Dalawang araw na mula noong umalis si Ashton sa bahay ni Vance at kasalukuyang kasama ni Anastasia sa Villa na tinitirhan nito sa isang barangay na sakop ng Santa Catalina. Hindi na bago kay Anastasia ang kanilang pagkikita dahil halos once a week niyang palihim na binibisita ang anak sa eskwelahan nito. Mula noong lumipat siya sa Villa at habang nag-aaral siya ay pinupuntahan niya ang anak habang naka-disguise upang huwag siyang makilala ng mga guro nito at mga nakabantay sa labas ng eskwelahan ng anak.Kasalukuyang nasa ikalimang na si Ashton sa elementarya. Ngayong natigil ang pagpasok nito sa school humanap siya ng magaling na tutor para sa anak. Dahil kahit anong pilit niya na bumalik sa pag-aaral nito at siya na ang bahala sa lahat ng kailangan nito mas pinili ng kanyang anak na huminto muna at magpatuloy sa pamamagitan ng tutor. Tinanong ito ni Anastasia kung anong dahil an kung bakit ayaw nitong bumalik sa Maravilis, isa lang ang sagot nito. Ayaw nitong makita ang ama. Nang us
***Mabigat ang pakiramdam ni Vance nang gumising kinaumagahan. Hinilot-hilot niya ang kanyang sintido habang nakadapa sa malaking kama. Mabilis siyang umupo nang mapansin na nakasuot lang siya ng boxer. Sa pagkakaalam niya nakasuot pa siya ng office suit kagabi nang pinahiga siya ni Tim sa kama niya. Pero bakit wala na siyang damit ngayon? Agad siyang bumaba ng kama at nagtungo sa bathroom upang maligo dahil napakasakit ng kanyang ulo. Ilang sandali lang ay nakabihis na siya ng damit pang-opisina. Habang pagbaba ng hagdan tinawagan niya si Tim. "Boss, what happened to you last night? Lumabas ka ba ng kwarto mo nang iwan kita?" agad nitong tanong sa kanya nang sagutin nito ang kanyang tawag. Nag-abot ang kanyang mga kilay sa narinig. "What are you talking about? Ako nga sana ang magtatanong saiyo, eh! What the h*ll was happening last night?! Why, I'm wearing only a boxer underneath the quilt?" Natigilan si Tim sa kabilang linya. "I'm sorry, boss. But, that is not our conce
Ang later ni Vance ay naging week. Nag-umpisa ng nabahala si Anastasia dahil napanis na siya sa kahihintay kay Vance ng gabing sinabi nito ngunit hindi ito dumating. Inis ang bumalot sa kanyang dibdib pagkaraan ng isang linggo na hindi ito nagpakita sa kanya. "Pinaasa ka na naman, girl. Sabi ko nga saiyo eh! Kung si Alex ang pinatulan mo edi hindi ka masasaktan ng ganyan. Hanggang kailan ka ba gumising sa kabaliwan mo kanya. Halos isinumpa mo na siya noon na kakalimutan mo siya at ibaon sa limot, tapos ngayon magku-kwento ka sa akin na may nangyari ulit sa inyo?" sermon sa kanya ni Joyce mula sa kabilang linya. Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. "I love him. I don't really know, why I love him so much. Pakiramdam ko, pa-parang matagal ko na siyang kilala. But d*mn, kung sasaktan niya akong muli, kahit mahal ko pa siya hinding-hindi ko na siya papatawarin pa." naghihimagsik ang kanyang loob sa inis. "Here you are again, sa hindi mapapatawad tingge na yan. Girl, sin
"Sigurado ka na ba riyan sa desisyon mo?" Tumango si Anastasia sa tanong ng kaibigang si Carol. "Matagal ko na itong binabalak hindi ba? Kung hihintantayin ko lang ang panahon ang siyang magtama sa lahat walang mangyayari. Kailangan kong kumilos, Carol." seryosong sagot niya sa kaibigan. Nasa isang Cafe sila ng mga oras na iyon. "I will go with you." Kapwa sila napalingon sa nagsalita mula sa kanyang likuran. "Alex?" Ngumiti ito sa kanila. Tumayo siya at niyakap ang kaibigan. "Kelan ka pa dumating?" agad niyang tanong dito nang makaupo na sila. Magkatabi sila ni Alex sa upuan nasa harapan nila sa Carol. "Kani-kanina lang. Hindi na kasi ako makapag-antay na makita ka. Mabuti nalang at may concern citizen na nagsabi na narito ka raw kaya agad akong napasugod." Dahan-dahan siyang lumingon sa kinaroroonan ni Carol saka pinandilatan niya ito ng mga mata. "Girl mas mabuti na yung safe hindi ba?" palusot nito sa kanya. Napailing siya. Pagdating talaga kay Alex hinding-
