***Mabigat ang pakiramdam ni Vance nang gumising kinaumagahan. Hinilot-hilot niya ang kanyang sintido habang nakadapa sa malaking kama. Mabilis siyang umupo nang mapansin na nakasuot lang siya ng boxer. Sa pagkakaalam niya nakasuot pa siya ng office suit kagabi nang pinahiga siya ni Tim sa kama niya. Pero bakit wala na siyang damit ngayon? Agad siyang bumaba ng kama at nagtungo sa bathroom upang maligo dahil napakasakit ng kanyang ulo. Ilang sandali lang ay nakabihis na siya ng damit pang-opisina. Habang pagbaba ng hagdan tinawagan niya si Tim. "Boss, what happened to you last night? Lumabas ka ba ng kwarto mo nang iwan kita?" agad nitong tanong sa kanya nang sagutin nito ang kanyang tawag. Nag-abot ang kanyang mga kilay sa narinig. "What are you talking about? Ako nga sana ang magtatanong saiyo, eh! What the h*ll was happening last night?! Why, I'm wearing only a boxer underneath the quilt?" Natigilan si Tim sa kabilang linya. "I'm sorry, boss. But, that is not our conce
Ang later ni Vance ay naging week. Nag-umpisa ng nabahala si Anastasia dahil napanis na siya sa kahihintay kay Vance ng gabing sinabi nito ngunit hindi ito dumating. Inis ang bumalot sa kanyang dibdib pagkaraan ng isang linggo na hindi ito nagpakita sa kanya. "Pinaasa ka na naman, girl. Sabi ko nga saiyo eh! Kung si Alex ang pinatulan mo edi hindi ka masasaktan ng ganyan. Hanggang kailan ka ba gumising sa kabaliwan mo kanya. Halos isinumpa mo na siya noon na kakalimutan mo siya at ibaon sa limot, tapos ngayon magku-kwento ka sa akin na may nangyari ulit sa inyo?" sermon sa kanya ni Joyce mula sa kabilang linya. Isang buntong-hininga ang kanyang pinakawalan. "I love him. I don't really know, why I love him so much. Pakiramdam ko, pa-parang matagal ko na siyang kilala. But d*mn, kung sasaktan niya akong muli, kahit mahal ko pa siya hinding-hindi ko na siya papatawarin pa." naghihimagsik ang kanyang loob sa inis. "Here you are again, sa hindi mapapatawad tingge na yan. Girl, sin
"Sigurado ka na ba riyan sa desisyon mo?" Tumango si Anastasia sa tanong ng kaibigang si Carol. "Matagal ko na itong binabalak hindi ba? Kung hihintantayin ko lang ang panahon ang siyang magtama sa lahat walang mangyayari. Kailangan kong kumilos, Carol." seryosong sagot niya sa kaibigan. Nasa isang Cafe sila ng mga oras na iyon. "I will go with you." Kapwa sila napalingon sa nagsalita mula sa kanyang likuran. "Alex?" Ngumiti ito sa kanila. Tumayo siya at niyakap ang kaibigan. "Kelan ka pa dumating?" agad niyang tanong dito nang makaupo na sila. Magkatabi sila ni Alex sa upuan nasa harapan nila sa Carol. "Kani-kanina lang. Hindi na kasi ako makapag-antay na makita ka. Mabuti nalang at may concern citizen na nagsabi na narito ka raw kaya agad akong napasugod." Dahan-dahan siyang lumingon sa kinaroroonan ni Carol saka pinandilatan niya ito ng mga mata. "Girl mas mabuti na yung safe hindi ba?" palusot nito sa kanya. Napailing siya. Pagdating talaga kay Alex hinding-
Malamig na simoy ng hangin ang dumadampi sa mukha ni Vance habang nakatayo siya sa rooftop ng VM Headquarters. Sinasayaw nito ang ngayon ay mahaba-haba na niyang straight at shiny na buhok. Nitong mga nagdaang araw hindi na niya alintana ang kanyang hitsura. Long hair at may mahabang balbas. Ngunit kahit gano'n ang kanyang hitsura ay lumalabas pa rin ang angkin niyang kakisigan. He's drinking alone in the middle of the night. Nag-desisyon siyang magpalipas ng gabi sa kanyang opisina. Dahil pakiramdam niya tuluyan na siyang mawawala sa katinuan sa tuwing umuuwi sa kanyang bahay na napakalungkot. Maraming bumabagabag sa kanyang isipan. Hindi niya tuloy alam kung ano ang unahin niyang resolbahin. It's Christmas eve, but seems like he will be celebrating alone tonight.While he's in deep thoughts, nakita niya ang isang napakaliwanag na bituin sa kalawakan. Nag-iisa lamang iyon wari binabantayan siya. Mayamaya binaling niya ang kanyang tingin sa naggagandahang skyscrapers na abot-tanaw n
