Kampante lang habang nagmamasid sa paligid sina Vance at Tim sa loob ng El Paraiso Club. Mula nang natapos ang pag-uusap nila ni Aling Rita kanina ay sinubukan ulit niyang tawagan si Anastasia. Ngunit hanggang ngayon ay hindi nito iyon sinasagot. Mayamaya hindi na niya ito makontak. Kaya narito siya ngayon sa club na mina-manage nito baka sakaling makita niya ito rito. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Basta ng mga oras na ito blangko ang kanyang isipan. Maging ang kasama niyang si Tim ay walang imik na nagsasalin ng alak sa baso. Tumayo si Tim at diretsong umalis. Bumalik din ito kaagad ngunit malungkot ang mukha. "Nag-aaksaya lang tayo ng oras dito, boss. Matagal na raw umalis si Ms. Sevilla rito." balita ni Tim sa kanya na ikinatayo niyang bigla. Halos nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig. Halos araw-araw silang nag-uusap ni Anastasia sa cellphone ngunit wala itong nabanggit sa kanya tungkol dito. Kaya ba hindi niya ito makontak? "Sino ang nakausap mo?" tanong niya ri
"Bakit kasi ayaw mo pang tanggapin ang alok ni Alex saiyo na kasal. Umaasa ka parin talaga na bumalik sa dati ang relasyon n'yo ni Vance Enriquez? Gurl, gising. Itinago n'ya nga ang lahat saiyo tungkol sa kaso ng mama mo, tapos ngayon siya pa rin ang pipiliin mo? Alam n'ya ang totoo ngunit nagbulag-bulagan lang s'ya! Sabi n'ya pa noon lilinisin n'ya ang pangalan ng mama mo?! E, bakit hanggang ngayon wala? Tapos ngayon malalaman mo na magkasiping na pala sila ni Marga? Ano ka martir? May taong handa na mahalin ka ng buo, bakit hindi mo subukang tanggapin sa buhay mo?" mahabang sermon sa kanya ni Carol. Binisita s'ya nito sa bahay na pinundar niya ng ilang taon para sa kanila ng kanyang ina at anak maging si Joyce dito sa San Martin. Malayo sa lahat. Malayo sa kanyang magulong nakaraan. Tahimik at presko ang hangin dahil nasa dulo ito ng probinsya. Malayo sa buhay na kinalakihan n'ya sa Maraviles. Dito nakapagtanim siya ng mga pinapangarap n'ya noong mga gulay. Bumuntong-hininga mun
Nagulat si Anastasia sa tunog ng kanyang cellphone. Napakunot ang kanyang noo. Wala naman siyang in-expect na tawag mula sa iba dahil walang nakakaalam sa kanyang bagong numero kundi ang mga nalalapit niyang kaibigan na sina Joyce at Carol. Napatingin siya sa dalawa. Pinamigay ba nila ang kanyang bagong number? "May nakakaalam pa ba sa number ko aside sa inyong dalawa?" Nagtatakang tanong niya. Nagkatinginan naman sina Joyce at Carol. Ngunit saglit na natigilan si Carol kapagkuwan. "T-Teka sandali lang, gurl. Sorry, naalala ko na naibigay ko pala kay Alex noong nakaraang araw, dahil ang kulit ayaw akong tigilan." parang basang-sisiw na nakatayo si Carol sa kanyang harapan habang humihingi ng paumanhin. Umiiling na sinagot niya ang tawag. "Hello?" "Magkita tayo sa ayaw at sa gusto mo!" Sagot nang nasa kabilang linya. Napaangat ang kanyang kilay sa narinig. Diretso nitong inutusan siya? Kilala niya ang boses na iyon. Ang boses na hinding-hindi niya makakalimutan kailanman.