Malamig na simoy ng hangin ang dumadampi sa mukha ni Vance habang nakatayo siya sa rooftop ng VM Headquarters. Sinasayaw nito ang ngayon ay mahaba-haba na niyang straight at shiny na buhok. Nitong mga nagdaang araw hindi na niya alintana ang kanyang hitsura. Long hair at may mahabang balbas. Ngunit kahit gano'n ang kanyang hitsura ay lumalabas pa rin ang angkin niyang kakisigan. He's drinking alone in the middle of the night. Nag-desisyon siyang magpalipas ng gabi sa kanyang opisina. Dahil pakiramdam niya tuluyan na siyang mawawala sa katinuan sa tuwing umuuwi sa kanyang bahay na napakalungkot. Maraming bumabagabag sa kanyang isipan. Hindi niya tuloy alam kung ano ang unahin niyang resolbahin. It's Christmas eve, but seems like he will be celebrating alone tonight.While he's in deep thoughts, nakita niya ang isang napakaliwanag na bituin sa kalawakan. Nag-iisa lamang iyon wari binabantayan siya. Mayamaya binaling niya ang kanyang tingin sa naggagandahang skyscrapers na abot-tanaw n
"Who called you, Dad?" Bigla siyang napalingon ng marinig ang baritonong boses ni Ashton sa kanyang likuran. Bahagya kasi siyang lumayo mula sa kanyang mag-ina ng sagutin ang tumawag sa kanya nang mapagtanto niya kung sino iyon. "N-Nothing son. Kaibigan ko lang na walang magawa. Nais niyang magkita kami sa ganito ng oras." pagsisinungaling niya sa anak. Kumaway siya kay Anastasia na nakatingin sa kanila mula sa kinauupuan nito sa harap ng mesa. Nasasaktan man sa ginawang pagsisinungaling niya sa kanyang anak ngunit wala siyang magawa dahil natatakot siya na malaman ito ni Anastasia. Hindi pa tamang panahon para ipagtapat niya ang lahat ng alam niya. Pagkatapos nilang panoorin ang naggagandahang fireworks display. Nagdesisyon siyang dalhin ang kanyang mag-ina sa kanyang condo malapit sa VM Building. Doon sila nagpalipas ng gabi. Nakalipas ang ilang araw. Napansin niya ang bahagyang pag-iwas ni Anastasia sa kanya. Ngunit sinasagot pa rin naman nito ang mga tawag niya. Nanati
Lumapad ang ngiti sa labi na tumayo si Vance at sinalubong ang kanyang kaibigan na kararating lang nang mahigit na yakap. "Tine! You came." usal niya. Ngumiti ang kaibigan ni Vance na si Dra. Kristine Pagaran. Galing ito sa ibang bansa. Mabuti nalang at pumayag ito nang anyayahan niya na makipagkita sa kanya ngayon upang tapusin ang lahat ng ilusyon na namuo sa isipan ni Marga. "Of course, dear. Ikaw pa ba. Malakas ka sa akin eh!" nakangiti nitong sagot sa kanya saka inalalayan niyang maupo sa katabi niyang upuan. Mayamaya, binalingan niya si Marga. "By the way, Marga. Isa siyang gynecologist. Gusto kong siya ang sumuri saiyo at mag-alaga sa'yo hanggang sa manganak ka. Si Dra. Kristine Pagaran." pakilala niya sa kaibigan kay Marga. Hindi nawala ang mga tingin ni Vance kay Marga. Nais niyang makita ang reaction nito. Kung paano ito manlumo sa ginawa niya. Mukhang tama nga ang kutob niya. Namutla ito at hindi kaagad nakasagot sa sinabi niya. "H-Hello! I'm, Marga Sevilla." m
"Hello?" bungad niya. Walang sumagot mula sa kabilang linya. "Hello?!" Halos nakaapat na niya itong binigkas ngunit wala pa ring sumasagot sa kabilang linya. Gigil na naikuyom niya ang kanyang kamao. Sino na naman kaya ang may lakas nang loob na magtrip sa kanya. "Kung hindi ka pa rin sasagot ipapa-trace ko ang number mo na'to!" sigaw niya. Ngunit sa kasamaang palad ay wala pa rin siyang narinig na sagot mula sa kabilang linya. "WHO THE H*LL ARE YOU?" pagdidiin niya sa bawat salitang kanyang binigkas. Papatayin na sana niya ang tawag nito nang may biglang nagsalita mula sa kabilang linya. "Kailangan kitang maka-usap. Kailangan nating magkita, Mr. Enriquez." mababang tono na saad nito. Nagulat siya. "Sabihin mo muna sa akin kung sino ka!" sigaw niya. "Alam kong pinapahanap mo ako." Sagot nito sa kanya. Bigla siyang natahimik. "Okay. Sabihin mo sa akin kung saan at kailan." sabi niya. "Text ko nalang saiyo. Bye!" Dahan-dahan siyang napaupo sa kanyang swivel c