"Sigurado ka na ba riyan sa desisyon mo?" Tumango si Anastasia sa tanong ng kaibigang si Carol. "Matagal ko na itong binabalak hindi ba? Kung hihintantayin ko lang ang panahon ang siyang magtama sa lahat walang mangyayari. Kailangan kong kumilos, Carol." seryosong sagot niya sa kaibigan. Nasa isang Cafe sila ng mga oras na iyon. "I will go with you." Kapwa sila napalingon sa nagsalita mula sa kanyang likuran. "Alex?" Ngumiti ito sa kanila. Tumayo siya at niyakap ang kaibigan. "Kelan ka pa dumating?" agad niyang tanong dito nang makaupo na sila. Magkatabi sila ni Alex sa upuan nasa harapan nila sa Carol. "Kani-kanina lang. Hindi na kasi ako makapag-antay na makita ka. Mabuti nalang at may concern citizen na nagsabi na narito ka raw kaya agad akong napasugod." Dahan-dahan siyang lumingon sa kinaroroonan ni Carol saka pinandilatan niya ito ng mga mata. "Girl mas mabuti na yung safe hindi ba?" palusot nito sa kanya. Napailing siya. Pagdating talaga kay Alex hinding-
Malamig na simoy ng hangin ang dumadampi sa mukha ni Vance habang nakatayo siya sa rooftop ng VM Headquarters. Sinasayaw nito ang ngayon ay mahaba-haba na niyang straight at shiny na buhok. Nitong mga nagdaang araw hindi na niya alintana ang kanyang hitsura. Long hair at may mahabang balbas. Ngunit kahit gano'n ang kanyang hitsura ay lumalabas pa rin ang angkin niyang kakisigan. He's drinking alone in the middle of the night. Nag-desisyon siyang magpalipas ng gabi sa kanyang opisina. Dahil pakiramdam niya tuluyan na siyang mawawala sa katinuan sa tuwing umuuwi sa kanyang bahay na napakalungkot. Maraming bumabagabag sa kanyang isipan. Hindi niya tuloy alam kung ano ang unahin niyang resolbahin. It's Christmas eve, but seems like he will be celebrating alone tonight.While he's in deep thoughts, nakita niya ang isang napakaliwanag na bituin sa kalawakan. Nag-iisa lamang iyon wari binabantayan siya. Mayamaya binaling niya ang kanyang tingin sa naggagandahang skyscrapers na abot-tanaw n
"Who called you, Dad?" Bigla siyang napalingon ng marinig ang baritonong boses ni Ashton sa kanyang likuran. Bahagya kasi siyang lumayo mula sa kanyang mag-ina ng sagutin ang tumawag sa kanya nang mapagtanto niya kung sino iyon. "N-Nothing son. Kaibigan ko lang na walang magawa. Nais niyang magkita kami sa ganito ng oras." pagsisinungaling niya sa anak. Kumaway siya kay Anastasia na nakatingin sa kanila mula sa kinauupuan nito sa harap ng mesa. Nasasaktan man sa ginawang pagsisinungaling niya sa kanyang anak ngunit wala siyang magawa dahil natatakot siya na malaman ito ni Anastasia. Hindi pa tamang panahon para ipagtapat niya ang lahat ng alam niya. Pagkatapos nilang panoorin ang naggagandahang fireworks display. Nagdesisyon siyang dalhin ang kanyang mag-ina sa kanyang condo malapit sa VM Building. Doon sila nagpalipas ng gabi. Nakalipas ang ilang araw. Napansin niya ang bahagyang pag-iwas ni Anastasia sa kanya. Ngunit sinasagot pa rin naman nito ang mga tawag niya. Nanati