"Who called you, Dad?" Bigla siyang napalingon ng marinig ang baritonong boses ni Ashton sa kanyang likuran. Bahagya kasi siyang lumayo mula sa kanyang mag-ina ng sagutin ang tumawag sa kanya nang mapagtanto niya kung sino iyon. "N-Nothing son. Kaibigan ko lang na walang magawa. Nais niyang magkita kami sa ganito ng oras." pagsisinungaling niya sa anak. Kumaway siya kay Anastasia na nakatingin sa kanila mula sa kinauupuan nito sa harap ng mesa. Nasasaktan man sa ginawang pagsisinungaling niya sa kanyang anak ngunit wala siyang magawa dahil natatakot siya na malaman ito ni Anastasia. Hindi pa tamang panahon para ipagtapat niya ang lahat ng alam niya. Pagkatapos nilang panoorin ang naggagandahang fireworks display. Nagdesisyon siyang dalhin ang kanyang mag-ina sa kanyang condo malapit sa VM Building. Doon sila nagpalipas ng gabi. Nakalipas ang ilang araw. Napansin niya ang bahagyang pag-iwas ni Anastasia sa kanya. Ngunit sinasagot pa rin naman nito ang mga tawag niya. Nanati
Lumapad ang ngiti sa labi na tumayo si Vance at sinalubong ang kanyang kaibigan na kararating lang nang mahigit na yakap. "Tine! You came." usal niya. Ngumiti ang kaibigan ni Vance na si Dra. Kristine Pagaran. Galing ito sa ibang bansa. Mabuti nalang at pumayag ito nang anyayahan niya na makipagkita sa kanya ngayon upang tapusin ang lahat ng ilusyon na namuo sa isipan ni Marga. "Of course, dear. Ikaw pa ba. Malakas ka sa akin eh!" nakangiti nitong sagot sa kanya saka inalalayan niyang maupo sa katabi niyang upuan. Mayamaya, binalingan niya si Marga. "By the way, Marga. Isa siyang gynecologist. Gusto kong siya ang sumuri saiyo at mag-alaga sa'yo hanggang sa manganak ka. Si Dra. Kristine Pagaran." pakilala niya sa kaibigan kay Marga. Hindi nawala ang mga tingin ni Vance kay Marga. Nais niyang makita ang reaction nito. Kung paano ito manlumo sa ginawa niya. Mukhang tama nga ang kutob niya. Namutla ito at hindi kaagad nakasagot sa sinabi niya. "H-Hello! I'm, Marga Sevilla." m
"Hello?" bungad niya. Walang sumagot mula sa kabilang linya. "Hello?!" Halos nakaapat na niya itong binigkas ngunit wala pa ring sumasagot sa kabilang linya. Gigil na naikuyom niya ang kanyang kamao. Sino na naman kaya ang may lakas nang loob na magtrip sa kanya. "Kung hindi ka pa rin sasagot ipapa-trace ko ang number mo na'to!" sigaw niya. Ngunit sa kasamaang palad ay wala pa rin siyang narinig na sagot mula sa kabilang linya. "WHO THE H*LL ARE YOU?" pagdidiin niya sa bawat salitang kanyang binigkas. Papatayin na sana niya ang tawag nito nang may biglang nagsalita mula sa kabilang linya. "Kailangan kitang maka-usap. Kailangan nating magkita, Mr. Enriquez." mababang tono na saad nito. Nagulat siya. "Sabihin mo muna sa akin kung sino ka!" sigaw niya. "Alam kong pinapahanap mo ako." Sagot nito sa kanya. Bigla siyang natahimik. "Okay. Sabihin mo sa akin kung saan at kailan." sabi niya. "Text ko nalang saiyo. Bye!" Dahan-dahan siyang napaupo sa kanyang swivel c