Malakas ang dagundong ng kanyang dibdib habang nagtatalo ang kanyang isipan kung babalik o magpapatuloy sa paglakad. Pakiramdam ni Anastasia ng mga oras na iyon nasa gitna s'ya ng hunted house dahil walang tigil ang pagtayo ng kanyang mga balahibo sa katawan. Bigla siyang huminto nang mag-desisyon ang kanyang isipan na bumalik nalang. Mabilis ang kanyang mga galaw na bumalik siya sa kanyang dinaanan. Hindi pa siya nakakalayo ng may tinig siyang narinig na nagpahinto sa kanya sa paghakbang. "Saan ka pupunta?" isang malakas na boses ang umalingawngaw mula sa kanyang likuran. Dahan-dahan siyang napapikit. Tama nga ang kanyang hinala na isa iyong patibong. Dahan-dahan siyang pumihit paharap upang lakas-loob na harapin ang mga taong may gawa niyon. Ngunit ang inaasahan niyang tao na kanyang nakaharap ay iba. "Ikaw???" gulat niyang sambit. Humalakhak ito nang tawa na parang demonyo. "Yes, my dear daughter. Namis mo ba ako?" nakangiting sagot ni Merideth sa kanya. May katabi iton
Hindi mapakali si Vance habang naghihintay sa pagbabalik ng mga pulis. Ilang minuto na ang nakalipas mula nang sumugod ang mga ito ngunit wala pa ring balita. Mabilis siyang lumabas ng sasakyan kahit na pinagbawalan siya ng mga pulis na makialam sa kanilang trabaho. Hindi siya mapapanatag hangga't hindi niya masisigurong ligtas na si Anastasia. Dahan-dahan ang kanyang galaw habang papalapit siya sa kubo na kinaroroonan ni Anastasia. "Sir, hindi kayo pwedeng lumapit doon dahil baka ma-alerto mo sila." babala ng pulis na nakakita sa kanya. Naikuyom niya ang kanyang kamao sa narinig. Ilang minuto na nilang dinala si Anastasia sa loob ng kubo ngunit maghihintay lang sila sa labas? Galit na tinitigan niya ang batang pulis sa kanyang harapan. "Kailan n'yo pa balak na pasukin ang kubo kapag may mangyari nang masama sa ina ng anak ko?" galit niyang sagot dito. Napakamot naman sa ulo ang pulis na pinagalitan niya. Dahil medyo may kalapitan na ang kinaroroonan nila sa kubo bigla siyang
Two days and two nights na ang nakalipas ay tulog pa rin si Anastasia sa loob ng private room sa hospital na pag-aari ng pamilya ni Vance. Hindi alam niya kung bakit hanggang ngayon ay tulog pa rin ito. Samantalang kakasabi lang ng Doctor na wala namang damage ang internal parts ng ulo nito. Kahit sobra siyang busy ay hindi niya pinapabayaan si Anastasia sa hospital kahit alam niyang naroon naman ang ina nito at anak nila na si Ashton na ayaw umalis sa tabi ng ina. "Dad! Gising na si Mama!" nagulat siya sa sigaw ng kanyang anak pagpasok palang niya sa loob ng kwarto. Nakita niya ang maputla at malungkot nitong mukha na nakahiga sa hospital bed. Agad siyang lumapit dito. Ngunit bago pa siya tuluyang makalapit dito ay narinig na niya ang mga sermon ng ina ni Anastasia rito. "Ang tigas-tigas ng ulo mong bata ka! Nagpakalayo-layo na nga tayo para makaiwas sa gulo pero ikaw pa itong sumasakay sa gulo. Alam mo namang hindi mapagkatiwalaan ang mga salita ni Merideth sinabayan mo pa. T
Isang maaliwalas na umaga na puno ng pag-asa. Pag-asang sana maging maayos na ang lahat. Ngunit ang tanong sa kanyang isipan kung kailan at paano niya mapalambot ang puso ng taong punong-puno nang hinanakit at poot. Alam ni Anastasia na may pagbabago ang bawat nilalang lalo na kung nanaisin nitong magbago at talikuran ang maruming kahapon. Ngunit nakasalalay ito sa ating sarili kung nais nating baguhin ang mga mali nating nagawa nang sa gayon ay mamuhay tayo ng mapayapa at may peace of mind. Habang nakaupo sa upuang nasa bakuran ng malaking Villa. Napahinga nang malalim si Anastasia habang pinapanood ang naggagandang bulaklak at paru-paro na naglalambingan sa bakuran. Ang sarap panoorin ng mga ito na para bang walang problema. Hindi siya makapaniwala na humantong sa ganito ang lahat. Ang taong nagpalaki sa kanya ay nasa kulungan at patuloy na nagmamatigas. Samantalang ang babaeng tinuturing niyang kapatid ay kinamumuhian siya dahil sa pagkakulong ng ina nito. Minsan naitanong ni Ana
Pasado alas-nuwebe nang gabi. Balisa si Anastasia sa kanyang higaan dahil hindi pa nakauwi si Vance. Nag-umpisa na siyang kabahan. Paano kung ito na ang simula ng sinasabi ni Merideth. Bulong ng isang bahagi ng kanyang isipan. Ayaw niyang mag-isip ng negatibo dahil malaki ang tiwala niya rito. Bumangon siya mula sa kama at pumasok sa banyo upang umihi. Paglabas niya mula sa banyo ay saglit siyang nag-inat-inat upang antukin. Naglakad-lakad siyang muli sa loob ng kwarto hanggang sa nakita niya ang kahon na nakapatong sa cabinet. Dahil sa curiosity noong nakaraang araw nais niya sana itong silipin kung ano ang laman. Binuhat niya ito at dinala sa malaking kama upang doon buksan. Mayamaya tumambad sa kanya ang mga lumang litrato. Inisa-isa niya iyon. Mga larawan ng ina ni Vance at mga kaibigan ng kanyang ina. Sa bandang ilalim nakita niya ang isang maliit na korona. Parang pamilyar sa kanya iyon. Sinipat-sipat niya ang bawat gilid hanggang sa nakita niya ang FEM. Kahit batang-bata pa siy