Lumapad ang ngiti sa labi na tumayo si Vance at sinalubong ang kanyang kaibigan na kararating lang nang mahigit na yakap. "Tine! You came." usal niya. Ngumiti ang kaibigan ni Vance na si Dra. Kristine Pagaran. Galing ito sa ibang bansa. Mabuti nalang at pumayag ito nang anyayahan niya na makipagkita sa kanya ngayon upang tapusin ang lahat ng ilusyon na namuo sa isipan ni Marga. "Of course, dear. Ikaw pa ba. Malakas ka sa akin eh!" nakangiti nitong sagot sa kanya saka inalalayan niyang maupo sa katabi niyang upuan. Mayamaya, binalingan niya si Marga. "By the way, Marga. Isa siyang gynecologist. Gusto kong siya ang sumuri saiyo at mag-alaga sa'yo hanggang sa manganak ka. Si Dra. Kristine Pagaran." pakilala niya sa kaibigan kay Marga. Hindi nawala ang mga tingin ni Vance kay Marga. Nais niyang makita ang reaction nito. Kung paano ito manlumo sa ginawa niya. Mukhang tama nga ang kutob niya. Namutla ito at hindi kaagad nakasagot sa sinabi niya. "H-Hello! I'm, Marga Sevilla." m
"Hello?" bungad niya. Walang sumagot mula sa kabilang linya. "Hello?!" Halos nakaapat na niya itong binigkas ngunit wala pa ring sumasagot sa kabilang linya. Gigil na naikuyom niya ang kanyang kamao. Sino na naman kaya ang may lakas nang loob na magtrip sa kanya. "Kung hindi ka pa rin sasagot ipapa-trace ko ang number mo na'to!" sigaw niya. Ngunit sa kasamaang palad ay wala pa rin siyang narinig na sagot mula sa kabilang linya. "WHO THE H*LL ARE YOU?" pagdidiin niya sa bawat salitang kanyang binigkas. Papatayin na sana niya ang tawag nito nang may biglang nagsalita mula sa kabilang linya. "Kailangan kitang maka-usap. Kailangan nating magkita, Mr. Enriquez." mababang tono na saad nito. Nagulat siya. "Sabihin mo muna sa akin kung sino ka!" sigaw niya. "Alam kong pinapahanap mo ako." Sagot nito sa kanya. Bigla siyang natahimik. "Okay. Sabihin mo sa akin kung saan at kailan." sabi niya. "Text ko nalang saiyo. Bye!" Dahan-dahan siyang napaupo sa kanyang swivel c
Nanatiling nakabukas ang malaking gate nang makapasok ang sasakyan sa loob. Mayamaya, lumabas ang isang babae. Nakasuot ito ng puting slacks at light blue na blouse. Nang bahagya itong humarap sa gawi nila habang kinakausap ang isang bodyguard nito namukhaan na nila ito. "Alma Trinidad?..." sabay na sambit nina Vance at Tim. Nagkatinginan sila. "Siya ang may-ari ng mansion na'to?" biglang usal ni Tim. "Hindi naman ata kapani-paniwala na kaya niyang magpatayo ng ganito kalaking bahay noon. Kasi sa pagkakaalam ko hindi naman ganoon kayaman ang pamilya ni Alma. Eh, matagal na itong nakatayo bata pa ata tayo nang panahon na iyon boss." Hindi makapaniwala na saad ni Tim sa kanya. Ilang minuto lang ay may sumunod na puting Mercedes-Benz. Nakilala agad ni Vance ang plate number ng sasakyan. "Boss, mukhang tama ata ang hinala n'yo." bulong ni Tim. Kahit hindi pa ito nagsalita ay naikuyom na ni Vance ang kanyang kamao. Kahit malakas ang aircon sa loob ng kanyang sasakyan pakiramdam ni
Muling namayani ang katahimikan sa loob ng kubo sa farm ni Vance. Ayaw atang tanggapin ng isipan niya na narinig niya mismo sa bibig ni Rita ang pagka-involve ng kanyang ama sa istorya ng magkakaibigan. Lumalabas na biktima ang ina ni Anastasia sa laro nilang magkakaibigan. Ngayon niya napatunayan na totoo ang narinig ni Tim sa iba na may ibang anak si George Trinidad at iyon ay ang ina ng kanyang anak na si Anastasia. "So involved pala talaga ang ama ko sa istoryang ito?" tanong niya kay Rita. Kaya pala pakiramdam niya maraming inlihim ang kanyang ama sa kanilang ina. Dahil sa loob ng ilang taon na magkasama ang kanyang mga magulang ramdam niyang maraming kulang sa pagsasama ng mga ito. Uminom muna ng tubig si Rita bago nagpatuloy sa pagkwento. "Hijo alam ng karamihan ang relasyon ni Alma at ng iyong ama noon. Wala sanang kasalanan ang iyong ama sa nangyari dahil nagmahal lang naman siya. Ngunit nagpadala siya sa mga panlilinlang nina Alma at Merideth. Noong nagkaroon ng press