Nanatiling nakabukas ang malaking gate nang makapasok ang sasakyan sa loob. Mayamaya, lumabas ang isang babae. Nakasuot ito ng puting slacks at light blue na blouse. Nang bahagya itong humarap sa gawi nila habang kinakausap ang isang bodyguard nito namukhaan na nila ito. "Alma Trinidad?..." sabay na sambit nina Vance at Tim. Nagkatinginan sila. "Siya ang may-ari ng mansion na'to?" biglang usal ni Tim. "Hindi naman ata kapani-paniwala na kaya niyang magpatayo ng ganito kalaking bahay noon. Kasi sa pagkakaalam ko hindi naman ganoon kayaman ang pamilya ni Alma. Eh, matagal na itong nakatayo bata pa ata tayo nang panahon na iyon boss." Hindi makapaniwala na saad ni Tim sa kanya. Ilang minuto lang ay may sumunod na puting Mercedes-Benz. Nakilala agad ni Vance ang plate number ng sasakyan. "Boss, mukhang tama ata ang hinala n'yo." bulong ni Tim. Kahit hindi pa ito nagsalita ay naikuyom na ni Vance ang kanyang kamao. Kahit malakas ang aircon sa loob ng kanyang sasakyan pakiramdam ni
Malalaki ang hakbang na binaybay ni Ashton ang mahabang pasilyo ng Paradise Hotel na pag-aari ng pamilya nila. Kahit late na kailangan niyang makausap ng personal ang agent na humawak sa kaso ni Julianna. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang kanyang nararamdaman, para bang pinaliguan siya ng yelo dahil kahit mga kamay niya namamanhid kaya saglit niya iyong pinag salikop. Mayamaya lang ay nakarating din siya sa lugar na pinag-usapan nila. Hindi na siya nagpaalam pa kay Amber dahil alam niyang naliligo ito. Habang naglalakad maraming staff ng Hotel ang nakakakilala sa kanya at bumati. Naabutan niya ang isang matikas ang pangangatawan na lalaki, nakatayo sa tabi ng landscape. Hindi kasi niya pwedeng papuntahin sa opisina niya rito dahil ayaw niyang makilala ito ng mga taong lihim niyang pina-imbestigahan. “Mr. Enriquez!” Bati nito sa kanya sabay lahad ng kamay. “May update kana, tama ba?” Tanong niya rito. “Positive sir! May ugnayan nga sila. Plano na rin nila ang
Kahit ilang beses nang subukan ni Amber na buksan ang pinto ng kwarto ay ayaw gumana ng card key niya. Sa pagkakaalam niya ay bukas pa sila magcheck-out. Inis na naglakad siya patungong elevator upang bumalik sa ibaba. Pagdating niya sa reception nagulat nalang siya na sinabi nitong na-upgrade raw ang kanyang kwarto. Nangunot ang kanyang noo habang inaabot ang card mula sa receptionist. Lalo itong nangunot nang mabasa ang Presidential Suit sa card. Litong-lito na humakbang siya pabalik sa elevator saka pinindot ang 45th floor. Sinong nagdala ng mga gamit niya roon? Hindi kaya si Jane? Or si…! “Oh my goodness!” Natatarantang mutawi ng kanyang bibig habang hindi mapakali sa loob ng elevator. “Huwag naman sanang tama ang nasa isipan ko, Lord.” Impit niyang dasal.Habang naglalakad sa hallway wala pa rin sa sarili si Amber. Kahit panaka-nakay namamangha siya sa kagandahan ng Hotel ngunit hindi na roon natuon ang kanyang pansin. Hindi niya mawari kung ano ang dapat isipin nang tumapat s
Napahinto sa paghakbang si Amber ng mabasa ang pangalan ni Ashton sa screen ng kanyang cellphone. Agad niya iyong tinakpan bago pa makahalata si Jane. “Ahmm, Jane mauna ka na lang sa hotel, susunod nalang ako sagutin ko lang ‘to.” Tinaas niya ang cellphone na patuloy pa rin sa pagtunog.Tumango si Jane sa kanya. “Okay, wag kang magtagal baka maabutan ka ng ulan.” malambing nitong sagot bago tumalikod.May nakita siyang cottage na walang tao doon siya nagtungo saka sinagot ang tawag ni Ashton. “Where the h*ll are you now?” Bungad na sigaw ni Ashton sa kabilang linya.Inilayo niya sa tainga ang kanyang cellphone dahil parang mababasag ang kanyang eardrum sa lakas ng boses nito. “Ano ka ba! Ba't ka ba sumisigaw ha! Pwede naman tayong mag-usap ng mahinahon ah!” Naiiritang sagot niya rito. “Bakit ka sumama sa kanya riyan? Hindi ka talaga nag-iingat, Amber. Bakit ba ang tigas ng ulo mo ha!” Unti-unting huminahon ang boses ni Ashton sa kabilang linya.Nagtaka si Amber sa narinig.
