lang siya ng boxer. Sa pagkakaalam niya nakasuot pa siya ng office suit kagabi nang pinahiga siya ni Tim sa kama niya. Pero bakit wala na siyang damit ngayon? Agad siyang bumaba ng kama at nagtungo sa bathroom upang maligo dahil napakasakit ng kanyang ulo. Ilang sandali lang ay nakabihis na siya ng damit pang-opisina. Habang pagbaba ng hagdan tinawagan niya si Tim. "Boss, what happened to you last night? Lumabas ka ba ng kwarto mo nang iwan kita?" agad nitong tanong sa kanya nang sagutin nito ang kanyang tawag. Nag-abot ang kanyang mga kilay sa narinig. "What are you talking about? Ako nga sana ang magtatanong saiyo, eh! What the h*ll was happening last night?! Why, I'm wearing only a boxer underneath the quilt?" Natigilan si Tim sa kabilang linya. "I'm sorry, boss. But, that is not our conce
Ang later ni Vance ay naging week. Nag-umpisa ng nabahala si Anastasia dahil napanis na siya sa kahihintay kay Vance ng gabing sinabi nito ngunit hindi ito dumating. Inis ang bumalot sa kanyang dibdib pagkaraan ng isang linggo na hindi ito nagpakita sa kanya. "Pinaasa ka na naman, girl. Sabi ko nga saiyo eh! Kung si Alex ang pinatulan mo edi hindi ka masasaktan ng ganyan. Hanggang kailan ka ba gumising sa kabaliwan mo kanya. Halos isinumpa mo na siya noon na kakalimutan mo siya at ibaon sa limot, tapos ngayon magku-kwento ka sa akin na may nangyari ulit sa inyo?" sermon sa kanya ni Joyce mula sa kabilang linya. Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. "I love him. I don't really know, why I love him so much. Pakiramdam ko, pa-parang matagal ko na siyang kilala. But d*mn, kung sasaktan niya akong muli, kahit mahal ko pa siya hinding-hindi ko na siya papatawarin pa." naghihimagsik ang kanyang loob sa inis. "Here you are again, sa hindi mapapatawad tingge na yan. Girl, sin