Kampante lang habang nagmamasid sa paligid sina Vance at Tim sa loob ng El Paraiso Club. Mula nang natapos ang pag-uusap nila ni Aling Rita kanina ay sinubukan ulit niyang tawagan si Anastasia. Ngunit hanggang ngayon ay hindi nito iyon sinasagot. Mayamaya hindi na niya ito makontak. Kaya narito siya ngayon sa club na mina-manage nito baka sakaling makita niya ito rito. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Basta ng mga oras na ito blangko ang kanyang isipan. Maging ang kasama niyang si Tim ay walang imik na nagsasalin ng alak sa baso. Tumayo si Tim at diretsong umalis. Bumalik din ito kaagad ngunit malungkot ang mukha. "Nag-aaksaya lang tayo ng oras dito, boss. Matagal na raw umalis si Ms. Sevilla rito." balita ni Tim sa kanya na ikinatayo niyang bigla. Halos nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. Halos araw-araw silang nag-uusap ni Anastasia sa cellphone ngunit wala itong nabanggit sa kanya tungkol dito. Kaya ba hindi niya ito makontak? "Sino ang nakausap mo?" tanong niya ri
Matagal ng nakaalis ang kanyang anak pero nanatili pa ring nakatayo si Amber sa pintuan ng kanyang bahay. Naka ekis ang kanyang mga braso sa dibdib habang nakatingin sa kanyang bakuran. Ngayon lang niya napansin na matataas na pala ang mga halaman at damo sa paligid ng kanyang bahay. Matagal-tagal na rin kasi niyang hindi nabigyan ng pansin ito. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago pumasok muli sa kanyang kwarto.Bigla nalang sumagi sa kanyang isipan ang nakita kanina pagkatapos niyang naligo. Nasulyapan niya si Beth na nakatitig sa kanyang litrato na nakadikit sa dingding. Mukhang hindi pa ito kampante na titigan lang kundi inabot niya talaga ang frame na nakasabit. Kuha iyon noong siya ay anim na taon pa lamang. Kinunan siya ng litrato ng kanyang ama na si Ricardo habang nakatayo siya sa tabi ng carrousel. Kaarawan niya iyon. At sa araw ding iyon ay ipinagtapat sa kanya na hindi sila ang tunay niyang mga magulang. Kwento ng kanyang ina, natagpuan daw siya ng
Pagkarating ni Amber sa kanyang bahay pumasok sa kanyang isipan na tawagan si Lucas. Hindi na kasi siya nakapag paalam sa kaibigan dahil sa nagmamadaling umalis. Habang nasa biyahe siya kanina ay hindi mawala sa kanyang isipan ang boses ng babaeng tumawag sa kanya. Paano at saan nito nalaman ang kanyang number? Nung tawagan niya ito naka off na. Hindi niya alam kung totoo ba ang pinagsasabi nito or pinaglalaruan lamang siya. Pero paano nito nalaman kung saan siya naroroon. Bakit ayaw siya nitong pasamahin kay Ashton? Maraming tanong sa kanyang isipan na nais niyang malaman ang kasagutan ngunit… paano? Litong-lito na napasalampak si Amber sa kanyang higaan. Saglit siyang nawala sa isipin at nakatitig nalang sa kisame ng kanyang kwarto. Mayamaya tunog ng kanyang cellphone ang umagaw sa pagod niyang kaisipan. Gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi ng mabasa ang pangalan na rumihistro sa screen ng kanyang cellphone. “My love. How are you, baby?” Naiiyak niyang sambit. Hindi niya mapigil