Nakatulala si Ashton habang nakatingin sa labas ng kanyang opisina. Sumasayaw ang mga puno sa labas dulot ng malakas na hangin at may kasamang malalaking patak ng ulan. Ayon sa balita may bagyo raw na parating kaya pinag-iingat ang lahat. Sa mga ganitong panahon sumasama ang kanyang pakiramdam, mas gustuhin pa niya ang mainitan sa labas kesa ganitong panahon. Nakailang salin na siya ng vodka sa kanyang baso ngunit pakiramdam niya ay walang epekto iyon sa kanya. Napatingin siya sa kanyang relo, limang minuto bago sumapit ang alas-sais ng gabi. Naghihintay pa rin siya ng call back mula kay Amber. Ilang araw na kasi mula noong dinala niya ito sa restaurant ni Julianna hindi pa rin ito nagparamdam sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit kay Jane pa ito nakipag tulungan sa imbestigasyon tungkol sa kaso ni Julianna at hindi sa kanya, wala ba itong tiwala sa kanya? Hindi niya inaasahan na pagkatapos ng lahat na meron sila naglilihim pa rin ito sa kanya. Naalala niya kung paano nawala
Dumeritso si Ashton sa opisina ni Jane sa dulong bahagi ng restaurant. Hindi niya namalayan na ang babaeng kasama ay wala sa kanyang likuran. Akmang bubuksan na niya ang pintuan ng mapansin na mag-isa lamang siya. Kumunot ang kanyang noo. Tinakasan ba siya ni Amber? Sigaw ng kanyang isipan. Muli siyang bumalik sa pinanggalingan upang hanapin ang babae, hindi pa naman siguro ito nakakalayo kung sakaling umalis man ito. Patingin-tingin siya sa paligid baka sakaling makita ito. Medyo abala pa naman ang restaurant ngayon at maraming customer na palabas at papasok. Sa dulong bahagi natanaw niya ang babaeng hinahanap, abala ito sa pagmamasid sa mga paintings na nakasabit sa dingding. Napailing na nilapitan niya ang babaeng walang pakialam sa kanyang piligid. Napansin niya na mahilig din ang dalaga sa mga obra ng mag-inang Garcia. Ilang beses na kasi niya itong nahuling nakatingin sa painting ng mga ito. Nakatayo s'ya sa likuran at ipinatong sa balikat nito ang kanan niyang kamay, ngunit par
Kinabukasan, araw ng Lunes balik trabaho na ulit si Amber. Mabigat ang kanyang pakiramdam ng bumangon s'ya kinahapunan. Nasulyapan n'ya ang alarm clock sa tabi ng kanyang higaan, alas-tres ng hapon. Alas-sais ng gabi ang pasok n'ya kaya may oras pa s'ya para maghanda. Para siyang lalagnatin dahil hindi siya nakatulog ng maayos. Litong-lito at naiinis siya kay Ashton dahil sa inasta nito sa harapan ng kanilang anak kahapon. Paika-ika siyang lumakad patungo sa maliit niyang banyo upang maghilamos. Pakiramdam niya para siyang zombie na naglalakad na walang kaluluwa. Mayamaya walang lakas na binuksan niya ang ref upang maghanap ng makain para sa kanyang tanghalian. Dismayadong napapikit na lamang siya ng walang makita sa loob ng kanyang ref kundi tubig na nasa pitsel at isang piraso ng itlog. Napahaplos s'ya sa kanyang leeg. Hindi nga pala siya naka pamalengke halos dalawang linggo na. Gutom pa naman siya dahil hindi s'ya nakapag-agahan kanina. Humakbang s'ya patungo sa mesa upang tingn