“Anong ginagawa mo rito?” Sita ni Lucas kay Jane nang maabutan niya itong naghihintay sa pagdating ni Ashton. Alam niyang may binabalak itong gawin kaya todo bantay siya sa mga galaw nito simula pa kahapon. Pinandilatan siya nito ng mata. “Ano ka ba! Ikaw na nga itong tinutulungan ikaw pa may ganang manita d'yan.” Asik nito sa kanya. Napaismid si Lucas sa sinabi ng babae. “Para sa akin? O, para sa'yo! Ginamit mo pa talaga ako. Aminin mo na kasi na may gusto ka sa kanya.” Nakangiting biro niya rito. Maganda naman si Jane, pero hindi niya lang maipaliwanag kung bakit parang may parte rito na ayaw niya. Matagal na silang magkakilala since elementary days. Naalala niya noong kabataan nila na halos hindi na sila paghihiwalayin dahil kung saan siya pupunta ay nakasunod ito sa kanya. Wala naman siyang magawa kasi wala siyang naging kaibigan noon dahil sa mga isyu ng kanilang pamilya. Si Jane ang naging kasangga niya palagi sa tuwing umaalis siya ng bahay kapag naririnig niya nagtatalo a
Halos kalahating oras nang nakatitig si Amber sa kisame ng kwarto. Blangko ang utak. Nakatakip sa kanyang katawan ang malaking quilts. Pagmulat niya ng mga mata kanina mag-isa nalang siya sa malamig at tahimik na kwarto. Tanging ang tunog ng kanyang cellphone ang naririnig niya sa mga oras na iyon. Notifications, hindi lang isa kundi marami dahil sunod-sunod. Ngunit wala pa rin siya sa huwisyo na abutin at buksan ang cellphone. Hindi kasi siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanyang buhay. Ang dati tahimik kasama ang kanyang kapatid ngayon hindi na niya maintindihan kung saan patungo. Hindi lang kasi simpleng dahilan ang pag-ayaw niya na makasama si Ashton habang-buhay kundi dahil na rin sa usapan nila ng mama nito. Wala siyang alam sa dahilan ng mama ni Ashton kung bakit ayaw nito sa kanya at bakit siya nito lihim na tinutulungan para makalaya.Nakaramdam siya ng lungkot nang mapagtanto na mag-isa lang siya sa kwarto paggising niya. Iniwan siya ni Ashton. Nakailang buntong-hininga
Malalaki ang hakbang na binaybay ni Ashton ang mahabang pasilyo ng Paradise Hotel na pag-aari ng pamilya nila. Kahit late na kailangan niyang makausap ng personal ang agent na humawak sa kaso ni Julianna. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang kanyang nararamdaman, para bang pinaliguan siya ng yelo dahil kahit mga kamay niya namamanhid kaya saglit niya iyong pinag salikop. Mayamaya lang ay nakarating din siya sa lugar na pinag-usapan nila. Hindi na siya nagpaalam pa kay Amber dahil alam niyang naliligo ito. Habang naglalakad maraming staff ng Hotel ang nakakakilala sa kanya at bumati. Naabutan niya ang isang matikas ang pangangatawan na lalaki, nakatayo sa tabi ng landscape. Hindi kasi niya pwedeng papuntahin sa opisina niya rito dahil ayaw niyang makilala ito ng mga taong lihim niyang pina-imbestigahan. “Mr. Enriquez!” Bati nito sa kanya sabay lahad ng kamay. “May update kana, tama ba?” Tanong niya rito. “Positive sir! May ugnayan nga sila. Plano na rin nila ang
Kahit ilang beses nang subukan ni Amber na buksan ang pinto ng kwarto ay ayaw gumana ng card key niya. Sa pagkakaalam niya ay bukas pa sila magcheck-out. Inis na naglakad siya patungong elevator upang bumalik sa ibaba. Pagdating niya sa reception nagulat nalang siya na sinabi nitong na-upgrade raw ang kanyang kwarto. Nangunot ang kanyang noo habang inaabot ang card mula sa receptionist. Lalo itong nangunot nang mabasa ang Presidential Suit sa card. Litong-lito na humakbang siya pabalik sa elevator saka pinindot ang 45th floor. Sinong nagdala ng mga gamit niya roon? Hindi kaya si Jane? Or si…! “Oh my goodness!” Natatarantang mutawi ng kanyang bibig habang hindi mapakali sa loob ng elevator. “Huwag naman sanang tama ang nasa isipan ko, Lord.” Impit niyang dasal.Habang naglalakad sa hallway wala pa rin sa sarili si Amber. Kahit panaka-nakay namamangha siya sa kagandahan ng Hotel ngunit hindi na roon natuon ang kanyang pansin. Hindi niya mawari kung ano ang dapat isipin nang tumapat s
Napahinto sa paghakbang si Amber ng mabasa ang pangalan ni Ashton sa screen ng kanyang cellphone. Agad niya iyong tinakpan bago pa makahalata si Jane. “Ahmm, Jane mauna ka na lang sa hotel, susunod nalang ako sagutin ko lang ‘to.” Tinaas niya ang cellphone na patuloy pa rin sa pagtunog.Tumango si Jane sa kanya. “Okay, wag kang magtagal baka maabutan ka ng ulan.” malambing nitong sagot bago tumalikod.May nakita siyang cottage na walang tao doon siya nagtungo saka sinagot ang tawag ni Ashton. “Where the h*ll are you now?” Bungad na sigaw ni Ashton sa kabilang linya.Inilayo niya sa tainga ang kanyang cellphone dahil parang mababasag ang kanyang eardrum sa lakas ng boses nito. “Ano ka ba! Ba't ka ba sumisigaw ha! Pwede naman tayong mag-usap ng mahinahon ah!” Naiiritang sagot niya rito. “Bakit ka sumama sa kanya riyan? Hindi ka talaga nag-iingat, Amber. Bakit ba ang tigas ng ulo mo ha!” Unti-unting huminahon ang boses ni Ashton sa kabilang linya.Nagtaka si Amber sa narinig.
Nakatulala si Ashton habang nakatingin sa labas ng kanyang opisina. Sumasayaw ang mga puno sa labas dulot ng malakas na hangin at may kasamang malalaking patak ng ulan. Ayon sa balita may bagyo raw na parating kaya pinag-iingat ang lahat. Sa mga ganitong panahon sumasama ang kanyang pakiramdam, mas gustuhin pa niya ang mainitan sa labas kesa ganitong panahon. Nakailang salin na siya ng vodka sa kanyang baso ngunit pakiramdam niya ay walang epekto iyon sa kanya. Napatingin siya sa kanyang relo, limang minuto bago sumapit ang alas-sais ng gabi. Naghihintay pa rin siya ng call back mula kay Amber. Ilang araw na kasi mula noong dinala niya ito sa restaurant ni Julianna hindi pa rin ito nagparamdam sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit kay Jane pa ito nakipag tulungan sa imbestigasyon tungkol sa kaso ni Julianna at hindi sa kanya, wala ba itong tiwala sa kanya? Hindi niya inaasahan na pagkatapos ng lahat na meron sila naglilihim pa rin ito sa kanya. Naalala niya kung paano nawala
Dumeritso si Ashton sa opisina ni Jane sa dulong bahagi ng restaurant. Hindi niya namalayan na ang babaeng kasama ay wala sa kanyang likuran. Akmang bubuksan na niya ang pintuan ng mapansin na mag-isa lamang siya. Kumunot ang kanyang noo. Tinakasan ba siya ni Amber? Sigaw ng kanyang isipan. Muli siyang bumalik sa pinanggalingan upang hanapin ang babae, hindi pa naman siguro ito nakakalayo kung sakaling umalis man ito. Patingin-tingin siya sa paligid baka sakaling makita ito. Medyo abala pa naman ang restaurant ngayon at maraming customer na palabas at papasok. Sa dulong bahagi natanaw niya ang babaeng hinahanap, abala ito sa pagmamasid sa mga paintings na nakasabit sa dingding. Napailing na nilapitan niya ang babaeng walang pakialam sa kanyang piligid. Napansin niya na mahilig din ang dalaga sa mga obra ng mag-inang Garcia. Ilang beses na kasi niya itong nahuling nakatingin sa painting ng mga ito. Nakatayo s'ya sa likuran at ipinatong sa balikat nito ang kanan niyang kamay, ngunit par