Another tiresome day para kay Ashton. It's been a week since the last time na nagkita sila ni Amber. Ang pagkikita nila sa restaurant ay naging issue sa social media kinabukasan. Hindi niya akalain na marami palang nakakuha ng videos sa kanila dahil naroon si Soleen Marasigan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin n'ya maintindihan kung bakit hindi pumayag si Amber sa hiling niya rito na kasal. Nais na niyang makatakas sa mga plano ng kanyang ina. Ano man ang tinatagong dahilan ng kanyang ina kung bakit ayaw nitong pakasalan niya si Amber ay wala na siyang pakialam. Hindi na siya bata kaya ganun kalakas ang kanyang determinasyon na mag-asawa upang mabigyan ng kumpletong pamilya ang kanyang anak.Nasa malalim na pag-iisip si Ashton ng may kumatok sa pinto ng kanyang opisina. “Come in.”Seryosong mukha ni Luis ang bumungad sa pintuan. “May dapat kang malaman.”Nakakunot ang kanyang noo. “May taong lihim na nagbukas ng imbestigasyon sa kaso ni Julianna.” balita ni Luis sa kanya. Bigla si
Bago paman bumagsak ang katawan ni Amber sa sahig ay may matipunong bisig na sumalo sa kanyang katawan. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang tingin. Nang makilala ang lalaki ay bahagya siyang ngumiti. “B-bring me home, Lucas please.” aniya sa lalaking nakayakap sa kanyang katawan. Hindi niya nakita kung paano naningkit ang mga mata ni Ashton sa galit. “Okay.”Habang nasa biyahe pauwi, unti-unting bumalik ang kanyang lakas ngunit nanatili lang siyang tahimik na nakatingin sa labas ng bintana. Parang sasabog ang kanyang utak sa daming pumapasok sa kanyang isipan. Sinabayan din ito ng pagkirot ng kanyang dibdib. Hindi mawala sa kanyang isipan ang mukha ni Ashton na kaharap ang magandang babae na iyon. “Okay kalang ba?” narinig niyang tanong ni Lucas.Tumango siya bilang tugon. “Mind if I ask?” untag nito sa abalang kaisipan niya.Nilingon niya ang lalaki saka ngumiti ng pilit. “What is it?” “Mahal mo ba ang pinsan ko?” diretsahang tanong ni Lucas sa kanya. Hindi na rin si
Parang bata na maliit si Ashton na nakatitig sa kanyang ina. Kasalukuyan siyang nasa opisina nito. Nasa kanyang harapan ang mga pictures niya kasama si Amber. Hindi n'ya talaga maintindihan kung bakit ganoon nalang ang pagtutol nito sa pakikipaglapit niya sa ina ng kanyang anak. “Ma! Please, pwede bang sabihin mo sa akin kung bakit against ka sa relasyon ko sa ina ng apo n'yo? Hindi ba't maging masaya ka sana para sa akin dahil mabibigyan ko ng buong pamilya si Ave? Pero sa ginagawa ninyo parang hindi ko na kayo kilala, e! Hindi mo ako pinalaki na maging mata-pobre.” mahaba niyang litanya. Naguguluhan na siya sa mga galaw at plano nito. Huminga ng malalim si Anastasia habang nakatitig sa anak. “Anak, para sa ikabubuti mo ang ginagawa ko dahil ayaw kitang masaktan pagdating ng araw.” seryoso niyang tugon sa anak. Biglang tumayo si Ashton. “Seryoso po kayo, Ma?” bahagyang tumaas ang kanyang boses. “Hindi ko nga maintindihan kung bakit n'yo ginagawa ito eh! Instead na tulungan